Chapter 19
"Pag-iisipan mo pa? Pag-iisipan mo pa? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Amore sa akin.
"Paulit-ulit talaga, Vakla?"
"Gaga! Pajulit-julitin ko talaga! Hindi pa ba sapat ang thirteen years mo na paghihintay sa atensyon ni Johnny? At ngayon na inihain na niya at isusubo mo lang umaarte ka pa? " bulyaw sa akin ni Amore.
Kung hindi ko lang siya kaibigan eh baka ipinagulong ko na siya pababa ng hagdanan ng boarding house ko.
"Totoo naman kasi! Gusto ko munang pag-isipan. Hindi ba tama iyon? Ayoko namang magpadalos-dalos lang sa pagdedesisyon."
Naupo sa tabi ko si Anding na kanina pa tahimik lang na nagmamasid sa may sulok. Ginawaran niya ako ng pinaghalong koryoso at mapagdudang tingin.
"Tapatin mo nga ako, Tonya. Ikaw ba, wala ka na bang nararamdaman para riyan kay Johnny mylabs mo?"
Nagbaba ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa sahig. Nakalimutan ko pa yatang mag-mop ah.
Bumuntonghininga ako at pagod na nag-angat ng tingin sa kaibigan kong nag-aabang ng sagot.
"Hindi naman sa gano'n. Siguro naman may gusto pa rin ako sa kanya."
Natahimik silang dalawa. Umupo na rin sa gawing kanan ko si Amore.
"Dehens ka na sure beh? Trulalo?" tanong ni Amore.
"Hindi ko alam. Paano kung hindi pa siya naka move-on sa ex niyang si Jasmine?" pangangatwiran ko habang tinititigan si Amore.
"Eh what if makahanap na naman siya ng ibang girlalo? Keribells mo ba ang masawi ulit?"
"Hindi ko alam," sagot ko. Huli na nang mapagtanto na parang paulit-ulit lang ang naging sagot ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Tuluyan ka nang nahulog sa doktor na iyon," ani Anding.
Mabilis ang naging pag-iling ko.
"Hindi ah. A-no ba iyang nahuhulog na pinagsasabi ninyo?"
"Lord gracious! Trulalo, beh?" sabad naman ni Amore na madramang napatayo pa.
"Ano ba! Walang kinalaman si Doc Nurse dito. Sarili ko 'tong isipan. Sarili ko itong damdamin, " matigas na paninindigan ko.
Tinaasan lamang ako ng kilay ng dalawa. Pilit nilang ipinapakita sa akin na hindi talaga sila kumbinsido.
"Sige na umuwi na kayo. Gabi na. Salamat sa pag-rescue at pakikinig," sambit ko na lang na pinagtatabuyan na sila. Ngunit hindi nagpatinag ang dalawa.
"Okies. Magka-clubbing tayo ngayong Friday night. Imbitahan mo si Johnny para naman masiguro mo na iyang feelings mo para sa kanya. Nakakaloka ka." Matapos itong sabihin ni Amore ay umalis na silang dalawa ni Anding. Naiwan naman akong mas naguguluhan pa sa sarili.
Hihiga na sana ako sa kama nang bigla na lang sumagi sa isipan ko ang i-chat si Braxton. Gusto kong malaman ang opinyon niya. Kahit naman papaano eh binibigyan ko talaga ng halaga ang mga opinyon niya. Lalong-lalo na ang kanyang mga book worthy na payo.
Marahan kong kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan at nagtipa na ng mensahe para sa kanya. Matapos mai-send ang message ay naghintay na lang ako sa pagsagot niya. Hindi kaya siya busy sa personal matter niya? Baka makaistorbo pa ako sa kanya. Bahala na nga siya kung babasahin niya o hindi. Binsa ko ulit ang nisend ko na message sa kanya.
Johnny asked me to be his girlfriend.
Isang minuto pa lang ang nakalipas nang na-send ang message ay biglang tumunog ang ringtone ko. Isang unknown number ang nakadisplay sa screen na tumatawag.
Dali-dali ko itong sinagot.
"Did you say yes?" anang kabilang linya na boses ng isang lalaki.
"Ha? Sino 'to?"
"Sorry. It's me. Braxton."
Humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa cellphone.
"Oh. Kamusta ka pala?"
"I'm good. So, did you say yes to him?"
Napakusot ako sa mata. Hindi muna ako nakasagot.
"Tonya?"
"No. Well, not yet. I told him I'll think about it," sabi ko.
Dinig ko ang paghinga niya nang malalim. Ilang minuto pa bago siya muling nagsalita.
"Alright."
Pumikit ako nang mariin. Nagdadalawang isip sa susunod na itatanong. At bakit 'alright' lang ang sagot niya? Nasaan na iyong mga pabaon niyang words of wisdom?
"Should I say. . .yes?"
Ilang segundo pa siyang tahimik sa kabilang linya. Ang buong akala ko nga ay hindi na siya sasagot o hindi kaya ay nakatulog na.
"Do you want to?" deretsahan niyang tanong. Base sa tono ng pananalita niya ay para bang pati siya natatakot sa magiging sagot ko.
"I guess so," sagot ko na parang tanong naman ang naging tono.
"Then go for it. This is what you've been waiting for, right?" Unti-unti ng pumapaos ang boses niya.
Tumango lang ako kahit hindi niya naman nakikita.
"I'm happy for you, Tonya," pahayag niya bago maputol ang tawag.
Bakit ganoon? Bakit kahit sinabi niyang happy siya para sa akin, lungkot naman ang naramdaman ko sa timbre ng boses niya? Bakit imbes na matuwa dahil naliwanagan na ako sa sinabi niya parang may kung anong kirot sa puso ko na hindi ko maintindhan kung saan nanggagaling?
Kinabukasan habang nagdu-duty na sa clinic ay tulala ako na nakaupo sa swivel chair at nakapangulimbaba habang nakatukod ang siko sa mesa. Malapit ko ng mabutasan ang chart ng pasyente dahil sa paraan ng pagtitig ko rito.
"Earth to Tonya!" pagpukaw ni Ate Eve sa akin. Sinabayan niya pa ito ng pagkaway sa harapan ng mukha ko mismo.
"Po?" Napakurap ako at napaayos ng upo.
"Ang sabi ko, hindi mo ba ilalagay iyang mga bulaklak na bigay sa'yo ni Johnny sa loob ng vase. At baka malanta. Sayang naman."
"Opo, Ateng. Ilalagay ko na po." Kinuha ko na ang bouquet ng rosas na nakapatong sa ibabaw ng cabinet.
Tatalikuran ko na sana siya upang magtungo sa kitchenette ng clinic nang muli ko siyang hinarap dahil sa bumabagabag sa isipan ko kanina pa. "Tatlong araw na po yatang hindi pumapasok si Braxton. Wala po ba siyang nasabi sa inyo o kay Dokey?"
"Ay oo. Tumawag siya kahapon. Nakaalis ka na kasi kaya hindi mo naabutan. Ang sabi niya, dumating daw kasi nang biglaan dito sa Pilipinas ang ina niya. Baka nag-bonding sila. Iyon siguro ang personal matter."
"Ah. Ganoon po ba. Sige po."
"Tonya?"
"Po?"
"Kinamusta ka rin ni Brax. Sinabi ko sa kanya na abala ka rin dahil sa panliligaw ni Johnny."
"A-no pong sabi niya?"
Ngumiti si Ate Eve pero kabaligtaran nito ang lungkot na ipinapakita ng kanyang mga mata.
"Sabi niya masaya siya para sa'yo."
Tumango ako at tinalikuran na si Ate Eve.
Inilagay ko na sa vase ang mga rosas na bigay sa akin ni Johnny. Siya pa talaga mismo ang naghatid nito sa clinic kaninang umaga.
Napasulyap ako sa relos na suot. Malapit na pa lang mag-alas dose ng tanghali. Sabi ni Johnny sa akin na susunduin niya raw ako dito para sabay na kaming mananghalian.
Bumalik na ako sa front desk at talaga namang bumungad sa akin si Johnny na kinakausap ni Ate Eve. Ngumiti siya nang makita ako. Hinintay ko naman na lumundag ang puso ko na karaniwang nangyayari kapag napapansin niya ako ngunit nadismaya ako dahil ni sipa, wala akong naramdaman.
"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Johnny.
"Oo. Ikaw? Ready ka na ba?"
"Oo. Handa na ako."
"Nasaan na pala iyong mga bulaklak na ibinigay ko sa iyo?" sabi niya sabay suyod ng tingin sa buong front desk.
Napatampal ako sa noo.
"Naku! Naiwan ko sa kusina. Inilagay ko kasi iyon sa vase. Sandali lang at kukunin ko—"
"Ako na ang kukuha, Tonya. Sige na. Umalis na kayo. Happy eating!" agap ni Ate Eve na halatang kalalabas lang mula sa silid ni Doc.
Nang makapagpaalam kay Ate Eve ay umalis na kami ni Johnny.
"Naaalala mo ba noong mga bata pa tayo? Iyong nahulog ang timba ko sa balon tapos sinisid mo?" masigla kong tanong kay Johnny habang hinihintay namin na dumating ang in-order na pagkain. Ayoko namang magka-dead air. Ang awkward kaya no'n.
Tumingala siya sa kisame at halatang pinipiga ang kanyang memorya. Nang magbaba siya ng tingin ay nagtagpo ang kanyang kilay.
"Alin do'n? Pasensya na. Hindi ko na maalala. Ang tagal na kasi no'n."
"Ah. Okay lang," sabi ko at pilit siyang nginitian kahit na medyo dismayado ako.
Nakabibingi ang katahimikan kaya naman nag-isip ako ng mapag-uusapan.
"Nasubukan mo na bang magsabi ng I love you sa mga taong hindi mo kilala?"
Natawa siya. "Siyempre hindi. Antoinette, baliw na siguro ako kapag ginawa ko 'yon."
Ay. So baliw kami ni Johnny?
Another awkward silence.
"Mahilig ka bang mag-mountain climbing, Johnny?"
Mahina ang pag-iling niya at pintas ba iyong nakikita ko sa mga mata niya?
"Hindi eh. Pero nag-eexercise naman ako sa gym. Alam mo bang marami kang pwedeng makuhang sakit sa kagubatan?"
Pero hindi ka naman makakakuha ng sariwang hangin sa gym. Amoy pawis lang!
Napailing na lang ako sa sarili ko. Ano ba itong iniisip ko? Bakit ko ba kinokontra ang mga sinasabi ni Johnny?
Napa-Thank you Lord na lang ako nang dumating na ang aming pagkain. Pinuno ko ng pagkain ang bibig ko at hindi na muling nagsalita. At baka mabara na naman ako.
Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa loob ng ospital. Habang naglalakad papasok ng lobby ay bigla ko namang naalala ang sinabi ni Amore.
"Johnny, free ka ba ngayong Biyernes ng gabi?"
"Oo naman. Bakit?"
"Nagyaya kasi si Amore na mag-clubbing. Gusto mo bang sumama?"
"Sige ba," aniya.
"Sige."
"Hindi na talaga ako makapaghintay na maging girlfriend ka," bigla niyang nasambit.
Nahinto kami sa paglalakad. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito.
"Hindi naman sa minamadali kita, Antoinette. Kaya ko namang maghintay. Pakiramdam ko kasi ikaw na ang tamang babae para sa akin."
Napalinga ako sa paligid. Mistulan kasi kaming nagshoshoot ng pelikula. May nakita pa akong nurses na tinitingnan kami at parang nagchichika.
Muli kong ibinaling ang atensiyon sa kaharap na si Johnny.
"Pasensya ka na. Alam ko naman na sinabi ko sa'yo na gusto rin kita. Tapos ngayon, pinapahintay pa kita."
Matamis ang ngiti niya at tinititigan ako sa namumungay na mga mata.
"Wala sa akin iyon. Handa naman akong maghintay sa'yo."
"Salamat. Gusto ko lang kasing kilalanin ka pa talaga. Kilala kita noon, pero gusto ko namang mas kilalanin ka ngayon."
Nginitian niya ako at binitawan na ang kamay ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hindi na ako nagpahatid pa kay Johnny sa clinic dahil nahihiya na ako. At saka hindi niya naman ako kailangang ihatid pa dahil hindi ako maliligaw. Okay naman sa kanya ang pagtanggi ko.
Kaagad akong sinalubong ng malaking ngiti ni Ate Eve pagpasok ko pa lang ng clinic.
"Kamusta ang masarap na pagkain na inyong pinagsaluhang dalawa ni Johnny?"
Suminghot ako at naupo sa tabi niya.
"Hayon. Maalat po."
"Ha? Ano'ng maalat?"
"Ang adobo na inorder ko po. Maalat. May galit yata sa toyo iyong nagluto."
Binusangot ni Ate Eve ang kanyang mukha.
"Akala ko naman kung alin ang maalat. Siyanga pala. Tumawag kanina si Brax."
Mabilis pa sa kidlat ang pagbaling ko ng tingin kay Ate Eve.
"Talaga ho? Ano po ang sinabi niya? Kailan daw po siya papasok? Bukas na raw po ba?"
Bumagsak ang panga ni Ate Eve. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa naging reaksyon ko. Kumurap muna siya bago nakapagsalita.
"Uh . . .Oo. Nangumusta lang siya sa clinic. Sabi niya, ii-extend daw niya ang pagliban niya sa trabaho. Siguro ay hindi pa niya nailibot ang ina niya sa buong Pilipinas kaya kailangan pa niya ng dagdag na panahon."
"Bakit niya naman po ililibot ang ina niya sa buong Pilipinas eh Pinay naman po iyon?"
Napaisip si Ate Eve sa sinabi ko habang hinihimas ang kanyang siko.
"Hmm. Kunsabagay. Malay mo naman, baka nalimutan na niya ang hitchura ng ating bansa. Sa tagal ba naman nilang naninirahan sa Australia. Gusto niyang ma-refresh."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo, hija. Huwag mo ng iisipin si Braxton. Focus ka na lang sa kilig moments ninyo ni Johnny."
"Opo."
Tumayo siya at marahan akong tinapik sa balikat.
"Pero kung sino man ang mamahalin mo, lagi mong tatandaan na susuportahan pa rin kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro