Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39 (Warning)

Kabanata 39: Aia's Pov 





“He hurt you so I hurt him, and it hurt me, Mommy.”


Hinagod ko ang likod ng anak ko para mapatahan sa pag-iiyak. Hindi ko masabi sa kaniya ang totoo dahil nasasaktan ako sa itsura niya. Kapag nalaman niya ang totoo, masasaktan siya lalo dahil nasaktan niya ang tatay niya. Baka sisihin niya pa ang sarili. 


“Anak…”


“And it hurt me more seeing him, Mommy. I don't want to see him anymore.” Lalo siyang naiyak, parang hindi niya gustong mangyari ang sinabi niya, pero nananaig ang pride niya.


“Anak, listen to Mommy.” Hinuli ko ang mga pisngi niya at hinarap sa akin. “He did nothing wrong, but I understand how you feel. Franciel, kilala ko ‘yung babae kanina, alam ko ‘yung relasyon nila.”



Tumigil sa pag-agos ang mga luha niya, nananatili lang na nakatingin sa akin, nakikinig. 



“They're meant to be married…when me and Euriandrei was… married.” Nanlaki ang mata niya pero nanatiling tahimik. “N-nagkalayo kami dahil sa aksidente noon, at sa nangyari kay Lolo at Lola mo.” 



“What do you mean, Mommy? He was your husband?” 


Marahan akong tumango. Hindi ko inasahan na sa ganitong sitwasyon ko masasabi sa kaniya ang totoo, ang pinagmulan ng ng lahat.


“Hindi ko na alam ang mga nangyari noon sa kanila no'ng umalis na ako. At no'ng araw na sinabi ko ang totoo kay Lola mo… doon namin nalaman na buntis na ako… sa'yo.” 


“Mommy…” Muling nanubig ang mga mata niya. 


Hindi ko pa man sinasabi, nakikita ko na sa mga mata niya na nakukuha niya na ang sagot. Hindi ko pa man sinasabi, alam niya na ang ibig kong sabihin. 


“‘Wag kang mag-alala, hindi siya nagalit. He loves you.” 


“Alam niya?” Nanginig ang boses niya. “I pushed him away, titigil na ba siya? Hindi na ba siya ulit pupunta rito? Babalik na ba siya sa malayo? Galit ba siya sa akin, Mommy? Hindi niya na ba ako gustong makita dahil sa ginawa ko? K-kaya umalis na siya?” sunod-sunod na tanong niya. 


Hindi ko siya magawang sagutin dahil nakatingin na lang ako sa kaniya, nakangiti. Natatawa ako pero hindi ako makatawa dahil baka kung ano'ng isipin niya. 


“Umalis siya…” nalungkot ang mga mata niya, kaya dinugtongan ko agad. “Para ihatid ‘yung babae kanina sa pamilya niya. He said the woman was not in her right mind, kaya kailangan niyang ihatid.” 


Hindi man maayos ang pagpapaliwanag ko, nakikita ko naman na naiintindihan niya ako. 


“I'm sorry, Mommy…” Hinaplos ko siya at hinalikan sa noo. 


“Mahal ka namin, Franciel.”


Nagigising ako sa umaga nang gising na si Franciel, kahit walang pasok. Lagi siyang nakaupo sa pinto na parang may hinihintay sa labas. Pati tuloy ang Tiyo Fidell at Tiya Aifrell niya ay nagtataka na sa kaniya. Tinatanong siya ng mga ito, pero ang dinadahilan niya lang ay maaga siyang nagigising. 



“Tito Fidell, kung mahal mo ang isang tao… kapag ba ipagtabuyan ka niya… b-babalikan mo pa?” 


Napatigil ako sa pagbabalot ng mga kahon para kunwaring regalo na ilalagay ko sa ilalim ng christmas tree, nang marinig iyon kay Franciel. Sinulyapan ko sila. Nakaupo na sila ngayon ni Fidell sa pintuan, galing sa paglalaro. 


“Hindi. Kahit ipagtabuyan niya ako, babalikan ko pa rin siya. Hanggang sa mapagod na lang siya katataboy sa akin. ‘Tsaka mahal ko ‘yung tao kaya hindi ko siya susukuan. Maitataboy niya ako, pero hindi ang pagmamahal ko sa kaniya.” 


“Hoy, Fidell! Ano na naman ‘yang kabulastugan na pinagsasabi mo, ha!” si Aifrell na lumabas galing kusina. 


Nilingon ni Fidell si Aifrell, iritado. “Totoo naman talaga!” saka niya ulit binalingan si Franciel. 


Umupo si Aifrell sa tapat ko at nakisali sa ginagawa ko. “Ate, wala ka bang balita sa magkapatid?” maya-maya ay natanong niya. 


Oo nga pala, simula no'ng umalis si Euriandrei ay umalis din si Euriciel. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Euriciel, pero mabuti na rin ‘yon, hindi ‘yung palagi na lang siyang nandito. Siguro naramdaman niya rin na napapasobra na ang pag-stay sa lugar na ito, na akala mo ay hindi siya estudyante sa Manila.



“Sabi ni Euriciel, magiging busy siya dahil sa thesis niya kaya sumunod siya sa kuya niya pauwi. Isang linggo na, Ate.” 


“Miss mo na?” 


“Ate!” sabay inirapan niya ako. Hindi pa aminin, e! Parang no'ng una ay pinagtutulakan niya ito. “Pero, Ate, sinabi sa akin ni Euriciel na… ang Kuya niya ang Tatay ni Franciel. Totoo ba?” 


Tumango lang ako. Napatakip siya sa bibig at halos tumalon. 


“Gosh!” nang maka-get over na siya. “Kaya pala! Magkahawig! Pogi pa! Kaya pala ang healthy ni Franciel kasi healthy ang wallet ng Tatay!” 


“Shh! ‘Wag ka ngang masyadong maingay,” sabay sulyap ko sa dalawang nasa pintuan, para silang magkumpare na nagkukwentuhan. 


“Si Euriciel, Ate, sabi niya gusto niya rin magkaanak sa akin.”

Nanlaki ang mata ko sa kaniya. “Anong sinabi mo?” 

“Sabi ko, oo, after 10 years! Sabi niya naman, sige raw!” Napatango-tango ako, parang sigurado na talaga na sila ng dalawa ang para sa isa't isa, ha, pero masaya naman ako sa kung ano'ng meron sa kanila ngayon. “Kaya lang, Ate… hindi ko pa rin makakalimutan ‘yung ginawa ng parents niya… kaya parang malabong mangyari iyon.” 

Ayo'kong diktahan ang kapatid ko na kalimutan ang nangyari o ano. Gusto ko na sarili niya mismo ang magturo sa kaniya kung paano magpatawad. Naiintindihan ko naman siya, kaya ayaw ko ring makisawsaw sa nararamdaman niya. Nandito lang ako para gabayan sila sa mga desisyon at gusto nila.

“Mommy, h-hindi na po siya babalik?” Kinaumagahan bago ako ang christmas eve. 

Sarado ang tindahan kaya ngayon ay abala kami ni Aifrell sa pagbabalot ng mga regalo at candy para sa mga bata bukas. Nakapamalengke na rin kami ni Aifrell kahapon. 

“Sino, anak?” tanong ko, na parang hindi agad na proseso ng utak ko ang tinutukoy niya dahil sa pagiging abala ko sa ginagawa. 

“Si D-daddy…” 

Doon niya nakuha ang buong atensiyon ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. 

“Baka abala rin siya sa family niya,” malambing na sabi ko. 

Biglang dumating si Aifrell at umupo sa harapan naming sofa. “Hinahanap mo na ang Daddy mo, Franciel?” 


Nahihiya man ay tumango si Franciel. Hindi ko tuloy napigilang ngumiti. Sigurado, kung malalaman ito ni Euriandrei… grabe ang tuwa ng mokong na iyon. 


“Nakausap ko ang Tito Euriciel mo kanina! Sabi niya ay babyahe mamayang gabi ang Daddy mo papunta rito. Kaya bukas ay nandito siya.” 


“Talaga po?!” Nabuhayan si Franciel at halata talaga na masaya siya at excited, sa mga kilos niya. 

Abala sila Fidell at Franciel sa panonood ng mga nangangarol sa labas nang patakbo akong nilapitan ni Aifrell. Inabot niya sa akin ang cellphone niya.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko. 

“Si Kuya, tumatawag!” Dahil sa lakas ng boses niya ay napabaling sa amin ang dalawa, pero binalik din ni Fidell ang tingin sa mga bata sa harap, habang si Franciel ay umalis para lapitan kami. 

“Ano pong sinabi niyo, Tita?” 

Pagtingin ko sa screen ng cellphone ni Aifrell ay naka-on call ang video call ni Euriandrei, pero naka-off cam siya. Bumilis ang tibok ng puso ko, parang tanga naman! 

“Si Daddy mo tumatawag!” 

“Really, Mama?!” Mas nagliwanag ang mukha niya at kumislap pa ang mga mata. 

Nakangiti ko siyang tinanguan kaya halos talunin niya ako para silipin ang cellphone.

“Mommy, let me see.” Natawa ako. 


“Akin na muna ‘to.” Kinuha ni Aifrell ang bitbit ni Franciel na kinalalagyan ng mga candy pambigay sa mga kumakanta sa bata. 


Umupo kami ni Franciel sa pintuan. Sinuklay ko ang buhok ko at kinagat-kagat ang labi para mamula, bago ko in-open ang camera, na sa noo ko tinapat. Nag-open cam na rin si Euriandrei kaya tumambad sa amin na nagmamaneho siya. 


“Mommy, ‘yung noo mo po ‘yung nakikita,” utas ni Franciel sa tabi ko at bahagyang hinatak pababa ang kamay ko. “Ang ganda mo po, Mommy.” Nang tumapat sa mukha namin ang camera. 


Narinig ko ang pagtawa ni Euriandrei nang mahina. Nasa kanan sa harapan niya ang cellphone. Naka-dark navy blue siyang polo shirt habang nagmamaneho. Nakabagsak ang buhok niya. Sinuklay niya iyon pataas gamit ang kamay saka binasa ng dila ang labi. Parang mga baliw na kinilig ang kulisap sa tiyan ko. 


“Hello there,” ang malamig niyang boses. 


Sh*t! Isang linggo ko lang siyang hindi nakita at narinig ang boses ay parang miss na miss ko na agad siya. Ano?! Miss?! Agad?! 

“H-hello…” Ramdam ko ang hiya sa boses ni Franciel. Napatikhim ako. 

“A-anong ginagawa mo?” parang wala sa sariling tanong ko. 

Bulag, Aia?! Nakikita mo ng nagmamaneho, ‘di ba? Hindi naman p'wedeng maglaba sa loob ng sasakyan, ‘di ba? 

“Driving. Merry Christmas.” 

“Merry Christmas po!” 

“M-merry Christmas.” Parang gusto kong suntukin ang sarili ko. Bakit ba ako nauutal?! 

“I'm sorry po…” Napabaling ako kay Franciel. Sumulyap din si Euriandrei sa cellphone at bahagyang tumango bago binalik sa harap ang tingin. 

“I love you…” 

Dahil sa sinabing iyon ni Euriandrei, nakita ko ang pagkinang ng mga mata ng anak ko, na parang kapag inulit pa ni Euriandrei ang sinabi ay may lalabas ng luha sa mga mata ng anak ko. Naging sapat na ang tatlong salita na iyon ni Euriandrei para mabuhay muli ang namatay ng pagmamahal sa puso ko para sa kaniya. Unti-unti ulit na tumibok ang puso ko sa pagtawag sa kaniya. 


“I love you too, D-daddy…” 


“F*ck.” Biglang huminto ang sasakyan niya. Akala ko ay kung anong mangyari, pero namasa lang ang mata ko nang yumuko siya para ilapit ang mukha sa cellphone. 


Kitangkita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Parang nakikita ko ang mga mata ng anak ko sa kaniya. Kumikinang iyon, at sa isa pang salita ng anak ko ay babagsak na iyon. 


“I'm sorry I pushed you…I pushed you away.” 

“Shh. It's fine. Pabalik na rin naman ako.” Saka siya ulit umayos sa pagkakaupo at nagsimula ulit sa pagmamaneho. 

“Why are you calling while driving po?” Tumahan na si Franciel. 

“Kasi hindi ko na po kaya na hindi kayo makita at makausap. I want to spend christmas eve talking to you.” Nakagat ko ang ibabang labi. 

“Nasaan ka na?” Sa wakas ay nakapagsalita ako. “Malapit ka na ba?” 

“Malayo pa. Kaaalis ko lang.” 

Binilang ko sa utak ang oras na maaring byahe niya, at ang oras ng pagdating niyam. Eight hours, kalahating oras sa bangka. Bale nine hours bago siya makarating dito sa bahay. Alas syete na, eh di… madaling araw na siya makarating. Hindi na lang siguro ako matutulog mamaya paggising ng alas dose. 

“Oh no. The cellphone will shoot down in fifteen seconds!” 

“What? Aifrell!” 

Narinig ko ang pagtawa ni Euriandrei sa kabilang linya. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kay Franciel dahil tinatanaw ko ang palapit na si Aifrell. 

“Hindi mo sinabi, malo-lowbat ka na pala.”

“Ay sorry! Akala ko kasi may sasabihin lang si Kuya.” 

Pagbalik ko ng tingin sa cellphone ay call ended na. Hawak na ni Franciel ang cellphone at may tina-type. Sinilip ko iyon at binasa. Dahil account ni Aifrell ang gamit, nilagyan ni Franciel ng pangalan niya sa baba ng mensahe niya na agad sineen ng ama. 

Okay, Daddy. We'll call you again later. Merry Christmas. Drive safely!

–Franciel



Kuya Euriandrei:

I love you two so much.



Reply ni Euriandrei, na parang sa dami ng mga gusto niyang sabihin sa anak ay iyung anim na salita lang na ‘yon ang nabuo sa mga sasabihin niya. 


Tulog na tulog na ang tatlo bago pa mag-alas nwebe. Nagising din kami ni Aifrell ng alas onse para magluto. Ginising namin ang dalawa bago mag-alas dose at sinalubong ang pasko. Hindi na ako nakatulog, si Franciel ay pinipilit na lang ang sarili na hindi makatulog, pero maya-maya ay nakatulog na siya sa tabi ko. Kami ni Aifrell ulit ang natirang gising, siya kausap sa chat si Euriciel, samantalang ako ay nag-iisip kung nasaan na maari ngayon si Euriandrei. 


Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Aifrell sa sala. Ewan, bigla akong hindi mapakali. 

“Aifrell,”

“Oh, Ate?” Binalingan niya ako pagkatapos sumubo ng spaghetti. 

“Kausap mo pa si Euriciel?” 

“Katatapos lang. Bakit, Ate?”

“Ichat mo nga. Tanungin mo kung tumawag sa kanila si Euriandrei kung nasaan na siya.” 

“Chinat ko na si Kuya, pero naka-off siya ten minutes ago. Hindi pa siya nagse-seen. Wait tanungin ko si Euriciel.”

Umupo ako sa tabi niya at sumilip sa cellphone niya. Nagtitipa na siya nang biglang lumitaw na tumatawag si Euriciel. Sinagot niya iyon. 


“Si Ate Aia?” bungad agad ni Euriciel. 


Kumabog ang dibdib ko. 


“Nandito.” Inabot ni Aifrell ang cellphone sa akin. Hindi ko nakikita ang mukha ni Euriciel dahil naka-off cam siya. 


“Euriciel?” Nangunot ang noo ko nang may marinig ako na ingay sa background, boses ng mga magulang niya na parang natataranta. “Ako na ‘to. Bakit?”


“Ate… si Kuya na-aksidente!” 


Lumipad ang nanginginig kong kamay sa bibig. “Ano?!” 


To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro