Kabanata 45 (Warning)
Note: Ito na po ang huling kabanata. Wakas na po ang susunod (Euriandrei's Pov). Salamat po sa pagbabasa!
Kabanata 45: Aia's Pov
“Euriandrei, ‘yong dede!”
Sinabayan ko ng kanta ang pagtapik-tapik ko sa hita ni baby Euraianna. Hindi natuloy ang iyak ng anak ko sa pagkanta-kanta ko. Nagising kasi dahil sa katarantaduhan ng ama. Isang taon pa lang ang bunso ay nilalandi na ako. Ginigilingan ako, nang hampasin ko ay umatras; ayon at katumba kasama ng coffee table. Bote iyon kaya nabasag. Ang kalat-kalat na tuloy ng master's bedroom!
“Heto na.”
Inabot niya ang dede sa akin. Muntik ko ng mabitawan dahil sa init. “Sira ka ba? Papasuin mo ang anak mo?”
Napakamot siya sa ulo. “Eh, hindi ako marunong ng maligamgam.”
“Tss.” Binigay ko sa kaniya ang anak niya at inagaw ang dede.
“Gising na ang baby princess ko na ‘yan…”
Binalikan ko siya at binatukan. “‘Wag mong gisingin, may magluluto pa ako. Si Franciel pauwi na ‘yon.”
Napawi ang kunot ng noo ko nang dinukwang niya ako ng halik sa labi. Argh!
“Ako na ang magluluto,” aniya.
Nagbuntong-hininga ako at umalis na. Pagbalik ko ay hiniga na ni Euriandrei ang anak niya sa crib, tulog na tulog na. Basta, kapag siya ang nagpapatulog sa anak, madami lang mapatulog. Samantalang ako ay pahirapan kasi kailangan ng dede. Sunday ngayon, wala siyang pasok sa trabaho. Si Franciel ay sinama ni Fidell sa apartment nila ng ate Aifrell niya. Last year, lumipat silang dalawa sa isang apartment, isang bus at jeep ang sasakyan papunta roon. Gusto nilang bumukod. Hindi rin nga tinanggap ‘yong katapat na bahay na bibilhin sana namin ni Euriandrei para sa kanila, kung gusto talaga nilang bumukod.
“Ako na ang bahala sa pagpapaaral kay Fidell, Ate. Magbibisita na lang kami kapag pareho kaming walang pasok. Salamat sa lahat, Ate. Mahal na mahal ka namin.”
Wala na rin kaming nagawa na mag-asawa kundi ang hayaan sila. Kapag ako naman ‘yong may free time ay kami ang pumupunta sa kanila. Napansin ko lang, na parang nag-iiwasan sila ni Euriciel.
“Tulog na siya, magluluto na ako. Saka mo na lang padedehin kapag nagising,” sabi pa niya, bininilinan ako.
Ako ang ina. Nakakapagtampo itong baby ko, ah.
“Sige na, magpahinga ka na diyan. Puyat ka kagabi.”
Napanguso ako. Hinalikan niya pa ang nakanguso kong labi bago umalis. Puyat na puyat talaga ako kagabi, pero siya rin naman, kasi madaling araw na ng nakatulog si baby. Naglaro sila buong gabi. Sinubukan kong matulog pero ayaw pumikit ng mga mata ko. Bumangon ako at kinuha ang laptop. Search, search.
Nabo-boring ako kapag nandito lang sa bahay tapos walang ginagawa. ‘Yung business ko sa probinsya ay sarado na no'ng lumipat kami rito sa Maynila. Kaya naisip ko na… ipagpatuloy ko kaya rito? Para naman may mapagkaabalahan kami ni Euraianna.
Abala ako sa paghahanap ng gagawin kong supplier ng melon at ube na gagawin kong shake, at tinapay; nang bumukas ang pinto. Dahan-dahang sumilip doon si Franciel.
“Mom.”
Sinara ko ang laptop ko at tumayo. Saktong gumalaw ang natutulog na bata, naamoy na siguro ang Kuya niya. Ganiyan ‘yan siya, sa tuwing natutulog siya at kapag dadating si Franciel ay magigising na siya.
“Sabi ni Daddy natutulog si baby.” Natawa ito nang gumulong padapa ang kapatid at sa kaniya agad bumaling. Ayan na, gising na gising na siya.
“‘Kita mo naman, gising na.” Pagbuntong-hiningang sabi ko at natawa na lang din.
Lumapit si Franciel sa kapatid at kinuha roon. Kinarga niya ang kapatid at pinaulanan ng halik sa pisngi. Imbes na mairita si Euraianna ay humalakhak pa ito. Gustong-gusto niya talaga ang kinikiss nang kinikiss.
“Baby, I have something for you.”
Excited na tumawa si Euraianna. Tumulo ang laway kaya pinunasan ko agad. Pumalkpak ito.
“But before that, kakain muna tayo ng lunch sa baba, okay? Lunch.”
Pinapanood ko lang sila habang nakahalukipkip. Hindi ko maiwasang hindi gumuhit ang ngiti sa labi. Parang hinahaplos ang puso ko sa nakikita. Parang kagabi lang ay napuyat ako dahil pinapanood ko rin ang paghaharutan ng mag-ama. Mas naging masaya ang buong bahay dahil sa dumagdag. Wala na talaga akong ibang hihilingin pa na dumating. Sa kanila lang, okay na okay na ako. Punong-puno na ang saya ng puso ko.
“Let's go.” Inakbayan ko si Franciel na karga-karga ang kapatid. Tinawag ko rin si Peuri na nakadapa sa higaan niya. Sumunod siya sa amin habang kumakaway ang buntot.
Sinampay ko ang bimpo sa balikat at sabay-sabay na kaming lumabas ng kwarto. Iginaya ko ang magkapatid sa dining. Nabungaran namin ang iba’t-ibang putahe na nakahanda.
“Lunch!” utal na sigaw ni Euraianna at pumalakpak pa, kaya natawa kami.
Sinalubong kami ni Euriandrei na naka-apron pa. “Niluto ko ‘yong paborito niyo.” Isa sa ginagawa niya tuwing nagbo-bonding kami, niluluto niya ang mga paborito namin.
“Thank you, Dad.”
“Tintyu, Daddy!” utal din na sabi ni Euraianna at humagikhik nang nakitang kiniss ako ng Daddy nila.
“Always welcome kay Daddy.”
Kinalong ko si Euraianna nang umupo na. Sa harap namin ay ang Kuya niya. Si Euriandrei naman ang nasa center chair. Pero bago kami nagsimula ay nagpasalamat muna kami, na nakasanayan na naming gawin bago kumain.
“Kainan na!”
“Kain na!” Pati si Peuri ay tumahol. Nasa tabi siya ni Franciel.
Nasa gitna kaming ng pagkain nang maisipan ko ‘yong tungkol sa pagpapatuloy ko sa business ko. Nagpunas ako ng tissue sa bibig bago binalingan si Euriandrei. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. Tumaas ang isang kilay niya sa akin, hindi nakapagsalita dahil may pagkain sa bibig.
“‘Yung tinayo kong libangan sa probinsya… ipatatayo ko rito.”
“How?”
Nagkibit balikat ako. Sinabi ko sa kaniya para humingi ng tulong. “Hmm, naghahanap na ako ng supplier.”
Napatango-tango siya. Uminom siya para malunok ang kinakain, saka ako maayos na hinarap. “Ako na ang maghahanap ng pupwestuhan mo, pero sa malapit lang.”
“Ako na ang bahala.”
“Ako, ang bahala.”
Napabusangot ako at wala ng nagawa. Sige, siya ang bahala. ‘Yung paghahanapan ko na lang ng supplier ang pagtutuonan ko.
“Mama?”
Binalingan ko si Euraianna. May momo sa pisngi nito. May hawak-hawak na gulay sa kamay.
“Ano po ‘yon?” malambing na tanong ko, inalis ko ang momo sa pisngi niya.
Lumipat ang tingin niya sa ama niya. “Papa?”
“Yes, baby. Papa. What is it?”
Lumipad naman ang tingin sa harapan, sa kuyahin niya. Hinawi ko ang buhok niya dahil humaharang na sa mata niya.
“Yaya?”
“Baby, yes, I'm your Kuya.”
“Lablab,” sabay hagikhik ni Euraianna. “Mama, Papa, Yaya, lablab! Yuyi, lablab!” tinuro pa niya si Peuri na tumahol naman sa kaniya. Lalong napahalakhak si Euraianna at nanggigigil na gustong abutin si Peuri.
Tumatawa lang kami habang pinagmamasdan siya.
Ito ang buhay na hindi ko inaasahan na ipagkakaloob ng Diyos sa akin. Isang mapagpamahal at mapagalagang asawa, isang masunurin na panganay na anak; at isang masiyahin na bunso. At si Peuri, ang unang baby ko na nakasaksi ng paghihirap ko noon.
Sila, ang pamilya kong paulit-ulit kong hihilingin na maging pamilya ko sa susunod pang mga buhay.
Sa mga bisig ni Euriandrei Austin Fulgencio…buhay na buhay ako. Ngayon, nang nandito na siya sa tabi ko… masasabi ko ng lahat ng mga hamon ko sa buhay ay malalampasan ko. Dahil sa pagmamahal niya… lumalakas ako.
Marami man ang masasakit na nangyari, pinagpapasalamat ko pa rin ang gabing iyon. Ang kamalian kong hindi ko man lang inasahan na mapupunta rito. Kung mangyayari man ulit sa susunod ko pangbuhay…
I'd gladly accept the challenge of doing that mistake. Because I knew… it will turn into a beautiful one.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro