MBG 31: Bakit Nga Ba?
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper
"Bakit Nga Ba?"
♡♥♡♥♡♥♡
MALAMIG at napakatahimik ng gabi. Nag-iisa lang siya sa bahay na tinutuluyan niya ngayon. Natatakot man ay dapat siyang maging matapang at maging matatag dahil wala siyang ibang masasandalan sa ngayon. Wala si Alden, wala si Valeen at wala din ang Tatay niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na buhay ang Daddy niya. Wala pa man silang balita kung nasaan ang Mommy niya o kung ano ang nangyari dito. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago malumanay na bumuga.
Natutuwa siya at nakabalik na ang Daddy niya sa kanila at ito nga ay si SPO4 Abueva. Noon pa man ay nagtataka na siya kung bakit napakagaan ng pakiramdam niya sa pulis, yun pala ay ang Daddy niya ito, gayunpaman, ay nag-aalangan pa rin siya. Di siya sanay.
Ikalawang araw nang kanilang pagkikita at unang gabi na makakasama ang ama sa iisang bahay, naaasiwa siya. Ayun dito, napag-alaman niya ang kwento sa likod ng pagkakaaksidente ng mga magulang, ang pagiging iba ng mukha nito at kung paano itong namuhay sa ilang taong malayo sa kanya.
Nung gabing yun, nasiguro niyang ang Daddy nga niya ang nasa kanilang harap kahit iba na ang mukha nito. Maging si Atty. Ryan at Judy ay nag-aalangan din nung umpisa pero naging kampante na rin ang mga ito katulad niya katagalan.
Ikinuwento ng Daddy niya nang malamang mapapahamak silang mag-asawa sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas ay huli na, nasa eroplano na sila papuntang Kuala Lumpur galing ng China. Hindi na nito naiwasan ang dumaan doon dahil isang business deal bago nga ang pumunta ng Pilipinas.
Nasa himpapawid na ang eroplano nang umuga ito. Ang unang akala nila ay turbulence lang yun ngunit napag-alaman ni Ted Mendoza mula sa piloto nito na wala namang maaaring maging dahilan na magkaroon ng ganun dahil maaliwalas ang himpapawid, walang malakas na hangin, wala ring bagyong paparating. Huli na nga ng mapagtanto nito at ng piloto ang totoong nagaganap.
Malapit na sana ang eroplano sa coastal area ng Batangas nang magdeklara ng emergency landing ang piloto. Pumayag naman daw ang ama kaagad, mas mabuti na yung ligtas para sa kanilang lima kasama ang assistant pilot at isang flight attendance. Hindi pa man nakakagawa ng kahit na ano pang hakbang ang piloto ay mabilis na bumulusok ang eroplano.
Habang nakikinig siya sa ama ay panay ang tulo ng kanyang luha. Ramdam niya ang takot na nararamdaman ng mga ito nang panahon na yun ngunit wala naman siyang magawa kundi makinig na lamang.
Ang huli daw na narinig ng ama mula sa kanilang piloto ay ang pangalan ng isla na hindi na naintindihan ng ama dahil naramdaman na lang daw nito ang pagbagsak ng eroplano sa tubig, pagkabasag ng salamin na malapit sa kanila ng Mommy niya at ang biglang pagpasok ng tubig sa loob eroplano dahil sa air pressure.
Nalaman niyang unang nawalan ng malay ang kanyang Mommy at nabitawan ito ng ama at sumunod noon ay nagdilim na rin ang paningin ng ama. Nagising daw ito sa isang ospital na napapalibutan ng mga estranghero, literal na estranghero, dahil maging ang sarili ay hindi na kilala, ilang araw matapos ang hindi maalalang pangyayari.
Naisip ni Maine, kung sakali bang nagpumilit siyang sumama noon sa mga magulang ay mawawala din ba siya? Maaalala ba niya kung sino siya katulad ng Daddy niya? Nagkikita-kita ba sila ngayon kung o tuluyan na lang na mawawala sa paningin at piling ng bawat isa?
Naisip niya si Alden. Makilala niya ba ang binata kung sakali ngang nakasama siya sa mga magulang noon? Mapait siyang ngumiti. Noon pa man pala ay parang itinadhana nang hindi sila magsama ni Alden.
Ganito na lang ba sila? Hindi ba talaga sila pwedeng magkakasama kahit sandali lang? Yun bang medyo matagal naman ng kaunti di katulad nung huli silang magkita at magkasama, di katulad nung nasa Bae Cove sila.
Naiinis siya dahil bakit parang ang hirap ng kaligayahan sa kanya. Bakit napakailap para sa kanya ang maging masaya? Mailap din ang maging kompleto. Palagi na lang bang may kulang sa buhay niya? Palagi na lamang ba siyang nag-iisa?
Ngayon buntis siya kasama niya ang anak. Pagkatapos ba niyang manganak ay makakasama din ba niya ang anak nang sandali lang? O mawawala din ito sa kanya, katulad ng mga magulang niya at ni Alden? Napapikit siya ng madiin at bumuga ng malungkot at kawlang pag-asa ng hininga.
Sa lahat ng tumakbo sa isip niya, lahat ng ikanatakot niya nang mga nakaraan taon, itong huli ang pinaka kinatatakutan niya. Yung mawala si Alden, lalong-lalo na ang anak nila. Hindi niya siguro yun kakayanin na.
"I will never be happy, am I?" Tanong niyang nakatingala sa langit. Hindi namamalayan ang masagang patak ng kanyang mga luha.
"I THINK I know where she's at." Sabi nito. Isa muling maikling katahimikan bago pa sila sabay na nagsalita.
"Silang, Cavite." Siya.
"Silang, Cavite." Si Valeen. "Paano mong nalaman." Nagtatakang tanong ng kaibigan.
"I had someone traced her." Simple niyang sagot.
"Ric?" Hindi na magtataka pa si Valeen kung sino ang pwedeng mag-track kay Maine. "Is she still there?" Dugtong nito. Alam na ni Alden ang iniisip nito.
Matagal na niyang kakilala at kaibigan si Valeen, hindi na nila maipagkakaila sa isa't isa ang itinatakbo ng kani-kanyang mga utak at sigurado siyang ganun din si Maine at Valeen.
"If you know your bestfriend to well, does she stay in one place when she's stressed or when she's planning something?" Direkta niyang tanong kay Valeen, tumikhim ito.
"Yes and no, and that's why I called." Biglang pumitik ang puso ni Alden, hindi kabang dala ng takot kundi kabang dala ng bahagyang pagkabigla at pagka-excite.
"Go on." Flat niyang sagot. O mas magandang sabihin na sa pagpupumilit na pagpapakalma sa sarili, parang walang buhay na ang dating boses niya. Natawa si Valeen sa kabilang linya.
"Kung nasa Silang siya, she's at Nana's old house, her grandma, Tita Ana's Mom. Hindi nga lang sigurado si Tito Ted kung nandun nga siya dahil hindi niya makontak ang caretaker ng ancestral house." Alanganing turan ni Valeen. Isang malalim na paghinga ang binunot nito na dinig na dinig niya. Narinig pa niya ang pagtawa ni Valeen. "Knowing her? One thing's for sure, she's out somewhere by herself, planning something." Dugtong pa nito. Napangiti si Alden sa pahayag ng kaibigan. Ramdam niya ang pagdadalawang-isip sa tinig ng kaibigan ngunit natawa din ito.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Inis niyang singhal sa kaibigan.
"Bakit? Ikaw din naman tumatawa eh!" Pagmamaktol nitong tura sa kabilang linya. Napailing siya.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat nang ito! Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko ito dadanasin!" Panunumbat niya dito. Inis siya sa kaibigang careless. Hindi ito nag-iisip kasi. Kung kinausap lang siya nito ay maaari pang magawan nila ng paraan na wag makasal nang walang nadadamay at maaaring nagkakilala sila ni Maine ng maayos at hindi ganito.
"Alam ko yang inisip mo, Alden. Ang masasabi ko diyan ay malabo pa sa tubig ng pasig River na magkakilala kayo ni Maine." Natatawa nitong turan. Mapait siyang napangiti. This is Valeen, there's no changing her.
"Paano ka naman nakakasiguro? Kaibigan mo siya, eventually we will meet." Kampante siya sa kanyang analisayon.
"Timang! Hindi pa rin. She's based in New York. Umuwi lang yun dito para gawin ang pag-kidnap sa iyo at kung hindi kayo nagkagustuhang dalawa, matapos lang ang dalawang linggo ay iiwan ka lang niya sa isla at babalik na siya ng New York. With that time frame nakuha na namin ni Jeh ang marriage contract namin at wala nang magagawa pa si Dad at Tito Alfred. And you, back to normal." Napansin niya na kampanteng-kampante ito sa paghahayag ng mga plano nila ni Maine.
" Eh di ikaw nga ang may sala kung bakit namin pinagdadaanan ito ni Maine. Dapat pala ay ikaw naman ang gagawa ng paraan para makita ko ang asawa ko! Val, manganga nak na lang si Maine, mag-isa pa rin siya, have a little heart!" Napataas ang boses niya. Frustrated na frustrated na ang isip at puso niya sa mga pangyayari. Napaapak naman si Ric sa brake at muntikan pa sila masubsob na dalawa sa dashboard.
"Gago! Brake pedal yan hindi gasolinador!" Singhal niya dito.
"Dahan-dahan kasi sa pagtawag ng asawa sa taong hindi mo pa napapakasalan!" Ganting singhal nito sa kanya. "Atat lang eh." Dugtong pa nito na normal nang nagmaneho.
"Tama na yang pagpapatayan n'yo ni Ric, pumunta kayo dito sa address na ipapadala ko sa iyo, I have something for you." Matapos niyang sumang-ayon sa sinabi ni Valeen ay nagpatay na siya ng tawag.
"Step on it, Ric." Utos niya kay Ric matapos ipasa ang ipinadala ni Valeen sa kanya.
"On it, Boss." Sagot naman nitong nakangisi at seryoso nang tumutok sa kalsada.
Tahimik silang dalawa ni Ric ngunit hindi ang isip niya. Malayo ang nilalakbay nito at kung saan-saan na nakakarating. At kung ano-ano nang mga senaryo ang naglaro dito at kasdalasan ay nakahihindik na pangyayari.
Nandiyan na nahihirapan si Maine ngunit walang may tumutulong katulad nung ipinakulong ito ng ama hanggang sa dinugo ito. Nariyan din yung wala itong kasama ngayon at nanganganib ito. Buntis si Maine, nakumpirma niya yun at malayo siya dito para alalayan, ipagtanggol at alagaan ito.
Nabubuwisit siya sa sarili dahil hindimniya maalis sa sarili angm aging negatibo. Naipilig niya ang ulo na para bang inaalis ang kung ano mang pangit na senaryo sa isip.
Isa sa mga nagpapaligalig ng kanyang isipan ay bakit ganun na lang ang galit ni Atty. Ryan sa kanya at pilit silang pinaghihiwalay at ang masama pa ay parang na-doublecross pa siya ng abogado. Tinutoo nito ang lahat ng kanilang napag-usapan na sana ay palabas lang.
Sino ba ang nasa tamang isip? Siya ba o ang abogado? Napahilot siya sa kanyang sentido. Hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari, masyado nang magulo at masyado nang maraming karakter sa kwento ng buhay nila ni Maine.
Naisipan niyang tawagan si Jimmy. Itutuloy niya ang kanyang plano, magkagulo mang muli, wala na siyang pakialam. Total, wala namang pakialam din ang mga taong nakapaligid sa kanila ni Maine, mga panggulo lang ang mga ito kasama na ang ama niya, kaya gagawin niya ang gusto niya makasama lang si Maine at ang magiging anak nila.
Mabilis niyang tinawagan ang lalaki. Isang ring pa lang ay sumagot na ito kaagad.
"Kuya Jimmy, tuloy ang plano." Sabi niya nang sumagot na ito.
"Sigurado ka?" Tanong nito. "Kailangang sigurado ka at buo ang loob mo dahil kapag naumpisahan na natin ito wala nang atrasan." Dugtong pa nito. Nagtagis ang bagang niya.
"What choice do I have, Kuya Jimmy? I need to find her before she gives birth." Malamig at wala ng pag-asa niyang tugon. Napabungtong-hinga na lang si Jimmy sa kabilang linya.
"Well, I guess you don't have any." Sagot nito. Alam niya at naiintindihan din niya ang pinupunto ni Jimmy, concern lamang ito sa kanya.
"If I have any, I won't sort out on this plan. But I can't just sit here and do nothing." Matiim niyang saad. Tumikhim si Jimmy bago nagsalita.
"Kung yan ang gusto mo, gagawin ko." Sabi nito. "Wag mo lang kakalimutan na binalalaan na kita sa maaaring mangyari." Natawa siya sa sinabi nito.
'What else could go wrong that hasn't yet." Makahulugan niyang sambit.
"Sabagay." Sagot nito. "O siya, tatawagan na lang kita." Mabilis silang nagpatay ng tawag at isang mahabang katahimikan na naman ang naghari sa loob ng kotse, si Ric sa pagmamaneho nakatutok, siya naman ay sa labas lang nakatingin, nag-iisip.
Ilang liko, ilang hinto at mabagal na pag-usad, sa wakas ay nakarating din sila sa address na ibinigay ni Valeen. May guard house at may apat na sasakyan sa harapan nila na papasok sa isang eksklusibong subdibisyon.
Malalaki na parang mini mansion ang mga bahay ang nakikita niya sa bungad di kalayuan, parang katulad din ng subdivision nila, exclusive at malalaki din ang mga bahay, ang kaibahan lang ay parang nasa ibang bansa sila.
Sa guard house pa lang ay makikita mo na parang katulad ito ng mga exclusive subdivision sa states, mataas at automatic ang gate, may dalawang guard sa magkabilang sides, coming in at going out, malalaki at nakausli talaga ang mga road bumps.
"ID n'yo, Sir." Dinig niyang sabi ng guard. Inilabas ni Alden ang ID niya at pareho nilang iniabot sa gwardiya.
"Sir, sino po ang pakay n'yo dito?" Tanong nito habang tinititigan ang mga ID nila.
"Valeen Montenegro." Sagot ni Ric.
"Sandali lang po, Sir. Itatawag ko lang po kay Ma'am Valeen." Sabi ng guwardiya. Nakita niyang tumango si Ric.
"Lando, itinawag ni Ma'am Valeen kanina na kung may papasok na Alden Richards ang pangalan ay patuluyin natin. Naghihintay si Ma'am sa kanila." Narinig ni Alden na sabi ng isang lalaki sa loob. Di niya kita ang mukha nito dahil tinted ang bintana, pero dahil bukas ito ay maririnig naman ang usapan.
"Eto ang ID." Sabi ng isa.
"Papasukin mo na." Utos na lalaki.
"Baka magalit si Atorni." Sagot naman nito.
"Eh di bahala ka." Sagot nung isa. "Ikaw naman ang mawawalan ng trabaho." Napailing si Alden. Magsasalita pa sana siya pero naunahan siya ni Ric magsalita.
"Valeen, kausapin mo ang mga guards dito. Nagkukwentuhan pa eh." Pikong utos ni Ric. "Kami ang pinapunta mo dito tapos kami pa ang magpapatunay kung sino kami? Baliw ka ba? Anong sinasabi nitong magagalit si Atorni? Sinong atorni? Si Ryan?" Walang preno nitong dugtong. Hindi naririnig ni Alden ang mga isinasagot ni Valeen kay Ric.
Bago pa man mag-iba ang ihip ng utak niya ay may bumusina mula sa likuran nila. Sabay pa silang hirap na lumingon.
"Lando! Ano 'to?" Sabi ng boses na parang pamilyar sa kanya. "Bakit nakatigil pa ito dito?" Dugtong nito. Nilingon ito na Alden dahil naintriga siya at naiinis na rin.
Nagulat pa siya sa kung sino ito... si Jhe. Lumabas siya ng kotse. Napatda ito ng bahagya nang makita siya.
"Lando! Papasukin mo ito." Utos nito sa guwardiya.
"Pero, sir, nagbilin po si Atorni na wala pong papasukin dito kahit na si ma'am Valeen pa ang nag-utos." Pagpipilit nito.
"Paanong mong nasisiguro na kanila Atorni ang punta ng mga ito?" Seryosong tanong ni Jhe, salubong ang kilay at bahagyang nakataas na ang boses. "You don't let them in right now, you will lose your job." Tiim-bagang na banta nito. Nandilat ang mga mata ng guwardiya, kita ang pangamba.
"It's okay, Jeh. I'll just call Valeen." Matiim niyang sabi at kalmado niyang sabi.
"No. I'm a home owner here and you are my guests." Nagdilim ang tingin ni Jhe sa guwardiyaat nakita niya ang pag-iba ng aura nito. "At wala akong pakialam sa utos ni Atty. Agoncillo dahil hindi siya sakop ng pamamahay ko." Mula sa palaging nakangiting aura palipat sa isang parang kakain ng taong aura, hindi na kumibo si Alden.
"Ano kasi, Sir..." Kakamot-kamot sa ulong pagpipilit na rumason pa ng guwardiya. Naliit ang mga mata ni Jhe.
"Fine. Then consider yourself fired. Mga kaibigan ko sila at asawa ko si Valeen and we live here!" Galit na saad ni Jhe. "Oh by the way, don't come back tomorrow." Napaatras ang guwardiya. Maging si Alden ay bahagyang napatda. Pakiramdam niya ay siya ang nawalan ng trabaho.
"Sir..." Magsasalita pa sana ito ngunit sinansala na ito ng kasama.
"Gago!" Singhal ng isang gwardiya. "Sabi ko naman sa iyo na si Ma'am Valeen ang tumawag dito." Lihim na natawa si Alden.
"Pareho kayong gago! Buksan n'yo na yang gate! Pare-pareho tayong mawawalan ng trabaho sa kagaguhan n'yo!" Dahil siya ang nasa harap mismo ng guard house, dinig na dinig niya ang usapan sa loob nito.
"Open the damn gate!" Dumadagundong na sigaw ni Jhe. Nataranta naman ang guwardiyang ayaw patinag kanina. Walang kibong bumalik si Alden sa kotse nang pumasok na rin si Jhe sa kotse nito.
Ilang sandali lang ay bumukas na ang gate. Maingat na pumasok si Ric sa subdivision kasunod si Jhe. Nakita pa ni Alden na nagtuturuan pa ang mga gwardiya ngunit wala na siyang pakialam pa. Pagod na siya, pagod na pagod na. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito.
Kung hindi lang dahil para kay Maine at isisilang nilang anak ay hindi siya magpapakapagod sa mga trivial na mga bagay na si Atty. Ryan ang may pasimula.
Bumusina si Jhe sa likod nila, nagulat siya. Tumigil naman si Ric.
"Pare, sunod na lang kayo sa akin." Sabi nito. Tumango siya at si Ric. Ganun nga ginawa nila. Nauna na si Jhe at nakasundo lamang sila sa kung saaan ito patungo.
Isang liko pakaliwa at mahabang kalsada na may malalaking bakuran at bahay sa magkabilang tabi ng may kalaparang kalsada. Isang pakanan at maiksing pagbaybay bago ito lumiko ng isa pang may kahabaang pakanan. Isa pang pakaliwa na may maiksing kalsada at bumungad na sa kanila ang isang cul de sac na may malaking bakuran sa harap kung saan tumigil si Jhe at malaking bahay sa gitna na parang mansyon.
"Whoaw..." Sambit ni Ric. "Bahay ba yan ng asawa ni Valeen? Parang maliit na palasyo na ito ah." Sa tono ng pananalita ni Ric ay manghang-mangha ito sa nakikita.
"I don't know. Siguro." Sagot niya habang nag-aalis ng seatbelt. "Let's find out." Sabi niya sabay labas ng kotse. Sumunod naman si Ric sa kanya.
"Tara, pasok tayo." Nakangiting turan ni Jhe. Tumango na lang siya. Naisip niya na maaari ngang bahay ito ng lalaki dahil sanay ito dito.
Sumunod lang sila kay Jhe nang walang kibo ngunit nakikiramdam. Tahimik lamang ang lalaking nangunguna sa kanila. Nagpalitan lamang ng tingin si Ric at Alden, trying to figure out what will happen next happening.
"Hello, Alden." Nagulat siya sa taong bumati sa kanya.
"SPO4 Abueva?!" Salitan niyang tiningnan ang mag-asawang malapad ang ngiting nakaharap sa kanya. Naguguluhan siya. Ito rin yung nagpakilalang Mr. Mendoza sa kanya.
"Val, ano ang ibig sabihin nito?" Hinarap niya ang kaibigan. Matalim niya itong tinitigan. Napaatras pa siya ng bigla itong bumungisngis na parang walang dapat na ipaliwanag.
"I know what you're thinking, my friend, and the answer is yes and yes." Sabi nito. Nagtaas ang isang kilay ni Alden. Hindi niya gusto ang larong ito, lalo na kay Valeen galing.
"Is this one of your crazy pranks, Val?" Tanong niya. "Because if it is, it's not funny." Nagtagis ang bagang niyang dugtong. Kumalma naman si Valeen ng kaunti.
"First off, bago kumulo yang dugo mo at lumaki yang butas ng ilong mo, let me formally introduce you to your future father-in-law." Panimula ni Valeen. Humalukipkip siya, matapos ang lahat ng nangyari at nalaman niya, may kapani-paniwala pa ba?
"Go on." Pigil-inis niyang udyok dito.
"Yes, he is the cop that went and saw you while you were locked up. He was SPO4 Abueva and that was the last he used that name to get you out of there and it is the only way he can come in without being questioned since your irrelevant case somehow connected to Maine's alleged kidnapping case." Tahimik lang siyang nakikinig. Bagay at ugaling natutunan niya sa pagnenegosyo. "But then again, he introduced himself as Mr. Mendoza without mentioning his first name, right?" Tumango-tango si Alden. Yun nga ang nangyari nung araw na sekreto siyang inlabas nito.
Yun din ang araw na nagkataong may mga tumakas din. Sumabay naman ang puga na yun sa mga bisitang palabas.
Tinapunan niya ng blangkong tingin ang lalaki. Ito rin ang nakita niya sa TV na ini-interview. Napansin niya na halos kaedaran lang ito ng Daddy niya at ng Daddy ni Valeen.
"Den, meet Mr. Teodoro Mendoza also known as SPO4 Arturo Abeuva, ang mabait at dakilang pulis na tumulong kay Maine which coincidentally Daddy rin pala niya." Nakangiting pagpapakilala ni Valeen sa am ng kaibigan.
"Hello, hijo." Naglahad ito ng kamay sa kanya. Nagugulahan man ay pinilit na kinalma ang sarili, nakipagkamay din siya.
"Nice seeing you again, sir." Kalmang bati n Alden sa ama ng minamahal. Mahigpit nitong sinalubong ang kanyang kamay at mainit na nakipagkamay din. Malapad din itong ngumiti sa kanya.
"Drop the sir, just call me Dad." Parang biglang nabulunan si Alden sa inusal ng lalaki, hindi siya kaagad nakapagsalita.
"Nahiya ka pa, dun din kayo papunta ni Maine." Bumungisngis ito na parang walang pinagdadaanan sa pamilya.
Ito ang isa sa mga bagay na minahal niya sa kaibigan, magaan itong kasama, lalong-lalo na sa isang may excess baggage na katulad niya. Hindi nga lang niya kaya itong mahalin na katulad ng pagmamahal na naramdaman niya kay Maine, which worked out in a way they wanted.
"Anong ginagawa niyan dito?!" Galit na tanong ng bagong dating na si Atty. Ryan.
Umahon ang galit ni Alden sa kanyang puso nang makita ang abogado, napangiti siya. May ediyang pumasok sa isip niya.
"What am I doing here? Make a lucky guess." Mas lumapad ang ngiti niya. Nagsalubong ang dati nang magkasalubong na kilay ng abogado. Pakiramdam niya ay bubuga ito ng apoy.
"Ryan, tama na. Dahil diyan sa mga panghihimasok mo, nawawala si Maine." Simple ngunit may himig-galit sa boses nito. Naipinid ni Ryan ang bibig. Kinakabahan man sa huling sinabi ng ama ng kasintahan ay napangiti si Alden.
"Attorney, may tanong lang ako." Panimula niya na nakangiti pa rin sa abogado pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang daluhungin ang lalaki at bugbugin.
"Maupo muna tayong lahat." Utos ni Ted Mendoza. Sumunod naman silang lahat maliban kay Atty. Ryan. "Valeen, ikuha mo ng mami-merienda ang asawa at kaibigan mo." Muling utos ni Ted. Tumango si Valeen at tumalikod.
"Hindi ka na dapat pa nagpunta dito. Wala ka naman nang naabutan." Nagtagis ang bagang nito. Patabinging napangisi si Alden. Pikon talo. Takbo ng isip niya.
"Yan din ang ipinagtataka ko eh." Panimula niya bago umayos ng upo. "I was wondering why you hated me so much when you know for a fact that I didn't do anything bad to you or Maine. I came to you and presented myself formally so you would accept me for Maine. I told you everything I know, I even incriminated my own father, followed all your advice to the tee and agreed to all your conditions, still, you manage to turn the table against me. Why?!" Titig na titig siya sa galit na galit na mukha ni Att. Ryan, wala siyang pakialam sa galit nito dahil mas galit siya dito. Hindi ito kaagad sumagot.
"Oo nga, Tito Rye." Sabat ni Valeen na nasa likod lang ng abogado, dala ang tray n merienda. "I was wondering the same thing, too. Kahit na alam mong kailangan ni Maine si Alden ay pilit mo silang pinaghihiwalay. Bakit nga ba?" Parang napipilan ang batang abogado, hindi kaagad ito nakasagot.
Bakit nga ba?
------------------
End of MBG 31: Bakit Nga Ba?
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
04.09.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro