Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16


Nagising ako sa ingay ng ringtone ko. Nakapikit pa ako na kinakapa sa higaan ang cellphone. Ilang sandali pa ay nakapa ko na ito at binuksan. Si Anding pala ang tumatawag sa alas-sais ng umaga.

"Bibisita ka ba rito at magdadala ng pang-almusal? Kung hindi huwag mo na akong tatawagan," bungad ko.

"Naka-online ka ba sa Facebook?"

"Paano naman ako makaka-online sa Facebook eh tulog pa nga ako. Kanina pala iyon kasi nga ginising mo."

"Mag-online ka ngayon," utos niya, sadyang inignora ang naging pasaring ko. 

"Wow ha! Bakit ba kasi? Huwag mong sabihin na may ipapa-like ka na namang picture ng pamangkin mo para sa contest."

"Wala. Sa susunod na buwan pa. Open mo fb tapos punta ka sa timeline ni Johnny."

Napadilat ako at naging alerto nang marinig ang pangalan niya. "Bakit?"

"Basta. Tingnan mo," aniya at pinatayan na ako.

Bumangon na ako at naupo na lamang sa kama. Binuksan ko ang facebook at binisita ang timeline ni Johnny. Unang kumuha ng atensiyon ko ang profile picture niya. Solo pic niya na lang kasi ito. Binasa ko rin ang status niya at nagulantang ako nang naging single na ang nakalagay rito.

Para maging sigurado ay binisita ko na rin ang profile ni Jasmine. Nabigla ako nang makita na kulay itim ang profile picture niya. Confirm! Naghiwalay na nga sila!

"Tonya, hija. Hindi ka pa ba nabubusog?" paggambala ni Ate Eve sa'kin.

"Ho? Bakit naman?"

"Eh kanina mo pa kasi kinakagat iyang kuko mo sa daliri. Ano ba ang pinoproblema mo? Bakit parang balisa ka?"

"Ah eh wala ho. Si Braxton nga pala, Ateng?" tanong ko. Kanina ko pa napapansin na hindi pa ito dumarating. Mag-aalas diyes na ng umaga.

"Liliban daw siya ngayon. Masama ang pakiramdam. Pansin ko nga nang tumawag siya medyo mahina ang boses. Trinangkaso raw."

"Ah gano'n po ba."

"Ang mabuti pa bisitahin mo siya mamayang hapon. Baka kasi napano na iyon eh siya lang mag-isa sa condo. Sinabihan ko naman na magpacheck-up, sabi niya naman hindi na raw kailangan."

"Kayo na lang po ang bumisita sa kanya, Ateng."

"Ikaw na lang. Close naman na kayo. Saka tinuturuan ka niyang lumangoy hindi ba? Bakit ba ayaw mo? Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman po. Hay. Sige na po. Bibisitahin ko siya mamaya."

"Sige sige. Balik na ako sa loob ng silid ni Doc."

Pinagpatuloy ko ang pagtratrabaho. Pansin ko rin ang pagkawala ng presensya ni Braxton. Wala na kasing nang-aasar at nangingialam sa akin. Gusto ko pa naman sana siyang kausapin tungkol kay Johnny. Siguro saka na lang pagpunta ko sa condo niya.

Matapos ang shift ay nagpaalam na ako kay Ate Eve. Plano kong umuwi na muna ng boarding house nang makapagpalit ng damit bago pumunta sa condo unit ni Braxton.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aabang ng jeep na masasakyan nang bigla na lang may kumilabit sa akin sa likod.

"Johnny! Ikaw pala," bulalas ko.

"Oo. Pauwi ka na rin?"

"Oo. Ikaw ba?"

"Dadaan pa ako kina Ate Ruth."

"Kung gano'n dito na pala sa Quezon City nakatira ang Ate mo?"

"Oo. Taga rito rin kasi ang napang-asawa niya. May anak na nga sila. Iyon nga iyong pupuntahan ko ngayon. Nagpapatulong kasi sa alaga niyang ibon."

"Nag-aalaga rin siya ng ibon? May alaga rin kasi ako."

"Talaga?" mangha niyang tanong.
"Oo. Teka, ano bang problema ng ibon niya?"

"Hindi kasi kumakain. Nag-aalala nga ang pamangkin ko at baka mamatay."

"Madali lang iyan.  Sabihan mo na habang pinapakain niya ang ibon, kausapin din niya na parang kaibigan lang. Sensitive din kasi ang mga ibon. May feelings din sila." pagpapayo ko na-copypasted si Braxton.

Tiningnan lang ni Johnny ang mukha ko.

Dahil sa naiilang ako ay napahawak ako rito. "May dumi ba ako sa mukha?"

Ngumiti siya. "Wala. Nagulat lang ako. Ngayon lang kasi ako nakarinig mula sa isang babae na very compassionate pagdating sa mga hayop. Magandang katangian iyan."

"Ah. Gano'n ba." Uminit na ang pisngi ko.

Napakamot siya sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti.

"Tonya . . . tungkol nga pala sa sinabi mo noon na . . .alam mo iyon . . ."

"Iyong sinabi ko bago ako himatayin? Na mahal kita? Aysus. Kalimutan mo na iyon. Hindi mo naman obligasyon na magustuhan ako pabalik," sambit ko na kalmado. Ni hindi nga ako makapaniwala sa sarili ko.

Patuloy lang niya akong pinagmamasdan kaya't nag-iwas na ako ng tingin. Itinuon ko na lang ito sa kalsada.

"Kamusta na pala kayo ni Jasmine?" bigla ko na lang naitanong. Nakurot ko pa ang sarili dahil nakalimutan kong wala na pala sila.

Mahina niyang pinatid ang bato na nasa lupa.

"Wala na kami. Siguro nga hindi kami ang para sa isa't-isa."

"Sorry."

Malungkot ang ngiting ibinigay niya sa'kin. "Ok lang. Hindi mo naman kasalanan."

Ilang sandali pa ay naputol na ang usapan namin dahil sa paghinto ng jeep sa tapat. Kaya naman ay sumakay na kami. Magkatabi pa kami sa upuan.

Ipinagpatuloy namin ni Johnny ang usapan sa loob ng jeep. Nag-usap kami tungkol sa parents niya na nasa probinsya pa rin naninirahan. Napag-usapan din namin iyong mga experiences namin noong nag-aaral pa kami.

Naputol lamang ang nakakatuwang usapan namin nang bumaba na siya. Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa boarding house.

Pumasok na ako sa loob at mabilisang nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako at naghintay ng taxi upang makapunta na sa condo unit ni Braxton.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nag-buzz sa pinto ng condo ni Braxton. Ngunit hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Ang sabi naman noong nasa front desk eh hindi raw lumabas ito.

Susuko na sana ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kanyang unit. Bumungad sa'kin ang maputlang mukha ni Braxton. Nakasuot siya ng sweatshirt at grey pants at halatang hinang-hina.

"Tonya? What are you doing here?" anas niya na naniningkit ang mga mata.

"Wala lang. Trip ko lang ng magbuzz nang magbuzz," tugon ko na may bakas ng sarkasmo.

"Alright. I'll see you at the clinic tomorrow."

Akma na sana niyang isasara ang pinto ng hinarangan ko ito gamit ang paa.

"Hephep! I'm going in." Hindi na ako naghintay ng pahintulot niya at pumasok na.

Mahina ang pagbuntong-hininga niya at isinara na ang pinto.

"Look. I just really wanna rest."

"Okay. I will help you," mabilis kong tugon sabay alalay sa kanya. "Let's go to your room."

"Tonya..."

"Pwede ba, Doc Nurse, 'wag ka nang bakal-ulo. Hindi ikaw si Superman."

Mukhang nakumbinsi ko na naman siya na alalayan dahil hindi na siya umalma pa habang pumasok na kami ng kuwarto niya.

Inayos ko ang bed sheet at inalalayan siya sa paghiga.

"Thanks. You can go now," pagtataboy niya sa'kin pagkahiga niya.

"Hindi, sir. Ok lang sana kung nagpunta ka ng hospital para magpacheck-up. Kaso nga lang, ang tigas ng ulo mo kaya ang hospital na mismo ang pumunta sa'yo."

"Saan?"

"Ha?"

"Where's the hospital?"

Tumayo ako nang deretso sa harapan niya at iminuwestra ang sarili. "Me!"

Naubo siya at napatalukbong ng kumot.

"Okay. I'm going to make you some soup," pag-aanunsiyo ko.

Hindi siya nagsalita. At hindi rin siya gumalaw. Naghintay ako ng dalawang minuto ngunit ni paghinga niya ay hindi ko pansin. Marahan akong lumapit sa uluhan niya at unti-unting tinanggal ang kumot na nakatabon sa ulo niya. Nang matanggal ito ay maingat ko na sanang idadampi ang palad ko sa dibdib niya upang pakiramdaman kung tumitibok pa ito. Ngunit bigla akong natihil nang hawakan niya ang pulso ko.
"Don't worry. I'm not dead. Yet." usal niya na nakapikit pa rin.

"How did you even notice me?" tanong ko nang nabitawan na niya ang pulso ko.

Dumilat siya at itinutok ang kulay berde na mga mata sa akin.

"Trust me. I always notice you."

Para akong nabulunan sa sidhi ng pagtitig niya. Napahakbang ako paatras.

"Okay! I'm gonna go make you some soup." Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng kuwarto niya. Nagtungo na ako ng kusina upang gumawa ng sopas.

Mag-aalas otso na ng gabi nang mailagay ko sa mangkok ang sopas na gawa ko. Mabuti na lang talaga at may nakita akong corn sa loob ng ref niya.

Dahan-dahan akong pumasok muli sa kuwarto niya dala ang sopas. Pansin kong nakatalukbong pa rin siya sa kumot. Inilapag ko ang mangkok sa ibabaw ng maliit na mesa. Hinila ko ang swivel chair papalapit sa kama. Nang makaupo na ay ginising kong muli si Braxton.

"Doc Nurse, higop ka muna ng sabaw."

Umungol lamang siya. Ibinaba ko ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

Napuna ko kaagad ang butil-butil na pawis sa noo niya.

"Come on. Humigop ka muna."

"I just wanna rest," daing niya. Napakabakal-ulo talaga.

"You can rest pagkatapos mahigop ang soup. Sige na o tatawagan ko si Ateng at ihahatid ka namin sa ospital."

Mukhang natakot ito sa banta ko dahil dumilat na siya at tumango. Siya lang siguro ang doktor na takot ma-ospital.

Kinuha ko na ang mangkok at kutsara.

"Say ahhh..." pagbibiro ko sabay subo sa kanya.

Walang imik niyang ibinuka ang bibig. Matapos ang limang subo ay umayaw na siya kaya naman ay inilapag ko ng muli ang mangkok sa mesa.

"Just close the door when you leave," pagtataboy niya naman sa'kin. Mabuti na lang namanhid na ako. Inisip ko na lang na kaya masama ang ugali niya ay dahil masama ang kanyang pakiramdam. Nahawa kumbaga.

"Sure. Tomorrow. I'm going to sleep here for now."

Hindi na siya kumibo at natulog ng muli.

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa tabi niya. Nagising na lang ako sa mga ungol ni Braxton. Inangat ko ang ulo mula sa pagkakasampa nito sa kama.

Idinampi ko ang palad sa kanyang noo at nahindik dahil napakainit nito. Inaapoy siya ng lagnat!

Don't panic, Tonya. Be an efficient nurse.

Nilinga ko ang paligid at napansin ang cabinet malapit sa bintana. Kaagad kong binuksan ang drawer nito at naghanap ng gamot. Mabuti na lang at mabilis ko itong nahagilap.

Lumabas muna ako ng kuwarto upang kumuha ng isang baso ng tubig. Pagkatapos nito ay bumalik na ako ng kuwarto.

"Braxton, wake up. Drink this," utos ko na sinunod naman niya.

Matapos niyang inumin ang tableta at tubig ay bumalik na siya sa pagtulog. Ilang minuto ko pa siyang pinagmamasdan. Halata ko ang pamumutla ng mukha niya. Kahit nakainom na siya ng gamot ay hindi pa rin bumababa ang kanyang lagnat.

Naghanap ako ng bimpo sa cabinet niya. Pagkatapos ay kumuha ako ng mainit na tubig at inilagay ko ito sa batya. Binasa ko ang bimpo at ipinunas sa noo niya. Pinunasan ko na rin ang kanyang leeg. Naisipan kong palitan ang suot niyang sweatshirt kaya naman ay napagdesisyonan kong hubaran  siya.

Akma ko ng inaangat ang T-shirt niya ay muli siyang nagsalita.

"What are you doing?" mahina niyang tanong.

"Kailangan mong magpalit ng T-shirt. Basang-basa na ito ng pawis."

"Stop it. I'm fine."

"Pwede ba, hindi kita pagsasamantalahan kaya chill ka lang diyan."

Nang hindi na siya umalma ay ipinagpatuloy ko na ang pagtatanggal nito. Pinunasan ko na ang katawan niya. Hindi ko na inisip pa ang kanyang muscles at ang tigas nito. Ako ay isang  propesyonal! Nang makakuha na ako ng T-shirt sa closet niya ay binihisan ko na siya.

Dahil na siguro sa pagod ay umidlip na muna ako sa tabi niya.

Alas sais na ako nagising. Medyo sumakit pa ang leeg ko dahil sa puwesto ko. Itinampal kong muli ang palad sa noo ni Braxton at nasiyahan ako nang pansin kong nawala na ang kanyang lagnat.

Maingat akong tumayo upang hindi siya magising. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng condo unit niya. Kailangan ko ng magmadaling umuwi upang hindi mahuli sa trabaho.

Nang makababa na ng condo ay nag-abang na ako ng taxi na masasakyan pauwi. Mabuti na lang at mabilis akong nakasakay. Dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone upang  i-check kung meron akong bagong messages sa messenger.

Napalundag
ang puso ko pagkakita sa pag-wave ni Johnny kaya mabilis akong nag-waveback.

Ilang segundo pa ay muli siyang nagreply.

Hi Antoinette.

Salamat sa payo mo. Effective dahil kumakain na ang ibon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro