Kabanata 32 (Warning)
Kabanata 32: Euriandrei's Pov
“Bro, mali naman ‘yung ginawa niya, kaso babae siya, e!”
Tinutok ko lang ang atensiyon ko sa ginagawa ko sa laptop habang nagpapalatak si Vhon. I don't what's his up to. Medyo nakainom din siya.
“Bro, iniwan niya ako! Matapos ‘yung nangyari sa amin! Binigay ko naman sa kaniya ang lahat ng best ko, pero iniwan niya ako na parang hindi na siya ulit maglalaway pa sa abs ko!”
Napailing-iling na lang ako. Seryoso ako sa ginagawa kong pagtuklas sa ginawa ng parents ko sa probinsya at kung sino ang babaeng iyon, pero nakikinig ako sa pinagsasabi ni Vhon. I knew he was hurt.
“Masakit pero siya pa rin talaga, bro! Bro…” Tumayo siya sa couch at naglakad palapit sa akin. “Siya pa rin kahit masakit na…”
Nagsara bigla ang laptop ko nang makalapit siya. Kinuha niya iyon at nilayo sa akin.
“Euriandrei, ano ba ‘tong ginagawa mo? Alam mong makakasama sa'yo ‘tong pinagagawa mo, e!” sermon niya.
“I don't know what to do anymore, Vhon…” Napasandal ako sa swiveling chair ko, hinang-hina. “Anong kailangan kong gawin para mapanatag ang kalooban ko.”
“Bro…”
“Pakiramdam ko kasi kabiyak lang ng puso ko ‘yung nandito sa akin. Pakiramdam ko kulang na kulang ako, may hinahanap-hanap ako. Gusto ko ng maalala ang lahat, Vhon. Help me.”
“Bro.” Nilapag niya ang laptop sa dati. “Hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Nararamdaman ko ‘yung pakiramdam mong may kulang sa'yo. But we can't do about it. All we have to do is to live the moment kasi darating din ang oras natin na maibalik ‘yung nabitawan natin na para talaga sa atin.”
“What if it's too late?”
“Hindi kailanman nahuhuli ng dating ang mga bagay na para talaga sa akin.”
I take his words from me. Pero hindi ako tumigil na hanapin ang luma kong cellphone. I could feel it. Mayroon doon na makakatulong sa akin. Parang mga 80%.
Tinigil ko ang pagkakaroon ng interaction sa parents ko. Parang nati-trigger ‘yung anger ko kapag nakikita ko sila. Kahit na nararamdaman ko na may ginawa sila sa kung sinong tao ang pinuntahan nila sa lugar na iyon.
“Love, nakapagluto na ako!” bungad ni Glianne. Hindi ako nakakilos agad kaya nahalikan niya ako sa pisngi.
She's smiling widely. She looks happy to see me. Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan, hindi tumitibok ang puso ko sa kaniya. Hindi ako na-e-excite nang nakita siya, hindi ko mapantayan ‘yung excitement niya. Pinakiramdaman ko ang puso ko habang tinititigan siya. She's perfectly beautiful, pero parang mas may pinakaperpekto pang kagandahan kaysa sa kaniya. Walang nagbago, hindi bumilis ang tibok ng puso ko.
Namula ang buong mukha niya dahil siguro sa tagal ng paninitig ko sa kaniya. I heaved a sigh. “Glianne…”
“Yes, Euriandrei?”
“You don't have to do this.” Natigilan siya. Unti-unting napawi ang kaninang saya na nakapaskil sa mukha niya, at ang kumikinang niyang mga mata kanina ay napundi ang pagkislap. I felt guilty. “Kaya ko namang ipagluto ang sarili ko. Nandito rin si Manang Jackie, she can take care my house.”
“I wanted to be here. I wanted to cook for you and clean your house. Because I love you, Euriandrei. ‘Tsaka ikakasal na rin naman tayo kaya…”
Napasintido ako habang iiling-iling sa kaniya. “That will never gonna happen, Glianne.”
“Pero, Euriandrei, ‘yon ang mangyayari.”
Bumuntong-hininga ako, unti-unti ng nauubusan ng pasensya na masigawan siya. Hindi na siya ang dating Glianne na kilala ko. Hindi siya desperada katulad ng Glianne na nasa harapan ko.
“Go back to your house, Glianne.”
“Bakit hindi mo ako magawang mahalin, Euriandrei?!” Her tears now streaming down her face. “Ginagawa ko naman ang lahat! Pero bakit hindi mo pa rin ako magawang mahalin?!”
“Stop it, Glianne.”
“Mahal kita, Euriandrei! Hindi man ako siya pero kaya kong ibigay ang lahat ng ibinigay niya sa'yo! Kaya kong gawin ang mga ginawa niya sa'yo!”
Wala siyang ginawa pero nagkaganito ako sa kaniya. Sabi ng isip ko na ‘di ko alam kung saan hinugot o saan nanggaling. Ni hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
“Sige, kung ‘yan ang gusto mo! Sa mga ginawa ko sa'yo, mapagtatanto mo rin na isang kamalian itong ginawa mo sa akin!”
Tinulak pa niya ako patabi para lampasan ako. Anong sinabi niya? I remain serious but my lips formed a small smirk. Napunta ang tingin ko sa ibabaw ng coffee table nang mapansin ang cellphone roon. Naglakad ako palapit. Kukunin ko na ang cellphone nang may mauna sa akin.
“T-this is my phone. N-nakalimutan ko lang.” Malikot ang mga mata ni Glianne. She looks nervous.
Nangunot ang noo ko lalo na nang itago niya sa likuran niya ang hawak-hawak na cellphone.
“I'll go ahead.” She turned her back at me and walked away.
Parang may kakaiba akong naramdaman sa cellphone na iyon. I just shrugged it out. Umakyat na lang ako sa hagdan patungong master's bedroom. Gusto ko ng magpahinga dahil bukas ay pupunta ako sa bahay ng parents ko para itanong ang tungkol sa mga gamit ko noong naaksidente ako.
Pagkagising ko ay nag-almusal lang ako ng vegetables sandwich at gatas. It's Sunday, at pakiramdam ko may ginagawa ako tuwing Sunday pero hindi ko mawari kung ano. Sigh. This is tortured.
“Kuya.”
“Where's your parents?”
“Kuya, sana nandito ka nang walang gulong dala.”
“May itatanong lang ako sa kanila,” I calmly said.
Tinawag niya ang kasambahay na malapit sa amin at pinatawag ang parents namin na nasa office raw ni Dad.
“How was your school, Euriciel,” I asked as we settle down on a couch.
“Ayon, mataas pa rin ang tuition fee.”
“Where do you want to go to college?”
“Santillan University,” sagot niya na para bang sure na sure na siya. “Civil Engineering ang kukuhanin ko.”
Napataas lang ang isang kilay ko at marahang napatango. Pareho kaming napatingin sa hagdan nang marinig na ang pagbaba ng mga magulang namin. Tumayo na rin ako para malapit sila. I let them hug and kiss me.
“I missed you, Euriandrei!”
“I'm here to get my phone.”
Pareho silang natigilan ang tiningnan ako ng nagtataka. “What? What phone?”
“No'ng na-aksidente ako, ‘yung wallet ko lang ‘yung binalik niyo sa akin.”
“What? Binalik namin sa'yo ‘yung wallet mo kasama ‘yung cellphone mo, anak.” Pati sila ay bahid na ng pagtataka.
“‘Yung wallet lang ‘yung binigay sa'kin ni Glianne, Ma.”
Pareho silang napaisip.
“Kuya, bakit hindi mo tanungin si Glianne?” singit ni Euriciel.
Nagpamaywang ako. Hindi kaya ‘yung cellphone na binalikan niya sabay? Pero paano ako makakasiguro na ‘yon nga, eh di ko matandaan ang itsura ng cellphone ko.
Tinungo ko agad ang bahay nila Glianne. Wala naman akong ibang gagawin ngayong araw. At hindi ako mapapakali kung magmumukmok lang ako sa bahay. Habang nasa byahe ay tinatawagan ko siya sa bago kong cellphone, pero hindi niya sinasagot. Pagkarating ko naman sa bahay nila ay nadatnan ko siya sa sala na may pinagkakaabalahan. Nang nakita ako ay nakita ko ang pagkataranta niya.
“E-Euriandrei, what are you doing here?” Napuno ng saya at pag-asa ang mga mata niya. Pero bigla ‘yong naglaho nang sabihin ko ang pakay ko.
“Give me back my phone.”
“W-what? What phone?”
“Glianne…” We both looked on the coffee table when we heard a phonecall. My eyes widen while looking at the lock screen wallpaper.
Parang hinalukay ang utak ko. May nag-play sa utak ko pero sobrang labo. Dumaan ang kirot at pagkahilo, pero saglit lang. But one thing was clear…it was my cellphone.
“Euriciel,” si Euriciel ang tumatawag. Bago pa iyon kunin ni Glianne ang cellphone ay inunahan ko na siya. Nagduda ako agad nang umiyak siya habang pilit inaabot ang cellphone ko. “This is my phone, Glianne.”
“Euriandrei, sira na ‘yan! Pinaaayos ko pa.” Desperada niyang makuha sa akin ang cellphone.
“Stop, Glianne, stop!”
“Euriandrei, no…” nanghihina siyang sumalampak sa sahig habang umiiyak.
Binuksan ko ang cellphone. I inhale a large amount of air while looking at the girl in my wallpaper. What the…who is she?!
Lalong nalaglag ang puso ko nang bumungad ang text na ilang buwan nang dumating, pero hindi pa nabubuksan. I almost drop my phone when I opened the text message.
My Gorgeous Wifey:
Ayos lang sa akin kung hindi mo na ako maalala, basta magpagaling ka :) Mahal na mahal kita, pero mas mahal ko ang sarili ko.
“Euriandrei, please no…don't leave me.” Glianne cry harder while tugging my pants. “Don't leave me, Euriandrei…mahal na mahal kita!”
“Get off me.” Hindi ko siya hinintay na bitawan ako. Mabilis akong humakbang paalis.
Walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang makita ang babaeng pumuno ng gallery ko. Nanginginig ang kalamnan ko habang nagmamaneho patungo sa address na binigay sa akin ng secretary ko, na natawagan ko nang wala sa maayos pag-iisip, hinihingi ang address na pinuntahan ng parents ko. Nang makarating ako ay halos manghina ako nang ibang tao ang bumungad, at nawalan ng pag-asa sa sinabi nito.
“Kami po ang bagong may ari ng bahay at lupa na ito. Ang dati pong may ari ay umalis na. Hindi ko po alam kung saan na sila lumipat, eh,” sabi ng babae.
“No'ng mamatay ang mga magulang niya ay umalis na sila rito. Pasensya na, sir. Hindi talaga namin alam kung saan sila lumipat, eh.”
My heart almost fell after hearing about that.
Gusto ko lang naman siyang makita at makilala. Hindi ko siya maalala, pero isa lang ang nasisiguro ko…na siya ‘yung babaeng pinagsalitaan ko ng masasakit na salita noon sa hospital.
I hope our parth cross again. Luluhod ako kung kinakailangan basta hayaan niya akong makilala siya, dahil sa nararamdaman ko…malaki ang parte niya sa buhay ko.
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro