Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MBG 24: The Plan


♡♥♡♥♡♥♡

My Beautiful Groom-napper 24

"The Plan"

♡♥♡♥♡♥♡










"FINE!" Singhal nito. "I am charging him with rape!" Galit na dugtong pa nito.

"RAPE?!" Sabay-sabay na sambit ng lahat, kasama na si Judy. Napaupo si Maine mula sa pagkakahiga.

"Tay, what do you mean? How did it get to that point?" Sapo-sapo ni Judy ang dibdib. Kinakabahan para sa anak-anakan. "Tay, I know Maine is very precious to both of us pero bakit kailangan namang kasuhan siya at ipakulong?! Paano na lang ang bata?! Wala itong makikilalang ama?!" Tuloy-tuloy na litanya ni Judy. Nagkasalubong ang kilay nito at galit.

"Nay, alam ko ang ginagawa ko." Mahigpit na sagot ni Ryan.

"Do you, Tito Rye?" Matiim na tanong ni Maine, namumula ang mga mata at ilong. Ilang sandali na lang at babagsak na ang kanyang mga luha.

"Yes, I do." Sinalubong ni Ryan ang mga titig ni Maine. Hindi naman siya magpapatalo sa ama-amahan.

"How could you cry wolf?!" Matigas niyang tugon. Galit na siya, galit na galit, pero pinipigil lang ang sarili dahil iniisip ang dinadala.

"I am not crying wolf, Maine. I am protecting you!" Pahayag nito. Nagsukatan sila uli ng tingin. Nag-aalala na si Judy. Maging ang mga kaibigan ay ganun din.

"Meng, siguro magandang pakinggan muna natin si Atorni kung bakit yan ang naging desisyon niya." Sabat ni Mang Isidro. Hindi nagpatinag si Maine.

"Oo nga, Meng. Baka naman may ibang plano si Atorni, kaya magandang pakinggan muna natin siya." Pagsang-ayon ni Aling Coring.

"Plano? Anong plano? Ang alisan ng ama ang magiging anak ko?" Nabasag na ang boses ni Maine kaya napapikit na lang si Ryan. Humugot ito ng malalim na hininga at maragsang bumuga.

"Sa ngayon ay hindi ko maipapaliwanag sa iyo kung ano ang plano ko, masyado pang komplikado. Ang gusto at hiling ko lang mula sa iyo ay pagkatiwalaan ako. Trust in what I'm doing." Malumanay na paliwanag ni Ryan.

Laglag ang balikat na tumingala si Maine sa pagpipigil na wag umiyak.

"Halika. Maupo ka dito." Nakipagpalit si Agnes ng upuan sa kanya. "At least ito ay recliner, makakapag-relax ka." Dugtong pa nito.

Dahil pagod at suko na si Maine, nagpatianod na lang si Maine. Inabutan siya ni Mang Isidro ng mineral water.

"Teka Tay, sinabi mo kanina na kailangang umalis ni Maine dahil kay Alfred at Gene, bakit?" Tanong ni Judy. Humugot muli ng buntong-hininga si Ryan.

"Mang Isidro, paki bigay nga sa lahat ang dala nating pagkain at prutas." Utos ni Ryan.

Mabilis namang kumilos si Mang Isidro, ganun na din sila Aling Coring. Mabilis silang nagtulungan dahil gusto rin nilang marinig ang lahat.

Nakapagkwento na rin minsan si Mang Isidro sa apat na babae kung bakit napadpad si Maine sa liblib na panig ng Batangas.

Sa dinami-dami pa ng lugar sa Pilipinas, sa Tabangao pa siya napadpad. Sa lugar na ito siya ipinatapon ng isang Alfred Richards.

Mabilis at tahimik na inilapag ng mga ito ang merienda sa maliit na lamesita sa gitna ng malaiit na sala set.

"Tay, ikwento mo na sa amin para kung sakali mang magkagulo at magkaipitan, may alam ang bawat isa dito sa kanila, lalo na si Mang Isidro." pahayag ni Judy. Tumango si Ryan.

"Panahon na nga sigurong mailabas ang lahat." Sinundan ng malalim na pagbuntong-hininga.

"Tito Rye, may kinalaman ba yan sa paglayo nila Lolo at Lola sa Pilipinas noon?" Matiim na tanong ni Maine. Napatitig si Ryan sa kanya.

"Ano ang alam mo, Maine?" Tanong ni Ryan. Umiling si Maine.

"Nothing really much. It's just that, Lolo has to take Lola away because she was so sick while she's pregnant with Daddy. Lola said, she has to leave the country dahil nagkakagulo na." Sagot niya. Tumango-tango si Ryan.

"It was a chaos back then, political and personal." Sumandal si Ryan at umayos ng upo.

"Does the personal issue include Kuya Ted or Ate Ana?" Tanong ni Judy. Nagkatinginan ang mga naroroon, ngumiti si Ryan ng makahulugan.

"Yes and no." Sagot niya. "Una, malalim ang pinagmulan ng kasunduang kasal na namagitan kay Alden at Valeen, at hindi uupo si Gene at Alfredo nang walang gagawin. Malaki ang mawawala sa kanila at malaki na ang nawala sa magkabilang panig nung araw na hindi sumipot si Alden sa simbahan." Nilingon nito si Maine, napayuko na lang siya. Guilty siya sa bagay na ito.

"Hindi papayag si Alfredo Richards na mas lalong mawala sa kanya kung ano ang meron siya ngayon, maliban na lang kung makita nila ang anak o apo ng isa sa tatlong matandang bumuo ng kasunduang ito." Salaysay ni Ryan. Nakikinig lamang sila.

"Atorni, mawalang-galang na nga po at ako'y makikisingit sa usapan. Ano po ba ang naging kasunduan? Narinig ko rin po yan kay Ma'am Valeen ng ilang beses simula nang hindi matuloy ang kasal nila at narinig ko rin po yan kay Mr. Richards nung ako po ay... alam n'yo na." Napatingin si Mang Isidro kay Maine. Naalala nito na hindi pa pala alam ng alaga ang nangyaring pagpapakulong nito sa kanya para hindi makatawag ng tulong.

"Simple lang naman po ang kasunduang yun kung titingnan. Ang kaibigan ni Tatay ang abogado ng tatlong matanda. Napagkasunduan nila bago sila nagsipag-asawa na ipakakasal nila ang kanilang mga anak sa isa't isa. Unang nagkaanak si Franco Montenegro ang Lolo ni Valeen, si Gene Montenegro ang naging anak, tatay ni Valeen. Ilang taon ang lumipas ay si John Albert Richards naman at si Alfred Richards ang naging anak at yan ang Tatay ni Alden at ang balita nila ay lalaki din ang naging anak ng pangatlo." Patuloy nitong kwento.

"Kaya ba sila ang ipakakasal?" Tanong ni Maine. Umiling si Ryan.

"Hindi sana. May isang munting clause sa kasunduang yun." Saad nito. "Nakasaad sa orihinal na kasunduan na kung sakaling puro lalaki ang maging panganay na anak ng tatlo, ang pinaka huling ipanganak ang siyang sasalo ng lahat ng obligasyon sa kasunduan at yun nga sana angm angyayari." Nagkatinginan silang lahat.

"Atorni, dalawa pa lang po ang napapangalanan n'yo, nasaan na po yung isa sa tatlong orihinal na nagkasundo?" Tanong ni Aling Coring. Maging ito ay naging kyuryoso na rin sa kwento.

"Walang nakakaalam kung nasaan na ang pangatlong matanda kaya nagkasundo si Franco at John Albert na ang mga anak nila ang magtutuloy na nagkataong babae at lalaki nga. Dahil gahaman si John Albert, at namana naman ni Alfredo ang ugali ng ama, pumayag ito. Hindi rin naman palalamang si Franco kaya mahigpit nitong ibinilin na wag hahanapin ang anak ng panyero nila at ipakasal si Valeen sa apo ni John Albert, which is Alden." Patuloy lang sa pagkukwento si Ryan. Nagkatinginan si Judy at Maine.

"Hon, nasaan nga ba napunta ang pamilya ng pangatlong matanda?" Tanong ni Judy. matagal na siyang kyuryoso sa hiwaga ng ikatlong tauhan sa kasunduang minana ni Ryan sa kaibigan ng tatay nito na abogado.

"Hindi ko rin kilala kung sino ang pangatlong tauhan sa kasunduang ito dahil nung ipinasa ito sa akin ng abogadong kaibigan ni Tatay at ni Kuya Ted bago pa ito atakehin sa puso ay basta ko na lang yun itinabi. Ang alam ko lang ay ito ang tinatawag nilang The Momeri Agreement. At dahil kaga-graduate ko lang noon at busy pa ako sa review para sa bar exam at hindi pa naman nga kailangan, ibinalik ko ito sa bangko, inilipat ng lock box at idineposito ko ang susi nito sa isang bangko sa New York." Pahayag ni Ryan. Patuloy lang silang nakikinig.

"The Memory Agreement? Ano yun?" Natatawang tanong ni Helen. "Ang galing naman ng pangalan ng kasunduang yan. Ang yaman ng dating." Dugtong pa nito. Napangiti si Ryan.

"Gagi, ang romantic 'ika mo." Natatawang sabat naman ni Agatha. Sinaway ni Aling Coring ang dalawa sa kakulitan ng mga ito. Natawa si Maine.

"Kaya nga hindi ko man lang binasa. Hindi ko binigyan ng pansin dahil akala ko ay kung ano lang na kalokohan ito." Sagot ni Ryan na napangiti din. Bumuntong-hinga muna ito at sumandal.

"Teka, Tay. Ano ang clause ng agreement na yun?" Tanong ni Judy.

"Ang clause ay kapag babae ang magiging apo ng pangatlong matanda ito ay ipakakasal sa unang lalaking apo. Sa kwentong ito, babae ang naging apo ng pangatlong matanda at si Alden ang panganay na apo ng tatlo." Kwento nito. Pigil hininga naman ang pito na nakikinig, naghihintay.

Tapos?" Hindi na katiis na tanong ni Judy. Napabungisngis si Agnes.

"Si Ma'am Judy masyadong excited." Patuloy ito sa pagbungisngis.

"Psst! Tumahimik ka." Saway ni Agatha kay Agnes pero kay Ryan nakatitig. Natawa tuloy si Judy sa kanila.

"Sige na Tay, ituloy mo na. Walang laktaw, walang kulang." Sabi nito sa asawa. ""Wala na ring magtatanong." Dugtong pa nito na sa mga ito nakatingin. Tumang-tango ang apat kasama na si Mang Isidro. Umakto pa ang mga ito na sinipiran ang mga bibig. Natawasi Judy.

"O siya. Wag nang magulo. Dapat na rin itong lumabas. Their children are bound to meet at nangyari na nga." Panimula ni Ryan. Nagkakatinginang muli ang mga makikinig niya.

"Okay, recap muna tayo." Agaw ni Judy.

"Si Franco Montenegro ang tatay ni Gene Montenegro na Lolo ni Miss Valeen, tama?" Tanong ni Mang Isidro.

"Tama." Maikling sagot ni Ryan.

"Si John Albert Richards naman ang tatay ni Alfred Richards na Lolo ni Alden?" Si Aling Coring. Tumango si Ryan.

"Opo."

"So yung pangatlo ang tatay ng bale pinakabunsong lalaki na may anak na ano?" Tanong ni Agatha.

"So far, alam nila ngayon kung nasaan na ang ikatlong parte ng kasunduan?" Tanong ni Maine na nakakunot ang noo.

"Yes and no." Mas lalong kumunot ang noo ni Maine. "They know that the last child was a boy, but they do not know where he is, up until a few years back." Sagot ni Ryan. Magtatanong pa sana si Maine pero pinigil ito ni Ryan.

"Let me finish everything first." Sabi niya. "The third part kept their child's identity for many years. Lolo Tony made his son promise to keep his daughter away from everything, and that is why for years hindi nakikita ng mga tao ang mga ito." Pahayag nito. Mataman namang nakikinig lang iba sa kanya.

"Kung natatandaan mo, Nay, kapag may mga okasyong nagaganap at nagkikita-kita ang magkakaibigan ay ako ang palaging kasama?" Baling ni Ryan sa asawa " Ako ang ipinakilala anak at kapatid, ni minsan ay hindi nagbanggit ang mga ito ng apo. Ang alam ng lahat ay hindi nag-asawa at nagkaanak ang pangatlo. Ang alam nila nag-ampon ito ng anak at ako yun." Napatango-tango sila, ngunit hindi si Maine. Mas lalo siyang naguguluhan, nag-iisip siya at hindi maganda ang itinatakbo ng utak niya. Sana mali ako.

"Bago bumiyahe sila Kuya Ted at Ate Ana to attend a general board member meeting, pinaalala niya sa akin na bigyan ko ng pansin ang folder na ibinigay ni Atty. Joaquin kay Tatay at sa akin noon, utos ni Lolo Tonio. Nung araw din na yun ginawa ko ang sinabi ni Kuya. Pinuntahan ko kaagad ang lock box at kinuha ang susi. Kinabukasan umuwi ako dito para naman kunin ang folder sa bangko." Patuloy ni Ryan.

"Nang makabalik ako dito, binasa ko ang mga nakalagay doon. Nagulat pa ako sa mga nadiskubrihan ko. All this time, nasa harap ko lang pala ang anak at apo ng ikatlong matanda, nakakasama at nakakasalamuha ko pa. Minsan kasama ko pang kumain at karamay ko nung mamatay ang tatay ko, at ngayon nga ay inaalagan ko pa ang apo niya." Natahimik ang lahat. Unti-unti, nabaling at natuon ang mga mata ng lahat kay Maine. Nagpalingon.lingon siya sa lahat.

"Ako?" Sabi niyang nakaturo ang hintuturo sa sarili. Tumango si Ryan.

"Si Kuya Ted ang anak ng pangatlong matanda. At ikaw Maine ang apo na nakatankdang ikasal sa panganay na apo ng tatlo. Nalaman ni Montenegro na ang ikatlong matanda ay si Jose Antonio Mendoza na nakatira na nga noon sa suburb ng New York." Patuloy nito.

"Paanong hindi nila nalaman kaagad na si Lolo Tonio pala ito?" Tanong ni Judy. Maging ito ay nagugugluhan.

Nakilala pa ni Judy ang matandang lalaki bago ito pumanaw. Nakilala nito ito noong una silang magkakilala ni Ryan. Nasa ospital na ang asawa nito at hindi na makausap. Ilang buwan lang ay pumanaw ang ginang na naging dahilan ng paglipat ni Ted ng ibang bayan para mailayo ang pamilya sa mga mata ng media. Naging sensational kasi ang pagkamatay ni Doña Alicia dahil sa isang pilipinong reporter na nagkataong nasa Mount Sinai Hospital.

Namukhaan nito ang mailap na Don, nakuhaan kaagad ng litrato at ipinadala kaagad ito sa network at nung gabing yun mismo naibalita kaagad sa Pilipinas ang pagpanaw ni Doña Alicia.

Hindi na pinatagal pa ni Don Jose ang burol ng asawa at pina-cremate na ito kaagad. Nang makarating na ang mga tao wala na sa ospital ang pamilya Mendoza. Nailipat na kaagad ni Teodoro ang pamilya sa Skaneateles, NY, may halos limang oras ang layo mula sa New York.

"Teka, Tito. Ibig mong sabihin, si Lolo Jose ang ikatlong matanda? He's one of them?" Hindi mairehistro ni Maine sa utak ang huling parte ng kwento.

"Yes. Lolo Tonio and Lolo Jose are one. Kilala siya bilang matinik na negosyante ngunit mailap. Hindi uma-attend si Lolo sa mga board meeting noon, palaging si Atty. Joaquin at Tatay ang dumadalo dahil siya ang executive assistant ni Lolo. When Lolo Tonio passed away, after passing everything that needed to be passed on, Kuya Teddy decided to surface without you and Ate Ana." Patuloy niya pahayag sa lahat.

"For years, Kuya was able to get by as the legal representative of Don Jose Mendoza, as his nephew. Dahil nga parang kapatid na ang turing niya sa akin, ipinagpatuloy na lang namin yun. Maayos naman ang lahat. Walang may nagduda sa kanya until the 70th year anniversary ng Mendoza Corp. Someone sneaky was able to get a picture of Ate Ana, amazingly you are not in it." Napaupo si Maine sa bingit ng kanyang upuan.

"Grabe naman ang kwentong ito, para teleserye. Nakakasabik, nakakabitin." Turan ni Agatha. Natawa si Hellen.

"Mauubos na yata ang kuko ko dito." Singit naman ni Agnes. Natawa ang tatlo.

"Yan ba nag dahilan ng pag-uwi nila Daddy dito noon?" Malungkot na tanong ni Maine. Malungkot ding tumango si Ryan. Lumapit si Judy sa kinauupuan ni Maine.

"May hinala ako na hindi aksidente ang pagkakabagsak ni Hercules sa karagatan malapit sa Verde Island. Wala kaming nakitang katawan. Hindi rin namin makita ang piloto ni Hercules. Lahat ng buhay na maaaring nakasakay kay Hercules noon ay walang kaming nakita kahit na isang labi kaya nung ideklara nilang patay na ang lahat ng sakay nito, kasama na ang isang FA ay wala na akong nagawa." Naluha si Ryan sa pagkukwento, ganun na rin si Judy at Maine.

"Tito, I want to see all the reports, findings, evidence and anything that will point to anybody or anyone about my parents disappearance, I want to have it reopened and investigated." Saad niya, may galit at determinasyon.

"Paano si Alden?" Wala sa loob na tanong ni Helen.

"Oo nga, Atorni. Paano na po ang binatang Richards?" Sabat din ni Mang Isidro.

"Well, Maine. I need you to brace yourself. The rape case charge against Alden is already filed to the court and anytime now, he will be arrested and be in jail without bail." Tuloy-tuloy na saad ni Ryan.

Ang kinan pang luhang pinipigil ni Maine ay masaganang umagos at hindi niya mapigil pa. Paghikbi at pagsinok na lang ang maririnig mula sa kanya.

Walang nang masabi si Ryan. Maging ito ay nabigla sa tuloy-tuloy na pagsasalita. Huli na nang maisip niya na sana ay ipinaliwanag muna sa anak-anakan ang proseso bago ang lahat. Ngunit ano pa ang magagawa nito, nasabi na ang dapat at hindi dapat sabihin.

"Maine, your Tito only knows what best for you." Malambing na saad ni Judy. Umiling lang si Maine.

"I want to see him." Yun lang sinabi niya at tumayo na't dumiretso sa kama, nahiga, tinalikura silang lahat.

Wala nang may nagsalita pa. Nagligpit na lang ang apat na babae. Ganun na rin ang ginawa ni Mang Isidro.

Ilang saglit ding kataimikan, nakabibinging katahimikan, ang pumagitna sa lahat. Maya-maya ay lumapit si Judy sa kanya.

"Maine, we are going home now." Mahina at malambing na pamamaalam ni Judy sa kanya. Nakikinig lang siya. "If I were, love, I am going to let Tito Rye do what's needed to get done. You will be happy in the end. I promise you." Bulong nito sa kanya. Ariin siyang napapikit, pilit na pinipigilan ang luha. Pagod na siya umiyak. Gusto na niyang makita si Alden.

"Tay, tara na." Sabi ni Judy at nauna na itong lumakad palapit sa pinto.

Naramdaman niya ang paglapit ni Ryan sa kanya. Hinalikan siya nito sa sentido, bago bumulong.

"Please bear with me. He has a plan." Tumuwid na ito ng tayo. Naguguluhan siya kaya hindi siya kaagad nakasagot. Naglaro sa kanyang isipan ang sinabi ng Tito Ryan niya pero hindi niya maintindihan.

"Please bear with me. He has a plan."

"Please bear with me. He has a plan."

"Please bear with me. He has a plan."

"Please bear with me. He has a plan."

"Please bear with me. He has a plan."

Paulit-ulit na parang sirang plaka na naglalaro sa isip niya ang sinabi nito pati na ang tinig nito, pero hindi niya pa rin makuha ang ibig nitong sabihin.

What are you trying to say, Tito. What are you trying to do? What plan? Whose plan?

"Maine." Bahagya pa siyang nagulat sa boses ni Agnes.

"A-ano yun, Agnes." Hinarap niya ang dalaga. Ang malapad na ngiti nito ang sumalubong sa kanya na uli niyang ikinapatda. Napatingin pa siya sa tatlong babaeng kasama at kay Mang Isidro. Tahimik at seryoso ang mga ito.

"Maine, palagay ko, yang prince Charming mong yan plano." Panimula ni Agnes. "Palagay ko, palabas lang yang pagpapakulong niyan para lang mapansin mo at magmadali kang puntahan siya." Bumungisngis itong parang kinikilig.

"Huy Agnes, umayos ka nga!" Saway ni Helen.

"Mabuti pa noong nakakulong pa tayo, ang tahimik mo. Ang daldal mo na ngayon." Dugtong ni Agatha. Ngumuso naman kaagad si Agnes.

"Ewan ko sa inyo. Ganito talaga ako dati pa, pinili ko lang ang manahimik dahil ayokong napapansin ako ng demonyong Redublado na yun at baka gawan na naman ako ng kahalayan, nakakadiri na." Sabi nito sa mahinang boses. Para namang tinamaan si Helen at Agatha kaya tumahimik na ang mga ito.

"Ano ang ibig mong sabihin, Agnes?" Tanong niya dito.

"Wala lang. Narinig ko kasi nang hindi sinadya yung sinabi ni Atorni sa iyo bago umalis. May plano daw yun kaya relax ka lang. Ang sa akin lang, kung sa teleserye ito, baka nga magpapaaresto si Alden para ipakita sa tatay niya, tapos hihingi ng tawad ang tatay niya sa iyo para mapalaya ang anak niya. Parang ganun." Natulala si Maine sa sinabi ng dalaga. Hindi alam kung nagbibiro ba ito o seryoso. Bago pa niya mahuli ang sarili ay napabunghalit na siya ng tawa. Ano 'to joke time?

"Agnes, salamat sa pagpapatawa mo sa akin, pero sa totoo lang, malayong mangyari yang iniisip mo." Sabi niya dito sabay upo. "This is real life and Tito Ryan is the type of a lawyer who doesn't play with the law. He won't do that." Nawala na ang ngiti niya sa labi.

"Kilala ko si Tito Ryan. Hindi siya nagbibiro nang sinabi niyang kakasuhan niya ng rape si Alden na malamang na paniwalaan ng korte dahil nga sa nangyari sa pagitan namin. Maaaring palabasin pa ni Tito na kinasabwat nito si Valeen para gawin sa akin yun dahil sa kasunduan na yan." Dugtong pa niya. Natahimik silang lahat, nag-iisip.

Dahil sa mga bagay na nalaman nila ngayon na maaaring alam na rin ni Alden, at maaaring alam din si Valeen ang tungkol dito. Maaaring arte na lang ng kaibigan ang lahat para siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nila ni Alden, hindi nga naman halata na ang dalawa ang may gawa ng lahat nang nangyari sa kanya.

Maaaring alam ng dalawa ang mangyayaring hulihan kaya hindi na siya pinilit ni Alden na sumabay sa mga ito pabalik ng mainland, na kung totoo ito sa kanya, kahit na ano pang taboy niya dito ay magpupumilit pa rin ito na samahan siya, alam naman nitong siyal ang mag-isang magtitimon ng yate.

Kung tututusin din nga ay hindi man lang siya pinuntahan ni Alden at matagal pa bago tumawag si Valeen sa kanya. Nagtagis ang bagang niya nang maisip ang lahat ng ito. Kailan pa kaya nito nalaman ang tungkol sa totoong siya at sa kasunduan?

Naalala niya nung nasa isla pa sila, nagbanggit ito ng tungkol sa matandang kasunduan at ang nawawalang apo ng tinawag nitong Lolo Jose. Napakunot ang noo niya, may kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. She knows about it at pinaglaruan nila akong dalawa. Galit niyang isip.

Maya-maya ay may narinig silang ingay sa labas ng kwarto. Napalingon siya sa pinto. Maraming boses, komusyon. Narinig na rin nila ang boses ng dalawang guard sa labas na pinaalis ang mga ito, kung sino man ang mga ito

Pinatahimik sila ni Mang Isidro at lumapit ito sa pinto, sumilip sa maliit na kwadradong salamin. Maraming nga tao, may mga kamera ang iba at may mga letra ng iba't ibang network ang mga mic na hawak.

"Maine, may mga reporter sa labas." Saad nito. Napaisip muli si Maine. Nagpalinga-linga siya sa paligid ng kwarto.

"Mang Isidro, paki tawagan si Tito." Utos niya sa matanda. "Agnes, may dala ka bang damit mo?" Napaturo si Agnes sa sarili.

"Bakit damit ko? May dala si Mang Coring para sa iyo." Tugon nito.

"Gusto ko yung damit mo." Saad niya.

"Ano ba ang plano mo, Maine?"


















------------------
End of MBG 24: The Plan

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

💖 ~ AWP Writers ~ 💖
02.26.21

My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro