Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MBG 22: Payback




♡♥♡♥♡♥♡

My Beautiful Groom-napper 22

"Payback"

♡♥♡♥♡♥♡





MAAGA pa lang ng sumunod na araw ay hindi na natigil ang pagtunog ng cellphone ni Valeen, si Alden ang tumatawag.

Hindi alam ni Valeen kung sasagutin ba niya ito o hindi dahil nga wala pa siyang balita tungkol kay Maine.

Sa bandang huli, hindi niya ito sinagot. Matapos ang napakahabang sandali ay tumigil na rin ito sa pagtunog.

Maya-maya ay nag-ring na naman ito. Papatayin na sana niya ang cellphone nang makita sa caller ID niya na si Atty. Ryan ang tumatawag.

"Tito, Ryan?! Si Maine?!" Naiiyak, natataranta at kinakabahang tanong ni Valeen sa abogado.

"She's with me. I need you to meet me in St. Lukes in a few days. Paalis pa lang kami dito." Pahayag ni Ryan, tumango si Valeen.

"Yes, Tito. How is she?" Umiiyak niyang tanong. Bumuntong-hinga ang nasa kabilang linya.

"She is fairly fine but not quite. Other than that, there's nothing serious... I hope." Sagot naman nito. Kinabahan siya.

"Thank you, Tito. I was so worried about her when I heard what that Abueva guy said the other day. I thought I was going to lose her." Patuloy siya pag-iiyak.

"Valeen, we are going to talk seriously when I get done with Maine. I will settle her first." Seryosong sabi ni Atty. Ryan. Kinabahan naman kaagad si Valeen.

"Yes, Tito. I'm sorry." Ang tanging naisagot ni Valeen.

Alam niya na kapag ganito na ang tono ng pananalita ng abogado ay paniguradong patay silang dalawa ni Maine, in this case, siya ang patay.

"Kung may masamang nangyari kay Maine, ikaw ang pananagutin ko, Valeen. Kayo ng baliw mong ama at isasama ko pa ang ama ng gago mong ex-fiance." Napakalmado ni Atty. Ryan na nagsasalita pero ramdam ni Valeen ang kakaibang galit. Patay. Galit na nga. Naisip ni Valeen.

Ngayon lang talaga nag-sink in sa kanya ang resulta ng ginawa nilang magkaibigan at yun ay dahil sa kanyang pagiging reckless, dahil sa kanyang pagiging iresponsable, dahil gusto niya lang makaiwas sa kasal na ama lang ang may gusto.

"Okay po, Tito." Yun na lang ang naisagot niya.

Wala naman na siyang masasabi pang iba dahil nga alam niyang dahil sa kanya kaya nagawa yun ni Maine. Nang dahil sa utang na loob ng kaibigan sa kanya ay kinaya nitong gawin kahit na anong hingiin niya at alam niyang ibibigay naman kaagad ng kaibigan nang walang pag-aalinlagan kahit na ito pa ang mamiligro.

Ilang beses na nga ba siyang sinalo ni Maine mula nung mga bata pa sila? Ilang ulit na ba siyang iniligtas ni Maine sa mga gulong pinasok niya? Napakasama niyang kaibigan.

"You are too stupid Valeen! You are so selfish!" Singhal niya sa sarili pagkapatay ng tawag.

Muling nag-ring ang cellphone niya. Wala sa loob na sinagot ito dahil sa lalim ng pag-iisip.

"Val? This is Alden." Sabi nito. Para pa siyang nagulat.

"A-alden?" Parang tanga niyang sagot.

"Kamusta na? May balita na ba kay Maine?" Tanong nito.

"S-si Maine?" Sagot niya.

"Val? Are you okay?" Muli nitong tanong.

"Huh?" Wala sa loob niyang sagot.

"Valeen Montenegro! Ginagawa mo ba akong tanga?!" Nakasinghal na ito sa kabilang linya, galit na galit. Tsaka pa lang siya natauhan.

"Oh, Alden." Sambit niya. "No, no, no. I am not. I'm sorry." Mabilis niyang sagot, natataranta.

"Tinatanong kita, Val. What is going on?! Where is my wife?!" Halos pasigaw na si Alden sa kabilang linya. Nagulat at halos masamid si Valeen sa deklarasyong ito ng binata, kahit tuliro at kinakabahan ay napangiti siya.

"I"m fine. I just got lost in my thoughts." Paliwanag niya. "Tito Ryan got Maine and they are barely living the place." Sabi niya dito. Napabuga ng hangin ang kausap, halatang nakahinga ito ng maluwag. Alam niya yun kasi narinig pa niya itong napasinok.

"Thank God." Garalgal ang boses nitong turan.

Natahimik ang kabilang linya. Wala siyang marinig na iba maliban sa iyak ni Alden. Parang dinurog ang puso ni Val, mas lalo siyang nakonsendiya. Napakasama ko nga. Sambit ng isip niya.

Nakaramdam ng awa si Valeen sa dating fiance. Siya ang dapat na nag-ayos ng sarili niyang problema. Siya dapat ang naghanap ng paraan para maiwasan ang kasal, pero hindi.

Kung naging maayos lang sana ang takbo ng isip at hindi siya nagpaka-spoiled brat, baka hindi na sana nadamay ang kaibigan.

Ngayon, imbes na isa lang ang iisipin niya, dumami pa. Naidagdag pa si Alden at ang pamilya nito sa lista ng aayusin niya.

"Give me his number. I need to call him. I need to talk to him." Sabi nito sa gumagaralgal na boses. Hindi siya kaagad nakapagsalita. "Please Val. It's the least you could do for me and Maine after everything." Para naman siyang nakonsensiya sa banat ni Alden, tinamaan ang konseniya niya.

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kasalanan naman talaga niya eh. Siya ang puno at dulo ng gulong napasukan nila ni Alden, nadamay pa si Maine, na muntik nang ikapahamak nito.

"I'll text it you right now." Mabilis siyang tumira at ipinadala kaagad kay Alden ang number ni Atty. Ryan.

"Thank you, Val." Masayang turan ni Alden pero maririnig mo pa rin ang pagtangis nito.

Nagdaan ang buong araw na walang narinig si Valeen mula kay Ryan o kay Maine, kinakabahan siya. Mas lalo siyang kinabahan nang biglang dumating ang Daddy niya na tahimik at salubong ang kilay. Wala si Jhe ngayon dahil nasa conference ito sa Japan para sa bagong product line nito.

"Love, tumawag na ba ang Tito ni Maine?" Tanong ni Jhe sa kabilang linya. Bigla siyang natauhan. Ang asawa na pala ang kausap. Tapos na pala sila ni Alden na mag-usap, ni hindi niya naalalang nagbaba siya ng tawag o tumunogito, basta na lang niyang sinagot ang cellphone.

"B-babe? Is that you?" Alanganin niyang tanong.

"Who else?" Tanong nitong parang hindi makapaniwala at narinig yung sa boses ni Jhe. "Is everything okay?" Tanong nitong nag-aalala naman ngayon.

"Y-yeah. Yes, Babe." Sagot niyang nalilito pa rin. "Tito Ryan, found Maine and she'll be taken straight to St. Luke after landing." Malungkot niyang kwento kay Jhe.

"What hapened? Will she be okay?" May pag-aalala sa boses nito. Napaluha siya.

Jhe had just met Maine almost the same time na nakilala nito si Alden but even her husband is way too worried for her friend, napaiyak siyang lalo ngunit hindi ipinaririnig sa asawa. She cleared her throat.

"I don't know, Babe. I hope she's okay." Sagot niya. Ayaw niyang magsalita pa dahil ayaw niyang mag-alala ang asawa at natatakot din siya na baka magsinungaling lang siya.

Marami pa silang pinag-usapan na mag-asawa nang may kumatok sa pinto niya.

"Ma'am Valeen, pinatatawag po kayo ni Sir Gene." Sabi nito sa likod ng nakapinid na pinto. Kumabog ang puso niya, naghuhuramentado ito sa sobrang kaba at pangamba. Kasama na ang takot doon.

"S-susunod na ako!" Sagot niya. Tumahimik na ang paligid, patunay na umalis ang kasambahay na napag-utusan. Huminga siya ng malalim.

"I got to go, Love." Matamlay niyang sagot.

"Okay. I'll be home as soon as things get done here." Pahayag nito. Tumango naman siya na akala mo ay nakikita ng asawa ang ginawa.

"I'll see you home." Sagot niya na tinutukoy ang bahay nito. Hindi pa alam ng ama na nag-asawa niya. Mas lalong bumigat ang dibdib niya. Matamlay siyang tumayo at tinungo ang pinto.

"It's time to tell all, Valeen." Salita niya sa sarili.

Mabigat ang balikat na binaybay ang mahabang hallway ng mansyon nila patungo sa study ng ama.









ST. LUKE'S

"Mang Isidro, wag n'yong iiwanan si Maine kahit na ano pa ang sabihin ng duktor niya. Kahit na paalisin pa niya kayo, wag kayong papayag. Hindi kayo aalis." Matiim na utos ni Ryan sa driver/alalay ni Maine.

"Opo, Atty. Hindi po ako aalis at salamat po sa pagpapyansa sa akin." Nakayuko nitong saad. Tinapik ni Ryan ang balikat nito.

"Tandaan n'yo po, Mang Isidro, wala kayong ginawang masama. Wala kayong nilabag na batas. Kapag nasalubong o nakita n'yo uli si Alfred Richards, tawagan n'yo ako kaagad." Pahayag nito sabay tingin sa natutulog na dalaga.

"Sir, paano po kung pumunta dito ang nobyo ni Ma'am Maine? Ano po ang gagawin ko?" Tanong nito. Nilingon niya ang matandang punong-puno ng pag-aalala.

"Wag n'yo na po munang alalahanin yun, ako na po ang bahala sa kanya at sa lahat. Si Maine lang po ang asikasuhin n'yo" Sagot naman ni Ryan. Tumango-tango lang lalaki.

"Okay po, Atorni." Mabilis nitong sagot.

"Aalis ako maya-maya pagdating dito ni Judy. Sasamahan niya kayo. Kung sakali man wag po kayong magpapapasok ng kahit na sino. May security din po sa labas, pero kung dumating si Aling Coring at mga kaibigan ni Maine, papasukin n'yo sila." Mahaba nitong dugtong.

"Sir, ano po ang mangyayari kay Ma'am Maine?" Nakatingin ito sa dalagang tulog, awang-awa ito.

"Mang Isidro, sa palagay n'yo ba matutuwa yang alaga n'yo kung maririnig niya kayong Ma'am ang tawag n'yo sa kanya?" Natatawang saad ni Ryan, iniiba niya ang usapan. Tinapik pa sa balikat ang matanda, natawa din ito.

"Tama kayo, Atorni, hindi yan papayag at makikipagtalo pa ng todo at hi di ako kikibuin ng araw." Natatawa pa rin nitong sagot.

Gumaan na ang ambiance sa loob ng pribadong silid ni Maine. Parang nawala ang pag-aalala at pagkabahala, nawala ang tensyon.

"Sige po, Mang Isidro, aalis na po ako." Pagpapaalam ni Atty. Ryan. Humugot ng malalim na paghinga si Ryan at tinitigan ng mayiim ang dalagang alaga. Tinapik uli ito ni Atty. Ryan bago tahimik na umalis.

"Kung nabubuhay lang sana ang mga magulang mo, Meng, hindi mo ito dadanasin sa kamay ni Alfred." Tahimik na saad ni Mang Isidro bago umupo sa sofa sa loob pribadong kwartong ito.






"TITO Ryan, I am really sorry. Hindi ko naman inaasahan na aabot sa ganito." Saad ni Valeen pagkakitang-pagkakita kay Ryan. Matiim lang siyang tinitigan mula ulo hanggang ng abogado/conservator/guardian ng kaibigan, inaarok ang kung ano sa kanya.

Nagbawi kaagad ng tingin si Valeen. Hindi siya makatitig ng diretso sa abogado, alumpihit siya.

Alam ni Valeen ang mali niya at kilala din niya ang abogadong nag-alaga sa bestfriend, mas matindi pa ito sa ama ni Maine kung makaprotekta sa kaibigan.

Kilalang-kilala )niya rin ang mga magulang ni Maine kahit na bata pa sila ng mamatay sa aksidente ang mga ito.

"You know what really bugs me, Valeen? Ever since Maine was a little girl, she always does your bidding and not once have I seen nor heard you do things foe her except for being there when she cried after she lost her parents." Bumuntong-hininga si Ryan. "Sana man lang ngayon mo ipakitang bestfriend ka niya, but I doubt that will ever happen." Seryoso nitong dugtong. Nangilid ang mga luha ni Valeen.

"It was her idea Tito. I was just thankful na nakalabas ako sa kasunduang yun." Pagrarason pa niya. Nag-angat ito ng tingin at mas pinakatitigan pa siya nito, matiim, madilim at nanunukat.

"Her idea?!" Napaawang ang bibig ni Ryan. Di makapaniwala sa narinig mula sa kanta. "How dare you make that idiotic response?! You are an adult,  Valeen, and yet you can't act and think like one. Kung sinabi ba Maine sa iyo na tumalon ka sa bangin, gagawin mo?!" Hindi nakakibo si Valeen sa sinabi ng Atty. Ryan.

"Gene, had raised a mindless brat, for God's sake." Sukong saad ni Ryan. Napahilamos si Ryan ng mukha gamit ang

Tinamaan siya sa sinabi nito. Alam niyang nasaktan niya si Maine at naipahamak niya ang kaibigan. Huli na nang maisip niya ang resulta ng ginawa niyang pagsang-ayon.

Kung natatakot siya sa sinabi ng ama sa kanya nung isang gabi sa kanya ay mas natatakot siya kay Atty. Ryan ngayon.

She can just push her Dad's word aside dahil wala na, may asawa na siya. Kung maimpluwensya ang pamilya Montenegro at Richards, mas maimpluwensya din ang mga Napoles, hindi lang halata sa mga ito dahil low keys ang mga profile ng pamilya ni Jhe.

Kung tama ang pagkakatanda niya, parang pabiro nga lang pagkakasabi ni Maine ng mga bagay na yun ngunit sineryoso niya kaya nag-focus siya doon as the only way. Ngayon niya lang din napagtanto, matapos ang lahat, na siya nga ang may gawa nito sa kaibigan, umiyak siya.

"You may drown the world with your tears Valeen, but you will never bring back the fact na IKAW ang nagpahamak sa kaibigan mo. And worse, she's six weeks pregnant. How did that happen?" Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang ibinalita ng coservator ni Maine.

"Maine? She's pregnant?" Lumabas ang ngiti sa mga labi niya.

"Yes, she is."








SA LABAS ng ospital, pasakay si Atty. Ryan sa kotse niya nang tumunog ang kanyang phone. Mabilis niya itong kinuha at sinagot kaagad.

"Hello." Pabalewala niyang sagot.

"Atty. Ryan Agoncillo?" Bungad ng kabilang linya.

"Speaking." Mabilis niyang sa pag-aakalang isa sa mga kliyente niya.

"I am Alden Richards, may we talk?" Saad nito. Napangisi si Ryan.

"Sure. Let's meet on Friday. Name your time and place, I'll meet with you." Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga ng kausap.

"I'll see you on Friday at nine in the morning." Dama niya ang lungkot sa boses ng binata.

"Mind if I ask... what is this about?" Tanong ni Ryan kay Alden, kahit alam na niya ang dahilan ng pagtawag nito ay siniguro pa rin niya para lang malaman kung tama nga ang hinala niya.

"I know she's okay now, since you answered the phone now." Matamlay pa rin nitong sagot. Akala ni Ryan ay tapos na magsalita ang binata. Tatapusin na sana niya ang tawag nang muli itong magsalita. "I want her... I love her." Nabiglang napapailing si Atty. Ryan sa sinabi ni Alden ngunit ramdam niya ang katapatan sa tinig nito.

"I don't know what happened while I was gone that resulted to this incident." Gusto na sana niyang magsalita pero pinigil ang sarili, ramdam niya ang lungkot, galit at sakit sa boses ng kausap. "I won't judge you and your actions till I see you in person." Dugtong pa ni Ryan.

"I'm sorry. I will take all responsibility for what happened to her. You may find this ridiculous, since the time is so short, but I do love Maine. I will do anything and everything for stuff like this not to happen again." Ryan felt the anger on Alden's voice. Nakaramdam siya ng awa dito pero hindi siya papaloko sa binata. He's Alfred's son after all. Hiling niya lang na sana hindi katulad ng puno ang bunga.

Maybe there's more to the story than what it tells, and Ryan intends to find out. Hindi niya pwedeng husgahan ang binata dahil anak ito ng kalaban ni Teodoro Mendoza, mas lalong masasaktan si Maine pag nagkataon.

"I hope you would dahil kung hindi, hindi mo na siya makikita kailan man. Ako ang conservator ni Maine, ako ang masusunod. At sisiguraduhin ko sa sa iyo at sa ama mo na nagkamali kayo ng sinaktan. Nagkamali siya ng anak na kinanti!" Hindi na napigilan ni Ryan ang maging emosyonal.

He promised Teddy and Mariana to take care and protect their only child with his own life pero nangyari ito,. Ano ang mukhang ihaharap niya sa puntod ng mga ito? Paano niya masasabing pinangalagaan niya ang tanging yaman ng taong kumupkop sa kanya at itinuring siyang kapatid kung ang nag-iisang anak nito ay napabayaan niya? Kinukutokot ng konsensiya ang puso niya dahil inuna pa niya ang magbakasyon ng anim na buwan kasama ang asawa kesa mag-iwan ng taong magmamanman sa dalaga. You are so selfish Ryan Ganon Agoncillo! Tira niya sa sarili.

Tinuring nilang mag-asawa na anak si Maine at kung sino man ang manakit dito ay sisiguraduhin niyang magbabayad ng mahal. Abogado siya, kilalang matinik na abogado, at hindi siya mangingiming gamitin ang batas para sa ikabubuti ng alaga niya.

"Atty. Agoncillo, I know who you are and what you're capable of at hindi kita pipigilan. Gawin mo ang nararapat na parusa sa ginawa ni Daddy kay Maine as long as you promise me na hindi madadamay ang dalawa kong kapatid na babae." Humugot ng malalim na paghinga si Alden, narinig ni Ryan yun. Mapait siyang napangiti. May planong nabuo sa isip.

"Are you willing to lose everything for the sake of loving Maine"?Are you willing to side with her and not your father?" Alam niyang hindi ito papayag dahil mahal na mahal ng mga Richards ang kanilang negosyo, kaya nga maagang nawala ang mag-asawang Mendoza dahil sa kasakiman ni Alfred at nagkamaling pumanig si Gene Montenegro sa lalaki.

Mula sa pagiging matalik na magkakaibigan, napunta sa pagiging estranghero dahil lamang sa kakarampot na porsyentong pagkakamali sa hatian ng yaman ng mamatay ang mga ama ng mga ito. Kasakiman, yang ang naging ugat ng lahat. Bagay na hindi naintindihan ni Ryan gayung mas malaki ang minana ng isang Alfred Richards mula sa ama.

"For a short time of being with Maine on the island, I am willing to lose everything including myself. I will sell me soul to the devil if needed, wag lang mahirapan si Maine, wag lang siyang masaktan. Wag lang siya ulit lalapitan ni Daddy. Gusto kong maputol ang sungay ng ama ko." Mahabang sabi nito. Napalunok si Ryan sa deklarasyon ni Alden ngunit napangiti naman.

"Alright. I'll see you then." Pinutol na niya ang tawag pagkatapos sabihin yun.

Maya-maya lang ay nakatanggap siya ng text mula kay Alden. Napangiti siya nang mabasang sa opisina niya pinili ng binata niya makipagkita sa kanya. Mas nakaganda sa mga nabuo niyang plano.

For the meantime, Ryan has another plan. He is planning to send Maine to another island away from Alfred Richards' treacherous claws. He will not let him lay another finger on Maine ever again. He got in his car with his mind full of thoughts.

"I will fulfill your promise to Dad, Kuya Ted. Kahit mawala pa ang lisensya ko dahil dito. Magbabayad si Alfred Richards sa nangyari sa inyo ni Ate Ana at ngayon kay Maine?" Nanggigigil na isip ni Ryan. "His life is not enough. It's payback time, Kuya Ted. Magbabayad sila ng mahal."























------------------
End of MBG 22. Payback

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

💖 ~ AWP Writers ~ 💖
09.04.20

My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro