Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 35 (Warning)

Kabanata 35: Aia's Pov 




“Magkakilala kayo?!” 

Ang dami na agad pumapasok sa isipan ko. Paano? Nasundan ba siya? May iba pa bang nakakaalam sa pamilya niya na nandito kami? 


“Ate, magkakilala kayo?” ulit ni Aifrell matapos akong balingan. 


Bumitaw ako ng tingin kay Euriciel at hinila si Aifrell palabas ng fruit shake-an. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang sarili ko; nalilito, nagtataka, at naguguluhan. Paano nangyari ito?

“Siya ba ‘yong…” Hindi ko matuloy-tuloy ang gustong sabihin, tumango na rin agad si Aifrell kaya natigil na rin ako. “Paano…”

“Ate, sino siya? Ibig kong sabihin…bakit magkakilala kayo?” 

Mabuti at wala pang dumadating na customer! 

“Aifrell, siya ang… kapatid siya ng tatay ni Franciel.” Hinanaad ko ang boses ko sa huling sinabi. 

Nanlaki ang mga mata niya. Ang gulat ay napalitan agad ng galit at pagkamuhi. Nabigla ako nang hubarin niya ang apron na may tatak ng business name namin, saka dali-daling lumabas sa gate. Sinundan ko siya. 

“Aifrell!” 

“Ang kapal ng mukha mo! Alam mo ba ang mga nangyari noon, ha?!” Nilapitan ko ang kapatid ko at sinubukang awatin ito sa paghahampas sa lalaki, pero mapwersa siya. “Bakit hindi ka sumagot?! May kapal ka pa ng mukha na pumunta rito! Ang yabang mo!” 

“Aifrell!” Nanghina si Aifrell kaya nagawa ko itong ilayo kay Euriciel.

Nakatayo lang ang lalaki, halong lito, gulat, at pagtataka ang nasa mukha. Naguguluhan niyang tiningnan si Aifrell. 

“What? What did I do? Ano'ng ibig mong sabihin?” 

Nagpumiglas ulit si Aifrell mula sa hawak ko at sinugod ng sapak ang lalaki. Dahil mas matangkad si Euriciel sa kapatid ko ay tinatalon na siya ng kapatid ko para masampal sa mukha. 


“Kunwari ka pang walang alam?! ‘Yung Nanay mo! Sumugod dito five years ago para papirmahan ang divorce paper sa ate ko! Nang dahil sa parents mo, nawala ang Nanay namin!”


“Aifrell, tama na…” pagtatahan ko. 

Ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na ganitong sobrang nasasaktan. Noong nawala si Nanay, akala ko ay ako na ‘yong sobrang nasaktan dahil sa aming dalawa…ako ‘yung nakikitang sobrang nagluluksa. Hindi ko inakala na ganito pala siya nasaktan no'ng nawala si Nanay… hindi niya lang ipinakita sa iba kung gaano siya kadurog na durog. 


Natigilan si Euriciel sa sinabi ng kapatid ko. Humakbang siya palapit sa amin para abutin ang kapatid ko habang puno ng pagsisisi ang mga mata, kahit wala naman siyang kasalanan sa nangyari noon. Ang paglapit niya ay natigil nang mapatingin siya sa batang tumatakbo palapit sa amin habang tinatawag ako. 

“Mommy, bakit po umiiyak si Tita Aifrell?” inosenteng tanong ni Franciel nang nakayakap sa binti ko. 

Nakita kong lalong natigilan si Euriciel habang titig na titig sa anak ko. Dahan-dahan ay umangat ang tingin niya sa akin saka binalik ulit sa bata. Bumilog ang bibig niya nang tila may napagtanto siya. Hindi ko na rin naman maitatanggi…dahil sa katunayan…kahawig na kahawig ni Franciel itong si Euriciel dahil kamukhang-kamukha nito ang kuyahin niya no'ng binatilyo pa lang. Kaya parang…nagmumukha silang magkapatid. 


“Sh*t! Aray!” hiyaw nito nang may tumamang bato sa tabi ng pisngi nito. Nasugat iyon kaya may gumuhit na dugo. 

“Sino ka para paiyakin ang Ate Aifrell ko!” galit na galit na sigaw ni Fidell sa likuran namin. 

“Fidell!” tawag ko nang batuhin ulit si Euriciel. “Fidell, tigilan mo ‘yan.” Sumunod naman ito agad. 

“Please. Calm down, people.” 

“Ayo'kong makita ‘yang pagmumukha mo!” sigaw ni Aifrell dito saka kami tinalikuran para pumasok na ng bahay. 

“Mommy, who is he? Is he my Daddy?” Nakagat ko ang ibabang labi sa tinanong na iyon ng anak ko. 

“No, baby. I'm your Tito–aray!” sigaw na naman nito matapos makatanggap ng mga maliliit na bato. 

“‘Wag mong lalapitan ang pamangkin ko!” galit na sigaw ni Fidell. Dahil nga lumuhod si Euriciel kay Franciel at nag-aambang kunin ay nakatanggap siya ng bato sa kapatid ko. 

“Fidell, tama na ‘yan.” 

“Eh, Ate, sino ba siya?” iritang tanong nito. 

Hindi ko na siya sinagot. Hinawakan ko na lang siya sa balikat at pinauna na sa pagpasok sa gate. “Halika, Euriciel. Tuloy ka.” 

Nag-aalangan pa siya, malalim pang nagbuntong-hininga bago sumunod sa akin. 

“Hindi ko alam ang nangyari, really. Please enlighten me,” usal niya habang nakasunod sa akin. 

Tumigil ako nang makapasok sa gate at hinarap siya. Tumigil siya at hinarap din ako. “Hindi ko alam kung paano kayo nagkakilala ng kapatid ko. Euriciel, hindi naman siguro… uh… wala naman yatang kinalaman ang parents mo sa paggulo mo sa kapatid ko, ‘di ba?” kalmadong tanong ko. 


Wala namang masama na nagawa sa akin ang lalaki. Alam ko namang naiiba siya sa parents niya kaya hindi ko siya magawang pagpukulan ng galit ko sa parents at Kuya niya. 

“I swear, Ate Aia. Wala akong alam… ni hindi ko sh*t! Hindi talaga ako nakapaniwalang kapatid mo siya.” 

“So nandito ka para…sa kapatid ko?” Pinanliitan ko siya ng mga mata. 

Naging malikot ang mga mata niya habang napapakamot siya sa batok. Namula rin ang tenga niya. Natawa ako na lalo niyang ikinabusangot. 

“Sasabihin ko lang sa'yo, Euriciel. Hindi ko kayo pakikialaman ng kapatid ko, basta… ‘wag mong uulitin sa kapatid ko ‘yung ginawa ng parents mo at ng kuya mo sa akin,” marahang sabi ko at nginitian siya. “Tara muna sa loob. Mukhang napagod ka sa byahe.” 

“Yeah…actually, ilang beses akong nasuka sa bangka. That was my first time.” Hindi lang siya sanay sa pucho-puchong bangka kasi paniguradong may yate sila. 

Naabutan namin si Aifrell sa sala. Nang nakita nito si Euriciel ay tinaliman niya ng tingin ang lalaki. Nararamdaman ko si Euriciel sa likuran ko na parang tuta na pinagagalitan ng amo, takot. 

“Aifrell, ihanda mo ng meryenda itong bisita mo–”

“Wala akong bisitang dugong, Ate.” 

“Sige na, Aifrell.” Sumunod din naman siya, pero pinukol muna ng nananakal na tingin ang lalaki sa likuran ko. 

“Nakakatakot pala talaga siya,” bulong ng lalaki sa akin na ikinatawa ko. Magdusa ka. May papunta punta ka pa rito, ha.

Lumabas si Aifrell pagkadala ng juice sa sala, para kumuha ng pizza. Pinasara ko na lang din muna ang tindahan kahit nagpupumilit siyang bantayan iyon. 


“Gusto ni Franciel na mag-swimming, pag-uusapan na natin,” sabi ko sa kaniya para hindi na siya magmatigas. 

Lumabas si Fidell saka Franciel mula sa kusina, dala ng anak ko ang laruan niyang kotse-kotse habang may dala-dala namang mga baso si Fidell, na masama pa ring nakatingin kay Euriciel. Hays, magkapatid talaga sila ni Aifrell. 

“Ate, sino ba ‘yang bisita mo na ‘yan? Mas pogi pa ako,” iritang saad nito. 

“Fidell, suway ko.” Tumigil siya at nagsalin ng juice sa baso saka uminom.

“He's my Tito, too, Tito,” sabi ni Franciel habang nakahilig sa akin. 

“Sino’ng mas pogi sa amin, Franciel?” desperadong tanong ni Fidell. 

“Me! Ako ang pinaka-pogi!” sagot ng anak ko na ikinatawa namin ni Euriciel, samantalang bumusangot si Fidell. 

Pumasok si Aifrell na may dala-dalang dalawang kahon na pizza. Nanlaki ang mata ko dahil inaasahan kong isa lang ang kukuhanin niya. Bumusangot siya nang nginisihan ko siya. 

“Bakit may isang Hawaiian, Aifrell? ‘Di ba wala naman sa ‘ting may gusto ng pinya sa pizza? At… may hot sauce pa, eh, ‘di ba, wala namang mahilig sa atin dito ng maanghang,” sabi ko nang may ngisi sa labi. 

“That's for me, for sure,” nakangisi ring sabi ni Euriciel. 

“Kapal mo! Eh wala ka man lang ambag sa pizza! Bayaran mo ‘yan!” Hay naku, ang init-init ng ulo ng kapatid ko ngayon. 

“Tita, why are you so grumpy?” malambing na tanong ng anak ko, lumambot agad ang mukha ni Aifrell. 

“Pa'no’y may pogi sa harapan niya,” saad ni Euriciel. 

“Hoy! Nakikita mong magkatabi kami ni Ate Aifrell!” si Fidell. Isa pa ‘to, basta usapan pogi ay ayaw ng nalalamangan siya. 

Tinawanan lang siya ni Euriciel kaya mas lalong na-badtrip. Magkakatabi kasi kaming tatlo ng mga kapatid ko sa mahabang sofa habang ang lalaki ay nasa single sofa na kaharap namin. 

“Tss. Pag-usapan na lang nga natin ‘yung tungkol sa swimming, Ate.” 

“Ha? Swimming?” Agad nagliwanag ang mukha ni Fidell. 

Paano kasi medyo malayo kami sa mga resort kaya minsanan lang talaga kami nakakapagswimming sa dagat, ‘di ‘tulad ng ibang residente na nasa malapit lang sa dagat ang bahay, o kaya ay walking distance lang. 

Nakita kong humikab si Franciel, busog na busog na. “Patulugin ko lang si Franciel.” Naramdaman ko ang paghawak ni Aifrell sa laylayan ng damit ko, pinipigilan akong umalis. 

“I'm sleepy, Mommy.” At humikab na naman ang anak ko. Ewan ko ba kung pa'no niya kaagad natutunang um-english english. Kapapanood niya ay nasasaulo niya agad. Hay…mana sa…nevermind. 

“Maiwan na muna kita sa kapatid ko, Euriciel, ah. Uh, sandali, may matutuluyan ka ba rito?”

“Actually…wala. Uhm… balak ko kasi na… kaso.” Hindi niya masabi ang pinupunto niya, per sa mga tingin niya ay naiintindihan ko siya. 

Hindi niya talaga inaasahan ito. Hindi niya inaasahan na ako ang pamilya ni Aifrell kaya…medyo awkward sa kaniya. 

“Sige. May isang guest room naman kami. Aifrell, ikaw na ang bahala sa bisita natin. Ako na ang bahala magplano sa swimming natin. At, Euriciel, mag-usap tayo pagkapahinga mo.” Tinanguan niya lang ako kaya iniwan ko na rin siya. 

Kinarga ko na si France habang tinutungo namin ang kwarto namin. Humiga agad sa balikat ko ang ulo niya. Randam ko na antok na antok na siya. 

“Mommy… may chance ba na sa susunod… si Daddy ko na ang makikilala ko?” antok na saad nito. 

Parang kinurot ang puso ko. He's longing for his father. I inhale a large amount of air. 

“Siguro, anak… kung magtatagpo ulit ang landas namin,” sagot ko. 

Pero hindi ibig sabihin niyon ay okay na. Hindi. Hindi pa. Hindi ko siguro matatanggap ang explanation niya. Five years. Limang taon. Hindi niya man lang ako hinanap. Hanggang ngayon ba ay hindi niya pa rin ako maalala? Imposible. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ‘pag nagtagpo na kami. Pero isa lang ang sigurado ako sa unang gagawin ko… hindi ko ipapakilala sa kaniya agad ang anak niya. 

Magdudusa muna siya bago ko ihaharap sa kaniya si Franciel.

To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro