Wakas
Wakas
Euriandrei’ Pov
“Euriandrei, I'm here at your bar. It's your birthday today, come on!” pandedemonyo ni Vhone.
I'm on my way home right now. Got finished my works. Birthday ko pero puro pagtratrabaho lang ang inatupag ko. Wala na rin namang bago. Ilang beses lumipas ang birthday ko nang walang ganap. Si Vhon, ang best friend ko, ang minsan na hinahandaan ako. Tss. Corny.
Inikot ko ang manibela pakaliwa. Wala naman talaga akong balak na puntahan ang kaibigan pero naiisip ko pa lang ang nakanguso niyang bibig habang nangungusap ang mga mata ay napapangiwi na ako. Mukhang pwet ng aso!
“Okay. I will be there in ten minutes.”
“‘Yon, oh! Sige, gusto mo hanapan kita ng chix?”
“Talaga ba, Attorney?” I said with humor. Narinig ko siyang napamura.
“‘To naman, oh! Naninira ng trip!”
Natawa na lang ako at in-end ang call. Pagkarating ko ay sinalubong ako ni Vhon. Kasama namin sa table ang iilang kakilala. Inabutan agad nila ako ng maiinom kaya ilang minuto pa lang ang lumilipas ay tinamaan na ako, nahihilo-hilo na, pero kaya ko pa namang umaktong normal. Nag-spray na lang ako sa bibig ng pampawala ng amoy ng alak sa bibig ko para hindi ako mag-amoy alak. Baka lalo lang akong malasing.
Napabaling ako kay Vhon nang kalabitin niya ako. Hindi siya nakatingin sa akin pero may nhinunguso siya. Pagtingin ko sa kung sino man ‘yon ay parang bumagal ang paghinga ko.
“Bago?” saad ni Vhon pero wala ang atensiyon ko sa kaniya.
Nanatili ang tingin ko sa babaeng palapit sa table namin. Nakasuot ito ng fitted dress na sobrang ikli! Entertainer?
“Parang mas gusto kong inumin ay ‘yong bago,” I said sexily. Sana sexy rin ang dating ng boses ko sa kaniya.
Natawa ang mga nasa table ko. Si Vhon ay tinapik pa ako. I couldn't get my eyes off her. She looks… innocent. Innocently beautiful. F*ck!
I took my cellphone out of my black slacks. I'm not good at capturing, pero maganda na naman siya kaya kahit i-click ko lang nang i-click ang camera ay magaganda ang kuha ko sa kaniya. Kahit hindi siya nakatingin at hindi nagmamalay.
Akala ko ay mawawala na siya sa isipan ko. Pero kinagabihan ulit ng sumunod na araw ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na bumalik sa bar na ‘yon. Namataan ako ni Vhon na pumasok, nanlaki ang mata niya kasi hindi niya naman inaasahan ito. Gumuhit ang malawak na ngisi sa labi niya. Napatingin siya sa babaeng tumigil sa harap niya at may kung anong sinabi roon.
At dahil sa pagkakamali kong bumalik pa sa bar na iyon, nakagawa ako ng pagkakamali.
Ang pagkakamaling hindi ko pagsisisihan na ginawa ko. Pagkakamaling buong buhay ng tatatak sa buhay ko.
Dahil sa pagkakamaling iyon, natagpuan ko kung ano talaga ang purpose ko sa buhay. Sa pagkakamaling iyon, gumanda ang takbo ng buhay ko. Mas nabuhay ko.
Hindi ako nagsisisi, na sa magandang kamaliang iyon… nagkaroon ako ng magandang asawa at masayang pamilya. Nang dahil sa kaniya, ang dating madilim kong mundo ay lumiwanag dahilan upang makita ko ang kagandahang mabuhay. She's the beautiful mistake. My beautiful mistake.
Hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Kinuha ko ang mga sandaling iyon para kuhanan siya ng bagong larawan. She looks so beautiful while sleeping. Her waivy long black hair were scattered on my pillow. What a nice view. Her naked back was exposed. Nakadapa siya sa unan ko habang mahimbing na natutulog. Dahil sa posisyon niyang ‘yon ay mas nadipina ang perpekto niyang panga, haba ng pilikmata, ng matangos niyang ilong at kissable lips niyang may natural na pamumula.
I set her beauty as my lock screen wallpaper.
I swear to God… I will make her my wife. It suits her very well, to be my wife.
“Nagpapanggap lang siya! Sasairin niya lang ang pera mo.”
Nagbingibingihan ako sa sinasabi ng Nanay ko. She's not concern, gusto niya lang talaga na lumayo ako sa asawa ko. But it won't gonna happen. Hindi ko hahayaan mangyari iyon.
“This is your last warning. ‘Wag na ‘wag niyo na ulit sasaktan ang asawa ko!”
“Euriandrei!”
Hindi ko makontrol ang sobrang galit ko. Hindi ako p'wedeng umuwi sa asawa ko ng ganito. Sinuntok ko ang punong nasa tabi ng gate ay sinipa-sipa iyon. Sorry, pero wala akong mapagbuhatan ng galit ko.
Nasa daan na ako papuntang bar nang may sasakyan ang biglang umikot sa daraanan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Sa pagkakaalerto ko ay nailiko ko ang sasakyan, nang hindi alam na may malaking puno sa tabi. Dumilim ang buong paligid ko nang sumalpok.
At sa paggising ko ng gabing ‘yon… blanko ang isipan ko.
“Ako si Glianne, Euriandrei. Asawa mo…”
Pero iba ang sinasabi ng puso ko. Parang hindi siya nakikilala nito bilang asawa ko. Ang nakikilala ng puso ko ay ‘yong desperadang babae. Siya raw ang asawa ko. But I don't want to trust everyone that time. Ayo'kong magpadalos-dalos. I let Glianne to go home with me and stay. Pero hindi ko talaga sinuklian ang ilang beses na pag-amin niya sa akin ng nararamdaman niya.
“Mababaliw ako kapag hindi mo ako minahal, Euriandrei!”
Napatigil ako sa paghakbang paalis nang sabihin niya iyon. Dahan-dahan akong pumihit paharap ulit sa kaniya. Nakita kong nabuhay ang pag-asa sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Tumigil din ang pagluha niya, pero saglit lang iyon. Dahil nang masabi ko na ang gusto kong sabihin ay umiyak siya nang umiyak.
“Kung ‘yan lang ang makapagpapaalis ng nararamdaman mo sa'kin na hindi ko masuklian, eh di mabaliw ka.”
Akala ko, sa mga picture na nasa gallery ko at conversation ng hindi ko kilalang babae, ang magpapabalik ng ala-ala ko. Pero hindi… Umabot ng ilang taon. Bumalik lahat, no'ng muli kong makita ang singsing na pinakita sa akin ni Glianne no'ng nagising ako mula sa aksidente.
“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, Euriandrei? Sinundan pa kita sa isla na iyon kasi baka magbago ang isip mo.” Para siyang bata na umiiyak.
Papunta kami ngayon sa hospital para ibalik siya. Ginagamot siya roon kaya hindi siya p'wedeng umalis. I felt guilty, kasi nang dahil sa akin ay naging ganito siya.
“I'm sorry, Glianne.” Mas lalo siyang napahagulhol.
“Ayaw mo talaga sa akin,” umiiyak na aniya. “I'm sorry, Euriandrei. Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip mo…”
Napatingin ako sa kamay niya nang ipatong niya ang nakakuyom na kamay sa braso ko. Binuka niya iyon at bumungad ang singsing. Agad kong inapakan ang break ng sasakyan. And all of a sudden, while looking at the ring, my memories of her went back.
Simula sa araw ng nakita ko siya… hanggang sa itsura niya no'ng kaladkarin siya ng Nanay ko palabas ng hospital.
Halos isang linggo akong wala sa sarili. Finally…
Hiningi ko kay Euriciel ang ig ng kapatid ni Aianna.
“Kuya naman, may Ate Aianna ka naman na, eh!” Ayaw niya talagang ibigay, nagmatgasan pa kami.
“Tss. Ipapasuyo ko lang sa kaniya sa asawa ko.”
“Sige na nga!” Lumapit ako sa kaniya at sinilip siya na nagtitipa. Akala ko ay sa kapatid na ni Aianna nanggaling iyong nag-notif na chat.
Lea:
I love you babe! Sana magpasukan na, kasi I miss you na.
Nangunot ang noo ko. Agad iyong inalis ni Euriciel.
“Anak, dito ka na rin mag-bagong taon.” Si Mama na mula sa dining.
Naghahanda sila ng hapunan at inaaya akong manatili, at dito na rin salubongin ang pasko. Pero hindi na ako makapaghintay na makauwi sa mag-ina ko. Kaya paskong-pasko ay bumamyahe ako. And for the second time… naaksidente na naman ako. Sobrang masaya ako nang nagising dahil bumungad ang dalawang taong mahal ko. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng Nanay ko. Nagulat siya, nagalit, pero alam kong lilipas din iyon. Dadating din ang panahon na mare-realize niya ang mga kamalian niya, at doon ko lang siya saka kakausapin. Habang hindi pa niya tinatanggap na asawa ko si Aia, at sa kaniya lang ako bubup ng pamilya, ay hindi ko siya papansinin. I want my mother to learn from her mistakes.
“Papa, you're so handsome. Like Kuya, and Peuri.”
I chuckled then kia her chiks. Kinilig din siya. “Thank you, baby. That's why you're so beautiful too like your mother.”
Ilang minuto na lang ay late na kami, pero nakukuha pa naming magbulahang mag-ama. Ang asawa ko ay nauna na sa venue, kung saan bubuksan na ang itinayo niyang negosyo. We bought the abandon lot outside the subdivision, malapit lang. Dating vulcanizing shop iyon, pero umalis na kaya pinagbinta.
“Euriandrei, Euraianna, tara na. Mali-late na tayo.” Tiningnan pa niya ang asawa ko.
Hinalikan ko si Peuri sa noo nang maikabit ko ang necktie niya. Gusto ko rin kasi na nakaayos din siya katulad namin. Hinablot ko ang coat sa backrest ng couch at hinawakan na ang kamay ni Euraianna. Kadadalawang taon niya lang, kaya marunong na siyang maglakad.
I kissed my wife's lips. “Sorry, heto na po kami.”
“Tagal-tagal. Nakakahiya sa mga naroon. ‘Yung mga bisita nando'n na, ‘yung may ari late.”
Tinawanan ko na lang siya at hinalikan ulit, pampalubag loob. Kasalanan ko kasi, eh. Kung magsasalita pa ako ay lalo lang siyang maiinis.
Today is the opening of her little FBSP. Fulgencio Burger Shake Pizza. She'll cut the ribbon later. And I will be so happy and proud of her, seeing her doing it. She has been planning to build it.
Pagdating namin ay nando'n na ang mga invited. Nag-imbeta rin ako sa mga kakilala kong businessman para suportahan ang maliit na business ng asawa ko.
“Yey! Congratulations, Mrs. Penille Aianna Fulgencio!”
“Thank you, thank you! Thank you everyone for coming!”
Hindi mapawi-pawi ang malawak na ngiti ko habang pinapanood na masaya ang asawa ko. Nandito lang ako sa tabi at pinagmamasdan siya. She's so happy. Sa paraan ng pakikipag-interaction niya sa mga pumunta ay basang-basa ko na sobrang saya niya.
“I love you…” I mouthed when our eyes met.
Lumawak lalo ang ngiti niya at nakita ko pang namasa ang mga mata niya. Habang abala ang mga bisita niya na pagsaluhan ang mga handa ay lumapit siya sa akin. Sinalubong ko agad siya ng yakap.
“I love you, and I'm proud of you.”
“Thank you, Euriandrei. Mahal na mahal din kita.”
Parang gustong kumawala ng puso ko nang halikan niya ako ng mabilis sa labi. Smack kiss lang iyon pero parang tumigil ang buong mundo ka.
Ah! I'm so in love with her.
“Don't kiss-kiss me. Baka masundan pa si Euraianna,” pagbabanta ko. Tumawa siya.
Nanlaki ang mata ko nang muli niya akong halikan. Hindi agad ako nakagalaw, at parang natauhan lang nang halikan niya ako ulit.
“Penille Aianna,” pagbabanta ko lalo at ipinakita sa kaniyang seryoso ako sa sinabi ko.
Humalakhak lang siya at muli na naman akong hinalikan sabay takbo palayo. Nang nasa malayo na siya ay nilingon niya ako. Nilabas niya ang dila na parang inaaway ako, saka nginisihan at tuluyan nang nakihalubilo sa mga bisita niya.
Gusto niya ha?
Para akong sira ulo na natawa. Anong araw ngayon? April 16? Ah… January 16 ipapanganak ang pangatlo naming anak.
Napangisi ako. Ang ngising sumilay sa labi ko no'ng una kong nakita ang asawa ko. I will make her scream my name again…tonight.
This is Euriandrei Austin Fulgencio. Loosening my necktie… I am now signing off.
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro