MBG 25: Out Of Here
🚫 UNEDITED 🚫
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper
"Out Of Here"
♡♥♡♥♡♥♡
"ANO ba ang plano mo, Maine?" Tanong ni Mang Isidro. Halata sa tinig nito ang kaba. "Minsan ka nang nagplano, nak. Ikinapahamak mo na ito." Mapag-alala nitong paalala. Mapait at makahulugan siyang ngumiti.
"Sila na ang mapapahamak sa plano ko ngayon." Nagdilim ang mukha ni Maine. Kita ng mga kasamahan niya ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya.
"Diyos kong mahabagin. Maine, ano ba ang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ni Aling Coring. Nilingon niya ito at tinapunan ng walang kabuhay-buhay na titig. Napalunok si Aling Coring at napaantada ito ng wala sa oras.
"Aling Coring, siguro naman hindi mapapahamak si Maine ngayon, kasama na niya tayo eh." Maingat na turan ni Agatha. Napabuntong-hinga si Mang Isidro.
"Pabalik na rito si Atorni Ryan, Meng." Matamlay nitong saad.
"Agnes, damit." Nakalahad ang palad niya. Walang nagawa ang dalaga kundi iabot sa kanya ang pamalit niya sana bukas. "Ito, isuot mo ito." Utos niya sabay abot ng sariling damit kay Agnes.
"Ano ang plano mo, Maine?" Tanong ni Aling Coring, nag-aalala. Tinitigan niya ang ginang at makahulugang ngumiti.
"Maine, nakakatakot yang mga ngiti mo." Puna ni Agatha. "Parang hindi magandang balak eh." Dugtong pa nito.
"Meng, ano yang iniisip mo?" Tanong ni Helen sapo ang dibdib, kinakabahan.
"Ang o-OA n'yo naman." Sabat ni Agnes na tatawa-tawa. "Hindi ba pwedeng masaya na siya ngayon?" Dugtong pa ng dalaga na nagpabungisngis kay Maine.
"Mang Isidro, alam mo na ang gagawin mo." Sabi niyang hindi na nilingon ang matanda. Mabilis na pumasok si Maine sa banyo.
Napapailing na bumuntong-hinga na lang si Mang Isidro. Kilala nito ang alaga, kesa kontrahin ito, mas mabuti pang sabayan na lang. At least, nakikita niya ang ginagawa nito.
"Yari na naman ako nito kay Atorni." Wala sa loob na nasambit ng lalaki.
"Mang Isidro, ano po ang ibig sabihin ni Maine?" Tanong ni Agnes.
"Hay naku Ineng." Panimula ni Mang Isidro. "Mamaya ko na ipapaliwanag. Sumakay na lang kayo." Dugtong pa nito.
Hindi pa man nakakagalaw si Mang Isidro at biglang bumukas ang pinto. Sabay-sabay pa silang napalingon dito. Humahangos na pumasok ang isang nurse. Nagulat man ay nakahinga pa rin sila ng maluwag ang lahat lalong-lalo na si Mang Isidro. Nasa banyo si Maine, kasalukuyang nagbibihis.
"Aling Coring, Mang Isidro, pinapasabi po ni Atty. Ryan na ilabas n'yo na daw po si Ms. Maine, ngayon na." Mabilis nitong salita. Kilala na nito ang dalawang nakatatanda. Nagsalubong ang kilay ni Mang Isidro.
"Ilabas si Ma'am Maine? Nasaan si Atorni? Kasama na niya si Ma'am Maine? Akala ko ba siya ang maglalabas sa alaga ko?" Nagkasalubong din ang kilay ng nurse, salitan silang tinitigan nito.
"Kayo daw po ang maglalabas sa alaga n'yo." Nalilitong sabi nito.
"Ang alam namin isinama ni Atorni si Ma'am Maine kaninang umalis ito." Sabat ni Aling Coring. Nagkatinginan ang tatlong babae. Nagtataka ngunit walang may nagsalita.
Binunot ni Mang Isidro ang cellphone at tinawagan ang abogado.
"Hello?" Sagot ng kabilang linya.
"Atorni!" Mabilis nitong saad. "Hindi ba ninyo kasama si Ma'am Maine?" Dugtong pa nito.
"Mang Isidro, wag kayong magbibiro." Seryoso at halatang galit nitong sabi.
"Atorni, ang alaga ko ang pinag-uusapan natin dito. Nagliligpit kami nila Aling Coring ng mga gamit niya dito para dalhin na pauwi dahil ang akala namin ay kasama na ninyo siya." Direktang sabi ng matanda kahit kinakabahan.
"Hintayin n'yo ako. Pabalik na kami." Sabi nito sa kabilang linya.
Nagpatay na si Mang Isidro ng tawag. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Maine. Hindi rin kumikibo ang mga babae.
Nagpatuloy lang ito sa pagliligpit ng mga gamit at mga natirang pagkain at isa-isang inilagay sa mga bag at cubby na dating pinanglagyan ng mga ito.
Muling tumunog ang cellphone ni Mang Isidro. Tahimik nitong sinilip ang mensaheng dumating at pabalewalang ibinalik sa bulsa ang cellphone at hinarap ang nurse.
"Ma'am, kayo na lang po ni Atorni ang mag-usap mamaya. Paparating na po siya." Yun lang ang sinabi nito at hinarap na si Agnes.
"Agnes, paki likom ng mga gamit ni Maine sa banyo. Kami na ang bahala dito. Magbihis ka na rin." Utos nito sa dalaga. Mabilis din namnag kumilos ito at pumasok kaagd sa banyo. Bahagya pang iniwang nakaawang ang pinto. Mayamaya ay isinara na niya.
"Guard!" Sigaw ng nurse. "Nakalabas ang pasyente!" Dugtongn ito. Nagkagulo sa labas. Umalis na nag nurse at nakasunod ang mga guard, kasunod din ang mga reporters.
"Mang Isidro, tapos na po kami." Sabi ni Agatha, siya namang labas ni Maine sa banyo. Nakapusod ang buhok nito.
"Mang Isidro, nakausap ko na po si Tito Ryan. Pagkagaling natin dito, dumiretso na daw tayo sa bahay ko. Nasa baba ang company van, naghihintay na rin sa atin si Betty." Nakangiting saad ni Maine.
"Meng, ayos ka lang ba, hija?" Nag-aalalang tanong ni Aling Coring. Ngumiti dito si Maine.
"Ayos lang po. Maraming salamat sa inyo." Saad niya. Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Tito, pero tama si Agnes, kailangan kong maghintay." Saad niya sabay buga ng hanging hindi niya alam na naipon sa dibdib niya. "Maghihintay po ako. At sana po samahan n'yo ako." Sabi niyang nasa mga babae ang tingin. Ngumiti si Aling Coring.
"Syempre naman. Tatawag lang ako sa anak ko para alam niya kung nasaan ako." Tumango si Maine sa matanda.
"Aling Coring, basta wag n'yo munang sasabihin sa anak n'yo kung nasaan talaga kayo." Pagpapaalala ni Mang Isidro. Tumango ito.
"Makakaasa kayo, Mang Isidro." Sagot naman nito.
"Maine, kahit saan mo pa ako dalhin, total wala namang maghahanap sa akin." May lungkot man sa tinig ni Helen ay nakangiti naman ito.
"Ganun din ako, Maine." Sabat ni Agnes.
"Kahit saan ka pa makarating basta kaya kitang samahan, sasamahan kita." Madamdaming saad ni Agatha. Napangiti si Maine.
Ano pa ang hinihintay natin? Tara na." Nagpatiuna siyang lumapit sa pinto. Nakangiting nagkatinginan ang tatlong babae, habang napapailing si Mang isidro at Aling Coring.
"Parang nagdahilan lang ang lungkot ni Maine." Puna ni Aling Coring.
"Naku, ganyan talaga ang batang yan lalo pa nung nabubuhay pa ang mga magulang niyan. Masayahin, masigla at mapagmahal si Maine. Naging malungkutin lang ito simula nung bumagsak ang pribadong eroplano ng pamilya sa pagitan ng Batangas at Mindoro." Kwento ng matanda habang isa-isang binibitbit ang kayang bitbitin.
"Saan galing? Sa New York?" Tanong ni Aling Coring.
"Yan ang sabi, pero pinaniniwalaan ni Atorni na may iba pa silang pinuntahan bago tumuloy ng Pilipinas." Sagot ng matanda. Tahimik lang si maine na nakikinig.
"Para palang inuwi ng mga magulang niya ang buhay nila pabalik dito sa Pilipinas." Waal sa loob na sabi ni Aling Coring palabas ng kwarto.
Wala na silang imikan hanggang sa nakababa sila ng fire exit. Pagdating sa baba, imbes na papasok ng lobby, sa kabila silang pinto lumabas sa pangunguna ni Mang Isidro. Mabilis nitong pinapasok sa van na naghihintay sa kanila.
"Hi, Meng." Bati ng nakangiting babae na nakasalamin.
"Long time, no see, Ate Betty." Bati ni Maine dito.
Nang makasakay na ang lahat ay isinara na ni Mang Isidro ang pinto at sa frontseat na ito umupo. Bago pa sila tuluyang makaalis sa parking lot ng hospital ay nakita pa nila ang pagdating ng kotse ni Atty. Ryan, kasama si Judy.
"Mang Isidro, paki text si Tito na didiretso kay Sidney." Tumnago ang matanda sabay hugot ng cellphone.
'Hindi ka na magre-regular flight?" Tanong ni Betty. Umiling siya.
"Hindi na Ate. Mukhang magiging magulo na ang lahat." Malungkot niyang sagot. Tumango-tango lang ito kahit hindi na nakita pa ni Maine.
"Saan tayo didiretso? Sabi ni Atorni sa malaking bahay daw." Puna ni Aling Coring. Nagkatinginan si Maine at Mang Isidro.
"Sa malaking bahay nga po." Sagot naman niya.
"Bakit kailangan si Sidney?" Muli nitong tanong . Kilala na ng mga ito si Sidney kaya nagtataka ang mga ito. Nagkatinginan lang muli si Mang isidro at Maine, ganun din kay Betty at ngumiti.
"You'll see." Seryosong sagot ni Maine. Hindi na kumibo ang lahat.
Nasa harap ng dalampasigan si Maine ngayon, nakatitig sa malawak na laot. Maganda ang silay ng araw, hindi mainit, hindi rin makulimlim. Banayad naman ang simoy ng hangin na nanggagaling sa katimugan.
Malalim ang kanyang iniisip na puro lang naman si Alden at kung ano ang nangyayari sa kamaynilaan. Malayo ang naabot ng mga tingin niya. Kung pwede nga lang sana na sa dulo ng kalatagan ay makikita niya ang binata.
Wala sa loob na hinimas ang tiyan. Pitong linggo na ang sanggol sa sinapupunan niya. Nakakadalawang araw pa lang sila rito sa pinakadulong bahagi Palawan. Akamang uupo na siya ng marinig ang tinig ni Helen.
"Maine! Maine!" Nagulat siya at mabilis na napalingon sa natatarantang boses ni Helen. Humahangos itong papalapit sa kanya.
"Helen?! Anong nangyari?" Napahawak siya sa kanyang tiyan.
"Si Atorni! Nasa TV!" Sambit nito. Mabilis siyang lumakad patungo sa bahay na inuupahan nila. Last minute na nagdesisyon si Maine na hindi sa bahay ng mga Lolo niya sila titigil pansamantala.
"Bakit?! Anong nangyari kay Tito?" Kinakabahan niyang tanong habang mabilis ngunit maingat na naglalakad.
"May nagwawala na lalaki, may nabaril tapos may nasuntok, ewan ko. Di ko sila kilala. Si Atorni lang ang kilala ko." Nilingon niya pa ito. Hinihingal itong tunay, ganun din siya. Kaya nang makarating sa bahay ay dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig.
"Mang Isidro, anong nangyayari?" Tanong niya sa matanda. Naabutan pa niya ang balita. Isang ambulansiyang papaalis ang kanyang naabutan, tatlong pulis car at maraming tao.
"Inaresto ang anak ni Alfred Richards kahapon ng hapon sa bahay ng mga ito sa Forbes. Ganun din ang nangyari sa bahay ng mga Montenegro sa White Plains, inaresto rin si Valeen." Kwento ni Mang Isisdro na sa TV nakatingin. Tinitigan ni Maine ang inuulit-ulit na news footage.
Parang kinurot ang puso niya nang makitang nakaposas si Alden at nakikipag-agawan ang ama nito sa braso nitong hawak ng mga pulis, pilit na inaalis. Kahir nababalutan na ng balbas ang kalahating bahagi ng mukha ni Alden ay nakikita pa rin ang walang tulog at pagod ito.
"Ay wow." Sambit ni Agnes na kalalabas lang nito galing kusina, bitbit ang isang plato ng mangga na may baging gisang bagoong alamang. "Yan ba ang tatay ng anak mo, Maine?" Tanong nito sabay lapag ng pinggan sa harap niya. Tumango siya na hindi nagsasalita.
"Ang pogi naman niya." Wala sa loob na puna ni Helen.
" Oo nga, Maine. Kahit nababalot ng bigote at balbas ang kalahati ng mukha pero kitang gwapo pa rin." Sang-ayon ni Agatha.
"Sana all." mabilis namang sabat ni Agnes.
"Bakit, pogi din naman si Redublado kahit manyak ah." Natatawang sabi ni Agatha. Binato ni Agnes ng nakamamatay na tingin si Agatha. Natawa naman si Helen, Mang Isidro at Aling Coring.
"Pwede ba Agatha, kung gusto mong respetuhin kita, don't use bad words!" Singhal nito na lalong napaihit ng tawa ng mga kasamahan maliban kay Maine na nakatutok ang mga mata sa TV, walang reaction.
"May bad words-bad words ka pang nalalaman." Sabi ni Agatha sa pagitan ng pagtawa.
"Maine, ayos ka lang ba?" Tanong ni Helen. Tumango siya.
"Ayos lang ako." Sagot niya. "Parang ang hirap lang intindihin ang mga nagyari at nangyayari." Humugot siya malalim na paghinga at umupo sa tabi ni Mang Isidro.
Simula ng dumating sila dito ay hindi na siya iniwanan ng lima. Palagi siyang sinasamahan kahit minsan lang, maliban na lang kung siya naliligo o nagbabanyo kaya masaya siya sa mga bago niyang kakilala. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit naaresto si Valeen.
"Mang Isidro, bakit daw po naaresto si Valeen?" Baling niya sa butihing katiwala.
Hindi niya kasi naabutan ang bahaging yun, at nung inulit-ulit na ang news footage, ang pagkakaaresto ni Alden ang pinapakita.
"Ang sabi kanina ng reporter, si Ma'am Valeen daw po ang mastermind ng pagpapakidnap kay Sir Alden at wala daw kasalanan yung babaneg unang napabalitang kumidnap dito." Kwento ni Mang Isidro. Mabilsi niya itong nilingon.
"Ang ibig n'yong sabihin ..." Hindi natuloy ni Maine ang sasabihin, tumango-tango si Mang Isidro.
"Hindi ko alam kung paanong nangyari. Inilabas na rin sa publiko na isang taon na siyang may asawa kaya galit na galit ngayon si Montenegro." Sagot nito, natahimik siya.
Hindi niya alam ang iisipin at sasabihin. Itinikom niya ang bibig. Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isip, katulad na lang ng; kung totoo ba ang lahat nang sinasabi sa balita. Kung totoo bang nalulungkot ang kaibigan para sa kanya.
SA MANILA...
"Atty. Ryan, hindi ako hihingi ng abogado. Kung ito ang gusto n'yong mangyari ay gagawin ko." Matiim na sabi ni Alden.
"Mr. Richards, akala ko ba ang-usap na tayo?" Mahinahon man ang pagkakasabi ni Ryan ay may diin at halatang frustrated na ito.
"Yes, we did." Maikling sagot ni Alden. Napayuko si Atty. Ryan.
"Anak ka nga ni Alfred Richards." Tumuwid ito ng upo, hindi alam kung ang gagawin at sasabihin pa sa kanya. "Fine. Do what you want to do. Wag ka lang sanang magsisi na walang makikilang ama ang anak mo. Gayun pa man, iiwan ko dito si Atty. Regalado para sa iyo." Hindi siya umimik dahil may sarili siyang plano.
"Hindi ko kayo kailangan." Matigas niyang pagkakasabi kahit hindi naman nakasigaw at hindi rin nakatingin sa mga kaharap. Nakatutok lang ang kanyang paningin sa dulo ng lamesa.
"Mr. Richards, hindi mo man kami kailangan, pero kayo? Kailangan kayo ni Ms. Maine." Nag-angat siya ng tingin dito. Parang bigla siyang binuhusan ng malalmig na tubig. Tumayo na si Ryan.
"Aalis ako. Mula sa araw na ito, Mr. Richards, wala na tayong ugnayan. Mula sa araw na ito Atty. Regalado, siya na ang boss mo." Tumalikod na ito. Tanging likuran na lamang ang nakikita niya hanggang sa nawala na ito sa pinto ng visitation area.
"Mr. Richards, alam kong ikaw ang may gustong magtigil dito kaya hindi kita pipigilan. Sabihin mo sa akin ang kasunod kong gagawin at gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng bente-kwatro at matutupad." Bahagyang kinalibutan si Alden sa pagbibitaw ng salita ni Atty. Regalado. Napangiti siya pagkatapos, may naisip.
"Gusto kong lumabas." Turan niya. Alam niyang hindi mangyayari ang gusto niya dahil sa lakas ng abogado/conservator ni Maine na si Atty. Ryan Agoncillo. Ngumiti ito ng makahulugan.
"Consider it done." Saad nito. Tumayo, yumukod ito sa kanya at tumalikod na wala nang sinabi pa.
Napabuntong-hininga siya at napapailing. Gaano ba kalakas ang impluwensiya ng isang Atty. Ryan? Naisip niya.
Maya-maya ay nilapitan na siya ng jail warden para ibalik sa kanyang selda. Tumayo siya at bumuntong-hinga.
We'll see what happens next, Alden.
------------------
End of MBG 25: Out Of Here
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~AWP Writers~ 💖
02.27.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro