MBG 19: Leave It To Me
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper : Chapter 19
♡♥♡♥♡♥♡
"I am being arrested for kidnapping you, Mr. Alden Richards." Yun ang huling narinig ni Alden bago pa namatay ang tawag.
"Maine! Maine! No!" He felt so helpless dahil hindi niya alam kung nasaan ito ngayon, nasa isla pa ba o wala na. Nawala na sa linya si Maine.
Hindi na alam ni Alden kung ano ang gagawin. Nabahala rin si Valeen at Jerald. Kakaiba ang pagtawag ni Alden sa pangalan ni Maine, parang may hindi magandang nangyari sa dalaga. Nagkatinginan ang mag-asawa, halos pareho sila ng iniisip. Kung hindi sila nagkakamali, eto na yata ang umpisa ng kinatatakutan nila bago pa sila umalis ng Bae Cove island.
Sa di kalayuan ay nakita nila ang paparating na tatay ni Alden. Nagdilim ng tingin si Alden dito. Nag-igtingan ang mga bagang nito. Kuyom ang mga palad na halos namumuti na rin ang bukong ng bawat daliri nito. Kilala ni Valeen ang tingin na yun dahil ilang beses na niyang nakita yun kay Alden at maging sa ama nito. He really is his father's son, hindi maipagkakaila yun.
"Val, I'm happy that you found your fiance unscathed." Sabay na matalin na tinitigan nito si Jhie na nasa tabi ni Valeen, hindi sumagot si Valeen. "Hijo, I'm glad you're home." Bati nito kay Alden na masama ang titig sa kanya.
"Hi your face, Dad. Or do I still have to call you that?" Galit niyang ganti dito. Nagkuyom ito ng palad na halos namumuti na ang mga bukong nito. Nag-igting ang mga bagang at nanlilisik ang mga mata nito. Napailing si Valeen. Mag-ama nga.
"What's with the greeting, son? Is that how you're going to greet me after two long sleepless weeks of searching for you?" Galit nitong sagot-tanong kay Alden. Ngumisi lang si Alden sa kanya na parang nangungutya.
"If I didn't know you any better, I would probably run and hug you, but I know you too well. You didn't look for me because you are worried about me. You went and looked for me because you are afraid to lose everything that is not even yours to begin with. These are all just for show. Kilalang-kilala kita, Dad." Mapait na turan ni Alden. Tumawa lang ang ama.
"And I will keep them as long as I can, at lahat ng hahadlang sa akin ay magbabayad, kahit ikaw pa." Nakangising sabi ng ama. Kinalabutan si Alden sa sinabi nito ngunit mas mabuting wag magpahalata na nanalo ang ama sa round na ito.
"Where is she? Ano ang ginawa mo sa kanya?" Tanong niya dito na puno ng galit at panggigigil.
"I just did what should be done to those who interfere with my plans." Nakangising saad ni Mr. Richards. Kinilabutan ang mag-asawa, gayun din si Alden.
"Fine. I hope what you did is right, dahil kung hindi, ako mismo ang magpapatunay na baluktot ka." Mahinahon ngunit may diin na saad ni Alden. Nandilat ang mga mata ng ama.
"Think what you want to think, Son, you will not find her." Halos pabulong na ang huli nitong sinabi. Nagtayuan ang mga balahibo sa batok ni Alden ngunit hindi niya binigyan ng kasiyahang isiping nanalo ito.
"Fine. Kahit na hindi mo pa sabihin ay malalaman at malalaman ko rin yan. Siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak ang babaeng mahalaga sa akin katulad ng ginawa mo kay Mommy." Malakas na loob na sabi ni Alden na nagpamulagat sa mga mata ni Alfred. Nilingon nito si Valeen. Umiling ang babae.
"Not me, Tito." Nakataas ang kamay nito na parang sumusuko. Lalong nagngalit ang mga bagang ni Alfred sa deklarasyon ng anak at ng akala niyang mamanugangin. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari sa isla, pero isa lang ang sigurado siya, may kinalaman ang lalaking kasama ni Valeen at ang babaeng pinahuli niya sa VIP side ng Marina Yatch Club dock.
"Hindi pa tayo tapos, Alden. At ikaw naman Valeen, alam mo ang mangyayari sa inyo kung aayaw ka sa kasalan na ito." Kinakabahan man ay parang nakakuha siya ng lakas ng makitang nakangiti si Alden ng nakakaloko sa ama.
"Alam ko, Tito. Pero wala naman kayong makukuha sa Daddy kasi wala naman na sa pangalan ni Daddy lahat ng ari-arian niya." Sagot ni Valeen. Nagulat si Alfred sa isinagot nito. Bago pa man siya makapag-salita uli ay mabilis na nagsalita si Valeen. "Siyanga pala, Tito. I'd like you to meet my husband, Jerald Napoles, the sole heir of the biggest airline company in Asia." Pakilala ni Valeen sa asawa. Mas lalong pang nagngalit ang panga ni Alfred. Mahigpit na nakakuyom ang kamao nito. Halatang nagpipigil ng galit dahil nasa harapan ang dalawang anak na babae.
"Asawa?" Sabay na bigkas ni Izza at Anjie.
Nagkatinginan pa ang dalawa at napangiti. Tumalikod na si Alden bago pa madugtungan ng mga kapatid niya ang mga sasabihin at bago pa makapagsalita ang tatay niya. Mabilis namang sumunod si Valeen at Jerald sa kaibigan. Sumunod na rin ng walang sali-salita si Izza at Anjie. Sa pinakahuli, ang Tatay ni Alden, si Alfred Richards na halos hindi maipinta ng kahit na sinong sikat na pintor, buhay man o patay, ang mukha nitong galit na galit.
Sa isip ni Alden, alam niya kung nasaan ang kopya ng kontratang pinirmahan ng mga nakatatandang magkakaibigan. Ikokonsulta niya ito sa isang niyang kakilalang abogado. Ito ang una niyang gagawin pagkarating na pagkarating niya sa condo niya.
"Alden, you are making a big mistake. Both of you and Valeen are making the biggest mistakes of your lives." Galit na sambit ni Alfred sa likuran nila.
"We know, Dad. And we can handle it." Pilosopong sagot ni Alden nang hindi nililingon ang ama. "But you on the other hand, can't." Dugtong niya sabay talikod. Wala na siyang pakialam sa ama.
Pagdating nila sa labasan ng bay 4 dock, lumiko na ang mag-asawa at tumuloy na ang mga ito sa kotse nila, habang si Alden naman ay tumuloy sa kotse ni Izza na nakaparada malapit sa kalsada. Kailangan niyang tawagan uli si Maine.
Hindi maalis-alis ang abot-langit na pagtahip ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari ang kabang nararamdaman ngayon. He had never felt this kind of fear before, not even when his Mom is losing everything including her sanity because of how evil his father is.
Hindi siya nakaramdam ng ganitong kaba at takot kahit pa noong halos lumubog ang kompanya nila na kailangan niyang patunayan sa mga natitirang investors nila na kaya niyang ibangon ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, kakaiba, nakakasakal.
Kung gaano kabilis mapatibok ni Maine ang puso niya, ganun din kabilis sakupin ng takot ang puso niya sa pag-iisip tungkol sa dalaga. Hindi siya makapag-isip ng maayos hanggang naramdaman na lamang niya ang pagbigat ng kanyangtalukap niya. Malayo-layo din ang bibyahiin nila pauwi, nakatulog na siya.
SA KABILANG PANIG, hindi alam ng katiwala ni Maine kung sino ang tatawagan. Nasa kanya man ang phone ng dalaga ay namatay naman ito kaagad ng sasagutin na sana niya ang tawag na pumapasok kani-kanina lang.
Kailangan pa muna niyang umuwi sa bahay ng dalaga para makuha ang numero ng abogado ng dalaga, pero aabutan pa siya ng apat na oras para doon. Wala ang charger ng dalaga kahit na hinalungkat na niya ang mga gamit nito. Napilitan na lang siyang sumakay ng tricycle para sundan ang police patrol na magdadala sa dalaga sa presinto.
Nakarating siya ng presinto. Nagulat pa si Maine na malingunan niya ang bagong dating na lalaki. Hindi pa siya naipapasok sa selda dahil kinukuhanan pa siya ng fingerprint.
"Mang Isidro? Bakit pa po kayo sumunod dito?" Tanong ni Maine sa katiwala.
"Eh, Mam, wala po yung charger sa bag n'yo, patay na po yun phone n'yo. Hindi ko po mai-charge para makuha po sana ang numero ni Atorni." Pahayag nito. Napangiti ng mapait si Maine. Mabuti na lang talaga at matalas ang common sense ni Mang Isidro at naisipan nitong sundan siya dahil kung hindi mas matatagalan siya dito.
"Mang Isidro, ihiram n'yo ako ng ballpen doon kay Kuyang Pulis. Ididikta ko sa iyo ang number ni Tito Ryan at Tita Judy para matawagan mo sila. Magpakilala kang katiwala ko sa bahay sa Quezon City." Tumango naman ito at lumapit sa front desk at nanghiram ng ballpen.
Nang makahiran na ito ay mabilis na bumalik sa tabi ng amo at inihanda ang sarili sa pagsulat ng ididikta niya. Naisulat naman ng mabilis ni Mang Isidro ang mga numerong ibinigay niya at mabilis na ibinalik ang ballpen sa pulis na pinanghiraman nito at bumalik kaagad kay Maine.
"Mang Isidro, umuwi na po kayo sa bahay. Pakidala na lang po lahat ng gamit ko pauwi sa bahay. Sa loob ng bag ko may konting pera po doon, gamitin n'yo po yun. Paki-charge na lang po ang cellphone ko pagdating sa bahay." Bilin niya dito. Pilit niyang pinagagaan ang paligid niya kahit alam niyang imposible. Alam niyang magtatagal siya dito.
"Mam, hindi po kita pwedeng iiwan dito. Wala pong aalalay sa inyo." Sambit ng matanda na puno ng pag-aalala.
"Wag n'yo po akong isipin dito. Sige na po, lumakad na po kayo para matawagan n'yo kaagad si Tito Ryan." Utos niya dito. Alanganing tumango ang lalaki. "Wag po ninyong sasagutin ang tawag ng kahit na sino hangga't hindi sumasagot o tumatawag ang isa sa dalawang numerong ibinigay ko sa inyo." Bilin niya dito.
Tumango naman ang lalaki kahit na gusto nitong tumutol. Ikinumpas niya ang kamay na nakakaposas sa likuran niya para paalisin na ito bago pa bumalik ang pulis na kumuha ng kanyang fingerprints.
Tamang-tama naman na nakaalis na ang katiwala niya nang bumalik ang pulis na umaresto sa kanya kanina.
"Ms. Mendoza, may abogado po ba kayo? " Magalang naman na tanong nito kahit na hindi siya nito tinapunan ng tingin dahil masyado itong tutok sa folder na hawak. Tumango siya, pero nag-aalanganin siyang sabihin kung sino ito. Alam kasi niya na kapag sinabi niya ang pangalan nito ay baka mahirapan siya. High profile lawyer kasi si Atty. Ryan, at maaaring maikonekta kung sino talaga siya.
"Meron po, pero nasa ibang bansa pa po ito eh." Napatingin ang pulis sa kanya. Napataas ang kilay nito.
"Bigatin yata ang abogado mo ah." Ngumisi ito. Hindi niya nagustuhan ang pagngisi nito.
"Ay hindi naman po. Anniversary po nila ng asawa niya kaya nasa ibang bansa po sila ngayon." Totoo niyang sagot. Tumango-tango naman ang pulis.
"Ayaw mo bang tawagan para naman makapag-iwan ka ng message para sa pagbalik nito ay mapuntahan ka dito?" Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya alam kung tatawag ba siya dito o ipagpapaliban na lang niya, either way, matutulog din naman siya sa selda dahil alam niyang walang sasagot sa bahay nito at malamang hindi papayag ang presinto na mag-long distance call siya sa New York, sa bahay nito kaya ibinigay niya kay Mang Isidro.
"Ipinagbilin ko na po doon sa kasama ko kanina na siya na lang tumawag sa abogadong kaibigan niya" Isang pagsisinungaling malapit ng kaunti sa katotohanan. Napahugot ng malalim na paghinga ang pulis. Nakita niya ang nararamdamang awa nito sa kanya sa mga mata nito.
"Ayaw sana kitang ipasok doon kung makakarating kaagad ang abogado mo dito para kahit papaano ay mapyansahan ka nito. Mahirap diyan sa loob ng selda, mukhang hindi ka pa man din sanay sa mabaho at masikip na lugar." Napangiti siya ng mapait sa sinabi ng pulis, nakaramdam naman siya ng init sa puso.
"Ayos lang po ako, chief. Ilang gabi lang naman po siguro ito, hanggang matawagan lang ni Mang Isidro si Atty. Ag... Atty. Aguido." Pinipilit pa rin niya ang magsinungaling at dahil sa hindi sanay ay munitk-muntikan pa siyang madulas, napailing ang pulis.
"Neng, hindi ka bagay sa loob niyan." Nilingon nilang pareho ang selda na nasa gilid nila. "Bakit mo ba nagawang kidnapin yung lalaking yun?" Tanong naman nito nang hindi painsulto o pauyam na tanong kundi parang nag-aalalang tanong lang.
"Chief, hindi ko naman po siya talaga kinidnap." Sisikapin niyang mailabas ang sarili sa problemang pinasok niya. "Inilayo ko lang siya sa bestfriend kong ikakasal sa kanya dahil ayaw nitong pakasal diyan kay Mr. Richards. May asawa na po kasi yung kaibigan ko." Salaysay niya. Napakunot ang noo ng pulis na kausap niya.
"Pwede ba yun na hindi alam ni Mr. Richards na may asawa na yung pakakasalan niya. Labag sa batas yun eh." Sagot naman nito.
"Kaya nga po ipinaiwas ko ito dahil yun nga po." Sinakyan na lang niya ang sinabi ng pulis.
"Eh bakit sabi dito sa report na dinukot mo daw ito noong araw na sana ito ay ikakasal? Ang mismong ama nung groom ang nagsampa ng reklamo at demanda sa iyo. Mukhang malakas ang ebidensiyang ng tatay nung groom." Pahayag nito sa kanya. Napahugot na lang ng malalim na buntong hininga si Maine. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi na siya kumibo pa. Tahimik na lang siyang umupo doon at naghintay ng kung ano ang susunod na mangyayari.
Hindi nagtagal ay inakay na siya ng isa pang pulis na parang walang pakialam na babae siya at parang basahan o parang kuting na basta na lang siyang hinablot patayo at kinaladkad sa loob ng selda na may limang babaeng nakapiit at itinulak siya sa loob nito.
Tahimik lang siyang nagpatianod sa mga nangyayari. Gusto niyang umiyak pero parang ayaw yata lumabas ng kanyang mga luha.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na siya ng pagod. Umupo siya sa sahig sa tabi mismo ng rehas sa kabilang sulok at isinandal ang ulo sa rehas.
Umupo siya ng malayo limang babae, apat na halos magkakakaedad ngunit matanda sa kanya ng kaunti at isang may katandaan nang babae.
Pakiramdam niya ay gusto siyang kausapin ng mga ito pero mas minabuti na lang niyang pumikit. Tamang-tama naman ang pagpikit niya, nakatulog naman kaagad siya.
Nagising siya sa ingay na narinig niyang mula sa labas. Parang may nagwawala.
"Wag mo nang pansinin yang ingay na yan, may bagong huli na naman sila na iskandalosa." Sabi ng babaeng may edad ng kaunti kesa sa kanila. Hindi siya umimik. Tumango lang siya at muling sumandal. Hinayaan na rin lang naman siya ng mga ito.
"DAD! NASAAN si Maine?" Galit na tanong ni Alden. Hindi pa rin sumasagot ang ama niya sa kanya. Apat na araw na ang nakakaraan simula ng makauwi siya. Apat na araw na ring wala siyang balita kay Maine. Apat na araw na rin niyang pinipilit kontakin ang kkilalang abogado, pero wala ito sa bansa. Apat na araw na ring nagpapalitan sila ng tawag ni Valeen at Jerald.
Katulad ng mga nagdaang araw, wala pa rin silang balita sa dalaga. Sinubukan na nila ni Valeen na puntahan ang mga bahay na alam nitong pag-aari ng dalaga na ikinagulat niya ngunit wala silang makuhang impormasyon sa mga ito. Pinuntahan nila ang bahay nito sa Tagaytay, wala. Sa Bulacan, wala rin. Sa Makati, mas laong wala. Sa Quezon City, wala si Mang Isisdro. Hindi na alam ni Valeen kung saan ito hahanapin. Yun lang alam niyang pwedeng uwian ni Maine, mlaiban na lang kung may bago itong acquire na property na hindi pa naikukwento nito sa kanya.
"Bakit sa akin mo tinatanong? Akala ko ba alam mo ang mga gagawin kaya ka sumuway sa gusto ng mga matatanda." Pabalewalang sambit nito. Napakalamig ng boses nito, Umalis ito pagkatapos masabi ang gustong sabihin
"Ano ang ginawa mo sa kanya?!" Galit na galit na tanong ni Alden sa papalabas na ama.
For the first in his gwapong life, abot-abot an takot niya. Hindi simpleng kaba lang na may halong konting takot, kundi takot na takot na talaga siya dahil sa ngiting ibinigay nito. Kailangan na niyang kumilos.
"Ano ba ang nararapat na gawin sa masamang taong katulad niya? Kababaeng tao." Puno ng pang-uuyam ang boses na ama, bagay na mas ikinatakot na niyang talaga.
Gusto nang sugurin ni Alden ang ama pero hindi niya magawa. Gusto niya itong pilipitin, pigain para lang masabi nito kung nasaan ang dalaga. Aksidente niyang narinig sa mga kapatid na ang ama ang nagpaaresto sa dalaga, ngunit hindi niya alam kung saang presinto. Tinawagan niya ang lahat ng presinto na malapit sa marina ngunit wala siyang nakuhang matinong sagot sa mga ito. Ayaw siyang bigyan ng impormasyon.
"Malaman ko lang talaga kung saang presinto siya ipinakulong, mananagot ka sa akin. Kakalimutan kong ama kita!" May diin ang huling pangungusap na sinabi niya, nginitian lang siya ni Alfred na mas lalong nagpasidhi ng galit sa puso niya para dito.
Tinalikuran niya ang ama at lumabas ng bahay. Nakasalubong niya ang dalawang niyang kapatid. Tinawag pa siya ng mga ito ngunit nilampasan niya lang ang dalawa na parang walang narinig at nakita.
Hindi na nagtaka si Anjie at Izza sa inasal ng Kuya nila. Simula kasi ng umuwi ang Kuya nila ay nag-iba na ito, mas naging seryoso at palagi na itong parang bugnutin. Papasok sa trabaho ng maagang-maaga tapos uuwi ng gabi na, at halos hindi na siya mahagilap o makausap man lang.
Nag-iba na rin ang Daddy nila. Parang hindi na ito ang dating malambing na ama sa kanila. Parang ibang tao na ito, nagbago ito overnight. Gayun pa man ay nakikiramdam pa rin ang dalawa. Kailangan nilang kumilos para sa kapatid at ama bago magpatayan ang dalawa.
"We need to help Kuya, Ate." Bulong na sambit ni Anjie sa Ate Izza niya na hindi naririnig ng ama.
"How?" Tanong ni Izza.
"Just leave it to me." Nakangising sabi ni Anjie.
Ano ang gagawin ng mga kapatid niya para makatulong kay Alden sa paghahanap kay Maine? Ano na kaya ang nangyari sa dalaga? Magkikita pa ba silang muli ni Alden? Abangan.
------------------
End of MBG 19: Leave It To Me
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
08.16.18
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro