Kabanata 33 (Warning)
Kabanata 33: Aia's Pov
“Si Vhon ang ama.”
Nagsalin ako ng juice sa baso at pinainom siya. Last week siya umuwi galing Manila. Maayos naman daw siyang nakaalis, wala naman daw nakasunod sa kaniya o nakaalam kung saan siya uuwi. Matagal na rin siyang umalis sa bar, no'ng nalaman niyang pinagbubuntis niya ang anak ni Vhon ay umalis siya…nang hindi rin alam ng lalaki.
“Nalaman ko ‘yung nangyari kay Tiyo at Tiya. Sorry kung wala ako sa tabi mo no'ng nangyari ‘yon.”
Nginitian ko siya. “Ano ka ba. May sari-sarili rin tayong problema, ‘no! Oo nga pala, hindi ka na rin babalik sa Manila?”
Umiling siya, siguradong-sigurado na. “Hindi na ako babalik. Nakapag-graduate na rin naman ang pinag-aaral kong kapatid.”
May dala si Fresly na mga damit. Dito raw siya muna ng isang linggo. Hindi siya makapagbisita ng araw-araw kasi nasa kabilang baranggay pa siya. Baka kung ano'ng mangyari sa baby niya kapag bumyahe siya nang bumyahe, bako-bako pa naman ang daan papunta rito sa amin.
“Kaya ikaw, Aifrell, kapag napunta ka sa Manila, ‘wag magpatuklaw sa ahas!” si Fresly kay Aifrell. Sinuway ko ito agad, tinawanan lang ako.
“Ha? May ahas din sa Manila, Ate Fresly?”
“Naku, Aifrell, ‘wag kang makinig diyan sa Ate Fresly mo. Nabuntis lang ay lumala na ang nilalabas ng bunganga!” sabi ko.
Humalakhak si Fresly. “Alangan sabihin kong tit–” Binato ko siya ng naka-roll na tissue kaya tumigil siya agad.
“Pumunta ka na nga sa kwarto mo, buntis! Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig mo!”
Tumayo si Fresly, tumatawa pa rin. “Akala mo siya hindi buntis, e, ‘no!”
“Ang iingay naman ng mga buntis na ‘to,” dinig kong bulong-bulong ni Fidell sa tabi ko na gumagawa ng assignment niya.
Pinanood ko na lang si Fidell sa paggawa ng assignment niya nang pumasok na si Fresly sa kwarto. Si Aifrell ay naghuhugas.
“Birthday mo na next week, anong gusto mong gift ni Ate?” tanong ko kay Fidell.
Natapos na si Aifrell sa paghuhugas, umupo siya sa kabilang side ni Fidell habang nagpupunas ng kamay sa towel.
“Oo nga pala, Fidell!”
Tumigil si Fidell sa pagsusulat at napatunganga, kami naman ni Aifrell ay hinintay ang sasabihin niya. Nagkibit balikat siya makalipas ang ilang sandali.
“Kahit ano na lang, Ate.” Nagkatinginan kami ni Aifrell. Bakas na bakas sa boses ni Fidell ang kalungkutan. “Gusto ko sana sila Nanay, pero imposible naman ‘yon…”
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
“Ah! Ako may naisip na pala!” ani Aifrell na binubuhay ang usapan. “Surprise ko na lang!”
“Ako rin!” sali ko. “Ayain mo rito ang mga kaibigan mo, Fidell, maghahanda kami ng Ate Aifrell mo.”
“Sakto, may program lang sa school kaya hindi ako papasok.”
Dahil doon ay napasaya namin si Fidell. Natanong niya pa kung p'wedeng isama niya rin ‘yung crush niya kaya naasar-asar pa namin.
“Okay lang! Isa lang naman, ‘no? ‘Yung crush mo lang ang isama mo, ah! ‘Wag ‘yung mga nagkaka-crush sa'yo at baka masama mo ang lahat ng kababaehan sa school niyo!” pang-aasar ni Aifrell sa nakabusangot na ngayon na si Fidell.
“‘Yung crush ko lang naman talaga!”
“May crush na ang abunjing-bunjing namin na ‘yan!”
“Ate! Ate, naman, e!” Ang bumusangot niyang mukha ay nauwi sa halakhak nang kilitiin siya namin siya ni ate Aifrell niya. “Ate, tama na! Haha! Baka manganak ka!”
Hindi ko inaasahan na pagkatapos ng sayang iyon ay grabeng lungkot ang tinamo ko nang mag-isa na lang ako sa kwarto. Katulad ng madalas na nangyayari, nakatulogan ko na naman ang pag-iyak.
Nandito pa si Fresly nang mag-birthday si Fidell. Sinara muna namin ng isang araw ang fruit shake-an namin, pati ang burger-an at pizza-han. Magkakatulong kaming tatlo sa paghahanda habang si Fidell ay nasa school pa niya.
“Tatlo lang naman ang kaibigan ni Fidell dito,” saad ni Aifrell.
“Mabuti naman at mukhang nakabangon ang kapatid niyo. Kung ibang bata siguro ‘yan ay baka hanggang ngayon ay nagmumukmok siya at walang kinakaibigan.”
“Sana nga ay hindi niya mapabayaan ang pag-aaral niya dahil sa nangyari,” buntong-hiningang usal ko.
Sana ay walang nambu-bully sa kapatid namin. Pero mukhang wala naman kasi maayos naman siya kapag umuuwi. Tinatanong-tanong ko rin siya sa adviser niya tuwing nagpapa-meeting. Wala naman daw siyang nababalitaan na may nambu-bully sa kapatid ko.
“Ikaw, Aifrell, wala ka bang crush? I-invite mo rin kaya,” pang-iinis na naman ni Fresly kay Aifrell na abala sa pagtutuhog ng hotdog at marshmallow.
“Tss.” Inirapan ko si Fresly na tinawanan lang ako.
“Meron, Ate Fresly, pero hindi taga rito.” Napabaling ako kay Aifrell at tinaasan siya ng kilay. “Ayo'ko ng nasa malapit, ayo'ko ng clingy! ‘Buti ‘yung nasa malayo para walang chance na magkita kami. ‘Di ko trip taga malapit, e!”
Tinigil ko ang paghahalo sa tufo sisig at pumaywang. “So laro-laro lang? Wala kang balak magseryoso, gano'n?”
Nagkibit balikat siya. “Ewan. Basta! Ayo'ko ng tagamalapit. Ayo'ko na palagi kaming nagkikita. Chat-chat lang, gano'n.”
“Ngayon, meron ba?” Malawak ang ngisi ni Fresly.
“Meron, Ate ‘Ly! Taga-Manila! Pero balak ko na siyang i-ghost kasi magwa-one week na kaming magkachat.”
“Aifrell!” Hindi ako makapaniwala! Dinaig niya pa ang playboy.
Nakangiti lang siyang ngumiti at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. Si Fresly ay tawang-tawa at sinasabing talo ako ng dalawa kong kapatid. Alas kwatro nang nagdating si Fidell kasama ang tatlo nitong kaibigan at isang batang babae.
“Dito na ba ‘yung bahay niyo, Fidell?” mahinhing tanong ng batang babae na nasa tabi ni Fidell. Samantalang ang tatlo niyang kaibigan na mga lalaki ay maiingay sa likod nila, nagtatanong-tanong kay Fidell, pero ang babae lang naman ang sinasagot nito na parang walang pakialam sa mga lalaki niyang kaibigan.
Nagkatinginan kami ni Aifrell. “Ang cute niya, Ate! May ibubuga,” mahina niyang saad saka sinalubong ang mga bata.
“Pasok kayo, ‘wag kayong mahiya!” si Aifrell sa mga ito at pinapasok ng bahay.
“Peuri!” Agad dinamba ni Peuri si Fidell.
“Hala! ‘Yung babae lumunok ng pakwan!” sabi ng isang bata habang tinuturo si Fresly, nang nakita ako nanlaki lalo ang mata. “Hala pati siya!”
“Hindi buong pakwan ‘yung nilunok nila, Ron, gago! ‘Yung buto ng pakwan ‘yan. Lumaki sa tiyan nila.”
“Mainggit kayo kasi hindi kayo magbubuntis!” pagpatol ni Fresly saka hinigit ang dalawa papunta sa kusina kung saan nakahanda ang mga pagkain. Mga naka-uniporme pa sila.
“Aso mo ba ‘yan, Fidell?” ang batang babae.
Hinagilap ako ng mata ni Fidell, nang matagpuan ako ay tinuro niya ako. “Sa Ate ko ito. Ate, si Czaniel.”
“Hello, po.” Nahihiya akong kinawayan ng bata.
“Hello, Czaniel. Mag-classmate ba kayo ng kapatid ko?” tanong ko habang ginagaya sila papunta sa dining. Kaming tatlo na lang kasi ang naiwan sa sala.
“Hindi po! Uh…in-invite niya lang po ako kasi friend niya raw ako.”
Binalingan ko si Fidell. Nanlalaki ang mata niya habang hinihila ang laylayan ng damit ko. Nginisihan ko siya. Iniling-ilingan niya ako na parang sinasabihan na ‘wag kong sabihin na crush niya ang babae. Natawa ako.
“Naku, pasensya na sa kapatid ko, Czaniel, ah. Sasabihin ko na lang sa parents mo kapag hinahanap ka nila–,”
“Okay lang po, Ate! Nagpaalam po sa kanila si Fidell kaya alam po nila na dito ako didiretso sa bahay niyo.” Lalong nanlaki ang ngisi ko sa kapatid ko.
“Ate…” mahina niyang bulong sa akin. Nahaplos ko ang tiyan ko at natawa.
“Ipahahatid ko na lang kayo mamaya kay Ate Aifrell niyo,” sabi ko.
Pagkatapos ng kantahan ng pagbati ay nagkainan na kami. Hindi ko inaasahan na may regalo pa ang tatlong kaibigan ni Fidell sa kaniya, para silang mga matatanda. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang bracelet na inabot ni Czaniel sa kapatid ko, at ang pamumula ng mukha ng kapatid ko. Hinatid na rin sila ni Aifrell bago dumilim.
“Salamat po, Ate, sa pag-imbita!”
“Ingat kayo. Salamat din sa pagpunta. Sana bumalik pa kayo rito.” Nginitian ko si Czaniel, namula ang buong mukha ni Fidell at nanunga nang naglakad.
“Jusko, mukhang kay Fidell ka magkakaunang pamangkin,” ani Fresly sa tabi ko, nakatanaw rin sa mga batang umalis.
“Sana kapag architect na siya, ‘Ly,” sabi ko, bahagyang nangamba. ‘Wag naman sana muna huhu, baby boy ko pa siya, e.
Hindi ko inaasahan na sa paglipas ng pagsapit ng kabuwanan ko ay magkakasabay kami ni Fresly. Pumunta kaming dalawa ni Aifrell sa hospital nang madatnang nanganganak na rin si Fresly. Si Tiya ang nagbabantay habang si Tiyo, na kapatid ni Nanay, ay ang nagbantay muna sa bahay namin. Pabalikbalik tuloy si Tiya sa amin ni Fresly. Pero naunang manganak si Fresly, isang oras.
“Ate, kaya mo ‘yan!”
“Aifrell…ang s-sakit!” Namamanhid ang mga binto ko at halos manghina dahil sa paghihilab ng tiyan ko.
Ulit-ulit kong binubulungan ang baby ko na mag-behave, pero parang katulad ko…sabik na sabik na rin niya akong makita.
Sa isang malakas kong pag-ere ay ang malakas na pag-ngawa ng sanggol.
“It's a boy! Congratulations po!”
“Hala! Congratulations, Ate!” Niyakap ako ni Aifrell. Hindi ko siya nagantihan ng yakap dahil sa panghihina.
Sobrang nag-uumapaw sa dibdib ko ang saya at ginhawa. Sa wakas…mahahawakan ko na ang pinakamamahal kong bagay na dumating sa buhay ko.
Bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay naaninag ko pa ang anak ko…kamukha ng Tatay.
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro