Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MBG 30: Where She's At?






♡♥♡♥♡♥♡

My Beautiful Groom-napper 30

Where She's At

♡♥♡♥♡♥♡








MABILIS na sumakay si Valeen ng kanyang kotse. Pagkapaandar na pagkapaandar niya nito ay mabilis na tinawagan ang abogado ng ama. Nagkataon ngang kausap nito ang amang nakakulong.

"Tito Flynn, I need to talk to Dad. Now." Sabi niya, galit. Tumikhim ang abogado ng ama.

Kilala siya nito, dahil nga nag-iisang anak ay halatang spoiled siya, nakukuha niya ang gusto sa kahit na anong paraan. Only if I need to, and I need to be right now. Takbo ng isip niya.

"Panyero, gusto kang makausap ng unica hija mo." Dinig ni Valeen ang pigil na tawa ng abogado ng pamilya nila. Sandaling katahimikan muna bago pa siya makarinig ng isa pang pagtikhim, ang Daddy niya. Napapailing na napatirik ng mga mata ni Valeen. Minsan kasi maarte ring kausap ang tatay niya.

"Valeen." Parang nilamutak ang puso ni Valeen ng marinig ang halos paos na boses ng ama. Halatang pagod ito. Ayaw man niyang guluhin o istorbohin ito ay hindi pwede. Kailangan niya talaga itong makausap. Alang-alang kay Maine, kailangan niya itong makausap.

"I need to know everything about that kasunduan thing, Dad, from the beginning to the end. Walang kulang, walang dagdag, walang laktaw." Mando ni Valeen. Sa ngalan ng pagkakaibigan, gagawin niya ang lahat, malaman lang ang katotohanan.

Aalalamin niya ang lahat mula sa ama. Kung tama ang iniisip nila na si Ted Mendoza ang isa sa tatlo at maaaring si Maine ang tamang sagot sa matandang kasunduang yun. Kung ganun nga, mas magkakaroon ng malaking chance na magkatuluyan ang dalawa niyang kaibigan.

Hindi niya hahayaang hindi siya kakausapin ng ama o hindi ito magkwento sa kanya. Matanda na siya, kailangan niyang malaman ang dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang noon at kung ito ay may kaugnayan sa ngayon, ipipilit niya ang kanyang gusto. Wala na ang kanyang Mommy, hindi ito nakapagkwento sa kanya at hindi rin nito sinabi sa kanya ang dahilan ng ikinagalit ng ina. Hindi rin nito binanggit sa kanya ang pinagkagalit ng mga ito.

"Valeen, you need to understand, kahit na ano pa ang itakbo ng mga pangyayari sa nakaraan, your Mom and I never regretted having you." Lumambot naman ang puso ni Valeen sa narinig. Nag-umpisa na itong magkwento.

Ama niya ito at kung maaari lang ay iabswelto niya ito, pero galit din siya sa mga nalaman mula dito. Gayunpaman, katulad nga ng kasabihan, ang magulang ay magulang, masama man ito o hindi ay magulang pa rin.

"Then start now. No lying anymore, Dad." Pinilit niyang magtigas-tigasan ng kanyang boses.

"I won't, I promise." Mabilis na sagot ni Gene. "But I'd rather speak to you in person." Dugtong nito. Napabuga ng maragsang hininga si Valeen. Just like I thought.

"Fine, I'll be there." Mabilis niyang sagot at nagbaba na siya ng tawag.

Pinaandar niya ang sasakyan nang may ingat, iisang direksyon ang nasa isip niya ngayon, ang presinto.

Ilang sandali pa ay nasa presinto na siya ng Makati. Ang alam niya ay nasa holding cell pa rin ang ama dahil sa naisampang kaso ni Atty. Riviera sa pagkakabaril sa Tatay ni Alden. Hindi na ito nagpiyansa kahit kaya namang piyansahan ang mga kasong ito pero mas pinili ng Tatay niya harapin ito at ang iba pang darating na kaso kung meron man.

Kasama sa mga kasong naisampa sa ama ay ang tax evasion. Napapiling na lang siya kapag naiisip kung paanong nakakatulog sa gabi ang ama sa mga kalokohang nagawa. Kailangan lang nitong patunayan na ang accountant at bookkeeper nito ang may sala at hindi ito.

May kalokohan man ang ama, kasama na doon ang pagiging ganid at ang maaaring pagkasangkot nito sa aksidente ng mga Mendoza, tama ito, minahal siya ng ama. Ibinigay nito ang lahat ng gusto niya maliban na lang sa pagpili ng mapapangasawa dahil nga sa lumang kasunduan na ito.

Mabilis siyang bumaba ng kotse pagka-park na pagka-park niya. Hindi naman siya nahirapang makapasok sa holding block visiting area. Nasa rehas na pinto pa lang ay kita na niya ang ama at ang abogadong nila, si Atty. Flynn Halloway.

"Talk." Salubong niya sa amang naghihintay niyang akapin katulad ng dati. Umupo siya sa harap ng mga ito na wala nang iba pang sinabi. Walang nagawa kundi umupo uli, kasunod si Atty. Halloway.

Matiim niyang tinitigan ang ama. Nababagalan siya sa pangyayari dahil parang nag-iisip pa ito. Mabuti na lang at natutunan niya ang maging mapagpasensiya, salamat sa kanyang asawa.

"I was in love with Ana but she loves Ted, I was mad, I wanted revenge. For what? I don't know. The anger grew and lived in me for years after that." Panimula ng Daddy niya. Na-shock man siya hindi siya nagpahalata, gusto niyang malaman lahat.

"Your Grandpa Franco is a partner with your Lolo Dada in another business. He wants to form a merger with Dad if I marry your Mom. That's when I said yes. Iniisip ko kasi na kahit hindi ko na alam kung nasaan sila Ana at Ted, maaaring nagkaanak na sila. If that was the case then I'm sure to get everything that was said in that Memori treaty dahil ikaw ang magiging bunso sa tatlong apo." Tahimik lamang na nakikinig si Valeen.

"Malaki ang ipinagbago ni Ted from the last time I saw him kaya hindi ko siya nakilala kaagad. I didn't even recognize Ana then. And when I did, it was too late for me to step back. I was in deep with my anger, jealousy and greed." Pumatak ang ilang luha mula sa mata nito. Naawa si Valeen.

Nalaman din niya na sa loob ng limang taong pagsasama ng Daddy at Mommy niya, mula ng ikasal ang mga ito ay ang Mommy pala ni Maine ang palaging pinag-aawayan ng mga ito hanggang sa nakipaghiwalay nang tuluyan ang Mommy niya sa Daddy niya.

Naikwento din ni Gene na simula nang manirahan siya New York, napagkasunduan nila na sa Flushing, NY siya maninirahan kasama ng mga magulang ng Mommy niya dahil kailangan nitong magpa-therapy.

"Therapy? For what?" Tanong niya. Hindi kasi alam ang mga bagay na yun. Ang alam niya ay busy ang ina sa negosyo nito sa New York City.

"Your mother was suffering from depression that time and I am partly to blame for it." Matapat na pag-amin ng ama, napayuko ito at napahikbi. Mas lalo siyang naawa.

Marami pa siyang nalaman mula sa ama. Alam at ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo, ngunit syempre, kailangan pa rin niyang maikumpirma ang lahat ng ito sa Daddy ni Maine. Hindi naman kasi niya makakausap ang Daddy ni Alden, naka-coma pa rin ito.

Umalis siya ng presinto na puno ng kaalaman ang utak niya. Kaalamang dati ay hindi niya alam kung paanong gagamitin. Dalawang tao ang pumasok sa sa isip niya ngayon, si Maine at si Alden. Kailangang mahanapan niya ng paraan ang mga kaganapan ngayon para mapag-isa ang dalawa. It's the least I could do for both of my friends.

Mabilis niyang tinahak ang kalsada patungo sa mansion ng mga Mendoza. Buo ang kanyang loob at isip, gagawin niya ng lahat ng kanyang makakaya para sa kaibigan, di baleng hindi na siya nito tuluyang kausapin matapos ang lahat.

Nakaramdam ng lungkot ang kanyang puso ngunit masaya ang kanyang isipan na sa wakas, may magagawa din siya para sa kaibigan. Importante sa kanya si Maine, kapatid ang turing niya dito, at hindi pwedeng hindi maging masaya ang kapatid niya.




"TITO Ryan, may I please speak to Tito Ted?" Bungad ni Valeen pagkabukas na pagkabukas ni Atty. Ryan ng pinto.

"No one can not see him nor speak to him. He's resting." Supladong sagot nito. Pakiramdam niya tuloy si Ryan ang kontradiba sa kwento ng kaibigan

Nakipagtitigan siya sa lalaki. Nakikita niya ang galit, pag-aalala at takot. Hindi niya alam kung para saan yun pero yun ang nakikita niya, napangiti si Valeen.

"Tito Rye, I know you are mad at me for putting Maine into that situation, but the way I see it, you are more mad at yourself than anyone else. So let's cut this act and let me speak with Tito Ted. Or I will think that you are the reason why they had the accident in the first place." Matapang niyang saad. Napaatras naman si Ryan sa deklarasyon ni Valeen.

"Leave." Seryoso at tagis-bagang nitong sabi.

"I will leave after I talk to Tito Ted. You can not stop me Tito rye. Tito Ted knows me, and he knows that I am not the one to hurt Maine." Mahinahon niyang pahayag.

"I am not the one to hurt them and Maine, too." Malungkot nitong pahayag. Halatang pagod ang boses nito.

"Then why are you trying to hurt her. She needs him." Masuyong sagot ni Valeen. Tinalikuran siya ni Ryan kaya sinamantala niyang pumasok at sinundan ito.

"She doesn't need him. Now that Kuya Ted is back, he's all that she needs and not any other man." Matigas nitong sagot.

"Tito Rye, Alden is not just any other man. Siya ang tatay ng dinadala ni Maine." Humarap si Atty. Ryan kay Valeen, magkasalubong ang kilay at galit ang mga mata.

"Wala akong pakialam kung siya ang ama ng dinadala ng alaga ko, they can all go to hell but Maine will not be associated those people, that family!" Galit ngunit hindi nakasigaw nitong turan. Napangiti si Valeen.

"Those people? That family?" Tumuwid ng tayo si Valeen at matapang na hinarap si Atty. Ryan, mata sa mata. "I'm sorry to say this... but who are you to say that? Who are you to decide what people and which family she'll end up with? Baka nakakalimutan mong hindi ka totoong Mendoza. Baka nakakalimutan mong conservator ka lang ni Maine. Hindi ka niya Tatay at hindi ka niya kapatid." Kalmado ngunit puno ng galit na rin na sabi ni Valeen. Naiinis na siya. Hindi niya maintindihan ang mga pinaggagagawa ni Atty. Ryan.

"You are acting like an obsessed lover." Salubong at nakataas na kilay niyang turan. "Are you?" Dugtong pa niya. Hindi naman kaagad nakasagot si Atty. Ryan. Humalukipkip si Valeen. Parang hindi na ito abogado kung magsalita at kumilos, malaki ang pagkakadisgusto niya.

"Ryan? Sino yan?" Tanong boses na nanggaling sa likuran nito. Sinilip niya at ngumiti.

"Hi, Tito Ted." Nanlaki ang mga mata ni Ryan, ganun din siya.

Kakaiba na nga ang mukha nito. Hindi ito ang tanda niya sa mukha ng Tito Ted na kilala niya. "I need to talk to you." Mabilis niyang dugtong bago pa kung may lumabas na kung anong matalim at walang kwentang salita sa bibig ng abogado.

"Sure." Nakangiting sagot nito. "Ryan, find Maine." Utos nito na nagpataas ng kilay ni Valeen. Hindi na nagsalita pa siya Atty. Ryan at mabilis nang umalis.

"Is Maine okay, Tito?" Tanong niyang pinagpapalit-palitan ang tingin sa dalawang lalaking nasa harap niya. Tumango naman si Ted.

"Pregnancy tantrums." Sagot nitong nakangiti. Napaatras pa ng bahagya si Valeen sa nakita saya sa mga mata nito. "What do you want to know." Nagulat man siya sa sinabi nito ay natuwa naman ang puso niya.

"Tell me everything about the Memori Treaty and the accident." Direkta niyang sabi. Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago nag-umpisang magkwento.





"RIC, could you trace something for me?" Tanong ni Alden kay Ric habang ito ay nagmamaneho. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa kanyang cellphone.

"I guess. Matagal ko na ring hindi nagagawa ang ganyan." Nakangiti nitong sagot ngunit hindi niya nakita dahil nakatutok lang ang mga mata sa ginagawa. "Ano ba yang kinabibisihan mo diyan?" Dugtong-tanong nito. Nag-abgat siya ng tingin.

"I can't get a hold of someone and it's frustrating me." Matiim niyang sagot. Muling ngumiti si Ric.

"I think I know who it is and that would be easy." Hindi na kumibo sa sinabi nito. Alam naman niyang magagawa ito ni Ric. College pa lang sila ito na ang kanyang hacker, tracker at kung anu-ano pa.

"Let me know right away kung nasaan siya." Kailangan niyang malaman kung nasaan ang dalaga.

May respeto siyasa batasp eor nawalan siya ng respeto sa abogado ng mga Mendoza. Wala siyang pakialam sa restraining order na isinumiti nito. Nakarating na sa kanya ang kopya nito at ibinigay na niya sa abogado nila. Sa ngayon, bahala na ang mga kani-kanyang mga abogado sa legalidad ng mga nangyari.

"Where to?" Tanong ni Ric. huminga muna siya ng malalim bago pa sumagot.

"Hospital." Mabilis niyang sagot. "Call Atty. Riviera and have him meet us there." Wala nang namagitna na sa salita sa dalawa. Tahimik nang nagmaneho si Ric matapos ang tawag nito sa abogado.

Sa hospital, naunang nakarating ang abogado ng mga Richards at kausap nito ngayon ang duktor. Kausap na nito ang duktor ng ama nang dumating siya.

"Kamusta ang lagay ng pasyente." Tanong ni Riviera sa duktor.

"Maayos na. Stable na ang vitals nito. We are hoping for him to wake up anytime soon." Sagot naman nito.

"What I don't understand it is why he went in coma kung daplis lang naman ang natamo nitong sugat." tatango-tango lang ang duktor sa tanong ng abogado. Pangdalawang buwan na itong naka-coma.

"Doc, what do you think really happened with Dad? Is there any underlying health condition that we know about?" Singit niyang tanong. Napalingon ang dalawa sa kanya.

"Alden." Bati ng Atty. Riviera.

"Well, since you're here, let's go to your Dad's room." Hindi nan ito hinintay ang pagsang-ayon nila, nagpatiuna na ito.

Walang nagawa si Alden kundi sumunod na lang sa abogado at duktor. Hindi niya alam na ganito pala ang kahahantungan ng lahat. Sana talaga sumabay na lang siya kay Maine sa pag-alis sa isla. Kung alam niya lang sana.

Magsisi man o manisi man siya ngayon ng tao ay wala na rin namang magagawa dahil nangyari na nga. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, ang makontak si Maine o mahanap ito bago pa lumaki ang tiyan ng kasintahan, bago pa ito manganak.

Lihim siyang nanggigigil kay Atty. Ryan. Tinraidor siya nito, sinaksak patalikod. Kung alam lang niyang hindi niya pala ito kakampi, eh di sana siya na lang ang gumawa ng sariling paraan. Kung alam niya lang sana.

May galit din siya sa sarili. Hindi siya naging maingat sa mga hakbang niya, sa mga plano, nagpadalus-dalos siya. Hindi niya inisip na maaaring may mga hakbang ding ginagawq ang abogado na taliwas sa gusto niyang mangyari. Kung alam lang talaga sana niya.

Damn! If I have just known that things won't work the way I hoped for, sana ako na lang ang gumawa ng hakbang na iyon ng lihim sa lahat.

He hated himself for being so careless and so trustful. You can not really trust some people, especially the ones that wear nice clothes. They are the wolves in disguise.

"Sit down." Turan ng duktor na nakaturo pa ito sa sofang nasa loob ng kwarto ng ama. Nilingon niya ang ama, galit man siya ay nakaramdam din naman siya ng bahagyang awa dito.

"What's really going on with him?" Tanong niya pagkaupong-pagkaupo pa lang niya.

"Well, there's nothing really much underneath all that." Turo ng duktor sa gawi ng ama. Nilingon nila ito ni Atty. Riviera.

"Then what? Why is he in a coma?" Tanong niyang naiinis na.

"The bullet grazed one of the main nerves. We should be thankful na yun lang ang natamo ng Daddy mo. Kung nagkataong hindi siya nakaiwas, he will not be alive right now." Nagtaas siya ng kila sa sinabi nito.

"Alive? You call that alive?" Sabat niya. "He might as well be dead. Look at him!" Napataas ang boses niya.

Napipikon at naiinis na siya. Maraming mga nangyayari sa paligid niya na hindi na mahalaga pa sa ngayon dahil tanging si Maine lang ang laman ng isip niya, dumagdag lang itong mga magulang nila.

"I was the one that induced the coma. Naisip ko kasi na mas madaling siyang gagaling at makaka-recover kapag ganyan ang ginawa ko." Napataas ang kilay ni Alden.

"You did that without our consent?" Napatayo si Alden. Hindi sila binalaan ng duktor noon, maging matapos ang operasyon ay hindi man lang sa kanila nabanggit nito.

"I'm sorry, but it has to get done. Nung time na yun ay nasa kulungan ka pa, hindi ko naman makausap ng maayos ang mga kapatid mo." Paliwanag ng duktor.

"But Dr. Chua, it is against the law to perform anything without the family's written consent." Hindi ba alam ng duktor na ito ang mangyayari sa lisensiya nito kung magsasampasiya ng kaso laban dito? Paniguradong tanggal.

"I know. But it is between life and death. And as a man of medicine, I took an oath to save lives, no matter the situation was." Matapang at kalmadong saad ng duktor. "And besides, his best friend of his came to sign the authorization to induce coma." Napakunot ang noo ni Alden sa idinugtong ng duktor.

"Kaibigan? Sino?" Tanong ni Atty. Riviera.

"Ang alam kong matalik na kaibigan ni Daddy, binaril siya nito." Dugtong ni Alden sa tanong ng abogado. Salitan silang tinitigan ng duktor, nagtataka.

"I am not sure who you guys are referring to, but I am pretty sure, the man that signed the authorization was indeed his friend. He even spoke to your Dad before he completely lost his consciousness." Pahayag ni Dr. Chua. Nagkatinginan si Alden at Atty. Riviera, nag-iisip, nalilito.

Kilala ni Alden ang lahat ng kaibigan ng tatay niya at iisa lang ang kilala niyang matalik na kaibigan nito, yun ay ang tatay ni Valeen at hindi pa maganda ang kinalabasan ng pagkakaibigan ng mga ito.

"Excuse me Mr. Richards." Sabay-sabay silang napalingon sa tumawag sa kanya. "Your meeting will start in an hour." Paalala nito.

"Thanks, Ric." Mabilis niyang sagot bago muling hinarap ang duktor. "Dr. Chua, I need the signed authorization in Atty. Riviera's hand before the day's end. Attorney, I need it examined and investigated." Tumango lang ang abogado. Tumayo na siya. Pero bago pa siya makakilos ay nagsalita ang duktor.

"I will include the video clipping from the CCTV that day." Bahagya itong yumukod bago ito naunang lumabas ng kwarto ng ama. Napabuga na lang si Alden ng hangin. Hindi niya napansin na pigil pala ang kanyang hininga.

"Attorney, mauna na kami sa iyo." Paalam ni Alden sa abogado. Hindi na siya naghintay pa sa isasagot nito, lumabas na siya. Nakasunod lamang si Ric na tahimik din.

Tahimik nilang tinahak ang pasilyo ng palapag patungo sa elevator. Sumakay din sila ng tahimik at ganun din ang ginawa nila hanggang makarating sa kotse. Nakikiramdam lang si Ric kay Alden.

"I lost her." bungad ni Ric matapos na paandarin ang kotse.

"Who?" Nalilitong niyang tanong. Masyadong malalim ang iniisip niya kaya hindi na naintindihan ang sinabi nito.

"Maine. I found her, then I lost her." Mabilis niyang nilingon si Ric.

"Where? When?" Para siyang nabuhayan ng loob, may kislap ang kanyang mga mata. Natawa si Ric ng bahagya.

"Hey, relax." Saway s kanya ng kaibigan. "I hacked into her phone and found her location. Then she turned it off. She might have taken the battery off, too." Napabuga siya ng hangin. Ganito si Ric kapag silang dalawa lang at seryosong bagay ang pinag-uusapan, matatas mag-english, pero mukhang harihado kung hindi trabaho ang pinag-uusapan.

"Where was the last location?" Tanong niya. Kahit na napupuno na naman ng excitement ang puso niya, pilit niya itong kinakalma.

"Silang, Cavite." Mabilis naman na sagot ni Ric.

"Cavite? Ano ang ginagawa niya doon?" Wala sa loob niyang tanong.

"Ewan ko. Girlfriend mo yan, bakit sa akin mo tinatanong." Pamimilosopo ni Ric. "Aray naman, Brod." Kakamut-kamot ito ng ulo dahil nakutusan ito ni Alden.

"Wag ka kasing gago. Kung alam ko lang ba kung nasaan siya, ipapahanap ko ba sa iyo? Hindi nga sinasagot ang mga tawag ko o text ko." Isang pag-amba muli ang ginawa ni Alden at mabilis naman sumangga si Ric kahit na nagmamaneho.

Magsasalita pa sana si Alden nang mag-ring ang sariling cellphone. Tinitigan niya ng cellphone bago pa ito sagutin, si Valeen. Pabuntong-hininga niya itong sinagot.

"Val?" Maikling katahimikan ang sumalubong sa kanya at isang malalim na pagbuntong-hininga rin. Napailing siya. Parang ang bibigat ng mga dinadala nilang lahat. Hindi nga ba? Naisip niya.

"I think I know where she's at." Sabi nito. Isa muling maikling katahimikan bago pa sila sabay na nagsalita.

"Silang, Cavite."

"Silang, Cavite."













------------------

End of MBG 30

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

💖 ~ AWP Writers ~ 💖
04.04.21

My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro