Chapter 29
Pabalik-balik na kami ng ospital. Doon na kami nag-celebrate ng birthday ko, ng Halloween, damay na rin pati Christmas Eve. Nag-resign na rin ako sa clinic na pinagtatrabahuhan ko upang matutukan talaga si Braxton. Sa condo na niya ako halos tumira. Unti-unti na ring nanghihina ang katawan ni Braxton. Katuwang ko rin naman sa pag-aalaga sa kanya si Tita Helene. Pabalik-balik din ng Pilipinas ang kanyang ama. Hindi rin kasi nito maiwan-iwan ang kanyang trabaho.
"Aaahh . . . " ungol ni Braxton.
Mabilis kong iniwan ang itinutuping mga damit sa sala at kumaripas na ng takbo sa kanyang kuwarto. Namataan ko siya na nakaupo sa higaan habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Halatang namimilipit ito sa sakit. Kaagad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang likod niya.
"Ano'ng masakit?" natataranta kong tanong.
Pumikit siya. Pansin ko ang mga butil ng pawis na nasa noo niya.
"My stomach. My s-stomach is . . . killing me . . . "
Mabilis akong kumuha ng pain meds mula sa loob ng cabinet. Nagsalin ako ng tubig sa baso at pinainom ko na siya. Putlang-putla na ang hitchura ni Braxton.
"Do you wanna lay down on the bed?" tanong ko matapos siyang painumin.
Dahan-dahan siyang umiling. "I think I'm gonna throw up . . ."
Kalmado kong kinuha ang maliit na palanggana na inihanda ko na sa paanan ng kama niya. Itinapat ko ito sa kanyang mukha. At sa pang-limampong pagkakataon, sumuka na naman siya na may kasamang dugo. Napapikit ako at mas tinatagan pa ang loob. Ayoko'ng makita ni Braxton na dinudurog ang puso ko sa tuwing makikita siya na ganito. Pinunasan ko ng tissue ang bibig niya habang nauubo pa siya. Matapos ko siyang alalayan sa paghiga muli ay iniligpit ko na ang palanggana.
Bumalik na ako sa kanyang silid.
Inayos ko ang kumot niya. Pansin ko na nakatitig lang siya sa kisame.
"You should go . . ." utos niya sa namamaos na boses.
Naupo ako sa gilid ng kama niya. "Wala ka na bang kailangan? Babalik lang ako sa sala—"
"Go home, Tonya. Leave."
Nanigas ang buong katawan ko. Ilang minuto ko ring pinagmamasdan ang mukha niya na malaki ang ipinayat. Tumikhim ako.
"I'll just pretend na hindi kita narinig."
Mahina siyang napasinghap at tiningnan ako sa mata.
"I want you to leave me . . ." asik niya.
Tumayo ako at humalukipkip. "Magpahinga ka na. Pagod ka lang."
Mahina siyang natawa. Ngunit walang bahid ito ng tuwa.
"I'm so tired. Aren't you tired too?"
Pinakalma ko ang sarili bago tumugon.
"Kung pagod ako, sana noong una pa lang umayaw na ako. Kung pagod ako, sana noong unang buwan pa lang sumuko na ako. Pero hindi eh. Nandito pa rin ako sa harapan mo kahit ipinagtatabuyan mo na ako."
Pumikit siya nang mariin. Bumalatay sa kanyang mukha ang matinding pagsisisi.
"I'm sorry. I'm sorry for making you suffer . . ."
Mabilis akong umiling. "Hindi. Hindi mo naman ako pinahihirapan. I'm not suffering, Braxton. Why would you think that?"
"You gave up everything for me . . . I'm hopeless, Tonya . . ." Hindi niya ako magawang tingnan nang deretso. Para bang hiyang-hiya siya sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya.
"Wala akong pakealam. Nangako ako sa'yo noon hindi ba? Na dadamayan kita. Na ako ang magiging nurse mo. Kasi mahal na mahal kita, Doc Nurse . . . Mahal na mahal kita . . ."
Umuwi ako sa bahay nina Mudra upang mag-celebrate ng New Year. Kinumbinsi rin kasi ako ni Braxton dahil magkasama naman na raw kami noong Christmas kaya dapat ipagdiriwang ko raw ang bagong taon kasama ang pamilya ko. Hindi na rin ako umalma pa dahil napag-alaman ko rin na darating ang Papa niya. Kahit naman trinato na nila ako na parte na ng kanilang pamilya ay nahihiya pa rin ako. Maigi na rin ito para magkaroon naman din sila ng oras na sila lang.
"Happy New Year!!" pagbati sabay tili ni Amore. Naki-celebrate kasi ito sa amin kasama ni Kurt.
"Happy New Year!!" magkasabay naman na sigaw nina Ate at Mudra.
Napatingala na kami sa langit at pinagmasdan ang pa-fireworks ni Mayor. Nasa bakuranan kami nag-iingay. Hindi ko maiwasang maalala na naman si Braxton.
Napatalon ako sa gulat nang may tumurotot sa bandang tenga ko. Paglinga ko ay si Ate Juliette pala na nakangisi.
"Bakit ba ang lalim ng iniisip mo?"
Ngumuso ako. "Wala. Naalala ko lang na last New Year's Eve din iyong muntik na kitang paputukan."
Tumawa siya nang malakas. "Baliw! Pero muntik na kitang makalbo nun ah."
Ngumisi ako. "I love you, Te."
Ngumisi rin siya. "I love you too, bunso."
Bigla kaming natahimik. Sabay kaming ngumiwi.
"Ek! Tumaas balahibo ko . . ." wika ko.
"Ako rin! Last na 'yon ha!"aniya na niyapos ang sarili.
Nagkatinginan kami at sabay na humalakhak.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ko. Hindi pa ako dumidilat habang kinakapa kung nasaan na ang cellphone. Pati mga paa ay ginamit ko na sa pagkapa. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na rin ito sa paanan ko. Napabalikwas na ako ng bangon at dumilat. Kinuha ko ang cellphone. Tuluyan na akong nagising pagkakita ko sa caller ID. Si Tita Helene. Dali-dali ko itong sinagot.
"Tonya? Isinugod dito sa hospital si Braxton . . ."
Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad papasok ng ospital. Dumeretso na ako sa silid na sinabi ni Tita Helene sa akin. Nang marating ito ay kumatok muna ako. Wala akong narinig na tugon mula sa loob kaya pumasok na lang ako ng kusa.
Nadatnan ko sa loob si Tita Helene na tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan ang nakaratay na si Braxton. Marahan akong lumapit sa kanila.
"Tita Helene . . ."
Nilinga niya ako at kaagad na niyakap. "Tonya . . . Tonya . . ."
Hinaplos ko ang likod niya habang humihikbi siya. Siguro kung masakit ito para sa akin bilang girlfriend ni Braxton, mas doble naman ang sakit na nararamdaman ni Tita Helene bilang isang ina.
Nang medyo naging kalmado na siya ay naupo na kami sa sofa.
"What happened, Tita?"
"He was about to call you . . .Sinabi ko sa kanya na ako na ang kukuha ng phone niya. It was on the cabinet. But he insisted. He said he wanted to get his phone on his own. He said he could call his girlfriend on his own. He just fell on the floor . . ." Pumikit si Tita Helene. Batid ko ang sakit na nangibabaw sa hitchura niya.
Nahinto kami sa pag-uusap nang dumating si Doc Clint kasama ang ilang nurses. Matapos ma-check si Braxton ay naupo ang doktor sa tapat namin.
"We've got more complications. . . " intrada ng doktor.
"What do you mean?" nag-aalalang tanong ni Tita Helene.
"We've got another bone damage. As what I've told you from the start there'll be more complications. We have checked his blood. There has been an increased in protein which is really dangerous . . ."
Napaimpit ng hiyaw sa sakit si Tita Helene sa sinabi ng doktor. Hinimas ko ang balikat niya. Nagpatuloy ang doktor.
"We're checking his kidney . . ."
Kinutuban na ako. "Are you telling us . . ."
Lumamlam ang mata ni Doc Clint. "I'm afraid his cancer has progressed into stage three . . ."
"What other options have we got? What about the research you've mentioned?" sunud-sunod na tanong ni Tita Helene.
"They haven't found anything yet," malungkot na sabi ng doktor.
At tuluyan na ngang napahagulgol si Tita Helene.
"My son . . . My s-son . . ."
Matapos makausap ang doktor ay pinagmamasdan lang namin ni Tita Helene si Braxton.
"When he was a little boy, he was so full of life," nangingiting pagkukwento ng kanyang ina.
"Kaya noong napagdesisyonan niya na umalis ng Australia at magpunta ng America para doon na mag-aral, I was so sad. I even thought of not letting him go . . ."
Tumango lang ako habang patuloy lang kaming nakamasid sa nakahigang lalaki na parehas naming mahal.
"And then he became a psychologist. Eventually he became a doctor. He started helping people. He became so engrossed with work. He forgot how to enjoy . . ."
Ibinaling ni Tita Helene ang tingin niya sa akin. Puno ng hinagpis ang mga mata niya.
"Bakit ito nangyayari sa kanya, Tonya? Why to my son? Bakit ngayon na masaya na siya? Bakit ngayon na natagpuan ka na niya?"
Dahil hindi ko naman alam ang mga sagot sa katanungan niya ay niyapos ko na lamang siya.
Apat na araw na kaming namamalagi sa ospital. Sa loob ng apat na araw ay pabalik-balik din ang pagdalaw ng mga kaibigan namin ni Braxton. Kagaya na lamang nina Jeshu at Anding, Amore at Kurt, Ate Eve at Doc Jose. Pati na rin ng pamilya ko.
"Tonya . . ." mahina niyang pagtawag sa akin.
Inangat ko ng bahagya ang ulo ko na nakasampa sa paanan ni Braxton. Kaagad akong umalerto.
"May kailangan ka ba? May masakit ba?"
Umiling siya pagkatapos ay ngumiti.
"Happy anniversary."
Oo nga pala. January five na nga pala. Halos makaligtaan ko na ang petsa. Tumayo ako at hinagkan siya sa noo.
"Happy anniversary."
"I wanna go out," halos pabulong niya.
Napatingin ako sa wall clock.
"It's still 4 in the morning. Malamig pa sa labas. Saka na lang."
Marahan siyang umiling. Nakangiti pa rin.
"I wanna go now . . . Take me outside."
Napakunot-noo ako dahil sa pagmamadali niya.
"Gusto mo bang lumanghap ng sariwang hangin sa labas?"
"I wanna go somewhere . . .Take me to the mountains . . . To where we went the last time . . ." pakikiusap niya habang tinutukoy ang pinuntahan namin noon kasama ang mga kaibigan namin.
Sinuri ko muna ang mukha niya. Bakas dito ang matinding determinasyon at alam kong hindi ko na siya mapipigilan pa.
"Okay. Alright. We'll go there."
Tinawag ko na ang nurses at nagpaalam na kami sa doktor. Matapos ang matinding pangungumbinsi rito ay pinayagan naman kami. Isinakay si Braxton sa wheelchair at pumasok na kami ng sasakyan. Inihatid naman kami ng parents niya.
Isang oras din ang ibyenahe namin makarating lang sa baba ng bundok. Nang makalabas na kami ng sasakyan ay nagulat naman ako dahil nag-aabang na doon sina Ate Juliette at Mama. Bitbit nila ang mga ibon namin ni Braxton. Iniwan ko kasi ang mga ito sa bahay ni Mama upang maalagaan.
Nanginig na ang mga tuhod ko nang iniabot nila ang hawla sa akin. Tinanggap ko ito at para bang naliwanagan na ang isipan ko sa mangyayari. Itinulak ng ama ni Braxton ang wheelchair na sinasakyan ng anak malapit sa bangin. Dahan-dahan akong sumunod bitbit ang hawla.
Nang makarating doon ay inilapag ko ito sa lupa. Bago bumalik sa tabi ng sasakyan si Tito Ron ay hinalikan muna niya ang ulo ni Braxton at may ibinulong dito.
Nilinga ko naman ang pamilya ko at pamilya niya na nakamasid lang sa amin na nasa 'di kalayuan lang. Kitang-kita ko ang pagyakap ng ina niya sa kanyang ama nang makalapit ito sa kanila. Ibinalik ko ang tingin kay Braxton na tahimik lang na nakatanaw sa malayo.
"Can you do something for me, Tonya?"
Napasinghot ako upang mapigilan na ang mga luha. Mas pinatatag ko ang sarili.
"Of course! Ano iyon?"
Nilinga niya ako. Napakapayapa na ng hitchura niya. Ngumiti siya. Namutawi sa kanyang mga mata ang pagtanggap.
"Can you help me do my tenth list?"pabulong niyang pagkakasabi. Halos hipan na ng hangin.
Set the bird free.
"Oo n-naman," tugon ko sa garalgal na boses habang pilit na ngumingiti.
Kinuha ko ang hawla. Binuksan ko ito at kinuha ang ibon niya. Pagkatapos ay muli kong isinara at ibinaba sa lupa ang hawla.
Sa nanginginig na kamay ay ibinigay ko sa kanya ang ibon at maharan niya naman itong tinanggap. Tinitigan niya ito at kinausap na parang tao lang.
"Hey, Life. I'll be setting you free now. Godspeed. I'll see you on the other side . . ." Dahan-dahan niyang binitiwan ang ibon at kaagad na lumipad na si Life papalayo.
Mahina siyang bumuntong-hininga at muli akong tiningnan.
"Now, it's your turn . . ."
Nanikip ang dibdib ko. Dahan-dahan akong umiling. Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinapaatras.
"I-I don't . . . I don't want to . . ."
May namumuo na ring mga luha sa mga mata niya.
"You have to . . ."
"Hindi ko kaya . . . Hindi ko kayang bumitiw . . . Hindi ko kayang magpalaya . . ."garalgal ko. Pumiyok-piyok na ang boses ko. Hindi lang ibon ang tinutukoy ko at alam kong batid niya ito.
Naluha na rin siya. "You can and you will . . . Let Love go. Let your love for me go. Set me free."
Nang hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagpunas sa mga luhang wala namang tigil sa pag-agos ay kinuha niya ang kamay ko.
"Listen to me. Letting go of your love for me doesn't mean unloving me . . . "
Tumango ako. Kahit na masakit ay pinipilit kong tanggapin dahil alam kong tanggap na niya.
"I love you. I love you very much, Tonya. I want you to always remember that. My body might have given up. But my heart hasn't. Wherever I go, my heart will only beat for you."
Niyakap ko na siya habang umiiyak. Nang mahimasmasan na ay nagkalakas ng loob na ako na buksang muli ang hawla. Tuluyan ko ng pinalaya si Love. At kasabay ng paglipad nito, ay siya naman ang pagbitiw ni Braxton.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro