Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 34 (Warning)

Kabanata 34: Aia's Pov 





“Franciel, ‘yang sipon mo na naman, umaagos na naman!” 


Napalingon ako sa dalawang naglalaro sa sala. Nakasalubong ang kilay ni Fidell habang dala-dala ang bimpo. Umupo siya sa harap ng pamangkin at hinawakan ang mukha nito para punasan ang ilong. 


“Tito, tumutulo po kasi siya kapag yumuyuko ako, e.”


“Eh di ‘wag kang yumuko!” 


Kinagat ni Peuri ang kotseng laruan ni Franciel ‘tsaka itinakbo. Hinabol siya ni Franciel, nakatingala. Napailing-iling ako nang magkamot-kamot si Fidell sa ulo habang nakabusangot na nakasunod ng tingin sa pamangkin niya. 


“Thank you, ‘te.” Pagkaabot ko ng burger na binili.


“Thank you, Aia.” 


Sobrang hands-on ko na sa maliit long negosyo. Hindi na ako kumuha pa ng assistant simula no'ng umalis si Lie. Pagka-graduate niya ay nagpaalam na rin siya dahil maghahanap na siya ng trabaho sa Manila, sobrang ang pasasalamat niya sa akin. Si Aifrell ay nasa 3rd year college na kaya hindi ko na siya masyadong pinagtatrabaho rito sa akin, minsanan na lang kapag free siya. Hindi na rin ako naghanap pa ng trabaho at nanatili na lang dito sa negosyo ko, na mas malaki ang kinikita ko at natutustusan ang lahat ng mga pangangailangan naming apat. Ngayon ay apat na taon na si Faranciel kaya sila ng Tito Fidell niya ang magkasama sa pagpasok. Nauunang mag-uwian sila Franciel kaya sinusundo ko na lang. 


“Ano at nakabusangot ka riyan? Kanina ko pa napapansin, ah,” untag ko kay Aifrell na naka-apron, kaharap ang fruit shake. 


Katatapos lang daw ng midterm nila at may tatlong linggo silang sembreak bago ang second semester, kaya nandito siya’t tinutulungan ako. 


“Eh, kasi naman, ate…” Hinarap niya ako, nakabusangot pa rin. “Naaalala mo pa ba ‘yung nasabi ko sa inyo ni Ate Fresly noon na may kachat ako na balak ko ng i-ghost, kasi magwa-one week na kaming magka-chat?”


Tinuon ko sa kaniya ang buong atensiyon, saktong kaalis lang ng bumibili. “Oo, oh anong meron doon?” 


Lalo siyang napabusangot, na parang mas pinoproblema niya pa ‘yon kaysa sa exams niya. “Eh, kasi, Ate…akala ko ay titigilan na ako. Tapos ngayon, after four years, nagpaparamdam na naman!”


“Oh, anong ginawa mo?” Nakuha niya ang interes ko. Naiintriga ako sa love life niya. 


“Ginawa ko na ang lahat, Ate, para tigilan niya ako. Blinock ko na siya sa lahat ng social medias ko, pero nagulat ako nang mag-email naman siya sa akin!” 


Nanlaki ang mata ko at napa-’o’ ang bibig. 


“Hindi niya raw ako titigilan, Ate! Kinakabahan ako, Ate, kasi sabi niya pupuntahan niya ako! Gago ba siya?!” Nahaluan ng inis ang pangamba niya.


Napangisi ako. “Lagot ka. Mukhang nabihag mo. Ano ba ang ginawa mo? Sabi mo ay taga-Manila iyon?”



“Oo nga, Ate! Eh, never kaming nagkita sa personal o kahit sa video call!” 



“Oh, bakit ka natataranta? Hindi naman niya alam kung saan ka nakatira.” 


“‘Yon na nga, Ate, eh! Aksidente kong naibigay ‘tong address natin!” Pati ang mga mata ko ay nanlaki. “Lasing ako no'n, Ate! No'ng nag-inuman kami ng group mates ko!” 


Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. “Alam ba ‘yan ni Kuya Dion mo?” 


Nakagat niya ang ibabang labi. “Ayo'kong sabihin, Ate! Pagagalitan ako no'n!” Nangako kasi siya kay Dion no'ng nag-eighteen siya na hindi siya magbo-boyfriend hangga't hindi grumagraduate. 



“Seryoso ba ‘yung lalaki?”


“Oo, Ate! Kilala ko na ‘yong mokong na ‘yon! No'ng nagparamdam nga siya ay pinadalhan ako ng sankatutak na bulaklak at tsokolate! Natatandaan mo ‘yung mga inuwi ko rito no'ng bakasyon? Sa kaniya galing ‘yon!” 


“Patay ka diyan. Basta, kapag napadalaw dito ang Kuya Dion mo, sabihin mo sa kaniya para just in case…” 


Napabuntong-hininga siya. Nang may lumapit na customer ay gumuhit ang ngiti sa labi niya saka inasikaso ang inorder nito. May dumating din na bibili ng burger kaya naging abala na rin ako. 



Sa sobrang busy na ni Dion ay madalang na lang siyang nakakadalaw. Tumakbo na kasi siyang kapitan ng baranggay na pinag-alisan namin. Ngayon magdadalawang taon na siyang kapitan sa baranggay na iyon. Si Fresly naman ay nagtatrabaho na sa isang resort dito sa Isla bilang manager. 



“Ate Aia!”


“Oh, Mia!” 



“Bawal, utang. Bawal utang,” sabi agad ni Aifrell. 


“Hindi naman! Bibili ako ng meryenda, Ate Aifrell. Bibili!” Si Mia ay ang isa na sa mga customer namin. Minsan itong nagpapaturo kay Aifrell ng assignment niya at nagpapagawa ng project, kaya close sila masyadong dalawa. High school pa lang ito, grade 8. 



“Oh, ano'ng hanap, Madame?” si Aifrell dito.


“Sugar daddy!” 


“Ay out of stock na raw para kay Mia.” Nagtawanan sila, pati ang isang kasama ni Mia na babae, kaibigan niya. 


“Wala ka lang boyfriend, e!” 


“‘Ganda ko, e!” 



Habang inaasikaso ko ang isang buong pizza at limang burger na binibili nito ay nakikinig lang ako sa mga kabulastugan nila. 


“Ask ko lang, Ate Aia, Ate Aifrell,” saad ng kaibigan ni Mia. “Nakagat kasi ako ng aso kahapon, ask ko lang sana kung ilang araw bago ako kumain ng diaper!”


“Jusko, Roma! Napaka-random mo talaga!” si Aifrell habang tumatawa. 


“Hala? Gago?!” ani Marie na sinuway ko agad dahil palapit ang anak ko, bawal bad words. “Ay sorry, Ate. Pero kasi…kinagat ako ng boyfriend ko, eh! Eh di kakain na rin ako ng kiffy?!” 


“Mia!” sabay halakhak namin. Ang babae talaga na ‘to! 


Bumaba ang tingin ko sa apat na taon kong anak pagkaabot ko ng order ni Mia.


“‘My…”


“What is it, France?” malambing na sagot ko at ginulo ang buhok niya, habang sinusuklian ang isang libo ni Mia. 


“Ang pogi talaga ng batang ‘yan. Hihintayin ko ‘yan, Ate Aia, ah! Hindi muna ako magbo-boyfriend,” ani Roma.


“Dadaan muna sa kamay ko,” ani Aifrell habang inaabot ang melon shake ni Mia. 


“Naku, Ate Aifrell! Mukha ka lang Nanay, pero hindi ikaw ang Nanay!” pahabol pa nina Mia saka dali-daling umalis. 

“Hoy! Magtutuos tayo pagbalik niyo!” sigaw ni Aifrell sa mga ito. 

Napailing na lang ako at binalingan ang anak ko pagkapatay ng stove. “Ano ‘yun, baby?” 


“‘My, gusto ko po mag-swimming…” 


“Busy kami ni Tita Aifrell, anak, e. P'wede bang next time na lang?” malambing na pakiusap ko. 


Ngumuso siya dahilan ng mas lalong pamimilog ng pisngi niya. Akala ko no'ng una ay tuluyan niyang makukuha ang itsura ng tatay, ‘buti na lang habang lumalaki siya ay nagkakamukha niya na rin ako. Ngayon, kitangkita na half-half ang itsurang nakuha niya sa akin at sa Tatay niya. 



“Okay!” 


“Are you hungry? What d you want to eat?” 


Umiling siya. “I'm not hungry. I want to play.” 


“Franciel, tara na! Karerahan tayo ng cars!” tawag ni Fidell mula sa bahay. 


Patakbo namang pumunta sa kaniya ang pamangkin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang may bahid na lungkot habang tinatanaw ang pagpasok ni Franciel sa bahay. Naramdaman ko si Aifrell na tumabi sa akin. 


“Ate, matagal na akong curious. Pero hindi kita uusisain,” usal niya. “Pero, Ate… buhay pa ba ang Tatay ni Franciel?” 


Malaking hangin ang hinigop ko para kalmahin ang puso kong tila bumigat sa sinabi ni Aifrell. Wala akong idea, pero sana…sana nakaligtas siya sa sakit niya. At kung hindi niya man ako maalala na…ayos lang basta maayos siya. Hindi ko maiwasang hindi masaktan kapag naiisip ko na nakalimutan niya ako. Para kasing…wala akong naging puwang sa puso niya para kalimutan niya ako at hindi alalahanin. 


“Na-aksidente ang Tatay niya no'ng umuwi ako rito. Hindi niya ako maalala…” pagkuwento ko at nagkibit balikat. 


Naintindihan agad ni Aifrell kaya hindi ko na kailangang ikwento sa kaniya ang lahat. Hindi ko na kailangang saktan ulit ang sarili ko sa pag-alala sa nangyari noon. 


“Posible kayang hinahanap ka niya, Ate?” 

“Hindi na siguro.” Mapakla akong tumawa. “Nando'n naman sa tabi niya ‘yong babaeng itinakdang ikasal sa kaniya no'ng umalis ako, e… Baka may anak na rin silang dalawa ngayon.”


“Paano kung kinasal nga sila at nagkaroon na ng pamilya? Masasaktan ka ba, Ate?”


“Ano'ng akala mo sa'kin? Robot?” Dinaan ko sa biro ang sobrang sakit ng epekto ng sinabi niya. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. 


“Eh… sino ba siya? Malay mo… kilala siya no'ng mokong na adik?” 


“Mokong ng buhay mo na adik sa'yo?” sabi ko at napairap sa kaniya. Unti-unting napawi ang kirot sa dibdib ko nang nalipat sa usapang iyon. Ngayon ay asar na asar sa akin si Aifrell. 


“Ate! Ni hindi ko pa nakakausap ‘yon ng face to face, e! Gwapo siya, pero sa picture na niyang walang kwentang pinagse-send sa akin! Akala mo naman ay isa ako sa mga fans niyang nagkakandarapa sa kaniya!” Tuluyan nang nairita ang kapatid ko sa lalaki kaya mas lalo siyang naasar sa ngisi ko. 


“Ta’mo, Aifrell. Kapag nahulog ka…” pahabol ko pa bago siya iniwan doon para tingnan ang mag-tiyo sa sala. 


Papasok pa lang ako sa bahay nang matigilan ako sa pagsigaw ni Aifrell kasabay ang pagkahulog ng kung anong mga gamit. Napatakbo agad ako pabalik. 


“Aifrell, ano'ng nangyari?!” Nagkalatan ang mga prutas sa kinatatayuan niya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatulala sa labas. Tumakbo ako palapit sa kaniya at tiningnan ang tinitingnan niya sa labas. 


Nanlamig ang buong katawan ko. Katulad ni Aifrell ay nanigas din ako sa kinatatayuan dahil sa tong nakatayo sa tapat. 


“Ate Aianna?”

“Euriciel?!” 

Nalaglag ang panga ko.

“Mokong ka! Adik! Ano'ng ginagawa mo rito, ha?!” sigaw ni Aifrell sa lalaki nang natauhan.


To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro