MBG 27: My Love
🚫 UNEDITED 🚫
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper
"My Love"
♡♥♡♥♡♥♡
"MAINE!" Tawag ni Helen sa kanya, ngunit parang hindi niya ito narinig.
"Hoy! Tulala ka na naman." Sanggi ni Agatha sa kanyang balikat.
"Huh?" Para pa siyang nagulat.
"Maine, iba na yan huh. Napapansin namin mula pa kahapon ng umaga ay nakatulala ka na lang. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Helen. Umiling siya.
"Ayos lang ako." Matipid niyang sagot. Tumaas ang kilay ni Helen at Agatha.
"Wag n'yo nang kulitin. Hayaan n'yo na muna siya." Sabi ni Agnes nang dumaan ito sa gilid nila.
"Agatha, paki tulungan nga muna si Coring. Helen, paki samahan si Agnes, ako na ang bahala dito sa alaga ko." Malumanay na utos ni Mang Isidro sa dalawa. Tahimik itong umupo sa tabi ni Maine, nakikiramdam.
"Mang Isidro, bakit po ganun. Am I meant to live alone?" Malungkot niyang tanong sa katiwala.
"Hindi naman siguro ganun." Sagot ni Mang Isidro na sa kaligiran nakatutok ang mga mata.
"Eh bakit po ako palaging nag-iisa?" Basag ang boses niya. Bumungtong-hinga si Mang Isidro.
"Kahit minsan ay hindi ka nag-iisa. Nandiyan lang si Atorni at si Mam Judy. Ako, nandito rin lang ako." Madamdaming nitong sagot sa kanya.
"Eh bakit ganun po ang palagi kong nararamdaman?" Tanong niya sabay tulo ng kanyang mga luha. Tinapik-tapik ni MAng Isidro ang kanyang likod, pinapagaan ang kanyang lugmok na damdamin.
"Kailangan mo lang kaming tawagin, Maine. Hindi namin alam kung ano ang nasa isip mo o kung kelan mo kami kailangan. Ang alam lang namin ay palaging maging available kapag kailangan mo kami." Pahayag ni Mang Isidro. Madiin niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Tama nga ito. Hindi naman kasi siya tumatawag maliban na lang kung talagang hindi na niya kaya. Katulad na lang ng pagkakakulong niya. Pero kung hindi siguro nangyari yun, hindi niya rin sasabihin sa katiwala na kailangan na talaga niya ang tulong, kausap o karamay.
Maging kay Valeen noon ay hindi niya rin sinasabi na kailangan niya ng kasama kahit na manood lang ng movie o di naman kaya ay magkape lang, just for the sake of having coffee, she never called out or reached out.
She had just realized that she never really held out her hand for someone or anyone to hold it. She never had asked anyone or someone in particular that she needed a shoulder to cry on when her parents passed. She took it all in and cried in silence.
"Ganun na po ba ako ka-detached sa inyo?" Tanong niya dito. Nilingon niya ang matanda para lang salubungin ng mapang-unawang mga mata nito.
"Hindi ka detached, Meng, hindi ka lang nagsasalita. Hindi ka tumatawag, hindi ka humuhiling, hindi ka rin nagde-demand. Mas pinili mong sulohin at sarilinin ang lahat. Mas pinili mong manahimik." MApagmahal nitong pahayag. "Mas pinili mong maging independent." Dugtong pa nito.
Mabilis na sinunggaban ni Maine ng yapos ang matanda. Binuhos niya ang lahat ng sakit at luha sa balikat nito. Huli niyang nagawa ito ay sa balikat ng ina bago pa umalis ang mga ito sa New York.
Hinayaan lang ng matanda na ibuhos ni Maine ang lahat ng sakit na naipon sa puso nito sa loob ng maraming taon. Hinayaan nitong mabasa ng pinagsamang luha at sipon ang balikat.
Alam ni Mang Isidro na matagal nang kailangan ni Maine na mailabas ang lahat nang naipon sa dibdib para naman kahit papaano ay sumaya na ang alaga.
Ilang sandali pa ay humupa na rin ang pag-iyak ni Maine. Maya-maya lang ay humiwalay na siya sa matanda.
"Maraming salamat po, Tatay Isidro." Sambit ni Maine sa pagitan ng paghikbi. Nagulat man si Mang Isidro sa itinawag ni Maine sa kanya ay tahimik na lang itong ngumiti.
"Walang anuman, Meng. Tandaan mo lang palagi, hagat ako'y nabubuhay, nandito lang ako." Hinaplos ni Mang Isidro ang pisngi ni Maine at hinalikan siya nito sa noo.
"Salamat po." Tugon ni Maine. "Simula po ngayon, hindi ko na sosolohin ang lahat. Simula po ngayon, kayo ang unang makakaalam kung ano man ang mga gagawin ko at iniisip ko." Ngumiting lumuluha si Maine kasabay ng tahimik na pangako sa sariling hindi na siya muling mag-iisa pa.
"Sa ngayon, mahirap mo pang makuha ang mga bagay ng gusto mo. Kailangan mo lang manalig sa Diyos na ibibigay niya ang kagustuhan ng iyong puso. Magdasal ka, makipag-usap ka uli sa Kanya, ihinga mo lang sa Kanya lahat." Madamdaming paalala ni Mang Isidro, tumango siya. Hindi naman na siya umiyak pero naluluha pa rin siya.
Totoo ang sinabi ng matanda. Simula kasi ng mawala ang mga magulang niya ay hindi na rin siya nakpag-usap pa sa Diyos. Hindi na siya lumapit pa sa Dito. Hindi nga niya sinisisi ang Panginoon sa mga nangyari sa mga magulang niya, pero hindi na niya inalalang may Diyos pa. Hindi na rin siya naniwalang may magagawa Ito para sa kanya.
In short, she had lost all faith in Him when she lost her parents on that plane accident. She did not blame Him for what had happened to them but she just avoided talking to Him completely. In her mind, "What for?"
"Salamat, Tay. Mula ngayon uunahin ko na palagi ang pagdarasal at pakikipag-usap sa Kanya. Sana nga lang, tay, mapatawad po Niya ako." Muling tumulo ang luha ni Maine. Hinaplos ni Mang Isidro ang buhok ng alaga, awang-awa itong pinag mamasdan lamang si Maine.
"Sige na. Ayusin mo na ang iyong sarili at maya-maya lang ay nandito na ang lantsang magdadala sa atin sa Tungaoan." Tumango siya sa sinabi ni Mang Isidro. Umalis na rin ang matanda.
Pinunasan niya ang kanyang mukha at uminom ng tubig mula sa boteng kanina pa niya hawak. Magaan na ang kanyang pakiramdam. Parang may kung anong pwersa bumunot lahat ng sakit, tinik at bigat na meron sa puso niya. Salamat po, ama. Patawad po.
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Ninamnam ang sariwang hanging mula sa dagat. Nasa maliit na pier sila na kung saan hinihintay nila ang lantsang inupahan ni Mang Isidro para sa picnic nila ngayon.
Tahimik ang paligid. Ang lahat ay nakatutok sa kanilang mga gawain. Paroo't parito ang mga kargador at mga mamamangka, dagsaan ng mga isda ngayon. Natutuwa siya kahit na may kalamigan pa dahil napakaaga pa naman.
Dinanaan lang siya nila Boyet na busy sa pagbaba ng mga pagkain at gamit nila kasama na ang tatlong tent, doon sila matutulog mamayang gabi at bukas na sila ng hapon babalik.
Wala na siya loob niya dahil nga nag-e-enjoy siya sa panonood ng bawat kilos ng mga tao sa paligid niya, hindi na niya namalayan ang paglapit ng dalawang lalak isa kanya.
Walang sabi-sabi na tinakpan ng kung ano ang bibig niya at para siyang sako ng bigas sa gaan na binuhat ng mga ito ng walang ingay at komosyon na nangyari.
Walang kamalay-malay ang mga kasamahan niya na natangany siya ng dalawang hindi nakikilalang mga kalalakihan at ipinasok sa isang SUV. Tamang-tamang pagsara ng pinto ng SUV ay may sumigaw na babae.
"Saklolo! Saklolo!" Sigaw nito. Tamang-tama namang nakabalik na si Mang Isidro para sunduin na si Maine ngunit wala ang dlaaga doon.
"Ano po ang nangyari?" Tanong nito sa babae. Kahit na nalilito at hindi mainitndihan kung bakit wala sa pinag-iwanan ang dalaga.
"Yung babae pong nakaupo dito kanina ay binitbit ng dalawang lalaking naka-bonet!" Natataranta nitong sigaw. Kinabahan si Mang Isidro.
"Boyet!" Tawag nito sa binatilyo na taman-tamang papalapit sa kanila. "Ang Ate Maine mo, kinidnap!" Sigaw niya. Naalarma ang mga kasamahan nila, mabilisn a pumaikot kay Mang Isidro.
"Isidro, wag kang magbibiro ng ganyan. Hindi nakakatawa!" Singhal ni Aling Coring.
"Coring, hindi ako nagbibiro. Sabi nitong babae ay kinuha daw dalawang lalaking naka-bonet ang babaeng nakaupo dito." Turo nito sa maliit na sementong nakausli sa gilid. "Si Maine lang naman ang nakaupo ito. Nandito pa ang bag niya." Dugtong pa ni Mang Isidro, napasapo sa dibdib si Aling Coring.
"Diyan nga po nakaupo si Ate, Nay. Nadaanan pa namin siya kani-kanina lang." Pagsang-ayon ni Boyet sa ina.
"Diyos na mahabagin. Sino naman kaya ang kukuha sa batang yun?" Tutop ni Aling Coring ang dibdib, sabay na napaantada.
Mabilis na kumilos si Mang Isidro at tinawagan ang abogado. Nakailang ulit pasiya ng pagtawag bago ito nasagot ni Ryan.
"Atorni, may masama po akong ibabalita." Panimulani Mang Isidro. Si Boyet, Helen at Agatha ay nagsimula nang mag-ikot para magtanong-tanong kung may nakita ba ang mga ito, naiwan si Biboy sa ina.
Sa di kalayuan, nagkataong may isang reporter na nakasaksi at nakarinig ng lahat. Naging alerto ito dahil sa pangalang nasambit. Mabilis itong kumilos para makakuha ng impormasyon.
SA MANILA...
"Nay, kailangan nating sumunod sa Palawan." Seryoso ngunit malumanay na sabi ni Ryan sa asawa. Nagising siya sa tawag ni Mang Isidro.
"Bakit?" Pupungas-pungas pa ito ngunit bumangon din.
"Nawawala si Maine." Mahinang sagot ni Ryan. Mabilis namang lumingon ang asawa sa kanya.
"Nawawala? Na naman?" Saad nito, himig dismayado para sa alaga.
"Hindi nawawala as in naglayas. She's been kidnapped." Tuluyan nang nagising ang diwa ni Judy.
"Oh my God, Tay. Call Kuya, have mobilized his people. AHve him someone in Palawa before we could get there." Sunod-sunod na utos ni Judy sa kanya. Napapailing na lang siya.
"I will do all that, while changing. What I need you to do is call Mang Isidro." Utos niya sa asawa na nakangiti. Tinaasan siya nio ng kilay. "Calm him down dahil baka atakihin sa puso ang isang yun at mahirapan lang sila Aling Coring." Laglag ang balikat sabay buga ng eksaspiradong hininga.
"Okay. Let me change and I will call him." Saad naman nito. "Or better yet, let me call him while I'm changing." Dugtong pa ni Judy at nagmadali nang gawin ang dapat na gawin.
Wala pang kalahating oras ay tapos at handa na silang mag-asawa. Mabilis na silang bumaba at sumakay ng kotse, sa airport na lang sila hihintayin ni Luke. Napapitlag pa si Ryan nang biglang tumunog ang earpiece niya, sinagot niya ito.
"Ryan, ano na ang balita? Nasa airport na ba kayo?" Tanong ng lalaking tumawag sa kanya.
"Wala pa. Papunta pa lang." Malamig niyang sagot. "Wag kang mag-alala, nakatawag na ako kanila Kuya sa Crame. Nakapagpadala na siya ng tao doon." Dugtong pa niya. Pakiramdam ni Ryan ay matutuyuan siya ng dugo sa nangyayari sa alaga.
Kung bakit naman kasi hindi pa niya sinabi kay Maine ang plano? Bakit niya hinayaang maiintindihan ni alaga ang mga ginagawa niya ng walang eksplanasyon? Minsan gusto din niyang sapakin ang sarili.
Matalino siyang tao pero minsan kulang siya sa pagpapaliwanag sa iba kaya kadalasan nahuhulog sa pagtatalo at pagkawalang-tiwala ng iba sa kakayahan niya, katulad na lang na bago mawala ang Kuya Ted at Ate Anna niya. Kung ipinaliwanag niya ng maayos ang maaaring mangyari kung mamadaliin ang pagkakaayos kay Hercules noon, disin sana ay hindi nangyari ang aksidenteng yun.
"Bakit kailangang magpadala ng tao doon?" Tanong nito. Napalingon si Ryan kay Judy na parang ito ang kausap niya.
"At bakit hindi?" Maanghang niyang tanong. Naiinis siya, na-kidnap ang alaga niya, tapos itong kausap niya ay parang tutol pa yata sa ginawa niya.
Tumawa lang kausap ang niya. Napailing na lang siya. Parang hindi apektado ang taong ito.
"Kung hindi ka apektado sa pagkakadukot sa alaga ko, pwes ako ay apektado." saad niy asabay patay ng tawag.
"Apektado?" Tanong ni Judy. "Ngayon ka pa naging apektado. Kung sinabi mo na lang ba diyan kay Menggay ang mga plano mo kesa ipinasekre-sekreto mo pa, eh di sana nakakapag-ingat siya, eh hindi eh. It seems like it would kill you to at least explain a little." Inis na saad ni Judy. Inirapan siya nito at sa labas na ng bintana tumingin na para bang nakikita nito ang nadadaanan sa dilim.
Nakarating sila ng airport nang walang naging sagabal, walang trapik at walang abala. Ipinark ni Ryan a long term parking area ang kotse at nagmadali na silang dalawa ni Judy na tinungo kung saan nakahimpil at naghihintay Luke at Sidney.
Tahimik man ay nag-aalala si ryan sa maaaring mangyari kay Maine. Hindi niya alam kung ang kampo ba ni Alfred Richards ang nagpa-kidnap kay Maine o ang kampo ni Gene Montenegro. Paano kung si Valeen ang may gawa ng lahat? Hindi malayong mangyari yun di ba?
"HUY! Ayusin mo nga ang pagkarga diyan." Singhal ng lalaki sa kasama.
"Alam mo, Gago ka. Kung ikaw kaya ang magbuhat nito!" Mahina nitong singhal.
"Ilapag mo kasi diyan, malamabot naman ang upuan na yan." Paasik na utos nito. Naramdaman ni Maine ang paglapag sa kanya ng lalaki, maingat ito at sinigurong pang komportable siya.
"Ang gago mo rin eh 'no?" Singhal ng lalaki sa kasama. "Pwede mo naman akong tulungan sandali para maiayos ang higa nun, gago!" Dugtong pa nitong pinakikinggan niya lang, nakaupo pa rin ito sa tabi niya para bang hinaharangan siya nito na wag mahulog.
"Sasapakin na kita eh. Puro ka reklamo tapos mabilis ka pa sa alas kwatro kumobra ng bayad." Umamba pa ito na parang ngang mananapak. Umiwas naman ang lalaking nasa tabi ni Maine.
Gising na siya, kanina pa sa van. Narinig niya ang lahat ng pinag-uusapan ng dalawa, gayun pa man ay hindi niya naramdaman na nasa panganib siya. Parang hindi naman nakakatakot ang mga taong kumuha sa kanya, maingat pa nga ang pagkarga sa kanya kanina. Ngayon, nakikinig at nakikiramdam lamang siya.
"Hindi ako nagrereklamo, Mang Jimmy, ang sa akin lang naman, ayaw ko lang mapilayan o mahirapan ito dahil tayo rin yari." Pagrarason nito.
"Pasensiya ka na, Ric. Kinakabahan lang kasi ako eh. Paano kng naabutan tayo nung mga kasama nito kanina. Isipin mo, makukulong tayo dahil lamang sa gustong mangyari ng amo ko." Pahayag naman nito. Napaisip tuloy si Maine; Sino ang amo?
"Bakit kasi pina-kidnap pa ito ng Boss mo at idinamay mo pa ako na nananahimik sa bahay? Bakit hindi na lang niya pinuntahan ito doon? Bakit hindi na lang siya ng gumawa nito?" Parang malungkot itong nagtanong, bumungtong-hininga pa ito. Naguguluhan talaga siya.
"Ay ewan ko nga ba." Sagot naman ng isa.
Bahagyang idinilat ni Maine ang kanyang mga mata ngunit bigo siyang makita ang mga mukha ng dalawang lalaki dahil nakatalikod ang mga ito. Gusto sana niyang umupo ng maramandaman niya
"Ang ganda pa naman ni Mam tapos ginaganito lang ng Boss mo. Wala ba siyang awa dito, Kuya Jimmy?" Mabilis na ipinikit ni Maine ang mga mata ng lumingon sa kanya ang lalaking nakaupong paharang sa tabi niya.
"Wag ka nang maingay, Ric. Gawin na lang natin ito at ang sabi ay iiwan lang natin siya sa bungalow at aalis na rin tayo kaagad." Pahayag nung lalaking tinawag na Kuya Jimmy.
Muling nagdilat ng bahagya ng mga mata niya si Maine. Nataimik na ang dalawa. Nagmamaneho ng lantsa si Jimmy at nakaharang naman itong Ric ang pangalan.
Muntik na siyang mapapiyok nang umangat ng bahagya ang lantsa dahil sa lai ng alon. Doon niya lang napagtantong nasa dagat pa sila. Kung saang bahagi ng Palawan ay hindi niya alam.
Ayaw niyang gumising dahil baka mataranta ang mga lalaki at saktan siya, ayaw niyang mapahamak ang sarili at ang batang dinadala. Ipinikit na laamng niya ang mga mata at tahimik na naghintay ng pagdating nila sa paroroonan.
"Mam, pasenisya na po." Naalimpungatan si Maine sa boses ng lalaki. Nagdilat siya ng mga mata.
"Sino ka?!" Mabilis at madiin niyang tanong nang hindi nakasigaw.
"Ako po si Ric. Pasensiya na pong knuha namin kayo ng sapilitan, napag-utusan lang po kami." Napanganga si Maine sa pahayag ng lalaki. Humihingi ito ng paumanhin. Hindi tuloy niya alam nag sasabihn.
"Mam, tutal gising naman na po kayo, kayo na lang po ang pumunta sa bungalow na yun." Turo nung Jimmy sa maliit na bungalow sa ilalim ng amlaking puno sa di kalayuan sa kanila.
Nakasamap na ang lantsa sa baybayin isla. Inilibot niya ang paningin sa paligid, walang ibang bahay at malalayo ang ibang mga isla dahil ang liliit ng tingin niya dito. Bahagyang mataas na ang araw at nakaramdam na rin siya ng gutom.
"Mam.." Nataw si Ric sa kanya. "Gutom na po yata kayo, kasi nagrereklamo na po ang bituka n'yo." Dugtongn ito. Napangiti na rin si Maine, sinapo ang tiyan.
"Mam, tumuloy na po kayo, kanina pa po naghihintay si Sir sa inyo." Nakangiti ni Jimmy sa kanya. Napansin ang kapilyuhan sa mga ngiti nito, nagtaas siya ng kilay.
Hindi alam ni Maine kung ano ang sasabihn, kung gagalaw ba siya, o lalangoy pabalik sa kung saan siya galing gayung hindi niya alam kung nasaan siyang parte ng Pilipinas.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog kanina at dahil napakaaga nga silang nagising kanina, antok na antok siya. Idagdag pa na walang ginawa ang dinadala niya kundi patulugin siya.
Hindi naman mahirap ang pagbubuntis niya, hindi rin sila masilan sa pagkain, yun nga lang at napaka-antukin niya. Hindi katulad ng paglilihi ni Agnes. Halos lahat na yata ng pahirap ay dinanas nito, nagsusuka sa umaga, tanghali at gabi. May maamoy lang na hindi nakursunadahan ng bata ay nagsusuka na ito. Maselan pati ito sa pagkain atpalagi din itong nahihilo.
"Kung tutuloy ako sa bahay na yan, alam kong hindi na ako makakalabas diyan ng buhay." Wala sa loob niyang sabi. Napailing lang si Jimmy.
"Mam, pramis ko po sa inyo, hindi mangyayari yan. Gusto lang po kayong makausap ng amo ko." Pahayag ni Jimmy. "Kunghindi po kayo magkasundo sa pag-uuspan ny'o, ako pa rin ho susundo sa inyo dito at maghahatid sa iyo kung saan ka namin kinuha." Paliwanang nito. Gusto niyang paniwalaan ito pero hindi magawa sa isip at sarili niya.
Sapilitan siyang kinuha ng mga ito. Ano ang pwede niyang panghawakan na nagsasabi ito ng totoo? Paano siyang maniniwala?
"Ma'am, kung nag-aalala po kayong nagsisinungaling kami, alam na po ng pamilya n'yo kung nasaan kayo. Kapag hindi po namin kayo naibalik bukas, sila po mismo ang pupunta dito para kunin kayo." Turan ni Ric. "Buhay po kayong makukuha ng pamilya n'yo." Dugtong pa nito ng tumaas ang kilay niya. Umupo siya panandalian. Mukhang nanlambot ang mga tuhod niyang napapangiti.
Naalala niya nung kinidnap niya si Alden sa araw ng kasala nito. Ganito din siguro ang naramdaman ni Alden nung kinuha niya ito ng sapilitan. She just outsmarted him kasi nga hindi niya ito kaya kung lakas at laki ang pagbabasihan.
"Mam..." Panimula ni Jimmy. Itinaas niya ang palad para patahimikin ito.
"Alam ko. Pupunta na ako doon." Pagalit niyang sabi. "Atat lang, mga Koya?!" Dugtong pa niya sabay baba ng latsa. Aasistihan pa sana siya ni Ric dahil ito malapit sa kanya, tinabig niya ang kamay nito.
"Kaya ko na, Koya. Hindi ako lumpo!" Singhal niya sa dalawa. Ngayon nagugutom iya at hahara-hara ang dalawang ito sa dadaanan niya, baka ito ang maging almusal niya. "Buntis lang ako, hindi ako inutil at hindi rin ako lampa!" Dugtong niya. Nandilat ng mga mata ang dalawang lalaki na parang nakakita ng multo dahil namutla rin ang mga ito.
"Buntis po kayo?" Manghang tanong ni Jimmy.
"Naku mam, sorry po kung na-stress namin kayo." Mabilis na salo ni Ric. Napailing si Maine. "Anong kalseng kidnappers kayo?" Mataray niyang tanong sa dalawa at tinalikuran na. Mabilis at padabog siyang naglakad.
"Mam, konting ingat naman po!" Sigaw ni Ric.
"Tse! Ingat mong mukha mo!" Singhal niya dito na hindi man lang nililingon ang mga ito. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad papalapit sa bongalow.
Kung sino ang maabutan niya sa bahay na yan ay paniguradong makakatikim sa kanya. Kahit maliit siya ay lalaban siya ng ngipin sa ngipin. Sasapukin niya talaga kung sino itong lapastangan na nagpa-kidnap sa kanya. Huminga siya ng malalim bago pa muna kumatok.
"HOY! KUNG SINO KA MANG LAPASTANGANG GUMAWA SA AKIN NITO, LUMABAS KA AT HARAPIN MO AKO!" Gigil na gigil niyang sigaw. Halos maputol ang litid niya sa leeg sa kanyang pagsigaw. Nakaramdam din siya ng matinding kaba na hindi niya pinansin dahil galit siya ngayon.
Napaatras siya nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at nakangiting bumungad sa kanya ang taong nakatira dito.
"Hi, my love."
------------------
End of MBG 27: My Love
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
03.13.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Otor: Malapit ng matapos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro