MBG 23: Rape
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 23
"Rape"
♡♥♡♥♡♥♡
FRIDAY, Agoncillo Law Office
"Good morning, Attorney." Bati ni Betty, secretary ni Ryan. "Ms. Judy called. She said she forgot to remind you of your patient's release today at 3:00 pm. She had me booked a flight for three to Tagbilaran City, and your 9 o'clock is already here." Sunod-sunod nitong sabi.
"Here? It's only 8:30." He was amused and at the same time surprised.
"Yes. He's waiting in your office. Mukhang walang tulog at ligo ang bago mong kliyente." Natatawa nitong sagot. napakunot ang noo ni Ryan.
"He's waiting... Betty, wala akong naka-book na kliyente ngayon. Case review lang lahat nang gagawin ko dahil nasa ospital ang anak-anakan ko. Not unless nakalimutan mong ilagay sa... oh." Napatigil siya nang maisip na baka nga si Alden ang nasa opisina niya. "Cancel all my meeting today. I am not here and no one disturb me. Call Judy and tell her to wait for me." Mabilis niyang sabi. Tinalikuran na niya si Betty na walang nagawa kundi ang harapin ang appointment book ng boss.
Maingat niyang binuksan ang pinto at tahimik na pumasok. Bumungad sa kanya ang tulog na Alden sa sofa. Napabuntong hininga siya, nakaramdam ng awa.
The man asleep on his coach is in a total mess, hair not comb, 3 o'clock stubbles are showing and maybe, just maybe, was still wearing the same shirt for days.
"Alfred Richards, ano ang ginawa mo sa anak mo?" Tahimik niyang usal at lumapit na sa kanyang lamesa. Ilang sandali lang ay tinawag si Betty sa intercom.
"Betty, please bring a blanket here and order some food for two." Utos niya sa sekretarya. "When you're done, come in quietly." Dugtong pa niya. Hindi naman na sumagot ang sekretarya niya.
Hinarap na lang niya ang computer habang hinihintay na magising ang binata. Marami siyang nagawa na mga nabitin na email dahil inuna niya si Mang Isidro at Maine pagkarating na pagkarating.
Hindi pa nila nailalabas ang mga gamit sa maleta, sakay na uli sila ng kotse na mag-asawa para asikasuhin ang mga nangyari nang wala sila.
Nalunod na nag buo niyang atensyon sa ginagawa. Ni hindi niya namalayan na nakapasok na pala si Betty at naglapag na ng kape at sandwiches sa lamesa niya. Nalaman lang niya uito ng napatingin siya direksyon ni Alden, tulog pa rin ito.
"Betty, can you come in here and heat up the coffee, please." Utos niya dito mula sa intercom.
"Coming, attorney." Simple nitong sagot. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto. "Sir, ayaw pumayag ni Mr. Olivares na bukas pa kayo mag-uusap." Nakasimangot nitong turan.
"I don't give a flying fish if he doesn't want to." Walang gana niyang saad. "Kung gusto niya, maghanap siya ng bagong abogado na mauuto niya." Natawa si Betty. Para di marinig ng amo ang tawa niya, pilit tinakpan ang bibig.
"Betty!" Tawag ni Ryan sa sekretarya. "Stop sniggering!" Saway niya dito. Di napigil ni Betty ang sarili kaya tumawa na ito ng malakas.
"Sorry, Boss. Pasensya na, tao lang." Pagpapatawa pa nito. Napapailing na lang si Ryan. Makulit lang talaga itong sekretarya niya kaya kasundong-kasundo ito ni Maine. "Usually kasi kalmado lang kayo sa mga katulad ni Mr. Olivares. You don't flinch with the like of him. Anyare, Boss?" Dugtong tanong nito sa mahinang boses.
"Lumabas ka na at i-cancel mo ang lahat ng appointment ko today." Muli niyang utos-saway sa makulit na sekretarya.
"Bye, Atty." Sabi pa nito na nag-ala-Queen Elizabeth na pagkaway. Napailing na napapangiti si Ryan. "Mas mabuti pa sigurong gisingin mo na yang Mr. Sleeping Beauty mo." Saad pa nito bago tuluyang isara ang pinto.
Napailing si Ryan at wala sa loob na ngumiti. Naalala niya ang kung gaano kakulit si Maine sa tuwing binibisita siya nito dito. Malayo pa lang ay naririnig na niya ang malakas nitong boses na bumabati sa lahat ng madaanan nito. Kaya ayaw niyang mawala ang pagiging masayahin ni Maine. Hindi nga lang maiwasan minsan na malungkot ito lalo na sa tuwing sasapit ang anniversary death anniversary ng mga magulang,
Nilingon niyang muli ang binata, tulog pa rin ito. Napapailing siya. Maraming tumatakbo sa isip niya pero hindi niya alam kung ano ang uunahin. Kasama na sa mga iniisip ang mga sinabi ni Alden sa kanya sa telepono. Sumasakit ang ulo niyang napapahilot sa kanyang sentido.
"Attorney..." Mabagal siyang lumingon sa binatang kagigising lang. "Put me to jail." Hindi nakaimik si Ryan. Tintitigan ang malulungkot na mga matang direktang nakatitig pabalik sa kanya. Napabuntong hininga siya.
"I was thinking the same thing." Matiim niyang sagot dito. Nagtagis ang bagang ni Alden. Matagal silang nagkatitigan.
SA OSPITAL.
"Maine, kain ka na." Malambing na saad ni Judy sa dalagang hanggang ngayon ay tulala at may malulungkot na mga mata.
"Meng, kumain ka kahit papaano. Hindi ka dapat nagpapagutom." Nag-aalalang sambit ni Aling Coring. Nandito sila ngayon sa ospital dahil umuwi na muna si Mang Isidro para kumuha ng iilang gamit ni Maine.
"Masama sa iyo ang magutom." Sabat din ni Agatha. Napapakamot pa ito sa batok, pinipigilan ang inis.
"Nakalabas ka nga ng kulungan pero dito ka naman sa ospital magpapakulong, ano ang pinagkaiba nun?" Inis na sabi ni Agnes. Napalingon ang lahat dito.
"Agnes, ano ba? Wag mong namang kausapin ng ganyan si Maine." Saway ni Helen na may kasamang mahinang palo sa braso.
"Anong gusto kausap ang gawin ko sa kanya?" Mataray nitong saad. Tahimik si Agnes hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi yun talaga ang natural niya, pero kung ito na ang magsalita, lumalabas ang galit na kinikimkim nito sa puso.
"Agnes, Helen, ano ba? Mahiya naman kayo kay Ma'am Judy." Saway ni Agatha sa dalawa.
"Sorry po, Ma'am Judy." Mabilis na saad ni Agnes paharap kay Judy, ngumiti lang ito. "Ate Agatha, tama naman ang sinabi ko ah. Mula pa kahapon ninyo kinakausap ng maayos yang si Maine. Lahat na nag pakiusap n'yo pinansin ba? Lahat ba ng pag-aalala n'yo napansin niya? Di ba hindi?" Humalukipkip ito sa gilid at pumikit.
"Aling Coring, tama naman si Agnes." Turan ni Judy. "Maine, kung gusto mong parusahan ang sarili mo at mamatay sa gutom, sana isipin mo kung bakit nasa sinapupunan mo ang batang yan ngayon. You may have lost Alden or whoever his name is, pero yan batang yan, makakasama mo yan ng matagal. Maliban na lang kung ngayon pa lang ay gusto mo na rin siyan mawala, I won't stop you." pabagsak na inilagay ni Judy ang bowl ng prutas sa bed tray niya at tumalikod na ito.
"Aling Coring, tawagan n'yo na lang ako kung kailangan na siyang dalhin sa morgue." Nakakaramdam na rin ng pagkawalang pasensiya si Judy.
"Ma'am..." Wala nang ibang masabi si Aling Coring. Natahimik silang lahat. Napayuko na lang si Helen at Agatha.
"Maine..." Sabay-sabay silang napalingon sa isang mestizang babaeng pumasok. Malungkot ang mga mata nitong mugto at nangangalumata na rin. Hindi pa nakikita ng mga ito kaya tahimik lamang silang nakamasid, nakikiramdam.
"Maine, I'm sorry. Nang dahil sa akin umabot sa ganito. I just wanted to get off that mess and I just wanted you to be happy, but I guess, I made more mess than planned." Saad nito. Hindi pa rin kumikibo si Maine. Tahimik lang ito ngunit umagos ang luha nito.
Nag-alala si Aling Coring kaya lumapit ito. Tumayo naman si Helen sa tabi ni Aling Coring ngunit iba ang ginawa ni Agnes. Mabilis itong tumayo ang hinarap ang bisita ni Maine. Nasa di kalayuan lang si Agatha, nakikiramdam, nakikinig.
"Maine, please. Talk to me." Umiiyak na rin ito.
"Miss, hindi ka kakausapin ni Maine. Hindi nga niyang kinakausap si Ma'am Judy, ikaw pa kaya?" Matalas na sabi ni Helen.
"Ikaw siguro si Valeen 'no?" Maanghang na tanong ni Agnes. Nilingon ito ng bisita.
"Ako nga." Sagot nito. "Bestfriend ako ni Maine." Malungkot sa pagpapakilala ni Valeen.
"Palagay ko pagkatapos nito, hindi na kayo mag-bestfriend." Nakangising saad ni Agnes. Napangiti si Aling Coring, Agatha at Helen.
"Agnes, wag ka namang ganyan, nak." Saway ni Aling Coring sa dalaga. Umirap lang ito at ngumuso.
"Let's not talk yet, Valeen." Yun lang sinabi ni Maine at tumagilid na itong paharap sa bintana na opposite ng pintuan.
Napatda si Valeen sa sinabi ni Maine. Sa kauna-unahang pagkakataon, ayaw siyang kausapin ng kaibigan. Napaiyak siyang muli. Maaari ngang nasaktan niya ng lubos ang kaibigan.
"I am so sorry, Maine." Muling subok ni Valeen, ngunit walang sagot mula kay Maine. Napayuko na lang siya.
"I'm sorry po, Miss." Harang ni Agnes dito. "You can leave now." Dugtong pa ng alaga.
Muntik nang mapatawa si Agatha sa pag-i-english ni Agnes. Napailing na lang si Aling Coring.
"Pasensya na, Miss. Kailangan nang magpahinga ni Maine." Sawata ni Agatha. Walang nagawa si Valeen kundi tingnan ng malungkot ang kaibigan at ang mga bagong mukhang nakapaligid sa kaibigan.
Laglag-balikat itong umalis at isinara na ni Agnes ang pinto pagkalabas na pagkalabas ni Valeen.
Balik sa loob ng kwarto at hinarap ni Agnes si AMine.
"Maine, hindi ako pala-kwento at pala-salita, pero sa nakikita ko sa iyo ngayon, talo mo pa ang nagahasa eh." May galit sa tinig ng dalaga.
"Agnes..." Saway ni Agatha.
"Hindi, Agatha. Wag mo akong sasawayin!" Matigas nitong sabi pero kay Maine pa rin nakatingin. "Ako yung ginahasa. Ako yung sinira ang buhay dahil sa kalibigan dapat ako itong ayaw nang mabuhay dahil wala na akong maipagmamalaki sa magiging asawa ko kung meron man, pero ikaw? Maraming nagmamahal sa iyo, may bata pang naghihintay na mahalin mo, kaya tumayo ka na diyan at kumain. Pero kung gusto mo nang mamatay, sana naman lang wag mong idamay yang bata diyan sa sinapupunan mo!" Galit at padabog nitong ibinagsak ang katawan sa sofa at ipinikit ang mga mata.
Hindi nakakibo si Maine sa mga binitawang salita ni Agnes sa kanya. Naisip niya na may punto ito. Bakit nga ba siya nagmumukmok dito? Bakit nga ba ayaw niyang kumain? Dahil natatakot ba siyang isuka niya lang?
"Hindi n'yo kasi ako naiintindihan. Hindi naman sa ayaw kong kumain, natatakot lang akong magsuka o isuka ko lang ang mga ibinibigay n'yo sa akin." Mahina niyang sagot. Napabuntong-hininga si Aling Coring.
"Hija, natural yan sa katulad mong nagdadalantang-tao na magsuka. Pero hindi ibig sabihin nun na ikasasama ng loob namin yun. Apat ang anak ko kaya naiintindihan kita." Pahayag ng ginang.
"Meng, meron din akong naging anak. Naglihi at nagsuka din ako. Pangako ko sa iyo, hindi sasama ang loob ko kung hindi mo kakainin ang luto ko." Mabilis na humarap si Maine kay Agatha. Tama ba ang narinig niya?
"May anak ka na?" Tanong niya dito na may kislap sa mga mata.
"Meron, pero hindi sinuwerteng mabuhay ng matagal ang sanggol ko. Hindi kinaya ng anak ko ang sakit niya sa napakamurang edad. Wala pa siyang isang taon nun nang magka-denge siya. Wala man akong pera nun, dinala ko pa rin siya sa ospital pero wala rin." Malungkot nitong saad. Napaluha si Maine.
"Agnes, I'm sorry kung akala mo ay walang halaga sa akin ang dinadala ko. Marami lang akong iniisip at nag-aalala rin ako para sa ama ng dinadala ko." malungkot niyang saad habang nakahigang nakatagilid, tumulong muli ang luha niya. Para namang nahabag ang mga kasama niya sa kwarto. Tumayo si Agnes.
"Maine, Sorry kung parang sumobra ako sa mga sinabi ko. Naaawa na kasi ako sa iyo, lalo na riyan sa dinadala mo." sabi nito habang papalapit ito sa kanya. "Sa akin lang ha, mas maganda sigurong mag-focus ka na lang muna sa iyo at diyan sa dinadala mo." Dagdag pa ni Agnes, nakangiti sa kanya.
"Tama si Agnes, Maine." Sabat ni Agatha. "Kung okay lang sa iyo, kami na muna ang tutulong sa iyo at bahala na si Ma'am Judy at Atorni sa ibang bagay lalo na sa ama ng magiging anak n'yo." Ngumiti si Maine sa madamdaming pahayag ni Agatha. Napakamabubuting tao ang mga nakilala niya.
"Salamat sa inyo." Tugon niya. Ngumiti ang mga ito.
"Meng, kami nga ang dapat magpasalamat sa iyo. Wala naman kaming nagawa mabuti sa iyo pero nadamay kami sa kagandahan ng loob mo, nakalabas kami. Tapos tutulungan pa kami ni Atorni na ilaban ang kaso namin ng libre." Naiiyak na saad ni Helen.
"Mula ngayon, sasabihin mo sa amin kung ano ang gusto mong kainin at iluluto namin o di kaya ay bibilhin namin para sa iyo." Malawak ang ngiting saad ni Aling Coring. "Iniwan sa amin ni Atorni ang credit card na ito." Sabay labas ni Aling Coring ng isang itim na may gold trim na card. Nakilala ito ni Maine.
"Mendoza Corp?" Tanong niya. Napaupo siya ng tuwid ng makita ito. "Buhay pa pala ito?" Wala sa loob na kinuha niya ito sa ginang at pinaka titigan ng maayos.
"Maine, ang yaman mo pala, pero wala sa ayos at kilos mo. Hindi ka mayabang at matapobre, di katulad ng iba. Hindi ko sinasabing matapobre yung kaibigan mong pumunta dito kanina pero siya halatang mayaman dahil sa kilos niya at ayos niya. Pero ikaw, napakasimple mo. Wala kang ere." Hindi mapigil ni Agnes na sabihin. Napangiti lang siya. Hindi kasi siya pinalaki ng mga magulang niya sa luho.
"Alam n'yo, bata pa lang ako, itinuro na sa akin ng mga magulang ko na paghirapan kung ano man ang gusto ko." Panimula niya. "Bata pa lang ako, nagtatrabaho na ako sa kompanya namin sa New York and at the same time going to school. Natuto akong mag-budget ng perang sinusweldo ko sa kompanya namin bilang messenger dahil yun lang pwede sa schedule ko at nakakadiretso na ako sa klase. Natigil lang yun nung maaksidente ang mga magulang ko sa eroplanong pa-uwi dito." Tumulo ang luha niya. Naiinis siya dahil napaka-iyakin niya ngayon. Bigla ay parang di niya kilala ang sarili.
"Ayos lang yun. Maganda nga yang naturuan ka pa ng mga magulang mo bago sila nawala. Ako, ni hindi man lang ako nilingon ng tatay ko matapos buntisin sa Nanay." Malungkot na saad ni Agnes. "Nag-abroad si Nanay para mapag-aral ako. Mabuti na lang at natapos ako ng high school bago mamatay si Nanay sa sakit na TB sa ibang bansa." Dugtong pa niya.
"Hindi mo na nakilala ang tatay mo?" Baling niya dito. Umiling ito at malungkot na ngumiti.
"Ipinapanalangin ko na lang na sana ay nasa maayos siyang kalagayan. Sana, alam niyang meron siyang anak kay Nanay." Tinapik-tapik ni Helen ang likod ni Agnes. Kakaiba din pala ang pinagdaan nito maliban sa alam na nila.
"Ayos lang yun. Ako naman ay iniwan ako ng Nanay ko nung mamatay na si Tatay. Ang sabi ni Nanay, tutal wala na daw si Tatay, malaya na siya at bahala na rin daw ako sa buhay ko tutal tapos na ako ng high school." Napatitig si Maine kay Helen. Nalulungkot siya para sa mga bagong kaibigan.
"Pareho pala tayong iniwan ng Nanay. Ako naman dahil sa babaero ang Tatay kaya napagod na ang Nanay. Nung umalis siya sa bahay, umalis na rin ako dahil hindi ko nagustuhan ang ugali ng babaeng dinala ni Tatay kapalit ni Nanay." Kwento ni Agatha. Napapaisip si Maine.
Kung tutuusin, walang sinabi ang kwento ng buhay niya sa kwneto ng buhay ng mga kaibigan pero nandito sila at siya pa ang kinukonsula, siya pa itong pinagagaan ang loob habang ang mga ito ay may mabigat na dinadala sa buhay.
Oo nga't maaga siyang nawalan ng mga magulang pero nariyan naman ang Tito Ryan at Tita Judy niya pa punan ang pagkawala ng mga magulang. Tinrato siyang anak ng mga ito. Dapat masaya siya kahit papaano.
Tinitigan niya ang mga ito at masayang ngumiti kahit nalulungkot ang puso niya para sa mga ito. Tumayo siya mula sa higaan at ngumiting malapad sa mga ito.
"Group hug nga." Saad niya. Sabay-sabay na ngumiti at lumuha ang mga ito pati na rin si Aling Coring.
Masigla ngunit maingat nilang sinugod ng yapos si Maine at tahimik na nag-group hug ang mga ito.
Masayang tanawin ang naabutan ni Ryan, Judy at Mang Isidro nang sila ay pumasok sa pribadong silid ni Maine.
"Ay teka. Bakit wala ako riyan?" Nakangiting sabi ni Judy at mabilis ding nakiyapos sa lima.
"Ay hala, ako din." Natatawang singit ni Mang Isidro. Masaya silang nagtawanang lahat.
"Tito Ryan, I'm sorry." Tanging saad in Maine. Iiyak pa sana siya pero pinangunahan na siya ni Agnes.
"Oh. Wag kang iiyak. Iiyak din yang baby mo." Natawa si Aling Coring at Judy sa sinabi ni Agnes.
"Oo nga naman, Meng. Don't you cry." Pagsang-ayon ni Judy kay Agnes.
Marami silang pinagkwentuhan na nakakatawa at nakakaiyak pero walang luhang nasayang dahil na rin sa suporta ng bawat isa.
Natahimik is Ryan na napansin naman kaagad ni Maine. Tumikhim siya na nakaagaw ng pansin ng lahat at napatingin sa kanya.
"Tito Rye, you can be honest with me, hindi ako masasaktan." May kutob kasi siya pagiging tahimik ng ama-amahan.
"Well, Mr. Richards called me early this week to meet with me." Panimula ng Tito Ryan niya. Tinitigan muna siya nito bago muling nagsalita. "He was at the office today. He wants to be responsible for what happens to you these past months." Nakatitig lang siya dito. Alam niyang hindi lang dito nagtatapos ang kwento nito.
"Get going, honey." Utos ng asawa. Humugot uli ito ng malalim na pagbuntong-hininga.
"For now you are safe here dahil may bantay sa labas. Pero hindi ako sigurado kung hanggang kelan ka ligtas." Napatuwid siya ng tayo.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin, Tito?" Tanong niya. Palitan niyang tinitigan ang mag-asawang kumupkop sa kanya ng maraming taon.
"Dahil sa nangyari, hindi titigil si Alfred hangga't hindi niya naipakakasal si Alden kay Valeen. Ganun din si Gene. Ayaw nilang mawala ang kung anong meron sila. You have to leave as soon as possible." Turan ni Ryan. Napatingin si Maine kay Judy.
"Pero Tito..." Hindi nan iya natuloy an sasabihin dahil pinigil na siya ng Tita Judy niya.
"Just listen first." Sabi nito. Tumahimik siya, naghihintay ng sasabihin ni Ryan.
"I have file a case against Alden para malaman ng ama niya na hindi ako nagbibiro. Para rin malaman ni Gene na kasabwat ang anak at ito ang may utak sa nangyari." Nanlaki ang mga mata ni Maine sa narinig.
"But Tito, it was my idea after all." Pahayag niya.
"It doesn't matter if it was, she planned the whole thing, she took actions. I have all the proof I need to go through the case but I have to take you out of the picture." Seryoso ang Tito Ryan niya, alam niya yun. Kinabahan siyang bigla.
"What will happen to Alden?" Tanong niya sa mababang boses. Hindi niya gusto kung saan mapupunta ang uspan nila.
"He will be arrested and be put to jail." Diretsong nakatitig ito sa mga mata niya. Napatingin siyang muli sa Tita Judy niya.
"Tita... but why, Tito?" Natataranta niyang tanong.
"You will find out why later. But for now, you need to pack your bags, all of you. Aalis kayo ngayon gabi. Bahala na si Luke will be waiting on the rooftop of Blooms Hotel. Mang Isidro, may susundo dito sa inyo mamaya. Isasabay ninyo sila Aling Coring. Maine you'll go with me." Pahayag nito. Hindi pa tapos si Maine sa ama-amahan.
"No ,Tito. You need to tell me what will happen to Alden?!" Napataas na ang boses niya. Sa lahat ng ayaw niya ay yung wala siyang alam sa iiwanan niya at hindi niya alam kung ano naghihintay sa kanya sa pupuntahan.
"Maine, we'll talk about it later." Saad nito. Ramdam mo ang pagpipigil sa boses nito. Hinaplos ni Judy ang braso ng asawa.
"Bakit later pa, di ba pwedeng now na?" Ganito siya kapag nagagalit, napapaghalo niya nag English at Tagalog.
"Not now, Maine." Sabi nito sa pagitan ng nagtatagis na bagang, pero hindi nagpaawat si Maine.
"I am not going anywhere till I know what will happen to him?! I may remind you, Tito na tatay siya ng dinadala ko at kung ano ang mangyayari sa kanya, I have to know!" Nakipagsukatan siya ng titig kay Atty. Ryan.
"He may have fathered your child but it is not a good idea for you to know." Napipikon na siya.
"Well then, pare-pareho na tayong manigas dito." Walang sabi-sabi lumapit siya sa kanyang kama at humiga doon. Inayos ang kumot at pumikit.
"Fine!" Singhal nito. "I am charging him with rape!" Galit na dugtong pa nito.
"RAPE?!"
------------------
End of MBG 23: Rape
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
02.11.21
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro