MBG 9: M. I. A
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 9
M. I. A.
♡♥♡♥♡♥♡
DINAMA ni Maine ang samyo ng sariwang hangin, very much needed niya ito lalong-lalo na ngayon dahil sa nakakalokang binalita sa kanya ni Val. Gustuhin man niyang pabalikin na si Alden sa mundong nakasanayan na nito, eh wala naman siyang magagawa sa ngayon.
Deep inside her nagtatalo na naman ang puso't-isipan niya. Sabi ni mind 'Let go na beh!' habang kontra ang sabi ni heart na, 'Wag beh! malungkot mag-isa'. Nakakabuang siya diba? Pero at the end parang mas lamang si heart.
"Pwede bang dito na lang siya? Pero... naku self, hayan ka na naman, wag ka ngang praning ha! Alam mo namang hindi pupwede di ba. Tsaka anong 'K' mo para gawin yun? Wala naman di ba?" Pailing-iling na lang si Maine sa sabi ng boses sa isipan niya. Kasabay nito ang isang malalim na buntong hininga habang naglalakad sa gilid ng dalampasigan dahil ang sabi uli ng puso niya; Beh, bakit kailangang pigilin? Pwede naman kahit sandali lang, malay mo, maging poereb na.
NAKATANAW lang si Alden sa may pinto ng resthouse, pinagmamasdan ang palakad-lakad na si Maine. Gusto man niya itong puntahan, lapitan, damayan ay hindi niya magawa dahil wala siyang alam, wala siyang karapatan.
Ramdam niyang balisa na ito; pero mas minabuti na lang ng binata na hayaan muna si Maine 'dun at wag na munang abalahin. She'll come home when she gets hungry.
Home. For some wonderfully odd reason, he likes the sound of her coming home... to him.
"Maybe, she really needs that." Bulong niya sa hangin at naglakad din di kalayuan sa beach house. Naupo siya sa buhangin at doon prenteng pinanood ang dalaga. Mas nakikita niya kasi sa parteng ito ang kabuuan ni Maine at ang kabuuan ng dalampasigan.
Nakatayo si Maine sa may dulunan ng naghahampasang maliliit na alon. Ramdam niya ang ginaw sa ilalim ng kanyang talampakan dahil sa lamig ng tubig. Magkagayun man, hindi nito maiwasang hindi matangay sa nakakahalinang imbitasyon ng tubig dagat sa kanya. Kaya naisipan nitong...lumusong.
"Baka paglusong at paglubog ko dito sa ilalim ng tubig maisama rin nito ang lahat ng problema, lungkot, panghihinayang, takot at kaba ko. Sa paglusong ko ngayon, mawawala rin ang lahat. Paalam problema. Paalam hinagpis. Paalam takot." Usal ni Maine sabay tumingala sa langit.
Paalam problema. Paalam hinagpis. Paalam takot. Pag-uulit niya sa loob ng kanyang isip. Tapos bigla siyang sumigaw.
"PAALAM PROBLEMA! PAALAM HINAGPIS! PAALAM TAKOT!" Sigaw ni Maine.
NARINIG ni Alden ang mga isinigaw ng dalaga, ikinagulat niya ito. Bigla siyang kinabahan at napatayo. Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo sa kinaroroonan ni Maine, wala siyang ibang nasa isip kundi...
"Shit! Shit! Shit! Kailangan ako ni Maine. Kailangan ko siyang pigilan sa kung ano mang balak niyang gawin sa sarili niya. Damn groom-napper, you are a pain in the ass!" Pabulong niyang panggagalaiti.
May kalayuan na si Maine sa dalampasigan bago pa siya makarating doon Mas lalong nataranta si Alden nang lumubog na ito at hindi na niya makita.
Pagkahubad ng sapatos, walang sabi-sabing sumisid na si Alden. Hindi alintana ang malamig na tubig dagat. Hinanap niya si Maine sa pwestong huli niyang nakitaan dito.
Bahagyang iminulat ang mga mata kahit konting lang para maaninag ang pigura ni Maine humapdi kaagad ang mga mata dahil sa alat ng tubig, ngunit hindi niya yun pinansin. Mas mahalaga sa kanya ay ang mahanap ang dalaga. Sa mga ilang ulit na paglubog at paglitaw niya sa ibabaw ng tubig, sa wakas, nakita na rin niya si Maine. Nakaupo ito sa ilalim ng tubig.
"Maine!! What do you think you're doing!! Akala mo ba pagpapakamatay ang solusyon sa kalungkutan mo! Gumising ka nga!" Singhal niya dito pagkaahon-ahon nila sa dagat.
Naghahabol pa siya ng hininga. And since, akala nga ni Alden na magpapakamatay si Maine, he pulled her closer to him like he never wanted to lose her.
"Antay ka nga muna! Anong magpapakamatay?! Sinong magpapakamatay, ako?" Malakas itong tumawa. Napakunot ang noo ni Alden. "Ay Naku Mr. Richards, hindi pa ako baliw para gawin yan. Ikaw ang gumising!" Dugtong pa nito na may bahid pa ng pang-aasar dahil sa OA na reaksyon niya. Ikinainis naman ni Alden ang sinabi ni Maine.
"Damn you, Maine! Eh, anong eksena 'to?!" Pasinghal at may diing usal ni Alden. Natahimik si Maine.
Natigilan ang dalawa nang ma-realize nila ang kanilang posisyon ngayon. Maine is hugging Alden, wrapping her arms around his neck, while Alden is carrying her like a fragile baby.
Their faces are about an inch apart from each other, at halos amoy na amoy nila ang hininga ng bawat isa. Hmmnn... peppermint. Hmmnn... spearmint. Ganun sila kalapit, at konting galaw lang ng isa sa kanila sapul kang nguso ka! Smack na smack. Swak na swak.
Nakaramdam si Maine ng pagka-ilang at tense sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan, kaya biglang bitaw ito sa pagkakayakap sa binata at nagpumiglas. Nag-init naman bigla ang katawan ni Alden ng maisip niya ang posisyon nila.
Muling napakapit si Maine kay Alden, ganun din si Alden sa dalaga nang hampasin sila ng alon. It was a little too late for any of them to react to it. Tumaas na pala ang tubig sa ilalim. The big wave took them back a few feet from where they were, hindi na halos maabot ng mga paa ni Alden ang lupa.
Dahil mas matangkad si Alden sa dalaga, wala sa loob na nataranta ito at nagpumiglas, lumubog ng bahagya si Maine dahilan upang makainom ito ng tubig-dagat.
"Shit!" Biglang mura ni Alden, habang umuubo ang dalaga. Hinila ni Alden si Maine paangat at hinapit ang katawan nito, lumubog silang pareho. Isang malakas na pagpadyak ang ginawa ni Alden kaya mabilis silang umangat, dahilan para mailapit silang dalawa ni Alden sa maedyo mababaw na bahagi.
Napapailing na natatawa si alden sa ginawa ng dalaga. Gayun pa man ay naiinis din siya dito.
"Di ka naman pala kagalingang lumangoy eh." Muling napailing si alden. "Tamang suicidal ka nga." Halatang nagtitimping ilabas ang mga ngiti sa labi.
"Tse! Hindi nga ako magpapakamatay, lumubog lang ako. Nagbaka-sakaling matangay ng tubig ang laht ng pangit na nararamdaman ko." Kung pwede lang hampasin ni Maine ang binata ngayon ay ginawa na niya pero kailangan niya ang height nito para hindi siya lalong lumubog dahil kahit na may kababawan pa ito, sigurado naman siyang hindi niya abot ang buhangin sa paanan niya dahil sa liit niya.
"Alam mo, ang weird mo. Ano ba kasi ang gumugulo diyan a isipan mo? Ako ba?" Nagtaas-baba pang mga kilay nito. Pinipilit ni Alden na magbiro.
Natigilan si Maine dahil sa sinabi nito. At hayan na naman si haring awkward, kasabay ang mga sundalo nitong nagmamartsa sa dibdib niya at pilit sinasagasaan ang puso niya. Dahil bigla-bigla na lang hinapit ni Alden nang mas mahigpit ang katawan niya,heir faces are about an inch apart,,, again. Their gazes met. Nagre-reflect sa mga mata nila ang kislap ng tubig-dagat na nanggagaling sa araw.
"Maine..." May malambing na tono sa salita ni Alden, habang tila nama-magnet naman ang mga mata sa mukha ng dalaga. And this time, nalulunod siya sa nakakaadik na samyo ng hininga nito, to the point na ang tanging gusto niyang gawin dito ngayon ay hagkan.
Ghad! Alam ko kung 'san papunta 'to! Do something Maine or else...ugghhh!!
"Ah..Alden..malamig na. Uwi na tayo." Biglang sabi ni Maine, na nagpabalik naman sa realidad ni Alden at napatikhim na lang ito at sumang-ayon.
"Uhm, o-oo. Sige.." Damn Den! You're already fucking whip! Get out with that sucky feelings or else...baka ikaw ang makulong sa salang rape!
MAINE's POV
Wala kaming kibuan na umahon mula sa pagkakalubog sa tubig. Masakit man ang katawan ko dahil sa ginawa kong pagpupumiglas kanina; mabilis pa rin akong naglakad para makalayo sa kanya.
Pffh! Hindi na nga nabawasan ang mga agam-agam ko dahil sa paglubog na yun, eh nadagdagan pa! Lecheng feeling this! Kelan ka ba aalis? Kung aalis ka, pwede paki bilisan please!? Kaasar na eh!)
Naiinis ako kaya sinisipa-sipang buhangin ibubunton ang inis ko sa sarili. Dito ko na lang ibabaling ang pagdismaya ko sa aking sairili. Ang intense kaya ng eksena namin kanina. Ang lakas maka-Aga Mulach-Anne Curtis at Richard Gomez-Dawn Zulueta ng kanilang eksena kanina.
Kaya ayun, kailangan 'kong makumbinsi ang sarili ko na NO, NEIN, DILI, ANI, MÉIYŎU. A'OLE, BANGÓ, HINDI pwede. Ugh! Mabuti na nga lang talaga. May 20% pa ring natitirang space sa utak ko na hindi niya okupado, kasi kung hindi malamang... tooooooot! Ganoin!
"Erase! Erase! Erase! Ayokong isipin. Noooo!! HINDI!!" Mababaliw na ako!
"Anong ini-erase mo at ayaw mong maisip? Yung eksena ba kanina? Bakit naman? I think it's... romantic." Pabitin niyang sabi ng huli, na may pang-aasar sa tono at sinabay ng pag-wiggle ng eyebrows niya. Ang gwapo talaga ng hayop! Ang sarap sampalin ng halik. Leche! Dapat sana salita lang sa isipan ko yung kanina, naisatinig ko pala. Kaya ayun, narinig ni Alden.
"Romantic your face! D'yan ka na nga! Panira ka ng senti moment ko!" Sinhal ko sa kanya.
"Umamin ka na kasi, Maine." Dagdag pang-iinis pa niya.
"Huy Mr. Richards, the world doesn't revolve around you! Feelingerong frawg 'to." Kunwaring singhal ko sa kanya, para maka-walkout ako na hindi nya mahalata ang pagka-tense ko dahil sa kaganapan kanina.
Iniwan ko siyang tumatawa na nakakaloko at nauna ng pumasok sa loob ng beach house. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at dun ako tumili ng walang tunog hindi dahil sa inis, kundi dahil sa... punyetang KILIG! Bakit ba? Ikaw ba naman ganunin ng isang Alden Richards, hindi ka ba kikiligin? Malamang kanina ka pa kinuha ng liwanag! Pero ako? Putspa self! Hirap magpigil, shit!
"GYAAAAAAAHHHHH!!" Tili ko habang takip sa bibig ko ang towel, unan at kumot. Parang naso-suffocate kasi ako ng sarili kong feelings eh. Kailangan kong ilabas. Kundi... Shit na malagkit! Masabi ko na sa kanya ang feels ko. Which is a capital 'N.O. as in NO!' Hindi pwede, kasi.. .basta! Hindi pwede!
ALDEN's POV
"Leche Alden! Umayos ka nga. Isaksak mo d'yan sa isip mo na groom-napper mo siya. Ulo sa taas ang gamitin, tol, wag ang ulo sa baba! Dahil yung ulo mo sa baba ay hindi m,arunong mag-iisip yan, pagpapasarap lang ang alam niyan. You are a smart person, ulol! Wag kang magpakabobo." Ay takshapo! Kinaka-usap ko na ang sarili ko. Hindi ito pwede, kailangan kong ibahin ang takbo ng isip ko. Pero nakakatawa siya ha.
I am not going to get tired watching and talking to her. What?Ano daw? Puso tumahimik ka nga, hindi ka kasali sa agenda ko, tigilan mo na ang kadidikta sa utak ko dahil mali. Maling-mali. Maling-maling-mali ito.
"Naku Mr. Richards, the world doesn't revolve around you! Feelingerong frawg 'to." Ano daw? Feelingero? Ako? Eh siya nga itong nagpapa-cute d'yan sa akin. Kung hindi ko pa alam kinikilig din siya. Sumunod na lang ako papasok ng bahay at umupo sa maliit kawayang sofa.
Pero pwera biro, hindi ko na maintindihan itong nararamdaman ko. Ayokong ituloy, baka nagkakaganito lang ako dahil palagi ko siyang nakikita, dahil palagi ko siyang nakaka-usap. Well, maaaring ganun nga pero hindi pa rin tama.
May responsibilidad ako na kinakaharap, at sa aking pagbabalik ay alam kong itutuloy pa rin ang kasalang yun. Kilala ko ang daddy ni Valeen, hindi ito titigil hangga't hindi niya nagagawa ang gusto niya. Alam kong kahit ano pa ang gawin ni Valeen, hindi pa rin mababago nun ang isip ng daddy niya. Gagawin kong magtiis na hindi lumigaya, wag lang maipit ang dalawa kong kapatid. Kakayanin kong magtiis at gagawin ko iyon para sa kompanya namin. Maliban kay Dad, ang kompanyang ito na lang ang meron kami ng mga kapatid ko.
"GYAAAAAAAHHHHH!!" Ano yun? Saan nanggagaling yun? Bakit parang ang layo naman ng sigaw na yun?
Dinungaw ko na ang bintana pero wala akong nakikita. Lumabas ako para mas malaki ang scope ng matatanaw ko. Kahit anong gawin ko ay wala talaga akong makita.
Ang hirap nito dahil wala ka ng ibang naririnig kundi ang tunog ng alon sa dalampasigan at ang huni ng hanging dagat. Nakakaloko dito, nakakasira ng bait.
Kung anu-ano na ang naririnig ko. Pero hindi talaga eh, parang boses talaga ng tao yun. It sounds like a shout of frustration but it was so far away. Tss! Guniguni ko lang talaga siguro yun. Makapasok nga sa loob at ng makakain na at nang makapagbihis na rin. Basang basa pa nga pala ako.
Wala pa rin siya? Hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya? Naku! Baka napikon na sa akin ng tuluyan. Ang tanga mo naman kasi Alden, tama nga sabi niya. Feelingero ka!
Tss! Malala na ito, napapadalas na ang pagkausap ko s aking sarili. Madalas na rin akong nagiging mukhang tanga. Ano ba ang nangyayari sa akin. Baka pagbalik ko sa main land sa psych ward na ang diretso ko.
"Maine?" kinatok ko na siya. Hindi pa rin siya kumakain, hapon na. Baka nakatulog na siya.
"Maine." sinubukan ko uling kumatok. Napasukan yata ng tubig ang tenga ng babaeng yun at nabingi. Hindi na magawang marinig ang katok ko. Malakasan nga?!
"Huy! Maine!" Nilakasan ko na ang pagkatok ko, pati boses ko lumakas na rin. Nasaan na yun? Bakit hindi siya... Hindi naman pala naka-lock. Well, Ugh! Hindi naman talaga niya nila-lock kung hindi kailangan.
Pero kinakabahan ako, bakit hindi naka-lock? Makasilip na nga lang. Oh. Bakit wala siya sa kwarto niya? Nasaan na kaya yun?
Damn! I am groom-napped and groom-napper is M. I. A.
------------------
End of MBG 9: M. I. A.
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
01.01.18
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro