MBG 34: Ang Anak Ko
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper
"Ang Anak Ko"
♡♥♡♥♡♥♡
Two more months had passed at talaga masasabi ni Alden na worth it ang lahat; mula sa unang pag-kidnapped sa kanya ni Maine noon hanggang pangalawang pag-kidnap nito sa kanya. Bakit 'ika n'yo? Simple lang.
"Who are you?!" Galit at kinakabahan siya.
Sino ba ang hindi magagalit at kakabahan? Maliit man ito at naka-hoodie ay dapat pa rin siyang kabahan. Minsa nn a siyang n-kidnap ng ganito kaliit na bulto, si Maine. Nakaya siyang kidnapin nito noon, ito pa kaya?
Ano ang pinagkaiba ng taong ito ngayon sa isang Maine Mendoza noon? Talino ang ginamit sa kanya ng babaeng mahal, itong maliit na taong ito? Ano ang kayang gawin nito sa kanya ngayon?
Tumigil ito sa ginagawa at tumuwid ng tayo. Pigil ang hininga ni Alden nang unit-unti na itong humarap sa kanya. Ang walang humpay na pagtahip ng kanyang dibdib ay napalitan ng kakaibang kaba nang makitang si Maine ang taong akala niyang kung sino lang. Malapad itong ngumiti bago nagsalita.
"Meehh?? I am your beautiful groom-napper." Sabay kindat pa nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang i-relax ang katawan at bigyan ito ng mapagmahal na ngiti.
Kita niya ang tunay na Maine, ang makulit at masayahing si Maine ng mga oras na yun. Yung Maine na una niyang nakilala, yung Maine na kumidnap sa kanya.
Muling tumibok ang puso niya para sa dalaga. Ito ang ngiting gusto niyang nakikita dito sana kaya lang inabot sila ng malas at ang daming dramang dumaan sa kanilang dalawa.
Kagabi, nag-labor si Maine. Alam niyang nataranta siya, natakot.
"Hon, yung panubigan ko!" Naala niyang sigaw ni Maine mula sa second floor ng bahay ng mga Mendoza, kung saan niya piniling tumira.
"Mom, what is panubigan?" Tanong niya sa ina ni Maine. Ngumiti ito sa kanya nang may pag-aalala.
"Ibig sabihin nun ay manganganak na siya." Kalmado nitong sabi pero mabilis ding tumayo.
"What?!" Blangko ang utak niyang sagot.
"What ka diyan." Natawang pag-ulit ni Anna. "Tawagan mo ang dukto niya at ako na ang tatawag kay Rick. Ipapakuha ko sa Daddy n'y oang mga bag niya at magpahatid na kayo sa ospital, susunod na lang kami ng Daddy n'yo. Ako na rin ang tatawag sa mga kapatid mo" Kalmado pa rin ito, pero siya, hindi niya alam ang mga nangyayari. Para kasi siyang lutang.
"Den, kumain ka na muna. Mamaya pa gigising yan." Alok sa kanya ni Anna na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Di siya makapaniwala na hindi lang anak ang meron siya, may asawa na rin siya at yun ay si Maine, ang natatanging babae na nagpatibok ng puso niya sa hindi inaasahang pagkakataon at pangyayari.
"Mamaya na, Mom. Hihintayin ko siyang magising." Mapagmahal niyang sagot sa ina ni Maine at ubod lambing niyang tinitigan ang ang tanging babaeng nagpatibok ng puso at gumulo ng buhay niya.
Nang makabalik sila ni Maine sa mainland matapos ang halos isang buwan na pamamalagi sa isla, idiniretso niya si Maine sa bahay ng kakilala niyang hurado, si Judge Beltran at ora-mismong pinakasalan si Maine.
Walang nagawa silang dalawa ni Maine kundi ang umiyak, ngumiti, tumawa at umiyak habang ikinakasal sila ng hurado. Maging ang asawa at assistant ni Judge Beltran ay umiiyak din habang ngumingiti, masaya ito para sa kanila.
Nang sa wakas ay makauwi na sila sa bahay ng mga Mendoza nagulat pa si Maine nang makita ang ina doon. Wala itong imik habang ibinalita ni Alden ang mga nangyari at kung saan sila ng mga panahon na yun at ano ang una nilang ginawa pagkabalik na pagkabalik nila ng mainland.
Habang hindi pa ma-absorb ni Maine ang kaganapan nung siya ay wala, tahimik lamang itong nakikinig sa mga palitan ng usapan, pagtatalo na may nagtaas ng boses, mmay nasuntok at may nanuntok. Nagkakaroon ng pagtututol na bandang huli ay nabalewala rin dahil sa parehong nagkasundo ang mag-asawang Mendoza sa umayon sa desisyon ng anak.
Bandang huli, hinarap ito ni Anna Mendoza ang batang abogado para kalmahin ito. Maging ang asawang si Judy ay tumulong na rin sa pagpapakalma ng nanggagalaiting asawa. Resulta, tinanggap nal ang ni Ryan ang desisyon ng dalawa.
"Be sure to make her safe at all times. For now, magiging okay pa siya, pero kapag nagising na yang ama mo wag na wag niyang kakantiin itong prinsesang ito ang anak n'yo dahil ako mismo ang tatapos diyan sa Tatay mo. Kasama ni Montenegro.
Napag-alaman ni Alden na kaya lang ito nagalit at pilit na inilalayo si Maine sa kanya dahil sa bantang iniwan ni Gene Montenegro dito gamit ang lumang kasunduan. Nalungkot naman si Valeen nang mapatutuhanan ang mga ito mula sa sariling ama.
Walang takot at pangingiming hinarap ni Valeen ang ama kasama si Maine at Alden, si Anna at Ted. Ipinakulong nila ito sa lahat ng kasalanang nagawa sa pamilyang Mendoza at pati na rin sa Richards.
Nang gabi ding yun, nagkaroon ng pagkakataon na makaupo ang mag-anak na Mendoza kasama siya, si Maine, si Judy at Atty. Ryan. Naging maayos na rin naman ang lahat matapos na makabalik si Maine sa wisyo, nang ma-absorb na niya na buhay ang ina
Kwento ni Anna na habang hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari at kung saan napunta ang asawang si Ted ay mas minabuti na lang nito ang magtago bilang isang guro sa maliit na barangay sa isla ng Mindoro.
Doon siya nanirahan kasama ng mag-asawang matandang nakakita sa kanya sa dalampasigan at itinuring naman siya ng mga ito na parang anak. Guro ang anak ng mag-asawa na namatay sa isang aksidente habang ito ay nagtuturo doon. Simula noon, si Anna na ang nabuhay bilang Lucena Gonzales. Makalipas ang dalawang taon ay pumanaw si Mr. Gonzales at sumunod na taon naman ay ang asawa nito nang sumunod na taon.
Dahil sa takot na kumontak kay Ryan ayindi na ipinilit pa ni Anna na umuwi sa New York dahil baka si Maine naman ang mapahamak kaya mas tinutukan na lang ang pagtuturo. Kahit papaano ay naibsan ng bahagya ang pananabik sa sariling anak.
Hindi man kumikibo ang mataman lamang na nakinig si Maine sa kwento ng ina. Alam ni alden yun dahil habang hawak ang kamay ng asawa ay naramdam niya ang paghigpit at pagluwag ng kamay nito sa kamay niya. Kita niya rin ang pamumula ng ilong nito at ang ilang beses na pagtulo ng mga luha nito.
Ayon pa sa kwento ni Anna, habang sinusupil ang pananabik sa sariling pamilya, mas lalo namang sumisidhi ang kagustuhan niyang maghanap sa mga ito, hanggang isang araw nga nakita nito si Maine sa balita. Ang pagkakasangkot ng anak sa pangingidnap sa anak ni Alfred Richard para mapigilina ang kasala niya sa anak ni Gene Montenegro.
"Bahagya akong nagkaroon ng lakas ng loob na lumantad ngunit natakot din ng ang sumunod na balita ay naipakulong ni Alfred ang anak ko." Pgsasalaysay ni Anna, nakikinig lang sila.
"Ilang buwan lang ang lumipas ay si Ted naman ang lumabas sa balita na iba na nga mukha." Bahagya itong tumigil sa pagkwento. "Narinig ko ang lahat ng pinahayag ni Ted sa interview. Naisip ko, it's about time to face the music that Alfred and Gene were playing. It's party time. Somebody has to take a dose of their own bitter medicine. Then, things went crazy kaya mas ginusto kong kay Ryan muna sana magpakita. Hindi ko inaasahan na dito ni ted napiling tumira." Sa puntong ito, nagkaiyakan na ang mag-asawa. Si Maine tahimik pa rin sa tabi ni Alden kaya hindi na rin naman siya nagsalita pa bilang suporta sa asawa.
"Saan kayo tumira all this year, Ate?" Tanong ni Judy.
Kay Tatay Emilio at Nanay Bebang." Maikli nitong sagot.
Naisalaysay din ni Anna na ilang buwan din ang dumaan na nakatigil lang siya loob ng bahay ng mag-asawang kumupkop sa kanya habang nagpapagaling ng mga sugat at pasa bago pa nito nagawang maglalabas ng bahay.
Ayon kay Anna Mendoza, at ayon na rin sa payo ng mag-asawa dahil sa kanyang kwento, bahagya muna nitong kalimutan ang pamilya para na rin sa kaligtasan ng anak at ng sarili. Sumang-ayon siya dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari sa asawa matapos ang aksidente.
"Ate, bakit hindi mo ako tinawagan? Why didn't you try to contact me?" May Iritasyon sa boses ni Ryan.
"The reason I didn't contact you is because I don't want to be too hard on Maine. Yung hindi ko pa nga lang nagawa, kung ano-ano na ang nangyari sa kanya. Nandyan yung nangidnad siya para lang matulungan si Valeen, nakulong tapos naglayas... at ikaw naman Ryan, dinaan mo sa galit ang lahat. Parang nilagyan ng baga yang pwet mo sa tindi ng galit mo dito kay Alden, eh hindi naman si Alden ang may kasalanan kundi yung ama!" Napataas ang boses ni anna. Napangiti si Alden nang maalala ang naganap sa pagbabalik nila ni Maine.
"I'm sorry, Ate. Ayoko lang na pati ang nag-iisang anak ni Kuya Ted ay dumanas ng parehong nangyari sa inyo noon." Nakayuko nitong paghingi ng paumanhin.
"Quite honestly, I thought you were in some kind of illusion." Makahulugang singit ni Alden. Nanggigigil kasi siya dahil sa mga pinaggagawa sa kanila nito Maine.
"Ayoko lang mahulog ang pamangkin sa kamay ng mga Richards!" Singhal nito at sabay pagtapon ng matalim na tingin.
"Ryan, whether you like it or not, they are bound to be together." Simpleng sabat ni Ted. Natahimik silang lahat.
"Hon, OA ka kasi. Ang dami mong alam, kung ano-ano pang kaso ang isinampa mo kay Alden eh puro naman kasinungalingan. Alam mo ba Ate, Kuya, muntik na akong maghanap ng family lawyer para ipa-annul ang kasal namin nitong baliw kong asawa." Tinapik ni Ted ang balikat ni Ryan dahil sa sinabi ni Judy.
"Kung nangyaring nakapagpa-aannul si Judy, siguradong itatakwil kita." Natatawa pan sabi ni Anna. Gumaan ang kapaligiran. Nakukuha na nilang tumawa maliban kay Maine na pilit na ina-absorb ang lahat.
"Ano na nga pala ang plano?" Seryosong tanong ni Ted kay Ryan.
"The first court appearance will take place in the beginning of next year." Pahayag ni Ryan. Maayos na sila at tahimik na rin.
Sa ngayon, napag-usapan nilang tulong-tulong muna sila Atty. Ryan, Alden at Ted Mendoza sa pagpapalakad ng kompanya ng mga Mendoza at Richards. Samantalang si Jhe na ang siyang nangungunang nagpapalakad ng Montenegro, inaalalayan lang nila Ted at Ryan ang mga ito.
Naka-coma pa rin si Alfred Ricahrd pero sabi ng mga duktor ay stable na ang lagay nito, hinihintay na lang nila na mismong ito ang kusang gumising.
Si Rizza at Angel ay nanatiling nakatira sa bahay na pag-aari ng pamilya ng Mommy nila matapos ang muntik na pagsa-shutdown ang kompanyang pag-aari nila Alden na ngayon ay si Atty. Ryan ang namamahala.
Napabuntong-hininga siya. Ang daming nanagyari sa loob lanag ng isang linggo simula nang bumalik sila mula sa isla. Mula sa pag-alis ilasa isla, hanggang sa biglaan nilang pagpapakasal at ang pag-uusap-usap ng bawat isa.
Umupo si Alden sa mismong tabi ni Maine sa hospital bed nito. Kapapanganak lamang nito sa isang malusog, mestizo at napakagwapong batang lalaki. Masyado itong maputi katulad ni Alden at mataba, bilog ang may kaliitan nitong mukha, may nag-iisa itong dimple. Ang labi naman nito ay nagmana kay Maine. Pinaghating Alden at Maine man ang bata kay Maine naman nakuha ang mahahabang pilikmata nito. Kaya naman giliw na giliw si Alden na titigan ang anak at asawang tulog na tulog.
"Matunaw yan, Richards." Napalingon si Alden sa nagsalita, si Jhe.
"Walang pakialaman, Napoles." Sagot naman niya, ibinalik ang mga mata sa asawang tulog.
"Ang yabang mo. ikinasal ka lang kay Maine akala mo kung sino ka na." May pagmamaktol na biro nito. Pagak lang na natawa si Alden, nilingon ito at pinakatitigang maigi.
"Nagseselos ka ba na ikinasal ako kay Maine? Bakit, gusto mo rin bang magpakasal sa akin?" Mapagbirong tirada ni Alden.
"Ouch! Wala ka palang balak na pakasalan ako?" Sapo-sapo ni Jhe ang dibdid na akala mo ay nasaktan, bumalik ng tirada din itong si Jhe. "Aray ko." Madiin nitong sabi dahil nasapok ng kapapasok lang na asawa.
"Gagong 'to." Sabi ni Valeen na may kasamang pag-amba pa ng kamay sa asawa. "Umayos ka dahil baka i-divorce kita." Dugtong niyang may kasamang pananakot.
"Love naman, nagbibiruan lang kami ni Richards." Sabi nitong nakaakap sa asawa.
"Aalis muna kami ng Mommy n'yo, kailangang kong makipagkita sa espesyalista." Saad ni Ted sabay tayo.
"Espesyalista? Okay lang po ba kayo?" May pag-aalala sa tinig ni Valeen.
"Ayos lang ang Tito n'yo." Sagot naman ni Anna.
"Dad is fine. He's as healthy as a horse." Singit ni Alden habang ang tingin ay nasa asawang tulog.
"Then why a specialist?" Tanong ni Valeen. Nilapitan pa niya si Ted at sinipat-sipat.
"Naaasiwa daw siya hitsura niya kaya komunsulta siya sa espesyalista para maibalik ang dati niyang hitsura." Natawa si Anna sa sinabi. Natawa rin si Valeen.
"Ay wow. Ikaw na talaga Tito." Panunukso nito sa ama ng kaibigang napapailing, may palakpak pang kasama,
"Dad, just don't want Mom to think that he is a different man while they are together." Sagot ni Alden na nangingislap ang mga mata sa panunukso. Tumayo siya para lumapit sa mga nag-uusap.
"Tito, paano po yung asawa n'yo doon sa ano..." Alanganing tanong ni Jhe ang kanyang sinasabi.
"Naayos na ni Ryan yun. Wala namang silbi ang kasal na yun dahil wala akong maalala sa kung sino ako at sinadya nilang hindi ilapit sa pulis ang pagkakakita nila sa akin. " Sagot ni Ted. May mapait itong ngiti sa labi.
"For what reason daw ba, Tito?" Tanong ni Valeen.
"That I do not know and I don't want to find out." Walang ganang sagot ni Ted.
"Anyway, she is well compensated. Wala silang anak, which sayang, may kapatid sana si Menggay namin." Pahayag ni Anna. "Pero syempre haharap at sasagot pa rin siya sa batas, and Ryan is doing all the necessary documents and paper works for it." Patuloy na pahayag nito.
"Alis na kami. Mamaya-maya lang ay darating si Mang Isidro at Aling Coring para magdala ng pamalit ng dalawang ito." Tumango-tango silang tatlo sa sinabi ni Ted. Nag-amen sila dito at ngumiti naman ang mag-asawa sa kanila at tuluyan nang lumabas.
"Wag n'yong kalimutang silipin sa kabilang kwarto si Agnes ay yung cute niyang anak." Nakangiting bilin ni Anna sa kanilang tatlo. Naunang ma-confine si Agatha at ipinnganak na premie ang bata.
Nang makaalis na nag mag-asawa ay hinarap siya ni Valeen.
"Alden, when are you going to formally propose to her." Sabay tingin nito sa tulog na si Maine.
"When she gets out." Simple niyang sagot. "The ring hasn't arrived yet." Dugtong pa niya sabay talikod sa kaibigan.
"I have the ring. It arrived yesterday. I just didn't have time to come here last night." Mabilis na napalingon si Alden kay Valeen.
"Give it to me." Mabilis niyang sabi.
"Wow. Iba ka talaga, Richards. Pinakasalan mo nga, binuntis mo naman muna tapos ngayon ka pa lang magpo-propose?" Ngingiti-ngiting panunukso ni Jhe.
"Tumahimik ka Napoles! Kung naiinggit ka, gawin mo rin!" Singhal niya sa kaibigan. Natawa lang ito, habang siya ay nakasimangot.
Mabait ang asawa ni Valeen, naging kaibigan na rin niya ito pero masyado itong makulit para sa katulad niyang laging seryoso.
"Enough you two, baka magising nang wala sa oras si Maine, lagot kayo sa aking dalawa." Singhal ni Vallen na sabay namang ikinatahimik nilang dalawa.
Naging maayos na rin ang pagkakaibigan ni Valeen at Maine nang magkasalirinan at makapag-usap silang dalawa.
"Ano ba talaga ang nangyari sa isla at inabot kayo ng humigit-kumulang isang buwan doon?" Tanong ni Jhe.
"Curious ka, love?" Tanong ni Valeen na nakangiti sa asawa. "Or Concern ka lang?" Napabungisngis pa ito.
"Chismoso 'kamo." Sabat ni Alden, inaayos ang kumot ng tulog pa ring asawa. "And besides, whatever happens on that island, stays on the island." Walang lingon niyang sabi. Bumungisngis lang at nag-appear ang mag-asawang baliw.
"Yeah, w hat really happened on the island?" Wala sa loob na tanong ni Valeen. Hindi ito umaasang masasagot ni Alden yun.
Sa isla.
"Who are you?!" Tanong niyang kinakabahan.
"Meehh?? I am your beautiful groom-napper." Bumuhos ang kakaibang kaba sa kanyang puso nang kumindat pa si Maine sa kanya. Wala nang sabi-sabi at dinaluhong na niya ito ng mapanabik na yapos.
"Hon..." Napapaubo pa ito. "You're hugging me too tight. My belly." Sabi nito. Wala siyang nagawa kundi ang i-relax ang katawan, niluwagan ang pagkakakakap dito at bigyan ng mapagmahal na ngiti ang dalaga.
It only took Maine one slight kiss on the check and the fire ignited at it consumed him from inside and lost all control.
Walang sabi-sabing binuhat niya si Maine, at maingat na dinala ito sa sofa.
"I missed you so much, Hon." Sambit niya, pabulong, paanas.
Si Maine naman ay nakatitig lamang sa kanya ng puno ng pananabik at pagmamahal. Masaya ang mga mata nitong katulad ni Alden.
"We missed you more, especially me." Pabulong na ring sagot ni Maine. Pinanayuan siya ng balahibo at pati ang hindi pa dapat sana tatayo ay nauna pang tumayo.
Alam ni Alden na pagdating kay Maine ay talo ang kanyang disiplina sa sarili. Kapag kaharap niya ang dalaga ay natutunaw ang kanyang IQ, nagiging lugaw ang kanyang utak. Ang tangi niya lang naiisip ngayon ay muling maangkin ito. Napatawa siya ng lihim.
He leaned on top of her without putting his weight on her, fearing that he may hurt their baby. He kissed her lightly on the lips, tasting its sweetness. He's really missing her, all of her.
Eating was out of the option for them two. All they want is to be together in bed, tasting that sweetness of their love and soaked in pure and insatiable lust with each other. They did the same thing when they moved to the bedroom.
Tanghali na nang magising sila matapos ang napakahabang gabi. Awang-awa siya kay Maine dahil halos hindi ito makabanagon kinabukasan, kaya hinayaan niyang ituloy ni Maine ang pagtulog.
Naiinis siyang napapangiti kapag naalala niya ang mga pinaggagawa nilang dalawa ni Maine sa isla. Para tuloy pakiramdam niya ay si Eba at Adan sila. Gayun pa man ay iningatan niyang wag masaktan si Maine at ang kanilang magiging anak.
"Ay." Pagpukaw ni Jhe sa malayong paglalakbay ng kanyang isip. "Nasa kung saan ang isip ng mama?" Dugtong nitong ngingiti-ngiti.
"Gago!" Singhal ni Alden. "Alam mo, Vallen, sa dinami-dami ng naghahabol sa iyo mula pa nung college tayo ay bakit eto ang pinili mo?" Konti na lang talaga ay mapipikon na siya.
"Jhe, tigilan mo ang asawa ko dahil kung hindi ako ang hahampas sa mukha sa paa mo." Sabay-sabay silang tatlo na nilingon si Maine, kagigising lang nito.
"Hi, Love." Mabilis na bati ni Alden, mas lumapit pa sa asawa sabay halik sa labi nito.
"Huy, Alden! Konting respeto naman sa akin!" Maarteng sabi ni Jhe. Katulad kanina, sapu-sapo na naman nito ang kanyang dibdib, ngunit ngayon ay may pakagat-labi pa kunwari ay umiiyak dahil mapahid-pahid pa ito ng luha.
Napabunghalit ng tawa si Valeen, ganun na rin si Maine kaya ang resulta, maging ang sanggol ay nagising. Wala sa loob na hinampas ni Valeen ang makulit na asawa.
"Aray naman, Sweet." Sabi nitong hihimas-himas sa balikat na nahampas ng isang malabakal na kamay?
"Tumahimik ka na kasi, nagising tuloy si Taba sa iyo." tarantang kinuha ni Alden ang anak sa hospital bassinet ang anak at kinarga ito.
"I'm sorry, son. Your Ninong is such an idiot." Bubulong-bulong na sabi ni Alden.
"Love, wala pang two days old yang anank mo, kung anu-ano na yang mga binibigkas mo." Natatawang puna ni Maine sa kanya.
"Akin na nga yang inaanak kong pogi." Sabi ni Valeen sabay maingat na kinuha ang bata.
Sumenyas ito sa kanya ngunit hindi niya naintindihan. Hindi naman nakatingin si Maine kaya hindi nito alam ang mga sensyasan nila ng kaibigan.
"Dre, bakit hindi mo na gawin yung gusto mong gawin dati pa." Saad ni Jhe habang titig na titig ito sa chocolate chip cookie at snickerdoodle na hawak. Mabilis na nilingon at matalim na tinitigan ang kaibigan.
"Tumahimik ka." Malumanay niyang saway dito.
"Ano pinag-uusapan n'yo?" Tanong ni Maine. Kinuha nito ang orange wedge mula kay Valeen.
"Wala. Hayaan mo yang dalawang baliw na yan." Sbat ni Valeen at matalim na tinitigan ang ngingisi-ngising asawa. "Eat this. You need this. Kailangan mong magpalakas. Feeling ko, uubusin ng anak mo ang lahat ng bitamina sa katawan mo." Tatawa-tawa nitong sabi.
"I guess. He breastfeed last night, I felt like I was dried up after." Natatawa niyang sabi.
"Anyway, bago kami umuwi ni Jhe mamaya, dadaan ako diyan sa kaila para silipin si Agnes." Paalam ni Valeen.
"Kamusta na pala sila ng baby?" Bago pa man makasagot si Valeen ay may narinig na silang pagkakagulo sa labas.
"Hayop ka! Ibalik mo ang anak ko!"
"Valeen, you stay with Maine and Landon!/Hon, you stay with Maine and Brayden!" Sabay na bigkas ni Alden at Jhe, nagkatinginan pa. Hindi naman na gumawa pa ng gulo ang dalawa at hindi na rin naghintay ng sagot ni Maine at Valeen, lumabas na ng kwarto.
------------------
End of MBG 34: Ang Anak Ko
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
05.07.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro