Kabanata 18 (Warning)
Kabanata 18: Aia's Pov
Malungkot ako sa pagdaan ng pasko at bagong taon. Hindi ko kasi nakapiling ang pamilya ko. Nagbatian na lang kami sa cellphone.
“I have gift for you from Italy. Ikaw, anong regalo mo sa akin?” Para siyang bata na naghihintay matanggap ang regalo niya.
“Iyong regalo mo sa ‘kin…regalo na lang din sa'yo.” Nahihiya ako.
Kababalik lang namin ni Fresly sa trabaho pagkatapos ng holidays. Ngayon ko lang ulit nakita si Euriandrei, hindi ko alam kung saan siya nagpasko at bagong taon. Nagtetext lang naman siya sa akin kapag may pupuntahan siyang bansa. Ina-update niya pa rin ako!
“It's okay if you don't have a gift for me. Basta hindi mo ako nilalayuan, I'm fine with that.”
Sinamaan ko siya nang tingin nang kurotin niya ang pisngi ko. Tatawa-tawa siyang umalis para bumalik sa table nila. May iba pa siyang kasama maliban kay Vhon, mukhang mga kaibigan din nila.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko habang tumatagal na nakikita si Euriandrei. Parang, habang nakikita ko siya ay pausbong nang pausbong ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko sa kaniya masabi, kahit ilang beses na niyang sinasabi sa akin at pinararamdam sa akin na…mahal niya nga raw ako. Parang ‘lagi ko na siyang hinahanap-hanap. Kapag lumalabas kami, lalo ko siyang nakikilala. Kapag magkasama kami…parang nararamdaman ko na rin ‘yung mga nararamdaman niya.
Nawala na ‘yung sama ng loob ko sa ginawa niyang pagsekretong kasal namin. No'ng ibalik niya sa akin ‘yung singsing ko…parang mas guminhawa pa ‘yung kalooban ko.
“Where is my gift? I want a gift from you. Give me, kahit ano.”
Malalim akong napabuntong-hininga at napasintido. Mas lalo akong nahihingal sa kulit ng binubuhat ko!
“Ano ba, Euri! Umayos ka,” inis nang sabi ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Lumapit na lang si Vhon sa akin kanina at sinabing lasing na lasing na ang kaibigan niya. May emergency rin siya kaya hindi niya mahatid ang kaibigan.
“Ano ba’ng nangyari? Bakit nalasing ka?” Medyo kalmado ng tanong ko.
“Wala ka talagang gift?” Parang bata!
“Wala nga!”
“Kahit kiss na lang?”
Jusko! Ilang hakbang na lang makakapasok na kami sa bahay niya, oh, pero dahil sa kulit niya ay mas lalong tumatagal kami. Umalis na agad si Vhon pagkababa sa amin ni Euriandrei.
“Ah! F*ck!” Nagmura pa siya pagkabagsak sa sofa.
Pumunta agad ako sa kusina para kuhanan siya ng tubig. Ilang buwan din akong nawala sa bahay na ito, pansin kong wala namang nagbago. Pero malinis pa rin.
“Okay ka naman kanina, ah…” Parang may mali talaga. Ano kayang nangyari?
“Hindi na sila nagbago tang ina,” bulong-bulong niya na naman.
Pinatong ko sa coffee table ang baso ng pinag-inuman niya saka sinubukan siya ulit na buhatin para madala sa kwarto niya.
“Why are they still doing this to me!” Hinayaan ko lang siya na magsalita. “Was it make them happy? Tang ina!”
Napabuntong-hininga lang ako.
“Why are they f*cking do this to me!” pumiyok pa niyang sigaw. “Wife, what do you think?”
“H-ha?” Napatigil kami at nagkatitigan. Pumipikit na ang mata niya sa kalasingan.
“Ikaw, papayag ka ba na ikasal ako sa iba?”
“Ikaw…papayag ka bang ikasal ka sa iba?” Binalik ko ang tanong. Hindi ko na sana papansinin dahil baka lasing lang siya.
“No! Of course not! Ilang beses ko nang sinabi ‘yon sa kanila, pero pinagpipilitan pa rin nila putang ina!” Para na siyang mananakal kaya tumahimik lang ako. “Hindi ko masabi na kasal na ako because for sure…they will hunting you! F*ck them!”
Ni hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya sa ‘sila’ na sinasabi niya. Nakatulog na rin siya pagkatapos kong papaliguin at papalitin. Uuwi na rin sana ako pero mag-uumaga na rin kaya naghanda na lang ako ng lulutuin. Sa kahihintay ko na mag-alas singko ay nakatulog ako sa sofa.
Nagising ako nang nasa kama niya. Sa kwartong pinagdalhan ko kay Euriandrei. Wala na rin siya. Nag-text siya na umalis siya nang maaga para sunduin ang kapatid. Alas onse na kaya bumangon na ako para makapagluto ng tanghalian.
“Sinabi ko na kasi sa’yong sumama ka na sa'kin, eh.”
“Sinabi ko sa'yo na baka magbago pa sila.”
“Oh? Nagbago ba sila? May nagbago ba?”
Napasilip ako sa sala matapos marinig ang pagtatalo na ‘yon. Si Euriandrei at isang hindi ko kilalang lalaki. Hanggang dibdib lang ‘yon ni Euriandrei at boses binatilyo. Naka-uniporme ito.
“But Kuya–,”
“Enough. Go upstairs and change. May inutusan na ako na magdadala ng ibang gamit mo rito–,”
“You don't have to do that. Hindi na naman ako magtatagal dito.”
Nagsalubong ang kilay ni Euriandrei at matalim na tiningnan ang kausap. “What do you mean? Babalik ka pa sa impyernong ‘yon?”
“I'm sorry. Hindi pa ako katulad mo na kaya nang buhayin ang sarili–,”
“That's why I wanted you to move here with me!”
“I don't to, Kuya. Ayoko nang maging pabigat sa'yo lalo–,”
“Enough. Go change your uniform.” Nanlaki ang mata ko dahil pag-angat ko ng tingin ay nasa akin na ang tingin niya. Dali-dali akong bumalik sa lamesa para ipagpatuloy ang paghahanda ng hapunan.
Naramdaman ko na ang presensya niya sa likuran ko. Naiilang ko siyang binalingan at bahagyang lumayo. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya halos kumalog ang laman ko.
“S-sorry! Hindi ko s-sinasadya na makinig!” Bumaba ang tingin niya sa mga pagkain sa lamesa. Gumilid ako nang humakbang siya palapit sa lamesa, pero kinabig niya ang baywang ko para hindi ako lumayo.
“Nabasa mo ba ‘yung text ko?”
Kagat-labi akong tumango.
“And you didn't reply?”
“Uhm…s-sorry.” Nauutal ako dahil sa lapit namin. Napapikit ako nang lumapit siya. Akala ko hahalikan niya ako sa labi, sa noo lang pala.
Ha?! Bakit parang nadismaya pa ako?!
“Forgiven. Anyway, he's my brother. Tumango ako. Bahagya na siyang lumayo at binitawan na ang baywang ko. “I'll just take a shower.”
“Sige.” Nakahinga lang ulit ako nang maluwag no'ng lumabas na siya.
Nagtimpla na rin ako ng juice sa pitsel at naglagay na rin ng tubig na malamig.
“Are you in love with him?”
Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Muntik ko pang mabitawan ang baso. Pumihit ako upang malingon ang lalaki. Tinaasan pa niya ako ng isang kilay bago tuluyang pumasok.
“Do you find me attractive?” Ni walang bahid ng pagbibiro ang itsura niya. Seryoso siya sa mga tanungan niya, mas seryoso pa kay Euriandrei!
“Ha?” Nilagay ko sa tabi ng plato niya ang isang baso.
“He's sick.” Natigilan ako. “Tomorrow is my birthday, ayoko ng wala kang regalo sa akin. Basta ipangako mong hindi mo iiwan ang Kuya ko.”
Ha? Ang weirdo ng mga sinasabi niya. Bigla-bigla na lang nagsasalita ng kung ano-ano. Napabuntong-hininga ako at tumango. Nakatingin lang siya sa akin gamit ang paniniguro. Siya ‘yong bata na kasama ni Euriandrei sa picture frame sa sala sa taas nanakita ko. Medyo nag-mature lang ng kunti ang itsura niya ngayon.
“Promise. Hindi ko iiwan ang Kuya mo.” Maliit ko siyang nginitian; ni hindi ko napag-isipan ang sinabing iyon. Parang bigla na lang kumawala galing sa puso ko.
Nakita ko na si Euriandrei na pababa, medyo basa pa ang buhok. Nag-alala ako kaya iniwan ko muna ang kapatid niya sa hapag para lapitan siya.
“What's wrong?” sabi niya nang nakita ako.
Dinampi ko sa noo ang likod ng kamay ko, sunod ay sa leeg niya. “Okay ka lang ba?” Nag-aalala pa rin ako.
Naguguluhan niya naman akong tiningnan. “Yeah, why? What's wrong?” Pati siya ay nag-aalala na sa akin.
Medyo nakahinga ako nang maluwag. Hindi rin naman mainit ang noo niya at ang leeg. Normal lang naman.
“Mabuti naman. Akala ko ay may sakit ka,” sabi ko. Sabay kaming naglakad pabalik ng hapag.
“What made you think about that?”
Umiling na lang ako, hindi na sinabi ang kapatid. “Tara kumain na tayo. Nagluto ako ng tofu na sisig! ‘Di ba sabi mo favorite mo ‘yon?” Nabanggit niya iyon no'ng lumabas kami. Lahat ng maliliit na detalye tungkol sa kaniya ay alam ko na.
“‘Wag mong araw-arawin ang paglutuan ako no'n ah…baka lumubo ako!” sabi niya na ikinatawa ko.
Ano kayang magiging itsura niya kapag tumaba siya? Haha! Pati kaya ‘yung eklog niya tataba? Eh ‘yung maugat niyang talong? Haha!
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro