MBG 4: Getting Even
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 4
"Getting Even"
♡♥♡♥♡♥♡
Maine's POV
BAKIT ganito ang nararamdaman ko. Hindi dapat di ba? Hindi pwede di ba? Bawal ito di ba! Hindi ako dapat ma-involve sa kanya. Hindi naman sa bad news siya pero parang ganun na rin yun.
Alden is the most sought after bachelor in the country, ang bigat kaya ng titulo na yun. Lahat na yata ng babae ay nakalaban na ni Valeen, napagsalitaan na rin ito ng hindi magagandang salita. Kaya lang hindi naging masyadong magulo dahil hindi apektado si Valeen, kasi wala namang feelings ang loka-lokang yun kay Tisoy. Si Jerald nga di ba? Jaws mio, si Jerald pa talaga. Pero bakit ganito ang mga tingin ni Alden sa akin?
"Hindi mo maikukulong ang puso ko." Saad nitong titig na titig pa rin sa akin.
"Juicecolored! Wala naman pong ganyanan, please. Alam ko pong naging bad girl ako dahil sa pag-kidnap ko sa taong ito, pero wag naman po sanang ganito. Ang mga tingin niya, Lord, abot hanggang kaluluwa, hindi ko po kinakaya. Nakakapagpawala pa ng katinuan at ng ano ang mga titig niya. Nakakalunod ang lalim ng dimple niya. Ang mga labi niyang... Lord naman!!! Wag naman po ganito! Naging mabait din naman po ako, di ba?" Mabuti na lang hindi niya naririnig ang sinasabi ng puso at isip ko.
"Wag kang pakasiguro, Mr. Richards, dahil baka kainin mo ang mga sinabi mo." Sige, Meng, ganyan nga kailangang matapang ka. Wag kang paapekto. Sugod lang ng sugod, Meng. Nabasa ka na sa ulan, ituloy mo na ng paligo. Lalaki lang yan. Lalaking pinagpala at biniyayaan ng... Oh God!
"Ms. Groom-napper, ano ang wag kong ipakasiguro?" Tanong niya na nakangisi.
Pero bakit parang may bahid ng hapdi at pait sa kanyang mga salita. Hapdi dahil hindi effective ang pagpapa-cute niya sa akin? Hapdi dahil masakit malaman na hindi gumagana ang alindog ng isang Alden Richards.
Ganyan nga, Meng. Wag kang paapekto. Kaya mo yan. Please Lord, patnubayan n'yo po na huwag mahulog sa mapang-akit niyang... Mommy, help!
"Mr. Richards, kung ano man yang pinaplano mo, hindi magtatagumpay yan. Ngayon pa lang ipinapaalala ko na sa iyo. Kinidnap lang kita, nothing more, nothing less. Wag kang pa-cute dahil hindi ka cute." Malunay yan ha. Malamig pa. Siguro naman tatalab na yan.
"Bakit ba ang harsh mo sa akin? Kung hindi ko pa alam nai-in love ka na sa akin." Wow! Feelingero din pala ito.
Sinalubong ko ang mga titig niya sa akin. Nainsulto ako doon sa sinabi niya, ah. Anong akala niya sa akin cheap? Na basta-basta na lang mai-in love sa isang Adonis na katulad niya? Na basta-basta na lang ako matutunaw dahil sa mga titig niya? Basta-basta ko na lang ba ibibigay ang matamis kong halik sa kanya? NEVER. Chos! Feelingera ka rin Menggay eh 'no?!
"Mr. Richards, pinapaalalahanan kita baka nakakalimutan mo, kung sa paputlaan lang naman ang pag-uusapan, mas lamang si Edward Collins ng sampung paligo sa iyo. Kung sa papogian din lang, lamang pa rin siya sa iyo. And most importantly, hindi ka hulog ng langit sa mga babaeng katulad ko. Baka sa iba pwede pa pero sa akin---" Hinayaan kong ibitin siya sa sasabihin ko.
"Pero sa iyo ano? You talk too much, baka paghinalikan kita diyan, matunaw ka na lang ng wala sa oras." Aba! Ang lakas ng loob nitong lalaking sinawsaw sa suka. Maputi ka lang uy!
"Mr. Richards, hindi po ako ice cream, maputi ka lang 'no, pero alam mo ba na mas maputi pa rin si Edward Collins kesa sa iyo! Like I said lamang siya ng sampung paligo sa iyo. And besides hindi mo ko pwedeng takutin ng halik halik na yan. Halik? Taob yan." Kala mo hindi kita lalabanan? An eye for an eye na ito. At ang mga eyes niya... haaaayyy. Baka gusto niya ng lips for a lips pa eh. Yabang nitong lalaking binabad sa ewan.
"Wag mo akong hamunin, Ms. Groom-napper, baka hindi mo mapanindigan ang mga salita mo." Oh, crap. Galit na siya. Ramdam ko sa salita niya at sa mga titig niya. Nag-aapoy ito, lumalaki na rin ang butas ng ilong niya. Hahaha! Butas ng ilong... hahaha.
"Ano yang nginingiti-ngiti mo d'yan? Hinahamon mo ba talaga ako?" Galit niyang sabi at mas lalo pang lumapit sa akin. Inang ko po!! Ay hala! Meng, mag-isip ka ng pangresbak mo kung hindi mahahalikan ka ng kumag na yan.
Diyos ko! Nakakataranta talaga ang lalaking ito. Isip-isip, Maine. Ano na? Wala! Kung sa chess checkmate ka na, Maine! Walang kwenta talaga 'tong utak ko, ang galing makapanghina ng loob ng paghahamon ng halik. Haayy!
No choice. I have to this. Kailangan kong makalamang sa kanya. Kailangan kong gawin ito. Kailangan ko siyang unahan.
"Mr. Richards, halika! Yumuko ka ng konti. May sasabihin ako sa 'yo. Masyado ka kasing matangkad kaya siguro ganyan ang takbo ng utak mo." Sabi ko sa kanya baka sakaling umubra.
Yumuko naman siya na may ngiti, ay hindi, nakangisi pala siya. Ano yan? Ngiting aso? Hinawakan ko siya sa kwelyo at dinampian ko ng labi ko ang kanyang mamula-mulang labi. Syet na malagket, Menggay! Hanep ka! Ikaw na nga! Mmnnn... Ang lambot.
Inihiwalay ko ang aking mga labi sa labi niya at baka madarang pa ako. Walang sabi-sabing tumalikod na ako. Iniwan ko siyang nakatayo lang doon. Nang medyo makalayo ng ako, tsaka pa ako nagsalita. Bah, mahirap na.
"O, ayan! Waley. Hanggang salita ka lang pala eh. Diyan ka na nga! Bye, Mr. Richards!" Patalikod ko siyang kinawayan at mabilis na akong umalis bago pa siya makabawi.
Meng, takbo! Yun nga lang hindi ka makatakbo dahil sa katangahan ko kanina. Katarantahan kasi ang pinaiiral eh.
Kimpang Maine, bilis! Lagot ka, baka mahimasmasan at matauhan si Mang Tisoy, mahabol ka pa.
Alden's POV
ANO ba ang babaeng ito? She's reckless, she makes my blood boil, she doesn't act like a lady and she talks like a hoodlum. Women shouldn'tWomen usually swoon over me but this one is different, baka tomboy ang babaeng ito. Pero hindi eh. I don't see any sign from her that's tomboy. Hindi ko matakot.
"Wag mo akong hamunin, Ms. Groom-napper, baka hindi mo mapanindigan ang mga salita mo. Be careful to what you say." Sige nga, tingnan natin kung kaya mong maging matapang. Nakipagtititgan lang siya, walang kurap.
Bakit ganon? Hindi ko man lang siya natinag sa mga sinabi ko. Yung mga babaeng pinagsabihan ko ng ganito ay mabilis na umaalis sa harapan ko at natataranta pa. Yung iba naman ay halos ipagsiksikan pa ang sarili sa akin. Pero siya... hindi man lang kumukurap. Hindi natitinag. Palaban. Masakit siya sa ulo. Masakit siya sa... dibdib.
Alden, mukhang mapapalaban ka sa isang ito ah. Walang epekto ang formula 1 mo. Nginisihan ka lang. Babae ba talaga 'to? O baka babae rin ang gusto nito?! Kung ganun siya, ang gandang lesbiana naman nito.
"Ano yang nginingiti-ngiti mo diyan? Hinahamon mo ba talaga ako?" Ayos din makapang-inis ang babaeng ito. Sanggano ba ito o bato? Nakakapagpainit ng... ulo. Nakakasira ng diskarte. Walang epekto sa ak---
"Mr. Richards, halika! Yumuko ka ng konti." Ano na naman ang gagawin ng diyosang ito? Shit! Ano daw? Diyosa? Baka goon!
"May sasabihin ako sa 'yo. Masyado ka kasing mataas kaya siguro ganyan ang takbo ng utak mo." Ano ba ang takbo ng utak ko? Wala naman akong iniisip kundi ang ganda ng hugis ng mukha niya. Ang makislap niyang mga mata na hindi ko maintindihan kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Ang kanyang mga labing---
"O, ayan! Waley!" Ano yung waley?! "Hanggang salita ka lang pala. Diyan ka na nga!" Ano daw?? Hanggang salita lang? Who?!
May sinabi ba siya? All she did was kiss me! She freakin' kissed me! Shit! She kissed me! Naisahan ako ng babaeng yun ah! Makakaganti rin ako sa iyo. But her lips, Shit! Nag-hang ang utak ko sa halik na yun ah?!
Wala na siya sa harap ko ng idilat ko ang aking mga mata. What the hell is going on with me. This is not supposed to happen. This is not what I intend to happen. You little Groom-napper! I will get even with you even if I have to stay in this little island much longer!
Third Party's POV
NAKAKATAWA mang sabihin, pero mga mukha silang pinagsakluban ng langit sa loob ng cottage.
Sa isang kwarto, palakad-lakad si Maine. Sinasabunutan ang sarili dahil sa katapangan kunong ginawa. Ngayon niya lang napag-isip-isip na kabobohan ang kanyang ginawa.
"Ang tanga mo, Maine. Ang bobo mo pati. Bakit mo ginawa yun? Eh di ngayon para mo na ring sinabing panalo siya!" Pabulong niyang sigaw sa sarili.
"Hindi ka dapat nagpadala sa inis. Alam mo namang nang-aasar lang yun para bumigay ka! Kasalanan lahat ito ni Val. Tahimik ang buhay mo dati, kung bakit mo ba naman naisip na pasukin ang gulong ito. May kidnap-kidnap ka pang nalalaman. Leshe, Meng! Leshe lan talaga! Hinayaan ko na lang sana siyang magpakasal sa maputlang lalaking yun na parang minarineyd sa sukang paumbong!" Mas lalo siyang nanggalaiti sa sarili.
Lingid sa kaalaman ni Maine, sa labas, sa may dalampasigan, mas lalong nagngingitngit si Alden sa sarili. Katulad ni Maine pabalik-balik din siya ng paglalakad. Nakagawa na nga siya ng sariling daanan sa buhangin.
Sinisipa ni Alden ang buhangin na parang akala mo ba ay may kasalanan ito sa kanya. Sabog ang utak niya sa mga nangyayari kanina. Hindi niya ngayon alam kung paanong haharapin ang kanyang kidnapper na magpahanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan nito.
"Alden, you need to get a hold of your damn self. She may be beautiful, gorgeous and hot.... What?! What the hell am I thinking! She's your groom-napper, remember? Alden. Alden. Alden. This is not the plan! The plan is to get her to fall for you and when she does, you can get out of here and not the other way around. How in the world did this happen? How did she do what she did? Aaaahhhh!!! She's ruthless!" Ang tangi niyang nasambit na may halong panggigil sa sarili.
"Hindi ito maaari. Hindi ako naging most sought after bachelor ng buong bansa kung hindi ako naging wise. I need to be wise around here or she'll be the death of me." Nag-uumusok ang bumbunan, ilong at tenga niya sa inis. His mind screams as he kicks some more sand in frustration.
"I'll get even with you, my beautiful groom-napper!"
------------------
End of MBG 4: Getting Even
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
01.01.18
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro