MBG 3: Imprisoned
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper : Chapter 3
"Imprisoned"
♡♥♡♥♡♥♡
"I'M your beautiful groom-napper." Then I winked.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamalaki kong ito. Pero andito na eh, paninindigan ko na lang. May takot akong nararamdaman ngunit hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya, baka magkaroon pasiya ng idea, mahirap na..
Sa liit kong ito at sa laki niyang yan, paniguradong kaya niya akong buhatin na parang sako ng patatas at itali at isuplong sa pulis. Hindi ko rin lubos maisip kong bakit ko pa nai-suggest na kidnapin kasi itong Alden na ito. Malay ko rin naman bang kakagatin ng loka-lokang bespren ko ang sinabi ko. Poocha talaga oh!
"Beautiful groom-napper? Where?" Luminga-linga pa siya na parang may hinahanap. "You?" I know he's pissed beyond pissed, pero naman... Hayst! Kebs na nga lang. Por da seyk op prenship, Balin. Por da seyk op prenship.
"Haayy... Siguro nga bulag ka, kaya siguro pina-kidnap ka ng fiancee mo." Sagot ko sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Alam ko ang iniisip niya, baliw ako. Ayos lang, patunay lang yan na ganyan ko kamahal si Val. Kahit makulong ako, okay lang. Kebs pa rin.
"Alam mo ba na kung gugustuhin ko ay kaya kitang matalo para makatakas ako dito?" Sabi niya. Ramdam ko ang galit niya. Tiningnan ko siya ng wala-akong-paki na tingin.
"Alam ko." Tumalikod na ako pagkatapos kong sumagot. Pupunta na ako ng cottage. Napapagod ako at nagugutom din. Hindi ko na siya nilingon. Takot ko lang kapag nakita ko ang gagawin niya.
Hindi ko maalis isipin na kung bakit mas pinili ni Valeen na talikdan ang lalaki? Lord, bakit nga ba hindi na lang siya pinakasalan ng bestfriend ko? Sa palagay ko, si Valeen ang bulag. Kagwapong lalaki nitong si Alden. Most sought after bachelor of the Philippines nga di ba? Ulam na, desert pa. Bakit mo ito inayawan, Valeen? Choosy pa ng gaga.
Malapit ng masira ang tuktok ko sa kaiisip kung bakit nga ba hindi na lang itinuloy nito ang pagpapaksal sa lalaking ito? Kahit naman ba pasabugin ko ang utak ko sa kaiisip, hindi ako makakakuha ng sagot dahil iisa lang ang sasabihin nun, hindi niya ito mahal. Lecheng lab na yan!
Dinukot ko na lang ang phone ko at tinawagan si Val. Habang naghihintay ako ng sasagot sa kabilang linya, nilingon ko muna si Alden. Nakatayo lamang siya sa dalampasigan, naisuot niya na uli ang damit niya. Nakatingin lang ito sa malayo, nakapamulsa, laglag ang balikat. Nag-iisip yata. Naaawa din ako kay Alden pero si Val ang kaibigan ko at mahal ko ang bestfriend kong yun.
(Others POV)
"Hello?" Sagot ng isang boses sa kabilang linya.
"Hello, sino 'to? Pwede bang paki bigay kay Val?" Pakiusap ni Maine.
"Ms. Valeen, telepono po." Sabi ng sumagot.
"Hello?" Sagot ni Valeen na parang walang problema.
"Val, please tell me, anong gagawin ko sa unggas na mayabang na lalaking ito?" Iritang tanong ni Maine kay Valeen.
"Reypin mo..." Sabay tawa ng malakas ni Valeen.
"Ano sabi mo, Valeen?" Gulat na tanong ni Maine. Hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Matapos niya itong tulungan, hahayaan lang siya nito. Di ko alam kung bakit naging bestfriend ko 'to eh. Sabi ni Maine sa kanyang sarili.
"Ito naman. Di ka na mabiro, Besh." Paglalambing ni Valeen sa kaibigan. Alam nitong stress si Maine kaya kahit sana papaano ay mapagaan ang pakiramdam niya sa mga jokes nito pero parang di epektib.
"Ayusin mo kasi yang bibig mo!" Singhal ni Maine sa kaibigan. "Tatahiin ko yan at buburdahan ko ng Junjun ni Je." Dugtong pa niya. Napabungisngis lang ang kaibigan sa kabilang linya.
"Actually Besh, mabait naman yang si Alden. Palabiro din, minsan nga bully pa yan. Hindi ko lang alam kung bakit nagkaganyan ng ugali n'yan at kung kelan nag-umpisa." Sabi Valeen.
"Yung unggoy na yun, mabait? I don't think so. Mas mapait pa ang mukha nun sa ampalaya. Gwapo siya, oo. Pero ang sama ng ugali." Inis na sabi nito. Habang sinasambit ni Maine iyon ay napatingin siya kay Alden.
"Well, since nandiyan na kayo, just try to enjoy each others company. M alay mo mapalambot mo ang... ano?" Pabiitin na pagkakasabi ni Valeen. Naiinis na si Maine.
"Anong ano??" Pinamumulahang tanong ni Maine. Mabuti na lang at wala sa harap ang kaibigan.
"Alam mo na yun, itatanong pa kasi eh." Natatawang sabi ni Valeen sa kabilang linya.Mas humaba ang nguso ni Maine sa biro ng kaibigan.
"Umayos ka Val, kahit na bestfriend kita baka masapak kita dyan. Baka gusto mong ibalik ko sa simbahan 'tong si Alden at ikaw ang kidnapin ko para lang matuloy na ang kasal n'yo?" Pagmamaldita ni Maine. Napalakas ang boses nito dahil sa init ng ulo na sumabay pa sa init ng panahon.
"Ang puso mo. 'To naman masyadong madumi ang utak mo." Dipensang sagot ni Valeen.
Hindi umimik si Maine dahil napansin niyang naglalakad si Alden palayo. Isinuot niya ang slippers niya at naglakad papalapit kay Alden.
"Hello" Pamumukaw ni Valeen.
"Nga pala bes, ano nga pala naging ganap sa simbahan nung di sumipot ang mokong?" Tanong ni Maine habang nakatingin kay Alden. Curious siya sa nangyari sa simbahan.
"Syempre best actress ang lola mo, mega iyak ako sa simbahan. Kaya itong si Tito Richard galit na galit kay Alden dahil iniisip niya na sinadya nito na di siputin ang kasal." Tatawa-tawang kwento ni Val.
"So, buong akala ng family niya eh, pakana niya ang lahat? At walang kidnap na naganap?" Tanong ni Maine na parang nagtagumpay sila sa plano. Pero syempre, iniisip pa rin niya yung driver ng groom's car. Paano kapag nakausap na yun ng Tatay ni Alden?
"Parang ganun na nga friend! Pero, bakla! Pag nagkaalaman umisip ka ng magandang dahilan para malusutan natin ang dramang 'to! ha" Pangungulit ni Valeen sa kaibigan.
"Walanghiya naman, bes?! Ako na kumidnap, ako pa mag-iisip ng palusot?" Napahilamos siya ng mukha. Kapag minamalas ka nga naman.
"Besh, last na 'to. For the meantime, diyan muna kayo. Tawagan kita kapag okay na dito." May magagawa pa ba siya? Kahit na saang anggulo tingnan dawit na siya sa gulong ito at paniguradong siya ang maiipit sa bandang huli.
"Fine." Without any words, she drops the call.
VALEEN's POV
DI KO mapigilang di mapangiti habang kausap ko ang bestie kong si Meng sa kabilang linya.
Halata sa boses nito ang pagka-aligaga dahil kay Alden. Akala niya para sa 'kin ang ginawa kong pagpapa kidnap sa groom ko, pero ang totoo ginawa ko 'to para sa lovelife niya. Hindi ko naman siya pababayaan kapag nagkaipitan na.
"Ikaw talaga, hon. Ang sama mo sa bestfriend mo." Puna ni Jhe sa akin. Nasa bakasyon kami ngayon. Ginamit namin yung dapat sanang honeymoon trip namin ni Alden.
"Di masama ka din. Kasama ka kaya sa planong 'to! Tsaka hon, bagay sila ni Alden at si Besh, diba?" Napangitingiti na lang si Jhe ng pagkalapad-lapad. Kinilig pa ang mokong.
"Umm... alam ko yang iniisip mo, hon. Sinadya mo 'to noh?! Para magtagpo yung dalawa." Tumango akong natatawa. Nai-imagine ko kasi ang lambingan nung dalawa.
"Tumpak! Galing talaga ng hon ko. Pa-kiss nga?" Mabilis akong umakap sa leeg ni Jhe at hinalikan ko siya ng matagal. "Yun na nga, gusto ko silang magkakilala ng mabuti. At malay mo, madala sa halayan ang lahat. Umuwing magshota na ang dalawa! Di double wedding tayo niyan kung nagkataon, diba?"Kahit hinihingal ako sa tagal ng kiss namin ay ayos. Para namang kiniliti ng isang libong bulate itong si Jhe sa sobrang kilig sa ginawa ko.
"Naku! Yun eh kung di sila magbugbugan muna dun! Patay talaga tayo sa bespren mo." Napapakamot na lang si Jhe. Aminado naman ako doon. Duda ako na magkakasundo yung dalawa.
Hindi ako sigurado kung maa-attract ba si Bestie kay Alden and vice versa. Alam ko kasi na wala pang babaeng may nakakakuha ng pansin ni Alden kahit na noon pa.
"E, tsaka na natin isipin yun! Naniniwala pa rin ako na tama ang ginawa ko. Darating ang araw na magpapasalamat pa sila sa 'tin na pinagtagpo natin sila." kinidatan ko si Jhe para matapos na ang usapan dahil ang totoo, kinakabahan ako. Anything is possible but why it feels so impossible.
"Naku, hon. Wag kang makakindat ng ganyan. Marupok ako, at alam mo yun." Parang kinikiliting sabi ni Jhe.
"Di magpakarupok ka. Handa naman akong..."" Muling kumindat si Valeen sa kasintahan.
"Yes! Heto na naman kami!" Walang sabi-sabing hinatak ako ni Jhe sa beywang at hinalikan. Hanggang sa makapasok kami sa kuwarto. At syempre, alam kong alam n'yo na kung ano ang sunod na nangyari.
TANAW pa rin ng mga mata niya si Alden na patungo sa mga kakahuyan.
"Leche 'tong mokong na 'to. Balak ata talagang tumakas." She said to herself, furiously.
Sinundan niya si Alden upang bantayan ito. Nang makapasok na sa kakahuyan si Maine ay bigla itong natakot.
"Alden?" Tawag ng dalaga. Biglang nawala si Alden. Nag-aalala siya baka kung saan-saan ito sumuot.
Hinawi niya ang malaking sanga na nakaharang sa kanya ngunit hindi niya nakita ang malaking bato na nasa ilalim nito kaya nadapa siya.
Napa-aray ng malakas si Maine at ito ang nakaagaw sa atensyon ni Alden.
Hinanap ni Alden ang pinanggalingan ng ingay ngunit nagdalawang isip ito na tulungan ang dalaga. Tumayo lang ito sa harapan niya at tinitigan siya.
"Karma." He whispered. Mahina man ang pagkakasabi ni Alden ay narinig naman ni Maine.
"Tutunganga ka na lang ba diyan?! Wala kang balak tulungan ako?!" Inis niyang singhal dito.
"I'm going home." Seryosong sabi ni Alden habang nakapamulsa ito. He's not wearing his shirt tucked out, unbuttoned and sleeves rolled up kaya nakabalandra ang katawan niya sa harapan ni Maine.
"Teka lang naman Alden. Baka madaan natin 'to sa mabuting usapan." Pakiusap ni Maine. Sinubukan niyang bumangon ngunit parang napilayan nga ang paa niya at nahihirapan siyang i-balance ang sarili. Nyetang kamias talaga oh!
"Magandang usapan? Bakit, nadala ba kita sa magandang usapan? Hindi di ba?! Wala ako dito ngayon kung nangyari 'yang magandang usapan na yan!" Sarkastikong sabi ni Alden. Natahimik si Maine at nainis man ay lam niyang t maa ang binata.
"Leche ka Val. Simula nang kidnapin ko 'tong groom mo nagkanda leche-leche na ang araw ko!" Galit niyang bulong sa sarili.
"I'm sorry Okay.. I just did it for the sake of our friendship. Naipit na ako sa sitwasyon. Just help me get out of here at papalayain na kita." Wika ni Maine. Tutal, the day is over for the wedding. He can go home.
"I can go home without your help. How about you?" Pang -aasar ni Alden.
"Shutanginess naman Alden! Hindi ba mas maganda kung sabay tayong babalik ng Manila? We can be friends you know." Pambobola ni Maine. Pilit na kinakalma ang sarili. Sobrang sakit lang talaga ng paa niya.
"Goodbye, groom-napper" He winked at her.
"Huy teka!" Awat niya dito. "Alden!!" Tuloy-tuloy lang sa paglakad ang binata. Naiiwan siyang nakasalampak pa rin sa lupa.
"Arrrghhh!! Kapag ako nakatayo dito, uubusin ko ang bawat hibla ng buhok na meron ka dyan sa kili-kili mo!" Singhal niya.
Natatawa lang si Alden sa mga pinagsasabi ni Maine ngunit ang totoo, inaasar lang niya ito upang mapasunod niya ang dalaga.
"Sige na, alam ko, ito ang gusto mo. Por da seyk na maka-alis ako dito, gagawin ko lahat ng gusto mo!" Sumusukong saad ni Maine. Napahinto sa paglakad si Alden, nakatalikod na parang naghihintay ng kasunod.
"Ganyan ka ba humingi ng pabor, my groom-napper?" Nakatalikod nitong tanong. Nag-uumusok ang tenga ni Maine sa naririnig mula kay Alden.
"Arrrgggggghhhh!! Inuubos mo talaga pasensya ko, lalaking binabad sa pinakurat!" Sigaw ng dalaga. Napangisi si Alden. "Fine. Please... just help me." malumanay na sabi ni Maine habang nakangiti. Pero deep inside, alam ni alden na gusto na siyang kalbuhin at tuktukan nito.
Naglakad muli si Alden palayo sa dalaga.
"Ano pa bang gusto mong gawin ko?!" Wala na ang taray at tapan sa boses ng dalaga, nag-alala siya but he wants to annoy her more.
"Give me your sweetest please, my groom-napper." Paghahamon ni Alden.
Huminga ng malalim si Maine at sinunod ang hiling ni Alden para lang matulungan siyang makalabas sa kakahuyan dahil madilim na at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
"Please Alden, tulungan mo ako." Pabebe siyang sabi. Parang asong ngumiti si Maine at pinipigilan niya ang sarili niyang sumigaw.
"Parang may kulang?" Pang-aasar na muli ni Alden. Biglang nakarinig ng kaluskos si Maine malapit sa kanya kaya lalo itong natatakot.
"Do you watch The Walking Dead?" Tanong ni Alden. Napaigtad si Maine.
"H-hindi. B-bakit?" Nabubulol na sagot ni Maine habang nakatingin sa paligid.
"Posibleng mangyari yun dito, my groom-napper. We don't know what lurks behind those thick trees. Baka mamaya may zombie na lang na lalapit sa 'yo at kainin ang lamang loob mo. Eventually, you will turn into a zombie." Pananakot ni Alden.
"Hindi ka nakakatuwa Alden!" Seryoso at kinakabahang sabi ni Maine na kahit magpanggap pa siyang matapang, hindi pa rin niya alam kung anong nilalang meron ang kagubatang ito.
Isang pang-iinis na lang ang naisip ni Alden. Plano niya sanang iwanan ang dalaga ng makarinig siya ng paghikbi sa likuran niya. Nilingon niya ang dalaga, nakayuko ito at nanginginig na sa takot.
Kahit ayaw niyang tulungan ito, naawa naman siya sa dalaga kaya nilapitan niya ito at binuhat palabas ng kagubatan ng walang sali-salita.
"The truth is, wala akong balak na tumakas sa 'yo, my groom-napper. Gusto ko lang maghanap ng magagamit natin para sa bonfire." Pag-amin ni Alden.
"Nakakainis ka 'kamo, Alden. Kung hindi lang dahil sa kaibigan ko, hindi ko naman gagawin to." Sabi ni Maine na halos pabulong na. Nagulat si Alden sa narinig niya kaya napahinto ito sa paglakad at napatitig siya kay Maine.
Nang ma-realize ni Maine ang sinabi ay pinilit ang sarili na bumaba mula sa pagkakabuhat ni Alden ngunit hindi niya binitawan ang dalaga.
"Bakit groom-napper? Natatakot ka ba na makulong ka sa ginawa mo o natatakot ka na mahumaling ka sa kagwapuhan ko?" Pilyong tanong ni Alden.
Inilapit ang mukha kay Maine at inilabas ang makalaglag-panty na dimple na naging dahilan kung bakit natulala sa kanya ang dalaga.
Nagpumiglas si Maine para makaiwas sa mga titig ni Alden kaya nabitawan niya ito at paupong bumagsak sa lupa. Maagap namang umupo sa harapan ni Maine si Alden.
"Eh ikaw? Hindi ka rin ba natatakot na makaulong din yan puso mo?" Maine asked, staring back at him, squinting her eyes.
They were both speechless.
------------------
End of MBG 3: Imprisoned
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
04.14.16
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro