Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19 (Warning)

Kabanata 19: Aia's Pov 




“Ang ganda!” 


Hindi ko mapigilang titigan ang kwentas na sinuot niya sa leeg ko. Nagtayuan ang balahibo ko nang haplusin ni Euriandrei ang pendant niyon. 



“Do you like it?”


Sunod-sunod akong tumango, hindi nawawala ang ngiti. “Maganda siya…pero bagay ba sa akin?” Tiningala ko siya. 


“It suits you very well.” Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. 


“Thank you, Euriandrei!” Nakita ko ang pagdaan ng admiration sa mga mata niya, habang nakatingin sa akin. 


“You're always welcome, darling.” 


Abala ang kapatid niya sa gaming room. Tinext ko si Fresly na hindi na ako uuwi ngayon sa apartment, diretso na ako mamaya sa bar pagpasok. Binalik ko sa ibabaw ng vanity table ang cellphone ko. Si Euriandrei ay may kausap sa cellphone kaya naroon siya sa balkonahe. 


Parang may mabigat sa dibdib ko na gustong kumawala. Pero hindi ko alam kung paano. Paano ko sasabihin? Paano ko sisimulan? 


“What are thinking?” Napabalik ako ng tingin sa salamin, nakatingin siya sa reflection ko habang palapit sa akin. 


Tumikhim ako. “Uhm…wala kang pasok ngayon?” 


“It's Sunday.” Tumango-tango ako. “How about you? Do you have?” 


“Oo.”


“Dito ka ulit uuwi, right?” Yumuko siya para mayakap ang baywang ko. Para na naman siyang bata ngayon. 



“Hindi ‘ata…”


“Okay. Iluluto na lang kita ng pagkain mo bukas sa apartment niyo.”


“Naku! Hindi na kailangan.”


“I insist. Para makapagpahinga ka na agad.” 



Iyon nga ang nangyari. Pagkauwi namin ni Fresly kinaumagahan ay naabutan namin siyang naghihintay sa labas. Umalis din naman siya pagkabigay ng pagkain, diretso sa trabaho niya. Gano'n palagi ang ginagawa niya sa buong isang buwan. Hindi siya napapagod. Kahit minsan ay pinapatigil ko siya dahil madalas siyang pagod. 



“I couldn't stop it so just let me.”


“Tingnan mo, kulang ka na naman sa tulog!” asik ko. Hawak-hawak ko na naman ang niluto niya. 


“It's fine.” 


Halata na naman na kulang siya sa tulog dahil sa maagang gising para ipagluto ako at ihatid dito. 



“Tigilan mo na…” Napaayos siya ng tayo at seryoso akong tiningnan. 


“Titigil lang ako kapag nasa akin ka na ulit nakatira.” 


“Euriandrei…”


“I'll go now.” Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. 

Napababa na lang ako ng tingin sa hawak-hawak nang makaalis siya. Naramdaman ko ang presensya ni Fresly sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. 



“Mukhang hindi ka naman talaga buntis,” sabi niya, sa dinaanan ni Euriandrei nakatanaw. “Tutuhanin niyo na kaya?” Saka siya tumawa. 



“Ubos na ‘yung pills ko. Hindi ako makabili.” Palagi kasi kaming pagod ni Fresly sa magdamag na palakad-lakad. 


“Mukhang mahal na mahal ka talaga. Sana all.” 


“Mahal na mahal ko rin naman siya,” sagot ko, sa malayo na rin nakatanaw. 


“Eh di pagbigyan mo na. Alam ko namang gustong-gusto mo na rin siyang makasama, pinipigilan mo lang. Bakit hindi mo pagbigyan ‘yung kagustuhan ng puso mo?”



“Kailangan ako ng pamilya ko, ‘Ly…” 



“Hayst! Basta, kung saan ka masaya doon din ako. Kung mabuntis ka, ipagtatanggol kita. Ako ang magpapaliwanag sa pamilya mo.” 


“Tumigil ka nga, Fresly! Buntis-buntis, hindi ‘yon madali,” sabi ko at tinalikuran na siya para pumasok. 


Hindi nga tumigil si Euriandrei. Nag-aalala na talaga ako dahil baka makaapekto ‘yon sa kalusugan niya. Mabuti at hindi na siya pumupunta ng bar sa tuwing alas dyes. 



“Euriciel.” Napakurap-kurap ako sa kapatid ni Euriandrei. 


“Hoy, sino ‘yan? Gwapo ah, kaso bata pa,” bulong ni Fresly sa akin. Nauna ako sa kaniya para lapitan si Euriciel. 



“A-anong ginagawa mo rito?” May hawak-hawak itong paper bag. 


“Hindi makakapunta si Kuya, may sakit,” walang emosyon niyang sabi. Kinuha ko ang paper bag nang iabot niya. “Siya ang nagluto niyan kaya mas lumala ang sakit. Hindi ko siya mapakain. I think he needs you.” 



Nilingon ko si Fresly at agad inabot sa kaniya ang paper bag. Hindi na niya ako pinagsalita at pinagtulakan ako. 



“Go na! Sumama ka na! Kahit ‘wag ka ng bumalik, okay lang! Bye!” Patakbo itong pumasok sa apartment. 



Hindi ako mapakali sa upuan habang nagda-drive si Euri. “Pinainom mo na ba siya ng gamot?” 



“Yeah, but he vomit after. Hindi ko alam kung kasama ‘yong gamot.” 



Bumaba ako agad pagkatigil ng sasakyan. Sinabi niyang nasa master's bedroom ang Kuya niya kaya roon ako agad dumiretso. 


“How is she?” saad niya pagkapasok ko. Hindi ako sumagot. Nakasuot siya ng hoodie habang balot na balot ng kumot. Nakatalikod siya sa banda ko. Marahan akong humakbang palapit, napatigil nang humarang siya. “Oh f*ck! Euriciel! Why the f*ck did you bring her to here!” 


“It's not my fault! Sumama siya because she said she's in love with you!” sigaw ng kapatid mula sa labas. 

Hala… 

Wala naman akong sinasabi! 


Nakagat ko ang ibabang labi at hindi na ‘yun sinabi. Natigilan din si Euriandrei habang nakatingin sa akin. 



“Is it true?” 



Hindi ko siya sinagot at agad na nilapitan. Sobrang init ng singaw niya kaya tumayo ako ulit para ipaghanda siya ng pampalit. Pero bago ko siya pinagpalit ay pinunasan ko muna siya. Habang ginagawa ko ‘yun ay para akong naiiyak, habang siya ay parang inosenteng bata na pinapanood lang ako sa ginagawa. Ni hindi ako makapagsalita dahil baka maiyak ako. 


“Have you eaten? Kinain mo ba ‘yung niluto ko?” Umiling lang ako. “Why are you silent?” 


Tiningnan ko lang siya at inilingan kalaunan. 


“Talk to me. Do we have a problem?” 


“Ikaw!” Sinamaan ko siya ng tingin pero umiwas din agad nang nanubig ang mata ko. “S-sabi ko kasi sa'yo tumigil ka na. Tingnan mo…n-nagkasakit ka pa nang dahil sa ‘kin!” 



“Tss. Kapag magkakasakit ang isang tao, magkakasakit talaga.” Pinilit siyang umupo at kinabig ako. “Stop crying. Mas lumalala ang sakit ko.” 


May sakit na nga nambobola pa! 



“Tigil na. Magpapagaling na nga ako, oh. Gilingan kita kapag gumaling na ako.” 


Hindi muna ako pumasok ng dalawang araw. Umuwi muna si Euri kaya kaming dalawa ulit ang naiwan. 



“Dito ka na lang, please? I will give you money for your family. Or…gusto mong samahan mo ‘kong pumunta sa probinsya niyo?” 


Nanlaki ang mata ko. Kagagaling niya lang ay malakas na naman ulit ang tama niya. 


“Masyado mong kinalkal ang buhay ko, ah!” pag-aakusa ko. Tinawanan niya lang ako. 


“I have to.” 


Ginawa niya ‘yon para sa requirements ng pagpapakasal. Posible nga lahat ng bagay sa mga mayayaman. 



Pumasok na si Euriandrei sa sumunod na araw. Nagpabigay na rin ako kay Fresly ng resignation letter. Hindi na ako magtatrabaho roon dahil magka-kasambahay na ulit ako. Ginusto ko ‘yon…para tuparin ang pangakong hindi ko iiwan si Euriandrei. Pinangako ko sa sarili ko, na kahit ano’ng mangyari…hinding-hindi ko bibitiwan ang lalaki hangga't siya na ang bumitaw. 



“Bumalik na ako. Maaalagaan ko na kayo ulit. Aalagaan ko kayo nang maayos,” sambit ko sa mga bulaklak na tinanim ko last year. Nakakatuwa dahil hindi sila napabayaan no'ng nawala ko. Inalagaan din kaya ito ni Euriandrei no'ng wala ako rito? Oh ‘yung caretaker. 


Tumayo na ako habang nasa braso ang mga bulaklak na pinitas. Ilalagay ko ito sa flower vase sa sala. Papasok na ako nang mapatigil sa taong sumulpot sa pinto, mukhang lalabas. Nagsalubong ang kilay niya nang magtama ang tingin namin, nagtataka. Kahit ako…nagtataka kung sino siya. 


Nakalugay ang hanggang baywang niyang buhok na medyo kulot. Nakasuot siya ng brown leather boots at skirt, habang naka-sleeveless pink top, may hawak siya maliit na bag na mukhang mamahalin. 


“Hello…sino po kayo?” magalang na tanong ko. Baka kasi pinsan siya ni Euriandrei. 

Humakbang siya pababa at tumigil isang dipa ang layo sa akin. Hindi ako nilulubayan ng tingin niya kaya nakaramdam ako ng pagkailang, pero pinanatili ko ang pagngiti. Pinag-krus niya ang braso sa dibdib. 



“I'm Glianne, Euriandrei’s fiancee.” 


Napawi ang ngiti ko. 




To be continued….

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro