Chapter 14
Binigyan niya lang ako ng hangin kaya niya ako hinalikan. Iyon lang 'yon. Dalawang araw na naman ang lumipas pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makatingin nang deretso sa kanya?
Mabilis akong napaharap sa monitor ng computer pagkalabas ni Braxton mula sa silid ni Doc. Lumapit siya sa front desk at inilapag sa mesa ang patient chart.
"Are you busy with the computer?"
"Oh yeah! Totally. I'm doing some inventories," sagot ko na nasa keyboard ng computer lang ang tingin.
Napasinghap ako nang lumapit siya sa likod ko habang inilalagay ang kamay sa sandalan ng aking swivel chair.
"Inventories? Does that include shopping for some sexy lingeries online?" malamyos na bulong niya sa kanang tenga ko.
Marahas akong napatingin sa monitor. Busheyt! Sa pagiging taranta ko, ads pala ng panty at bra ang na-click ko kanina! Madali kong isinara ang ads at twitter ko at kaagad na uminit ang pisngi.
"Can you make a medical certificate for this patient?" pakiusap niya sabay abot ng file.
"Yeah. Sure!"
"You've been acting weird, lately."
Napadiin ang pagkapit ko sa file. "W-what do you m-mean?"
"For instance, you don't look at me when you talk. Just like now."
Pinaikot ko ang swivel chair upang makaharap siya at itinutok ang tingin sa kanya.
"How about this?"
"You're looking at me but you're not seeing me."
Niliitan ko ang mga mata.
"What about this?"
"I think you need a medicine."
Umikot na ako paharap sa monitor.
"Makagawa na nga lang ng medical certificate."
Habang nag-eedit ako sa computer ay pansin ko pa rin ang pananatili niya sa likuran ko.
"Don't tell me that kiss affected you."
Natihil ako sa ginagawa. Kung makikita niya lang ang pamumula ng pisngi ko.
"Of course not! Bilang nurse, I know that it was just a standard procedure. Mouth to mouth resuscitation kumbaga."
Puna ko ang hindi niya pagkibo. Ipinagpatulay ko na ang pag-eedit.
"Shit. Don't tell me it was your first kiss?"aniya.
Natihil na naman ako sa ginagawa.
"Hindi ah! M-may experience na kaya ako! At pwede ba, it wasn't counted. It was not a kiss but a need for a life and death situation."
Napa-apir ako sa self ko. Galing mo self!
"Alright. I just don't wanna make things weird between us. You done with the medical certificate?"
"Yes, sir!" Iprinint ko na ito at ibinigay sa kanya. Matapos itong makuha ay pumasok na siyang muli sa silid ni Doc upang mapirmahan ito. Siya namang paglabas ni Ate Eve. Sa wakas ay nakahinga na rin ako nang maluwag.
Bumagsak siya sa katabing upuan.
"Ang sakit na ng mga paa ko," daing niya.
"Magpahinga na po muna kayo."
"Siyanga pala. Nakabili ka na ba ng regalo para sa birthday ni Doc bukas?"
"Hindi pa po. Bibili pa po ako mamayang hapon pagkadaan ko sa mall. Ikaw, Ateng?"
"Oo meron na. Noong nakaraang linggo lang."
"Wow, pinaghandaan talaga ha. Ano po ipangreregalo niyo?"
"Secret."
"Luh. Baka self niyo po ah."
"Jusmiyo kang bata ka."
"Joke lang po. Ano ba ang magandang ipangregalo, Ateng? Okay na po ba kung pomada ang ibigay ko?"
"Ikaw ang bahala at saka huwag na iyong mamahalin. Alam mo naman si Doc, napakasimple lang. It's the thought that counts."
"Okay po."
Nagpatuloy na kami sa trabaho matapos ang chikahan. Kaunti lang din naman ang mga pasyente.
Pagsapit ng alas singko ng hapon ay umuwi na sina Ate Eve at Doc Jose. Kami na lang dalawa ni Braxton ang naiwan sa clinic. Nagwawalis ako sa sahig habang papalabas naman siya mula sa silid ni Doc. Tapos niya na sigurong ayusin ang mga gamit sa loob.
"Do you want me to wait up? Give you a ride?" tanong niya sa'kin at naupo sa sofa.
Madalas na rin niya akong inihahatid pauwi. Nadadaanan niya rin kasi ang street ko papuntang condo niya.
Tumayo ako nang deretso at tiningnan siya.
"No it's okay. You can go ahead. May dadaanan pa kasi ako."
Tumayo siya mula sa sofa. "Alright. I'll see you tomorrow."
Naglakad na siya patungo sa pinto. Pagkabukas niya nito ay muli niya akong nilingon.
"Are you busy during the weekend?" tanong niya.
"Not really. Bakit?"
"I was thinking of teaching you how to swim. I just remembered that moment before you thought the snake would eat you alive. You've mentioned you wanna learn how to swim," mahaba-habang paliwanag niya.
Binitiwan ko ang walis na hawak at pinagkrus ang dalawang braso.
"Is it for free?"
"Yeah. But there'll be a favor afterwards."
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
Napayakap ako sa sarili at pinandilatan siya.
"Ano'ng tingin mo sa'kin? Easy girl?"
"Jeez. It's not what you're thinking. So are you in?"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang harmless. At isa pa, matagal-tagal ko na rin siyang nakakasama at nakakausap. Wala naman akong na-feel na serial killer vibe.
Tumango na ako. "I'm in."
Ang classy kong tingnan sa suot na white sleeveless dress na hanggang tuhod. Ngunit nagdadalawang isip pa ako habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Iiwanan ko bang nakalugay ang long curly hair ko o tatalian ko na lang ito?
Nilingon ko si Love na tahimik lang na nagmamasid sa'kin.
"Ano sa tingin mo, Love? Up or down?"
Twit twit twit lang ang naitugon nito.
"Okay. Isang twit if down, dalawang twit if up."
Twit!
"Okay! Down it is!"
Matapos matulungan ni Love na makapagdesisyon sa buhay ay isinuot ko na ang white heels ko. Feeling anghel lang ako tonight. Napalundag ako sa gulat nang may bumusina na sa ibaba.
Dumungaw ako sa bintana at nakita ang sasakyan ni Braxton na naka-park sa harapan ng gate.
Tumingin ako sa relos ko. 7:30 pm. Aba, on time talaga siya ha.
Dali-dali akong lumabas at ikinandado na ang pinto. Marahan ang pagbaba ko ng hagdan bitbit ang white purse at paper bag kung saan nakalagay ang regalo ko kay Doc Jose. Nang makababa ay lumabas na ako ng gate at binuksan ang pinto ng kanyang kotse.
Umupo na ako sa tabi ni Braxton at pansin ang pagtitig niya.
"Bakit? Hindi naman ako late ah."
Marahan siyang umiling at kumurap. "I just thought you're a . . ."
"Angel fallen from heaven?" mangitingiti kong tanong.
"A white lady floating down the stairs," sagot niya na napakaseryoso pa ng boses.
Sinuntok ko siya nang mahina sa kanyang braso at pagkatapos ay iginala ang tingin sa suot niyang kulay blue na long sleeves. Bakat nito ang katawan niya. Halatang nagwowork-out.
"What?" tanong niya nang mapansin ang pagtitig ko.
Kumurap ako. "Nothing. I just thought you're . . ."
"Chris Hemsworth? Liam Hemsworth?" nakangisi niyang suhestiyon.
"A smurf."
"God, woman. You do really fight back."
Sabay kaming natawa nang malakas. Nawala na ang awkwardness naming dalawa sa nagdaang araw. O baka naman ako lang talaga ang nakaramdam ng awkwardness sa parte ko. Nang mahimas-masan na ay pinaandar na ni Braxton ang sasakyan. Habang umaandar kami ay iginigiya ko naman siya sa deriksyon ng bahay ni Doc.
Makalipas ang kinse minutos ay nakarating na rin kami. Nakabukas na ang malaking gate kaya't ipinasok na namin ang sasakyan. May mangilan-ngilan na rin kaming nakitang sasakyang naka-park sa loob.
Bitbit ang regalo ko at purse ay lumabas na kami ng sasakyan.
Pansin ko na may mga mesa sa labas ng bahay at may mga bisita na rin na nakaupo.
"He really likes white," komento ni Braxton sa tabi ko habang pinagmamasdan ang malaking bahay. "Are you sure he lives alone?"
Naglakad na kami patungo ng bahay.
"No. He's living with his nieces and nephews. The children of his sister."
Nang makapasok na kami sa loob ay puna na rin namin ang dami ng tao. Iginala ko ang tingin at hinanap si Ate Eve. Ilang sandali pa ay natumbok ko rin siya na nakatayo katabi ni Nurse Amy.
"Halika ka, Doc Nurse. Punta tayo kay Ate Eve."
Tinungo na namin si Ate Eve.
"Kanina pa kayong dalawa?" tanong niya.
"Kararating lang po namin. Si Dokey?"
"Hayun. Sa tabi ng bintana, kausap ni Doc Marcos," sagot niya sabay turo sa deriksyon ni Doc.
"Okay. Batiin ko muna. Saka ibibigay ko na rin 'tong regalo."
"I'll come with you," wika ni Braxton.
Magkasama naming tinungo si Doc Jose San kanyang kinatatayuan at binati. Ibinigay ko na rin ang regalo ko sa kanya na isang tasa.
Ilang oras din kaming nanatili sa party. Mukhang naparami ang pag-inom ko ng champagne. Inuhaw na rin kasi ako at naisip na hindi naman ito palagi kaya ay sinulit ko na.
Alas dose na ng hatinggabi kami umalis. Medyo lango na rin ako habang nakasandal sa upuan ng kotse ni Braxton. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang bigla na lang akong tinawagan ni Nature.
"Doc Nurse, can you stop the car?"
"Why? Don't tell me you're gonna throw up?" tanong niya na may bahid ng pagkataranta ang mukha.
"No. I just need to pee. Naiihi na ako."
"Just hold it for a few more minutes. We're almost at your house."
Napahawak ako sa pantog ko.
"Hindi. Hindi ko na kaya. Sasabog na pantog ko. Diyan! Ihinto mo sa gilid malapit sa puno. Pwede na siguro ako diyan."
"Are you serious?"
"Yes. I am super duper diaper wrapper serious!"
"Damn it," bulong niya at pinahinto na ang sasakyan.
"Don't look!" Mabilis akong lumabas na ng kotse. Halos nahilo pa ako sa pagkakatayo. Tinanggal ko ang suot na heels at inilapag ito sa kalsada. Pagaray-garay ang paglalakad ko patungo sa kinatatayuan ng puno.
Nang nilingon ko ang kotse ay napansin ko na nakatayo na sa labas nito si Braxton at tinitingnan ako.
Huminto ako at napahawak sa beywang.
"Don't even think about it. Huwag mo akong sisilipan."
Inangat niya ang dalawang kamay na parangsumu-surrender lang.
"Not planning on it. I'm just worried you fall down."
"Turn around," utos ko na kaagad naman niyang sinunod.
Sinaluduhan ko ang likod niya at nagpunta na ng CR—este sa likod ng puno.
Gumanda na ang aking pakiramdam nang mapagbigyan na ang Call ni Nature. Very refreshing nga naman.
Bumalik na ako sa kinatatayuan ni Braxton na nakaharap na.
Nasa kalagitnaan ako ng kalsada nang mapagmasdan ang mga paa ko na nakaapak sa semento. Sa isang iglap ay napangiting aso na ako.
"Braxton!"
"Come on now, Tonya. We gotta go." Binuksan na niya ang pinto ng kanyang sasakayan.
"We should dance!" bungisngis ko.
Napatingala siya sa langit at parang may binubulong na kung ano. Hindi lang ako sure kung pretty ba iyon o crazy.
"Come on!" panghihikayat ko at napa-moonwalk na sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at wala ng mga sasakyang dumadaan. Baka maabala pa nila ang pagsasayaw ko.
Isinara ni Braxton ang pinto ng kotse at napasandal rito habang pinapanood lang ako.
"You don't wanna join me?" pagsigaw ko sabay chicken dance.
Umiling lang siya. Paglipas ng ilang minuto ay tumayo siya nang matuwid. Ang buong akala ko ay papasok siya sa loob ng kotse ngunit nagulat na lang ako nang humakbang na siya papalapit sa'kin.
"You're crazy, you know that?" aniya na nakangiti naman.
Tumigil ako at napayuko habang humihingal. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang aking beywang dahilan para mag-angat ako ng tingin.
"W-what are you d-doing?"
"I'm going to teach you how to dance properly. Put your hands on my shoulders."
Napalunok ako at unti-unting ipinatong ang kamay sa balikat niya.
Kumurba ang sulok ng labi niya.
"Alright. Now, pretend I'm Johnny."
"Okay."
Alam kong tinititigan ni Braxton ang mukha ko ngunit hindi ko maalis ang tingin mula sa mga labi niya.
"You're an amazing woman, Tonya. Always remember that," marahang bulong niya.
Hindi ko maipaliwanag ngunit kusa na lang umangat ang tingin ko sa mga mata niya. Nanunuot sa mga buto ko ang pagkasinsero ng sinabi niya. Mas naguluhan pa ako nang sa mga sandaling iyon hindi ko na mahagilap ang mukha ni Johnny sa memorya ko. Bakit? Bakit si Braxton Peters ang nakikita ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro