Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


Hindi na puno ng pagmamahal ang puso ko. Puno na ito ng kaba at pangamba. Hindi talaga ako mapalagay dahil sa nangyaring aksidente kagabi. Aksidente na may halong katangahan. Kung nakakalusaw lang ang tingin ay kanina pa nalusaw ang post it na nakadikit sa pader dahil kanina ko pa ito tinititigan.

"What's bothering you?" untag sa akin ni Braxton habang nakaupo sa silya. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin mula sa libro na kanyang binabasa.

"How can you tell that there's something bothering me?"

Napatingin siya sa kanyang suot na relos.

"Because twenty minutes had passed and I haven't heard a word from you yet."

Kumuha ako ng crumpled paper at ibinato ito sa kanya.

"Hey! What was that for?" pag-aalma niya habang pinupukol ako ng masamang tingin.

Umusbong ang iritasyon ko.

"Ganyan na ba ako ka talkative para orasan mo talaga?"

"Yep."

"Ay grabe siya. Hindi man lang pinag-isipan."

Ibinababa niya ang aklat na hawak at hinarap ako. Medyo matagal niya akong tinitigan. Hindi ko maiwasan ang titigan pabalik ang kulay berde niyang mga mata.

"So? What's bothering you?"

Kumurap ako ng ilang beses. Sa isang segundo nakalimutan ko yata ang pinag-uusapan namin. Napakamot ako sa dulo ng ilong.

"Ano kasi. Kagabi, dahil nga I was filled with so much love, tinalo ko pa yata ang Goddess of Love na si Mars—"

"Venus," agap niya.

"Ha?"

"The Goddess of Love in Roman is Venus. Not Mars."

"Ang OA naman nito! Mapa-Jupiter, Uranus or Pluto pa 'yan basta planeta—"

"Pluto isn't a planet anymore," pagwawasto na naman niya sa akin.

Ginawaran ko siya ng matalim na tingin.

"Nanggigigil ako sa'yo, Doc Nurse!"

"Got it. Please continue."

Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Nakapag-send ako ng I love you message kay Johnny."

Natahimik siya ng ilang segundo. Naipikit ko ang kaliwang mata habang naghihintay sa magiging reaksiyon niya.

"That's it?"

Napanganga ako habang tintitigan siya. "Ano'ng that's it? Krisis na ito! This is a life and death situation. Kailangan ng magpulong ang United Nations!"

"What's wrong with telling him how you feel? You're overreacting, Tonya." Ibinalik niya ang tingin sa kanyang makapal na libro.

"I am totally not overreacting, okay? Dahil until now, seen zone pa rin ang I love you ko."

Natigilan siya at tinitigan lang ako. Pansin niya siguro ang pamumula ng mga pisngi ko.

"What do you want for him to say?" tanong niya sa mababang boses.

Dahil sa kahihiyan ay nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba kasi wala pang pasyente? Napasubo pa tuloy ako. Hindi ko naman balak na mag-share sa kanya. Dahil sa pakiwari ko'y pinagmamasdan pa rin ako ni Braxton ay sumagot na ako.

"Hindi ko alam. Nahihiya na akong harapin siya. Paano kung isipin niyang naghahabol ako sa kanya eh may girlfriend na siya. Ano ako? The other woman?"

"Isn't that what you're doing?"

Tiningnan ko siya nang deretso sa mga mata. Madrama kong idinampi ang isang palad sa dibdib at umaktong nasasaktan.

"Awts! That hurts. Hindi mo man lang dinahan-dahan.  Napakaprangka mo. At saka ano ba kasi itong itinuturo mo sa akin? I feel like mas napapahamak pa ako."

"It'll be effective in time. You'll see."

Hindi na namin naituloy ang usapan dahil nagsimula na ang pagdating ng mga pasyente. Nag-aalala pa rin ako habang ipinagpapatuloy ko ang trabaho. Hindi ko pa rin maiwala sa isipan kung paano ko ulit haharapin at pakikitunguhan si Johnny.

Dumating na ang lunch break at magkasabay kaming nananghalian nina Ate Eve at Braxton sa isang restaurant sa tapat lang ng ospital. Kadalasan na mga costumers rito ay mga employees lang din ng ospital. Siksikan na rin kasi sa hospital cafeteria at ang mga ulam doon ay daig pa ang isang pasyente na naghihingalo dahil sa kalamyaan. Pwera pintas lang talaga.

"Tuloy ba iyong mountain climbing natin ngayong Sabado, Tonya?" tanong ni Ate Eve habang kumakain kami.

Hinayaan ko munang matunaw ang napakalambot na karne ng baka sa bibig ko bago sumagot.

"Opo. Sa bundok hibok-hibok tayo."

"Mountain climbing? Can I come?" biglang sabad ni Braxton.

"Aba, of course! Mas maigi iyong marami tayo para mas nakakaaliw. It's me, Tonya, and her friends. I think you've met them in the police station. Naikuwento kasi sa akin ni Tonya," sambit ni Ate Eve.

Ininom ko muna ang soft drinks ko at nag-burp pa bago itinuon ang atensyon kay Braxton.

"Bakit mo naman gustong sumama?"

Nagkibit-balikat siya. "I think it'll be an adventure."

"Ang hilig mo talaga sa adventure," komento ko.

"Adventures make life more exciting."

"Fine. You're in. Bring your own tent and foods for everyone," pahayag ko na pinal ang tono.

Ngumisi siya. "Got it."


"How long have you been here in the Philippines, Brax?" usisa ni Ate Eve bago humigop ng sabaw niyang tinola.

"A month. It's actually my first time to come here."

"I thought Filipino ang nanay mo? Hindi ba siya umuuwi rito?" tanong ko.

Umiling siya at sumandal sa upuan dahil tapos na siyang kumain. Pasta lang din naman iyong kinain niya.

"She only visited here once, I guess. I'm not sure though I didn't come with her. And besides, all of my family have migrated to Australia."

Tumango-tango lang ako. "So, why did you come here?"

Ngumiti siya pero pansin ko na hindi abot nito ang kanyang mga mata. O baka naman guni-guni ko lang iyon.

"I told you. It's for an adventure."

Nang makapagbayad na kami —este hindi pala kami naglabas ng pera dahil nilibre ang pananghalian namin ni Braxton ay lumabas na kami ng restaurant para bumalik na sa clinic.

Papasok na sana kami ng ospital nang bigla na lang tumayo ang balahibo ko. Kitang-kita ko kasi ang likod ni Johnny na papasok na rin. Hindi na ako muling nakahakbang pa dahil nanigas na ang buo kong katawan sa kaba.

"Si mahal mo iyon 'di ba?" Hinapit ni Ate Eve ang braso ko,  "Johnny! Pst! Johnny!" biglang tawag niya kay Johnny. 

Tumigil ang mundo ko nang nilingon niya kami at huminto siya. May ngiti pa na nakaplaster sa kanyang labi pero kaagad din itong nawala nang sa akin na dumapo ang tingin niya. Para akong lutang at mistulang nag a-out of the body experience. Halos hindi ko na namamalayan na hinihila na ako ni Ate Eve papalapit kay Johnny samantalang tahimik lang na nakasunod sa amin si Braxton sa likod.

"Sabay na tayong pumasok sa loob, "pag-anyaya ni Ate Eve rito na walang kamalay-malay sa ilangan naming dalawa. Hindi rin makatingin nang deretso sa akin si Johnny.

"Sige po," magalang niyang tugon.

Pumasok na kami sa loob habang pinapasadahan naman ako ng tingin ni Ate Eve na may bahid ng pagtataka. Nagulat na lamang kami nang bigla na lamang huminto si Johnny, huminga ng malalim, at hinarap ako.

"Pwede ba tayong mag-usap mamayang hapon, Antoinette? Pagkatapos ng shift sana if okay lang sa'yo."

Napaimpit ng tili ang katabi kong si Ate Eve. Tinalo pa ang kinilig na teenager. Kung alam niya lang talaga ang maaaring kahahantungan ng magiging pag-uusap namin. Pinisil ni Ate Eve ang braso ko. Hindi ko namalayan na nakanganga lang pala ako.

"Ah. Oo. S-sige ba. U-usap tayo mamaya," kandautal kong sagot nang makabalik na sa Earth.

Halatang pilit ang ngiti ni Johnny bago nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. Ramdam ko naman ang hindi maipagkakailang ilangan namin sa isa't-isa. Sumunod na rin kami. Maya-maya pa ay bigla ng bumukas ang elevator kaya pumasok na kami. Pagkatigil sa ikalawang palapag ay lumabas na si Johnny. Naiwan naman kaming tatlo sa loob.

"Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Johnny, Tonya. Ano kaya sa tingin mo ang gusto niyang sabihin sa iyo? Sa tingin mo kaya ay liligawan ka na niya?" Sunud-sunod ang mga tanong ni Ate Eve. Lumabas na kami ng elevator.

"Hindi ko po alam, Ateng. May girlfriend na po iyon. Siguro pati pagkakaibigan namin ay tatapusin na niya."

"Ha? Bakit naman? Pinagseselosan ka ba ng syota niya? Ang haba ng hair ha."

Napatingin lamang ako kay Braxton at hindi na sumagot pa. Pumasok na kami nang tahimik sa loob ng clinic.

Balisa ako habang nagpapatuloy sa trabaho. Paulit-ulit kong tinitingnan ang wall clock sa loob ng clinic. Jusko. Malapit ng mag-alas singko ng hapon. Hinihintay na kaya ako ni Johnny sa ibaba?

"You should go," ani Braxton na kasalukuyang nagsistaple ng paper bag na may nakalagay na gamot sa loob. Ibinigay niya ito sa pasyenteng naghihintay sa harapan.

"It's not time yet. At saka kung makapag 'You should go' ka riyan parang ikaw ang amo ko ah."

Naupo na siya at nag-iistretch na ng kanyang paa.

"You've got no use here anyways. You kept on looking at the clock."

Ngumuso na lang ako. Tama naman kasi siya. Wala naman akong ibang ginawa matapos ang insedente kanina kasama si Johnny kundi ang bantayan ang oras.

Tumayo na ako. "Sige na nga. Malapit na rin namang mag alas singko ng hapon. Sabihan mo na lang si Ate Eve na nauna na ako."

Tumango lamang siya. Kinuha ko na ang bag ko at hindi na nag-ayos pa. Kung sasaktan lang naman ni Johnny ang puso ko mamaya ay ayaw ko ng mag-effort pa sa pagpapaganda.

Tumalikod na ako at naglakad na papalapit sa pintuan ng clinic.

"Tonya?"

Nilingon ko ang tumatawag na si Braxton.

"Bakit?"

Banayad ang tingin niya sa akin at may lihim na ngiti sa kanyang mga labi.

"Just remember to be honest with your feelings."

Ngumiti lang ako at tumango pagkatapos ay lumabas na ng clinic.

Nang makababa na ako ay nakita ko ang pag-aabang ni Johnny sa lobby. Nakapamulsa siya sa kanyang suot na white uniform. Determinado akong naglakad patungo sa kinatatayuan niya na malapit sa paso ng halaman.

"Gusto mo bang magkape muna?" bungad niya sa akin nang huminto na ako sa harapan niya.

Umiling ako at tinitigan siya sa mga mata. "Sabihin mo na lang iyong gusto mong sabihin sa akin."

Pansin ko ang paglunok niya. Kahit na may nakabara sa lalamunan ko ay hindi pa rin ako lumunok. Ayokong masira ang konsentrasyon ko ng dahil lang sa baradong lalamunan.

"Dito ba tayo mag-uusap?" Iginala niya ang tingin sa paligid bago ito ibinalik sa akin, "Gusto mo bang maupo muna? Namumutla ka kasi."

"Okay lang ako, Johnny. Dito na lang tayo mag-usap nang matapos na" tugon ko sa mahinang boses. Sinubukan kong maging mahinahon kahit na feeling ko para na akong kukumbulsiyonin.

"Antoinette, kasi tungkol nga pala sa message na ni-send mo sa'kin. I mean, siguro wrong send mo lang 'yon. O baka naman, naisip ko lang na, alam mo na.  . .uh send to all 'yon," pagdadaldal niya. Pansin ko na hindi lang pala ako ang kinakabahan sa aming dalawa.

Habang tinititigan ang nag-iisang butil ng pawis sa kanyang noo ay parang may nag-click sa utak ko! Oo nga, pwede naman iyon ang gawin kong palusot. Totoo naman na marami akong sinendan no'n.

"Antoinette?" paggambala niya sa tumatakbo sa isipan ko.

Masigla ang pagtango ko. "Oo. Alam mo kasi—" Natigil ako sa sasabihin nang bigla na lang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Braxton at ang sinabi niya sa akin kanina. Na dapat maging honest lang ako sa nararamdaman ko.

"Antoinette? Okay ka lang ba?"

Lumunok ako at tinitigan ang makapal na mga labi niya.

"I love you," marahan at halos pabulong na pagkakasabi ko.

Kaagad na namilog ang bibig niya. Nanikip naman bigla ang dibdib ko. Nilipat ko ang tingin sa mga mata niya.

"May gusto ako sa'yo, Johnny," pag-uulit ko para klarong-klaro.

Paulit-ulit na buka-sara ang bibig niya. Siguro nga hindi alam ang isasagot sa naging matapang na rebelasyon ko ng nararamdaman. Habang natatameme siya ay unti-unti ko nang hindi maramdaman ang mga binti ko. Medyo dumilim na rin ang paningin ko. Hindi ko na marinig ang ingay ng paligid Hindi ko na nahintay pa ang naging sagot niya dahil nawalan na ako ng ulirat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro