MBG 35: Kidnapped
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper
"Kidnapped"
♡♥♡♥♡♥♡
"Hayop ka, Cain! Ibalik mo ang anak ko!" Halos mabulahaw ang buong fourth floor ng private maternity rooms sa lakas ng sigaw na yun.
"Hindi! Akin siya!" Sigaw pabalik ng isang boses ng lalaki.
"Anak ko siya, Cain!" Nagkatinginan si Alden at Jhe.
Mabilis na kumilos si Jhe at inundayan ng isang malakas na suntok sa panga ang lalaki na hindi napaghandaan nito. Maingat namang nakuha ni Alden ang sanggol dito bago pa ito tuluyang matumba at mabilis na naipasa kay Helen.
Walang sabi-sabi at walang habas na pinagtulungan na nila Alden at Jhe ng suntok, sapak at tadyak ang lalaki. Hindi nila ito kilala, pero kung titingnan nila ang sitwasyon, maaaring ito ang ama ng batang isinilang ni Agnes. Ito yung sinasabi nilang si SPO2 Cain Redublado dahil narinig nila ang pangalang sinambit ni Agnes.
Hindi ito kilala ni Alden ng personal ngunit maraming beses na niyang narinig ang tungkol dito at sa nagawa nito mula sa magkaibigan lalong-lalo na kay Aling Coring sa tuwing ito ay nagsesermon kay Agnes dahil pinababayaan nito ang sarili noong nagbubuntis pa ito.
Mabilis ang mga security guard na naturang ospital kaya mabilis ding nailayo si Cain sa kanila. Dinala muna ito sa emergency room para sa first aid at dinala sa presinto ng Makati.
"Ang gagong yun, gagawa ng gulo, hindi naman niya teritoryo!" Naiinis na sabi ni Jhe. Hinihimas-himas nito ang panga natamaan ng kamao ni Cain. "Sino ba ang gagong yun na gustong kunin ang anak ni Agnes?" Dugtong nitong tanong. Pero bago pa may makasagot, dumating si Aling Coring kasama si Mang Isidro.
"Sino ang nakaaway ng dalawa ito?" Turo ni Aling Coring na kararating lang sa kanilang dalawa ni Jhe.
"Nay, ang demonyong Cain, mantakin mong pumunta dito at pilit na kinukuha si Maria Caramia." Si Helen na ang sumagot habang isinasayaw-sayaw ang sanggol. Nakaupo sa metal bench si Agnes na nakahilira sa pagitan ng pinto nito ay pinto ni Maine.
"ANO!?" Malakas na tanong ni Aling Coring.
"Nay, kalma na. Naayos na namin ni Jhe." Pumagitna na si Alden at Jhe para hindi ma-highblood ang ina-inahan ng lahat.
"Nay Coring, okay na po. Nasa presinto na po siya ng Makati." Maikling paliwanag ni Jhe.
"Si Atty. Ryan na lang po ang papupuntahin namin doon para hindi na humarap pa si Agnes." Hindi na nakasagot pa ang matanda sa salitang pagpapaliwanag ni Jhe at Alden.
Nahimasmasan na rin si Agnes at ngayon nga ay hawak na anak. Lumabas na rin si Valeen tulak-tulak ang wheel chair kung saan nakaupo si Maine.
"Anong nangyari?" Tanong ni Maine. Napabuga ng hangin si Alden nang makita ang asawa.
"Nothing. Love." Sagot niya dito.
"Anong nothing?" Papalit-palit ang tingin ni Maine sa kanya at Jhe. "Huy, mestizong binabad sa sukang paombong, tigilan mo ako! Salita!" Dugtong ni Maine na bahagya pang napataas ang boses nito, natawa si Jhe.
Nilingon niya ang lalaki para batuhin ng matalim na tingin. Pinalis naman nito ang ngiti at yumuko, pilit itinatago ang ngiting nahulog sa impit na bungisngis.
"Pumunta ang demonyo dito para kunin si Mia." Umiiyak na sagot ni Agnes. Tumayo si Maine mula sa wheelchair para lapitan ang kaibigan.
"Ano ba ang gusto mong gawin natin sa kanya at diyan sa anak mo? Agnes, may Mia ka na ngayon, kailangan mo nang maging matapang at matatag para kay Mia." Hikbi lang ang sagot ni Agnes kay Maine.
"Hala siya, hayaan n'yo na yang si Redublado. Bahala na si Atorni Ryan diyan." Pagbabalewalang singit ni Helen sabay talikod. "Pasok ka na dito, Agnes." Dugtong pa nito. Wala namang kibong sumunod si Agnes. Nagkatinginan na lang silang mga naiwan sa labas.
"Let's go, Hon. We need to go home. You still have a business trip tomorrow." Pag-agaw ni Valeen na aya sa asawa.
"And we are going to leave these two by themselves with Landon Brayden?" Nakataas ang kilay na nahihintakutang saad ni Jhe. Isang lumilipad at maiinit-init na sapok ang natamo nito mula kay Maine.
"Gagong 'to!" Sabi ni Maine, sinundan ng isa pa sanang kutos. "Ano naman ang akala mong gagawin namin sa anak namin?" Mataray na tanong ni Maine sa pilosopong asawa ng kaibigan.
"Oh loko! Wag kasing gago, 'tol!" Natatawang singhal ni Alden kay Jhe, sabay ambang bibigwasan nito ang lalaki na mabilis namang umilag.
"Hon, maayos na nga ang pakiramdam ni Menggay." Kindat nito sa asawa. Bumungisngis lang naman si Valeen. "Balik na siya sa normal... astigin." Dugtong pa nito.
"Lumayas ka na nga!" Singhal ni Maine at sinabayan ng talikod. Mabilis namang sumunod si Alden sa asawa, karga-karga ang anak.
"Wag kayong babalik dito, ayokong mahawa sa iyo si Landon." Maanghang na komento ni Alden sa kaibigan.
"Bye, Meng." Paalam ni Valeen. Kumaway lang si Maine na nakatalikod.
Sa wakas ay natahimik na rin silang dalawa.
TITIG na titig si Maine kay Alden habang isinasayaw nito ang anak. Napapangiti siya.
Who would have thought na ang isang binatang hinahabol ng lahat, na may makahulog panty na kagwapuhan at isa sam ga tinawatag na "sought after bachelor" ng Pilipinas ay nasa harapan niya at ipinaghehele ang anak nila.
Dala ng isang di pinag-isipan na pangyayari nakilala niya ang lalaking nagpatibok ng puso niya. Sa unang araw na nakikilala niya ito, sa araw ng kasal ng kaibigan, kung saan kinidnap niya ang groom na ito, hindi na tumigil ang puso niya sa pagtibok. para itong nagkaroon ng sariling buhay.
Isang simpleng Maine Mendoza, tinagurian na isang magandang groom-napper, yan ang tawag sa kanya ng mga kaibigan simula nang ikwento niya sa mga ito ang una nilang engkwentro nila ng lalaki, hindi nila maubos maisip na mapapansin siya ng isang Alden Richards.
Bakit naman hindi? Hindi isang simple pagkakakilala lang naman ang nangyari sa kanila, kinidnap lang naman niya ito, hindi lang isang beses, kundi dalawa, at hindi malayong maging tatlo kung hindi eepekto ang failed formula one na lalaking binabad sa suka sa puti nito.
Maine has been dreaming since they got back from the island na magpo-propose na ito sa kanya ng tama, hindi yung kinalakad lang siya nito patungo sa bahay ng kaibigan nitong judge at yun na yun.
Kahit na ramdam niyang tinadhana naman talaga sila, kailangan pa rin nitong mag-effort. Nang makauwi na sila, oo nga't siya na si Mrs. Alden Richards, pero hindi siya masaya sa tunay na kahulugan nito.
Hello! Babae pa rin naman akong naghahangand na luhuran at hingin ang kamay ng pormal.
Kailangan pa rin inynag makita at maramdaman na mag-alay ng puso at buhay ito sa kanya. Kahit na mumurahing sing-sing lang galing ng Divisoria ay okay na yun sa kanya.
Napahugot siya ng malalim na paghinga dahil kahit siguro sa hinagap ng lalaking maputlang ito ay WALA. Zero. Zilch. Nada. Méiyǒu. Nein. Ani. At kahit na bigkasin pa niya sa isip ang salitang "no" sa isang daan at siyam na pu't limang lengwahe ay hindi niya makakamit ang proposal na minimithi. Maaaring pati ang kasal na pangarap niya ay malabo na rin.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Mapagmahal na tinitigan si Alden at ang anak na si Landon Brayden Richards. Hindi niya maiwasang kiligin at mapangiti. Yung proposal at kasal pa ba ang ipagmamarakulyo ng loob niya ngayon? Eh ang ganda kaya ng tanawin na nasa harapan niya.
Pinakasalan na nga siya ng pinaka pinagnanasaan ng mga kakabaihan, bata man o matanda, sa buong Pilipinas at isama mo na ang kabaklaan ng Pilipinas, SIYA, si Maine Mendoza, ang nag-iisang simpleng heridera ng mga Mendoza ang pinili nito at wala ang iba.
"Love, why don't you take a rest for now." Sabi ni Alden na hindi man lang tumitingin sa kanya. "Aren't you going to breastfeed him later?" Ngumiti lang siya at humigang patalikod sa mag-ama niya. Maya-maya pa ay nakatulog na siyang may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.
Pitong buwan ang matulin na lumipas, nasa hardin sila sa likurang bahagi ng mansyon ng mga Mendoza. Nakalatag ang malapad na picnic blanket kung saan nagpapagulong-gulong at gumagapang si Landon at Mia.
Masayang nagba-barbeque si Alden at Jhe at ang buong pamilya at magkakaibigan nila. Birthday ni Aling Coring ngayon at kasama nito ang dalawang anak na lalaki, si Boyet at si Biboy.
"Meng, ano ba ang balak niyang asawa mo?" Pabulong na tanong ni Valeen. nakaupo ito sa tabi niya habang pinanonood ang dalawang sanggol. Natawa si Maine.
Ilang buwan ding nawala ang kaibigan at asawa nito, sa pagbabalik ay ganun pa rin ito, tsismosa, pakialamera at atribida, in short, full blooded Marites na ito, pero di niya kayang itakwil dahil hindi naman masama ang ginawa nito sa kanya. Alam naman niyang concern lang ito pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanya.
"Bakit? Ano ba ang gusto mong malaman?" Tanong niya dito habang kunwari ay inaayos ang diaper bag ni Landon.
"Oo nga, Ate Meng. May engrandeng kasalan bang magaganap?" Bungisngis na singit ni Agnes, sinabayan naman ni Helen ng tusok sa tagiliran niya, na opisyal na kasama na sa federasyon ng mga mare.
"Yung simpleng kasal nga wala, engrande pa ba?" Sabat ni Helen. Napailing si Valeen.
"I don't know." Malamig niyang tugon. Sa sobrang lamig, napanginig pa si Agnes at tumawa uli. Binuhat niya si Landon.
"Huy, Agnes. Helen. Kayo talaga." Saway ni Valeen dito. Bumungisngis lang uli ang dalawa.
"May gusto na naman yatang ma-kidnap eh." Padabog na sabi ni Maine, maingat at padapang inilapag si Landon sa picnic mat.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Isang taon na kayong mag-asawa, di pa rin ba kayo open sa isa't isa?" Tanong ni Valeen, nakataas ang kilay nito.
"Bakit? Ako pa ba ang dapat na mag-propose sa kanya?" Padabog siyang tumayo.
"Galit?" Panunuksong tanong ni Helen.
"Gaga! Hindi ko sinabing mag-propose ka. Pero kahit papaano naman siguro nasasagi ng usapan n'yo ang tungkol sa pormal na kasal." Paglait na saad ni Valeen.
"Sa hindi nga eh, anong magagawa ko?" Padabog naman niyang sagot sa kaibigan.
"Hala, galit na nga." Nandidilat na sabi ni Agnes.
"Wag n'yo na kasing asarin, baka mamaya umandar na naman ang pagkabaliw niyan at talagang kidnapin na naman ang asawa para lang mag-propose ito, masisira ang plano ni Alden." Tuloy-tuloy na sabi ni Valeen. Narinig niya yun ngunit hindi niya pinansin dahil galit siya ngayon.
"Plano-plano. Puro lang naman plano, wala naman action!" Nanggigigil niyang saad.
"Hi, Maine!" Masayang bati ni Jhe sa kanya. Tumayo para makalayo sa mga ito kahit sandlai lang dahil para siyan nasasakal na di mawari.
"Hi mong mukha mo!" Singhal ni Maine kay Jhe. Nilampasan niya ito.
"Hi, Love." Nakangiting bati ni Alden. Matalim niya itong tinitigan.
"Isa ka pa!" Sigaw niya dito at wala nang ibang sinabing nilampasan din ang asawa.
"anong nangyari dun?" Narinig niyang tanong ni Jhe.
"Ewan ko." Sagot naman na maglaing niyang asawa. Nagtuloy na lang siya sa kotse.
GABI. Sa malayo, nagmamatyag lang si Ted, hinahanap ng mga mata ang anak. Nakatayo si Maine sa veranda nila paharap sa malawak na taniman ng mga bulaklak. Walang may gustong lumapit dito dahil sa pagkakasalubong ng kilay, mula pa kanina sa park, na halos magkabuhol-buhol at nag-uumusok na ilong nito na kulang na lang labasan ng apoy.
Kapag ganito si Maine, walang may gustong makiharap dito. Wala ring may gustong kumausap dito kahit na ang ama o ina nito. Iiwas pa sana si Ted nang wala sa loob na napadpad ang tingin sa veranda, nakatitig sa kanya si Maine.
"Tay." Iiwas pa sana si Ted pero huli na, tinawag na siya ng anak. Kapag ganito na ang tawag nito sa kanya, iisa lang ang ibig sabihin nun, may gusto itong gawin na hindi niya gugustuhin o gusto lang nitong maglabas ng kabag, este kaba.
"A-ano yun, Nak?" Bahagya pa siyang nautal.
"Kailangan ko ng tao mo." Simpleng sabi ni Maine sabay tumalikod na. Hindi man lang siya nakasagot. Napangiwi na lamang siya dahil tuluyan ng pinasok ng gagamba ang utak ng anak.
Napabuntong-hinga siya dahil isa lang ibig sabihin nun, kailangang gawin ni Ted ang sabi ng unica hija niya. Kailangan niyang hanapan ng tao si Maine, kung ilan ay hindi niya alam. Bahala na.
"Teddy, nasaan ang anak mo?" Tanong ni Anna. "Natapos na ang lang ang picnic, hindi ko na siya nakita. Mabuti na lang at mabilis itong si Helen. Pero kailangan pa rin siya ni Landon dahil maaga pang ang alis ni Helen bukas. May seminar yun, di ba?" Hindi alam ni Ted kung paanong sasagutin ang asawa. May topak ang anak sa hindi alam na kadahilanan, naghahanap ng tauhan, may binabalak na hindi niya alam kung ano at higit sa lahat, hindi niya masabi sa asawa ang tungkol dito.
Mas pinili na lang ni Ted na ituro ang direksyon ng kwarto ng anak sa ikalawang palapag.
"Anong nangyayari?" Kahit kelan talaga ay malakas ang pakiramdam ng asawa, napangiti siya. Nagmana ang anak dito.
"Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari pero masama ang kutob ko at kung hindi natin kaagad malalaman ang dahilan para magawan ng paraan, may hindi magandang mangyayari." Saad niyang nasa ikalawang palapag ng bahay ang mga mata.
"Ted, ikaw ang may kasalanan niyan. Sinanay mo kasing nakukuha ang gusto, kung kelan gusto at ano ang gusto." Kalmadong paninisi ni Anna.
"Mahal, kilala mo ang anak natin. Hindi siya katulad ng iba, kung yan ang iniisip mo." Pahayag niya, inakbayan ang asawang kalmado ngunit halata namang nag-aalala. "Kilala mo yan. May ikinagagalit yan kaya nagkakaganyan yan." Pahabol pa niyang sabi.
"Ikinagagalit? Ano?" Hinarap ni Anna ang asawa. Bago pa makasagot si Ted ay dumaan si Alden.
"Alden!" Tawag ni Ted sa manugang.
"Ano po yun, Dad?" Tanong nito, nilapitan sila.
"Wag ka munang pumasok sa kwarto n'yo, may topak ang asawa mo." Sabi niya dito. Napapikit naman ito at napabuga ng hangin.
"I knew it." Pasukong sabi ni Alden. Para naman siyang naawa sa manugang.
Magaang na ipinaliwanag ni Ted ng obserbasyon niya sa anak, pati na rin ang paghingi nito ng tauhan. Kung kinabahan siya sa gusto ng anak, alam niyang mas kinakabahan si Alden ngayon.
"Dad, I need a favor..." Nagkatinginan silang mag-asawa sa sinabi ni Alden at parehong napabuntong-hininga at tahimik na nakinig sa manugang.
LINGGO. Araw ng dalaw nila sa libingan ng Mommy ni Alden.
"Hon, saan ang punta mo pagkatapos sa sementeryo?" Tanong ni Maine na hindi man lang tinititigan si Alden.
"Opisina. I am going to finish some stuff." Sagot naman nitong hindi rin nililingon si Maine. "Bakit?" Pahabol nitong tanong.
"Wala lang, gusto ko lang malaman." Napapailing na lang ang mga nakikinig sa palitan ng dalawa.
"Alis pala ako. Iiwan ko si Landon kay Mommy at Nanay Coring." Hindi yun pagpapaalam, at hindi rin abiso. Hindi pa muna nagsalita at hindi na rin naman lumingon si Alden kay Maine.
"Okay. Just let me know when you get back." Sabi ni Alden at umalis na, walang halik, walang lingon-likod, ganun din si Maine. Kinakabahan ang mag-asawang Mendoza.
"Mahal..." Pumikit lang si Ted, sinasabing tumahimik muna sa asawa.
"Balae, delikado ito." Bulong ni Alfred. Tumango lang si Ted.
ALAS tres ng hapon pagkatapos na may daanan, pauwi na si Maine nang may humarang sa kanya na puting van. Mabilis na nakapreno si Maine dahil kung hindi ay siguradong sasalpok siya sa likuran o tagiliran nito.
Mabilis na naglabasan ang tatlong armadong lalaki. Nataranta naman si Maine. Pilit na kinukuha ang cellphone na nasa cup holder para tawagan ang asawa. Para tuloy siyang nagsisisi na hindi ito kinausap ng mahigit na isang linggo.
Nanginginig ang kamay, hindi makuhang makatawag kay Alden. Mas lalo siyang nagagalit sa sarili, naiyak na lamang siya.
"You are so careless, Maine!" Galit niyang sabi sa sarili.
Biglang bumukas ng pinto ng kotse at pilit siyang kinukuha ng isa sa tatlong nakamaskarang lalaki, may baril at puro maskulado ang mga ito.
"BITIWAN N'YO AKO, MGA PANGIT!" SMalakas na sigaw ni Maine, pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki.
Tinadyakan niya ito ngunit mabilis ang isa nitong kasama. Magsisigaw man siya ay wala rin namang mangyayari, walang makakarinig, o makakakita sa kanila dahil nasa kalsada siya na walang tao.
Ito ang sinasabi sa kanya ni Alden palagi, wag dadaan sa kalsadang ito dahil manaka pa sa patak ng ulan sa El Niño ang mga dumadaan dito. Kung hindi lang talaga matigas ang ulo niya, kung nakikinig lang sana siya sa asawa at hindi na lang sana siya nagtampo, hindi niya ito sasapitin.
"Lintek na proposal kasi yan eh!" Galit siya sa sarili.
"Wag nang matigas ang ulo miss! Masasaktan ka lang eh!" Singhal ng pangalawang lalaking lumapit sa kanya.
Nakita naman niyang tinulungan ng isa ang lalaking sinipa niya at mabilis na hinawakan siya sa kabilang braso. Nahulog ang cellphone niya sa sahig ng passenger side at hindi na niya makuha pa.
Pilit siyang isinakay ng mga ito sa van. May isa pang lalaki sa loob, ang driver, nakamaskara rin ito. Nagulat na lang siya nang may panyong tumakip sa bibig niya.
Ang huli niyang nakita bago nagdilim ang paningin niya ay pumasok ang isang lalaki sa kotse niya, nagsara ang pinto ng van at lumuluhang ipinikit na lamang ang mga mata.
SA OPISINA ni Alden, kasalukuyang nagliligpit ito ng mga kakailanganin nito sa isang buwang bakasyon na inihanda para sa kanilang dalawa ni Maine.
Gusto niyang dalhin si Maine sa Korea, sa Jeju Island. Marami kasi siyang naririnig tungkol sa ganda nito, lalong-lalo na sa Spring time.
Pagkatapos niyan ay dadalhin niya si Maine sa Smuggler's cove sa isla ng Greece. Napanood daw kasi ni Valeen sa Descendant of the Sun ang scene na kung saan pumunta yung dalawang bida sa islang ito. Pwede siyang doon mag-propose kay Maine, napangiti siya.
Syempre, hindi rin pwedeng hindi niya dalhin si Maine sa El Nido kung saan marami ring mga private island resort na kaakit-akit din. Maaaring doon siya mag-propose, pero syempre kahit saan sa tatlong destinasyon nila ay pupwede, depende na lang sa mood ng panahon na yun.
Kung siya ang masusunod, mas gusto niyang mag-propose kay Maine sa Bae Cove kung saan sila unang nagkasama ng asawa at syempre may iba pa siyang balak after ng proposal na yun dahil pwede naman silang magpa-pickup after midnight.
"Sir, aalis na po kayo?" Tanong ng security guard nila.
"Opo, Manong. Umuwi na rin po kayo pagdating ng relyebo n'yo." Tinapik ni Alden ang balikat ng lalaki. Tumango naman ang lalaki, umalis na siya.
Sakay ng kotse niya, lumabas na siya ng basement parking. Dahil linggo ngayon, walang gaanong trapik. Maayos ang daloy ng mga sasakyan. Ilang sandali pa ay nasa shortcut na siya. Yun ang kalsadang palaging dinadaan ni Maine.
Palagi niya itong pinaaalalahanan na wag dadaan dito dahil walang masyadong dumadaan. Napili niya ito dahil nagbabakasakali siyang makita ang sasakyan ng asawa. Tamang-tama kasi na pauwi na rin ito ayon sa sagot nito sa kanya kanina.
Hindi pa man niya nakakalahati ang kalsada ng may humarang na itim sa SUV sa kanya. Muntik pa niya itong mabangga kung hindi siya nakapagpreno kaagad.
"Damn!!" Muntikan pang tumama ang mukha niya sa manibela dahil sa tigas ng pagpepreno niya.
"What the hell, man!" Sigaw niya pagkalabas na pagkalabas niya ng kotse.
Walang sabi-sabing hinablot siya ng isang lalaking may baril at tinutukan sa sentido. Mabilis pa sa tilaok ng manok ni San Pedro ang kilos ng isa pang lalaki, natakpan kaagad ng panyo ang kanyang bibig at ilong.
Ilang sandali pa ay nagdilim na rin ang paningin niya. Nagiging komplikado ang mga bagay- bagay ngayon. Sino ang kumuha sa ating mga bida? Ano ang mangyayari sa kanila?
------------------
End of MBG 35: Kidnapped
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
05.17.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro