MBG 33: Beautiful Groom-napper
🚫 UNEDITED 🚫
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper
"Beautiful Groom-napper"
♡♥♡♥♡♥♡
NAGISING si Maine sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa maliit na bintana. Inikot ang mga mata sa paligid tsaka niya pa lang napagtanto na nasa tub pa rin siya. Mabilis siyang napaupo.
"Ang tanga mo, Meng. Bakit ka natulog sa tub? Feeling sirena, Meng? Loka-loka." Paninermon niya sa sarili. Mabilis ngunit maingat siyang tumayo. Hinila ang tuwalyang nakasabit sa gilid tsaka binalot ang sarili.
Giniginaw siya ngunit wala naman siyang masisisi, kasalanan niya dahil nakaidlip siya. Hindi na niya nagawang magbanlaw ng maayos dahil lamig na lamig na nga siya. Mas minabuti na lang niyang umahon at inis na magbihis.
Nang matapos na magbihis ay bumaba siya. Mag-iinit siya ng gatas para kahit papaano ang mainitan ng kaunti ang sikmura at katawan niya.
Mabilis naman niyang nagawa ang pakay sa kusina. Matapos makainom ng gatas ay ibinaba na niya ang baso sa lababo at ngayon nga ay paakyat na naman uli siya. Tuloy-tuloy sa kwarto sabay higa sa kama.
Wala pang ilang saglit ay nakatulog na naman uli siya. Katulad kanina, nandito na naman ang mga matang nakamasid sa kanya. Puno ito ng lungkot at pananabik.
"I miss you so much, Love." Pagbulong nitong sabi, maingat na hinaplos ang noo niya. Nagkasya na lang ang paris ng mga matang ito sa pagtitig kay Maine habang ang dalaga ay panatag na natutulog. Mas minabuti pa nito na wag nang gisingin ang dalaga.
Binantayan nito ng buong gabi ang dalagang payapang natutulog. Kahit walang gaanong tulog, maaga itong bumaba para ipinagluto ng agahan ang dalagang buntis. Tahimik lamang at magaang na naghanda siya ng mga lulutuin para dito.
Matapos nitong gawin ang kailangang gawin ayon sa sariling gusto ay lumabas na rin ito at umalis. May ngiti ito sa labing sumakay ng kotse at panatag na nagmaneho palayo.
ALAS siete ng umaga nang magising si Maine. Agad niyang naamoy ang masarap na pagkain mula sa baba. Napangiti siyang bumangon.
"Hindi talaga ako natiis ni Nanay Iday." Ngiti niyang usal habang nagmamadaling isinusuot ang tsinelas. Masigla siyang bumaba, hinanap ang matanda ngunit hindi niya ito nakita.
Nagkibit-balikat na lamang si Maine. Iniisip niya na baka nga umalis na uli ito. Hindi lang talaga siya natiis ng ginang.
Maganang kumain si Maine. Hindi niya maintindihan pero may kakaiba sa lasa ng luto ni Nanay Iday ngayon, malasa ito at nakakagutom kahit paubos na ang lahat ng nakahain.
Dati kasi, dalawa o tatlong subo pa lang ay ayaw na niya at minsan ay isinusuka pa pero ngayon ay kakaiba, naubos niya ang pagkain at parang nakulangan pa siya.
"Ang galing ni Nanay ngayon ah. Natumbok niya ang panlasa ko." Napabungisngis niya. Tinapos niya ang pagkain ay hinugasan na ang pinggan matapos na linisin ang lamesa.
May plano siyang puntahan ngayon. Maliligo siya at magdadala ng ilang damit dahil baka gabihin o umagahin na siya sa kung saan siya pupunta. Buo na ang isip niya, tuloy na ang plano kagabi pa at yun ang gagawin niya. Buwis-buhay kung buwis buhay. Sabi nga sa english; "no pain, no gain", "no guts, no glory". Natawa siya sa huli niyang sinabi.
Buntis nga siya, kasi kung ano-ano ang puamapasok sa isip niya. May pa-no guts, no glory pa siyang nalalaman. Napatingin siya sa kanyang tiyan.
"Puro ka guts ngayon, Maine, walang glory kung hindi ka kikilos." Wala sa loob na muling bumungisngis. Napapailing na lang siya. "Nababaliw ka na, Mendoza."
Maine never really complained a lot when things in her life went from a very normal, plain happy family to what it was before she met Alden to right now. She felt happiness again when she met Alden. The adrenaline she felt when he kidnapped him almost a year ago, she giggled.
"Ang galing mo, Meng. Mantakin mo nagawa mo ang imposible? Naku, kung buhay lang si Mommy, sigurado akong lapnos sa kurot ang singit mo. Hihihi" Hindi niya napigilang mapalakas ang pagbungisngis niya.
Naalala niya ang hitsura ni Alden noo ng kinidnap niya ito. Halos manlaki ang butas ng ilong nito sa inis at galit, natawaw siya.
Naalala rin niya na nagpa-cute pa ito sa kanya na tinawag pa nito na Alden Power Formula na hindi naman umobra... well, nagkunwaring hindi umubra.
"Hay naku, Menggay, maghanda ka na nga at maaaring mahirapan ka sa plano mo dahil ikaw lang mag-isa ang gagawa." Paalala niya sa sarili.
Pumasok siya sa banyo para gawin ang dapat gawin. Mabilis naman siyang natapos at nakabihis na nga siya ngayon. Kinuha niya ang kanyang backpack. Nakita niya ang isang sobre, napakunot ang noo niya.
Hindi niya ito nakita dati at hindi niya rin naalalang nakita niya ito dati. Binuksan ito at binasa. Nagulat pa siya nang makita ang pangalan ni Alden sa pinaka baba nito.
My love,
My love will always be with you. Stay strong. I will see you and our baby soon.
With all my love,
Alden
Tumulo ang luha niyang may ngiti sa labi. Masaya siyang malaman na hindi siya nakalimutan ni Alden.
Natigilan din siya, nagtataka. Paanong napunta ito dito ito? Nandito na ba ito dati pa? Nilingon niya bintana.
Napansin nga niynag bukas ito kaninang magising siya. Natatandaan niyang nai-lock niya ito kagabi bago siya natulog. Sigurado siyang nagawa niya yun, malinaw niyang natatandaan ito. Buntis lang siya. Bata lang ang meron siya at hindi dementia. Napabuntong-hininga na lang siya.
"SAAN ka galing, Kuya?" Tanong ni Angel. Tinitigan lang ni Alden ang kapatid, nginitian at hinalikan ito sa noo. Laglag ang panga ni Angel, nilingon nito si Rizza, nagtataka.
"Kuya, ikaw ba yan?" Tanong ni Rizza, humarang sa harapan niya.
"May iba pa ba?" Nakangiti niyang sagot sa mga ito.
"May nangyari bang maganda Kuya, kaya ka masaya?" Tanong ni Rizza. Makahulugan lang na ngumiti si Alden sa mga kapatid.
Tinapik niya lang sa balikat ang mga ito at tahimik na tinalukuran. Diretsong tumungo sa sariling kwarto para matulog. Masakit ang ulo niya dahil nga wala siyang tulog. Magdamag ba naman niyang tinitigan si Maine.
Diretso sa banyo, nag-iisip. Nakatitig sa sarili sa salamin nang may maisip.
"Oh, you are an idiot." Laglag ang ulong inis at galit sa sarili.
Nandun na siya, kasama na niya ito ng buong gabi, binantayan pa niya ito. Nandun na at makakapiling na niya ang dalaga pero anong ginawa niya? Bakit ba siya umalis matapos itong lutuan?
"Why, Alden. Why did you leave?" Bubulong-bulong niyang tanong sa sarili. "You're a fǚcktard. That's why." Bwisit na bwisit sa sariling pumasok sa stand-up shower at walang kaabog-abog na tinanggal at binato ang tuwalya sa sahig.
Hinayaan niya ang masaganang lagaslas ng malamig na tubig mula sa dutsa sa hubad na katawan. Napaiyak siya sa inis sa sarili. Sabik na siya sa dalaga pero wala siyang ginawa. Nablangko ang kanyang isip.
"Kuya Tisoy, nandiyan si Kuya Jimmy sa baba!" Sigaw ng bunso nila. Narinig niya ito ngunit hindi niya sinagot. Busy sa pagkabuwisit sa sarili.
Tatawagan na lang si Jimmy mamaya. Hindi sila pwedeng mag-usap dito sa bahay na kasama ang mga kapatid niya, lalong-lalong hindi pwede ngayon, wala sa tamang wisyo ang utak niya dahil na rin sa wala rin sa tamang wisyo ang puso niya.
Itinuloy ang pagligo at tahimik na nagbihis. Matapos siya ay pagod at antok na nahiga na. Wala pang ilang sandali ay nakatulog na siya.
Gabi na nang magising si Alden. Hindi muna siya nagdilat ng mga mata, ayaw niya. Humugot siya ng malalim na paghinga para lang mapabalikwas. Inilibot ang mga mata sa paligid.
"This is not my room." Isip niya. Dahil kagigising lang, hindi mairehistro sa isip kung nasaan siya, basta ang alam niya pamilyar ang amoy ng paligid.
Dagat. Yun ang unang pumasok sa isip niya. Napailing siya. Naisip niya na baka napagtripan na naman siya ng mga kapatid na babae. Maaaring nagsindi na naman ng kandila ang mga ito na beach scented katulad ng dati. Nasanay na rin naman siya dahil kahit papaano ay nare-relax siya ginagawa ng mga kapatid.
Muli niyang ipinikit ang mga mata. Babalik siya ng tulog tutal tapos na ang pinagagawa niya kay Jimmy, yun naman nag dahilan ng pagpunta nun sa bahay nila kanina. Tamad na ibinangon ang sarili na nakapikit pa rin.
Tuloy-tuloy lang ang lakad niya sa direksyon ng banyo hanggang sa mabangga siya sa hamba ng pintuan. Kapos ang lakad niya pakanan, kaya ayun, sapul ang noo niya.
"Damn, Alden. Aren't you stupid?!" Pabulong niyang singhal sa sarili. Parang lasing kung maglakad na hinihimas ang noong nauntog.
Napatigil siya paglalakad nang mapansing hindi niya kwarto ang kinaroroonan at hindi papunta banyo ang pinasukan niyang pinto kundi sala... isang maliit na sala at pamilya ito sa kanya.
Kinabog ng kaba ang kanyang dibdib.Nagtataka man kung paanong napunta siya dito ay may galak at kilig na nararamdaman sa kanyang puso. Nagpalinga-lingasiya loob ng bahay ngunit walang maitang tao kaya lumabas siya.
Sinalubong siya ng malamyos na hangin na nagmumula sa dalampasigan sa di kalayuan. Napangiti siya nang maalala niya nung una siyang napunta dito.
Paano nga ba siya napunta sa islang ito noon?
"Oh yeah, I was kidnapped then. It was supposed to be my wedding with Valeen. I wondered, ano ba ang gusto ng babaeng yun?" Bulong niya sa hangin at natawa.
Nandito siya uli sa isla, kung paanong nakabalik siyadito na ang huli niyang natatandaan ay nasa kwarto niya siya at natutulog. Tinanaw na lang niya ang dalampasigan at malayang inalala ang nakaraan sa islang ito.
"Yeah, all I could do back then was to smile wryly, thinking; Desperada na nga siguro ang mga babae ngayon, just to be with me? Just to get what they want from me? Tss!" Not knowing na mai-in love pala siya sa babaeng yun. Mai-in love pala siya kay Maine.
"Her sweet voice as she sang while driving was what got me. There's no fear in her voice, di man lang nininerbiyos. Tuloy lang siya sa pagkanta habang nagda-drive." Napangiti siya ng mapait nang maalala niya ang pinagsasabi niya noon kay Maine habang nakatali siya sa back seat ng kotse.
"What do you want para palayain mo ako? Money? Name your price." Arogante siya, alam niya yun at alam din niyang mali ang mga pinagsasabi niya noon sa dalaga.
"Ow, you're awake?! Sorry Mr. Richards but I don't need your money. Marami ako nyan sa bahay ko, may sarili akong stockroom." Ang ikinatuwa niya dito ay pagiging palaban nito at ang pagiging makulit at witty sa mga sagot nito. Muntik siyang maubusan ng ammo.
Napansin niya kaagad ang maamo nitong mukha kahit nagsusuplada ito sa kanya. Bakit naman ito hindi magsusuplada, eh gago rin naman siya noon, mapait na lang siyang napangiti.
"Then what?! My flesh ganun?! Anak? Yun ang gusto mo?! Ba't mo pa ako itinali! Hinubaran mo na lang sana ako, hindi ginapos!" Natawa siya at nailing nang maalala niya ang mga sagot niya kay Maine noon. Para lang siyang gago, parang hindi edukado.
"Huy mister! Di porke ikaw na ang pinaka pinagnanasaan ng mga kababaihan at kabaklaan dito sa Pinas, e may karapatan ka ng magyabang sa akin. Tandaan mo, hindi lahat pinagpapantasyahan ka noh?! Tsaka itinali kita kasi for the benefit of the doubt. Sa liit kung 'to sa tingin mo may laban ako pag dinambahan mo ako? And like I said, I'm not interested with your money, or your flesh!! Yak ah?! Hindi kita type!! I'm doing this as a favor for a friend, yun lang yun. Ang kapal!" Mas lalo siyang natawa kahit isa lang siyang nakaharap sa dagat nang maalala ang mga isinagot nito sa noon dito.
Paanong hindi tatatak sa isip niya ang dalaga at kalaunan nga ay sa puso na niya, eh masyadong matalino kung sumagot. Nakukuha pa nito ang magbiro kahit alam at ramdam niya ang kaba sa boses nito.
"Ouch!" Napasapo siya kanyang puso na para bang nandiyan si Maine sa harap niya. Mas lalo niya tuloy na-miss ito.
Naalala niyarin ang pagsigaw niya noon sa dagala at sa pagtawag dito ng tanga.
"Ano? Favor lang?! Gumawa ka ng krimen for a favor! Tanga ka ba?!"Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nakakilala siya ng taong totoong magmahal sa kaibigan.
"Aray ah! Kengena! Yung words mo paki ayos! Hindi ako tanga noh?! Mahal ko lang yung bestfriend ko na fiancée mo. Tsaka di ka naman mahal nun, may boyfriend na yun! Teka, matanong nga kita, mahal mo ba ang bestfriend ko kaya pakakasalan mo siya hah?!" Maliwanag na umalingawngaw sa isipan niya ang sagot nito. Narinig din niya ang sakit sa tinig nito dahil sa sinabi niya, napailing-iling siya.
Yun yung mga panahong gago pa siya. Yun yung mga panahong wala siyang pakialam sa iba kundi ang negosyo lang nila.
"Yeah. She has that beautiful pair of eyes." Naisip niya kaya siguro hindi siya nagpilit na makawala dito.
"I didn't know then that by just looking at your eyes, you already took my worries and hang ups away... including my heart." Naalala niya ang mga nangungusap na mga mata ni Maine, nakakahalina.
"Good thing I stayed. Good thing I didn't leave when you asked me to." Napabuntong-hininga siya.
Kahit sa mga palitan nila ng maanghang na salita at singhalan at sigawan, hindi maalis sa isip niya ang nakakahalinang mga mata ng dalaga. Idagdag pa ang mga labi nitong napakaganda ng hugis, buo at mapupulang natural.
Naisip pa niya noon ang pang-iinis at pang-aakit niya dito."Owws? I read you miss. You're distracted. You give me an idea how to escape from you! Hahaha! Gotcha! All I need is my Alden's combined formula of seduction & distractions: Formula 1: Sweet smile + dimples on + wink. Malakas siyang napahalakhak ng malakas kahit mag-isa lang siya. Kung meron sigurong makakakita at makakarinig sa kanya, iisipin ng mga ito na baliw na siya.
Umupo siyang natatawa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumalya ang kanyang Formula 1, hindi ito gumana sa dalaga. Yun na rin ang huling pagkakataong nagamit niya ng formula na yun.
Isang malalim na pagbuntong-hininga uli ang kanyang binitawan bago itinuon ang mata sa kaligiran, para bang pasan niya ang daigdig sa bigat at lalim ng mga paghinga niya.
Ang lalim na naman ng iniisip niya. Nagbabalik-tanaw kusa ang kanyang isip sa nakaraan nila ni Maine dito sa isla.
Sa islang ito nakilala niya ang sarili, yung totoong sarili niya. Nakakapanibago dahil sa islang ito niya nakuha ang kalayaang hindi niya alam na wala siya dahil sa nakatutok lang siya sa negosyo simula nang mamatay ang Mommy niya. Dito rin sa islang ito ung tumibok ang puso niya at umusbong ang pagmamahal sa dalaga.
Huli na para makaiwas siya pagkahulog sa dalaga. Huli na para masalo ang sarili sa lalim at lakas ng pagkakalaglag niya para dito. Punong-puno ng hanging-dagat ang baga niya ngayon dahil sa kakabuntung-hininga. Para siyang nawalan ng minamahal na naghihinagpis.
"Sinusubok mo talaga pasensya ko, Miss?" Napapangiti siya kapag naaalala niya ang mga encounter nila ni Maine noon.
Tanda pa niya na palagi niya itong inaakit pero ang hindi alam ng dalaga, siya itong naakit dito. Hindi mahirap mahulog sa dalaga dahil siya ang tunay na ebidensiya na madali lang itong mahalin.
Maraming nakakaakit na panlabas na katangian si Maine, hindi lang alam ng dalaga kung gaano ito kaakit-akit. Hindi nito alam kung gaano siya kaganda at kung gaano ito kapansin-pansin. Siguro kung nagkakilala lang sila ng dalaga sa ibang paraan at pagkakataon ay ganun pa rin ang mapapansin niya dito.
"You just don't realize how gorgeous and alluring you are, my love." Sambit niya sa hangin.
Tumayo siya para bumalik sa bungalow. Nakaramdam siya ng gutom. Kakain siya at isasabay na rin niya ang pagtawag kay Valeen. Maaaring ito ang may gawa nito sa kanya kaya siya nandito sa isla.
Tatanungin niya ito kung ano ang trip nito at bakit dito siya dinala nito sa isla and worse, iniwan siya dito. Sana nga lang ay nandito rin ang cellphone niya.
Pagpasok niya sa bahay sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng pabango. Kilala niya yun, English pear and freesia. Napangiti siya.
"How could she be here kung alam ko naman wala siya." Iiling-iling niyang sabi pumasok sa bahay diretso sa banyo. Masyadong malayong mangyari na nandito si Maine. Iniwan niya yun kanina na tulog pa at imposibleng nandito yun at ito ang nagdala sa kanya dito.
Isang laglag-balikat at malalim na pagbuntong-hininga ang ginawa ni Alden. Pagod na pagod na ang isip at diwa niya pero ayaw pa ring magpahinga ng katawan niya, lalong-lalo na ang puso niya.
Maliligo siya para maginhawaan ang utak niya, pagkatapos ay babalik siya ng mainland. Kokomprontahin niya si Valeen sa ginawa nitong pagdala sa kanya dito. Magtutuos silang magkaibigan. Sobra na ito.
Alam man ni Valeen o hindi na hindi siya babalik sa islang ito nang hindi kasama si Maine, kung tunay itong kaibigan nilang dalawa, dapat ay ikinunsidera nito ang bagay na yun.
"She could have assumed that." Madiin niyang sabi bago pa isinara ang pinto ng banyo.
SA KUSINA, busy sa pagluluto ang isang bulto, ngingiti-ngiti ito ngunit hindi nagsalita. Matamang minamatyagan ang mga pinaggagagawa ni Alden kanina pa. Natatawa man ay pinilit na supilin ang halakhak na gustong lumabas kahit na gustong-gusto na niyang gawin. Masaya ang puso niya ngayon.
"You are such a fool." Tahimik siyang napabungisngis. "You are also blind and oblivious of your surroundings." Natuloy na sa malakas na paghagikhik ang kaninang bungisngis lang.
"Oh, Maine, you are stupid and a nutcase all together." Umalis siya ng kusina at pumasok sa kwartong pinanggalingan ni Alden.
Maya-maya lang ay lumabas na siya na naka-hoodie na itim. May bakas ng kalokohan ang mga ngiting isinaklob ang hood ng oversized jacket sa sariling ulong tinungong muli ang kusina.
Naging busy siya paghahanda ng lamesa kasama na ang pagtatapos ng iba pa niyang inihanda para sa kanila ni Alden. Hindi na niya alam kung anong oras na dahil madaling araw pa lang ay gising na siya, nag-aabang kasama ni Jimmy.
Natakot pa siya nung una niyang makitang nakatitig ito sa kanya habang nakatanghod siya bahay nila Alden mula pa kahapon ng tanghali, nag-iisip kung paano niyang makukuha si Alden sa bahay nito nang hindi siya nakikita muna ng binata.
Lumapit si Jimmy sa kanya, aalis na sana siya nang sumigaw ito. "Tigil! Kung gusto mo siyang makasama, makikinig ka sa akin, makikipagtulungan ka sa akin."
Hindi siya nagdalawang-isip, lumabas siya ng kanyang kotse para harapin ang isang six-foot-two na lalaki. Natatandaan niya si Jimmy dahil minsan na niya itong naka-engkwengtro. Minsan na niya itong nakaharap. Minsan na rin niya itong pinatulog gamit ang lahat ng lakas niya para makatulog ito gamit ang panyo na basa ng chloroform.
"Maine, alam kong nag-iisip ka ng paraan kung paanong siyang makakasama." Saad nito na sa maliit na umbok ng tiyan niya nakatingin. Naalala niyang kinabahan siya at ang tangi niya lang nagawa ay maingat itong haplusin.
"Wag kang mag-alala, si Alden ang amo ko, siya ang susundin ko. Kung ano man ang nasa isip mo, yung din ang utos niya sa akin." Makahulugan nitong sabi. Pinakatitigan niya ang lalaki, hinahanap ang katotohanan sa sinasabi nito.
"Paano kong masisiguro na hindi mo ako niloloko?" Tanong niya dito. Alam naman niyang katangahan ang kanyang ginawa pero gusto niyang marinig ang sensiridad sa boses nito.
"Ano ang mapapala ko kung lolokohin kita? Ikatutuwa ba yun ng alaga ko? Ikitutuwa din ba yan ng magiging asawa niya? Ng magiging anak niya?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Gusto ko lang masiguro." Titig sa mata at direkta niyang sagot.
Hindi siya papayag na maulit ang nakaraan. Hindi na siya papayag na pangalawang pagkakataon ay walang makakaalam kung sakaling may mangyari sa kanya ngayon, Bigla, naalala niya ang ama. Umalis siyang hindi man lang nito alam kung nasaan siya.
"Kung inaalala mong walang makakaalam kung nasaan ka at kung anong mangyayari sa iyo ngayon, sinisiguro ko sa iyong alam nila. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mong gawin, kung ano ang plano mo." Nagulat siya sa asinabi nito. Napaatras siya ng itinaas nito ang sariling cellphone paharap sa kanya. Mas lalo siyang nagulat nang makita ang ama at ina sa screen ng kaharap.
"Paanong..."
"Sir, I'll take care of them." Saad ni Jimmy sa mga ito sa cellphone.
"Jimmy, make sure she gets to where she wants to go and where she wants to take Alden. Be sure they are both safe, including our grandchild." Yumukod lang si Jimmy at pinatay na video call. Hindi siya nakapagsalita kaagad.
"Kung natatandaan mo noon, pinatulog mo ako gamit ng chloroform, you can do that again." Saad nito. Napalunok siya at alanganing ngumiti. "Pero hindi na sa akin." Napatawa siya nang maalala ang usapan nila kanina ni Jimmy.
Hindi naman na umabot sa puntong yun dahil napag-alaman nilang dalawa na nilagyan pala ni Rizza ng pampatulog ang tubig na ibinigay nito sa kapatid. kung kelan nito ginawa yun, hindi na niya nalaman pa.
Parang papel lang si Alden nang binuhat ni Jimmy pasakay ng kotse kanian at sumunod na lang si Jimmy sa kanila sa hanggang sa marina. Matapos siyang tulungan nito hanggang isla ay umalis na rin ito sakay ng nag-iisang speed boat.
Tahimik nang hinarap ni Maine ang paghahanda ng hapunan nila ni Alden ng mga tumikhim sa likod niya. Palibhasa nakatakip ang oversized hoodie niya ay hindi niya makita ng simpleng lingon lang ang tumikhim sa likuran niya.
"Who are you?!" Seryoso at galit nitong tanong sa kanya. Napangiti siya ng lihim. Hay, Alden. Kahit kelan talaga ang cute mo. Takbo ng isip niya.
"Meehh??" Sagot niya sa pinataas na boses, sinadya niya yun para di siya makilala nito. Maingat niyang inalis ang hoodie at dahan-dahang umikot paharap kay Alden. Malapad at puno ng kalokohan niya itong sinagot.
"I am your beautiful groom-napper." Ubod kulit at saya niyang sagot sabay kindat sa gulat na lalaki.
------------------
End of MBG 33: Beautiful Groom-napper
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
04.22.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro