Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


Napasinghot ako dahil sa mabangong amoy ng kape. Samantalang pakiramdam ko ay mababasag ang ulo ko sa matinding sakit. Ramdam ko na rin ang sakit sa pwet dahil sa tigas ng inuupuan ko. Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata. Nilingap ko ang paligid. Una kong napansin ang bakal na rehas sa gilid ng inuupuan kong sementadong bleachers.

Pagtingin ko naman sa gawing kanan ko ay tumambad sa akin sa may hindi kalayuan ang isang matangkad na lalaking nakaupo rin sa bleachers. Nakasandal siya sa pader at nakadungo kaya hindi ko klaro ang kanyang mukha. Halatang wala pa siyang malay. Wala siyang pang-itaas na saplot at klarong-klaro ko ang buhangin na nakabalot sa katawan niya. Habang ang suot naman niya na pantalon ay may mga buhangin din.

Nasaan ba ako?

Iginala ko ang tingin sa harapan at nakita ang isang lalaki na abalang nagsusulat sa likod ng mesa na may nakapatong na isang tasa. Nakasuot siya ng asul na uniporme. Isang pulis! Para akong binuhusan ng mainit na tubig dahilan para magising na talaga ako.

Ano'ng ginagawa ko sa presinto? Nakapatay ba ako?

Mabilis akong napatingin sa mga kamay. Wala namang dugo! Teka, baka naman sinakal ko kaya walang dugo! Natataranta kong pinasadahan ng tingin ang buong kasuotan. Wala rin namang bahid ng dugo ang suot kong spaghetti strap na blouse maliban sa mga buhangin na nakadikit din dito pati na rin sa maong shorts ko. Tadtad din ng  buhangin ang mga binti ko. Kabado akong nag-angat ulit ng tingin.

"Ah e-excuse me p-po," garalgal na boses na pagtawag ko sa pulis.

Huminto siya sa pagsusulat,  marahang tumayo, at tiningnan ako nang maigi. May dinayal muna siya sa telepono at parang may kinakausap sa kabilang linya. Pagkatapos maibaba ang telepono ay naglakad siya patungo sa kinauupuan ko.

"Naaalala mo ba kung bakit ka nandito?" bungad niya nang nahinto na sa harapan ko. Malaki ang tiyan niya.

Sinubukan kong pigain ang memorya ko. Ilang sandali pa ay namilog ang mata ko nang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi.

" 'Yong ulo!"

Naningkit ang nga mata ni Manong Pulis. "Anong ulo ang pinagsasabi mo?" Nagkamot siya sa kanyang batok at iritado akong pinagmamasdan, "Lasing ka pa yata eh."

Mabilis ang pag-iling ko.

"Hindi po. May nakita talaga akong ulo sa buhanginan. Nagsasalita nga po eh."

Nanliit ang mga mata ni Manong Pulis. Tinitigan niya ako na parang hindi alam kung sa'n ilalagay o kung paano ako pakikitunguhan.

"Naaalala mo ba ang ginawa ninyo ng boyfriend mo kagabi?"

Kumunot ang noo ko sa kalituhan. Anong pinagsasasabi nito?

"Ho? Naku. Wala ho akong boyfriend pero minamahal po meron!"

"Kung gano'n, sino 'yan?" naguguluhan niyang tanong sabay turo sa may gilid ko. Doon ko napagtanto na ang katabi kong lalaki pala ang tinutukoy niya.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang nakadungong lalaki na kasalukuyan ay wala pa ring malay sa kabila ng nangyayaring komosyon.

"Aba'y hindi ko kilala 'yan. Ngayon ko lang siya nakita ah. Anong oras na po ba?"

Napatingin siya sa kanyang relos.
"Alas sais na ng umaga."

"Pwede na po ba akong umalis? Wala naman po akong nagawang kasalanan o krimen. So far."

Nabulabog kami at sabay na napalinga nang bigla na lang bumukas ang pinto ng istasyon. Pumasok ang isang pandak na lalaki na singkit ang mata. Mukhang intsik o hapon yata. Kaagad itong lumapit sa amin.

"Mr. Jakusi, muka wara naaarara itong daraga sa nangyari kagabi," wika ni Manong Pulis na nag-iba ang paraan ng pagsasalita.

Puna ko ang agarang pag-usbong ng iritasyon sa mukha ng intsik habang nakatingin sa akin.

"Pres ako magpapa-arara kanirang darawa. Bigra kayong pasok akin estabrisyemento wara pahinturot. Basag pa niyo darawa akin vase. Mahar!"

Napasinghap ako. Naalala ko na! Iihi sana ako kagabi. Pero may ulo. Dahil sa takot eh gusto kong kumaripas ng takbo kaya naman ay aksidente kong natabig at nabasag ang malaking vase!

"Naku! Pasensya na po kayo. Iihi lang naman sana ako sa CR niyo kaya lang po natakot ako dahil may nakita akong ulo."

Tinitigan lang ako ng hapon gamit ang mapanuring tingin. Wala siyang imik. Pasadya namang umubo ang katabi niyang si Manong Pulis. Ibinaling ko ang tingin rito.

"Hindi ka niya naiintindihan. Ibahin mo ang pagsasalita gaya ng ginawa ko kanina," anito.

Tinitigan ko pa si Manong Pulis ng ilang segundo dahil hindi ko talaga makuha ang gusto niyang ipahiwatig. Umakto siyang naniningkit ang mga mata na mistulang napuwing lang. Dahil sa ginawa niya ay nakuha ko ang mensaheng ipinaparating niya kaya naman ay pinaliit ko ang mga mata ko na parang napuwing lang at muling itinuon ang atensiyon kay Mr.Jakusi.

"Pasensya kayo. Iihi rang sana ako. Kaya rang ako takot dahir may uro."

Bumusangot ang mukha ni Mr.Jakusi at itinuro ang tulog na lalaki na katabi ko.

"Gisingin mo iyo boypren. Gusto ko rinig inyo darawa sorry."

"Hindi ko nga siya boy—" Natihil ako sa sasabihin dahil pinukol ako ng masamang tingin ni Manong Pulis. Lumunok ako at ibinaling ang atensyon sa lalaking katabi. Sa postura at ayos niya ay nagmumukha siyang pulubi. Marahan kong iniyugyog ang balikat niya para sana gisingan siya bago pa kami tuluyang matusta, ngunit ungol lang ang kanyang naitugon. Tulog na tulog ang damuho. Shuta naman!

"Ano ba? Birisan mo," untag ni Singkit.

Kinurot ko ang braso ng lalaki. Impyernes! Matigas ito ah. Mas diniinan ko pa ang pagkurot pero hindi pa rin talaga siya magising! Naku. Mukhang sinusubukan talaga ang werpa ko nito ah. Tumayo ako at pumuwesto sa harap niya. Dahan-dahan kong inilagay ang palad ko sa kanyang buhok. Kumuha ako ng limang hibla. Binilang ko talaga para sure. Mabilisan ko itong hinila hanggang sa matanggal.

"What the fuck!" Napaigtad siya sa pagkakaupo at napahilamos sa mukha. Pagkatapos ay inangat niya ang naguguluhang tingin sa amin.

"Who are you? Where am I?"

Shuta! Inglesero at mestiso si pulubi!

Pero parang iba ang kanyang accent. Who a you? Whe amay?

"You tell us. Who your name?" sansal ni Manong Pulis na trying hard ang Ingles.

"Yes! You a trespasser. You and girlfriend. What your name?" sabad naman ni Singkit.

Nakakaloka naman ang mga Inglesan ng dalawang 'to. Parang rocky road lang. Talbog-talbog.

"It's Braxton. Braxton Peters. What's going on?" kunot-noong sagot ng lalaki.

"Mr. Jakusi founding you in his private property last night ago. You trespassing with gelfren," pagpapaliwanag ni Manong Pulis na nakakagulo naman.

Pagod na hinilot ng lalaki ang kanyang sentido.

"Shit. I don't remember anything. I was too drunk. And I don't have a girlfriend."

Tumikhim ang pulis at tumingin sa akin. "May LQ ba kayong dalawa? Puro kayo tanggi sa isa't-isa, ha."

"Sinabi ko naman sa inyo! Hindi ko siya boyfriend. Ni hindi ko nga siya kilala eh. Ngayon ko lang po siya nakita."

"Pero nakita kayo ni Mr.Jakusi na magkasamang nakahiga sa buhangin sa loob ng property niya. Kaya pinatunog niya ang alarma at tinawagan kami. Naabutan nga namin kayo roon. Hindi niya kayo ginalaw. Dinala na lang namin kayo dito sa presinto para magpaliwanag. Kaso nga lang wala pa kayong malay," mahabang paliwanag ng pulis.

"Aksidente nga po ang nangyari! Iihi lang talaga ako kaya lang may ulo." Napasinghap ako sabay takip sa bibig gamit ang isang palad, "Oh my gulay! Siya 'yong ulo na nakita ko. Naaalala ko na po! Siya iyong ulo na humingi ng tulong sa akin kaya lang nataranta na ako."

Halatang hindi kumbinsido si Manong Pulis dahil inismiran niya lang ako.

"Heto na lang ang gagawin niyong dalawa. Humingi kayo ng despensa sa hapon para hindi niya na kayo kasuhan pa ng trespassing at maareglo na ito. Ayaw niyo namang lumaki pa ang gulo hindi ba?"

Mabilis ang pagtango ko bilang pagsang-ayon sa naging payo niya. Napatingin ako sa foreigner na ngayon ay nakaupo habang nakasandal sa pader. Halatang naguguluhan pa rin siya. Wala akong mapapala sa kanya kaya magsasariling sikap na lang ako. Ibinaling ko ang atensyon kay Mr. Jakusi na kasalukuyang nakakrus ang braso. Iniyuko ko ang ulo bilang pagpapakumbaba na parang isang batang paslit lang na napagalitan ng nanay.

"Pasensya, Mr. Jakusi. Hindi na mauurit taraga."

"Pano iyo boypren. Wara ba siya sasabihin?"

Pasimple kong sinitsitan si Braxton Peters mula sa kinauupuan niya at kaagad ko namang nakuha ang kanyang atensiyon.

"You need to apologize too."

Nagbuga pa siya ng malalim na buntonghininga bago nagsalita.

"I'm sorry."

Tumango lang si Mr.Jakusi na parang nasisiyahan na. Lumaki naman ang ngiti ko. Okay na. Lusot na!

"Tanggap ko inyo sorry. Pero bayaran niyo akin vase. Mahar iyon."

Jusmiyo! Napaka-demanding naman ng singkit na 'to.

"Magkano po ba?" agap ko.

"Twenty thousand."

Nanlaki ang mata ko dahil sa laki ng demand niya. Two hundred na lang kasi ang laman ng ATM ko. Muli akong napatingin sa lalaki na nakasandal pa rin at nakapikit. Foreigner naman siya kaya madatong siguro.

"Sandari rang po ah," pagpapaumanhin ko at saka mabilisang umusog papalapit sa kinauupuan ng foreigner.

"Do you have money?" bulong ko sa kanya.

Ibinuka niya ang mata at tiningnan ako. Klarong-klaro ko ang pagkaberde ng kulay nito.

"Why?"

"The Japanese said we have to pay him twenty thousand so he won't imprison us."

Tama kaya ang pagkaka-Ingles ko? Nasagot naman ito dahil sinimulan na niya ang pagkapa sa bulsa sa suot niyang jeans. Ilang sandali pa ay natagpuan na niya ang kanyang wallet at dinukot ito. Lumuwag na ang pakiramdam ko habang kinukutingkay niya ang laman nito.

Nilinga ko ang halatang inip na sa kahihintay na hapon. Nginitian ko siya at masiglang ipinakita ang approve sign gamit ang dalawang hinlalaki at muli ng ibinalik ang tingin kay Braxon Peters.

"Crap. I've only got a hundred," usal niya at saka ipinasilip sa akin ang laman ng walet niya. One hundred nga lang talaga!

"What?" Nawindang ako. Mukhang mas may datong pa ako rito eh.

"I think I'm broke. Why don't you just pay him. I'll pay you back of course," suhestiyon niya.

Napakagat labi ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha. May hitchura nga siya pero mukhang mas pobre pa yata siya kaysa sa'kin. Napabuntonghininga naman ako. Nagi-guilty na rin dahil ako lang ang may kasalanan kung bakit nabasag ang vase at hindi siya. Siguro dapat ay hindi ko na siya idamay pa.

"Alright. Fine." Tinalikuran ko na siya at mistulang robot na tinungo si Manong Pulis na nakaupo na sa harapan ng kanyang mesa.

"Pahiram po ako ng cellphone. Makiki-CR na rin po ako."

Matapos kong makapagbayad sa hapon at mapirmahan ang kasunduan namin na areglado na ang kaso ay umalis na kami pabalik ng hotel kasama ng mga kaibigan ko na isang tawag ko lang kanina ay to the rescue agad.

"Salamat talaga sa help, guys ha," wika ko nang mapaandar na ang kotse. Kaaagad kasi akong pinuntahan ng mga kaibigan ko matapos kong tumawag at humingi ng tulong. Hindi nila namalayanang pagkawala ko dahil akala rin pala nila na magkasama kaming umuwi ni Amore ng madaling araw. At akala rin ni Amore na nauna akong umuwi sa kanya. Maling akala nga naman talaga.

Nilingon ako ni Anding na nakaupo sa may front seat katabi ng nagmamaneho na si Jeshu.

"Aysus. Wala iyon, ano ka ba. Remember, 'Ang tunay na kaibigan ay Bombay'! Bakit?"

"Dahil nagpapajutang!" Magkasabay pa kaming lahat na sumagot.

Nag-ambag ambag pa talaga ang mga kaibigan ko para lang makabayad ako kay Singkit sa twenty thousand na demand niya.

"Paano makakauwi 'yong poging Australian?" tanong ni Amore na katabi kong nakaupo sa may back seat. Walang kahiya-hiya niyang kinausap talaga si Braxton Peters kanina.

"Australian ba 'yon? Kaya pala iba ang accent. Akala ko American. Anyways, problema niya na iyon. Kung hindi niya lang ako tinakot kagabi, hindi na sana nangyari 'to."

"Pero kung iisipin mo rin, hindi rin naman niya sinadya iyon. Pareho kayong lasing," sabi ni Anding na nagpatahimik sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga at hinilig ang ulo sa headrest ng sasakyan. Pumikit ako nang mariin at laking gulat ko na lang nang mukha ng Australyano ang nakita ko.

"Tingin ko in the history of Tonya's kalasingan, ito na yata ang 'di ko makakalimutan," pahayag ni Jeshu na nagpahagalpak sa grupo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro