Chapter 26
Kung nakabibingi lang ang kabog ng aking dibdib ay naging bungol na siguro ako. Parang may nagkakarera kasing mga kabayo sa loob nito habang nanakbo ako sa loob ng St. Clark Hospital. Dito na ako kumaripas ng takbo matapos ipaalam ng taga lobby ng condo ni Braxton sa akin na nandito raw siya.
Sa pagiging taranta ko ay dumeretso na ako ng pasok sa loob ng Emergency Room. Nanginginig ang buo kong katawan nang makita ang pangalan ni Braxton na nakasulat sa dextrose. Marahan akong napaupo sa silya na nasa gilid niya at napayuko. Halos nanlumo na ako sa nakita ko.
Malaki ang ipinayat niya kahit na ilang linggo pa lang. Nangangayayat na ang kanyang braso. Hindi ko siya magawang tingnan sa mukha dahil sa pagkahabag. Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Diyos ko, huli na ba ako?
"B-Braxton . . . Braxton, I'm here. It's me, Tonya," wika ko sa garalgal na boses. "P-pasensya na at nahuli ako ng dating . . . I'm sorry. Mahal kita. Mahal na mahal kita . . ." Napahugulgol na ako sa kinauupuan hawak-hawak ang kamay niya.
Idinampi ko ang nangungulubot niya ng kamay sa aking pisngi.
"Patawarin mo ako kasi naduwag ako. Kasi umalis ako. Hindi na kita iiwan. Please, lumaban ka. Lumaban ka para sa ating dalawa. Mahal na mahal kita . . ." Isinubsob ko na ang mukha sa gilid ng kanyang higaan.
"Excuse me?" anang boses na nasa gilid ko.
Inangat ko ang aking mukha na alam kong basang-basa na ng luha. Bumungad sa akin ang isang Ale na nakataas ang napakanipis na kilay habang tinitingnan ako.
"Po?"
Napahawak siya sa beywang. "Sino ka? Bakit hawak-hawak mo ang kamay ng mister ko?"
Mabilis akong napalingon muli kay Braxton na nakahiga. Nawindang ako nang makitang hindi pala si Braxton itong nakaratay! Kaagad kong binitiwan ang kanyang kamay at napaigtad patayo.
"Ah eh. Pasensya na po. Wrong number—este wrong person!"
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pasimple akong muling napatingin sa dextrose. Sa naniningkit na mga mata ay binasa kong muli ang pangalan na nakalagay. Omegulay! Brandon pala ang nakalagay na pangalan at hindi Braxton! Naduling ako sa letter n!
Napakagat-labi ako sa pagkakamali na nagawa at kumaripas na palabas ng ER. Napabuga ako ng malalim na hininga nang nasa lobby na. Siguro ay magtatanong na lang ako sa Information para hindi na magkamali ulit kaya humakbang na ako papunta rito.
"Tonya?"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Kaagad na bumulaga sa paningin ko ang nakakunot-noong si Braxton. Nakatayo siya sa gilid malapit sa isang halaman. Nakasuot lamang siya ng white shirt at black jeans. Bigla akong natameme sa harapan niya. Ang buong akala ko ay nananaginip lang ako.
Pansin ko na medyo pumayat siya. Pero hindi naman sa inaakala ko o gaya na lamang noong lalaking napagkamalan ko kanina.
"Hi . . ." nasambit ko sa maliit na boses. Sa dami ng nasabi kanina sa napagkamalang lalaki, naubusan na yata ako ng sasabihin sa kanya.
Pinagmasdan niya muna ang mukha ko bago siya muling nagsalita.
"What are you doing here?"
Napakurap ako. Sinusubukan kong humagilap ng pwedeng isagot sa kanya.
"Uh. I-I . . ."
"Excuse, ma'am." Napalundag ako sa gulat sa pagsita ng isang nurse na lalaki sa akin. May itinutulak siya na isang matandang pasyente na nakasakay sa wheelchair. Saka ko pa napansin na nakaharang pala ako sa daan. Umusog ako ng kaunti sa gilid. Sa kinatatayuan ni Braxton.
Nang makadaan na sila ay muli kong ibinaling ang atensyon kay Braxton na pinagmamasdan lang ako. Halatang naghihintay pa rin sa aking isasagot.
"I was actually looking for you," deretsahan kong sabi.
Halata ko sa kanyang hitchura ang pagkabigla niya.
"Oh . . ."
Humugot ako ng malalim na hininga.
"I . . . I want to talk to you. There's something I want to—"
"Mr. Peters?" Sabay kaming napalingon sa babaeng nurse na tumawag sa kanya. Malaki ang ngiting ipinapakita nito kay Braxton. "Dr. Clint is ready for you."
Tinanguan lamang siya ni Braxton at pumasok ng muli ang babaeng nurse sa loob ng silid.
Bumuntong-hininga si Braxton at muli akong hinarap. Malungkot ang ngiting ibinigay niya sa akin.
"I should go."
Marahan ang pagtango ko. Muli siyang malungkot na ngumiti at tinalikuran na ako. Nang nagsimula na siyang humakbang papalayo ay bigla akong nakaramdam ng pangamba. Bigla akong nahatak pabalik sa pagkabata ko. Noong kauna-unahan akong nakapagbitiw ng lobo. Isang hakbang. Dalawang hakbang. Tatlong hakbang. Apat. Lima. Ani—
"Braxton!" bigla kong pagtatawag sa kanya. Ngunit nanatiling nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Bigla na lang nawala ang kabog sa dibdib ko nang lingunin niya ako. Naging payapa ang paligid sa pandinig ko.
"Mahal kita! I don't care if you're healthy or sick. Basta, mahal kita!" sambit ko na medyo napalakas ko pa yata dahil napatingin sa akin ang iilang tao na nasa lobby.
Bumalik ang kaba ko nang tinitigan niya lang ako ng ilang segundo. Wala akong nabasang emosyon sa mukha niya. Paano na lang kung wala na pala siyang pakealam sa nararamdaman ko para sa kanya? Pero siguro ay maigi na rin na nasabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Wala na akong dapat na pagsisihan pa. Nanginig ang mga labi ko habang sinusubukan kong ngumiti.
Pakiwari ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang kumurba paitaas ang sulok ng mga labi niya.
"Do you wanna come?" pag-iimbita niya.
Ngumisi na ako at nanakbo patungo sa kinatatayuan niya. Nagkatititigan kami sa isa't-isa. Marahan niyang kinuha ang isang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Pumasok na kami sa loob ng silid.
Tahimik lamang ako na nakaupo sa tabi ni Braxton habang nakikinig sa usapan nila ni Dr. Yosef Clint. Napag-alaman ko rin na simula pala noong dumating dito sa Pilipinas si Braxton ay si Dr. Clint na ang naging doktor niya.
"Basically and the good news is that it hasn't progressed, yet," pagpapatuloy ni Dr. Clint. "Do you feel any other pain?"
"Just some back pains. But seldom," tugon ni Braxton.
"Well, your result came. So far, we don't see any bone fractures or damage. Which is another good news. We just have to always monitor your blood cells."
Tumango lamang si Braxton kaya't nagpatuloy ang doktor.
"Doctor Peters, about the stem cell transplant that I suggested—"
"I don't wanna do it," pinal na sambit ni Braxton sa matigas na boses. Base sa narinig kong tono ng pananalita niya ay mukhang hindi lang ito ang unang beses na binanggit ng doktor ang tungkol sa stem cell transplant.
Napahilot sa kanyang sentido si Doc Clint. Siguro ay naiistress na sa katigas ng paninindigan ni Braxton.
"Look, you can still think about it and," napatingin ang doktor sa akin, "then really decide."
Matapos ang konsultasyon ay nagpaalam na kami at lumabas na ng ospital. Nakaupo na kami sa loob ng kanyang sasakyan nang nagsalita na ako.
"Stem cell transplant?"
Tumango siya at deretso lang ang kanyang tingin.
"As a nurse, you're probably familiar with it."
"Oo. It's part of a chemotherapy if I am not mistaken. Braxton, why don't we try it. If it can—"
Marahas siyang bumuntong-hininga at tiningnan ako.
"It's not a cure, Tonya. It's just a high dose of chemotherapy. It will only slow down the progress of cancer cells. Maybe, it's just a fifity-fifty chance or even less than that."
"Then let's take it. Kahit five percent or ten percent or twenty percent pa 'yan. Let's take that chance!" determinadong pangungumbinsi ko.
Lumamlam ang mata niya habang marahang pinalalandas ang tingin mula sa mga labi ko hanggang sa aking mga mata.
"Braxton, nasa stage one ka pa lang. There's still a chance. Let's not give up."
Inangat niya ang kamay niya at idinampi ang kanyang palad sa aking pisngi. Puno ng pagsusumamo ang mga mata niya.
"I just don't want you to get your hopes up," aniya sa mahinang boses.
Ipinatong ko ang kamay sa palad niya. Determinadong tingin naman ang isinukli ko sa kanya.
"Hindi tayo susuko. Hindi kita susukuan."
Bumuntong-hininga siya at napahilamos sa mukha gamit ang idinampi niyang palad sa pisngi ko kanina. Ibinaling niyang muli ang tingin sa harapan. Napakalayo ng tingin niya. Alam ko na kahit pisikal na naririto siya, naglalakbay naman ang kanyang isipan.
Binasag ko ang namumuong katahimikan.
"Bakit ba ayaw mong subukan?"
Nanatili siyang nakatingin lang sa kawalan. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya muling nagsalita.
"I was saying goodbye to my patient one afternoon. While walking her out of the door and then waving at her as she went inside her car, my vision blurred. I couldn't feel anything. There was this sudden numbness in me."
Pinagmamasdan ko lang ang hitchura ni Braxton habang nagkukwento ito. Alam ko na binabalikan niya ang masakit ba panahon na iyon.
"After a few days I started vomiting. I'm a doctor and so I made some research about it. I already suspected what I had. So I went back to the States for a consultation . . . Just to be sure . . ."
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito para maparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Pumikit siya. Halatang hirap na hirap siyang ungkatin ang detalyeng ito.
"I was told I have a stage one Multiple Myeloma. It's a cancer of the cells of the bone marrow. So basically it's a form of a bone marrow cancer."
Muli siyang dumilat kaya't mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Nilinga niya ako at tinitigan.
"I was told I only have sixty two months to live. Sixty two months. That's if I get lucky and if it won't progressed to stage two."
Ibinaba niya ang tingin sa aming pinagsiklop na kamay. Matagal niya pa itong pinagmasdan lang. Siguro inihahanda niya pa ang loob para makapagpatuloy.
"I thought I was gonna die right there and then. I was hurt, angry, in denial. Hopeless. I quit my job. Stayed in the States. Didn't inform my parents in Australia about my condition. I was so lost for the first few months . . ."
"But you're here now," anas ko na nagpangiti sa kanya.
"Yeah. It took me a long moment. Until one day, I was reminded by my last patient. The woman I walked out of the clinic. She had cancer too you know. She told me to live while I'm still alive. She was just eighteen years old. And it hit me. I mean if she was able to do it why can't I?" Huminga siya nang malalim, "That's why I made the bucket list. I informed my parents about my cancer. I told my mom about my decision to come here . . . and then I met you . . ."
Sabay kaming napangiti nang maalala ang una naming pagkikita.
Inihanda ko ang sarili para sa susunod na itatanong sa kanya.
"What about. . . Debbie? Did you break off the engagement because of. . .of. . ."
Malungkot siyang ngumiti.
"Oh no. I had already broken up with her months before I learned about my cancer. We weren't working out. Or perhaps on my end."
"Pero hindi mo pa rin nasagot ang tanong ko. Bakit ba ayaw mong subukan ang stem cell transplant?"
"Because I don't wanna waste even a minute of my time. I'd rather spend it with you."
"Sasamahan naman kita. Hindi ako mawawala sa tabi mo."
Bumalatay sa mukha niya ang matinding lungkot at dismaya.
"I don't wanna imprison you with me inside the hospital, Tonya. I don't wanna waste my time and do these series of treatment. I'd rather spend it with you outside rather than be trapped inside the four corners of the hospital."
Mahirap man ngunit napilitan akong tanguan siya. Alam ko na buo na talaga ang pasya niya. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang suportahan siya at manatili sa tabi niya.
"Okay. Sige. Pero hayaan mo akong damayan ka at samahan ka sa bawat check-up mo. Let me be your nurse."
Maliwanag ang ngiting isinukli niya. "Trust me. You won't be just my nurse. You'll be my medicine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro