MBG 21: Up In The Sky
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 21
"Up In The Sky"
♡♥♡♥♡♥♡
NAGMAMADALING lumapit si Abueva sa kanila at una niyang napansin ang malapad nitong ngiti. Napatayo siya sabay lapit sa rehas, ganun din ang ginagawa ng apat na kasama.
"Abueva, bakit ang saya mo?" Tanong ni Aling Coring.
"Maine, hija. Darating na ang abogado mo bukas." Hindi kumibo si Maine. Umiyak lang ito nang lumapit si Agnes kay Maine at inakap siya nito.
"Maine, makakalabas ka na. Maiaalis ka na dito ng atorni mo. Hindi ka na pag-iisipan ng masama ng demonyong yun. Hindi ka na rin niya pakakainin ng panis para magmakaawa sa kanya. Hindi ka na niya pahihirapan, nak." Naiiyak na sabi ni Aling Coring. Tumango lamang si Maine habang lumuluha.
Hindi maiwasan ni Maine na kahit na masaya ang puso niya ay naiiyak pa rin siya. Masyado siyang nagiging emosyonal nitong mga nagdaang linggo. Kung wala lang ang mga naging kasama niya, malamang matagal na siyang nabaliw.
Well, sino ba naman ang hindi magiging emosyonal kung sa pagtulog sa gabi matigas na papag ang hihigaan, malamig na rehas ang nasa harapan at yun pa rin ang makikita sa paggising sa umaga. Idagdag mo pa ang demonyong pulis na manyak.
Nakaramdam siya ng konting ginhawa at sa parehong pagkakataon ay masidhing sama ng loob at galit sa ama ni Alden. Hindi niya idadamay si Alden sa galit niya sa Daddy nito, pero sana alam nito na hindi siya uupo nang walang laban.
Kung akala ni Mr. Richards na makakaya siya nito dahil na- blindside siya ng lalaki, nagkakamali ito. Hindi niya napaghandaan ang biglang pagpapahuli sa kanya. Pinapangako niya na magsisisi ang matandang lalaki na siya ang kinanti sa ganitong paraan.
Sa pagbabalik niya sa Manila, ipapakita niya sa lalaki kung sino ang isang Maine Mendoza. At kailangan niya rin isalba ang maaaring mawala kay Alden nang dahil sa ginawa nila ni Valeen, partly may kasalanan din siya. Kailangan niya ring humarap sa Daddy ni Valeen para magpaliwanag.
Gusto niyang magalit kay Valeen dahil hindi siya nito pinigil sa ediya niya na nagpasok sa kanila sa sitwasyong ito pero hindi niya rin naman magawa, siya ang nag-suggest nito. Ang eksaktong sabi pa niya noon; "desperate situations, needs desperate measures".
Hindi naman nila akalain na mahahantong siya sa malamig na selda, worst, ma-in love kay Alden at isuko ang sarili dito. She can't get her priority straight. Only thing clear is she made her bed, she has to lay on it.
Bigla niyang naalala, tama nga si Alden at Valeen, kaya ngang gawin ng Tatay ni Alden ang imposible. Kung nakinig lang sana siya sa binata at sumabay na lang dito o nagpahatid na man lang ay baka hindi pa nangyari ito sa kanya.
Ganun pa man ay hindi niya makuhang magalit ng lubos. Tapos na ang lahat, nangyari na ang dapat mangyari at ito na nga ang kinalabasan, kalaboso. Magalit man siya ngayon ay wala na rin siyang magawa, hindi na niya ito mababalikan at baka mas lalo lang maapektuhan si Alden. She has to do something.
"Maraming pong salamat, Tatang." Mahinang tugon ni Maine, mahigpit niyang pinisil ang kamay nito.
"Kainin n'yo na yan pagkain na yan. Alam kong hindi pa kayo nakakain ng maayos mula pa kanina. Ako na ang bahala dito sa mga papeles mo." Malumanay na sabi ni Abueva sa kanya. "Coring, baka mahanapan ko na rin kayo ng abogado." Dugtong nito na nagpangiti kay Aling Coring, ganun din sa tatlo.
"Maraming salamat po, Tang. Hindi namin kayang magbayad ng abogado. Kahit nga pro-bonong mga abogado ay hindi namin kaya eh." Sagot naman ni Aling Coring.
Nakakaawa ang mga ito dahil alam ni Maine at ramdam ng puso niya na wala itong mga kasalanan pero hindi yun ang tinuturo ng mga ebidensiyang nasa harapan nila kaya sila naririto.
"Abueva, nawiwili ka na diyan sa mga yan ah. May gusto ka ba sa isa sa mga yan?" Mahalay na tanong ng Redublado, nakitawa ang dalawang alipores nito.
Mainit ang tingin nito kay Agnes at Maine. Yumuko ang dalawa. Sumiksik si Agnes kay Maine. Napansin ni Abueva yun. Gusto niya itong suntukin ngunit pinigil na lang ang sarili.
"Sa palagay ko hindi si SPO4 ang may gusto sa isa sa mga batang nandito kundi ikaw SPO2, tama ba ako?" Lakas loob na hirit ni Aling Coring.
Alam naman ni Miane na malakas lang ang loob nito dahil nandito ang mabait na pulis. Kung wala ang mabait na pulis, hindi naman ito magsasalita dahil alam nilang pag-iinitan lang si;a ng mayayabang na pulis na ito.
"Hoy tanda! Wala ka nang asim kaya tumahimik ka!" Singhal ni Redublado at tatawa-tawa pa.
"Redublado! Tama na!" Saway ni Abueva. "Mag-iingat ka sa mga ginagawa mo sa mga preso natin, hindi mo kilala ang mga yan baka magsisi ka." Ngumisi lang si Redublado sa idinugtong ni Abueva.
"Ano naman ang magagawa ng mga yan? Nandiyan sila sa loob nandito ako sa labas, takot lang nila sa uniporme ko." Mayabang na ngingisi-ngisi pa nitong sabi. Tinapik niya ang balikat nito para na rin hindi niya masapak.
"Basta, wag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan. Darating ang abogado ni Mendoza ano mang oras kaya umayos ka." Sabi niya dito. Tumaas lang ang gilid ng labi nito at ngumisi.
"Eh di, ibig palang sabihin nito ay huling gabi na niya dito sa presinto? May kukuha na rin sa kanya?" Kinilabutan si Aling Coring at Abueva sa tingin ng lalaki kay Maine. "Kailangan palang ihanda na siya. Gusto mong ako ang maghanda sa iyo, Mendoza." Malandi at puno ng kahalayang sabi ni Redublado na mas lalong nagpanginig ng laman ni Maine sa takot. Tumayo na sa harap ni Maine si Aling Coring kahit na may rehas pang nakapagitan sa kanila ng pulis.
"Redublado! Wala kang gagawin. Wala kang lalapitan sa kanila. Wala kang ihahanda dahil nasa akin na ang mga papeles ni Mendoza. Wag mong kakantiin yan dahil malalagot ka sa abogado niyan." Madiin na sikmat ni Abueva sa kasamahan.
"Hoy Abueva! Wala kang karapatang makialam dito dahil off duty ka! Wag kang eepal dahil wala ka sa puder ngayon! Ako ang head sa gabing ito dito sa presinto kaya pwede kong gawin ang gusto kong gawin lalo na sa mga yan!" Nag-igting ang panga ni Abueva dahil sa tinuran ng lalaki. Hinarap niya ito. Ni hindi man lang natinag ang mayabang na pulis.
"Binabalaan kita, Redublado! Duty or off-duty, wala kang gagalawin ni isa man sa kanila diyan, lalong-lalo na si Mendoza kung ayaw mong mawala ang chapa mo." Turo niya sa direksyon ng selda nila Maine.
"Magandang gabi." Seryosong boses ang bumati mula sa likuran nila. Sabay na napalingon ang dalawang pulis. Sumalubong sa kanila ang isang di kataasang lalaki,, diretso at istrikto ang aura nito at nakasalamin. Maayos na nakasuklay ang buhok, malinis at mukhang mabango. Naka-asul na long sleeves na pulo na tinupi hanggang siko, nakapantalong itim, makintab ang pared ng sapatos at may hawak na atache case. Napangiti si Abueva.
"Ako nga pala..." Hindi na ito nakatapos pa sa ibang sasabihin.
"Tito Ryan!" Bulalas ni Maine. Nilingon nito ng bagong dating. Nag-igtingan ang mga bagang ni Ryan dahil sa nakitang hitsura ni Maine.
Nakalulunos ang kapayatan ng dakaga, nangangalumata at namumutla pa. Humpak ang dating malaman nitong mga pisngi at nanunuyo ang dating mapupula nitong mga labi. Ibinaling niya ang tingin sa naka-unipormeng pulis na nakatayo sa harapan ng isang lalaki.
"Sino ang on duty officer dito?" Madilim ang mukha ngunit kontroladong tanong ni Ryan. Umabante ang mayabang na pulis.
"Ako. Bakit? Sino ka?" Ngumisi si Ryan. Tinitigan nito ang name patch ng uniporme nito. SPO2 Redublado, Cain. Mayabang! Tahimik nitong pagbasa sa isip.
Napangisi si Ryan dahil bumagay ang pangalan ng pulis sa yabang nito. Akma nga ang pangalang Cain sa asal nito, magaspang, mayabang at adelantado. Mabilis din bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Ryan.
Ibinigay ni Atty. Ryan ang isang nakatuping papel dito. Binuksan ito ni Redublado.at binasa. Nagulat at napanganga ito. Nilingon si Abueva at ang mga nasa loob ng holding cell at pabalik kay Ryan.
"Silang lima?!" Gulat ang maririnig sa tinig ni Redublado.
"Yes. Silang lima." May diing ngunit kalmadong sambit ni Atty. Ryan. Matalim siyang tinitigan ni SPO2 Redublado at ngumisi.
"Masyado naman yatang mahaba ang order mo, Atorni. Wala kayo sa McDo." Mapang-uyam nitong saad. Hindi kumibo si Atty. Ryan. "Kung si Mendoza ang pipiyansahan n'yo, si Mendoza lang ang makukuha mo. Yung apat na yan, hindi mo na sakop yan." Dugtong pa nitong ngingisi-ngisi. Gumanti lang ng ngiti si Atty. Ryan.
"Short order nga lang yan eh. Wala pa ang main course." Pamimilosopo ni Atty. Ryan. Hindi nga siguro nagbabasa ng diyaryo ang mayabang na pulis na ito. Hindi nito kilala kung anong klaseng abogado si Atty. Ryan Agoncillo.
Lihim na napangiti si Abueva habang nag-uumusok naman ang ilong, bumbunan at pwet ni Redublado. Tablado ang mayabang na pulis sa abogado.
"Nakasaad sa release na yan ang pangalan ng limang babae. Pirmado ni Judge Alipio ng Supreme Court ng bayang ito. Bayad nang buo ang kani-kanilang mga piyansa na pirmado na rin ng kasalukuyan ninyong hepe." Sa kayabangan ni Redublado, hindi man lang niya sinilip o binasa ang kabuuan release paper na hawak at basta na lang itong ibinalibag sa harapan ni Atty. Ryan.
Bago pa man nakapagsalita si Atty. Ryan ay may pumasok na apat na unipormadong kalalakihan. Ang dalawa ay tumayo sa tabi ni Atty. Ryan at ang natirang dalawa naman ay tumayo sa magkabila ng pintuang bakal ng selda nila Maine.
Sinulyapan ni Atty. Ryan si Redublado na mukhang kinakabahan ito, nangiti siya. Ganyan nga kabahan ka, SPO2. Nagulat yata.
Kilala ni Redublado ang unipormeng suot ng apat na lalaki, alam niyang kabilang ito sa PNP at kilala niya ang dalawang nakatayo sa magkabilang gilid ng abogado. Nasasakupan ito ng pinaka mataas na opisyal ng PNP ng bayan nila kaya hindi pwedeng umarte-arte sa mga ito.
Nakita ni Abueva ang bahagyang pamumutla ng pulis. Lihim siyang nangiti. Oras na para maglinis ng presinto at sa iyo ako mag-uumpisa, Cain. Bago pa niya simulan yun ay kailangan niyang mailabas na dito ang limang babae.
"Atty. Agoncillo, alam po naming gabing-gabi na at ayaw n'yo pong ipagpabukas pa ito, kung mamarapatin n'yo po, ako na po ang nag-e-escort sa inyo palabas ng bayan." Pagpiprisinta ni SPO4 Abueva. Tumango naman si Atty. Ryan at tipid na ngumiti.
"Hindi mo pwedeng gawin yan, Abueva. Hindi ikaw ang naka-duty ngayon." Mayabang pa rin ang tono ng pananalita ni Redublado. Napangiting muli si Abueva.
"Mas maganda ngang hindi siya naka-duty di ba, SPO2 Redublado?" Singiti ni Atty. Ryan na nakangiting nakakaloko.
"Aba't..." Hihirit pa sana ng isang kayabangan si Redublado ngunit inunahan na siya ni Abueva.
"Pinapag-duty ako ni Hepe dahil hindi daw siya makakarating ngayong gabi." Sabay pakita ni Abueva ng text ng retiring chief nila. "Ako ngayon ang acting chief ninyo. Silipin mo sa papel na hawak mo." Malumanay namang sagot ni Abueva. Para kasing ayaw pa maniwala nito sa text ng hepe nila.
"Pero..." Hindi na naituloy na mayabang na pulis pa ang sasabihin nang sumigaw ang warden.
"Redublado! May tawag ka!" Malakas na turan ni Warden. "May emergency sa bahay n'yo!" Dugtong nito. Wala itong nagawa kaya iniwanan na sila ni Redublado.
"Warden, pahiram nga ng susi ng selda." Maayos na pakiusap ni Abueva sa kasamahan. Ngumiti ito at tumango. Bumaba sa pwesto, pumaikot mula doon at mabilis na binuksan ang selda nila Maine.
"Chief, nakahanda na po ang patrol. Nasa likod na rin daw po ang sasakyan ng mga kababaihan." Bulong nito sabay kindat kay Abueva. Tinapik nito ang balikat ng warden.
Napansin ni Atty. Ryan ang maya-mayang paglingon ni Redublado sa kanila habang may kausap ito sa telepono.
"SPO4 Abueva, may alam ba tayong ibang daan kesa sa nakasanayan palabas ng bayan?" Masusing tanong ni Atty. Ryan sa mahinang boses.
Napansin ni Abueva ang pagiging alerto ng abogado kaya lumingon ito kung nasaan si Redublado. Nagkatinginan at nagkaintindihan si Attorney at SPO4 Abueva nang makita ang magkasalubong na kilay ng SPO2.
"Aling Coring, Maine, okay naman siguro sa inyo kung bukas namin kayo ilabas dito?" Malakas ang boses at matiim ang titig ni SPO4 Abueva sa kanila. Napansin ng mga ito, lampas-tanaw sa balikat ng pulis ang nanggagalaiting si Redublado.
"Okay lang po kami dito, Tang, kahit isang gabi pa, itong si Maine ang inaalala namin. Baka po kung ano ang gawin ng demonyong yan sa kanya." Pahayag ni Aling Coring sa mababang boses.
"Hindi po siya magagalaw dito sa loob dahil iiwan ko ang mga ito dito para magbantay. Hindi sila malalapitan ni Redublado kung ayaw niyang mawalan siya ng trabaho at siya ang pumalit dito sa inyo." Ngumisi pa si Ryan. Napangiti naman ang apat na babae maliban kay Maine.
"Tito, is there anything you want to tell me?" Nakayukong tanong ni Maine. Kinabig siya ng abogado para akapin.
"I miss you, kid." Sambit nito. Napabuntong-hininga si Maine. "You are safer here inside than traveling tonight. I will make sure to get Alfred Richards for this." Dugtong nito na hindi na narinig pa ng iba, umiling si Maine.
"No, Tito. I. I will get him!" Tagis-bagang na saad ni maine. May apoy ng galit ang mga mata niya. Kinabahan ang abogado, ganun din si Abueva.
Maya-maya pa ay bumalik sa higaan niya si Maine at umupo. Sumunod din si Agnes at Agatha, pagtapos ay si Helen, umupo ang isa sa tabi ni Maine, sa sahig naman naupo nag isa.
"Atorni, pwedeng bukas na lang po tayo umalis? Medyo may edad na po kasi ako at yung dalawa ay mga antukin pa." Turan ni Aling Coring. Hindi naman na kumibo si Atty. Ryan kaya lihim na lang siyang nakahinga ng maluwag dahil nakuha ng mga ito ang gusto niyang mangyari.
"I need you to take care of yourself. Like before, I need you to be tough. I have bad feelings for this." Sambit nito. Napansin ni Maine ang pag-aalala sa boses ng abogado.
Alam ni Maine na sa simula pa lang, bata pa siya, kapag nagkakutob na ito ay dapat nitong pakinggan ang ang sinasabi ng guts nito. Kaya palagi itong nanalo sa kasong hawak.
"Aling Coring, sigurado ba kayo diyan?" Tanong ni Abueva sa ginang. Tumango ito sabay tingin kay Redublado. Nagmamasid at nakikiramdam lang si Maine.
"Sir, sigurado po ako. Mas magiging maayos kami kung dito kami magpapalipas ng gabi. Masama ang kutob at tingin ko kay Redublado. Mukhang hindi gagawa ng mabuti." Hindi na nakatiis si Aling Coring, inilakas na talaga niya ang boses. Nagsalubong lalo ang kilay ng damuhong na pulis.
"Aling Coring, upo na po kayo dito sa tabi ko." Pagtawag ni Maine sa ginang, pag-agaw pansin na rin sa maaaring masabi ni Redublado dahil baka magkagulo pa.
"Maine, you be good here. I'll send Sidney with Luke." Sabi ni Atty. Ryan. Tumango si Maine. Isinandal ang likod sa malamig na pader at pumikit. Luke ang piloto ni Sidney, ang private plang mga Mendoza.
"Sir, kayo na po ang bahala sa dalaga ko." Saad ni Atty. Ryan.
"Wag po kayong mag-alala, Attorney. Nandito naman itong tauhan ni General, magiging okay din po ang lahat." Sagot naman nito. Nagdaop na muli ang palad ng dalawang lalaki at umalis na si Atty. Ryan kasama ang dalawang miyembro ng PNP habang naiwan naman ang dalawa pa.
Naging tahimik naman ang gabi. Hindi na nakita nila Maine si SPO4 Abueva nang buong gabing yun. Taliwas naman kay Redublado. Ilang beses itong sumubok na lapitan ang selda nila Maine. Hindi lang nito matuloy-tuloy ang paglapit dahil hinaharang ito ng dalawang bantay na iniwan ni Atty. Ryan sa tulong na rin ng PNP General ng probinsiya.
Nagising si Maine dahil sa pagkalabit sa kanya ni Aling Coring. Nakita niyang gising na ang apat na kababaihan. Si Agnes, Agatha at Helen na nakabihis na, siya na lang ang hindi.
"Bakit po?" Tanong niya. Hindi ito kumibo basta sumisenyas lang na wag maingay.
Nakita niyang tahimik na bumalik si Agnes at Agatha sa higaan ng mga ito at nagtalukbong. Si Helen naman ay nagsisilid ng kung ano-anong naging importante na sa kanilang apat sa loob ng maikling panahon na magkakasama sila dito sa maliit na backpack.
Napansin niya na pati ang iilan sa mga gamit niya ay dala nito lalo na ang damit na suot niya noong ipinasok siya sa seldang ito. Maya-maya lang ay humiga na rin si Helen.
"Aling Coring, ano po ang nangyayari?" Tahimik niyang tanong. Nagpalinga-linga muna si Aling Coring bago nagsalita.
"Nasa labas si Atty. Ryan. Nagpautos ng tao dito na maghanda na tayo, sa loob ng kalahating oras aalis tayo dito." Sagot naman nito na nagdadahan-dahang bumalik sa papag na hinihigaan. "Magbihis ka na at bumalik ka ng higa diyan sa papag mo. Isara mo ang kurtina para hindi ka maistorbo." Dugtong pa nito. Mas lalong naguluhan si Maine.
"Istorbo saan?" Tanong niya. Muling lumapit si Aling Coring sa kanya.
"Beynte minutos mula ngayon, lalabas si Redublado para kumain, uuwi yan sa kanila. Sabi ni Abueva, maghanda tayo dahil susunduin tayo ni Atty. Ryan." Hindi man siya sigurado kung bakit ay hindi na lang siya nagreklamo. Pumanhik siya sa kanyang papag at isinara ang kurtina. Doon na siya nagbihis sa loob at sinigurong hindi siya makikita sa loob.
Lumipas ang halos mahigit kalahating oras, nakaramdam ng pagtapik sa balikat si Maine. Mabilis siyang napabalikwas sa gulat. Si Helen ang nanggigising sa kanya.
"Tara na." Simple nitong sabi. Maingat siyang tumayo at tahimik na sumunod kay Helen.
Nagulat pa si Maine nang makitang ang warden ang nakatayo sa pinto ng selda at nakangiti ito sa kanila. Hindi siya sigurado kung anong klaseng ngiti yun.
"Ineng, mag-iingat ka ha. Wag na wag na kayong babalik dito." Saad nito sa mababang boses. Mapagmahal itong nakangiti sa kanila. Napangiti si Maine. Yun pala ang ngiting ibinigay nito sa kanya kanina.
"Maraming salamat, Tatang." Sagot ni Helen. Yumukod lang si Maine. Kinandado na nito ang selda at parang balewala itong bumalik sa pwesto niya. Umupo ito doon at sumandal sa upuan na nakataas ang paa sa lamesa, sabay pikit.
Naramdaman ni Maine ang mahinang paghila sa kanya ni Hellen.
"Tara na." Saad nito. Walang lingong sumunod si Maine kay Helen papasok sa isang van na naghihintay sa kanila sa tagong bahagi ng parking lot ng presinto.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang makita niya si Aling Coring, SPO4 Abueva at ang Tito Ryan niya. Nandun din si Agnes at Agatha. Ngumiti lang ito sa kanya at hinarap na ang driver.
"Diretso sa airport." Utos nito.
Walang sabi-sabing pinaandar nito ang sasakyan. Ilang liko at tigil at ilang liko pa uli, tuluyan nang tumigil ang van. Hindi niya alam kung nasaan sila, ngunit wala siyang paki basta ang importante ay nakaalis na sa impyernong pinaglagyan sa kanya ng ama ni Alden.
Si Alden. Naisip niya. Alam kaya niya ang nangyari sa akin? Alam kaya niya ang ginawa sa akin ng daddy niya? Dahil sa dami ng naganap, nakalimutan niya ang sinabi ni Valeen sa kanya nung tumawag ito isang linggo na ang nakakaraan.
Mabilis na umibis ang bawat isa sa kanila. Kahit minsan ay hindi siya iniwanan ni Helen. Nasa magkabilang gilid naman ni Aling Coring si Agatha at Agnes na nakaalalay sa ginang. Nauuna si Atty. Ryan at SPO4 Abueva at nasa likuran nila ang apat na PNP na kasama ng Tito Ryan niya kagabi at nagbantay sa kanila.
"Bilis! Sakay!" Malakas ngunit kalmadong utos nito sa kanila. May himig pagmamadali sa tinig nito ngunit naroroon pa rin ang lambing.
Private Plane. Nagulat si Maine dahil isang makintab na private plane ang nasa harapan nila. Kilala niya ito.
"Tito?" Tawag niya. Lumingon ito.
"I'll explain later. Akyat na." Sabi nito. Tahimik na lang siyang sumunod.
Nasusuka at nahihilo siya dahil sa mga kinain niya ng mga nagdaang araw kaya mahigpit siyang napahawak kay Helen. Natulyan na yata siyang na-food poison dahil palaging panis ang ipinapakain sa kanila.
Hindi kumibo si Helen at tinapik lang nito ang kamay niya nap arang sinasabing, malapit na. Mabilis naman siya nitong inalalayan parang alam kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Mag-iingat ka, Maine." Saad ni Abueva at kumaway na ito kanya. Hanggang tarmak lang ito. Malungkot siyang kumaway pabalik sa lalaki.
"Salamat, Tang." Maikli niyang sagot at tumalikod na. One day, I will come back to thank you, personally. Pangako niya sa sarili.
Nasa eroplano na silang anim, si Agnes, Agatha, Helen, Aling Coring, Atty. Ryan at siya maliban sa dalawang piloto at isang FA, wala na silang iba pang kasama dahil umalis na ang apat na PNP at si SPO4 Abueva.
Maya-maya lang ay naramdaman na niya ang pag-taxi ng eroplano. Ilang sandali pa ay tumatakbo na ito sa runway at nasa himpapawid na. Nakahinga lang ng maluwag si Maine nang maramdaman niyang lumilipad na sila, napahagulgol siya.
"Maine?" Mabilis na paglapit ni Atty. Ryan sa kanya. "Everything will be okay. From now on, no one can come near you without my permission. No one can hurt you anymore." Galit na pahayag ni Atty. Ryan habang hinahaplos nito ang likod niya. Patuloy lang siya pag-iyak.
Tahimik at naiiyak lang na nakamasid ang mga naging kaibigan niya sa selda. Maging ang mga ito ay nakahinga na rin maluwag. Si Agnes? Umiiyak itong nakayapos kay Aling Coring. Maging ito ay nakahinga ng maluwag. Nakawala na rin ito sa impyerno.
Ano na ang kahihinatnan ng mga babaeng ito. Ano ang naghihintay sa kanila?
------------------
End of MBG 21: Up In The Sky
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
12.24.18
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro