Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


"Mary Cruz?"

"Ako 'yan!" Kaagad na lumapit sa front desk ang babaeng pasyente na nasa edad kuwarenta anyos.

"High blood?" tanong ko sabay sulyap sa form ng pasyente.

"Hindi yata. Pero mabilis akong magalit. High blood na ba iyon?"

"Diabetic?" pagpapatuloy ko.

"Hindi naman. Pero sweet na tao ako."

"May allergy sa pagkain o hindi kaya ay gamot na iniinom?"

"Wala rin!"

"Okay. Upo muna kayo. Tatawagin lang kita 'pag pwede nang pumasok sa silid," pahayag ko at mabilis naman ang pagtango niya. Ipinagpatuloy ko ang pagtatawag sa iba pang mga pasyente na kasalukuyang nakaupo sa loob.

"Jose Dedios?" Nagsitinginan ang mga pasyente sa loob ng clinic sa isa't-isa. Nang napagtanto ko na wala yata ito ay nagpatuloy ako.

"Niño Santos? Jesusa Nazareno?"

Kalerke naman ng mga pangalang ito. Para akong dinalaw ni Holy Spirit. Sa dalawang taon na pagtatrabaho ko bilang clinic staff eh, today lang yata ako parang binasbasan ng kabanalan. Nang mapagtantong lagalag pa siguro ang mga tinawag na pasyente ay kinuha ko muna ang ibang files.

"Kamusta ang bakasyon mo sa beach, hija?" tanong sa akin ni Ate Eve na nakaupo sa tabi ko. Katrabaho ko siya at mas matanda sa akin ng maraming taon dahil singkuwenta anyos na siya.

"Huwag na nating pag-usapan, Ateng. Jusko. Na-trauma ako."

Nagtagpo ang dalawang kilay niya. "Bakit naman?"

Nilapag ko sa mesa ang file ni Hulyo T. Espiritu at ibinaling ang buong atensiyon kay Ate Eve na halatang sabik na naman sa chika ko.

"Napasok po ako sa bilibid."

Tumawa siya at mahina akong hinampas sa balikat.

"Ikaw talagang bata ka! Totoo ba o baka naman binibiro mo lang ako?"

"Ateng, hindi naman ako magjojoker Arroyo sa gano'n ka seryosong bagay. Minalas lang po talaga ako kaya humantong sa punto na ganoon kalalang sitwasyon."

"Bakit? Ano ba kasi ang nangyari at humantong ka pa talaga sa bilibid?"

Dahil sa pagiging kuryoso niya ay wala na akong choice kaya naman ay sinimulan na namin ang Chikahan 101. Ikuwenento ko talaga sa kanya ang buong pangyayari. Wala akong mintis sa mga detalye. Kung meron lang Best In Witness sa isang krimen eh baka nasa akin na ang korona.

Pagkatapos kong magkuwento ay inatake na ng asthma si Ate Eve dahil sa walang tigil na katatawa.

"Kaya hayun, napakamalas ko talaga," pagtatapos ko habang marahang himas-himas ang likod niya.

"Parang palagi naman yata. Kung hindi lang dahil sa'yo ay baka nagretiro na ako sa trabahong ito. Naaaliw ako sa mga nagaganap sa buhay mo."

"Naku, Ateng,  huwag naman po kayong magretiro. Sa tagal niyo rito eh, baka pagawan ka na ni Dokey ng rebolto."

Tumawa na naman siya. Bago pa man niya ako mahampas muli ay umilag na ako.

"Mabait naman si Doktor Jose. Halos perpekto na siya. Ang kulang na lang sa kanya ay mapapang-asawa. Ewan ko ba kung bakit hindi na talaga siya nakapag-asawa."

Sinundot ko siya sa tagiliran. Mukhang natusok pa yata ako ng kanyang tadyang.

"Ayiee. Baka ikaw lang ang hinihintay ni Dokey, Ateng!"

Umaalik-ik lamang siya.

"Susmaryosep kang bata ka! Eighty years old na si Doc."

"And so? Age doesn't matter sabi nga nila. Gora na, Ateng! Ayaw mo ba no'n? Libre na pagamot mo at hindi lang twenty percent discount."

Umiling lang siya at saka ay tumayo.

"Ipagpatuloy mo na nga iyang pagtatawag ng pasyente. Silipin ko lang si Doc Jose sa loob ng consultation room niya kung meron pang pasyente."

"Sige go. Baka iba silipin mo po ha," pabaon kong panunukso sa kanya. Natatawa siyang pumunta na sa may pintuan ng silid ni Doc Jose. Nakangisi ako habang ipinagpapatuloy na ang gawain.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files at pakiki-sing along sa kantang God is A Woman ni Mareng Arianna nang may isang lalaking humahangos na lumapit sa front desk. Pansin ko ang pawis na namumuo sa noo niya at ang kanyang pamumutla.

"Tinawag na ba ako?" tanong niya na hinahabol pa ang paghinga.

"Ano po ba ang pangalan niyo, sir?" Sinuri ko ulit ang mga pangalan na nasa forms.

"Judas Diabolos."

"Ay jusmiyo, kalaban. Hindi pa po. Mga pangalang pang Holy Spirit lang po ang natawag na. Baka sa susunod na life na po kayo."

Nanliit ang mga mata niya.

"Ano?"

"Charing lang! Opo muna kayo. Wet wet lang po tayo. May pasyente pa po kasi si Doc sa loob. "

"Okay. Sige." Bumagsak ang balikat niya habang kinakamot ang batok. Ilang segundo pa ay naupo na rin siya.

Ipinagpatuloy ko na ang pagtatawag sa iba pang mga pasyente. Sobrang dami rin nila. Araw kasi ng Lunes kaya siguro nagsulputan na. Alas tres ng hapon na nang matawag ko ulit si Kuya Judas Diabolos. Kaagad naman siyang nagtungo sa harapan.

"Ano po bang ipapa-check up natin, sir? Hindi niyo po kasi nilagay rito sa finill-outan niyo na form," sabi ko sabay muwestra sa form niya na nakalapag sa mesa.

"Wala kasi sa options niyo. Ipapaeksamin ko sana ang puso ko. Kumikirot kasi minsan," tugon niya na nakangisi pa.

"Naku po. Mali yata kayo ng clinic na napuntahan. ENT po ito. Eyes, Ears, Nose, Throat and Tongue lang po ang specialist dito. 'Di po kasama si Heart."

Kaagad na bumagsak ang balikat niya. Napawi rin ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Gano'n ba? Ano na ang gagawin ko ngayon?"

"Sandali lang po, ah. Tatawag po ako sa ibang department nang mailipat ko kayo. Upo ka muna sa sofa."

"Sige salamat," tugon niya na mukhang muling nabuhayan ang loob.

Nang makabalik na siya sa kinauupuan ay huminga muna ako nang malalim. Inayos ko na rin ang aking buhok at nilakihan ang ngiti. Sinimulan ko na ang pag-dial sa telepono. Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Cardio Department. How can we help?" anang mababang boses ng Johnny maylabs ko.

"Johnny, si Antoinette ito," sagot ko na pina-husky pa ang boses. Nagligpit ako ng tikwas ng buhok sa likod ng tenga.

"Uy, ikaw pala, Antoinette. May maitutulong ba ako?" aniya sa malalim na boses, kasing-lalim ng pagmamahal ko sa kanya.

Haaay. Ang santo niya talaga. Masyadong matulungin!

Nagpaikot-ikot na ako sa swivel chair habang maarteng nagtwitwirl ng iilang hibla ng buhok gamit ang kabilang kamay.

"May patient kasi rito na naligaw. May sakit sa puson."

"Ha?"

"I mean puso. May iniinda sa puso," pagwawasto ko sabay tampal sa noo.

"Okay. Send mo na lang dito. Ililista ko. Kami na ang bahala sa kanya."

"Sure! Siya nga pala—" Hindi na ako nakaawra dahil binabaan na niya ako sa kabilang linya. Bumuntong-hininga ako at napakagat sa pang-ibabang labi. Mariin akong pumikit at ni-replay button sa utak ko ang mala-tambay sa tunnel na boses ni Johnny mylabs.

Ikaw pala, Antoinette. Ikaw pala,  Antoinette. Antoinette. Antoinette.

"Hoy! Tonya, hija."

Nagising ang diwa ko at napadilat dahil sa boses ni Ate Eve.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong. Kaagad kong ibinaba ang telepono nang mapunang hawak- hawak ko pa pala ito.

"Magtawag ka na ng iba pang pasyente. Wala ng pasyente sa loob ng consultation room ni Dokey." Siguro ay napansin niya na nanatili lang akong nakatanga habang nakatitig sa kanya kaya nagpatuloy siya, "Nananaginip ka na naman yata ng gising. Si mahal mo ba ang nasa kabilang linya kanina?" usyoso niya at naupo na sa tabi ko.

"Yes po. Si mahal ko na iba naman ang mahal. Teka pala, may ini-refer pala akong pasyente sa kabilang department. Nasaan na ba 'yon?" Hinagilap ko si Judas sa loob ng clinic. Mabilis ko naman siyang nakita dahil maliwanag ang silid. Kulay puti kasi ang pinta ng kabuuan nito.

"Sir Judas Diabolos? Halika po muna," tawag ko sa kanya at mabilis niya naman akong tinungo.

"Punta po kayo sa Cardio Department. Nasa baba po nito. Second floor. Hindi niyo na ho kailangang pumila roon dahil priority po kayo. Heto po," Inabutan ko siya ng referral slip, "dalhin niyo ang papel na ito at ipakita sa mylabs ko— este sa poging nurse doon."

Walang imik niyang tinanggap ang piraso ng papel na iniabot ko. Tango lang ang naitugon niya at sumirit na siya. Sana lang ay hindi na siya magkamali at iba pa ang mapasukan.

Matapos matawag ang pinakahuling pasyente ay sinimulan ko na ang pagliligpit ng mga patient files. Inilagay ko na ang mga ito sa loob ng drawer. Mag-aalas singko na rin ng hapon, magsasara na ang clinic. Dadaan pa ako ng mall para bumili ng beauty products. Gusto kong subukan iyong sabon na pampaputi na nakita ko sa paborito kong vlogger na si MissDatu. Kailangan ko ring magbayad na ng internet. Paano ko na lang mapapanood ang mga paborito kong make-up tutorial at mga beauty tips churvaness kung maputulan ako ng internet?

"Tonya, ikaw na ang magsara ng clinic ah. Mauuna na ako," pagpapaalam ni Ate Eve na may bitbit ng bag. Ako na lang ang natira sa clinic. Nauna na rin si Dokey sa pag-uwi, marahil ay magmamajong pa kasama ang kanyang college buddies.

"Sige po. Ingat kayo."

Nang makaalis na si Ate Eve ay sinimulan ko na ang pagwawalis sa loob ng clinic. Pinatay ko na rin ang mga ilaw at lumabas na. Kinandado ko na rin ang pinto at pagkatapos ay sumakay na ng elevator.

Pagbaba ko ng gusali ay nag-abang na ako ng jeep na masasakyan sa labas. Sa bahay ng parents ko muna ako uuwi. Miss ko na rin kasi ang kumain ng lutong bahay ni Mama. Lalong-lalo na iyong special pinakbet niya na may galit yata sa hipon.

Ilang sandali pa ay may jeep na rin na huminto sa tapat ng building. Akma na sana akong sasakay nang napasulyap ulit ako sa building. Natigilan ako nang makita si Johnny na nasa lobby at mukhang papalabas na rin ng gusali.

"Ano, ma'am, sasakay ka ba o hindi?" tanong sa akin ng naiiritang binatilyong konduktor. Sa hitchura niya ay halatang inabuso ng alikabok sa daan.

"Ay hindi na lang pala. Nagbago ang isip ko. Mag-eeroplano na lang ako."

Kumunot ang kanyang noo at saka matalim akong tiningnan. Pansin ko rin ang mga bagot ng pasaherong nasa loob na nakatingin sa aming dalawa.

"Ha?"

"Wala. Ang sabi ko salamat. Larga na! Alis! Bilis!"

Bumusangot lang ang mukha niya at sinenyasan na ang drayber na paandarin ang jeep. Nang tuluyan na silang makalayo ay mabilis kong inayos ang naka-ponytail na buhok. Sinuri ko rin ang suot na puting uniform kung may mantsa ba. Inamoy ko na rin ang sarili. Ilang minuto pa ay naamoy ko na siya.

"Antoinette?"

Nagpanggap akong gulat at nilingon siya. Malaki ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Jusko. Ang kapal talaga ng kilay niya. Ang pogi talaga!

"Uy, ikaw pala, Johnny! Hindi kita napansin. Pauwi ka na rin?" Napahawi pa ako sa imaginary bangs ko habang tinitingala ang kakisigan niya.

Tumabi na siya sa kinatatayuan ko. "Oo. Wala pang jeep na dumaan?"

"Wala pa nga eh. Kanina pa ako rito. Haggardo Versosa na nga ako. Goodness!" pagdadrama ko sabay dampi ng palad sa pisngi.

Mabuti na lang talaga at nakapag-blush on ako kanina!

"Ah gano'n ba?" aniya na tila ba wala sa sarili habang may dinudukot na isang bagay sa kanyang bulsa.

Pasimple ko itong sinulyapan at nagningning ang mga mata ko nang makitang cellphone pala ang dinukot niya.

Oh my sayote! Kukunin niya ba ang number ko? O baka naman makikipag-selfie siya! Wet lang! Ano kaya ang dapat ngiti na gamitin ko? Ngiting chuchu or ngiting rawr?

"Antoinette?"

Inangat ko ang tingin mula sa cellphone niya at tinitigan na ang kanyang mukha. Napansin kong may bahid ng hiya ang hitchura niya. Medyo namumula kasi ang mga pisngi niya. Bakit ba kasi siya nahihiya pa? Hindi naman ako isang artista, maganda lang. Napalunok ako at nilagkitan ang tingin.

This is your moment, Tonya!

"Yes, Johnny?" sambit ko sa namamaos na boses. Iyong tipong parang may laman na na nakabara sa lalamunan ko.

It's your show. It's your time. It's

"May load ka ba? Makiki-text sana ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro