Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Lumiban ako sa trabaho for two days. Hindi ko magawang harapin si Braxton pagkatapos noong huli naming pag-uusap. Matapos ipaalam sa akin ni Ate Eve na papasok na si Braxton ay ako naman ang nagpaalam para lumiban. Personal matter din ang naging excuse ko. Kaya naman nasabihan ako ni Ate Eve na showbiz.

Umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko na parang may sakit. First time kong ma broken hearted kaya naninibago ako. Hindi ako sanay at siyempre wala rin akong balak na masanay.

"Tonya, halika na rito sa hapag para mag-almusal," pagtawag ni Mudra sa akin.

Tumayo na ako mula sa sofa at nagtungo na sa hapagkainan.

"Ano nangyari sa mata mo, bunso? Bakit namamaga 'yan?" usyoso ni Ate Juliette. Porke wala ang asawa niya dahil nagte-training ay palagi ng namamalagi sa bahay nina Mudra. Okay sana kung tumutulong, kaya lang alam kong gusto niyang magpirmi sa bahay ng mga magulang namin para magbuhay donya.

"Wala. Nasobrahan lang sa tulog."

Umupo na ako sa tapat niya at naglagay ng kanin sa plato. Alam ko na pinagmamasdan niya ako pero hindi pa rin ako nag-angat ng tingin sa kanya.

"Umiyak ka ano? Sure ako na umiyak ka kaya huwag mo nang itanggi!"

Umiling lang ako at hindi na umimik pa. Inabala ko ang sarili sa paglalagay ng hotdog sa pinggan. 

"Akala ko ba may chance na kayo ni Johnny? Siya lang naman kasi ang nakikita kong dahilan para magkaganyan ka."

"Wala. Binasted ko na siya," walang kabuhay-buhay kong sagot bago sumubo ng kanin.

Dinig ko ang eksaherada niyang pagsinghap. "Seryoso ka ba? Bakit?"

Hindi ko na siya sinagot at kumain na lang. Mabuti na lang at bumalik na si Mudra mula sa kusina bitbit ang isang plato ng sunny side-up eggs.

"Hayaan mo na muna iyang si Tonya, Juliette," saway ni Mudra kay Ate. Matapos ilapag ang ulam sa mesa ay naupo na siya sa tabi ko.

"Fine. But it's a bad decision, bunso. Nando'n ka na eh! Abot mo na talaga si Johnny. Sayang nga lang at pinakawalan mo pa."

Nagkatinginan lang kami ni Mudra. Naibahagi ko na sa kanya ang buong istorya kagabi. Ikinuwento ko sa kanya kung bakit hindi ko sinagot si Johnny, pati na rin ang pag-basted sa akin ni Braxton. Buong pangyayari alam na ni Mama.

"Huwag na natin iyang pag-usapan. Pagkatapos nating kumain, punta tayo ng salon mo, Juliette. Magpapa-make over kami ni Tonya. Huwag na kayong mabahala sa gagastusin at treat ko ay este treat pala ng Papa niyo dahil pera niya ang gagastusin ko," saad ni Mudra.

Napangiting negosyanteng aso na si Ate.

"Sige! Bibigyan ko kayo ng fifty percent discount!"

Lumaki ang butas ng ilong ko at sinimangutan siya.

"Hindi ba pwedeng libre? Hindi mo pa kami naililibre ni Mama ah."

Nginitian niya si Mama at nang maglipat ng tingin sa akin ay inismiran niya ako.

"Alam mo, bunso, business is business. Fifty percent discount na nga 'di ba?"

Umiling lang ako at nagpatuloy na sa pag-kain.

"Manood din tayo ng sine pagkatapos. Iyong sobrang nakakatawa. Iyong tipong maiihi tayo sa kakatawa," pagpapatuloy ni Mudra.

Madramang bumuntonghininga si Ate.

"Ang swerte ni bunso. Kahit hindi naman brokenhearted dahil siya pa ang nangbasted, may pa-cheer up libre pa rin si Mudra."

Nagkatinginan kami ni Mama. "Sigurado ka na ba na papasok ka na sa trabaho bukas?" tanong niya sa akin.

"Opo. Okay na naman po ako. Saka dalawang araw na akong hindi pumapasok."

"Bakit? Hindi ka na ba nilalagnat?" sabad ni Ate Juliette. Ang nasabi ko kasi sa kanyang dahilan ng pagliban ko at pag-uwi sa bahay ay dahil sa lagnat.

"Hindi na. Magaling na ako." Imbes na sa noo ay sa dibdib ako napahawak. Mabuti na lang ay hindi niya napansin. Masyado siyang abala sa pagkagat sa kanyang tuyo.

Matapos makapag-almusal ay naligo na ako at naghanda para sa pagpunta namin sa salon ni Ate Juliette. Medyo malapit lang naman ito sa bahay. Isang sakayan lang. Nang makapagbihis na ay lumabas na ako ng kuwarto. Naghihintay na pala sina Ate at Mudra sa akin sa sala.

Sampong minuto lang ang ibiyenahe namin sakay ng jeep at nakarating na kami sa salon ni Ate Juliette. Nakabukas na rin ito at abala na ang kanyang mga empleyado sa pag-aasikaso sa mga costumer sa loob. Hindi naman kalakihan ang salon ni Ate pero masasabi ko na dinadayo talaga ito ng mga tao dahil sa maganda nitong serbisyo.

Kaagad kaming binati pagkapasok namin sa loob.

"Ate Perly, ikaw na ang bahala sa hair ni Mama ah," utos ni Ate Juliette sa empleyado niyang nasa edad kuwarenta anyos na siguro. Kasalukuyan itong nagpaplantsa ng buhok ng isang babaeng costumer.

"Sige po, ma'am. Malapit na naman akong matapos dito."

Naupo muna kami sa sofa upang maghintay.

"Bunso, gusto mo bang ako na ang maggupit sa buhok mo?" handog ni Ate Juliette.

"Mas gugustuhin ko pang maging si Sadako kaysa magpagupit sa'yo."

Kinurot niya ako sa braso. "Ang OA ha!"

Napahimas ako sa braso dahil sa kaunting hapdi. Akma ko na sana siyang hahampasin nang bigla na lamang siyang tumayo.

"Punta muna ako sa may counter. Si Mariposa na ia-assign ko sa'yo dahil siya ang pinakamagaling dito. Nang magkajowa ka na!"

Matapos itong sabihin ay nagtungo na nga siya ng counter. Naupo na rin si Mudra sa harapan ng salamin at sinimulan na ang pag-aasikaso ni Ate Perly sa kanyang buhok. Maya-maya pa ay sumunod na rin ako.

"Ano ang gusto mong hairstyle, Madam?" bungad na tanong sa akin ni Mariposa na may gigil yata sa foundation. Puting-puti kasi ang mukha. Hindi pa dinamay ang leeg.

"Gusto kong kalbuhin mo ako," seryoso kong sinabi na hindi man lang kumurap.

Kitang-kita ko sa salamin ang pamimilog ng kanyang mga mata.

"Huwag naman po kayong mag-joke, Madam! Sino ba kasi ang mapanakit na lalaking nagwasak sa inyong heart?"

Dahil sa hindi na ako nakapagsalita ay nagpatuloy ang bakla. Halos sambahin na niya ang buhok ko dahil sa eksaheradang pagkamangha.

"Sayang naman ang hair mo. Natural na natural pa naman ang ganda. At saka napakahaba na!"aniya habang sinusuklay ang buhok ko. Kulang na lang siguro ay dasalan niya ito.

"Boy cut na lang. Iyong maiksing-maiksi. Iyong katulad kina Sue Ramirez at Jessy Mendiola."

Napagmasdan ko sa harapan ng salamin ang pagtango niya.

"Okay, Madam! Kering-keri ko iyon. Babagay din sa'yo iyon dahil maliit ang feysmok mo."

Sinimulan na ni Mariposa ang pagtatrabaho sa buhok ko. Napapikit pa ako nang nagsimula ng mahulog sa sahig ang mahaba-habang hibla ng buhok na naputol na niya. Ayaw ko itong makita. Na-iimagine ko kasi na nagkakaroon ito ng mga mata at sinusumbatan nila ako. Matagal na panahon ang aming pinagsamahan. Naalala ko ang maraming shampoo at conditioner na naubos ko rito. Ang mga suklay na nasira ko noon habang sinusuklay ito. Ang ilang suyod na nakadagit ng—

Napukaw ang mentalidad ko nang may narinig na pagsinghap sa tabi ko. Dumilat ako at nilinga ng bahagya ang ulo sa pinagmulan nito.

"Antoinette, ikaw nga!" anang babae na may shoulder length na buhok.

Malaki ang ngiting ibinigay niya sa akin na para bang magkakilala kami o hindi kaya ay may masamang balak siyang umutang sa akin. Nakaupo siya sa katabing silya ko. Napansin kong sadya lang talaga niya akong nilapitan.

Ngumuso siya na anyo ng pagtatampo nang nanatili lang ang pagtitig ko sa kanya.

"Sabi ko na nga ba hindi mo na ako maaalala. Ako ito! Si Blessy! Iyong classmate mo noon sa elementary!"

Habang pinaplantsa na ni Mariposa ang buhok ko ay pinipiga ko naman ang aking memorya. Blessy? May classmate ba akong Blessy noon? Nag-imagine ako ng isang batang estudyante na nakapalda. Napailing na lang ako nang sumagi sa isip ko na may hawak itong crucifix.

Mas lalong bumusangot ang mukha ni Blessy nang maunawaang hindi ko pa rin siya naaalala.

"Ako iyong tagalista sa noisy sa klase natin! Lagi ka ngang top one sa listahan!"

Napasinghap ako. Dahil dito ay mukhang napaso pa ng plantsa ang anit ko!

Ngumiwi si Mariposa. Kung makaasta siya ay parang siya pa ang napaso.

"Huwag masyadong maggagagalaw, Madam!" saway niya.

Hindi ko siya pinansin at tuluyan na ngang nilinga si Blessy.

"Blessy Anne Marcojos?! Ikaw nga! At puwede ba forty-four sticks lang dapat iyong nasa lista mo! Dinaya mo ako sa six sticks!" sumbat ko sa kanya.

Napakunot-noo siya at halatang nag-iisip.

"Forty-four ba dapat? Ah basta! Ano ka ba? Matagal na iyon!"

"Hmm. Kunsabagay," sagot ko at umayos na ng upo at humarap nang muli sa salamin.

"Kamusta ka na pala, Blessy?"

"Heto. Bagong kasal lang last year. Babalik na rin ng Canada next month. Nurse kasi ako roon."

"Wow. Congrats pala ah."

"Thank you. Ikaw ba? 'Di ba nurse ka rin? Saan ka pala nagwo-work?"

"Sa clinic sa Quezon City."

"Ah. Cute."

Cute? Ano ako? Tuta?

Maarte siyang napasulyap sa kanyang kuko na kulay pula.
"May asawa ka na?"

Hindi ako sumagot dahilan para mapasulyap siya sa akin.

"May asawa ka na?" pag-uulit niya na may bahid na ng kaonting inis ang boses.

"Ay ako ba ang tinatanong mo?  Akala ko kasi kausap mo iyong kuko .  . .

Inirapan niya lang ako.

"Wala pa. Bente-tres anyos pa naman ako," sagot ko, hindi na magawang ngumiti pa.

"Boyfriend?"

"Wala rin."

Nanlabi siya. "Ang saklap naman. Don't worry, Antoinette. Makikita mo rin ang happiness mo."

Gusto man nitong lagyan ng simpatya ang mukha niya ay pansin ko pa rin ang bahid ng pangungutya sa likod nito.

"Actually, I'm very happy right now. I'm contented," pagtataray ko naman. Hindi yata ako makakapayag na awrahan niya!

Nagtaas siya ng isang manipis na kilay.

"Ows? Well, may kanya-kanya rin kasi tayo ng standards. And maybe, mas mataas lang iyong akin."

Sana pala talaga sinira ko na iyong garden niya noong elementary!

Upang hindi na magka-altapresyon ay hindi ko na siya sinagot pa. Nanahimik na lang ako at nagkatinginan pa kami ni Mariposa sa salamin. Batid ko na alam din niya ang nasa isip ko.

"Tralala! Done na, Madam! Ganda ka ghorl. Bagay na bagay sa'yo ang new look mo, Madam!" tili ni Mariposa nang matapos na.

Pinagmasdan ko ang mukha sa salamin. Tama nga siya. Bumagay nga sa mukha ko ang new look. Mukha akong isang matapang at palaban na babae. Classy pa akong tingnan sa napakaiksi kong buhok. Kaagad na nae-emphasize ang mahaba kong leeg. Pak na pak!

Tiyak na magsisisi si Doc Nurse sa pag-basted niya sa akin! Napatampal ako sa inner self ko. Bakit ko ba naiisip si Braxton? Ginagawa ko ito para sa sarili ko at hindi para sa kanya o kung sino man. Naka-move on ka na, Tonya!

Tumayo na ako at umawra sa harap ng salamin. Narinig ko ang pasadyang pag-ubo ni Blessy na naupong muli sa silya sa gilid ko.

"Pa-cut din ako ng hair. Gusto ko ng ganyang style," walang katrapik-trapik na utos niya kay Mariposa.

Ginulo ko ang buhok ko na parang nasa commercial lang sa TV at plastik na palakaibigang tinapik si Blessy sa kanyang balikat.

"Naku, classmate. May kanya-kanya tayong standard. At hindi porket bagay sa akin, eh bagay na rin sa'yo."

Bumagsak ang panga niya at tuluyan na ngang tumalim ang kanyang tingin.

Napa-evil laugh naman ako sa inner self. Haha!

Tinalikuran ko na siya at tinungo na si Mudra na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Tapos na rin siya at talaga namang unat na unat na ang kanyang buhok.

Nang makalapit ako sa kanya ay iniabot naman niya ang cellphone sa akin. Malungkot ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ako. Napahawak tuloy ako sa aking ulo.

"Bakit po, Ma? Hindi ba bagay sa akin ang new look ko?"

Patuloy lang ang pagtitig niya sa mukha ko. Para bang pinag-aaralan niya ito.

"Ma? May problema po ba? Saka, bakit niyo po hawak kanina itong cellphone ko?"

"Kanina pa kasi iyan nagri-ring kaya sinagot ko na."

"Okay. Sino po ba ang tumawag?"

"Iyong kasamahan mong nurse sa clinic. Si Eve. Nak, nag-resign na raw si Braxton."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro