MBG 29: Plano?
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 29
Plano?
♡♥♡♥♡♥♡
"Sumuko ka na! Napapaligiran namin kayo!" Sabay pa silang napalingon sa pinto. Galing sa labas ang tinig na parang ginamitan ng megaphone.
"A-alden?!" Mabilis na lumapit si Maine kay Alden.
Bago pa man makalapit nang tuluyan si Maine kay Alden, isang malakas na pagbagsak ang narinig niya at biglang bumukas ang pinto. Parang buhawi ang ganap, mabilis at biglaaan.
"Ingatan n'yo siya! Buntis siya!" Yun ang huling narinig ni Maine bago dumilim ang paningin niya.
"KUMAIN ka muna." Saad ni Mang Jimmy.
"Wala akong gana?" Tanong ni Alden na hindi makapaniwalang ito na ang araw na pinakahihintay niya at kinatatakutan niya.
"Walang gana? Ilang araw ka nang walang maayos na kain. Paano mo mahaharap ang mga bagay na kailangan mong harapin kung magkasakit ka? Alalahanin mo, mainit ang mata sa iyo ng abogading yun." Tinapik-tapik nito ang balikat niya.
"Alden." Bago pa man siya makasagot sa lalaki ay may tumawag na sa kanya. Nag-angat ng tingin siya sa bagong dating.
"Leen, anong balita?" Tanong niya dito.
"Nagkausap na kami ni Tito Ryan, iuurong na niya ang demanda laban sa iyo dahil na rin sa pagtatampo ni Maine at Tita Judy sa kanya." Napatitig siya dito. Naalerto siya sa pagkakabanggit ng pangalan ni Maine.
"Kamusta na siya?" Tanong niya. Ngumiting iiling-iling si Valeen.
"Hindi makausap, hindi malapitan." Sagot ni Valeen na nag-aalala.
Higit kaninuman, si Valeen ang lubos na nakakakilala kay Maine, ngunit hindi niya rin maialis sa sarili ang lubos na mag-alala. Buntis ito at wala siya sa tabi nito.
Nasa bahay niya siya ngayon sa hapag-kainan. Wala ang mga kapatid niya dahil nasa hospital, nagbabantay sa kanilang ama.
Ilang linggo na rin ang nakaraan magbuhat nang ma-raid ang islang inarkilahan niya. Hindi man lang sila inabot buong araw na magkasama, natuntun kaagad sila ni Atty. Ryan. Nasundan pala sila Jimmy at Ric ng taong ipinadala ng abogado. Mabilis at matinik talaga ito.
Alam niyang mali ang ginawa ng ama kay Maine na ipakulong ang dalaga at hindi man lang binigyan ng tamang proseso at maging siya ay galit sa ginawa ng ama, pero ang hindi niya maintindihan ay bakit parang sa kanya na ibinuhos ng abogado ang lahat ng galit at kasalanan.
May kasunduan sila ng abogado nang ipagtapat niya ang buong pangyayari. Sa usapan nila, ipapalabas lang nito ang kwentong rape sa ama ngunit walang isasampang kaso. Nagulat na lang siya nang lumabas ito sa media at may subpoena na naghihintay sa kanya pagpasok sa trabaho.
Napabuntong-hininga siya at pagod na isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan. Nasa usapan man o wala, nangyari na ang dapat na mangyari, nakulong din siya at mas lalong napalayo kay Maine. Ayaw niyang ma-stress sana ito dahil nga nagdadalantao ito. Kinumpirma yun ni Valeen kinabukasan nang magkita sila sa presinto.
Maswerte lang at nakapag-piyansa sila sa pagkakataong ito. Kailangan nga lang nilang i-surrender ang kanyang passport at na-freeze ang asset ng mga Richards. Mabuti na lang at nandiyang ang mag-asawang Valeen at Jhe. Ito ang mga tumulong sa kanya.
"Oh, I found out who's the third part of the deal." Pagpapabalik ni Valeen sa kanyang naglalakbay na kaisipan.
"Who?" Naging alerto ang ulirat niya.
"Si Tito Ted?" Balewala nitong sagot. Nagtataka siya.
"Ted? Ted who?" Tanog niyang naguguluhan
"Yup. Teodoro Mendoza. Ang daddy ni Maine." Napakurap si Alden. Teodoro Mendoza? Buhay ang Daddy ni Maine? Is the same man? Mga tanong sa isip ni Alden na walang sagot
"Wait. Maine's Dad? I thought he's dead." Nagtatakang niyang tanong.
"I know, right?" Sagot nitong ngingiti-ngiti pa.
"Huy, Valeen! Baka kung ano na naman yan. Nagdala ka pa ng tsismis dito." Sabat ni Mang Kimmy na nasa kabilang panig lamang ng dining area.
"I am not bringing chismis here, Kuya Jimmy. It's all true." Sagot ni Valeen. "I was in Tito Ryan's office when Tito Ted barged in, angry." Dugtong pa nito.
"But how though?" Tanong ni Alden. Gising na gising na ang diwa niya ngayon.
"Well, no one knows. I wasn't able to hear that part kasi umalis na ako. Nakakatakot kasi Tito Ted kapag nagagalit." Patuloy na kwento ni Valeen.
"Teka, yan ba yung mag-asawang namatay nung bumagsak yung private plane na sinasakyan nila?" Napaupo na ri nsi Jimmy. "Narinig ko ang kwentong yan noon. Bago pa lang akong naninilbihan sa Daddy ni Alden." Dugtong pa nito.
"Yup. That's the one. Ang akala nga di ba ng lahat, including Maine and me ay patay na siya, hindi pala. Even Dad thought he was, too. If your Dad is not in a coma, he'll be surprised, too, to find out that Tito Ted is alive." Saad ni Valeen sabay upo sa bakanteng upuan sa harap niya.
"Saan siya nagpunta? Or saan siya nagtago? Nasaan ang Mommy ni Maine?" Tanong nito Mang Jimmy. Si Alden naman ay napalalim ang pag-iisip.
"Well, who knows exactly." Sabi ni Valeen. Umunom ito ng tubig na bigay ni Jimmy. "What I've heard before I could totally leave Tito Ryan's office, Tita Judy asked him that same question. He just replied, sa tabi-tabi." Nagkatinginan si Alden at Jimmy.
"I met a man the night before I got out the first time. His name is Teodoro Mendoza, too. Is he the same person?" Wala sa loob niyang tanong.
"You did?" Tanong ni Valeen.
"Sigurado ka?" Tanong naman ni Jimmy.
"I don't know. I was just guessing. I can't remember how he looks." Sagot niya, nalilito. Iba ang pakiramdam niya sa pangyayaring ito.
"How does he look?" Tanong ni Valeen.
"Well, for one, he is mestizo. Tall, gwapo for his age, matangos ang ilong at may puti na rin ang buhok. Nakasuot siya ng uniform ng pulis." Paglalarawan sa pulis na nagpakilalang Teodoro Mendoza.
"Alden, you have got to see this." Nagulat pa silang tatlo sa biglang pagsulpot ni Ric galing sa kung saan.
"Ano yan, Ric?! Fake news na naman ba?!" Singhal ni Jimmy sa bagong. "Ang hilig mong magpapanood ng mga fake news na yan at naniniwala pa!" Dugtong nitong tatawa-tawa.
"Ang joy killer mo talaga. Palibhasa kasi matanda ka na eh." Salo naman nitong may halong pang-iinsulto. Ngumisi lang si Jimmy.
"Gago!" Sabi nito sabay inom ng kape mula sa hawak na tasa.
"Ano yang balitang yan, Ric?" Tanong ni Valeen. Nilingon ito ni Ric at inirapan.
"Bakit nandito ito?" Turo nito kay Valeen. "Hindi kaya hanapin ito ng asawa niyang GGSS?" Natawa si Jimmy sa komentaryo ni Ric.
"You guys are being mean to my husband." Nakanguso nitong sabi. Napangiti si Alden.
"Ano ba yan?" Tanong niya. Naku-curious din siya sa balitang sinasabi ni Ric.
"Nabanggit dito ang pangalan ng mahal mo, so I thought you should watch it." Sabi nito sabay abot ng Galaxy Note 20 Ultra. Inabot naman kaagad ito ni Alden.
"Sino ba yan?" Tanong ni Jimmy.
"Search mo ang Teodoro Mendoza, resurrected." Natahimik na silang apat at tumutok na lang sa video.
Ayon sa video interview, paparating ang private plane na sinakyan ng mag-asawang Mendoza sa Pilipinas nang makatanggap ng tawag ang piloto na i-divert ang lipad nito. Nagtataka man ay sinabi nito kay Teodoro Mendoza ang tawag na natanggap. Nagtataka man ay umayon ang na lang ang huli.
Wala pang kalahating oras ng makaramdam ang mga ito ng pag-alog ng eroplano na parang may turbulence kahit maliwanag at walang ulap ang kalangitan. Banayad din ang hangin sa himpapawid ng mga oras na iyon.
Ilang sandali lang ay bumulusok ito patungo sa bundok. Pilit ng piloto at ni Mr. Mendoza na ipihit ang pribadong eroplano patungo sa karagatan at hindi naman sila nabigo. Nag-crash landing ang maliit na eroplano sa karagatang nasasakupan ng Batangas at nagkapira-piraso.
Ayon kay Mr. Mendoza, nagising siya sa isang maliit na ospital na hindi maalala kung sino siya at kung saan nanggaling at nanirahan kasama ang inaakala niyang asawa.
Tinanong ng reporter kung kelan niya naalalang si Teodoro Mendoza siya. Isinalasay nitong naibalik ang lahat ng kanyang alala nung gabing may hinatid siyang mga pasahero sa airport, nung makita niya ang pribadong eroplanong pagsasakyan ng mga ito at nung yumakap sa kanya ang pasaherong nagngangalang Maine Mendoza, bilang pasasalamat.
Sinabi rin ni Mr. Mendoza na naramdaman daw nito ang matinding pagpintig ng kanyang puso na halos di siya makahinga at biglang pagkirot ng kanyang ulo at lahat ng mga nangyari sa kanilang mag-asawa sa nakaraan ay biglang bumuhos na parang isang napakalakas na ulan.
Napag-alaman ng reporter na dahil sa laki ng sugat nito sa mukha ay napilitang ipa-plastic surgery ng mag-asawang kumupkop sa kanya at kalaunan nga ay naging kabiyak nito ang isa sa anak ng mag-asawa. Nagtamo din siya ng sugat sa ulo at isang bukol na kasing laki ng itlog na inabot ng apat na buwan bago ito nawala.
Sabi pa ni Mr. Mendoza sa naturang interview, iyon daw ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang alaala. Bago pa sumikat ang araw ay nakatayo na siya sa harap ng klinika ng duktor na umasikaso sa kanya noon. Marami silang bagay na napag-usapan ng tagaulat.
Ang sumunod na makikita sa video ay pagtatanong ng reporter kung nasaan na nga si Mrs. Mariana Mendoza. Sa partying ito makikitang nalungkot ang ginoo at naluha pa. Umiling lamang itong nagtatagis ang bagang. Nakita lahat yun ni Alden kung paanong gumuhit ang sakit sa mga mata nito, nakaramdam siya ng awa dito.
Naging matalas pa sa pandinig ng paniki ang mga tenga ni Alden simula nang mabanggit ang pangalan ng kasintahan ngunit may bahid ng sakit at pait sa panlasa niya. Panibagong yugto ng pahirap na naman kay Maine ang paghahanap sa nawawalang ina.
Humugot siya ng malalim na paghinga at pilit na ibinalik ang buong atensyon sa pinanonood.
Sinabing naiwan daw sa New York ang nag-iisa nitong anak na babae sa pangangalaga ng kanilang abogado na si Atty. Ryan Agoncillo at Isidro Gatbunton, ang katiwala ng pamilya Mendoza bago pa ipinanganak ito.
Nasabi rin sa ulat na minsan ding inimbestigahan ang matanda dahil sa pag-aakala ng mga otoridad na may kinalaman ito sa nangyari sa mag-asawang Mendoza hanggang sa mapatunayang inosente ang katiwala.
Nabanggit ni Mr. Mendoza na dalawang tao ang pinaghihinalaan niyang gagawa sa kanyang pamilya ng ganun. Nabanggit nito ang pangalan ni Gene Montenegro at Alfred Richards.
Nagulat si Alden nang marinig ang pangalan ng ama at ama ni Valeen. Nagkatinginan silang dawala, ngunit walang salitang namutawi sa parehong pinid na mga labi at mataman na lang na pinanood ang kabuuan ng panayam nito kay Ray Concha na isang batikang reporter ng isang sikat na istasyon ng telebisyon.
Naitanong ni Mr. Conchas kung bakit naisip ni Mr. Mendoza na may kinalaman ang dalawang sikat na negosyante. Isang mapait na ngiti ang iginawad ng ginoo.
Kahit na ganun ang isinagot ni Mr. Mendoza, hindi pa rin tumigil si Mr. Concha sa pagtatanong. Hanggang sa isang tanong na nagpatagis ng bagang nito.
"Babae po ba?" Tanong na mas lalong nagbigay ng masamang ekspresyon kay Mr. Mendoza. Hindi man ito sumagot ay parang nahuhulaan na ni Alden. Nagitla si Valeen sa narinig.
"Is this the reason why Mom and Dad used to always argue and fight?" Naluluhang tanong ni Valeen, nakatitig sa screen ng cellphone.
"Whoaw!" Wala sa loob na sambit ni Ric. "Ito bang babae na sinasabi dito ay siya din yung babaeng..." Mabilis na nilingon ni Alden si Ric at matiim na tinitigan. Para naman itong nakaintindi at tumahimik.
"I don't get it though. Ano bang yaman meron ang tatlong mga Lolo natin at ganito kagulo ang mga nangyari?" Pagsasatinig ng kanyang iniisip. "I really don't freakin' get it, Den." Dugtong pa nito.
"Well, the best way to find out is to go and meet with Tito Gene and ask him straight away." Seryosong suhestiyon ni Alden. "I can go with you." Suhestiyon niya.
"Tama. Yan na nga lang siguro ang dapat n'yong gawin." Sabat naman ni Jimmy bilang pagsang-ayon. patango-tango lang si Ric.
"Or we can ask Tito Ryan where to find Tito Ted." Suhestiyon ni Valeen na tinawanan lang ni Alden, pahilaw.
"You can go ahead and talk to him or ask him. But I'm pretty sure that you will not get anything from him. He's mad at you, remember?" Nagtatagis ang bagang na sabi ni Alden. Natahimik ang tatlo.
"Si Mang Isidro." Biglang sambit ni Valeen.
"Ano naman si Mang Isidro?" Tanong ni Jimmy. Nakilala na rin nito ang matanda dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan hanggang sa biglang naglaho ito na parang bula at sa Palawan nga nila natagpuan ang mga ito.
"Like what was said in that video interview, Mang Isidro had been with Maine's maternal family since before Tito Ted married Tita Ana. way before the three of us were born at least that was what Maine told me." Pahayag ni Valeen.
"Eh ganun naman pala eh, di ibig sabihin, may alam nga siya." Susog ni Jimmy. Nagpatango-tango si Ric.
"All that Maine told me, Mang Isidro was hired by Lolody to be Tita Ana's driver/bodyguard. I don't know what happened before why she has to have a bodyguard, but if that interview was true which I believe it is, dahil alam ko rin na hindi sinungaling si Tito Ted, then for sure, your Dad knows, too." Pahayag ni Valeen. Natahimik si Alden na nag-isip.
"Eh di ba, mag-bestfriend kayo nung Maine? Bakit hindi nakilala ng Daddy mo na siya ang anak ng kabigan nila? Na siya ang kokompleto sa ikalawang henerasyon ng kasunduan?" Tanong ni Ric, pasaring. Iniripan ito ni Valeen.
"To answer your sarcasm, asshole! I met Maine when we were young because of my Mom's Mom, Lola Mimi. That's when my parents separated and my Mom stayed in Maryland and I stayed with my grandparents in Flushing, NY. We played once in a while at the park. Maine was a very shy girl. We both attended the same elementary school pero naging close lang ako sa kanya nung maging high school na kami dahil naging magkaklase kami ni Maine. She always gets bullied and I always step up and scare the others." Patuloy nitong kwento. Mataman lamang na nakikinig sila Alden, Ric at Jimmy.
"Bullied?" Wala sa loob na tannong niya.
"Maine was timid and shy, but very sweet. Naging matapang lang siya nung naging magkasama na kami kasi tinuruan ko siyang to stand on her own lalo pa at wala na sila Tito, we were freshmen then." Patuloy na pahayag ni Valeen.
"Matagal na nga." Sagot ni Ric. Tatango-tango pa ito, napangiti tuloy si Alden sa assistant niya.
"Hindi rin ba nagkita ang mommy mo at mommy ni Maine?" Tanong ni Jimmy. Umiling si Valeen.
"Not intentionally but never na nagkrus ang landas ni Mommy at Tita Ana, but I had met both of her parents. We all know Teddy Mendoza as pamangkin of Lolo Tonio. Hindi ko alam kung bakit hindi nagkrus ang mga landas nila all those years. Maine's mom is always busy, and she's always with Tito Ted and Maine is always with her Lola. I am not sure if Lola Mimi knows about the story. We never heard them talk about it." Nakakunot ang noong sabi ni Valeen, nag-iisip.
"That is weird." Napapakamot sa noong sabi ni Ric.
"Imposibleng hindi nila alam yan? Imposibleng walang may nakadiskubre na siya pala ang ikatlong bahagi at si Maine ang nakatakda para dito." Turo ni Jimmy kay Alden.
Napaisip siya. Paano ngang hindi nagkaalaman pero hindi rin pwedeng hindi nagkaalaman dahil may aksidenteng nangyari, may buhay o mga buhay na nasira at maaaring nabuwis pa.
"This puzzle is getting more and more confusing. Too many unanswered questions and too many. Too many holes and gaps." Turan ni Alden. Malalim niyang iniisip kung paano nilang mapapagdugtong-dugtong ang lahat, sabayan pa ng pag-aalala niya sa buntis na kasintahan.
"Well, mas maganda pa ring tanungin n'yo si Atty. Ryan kung nasaan yang Tito Ted na yan para siya na mismo ang magkwento." Mungkahi ni Jimmy at tumayo na ito.
"I'll go." Pagpipresinta ni Valeen. "At least, kahit galit sa akin si Tito Ryan, he will still be civil with me." Suhestiyon ni Valeen.
"I can go with you." Turan niya. Gusto niya rin kasing marinig ang lahat.
"Nah. I doubt he'll be civil with you, Den." Matapat na turan ni Valeen.
"I agree." Sabat ni Ric. Inambahan ito ni Jimmy ng kutos. Mabilis naman nitong sinangga. Lihim na nangiti si Alden.
"I guess, you're right. I think it's better to go different ways. We can hit multiple birds at one time. That will give me the chance to do what I have been wanting to do." Saad ni Alden sabay tayo na rin. "Ric, sumama ka sa akin. Kuya Jimmy, ikaw na muna ang bahala kay Angel at Izza. Paki alalayan na lang sila kay Daddy." Tumango na lamang ang lalaki at tumungo na sa kusina.
"Madel, aalis ang sir Alden mo, ikaw ang maiiwan dito sa bahay. Wag na wag kang magpapasok ng tao. Si Doro ang bahala sa kanila." Narinig pa niyang bilin ni Jimmy sa bagong kasambahay. Tumango naman ito na parang natakot pa kay Jimmy.
Nag-alisan na sila, kanya-kanyang lakad, kanya-kanyang diskarte. Kung ano man ang gagawin ni Alden, kita sa mga mata nito ang determinasyon sa kung ano ang iniisip.
"May plano?" Tanong ni Ric habang nasa kalsada ang mga mata.
"Wala." Simple niyang sagot at ibinaling ang mga mata sa kalsada.
Tahimik silang bumiyahe.
------------------
End of MBG 29: Plano?
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
04.01.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro