Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MBG 6: Stockholm Syndrome




♡♥♡♥♡♥♡

My Beautiful Groom-napper 6

Stockholm Syndrome

♡♥♡♥♡♥♡








Maine's POV

Maya-maya lang ay naging mabuti na ang pakiramdam ko or I may say, nawala na ang kaba ko.

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana, ang ganda ng panahon, maaliwalas ang kalangitan. Naisip kong magluto ng agahan.

Pasasalamat ko na rin kay Alden sa pag aalaga nya sa akin kagabi. May tinatago rin palang kabaitan ang tukmol na 'to! Di ko tuloy mapigilang hindi kiligin. Gyaaahh! Ang harot mo, self! Tumigil ka nga. Kailangan kong maghilamos para mawala kung ano man itong nararamdaman ko.

"Ano kaya ang pwedeng iluto? Maselan kaya siya pagdating sa food? Hay naku! hamsilog na lang, bawal maging choosy." Tumayo na ako at summilip muna sa pinto bago ako tuluyang lumabas. Mabuti na lang at wala ang tukmol na binabad sa sukang dalisay.

Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Nang makalabas na ako ay sinimulan ko nang magluto. Inilapag ko ang cellphone ko sa gilid ng counter. Hinayaan kong nagpi-play ang music list ko. Sa ganda ng mga naglalarong musika ay di ko mapigilang hindi mapaindak sa tugtugin with matching kanta pa.

"♬Ako'y kinikilig

Pag ika'y lumalapit

Ako'y nanginginig

At nadarama ang puso na pumipintig♬"

Di ko namalayan na may isang pares na mga mata pala ang kanina pang nakatitig sa'kin habang ako'y nasa kusina at nag-uumindak na parang sinilihang bibi.

Nakangiti itohabang nakatingin sa bawat kumpas ng kamay ko na may hawak na sandok at paggiling ng bewang ko kasabay ng tugtog. Dahil nga malakas ang tunog ng radyo, di ko namalayan na nasa likod ko na pala ito. Muntik ko na siyang mahambalos ng sandok sa mukha ng biglang itong magsalita.

"Ay baklang palaka na may bigoteng mahaba!!" Gulat na sigaw ko, muntik pa akong mapaso. Napangiwi siy sabay pa takip ng tenga. Sarap batukan ng kumag na 'to eh! Ugh!!






Alden's POV

Nagising ako sa huni ng mga ibon. It's a great day. Hindi ko napanasin na nakatulog pala uli ako pagbalik ko sa kwarto kanina.

Ang sarap ng gising ko ngayon. Hindi ako nagmamadali, walang pressure, walang stress. Bumangon ako para naghilamos. Paglabas ko ng kwarto may narinig akong boses na kumakanta. Sinundan ko kung saan yun nanggaling. Oh, what the heck?!

Pagdating ko sa kusina nakita ko si Maine pala ang kumakanta at sumasayaw pa. Napangiti na lang ako sa eksenang aking nakita.

Hinayaan ko siyang gawin ang kung ano man yang ginagawa niyang pagkikisay dahil tinatawag ako ni Inang kalikasan. Makapaghilamos at toothbrush. Paglabas ko ay ganun pa din ang ginagawa niya.

"♬Ako'y kinikilig

Pag ika'y lumalapit

Ako'y nanginginig

At nadarama ang puso na pumipintig♬"

This time hindi ko mapigilang pakatitigan ang pagsasayaw niya. She got the moves. She could sway that hips of hers almost like Shakira. She's right, those hips don't lie.

"Mukhang masarap yang niluluto mo, ah?" Ang sabi ko sa kanya nang hindi na ako makatiis, baka kung ano pa ang magaw ko sa babaeng ito.

"Ay baklang palaka na may bigoteng mahaba!!" Gulat na sigaw ni Maine ng bigla akong nagsalita sa kanyang likuran. Ang sakit sa tenga makasigaw ng babaeng ito. "Jusko naman Alden, nakakagulat ka naman. Muntik tuloy akong mapaso." Reklamo nito pero ipinagpatuloy pa rin ang pagluluto. Itinigil na niya ang pagsasayaw.

"Sorry...akala ko kasi aware ka na I'm here." Alibi ko. Alam ko namang hindi siya aware na kanina ko pa siya pinanonood. Hindi nga niya namalayang dumaan ako sa gilid niya papuntang banyo ng dalawang beses.

"Pasensya na din, nagiging magugulatin na ako. Maupo ka na dun sa mesa, malapit na rin maluto 'to. Umm, pwede paki ayos na rin ng dining... please?" Tuloy-tuloy niyang salita na para bang ayaw niya akong pasingitin. Hmn. Maganda ata ang naging epekto ng lagnat sa kanya, biglang bumait.

"No worries. Oh by the way, maganda ang boses mo huh. And... I like your hip grinding." Ginaya ko pa ang hip grinding niya sabay kindat. Hindi na ito kumibo, namula na lang bigla. Nahiya ata. Hehe.

Well, bihira lang ako mag compliment sa babae baka iba ang naging dating sa kanya. Hindi na siya kumibo.

Natapos ng magluto si Groom-napper. Tinulungan ko na siyang maghain ng lamesa. Hashtag relationship goals ba ito? Napailing na lang ako na may ngiti sa labi.

Mabuti na lang at hindi niya nakita. Nakaupo na kami sa lamesa at nagsimula ng kumain. Nabalot kami ng katahimikan dito sa hapag kainan. Tila bang nagkakahiyaan pa kung sino ang mauuna na magsalita.

"Eherm..." Clearing my throat. Masyado ng nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ako sanay na hindi siya maingay.

"Ako nga pala si Alden Richards. Businessman." Panimula ko hoping that she'd introduce herself, too.

Dalawang araw na kaming magkasama, and still I don't know her name. Nakatingin lang siya sa akin. Mukhang hindi naman siya galit at hindi rin naman siya nakangiti, hindi rin naman dedma. Oo naman. Alam ko ang dedma.

"My name is Maine Mendoza." Sagot naman niya sabay balik sa pagkain.

Habang magkausap kami, parang may bumabalot na lihim sa kanyang mga mata. Puno din ito ng lungkot. Haayy, malalaman ko din yan.

"You have a beautiful name, Maine. I like it." Sabi ko sa kanyang nakangiti nagbabaka-sakaling ngumiti siya na umabot sa kanyang mga mata. Ayoko nang makita ang lungkot na yan. Ano daw?! Bakit ko ba iniisip yun.

"Uhm... Alden, I'm sorry with what I did to you. Hindi ko sinasadyang sirain ang kasal mo." Ayan na naman ang mga mata niya na puno ng lungkot.

"I have a question. May nagawa ba ako sa iyong masama para gawin mo yun?" Tanong ko. Hindi naman ako galit. Tapos na ang nangyari. Wala na kaming magagawa.

"Wala. Wala kang nagawang masama sa akin. Bestfriend ko si Val, I did it for her, since she doesn't want to marry you dahil may mahal siyang iba." May ganon pala bakit hindi niya na lang sinabi.

"Ayaw pala niyang magpakasal sa akin bakit pa niya hinayaan ang daddy niya at ang daddy ko na ituloy ang kasal." Sabi ko sa kanya, nagtatago ang bagang ngunit mas pinilit kong pakalmahin ang sarili.

"Eh di ba? Ikaw din naman? Hindi mo rin naman pinigil ang daddy mo." Natahimik ako sa sinabi niya. May punto naman siya doon, but she doesn't know the real reason kung bakit ako pumayag sa kasal.

"I have my reason kung bakit hindi ako tumutol sa kasalan." Nakatingin na lang ako sa pinggan ko habang nagsasalita.

"Ano namang klaseng reason yun? Oh my God! Mahal mo si Val?!" Mas lalong nalungkot ang mga mata niya.

"No. Hindi ko mahal si Val. we both know it's a marriage for convenient lang. We planned to get it annulled in a year or two." Malumanay kung sagot.

"What?! Hindi mo mahal si Val? Eh kung hindi mo mahal si Val, bakit ka pakakasal sa kanya? Like I said she loves someone else." Alam kong may mahal siyang iba. Kaya nga I suggested na magpa-annul after a year.

"The marriage was arranged for business purposes only. It was an assurance for a merger, dahil sila ang mag-iinvest sa business namin, it's her dad's call. And because we need their help, I have to oblige." Nakatingin lang siya sa akin ng walang expression. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kapag may umayaw sa aming dalawa, ubusan na ng yaman. Hindi ko naman pwedeng hayaang mangyari yun. May mga kapatid ako at si Val ay nag-iisang anak lang.

"Arrange Marriage? Uso pa ba yun?" Tanong niya. Sumubo siya ng ham na parang nag-iisip.

"Well, I guess. It happened to me and Val." Yun lang naisagot ko. Nagtuloy na ako sa pagkain.

Binalot na naman kami ng katahimikan. May ilangan pa rin? Mas mabuti pa nga nung nag-aaway pa kami, may usapan kami dahil may sigawan, pero ngayon? Parang wala na kaming pwedeng pag-usapan pa. Pang biglang hindi na kami magkakilala, well, hindi naman talaga. We just formally introduced ourselves to each other.

"Alden, thank you ha." Nahihiya niyang sambit. Napatda ako ng biglang siyang nagsalita.

"Thank you? Saan?" Tanong ko. Alam ko naman kung saan siya nagpapasalamat, gusto ko lang may magpa-usapan na hindi isang tanong-isang sagot ang tema. Parang open-ended question lang, na matapos sagutin ng oo o hindi, wala na.

"Salamat sa pag-aalaga sa akin kaninang madaling-araw. I'm feeling better now." Mataray man siya kadalasan pero ramdam ko rin na sobra siyang mahiyain at malambing.

"Wala yun. Mabuti na nga lang at nagising ako at naagapan agad. Wag mo nang isipin yun." Ayan na naman, tapos na kaagad ang usapan. Wala na naman kaming kibuan, wala nang imikan.

I need to think of a question to have her engage in a continuous conversation. Yung bang easy flowing lang but engaging, hindi pilit o napipilitan.

"Kailan ba balak ni Valeen na ibalik ako sa pamilya ko?" Tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin.

Sa palagay ko, hindi niya inaasahan ang tanong kong yun. Hindi ko rin naman alam na yun ang maitatanong ko sa kanya. Gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko. You're too stupid, Alden!

"Hindi ko pa alam. Pero kung gusto mo ng umuwi, pwede ka ng umalis. Tutal sa palagay ko hindi na rin naman itutuloy ng daddy ni Val ang kasunduan n'yo." Matamlay niyang sagot. Bakit parang may lungkot sa tono niya? Ayan binibigyan ka ng kalayaan. You can leave now.

"Sa palagay ko nga hindi na matutuloy ang kasunduan... hindi na rin matutuloy yung merger. Well, there's no use of going back now. Wala na rin naman akong business na babalikan pa." Nakatingin lang siya sa akin. She suddenly took a deep breath and let it out exasperatedly.

"Sorry talaga." Yun lang nasabi niya. Yumuko siya at hinarap ang pagkain.

"Bakit mo nga ba ginawa yun?" Tanong ko sa kanya. This time nakatingin ako sa kanya, naghihintay ng sagot.

Habang tinititigan ko siya mas lalo kong nakikita na amo pala ng mukha niya, hindi nakakasawang tingnan. Oh, what the hell? Alden, umayos ka ha.

"Mahal ko si Val. Bestfriend ko siya, parang kapatid ko na yun. She was there when I needed someone the most. Hindi niya ako iniwan kahit na alam kong may sarili siyang pangarap, may sariling siyang plano. Kaya nung sinabi niya sa akin na ayaw niyang makasal sa iyo, I helped her. It doesn't matter what and how it is, I do it. And I did." May konting saya akong nakita sa kanyang mga mata, ngunit bigla rin itong naglaho. Napaka Misteryosa mo, Maine.

"So, pinagplanuhan n'yo akong kidnapin? Bakit hindi na lang niya ako kinausap?!" Napataas ang aking boses. Nanlaki ang mata niya. Nagbaba siya ng tingin. Hindi ko maintindihan, bumabalik na naman ang galit at inis ko. Ano ba itong napasukan ko.

Ibinaba niya ang kanyang kutsara at tinidor sa lamesa. Tumayo siya at sinimulan niyang ipunin ang pinagkainan niya. Dinala na niya sa lababo ang mga ito.

Para naman akong tanga na tumayo na rin, nagligpit ng aking pinagkainan. Pinusan ko ang lamesa habang siya ang naghugas ng mga pinggan kahit na ipinilit kong ako na lang ang maghuhugas.

Wala na namang kibuan. Ang tanga mo kasi Alden. Bakit kailangan mo pang itanong yun. Pwede namang sa susunod na lang. Pwede namang wag na lang. Ayan, tahimik na naman siya.

Pagkatapos niyang maghugas ng pinagkainan namin ay nagpunas siya ng kamay at dire-diretsong lumabas ng cottage. She's so serious, in a way, very sad, pinanood ko lang siya. Pumunta siya ng dalampasigan. She just shlumped on the floor like there's no tomorrow. Kamusta naman ang puwet niya?

Like yesterday, she just sat there and stared at an open sea. Ang layona naman ng tingin niya, mas malayo pa sa takbo ng dagat. Kung baga sa kanta..."Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw... kasi duling."

"Maine Mendoza, sino ka bang talaga? Ano ba ang kwento sa likod ng mga malulungkot mong mata?"

Alam kong hindi tama at dapat wala naman akong pakialam. Pero may nakakapa akong kirot sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang lungkot na yun sa mga mata niya. Hindi mapanatag ang loob ko, tila gusto kong alisin ang mga yun at palitan ng mga ngiti, ng tuwa, ng saya.

"Pero paano? At bakit? Am I beginning to fall for my groom-napper?" WHAT?! Stockholm syndrome lang ang peg?!






















------------------
End of MBG 6: Stockholm Syndrome

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

💖 ~ AWP Writers ~ 💖
09.09.16

My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro