Kabanata 29 (Warning)
Kabanata 29: Euriandrei’s Pov
“Love, I cooked and clean the house!”
It's been weeks since I started to feel empty. I don't know what's going on me anymore. Ilang araw akong nanatili sa hospital. Pagkatapak ko pa lang dito sa bahay ay nakaramdam na agad ako ng pag-iisa, kahit na may kasama ako.
Sabi ng doktor ay hindi naman gano'n kalala ang tinamo ng utak ko kaya weeks or months lang ay babalik din ang ala-ala ko, pero unti-unti. Ngayon, mixing alcohol drinks were really my passion, kasi kahit nakalimot ako ay alam ko pa rin ang pinaggagagawa ko. Last week, nagsisimula nang bumalik ang ala-ala ko. I busier myself at work but there were times na may ala-alang pumapasok sa utak ko. It was hard to understand. F*ck this life!
“Mauna ka ng kumain, Glianne. Busog pa ‘ko,” sabi ko at nilampasan siya para umakyat ng hagdan.
Si Glianne, I remember her. Kababata ko siya, friend ng parents ko ang parents niya. At itinakda kaming ipakasal na dalawa, pero sabi ko sa kanila ay hindi pa ako handa. Pero ang totoo ay hindi ko maintindihan kung bakit parang may pumipigil sa akin. Ayo'kong magpadalos-dalos lalo’t hindi pa bumabalik ang lahat ng ala-ala ko. Baka pagsisihan ko lang sa huli ang mga gagawin ko ngayon.
Tinitigan ko ang sarili sa salamin na tanging towel na nakapulupot sa baywang ang suot. Bakas pa rin ang humihilom na sugat na natamo ko sa aksidente. Ni hindi ko pa maalala kung bakit ako na-aksidente. Everything is blurred!
I heard a knocked on the door. “Euriandrei? Hindi ka pa ba kakain?”
“Matutulog na ako, Glianne. Go to your room.” Hindi ko na siya narinig pa na kumatok ulit kaya tinungo ko na ang walk-in closet para makapagbihis.
Kinuha ko ang partner na Tweety pyjamas. Ni hindi ko alam kung paano nagkaroon nito sa mga damit ko. Humiga ako sa kama pagkabihis. Napatingin ako sa singsing.
Pakiramdam ko sa singsing na ito ay may malaking parte sa akin. I asked Vhon about the ring but he'd always ignor me. Palagi niyang nililipat ang usapan. Suot-suot pa rin ni Glianne ‘yung isang singsing. Dito na rin siya pinatira ng parents namin dahil ikakasal na naman na rin daw kami. Like what the f*ck? Naalala ko ‘yung ginawa ng parents ko sa akin, kaya kahit anong sabihin nila ay hindi ko sila susundin.
“Hello, Vhon?”
“Oh, bro? Napatawag ka?”
“Answer my question, please?” Nanatili kong pinagmamasdan ang singsing. “I'm not married yet…but I felt like I'm already married. Ano kaya ‘yon?”
“Bro, it's already late. Magpahinga ka na kaya. Makakasama ‘yan sa'yo.”
“Nang dahil sa aksidente…nawala ‘yung sakit ko, Vhon. Mabubuhay na ako ng matagal…pero bakit parang useless na rin ‘yun kasi hindi mo naman sinasabi sa akin ang totoo.” I bit my lip.
Narinig ko ang pagtawa niya. “Bro, you're so OA.”
“Help me, Vhon. I felt so empty these past few weeks. I want to remember everything.”
Malalim na bumuntong-hininga ang kaibigan ko. “I talked to your doctor, bro. Sabi niya, may isang bagay ka lang na makita…mabilis na babalik ang ‘yong ala-ala.”
Napabangon ako. “Ano kaya?”
“Do you have your phone? I mean…’yung luma mong cellphone?”
“Hindi ko alam kung saan na napunta.”
“Wala bang binigay ‘yung parents mo sa'yo? Bro, kailangan mo ‘yon!”
“Wala silang binibigay na kahit ano sa akin…”
I heard him cursed. “Bro, asked them. Alam kong nasa kanila ‘yun. Sa kanila binigay ng pulis ‘yung mga gamit mo no'ng na-aksidente ka.”
Bumilis ang kalabog ng dibdib ko. I could feel it.
Maaga akong umalis pagkagising kinaumagahan. Tinapos ko ang meeting ko at ang mga pipirmahan habang pinako-contact ko sa secretary ko ang parents ko. I will go there once I'm done with my works.
“Mr. Fulgencio, nasa out of country raw po sila Madame.”
“What?”
“Bukas pa raw po ang balik nila rito sa Pilipinas.”
Napasintido ako. Ano namang ginagawa nila roon? Sa tuwing may pinupuntahan sila ay sinasabi nila sa akin kung anong gagawin nila roon even I don't give a f*ck.
“Check it where did they go.”
“Yes, Mr. Fulgencio.”
Dahil sa pagmamadali ko sa mga trabaho kanina ay maaga akong natapos. Pumunta ako sa malapit lang na bar ko. I want to loosen up. Pati pagpupunta ko sa bar na ito ay pakiramdam ko talaga may kulang. I can't figure it out!
“Drink, sir?”
Tumango lang ako habang nakatanaw sa babaeng pamilyar sa akin. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka dali-daling naglakad palayo. What's wrong with her?
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa babae. The f*ck?
“Hey!” untag ko. Napatigil siya at dahan-dahan akong nilingon, nag-aalangan pa. “Seems like I already knew you, do I?”
“U-uhm…yes, sir! Kasi po nagtatrabaho ako rito sa bar niyo.” That's it?
“What's your name?”
“Uhm…Fresly, sir.”
Fresly… Fresly… who the hell are you?
“Uh…okay.” Hinayaan ko na siya nang magpaalam siya para mag-serve ng inumin sa iba.
Pabalik ko sa table ko kanina ay naroon na si Vhon, may kainuman ng babae. Umupo ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin.
“Oh, bro! What the hell are you doing here? Hindi ba't pinagbabawalan ka ng doktor mo sa maiingay na lugar at magulo?”
“Vhon,” wala sa sariling sambit ko, saka siya nilingon. “Who is Fresly? Do I know her?” Natigilan siya.
Um-excuse siya sa babaeng kausap bago ako hinarap. “Bro, she's a friend of…”
“Of?”
“Of Aianna.” Seryoso siyang nakatingin sa akin, tila binabasa ang reaksyon ko.
“Who the f*ck is Aianna?”
He heaved as sigh. “Aianna is…”
Pareho kaming napabaling sa cellphone ko na malakas na tumunog. Nasa ibabaw iyon ng lamesa. Kinuha ko agad nang makita na ang secretary ko ang tumatawag.
“Excuse me.” I excused and walked outside. “Zen?”
“Mr. Fulgencio, I found out…”
“What?” Lumayo ako ng kunti sa bar para maayos na marinig ang sinasabi niya.
“Hindi po nag-out of country ang parents niyo. Sa isang probinsya lang po rito sa Pilipinas sila nagpunta.”
“What do you mean?” Halos magdugtong na ang mga kilay ko.
“Ayon sa pag-imbestiga ko, Mr. Fulgencio, hindi sa ibang bansa pumunta ang parents niyo kundi sa isang probinsya ng Pilipinas. At sa nakalap kong information, may babae siyang kinausap kanina para hingin ang pirma nito.”
“Pirma? And who's that girl?”
“Aianna, sir. Pinapipirmahan sa kaniya ng parents mo ‘yung divorce paper.”
“What?!”
Nilunod ko ang sarili sa pag-inom. Umaga nang umalis ako sa bar. I called Euriciel while driving.
“Kauuwi lang nila kanina, around 5:00 AM.”
“Wake them up. Tell them that I'm coming.” Then I ended the call.
Pagkarating ko ay dumiretso agad ako sa loob. Pababa na sila sa hagdan. Nagmadali silang bumaba para salubongin ako, malalawak na nakangiti.
“Euriandrei hijo! I'm so glad you're here. Wait, where's your fiance?”
“Who's that girl?”
“What? Son, what are you talking about?”
“‘Yung pinag-pirma niyo sa divorce paper. Ma?”
Pareho silang natigilan. May hindi sila sinasabi sa akin, I can sense it!
“Euriandrei–”
“Answer me!”
“Euriandrei, don't shout at your mother–
“You shut up!”
“Kuya!”
“Telle who is she?! Mahirap bang sagutin ‘yon? O may tinatago lang kayo sa ‘kin kaya hindi niyo masabi?”
“Euriandrei!”
“Sasagutin niyo lang ‘yung tanong ko, Ma! Sino ‘yung babaeng ‘yon?!”
My anger filled the every corner of the house.
“She's nothing! Stop stressing yourself, son. Let me handle it. I'm doing this for you. Para maikasal na kayo ni Glianne sa lalong madaling panahon.”
Lalong nag-igting ang panga ko. Binawi ko ang brasong hawak-hawak niya. My dad looked at me angrily.
“I will not marry her!”
“Son, we already talked about it.” Dad said.
I looked at him. “Kayo ang nag-usap usap sa kasal na ‘yon, ‘di ba? Eh di kayo ang magpakasal!”
I almost fell on the floor after my dad punched my jaw.
“Euriandrei! Andrei!”
“Kuya, stop, please.” Hinawakan niya ang mga braso ko nang tumayo ako.
“Leave me the f*ck alone,” I said seriously, looking straight in their eyes. “‘Wag niyong hintayin na sirain ko nang tuluyan ang pamilyang ito.”
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro