MBG 14: System Malfunction
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 14
System Malfunction
♡♥♡♥♡♥♡
Kinaumagahan.
Maagang nagising si Alden para maipagluto si Maine ng almusal. Idadamay na rin niya si Val at Jhe. Bumangon siya para makapaligo ng maaga at makapag-handa ng maluluto.
Mabilis niyang ginawa ang dapat niyang gawin sa sarili niya. Nang matapos siya ay dumiretso na sa kusina.
Sinimulan niya sa pag-brew ng kape. Nakita niya kasi noong isang araw na may coffeemaker pala si Maine, isang bagay na napansin niya kahapon ng umaga, Maine loves her coffee.
Sinunod niya kaagad ang pagsasaing kasi magsasangag siya. Matapos yun ay naglabas siya kamatis, tinapa, ampalaya at itlog.
Busy sa paghiwa si Alden ng amplaya nang lumabas si Jhe sa kwartong pupungas-pungas pa. Pinagmasdan niya ang binata sa ginagawa nito. Napangiti siya. Hindi na dehado si Maine dito. Naiisip niya.
Tama ngang mag-play cupid ang asawa sa dalawang ito, pero mukhang mahihirapan sila ng konti dahil parehong mga pabebe si Alden at si Maine.
Napagdesisyunan ni Jhe na lapitan ang binata pakanta-kanta pa ito na ngayon ay nagbabati na. (Yung mga maduduming utak diyan, itlog ng manok ang binabati niya para sa ginisang ampalaya. Hehehe.)
"Good morning, Bro." Bati ni Jhe kay Alden.
"Oh. Morning din, Jhe." Bati ni Alden ng mabilis sabay balik sa pagbabati.
"Mukhang maganda ang gising natin ah. Anong meron?" Pang-uusia niya. Mukhang may idea na siya pero bilang isang dakilang usisero, uusisain na rin niya si Alden.
"Wala naman. Naisip ko lang na magluto. Nami-miss ko lang yung daily routine ko sa bahay ko." Paliwanag ni Alden. Lumapad ang ngiti ni Jhe.
"Hmmm... Echesero!" Natatawang sabi ni Jhe. Nilingon siya ni Alden na napapailing na lang.
"Ikaw? Ano ang ginagawa mo at ganito ka kaagang nagising." Balik-tanong niya dito.
"Wala lang. Naisip kong igawa ng almusal si my labs." Diretso nitong sagot. Nangiti si Alden. Sweet din pala si Mokong.
"May kape na diyan. Umupo ka na." Itinuro niya ang coffee maker na nasa maliit na counter.
"Nah. Mamaya na. Magtatampo yun kapag nakita niyang nauna akong magkape nang wala siya." Tumaas ang kilay ni Alden sa sinabi ni Jhe, di makapaniwala.
Hindi kasi ganyan si Val nung nagde-date pa sila kunyare. Although doon minsan natutulog si Valeen sa bahay niya ay hindi naman sila magkasamang matulog dahil sa guestroom ito natutulog. Ni minsan ay hindi nakitang naging dependent si Valeen. Hanga pa nga siya dito dahil napaka-independent nito. Well, kung tutuusin, wala naman talaga siyang masyadong alam tungkol sa dating fiance. Hindi nga niya alam na may mahal pala itong iba. Hindi niya rin alam na may napakaganda itong kaibigan.
"Kung gaano kalalim yang nag-iisang mong dimple sa pisngi, ganun din kalalim yang iniisip mo. Wag kang mag-alala, mai-in love din yun sa iyo." Ka agang nanukso ng kulapong na ito. Naisip niya.
"Heh! Magtigil ka. Baka mamaya marinig ka ni Maine, kung ano pa ang isipin nun." Saway niya dito sabay talikod at hinarap na ang paggigisa ng bawang at sibuyas. Natatawa si Jhe. Sa loob-loob niya; Ako pa ba ang eechusin n'yong dalawa?
"Ay dapat ka naman talaga niyang isipin." Saad nito sabay talikod.
Natigilan si Alden, hindi niya alam kung paanong magre-react sa sinabi ni Jeh. Sinundan na lang niya ito ng tingin na pumasok na sa kwarto. Ilang sandali pa ay lumabas na ito na may hawak na twalya. "Bro, yang bawang at sibuyas, baka nasusunog na, worse pati yung kawali madamay." Sabi ni Jhe nang hindi tumitingin sa gawi ni Alden.
Diretso itong pumasok sa banyo sabay sara ng pinto. Napapailing na lang si Alden. Kahit magulo ang bibig ng bagong kakilala, nakakatuwa naman ito. Muli siyang napailing-iling.
Alam niyang prangka siyang tao pero hindi katulad ni Jhe. Wala pa itong sinabi na hindi siya natameme. Hindi naman sa nagagalit siya dito, natutuwa nga siya dahil naalis nito ang iba niyang iniisip at parang medyo nagkakalakas siya ng loob.
Hinarap na ni Alden ang niluluto. Masyado siyang absorb sa kanyang ginawa na hindi niya napansin na nakatayo na pala si Maine, Jhe at Val sa hindi kalayuan sa kanya.
Natapos na nga si Jhe na paliligo at nakapaghilamos at toothbrush na rin si Val at Maine, pero si Alden ay clueless pa rin, tungangey.
Pinakatitigan ni Maine si Alden. Ganito rin ito kaseryoso noong kinidnap niya ito. Ni hindi nga nito namalalayan na hindi na pala si Manong Jimmy ang nagda-drive ng kotse at hindi rin yun ang kotseng dapat sana ay gagamitin niya sa lalim ng iniisip.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng binata. Mula sa perpektong hugis ng ulo nito, ang makinis nitong batok, ang malapad nitong likod, ang matikas nitong balikat, ang lahat tungkol dito. Siguro masarap makulong sa mga bisig nito? Napapilig si Maine ng kanyang sa takbo ng isip niya. Nagiging marumi na rin ito katulad ng utak ng bestfriend niyang si Val.
Pumababa ang titig ni Maine sa balakang ni Alden. Lalaking-lalaki ang balakang niya. Sheet of paper! Napasinghap si Maine. Shet, Menggay! Kung ano-ano na ang iniisip mo ha! Sigaw niya sa sarili. Pero hindi niya talaga mapigil eh. Napadako ang mata sa puwet nito. Parang mukhang matigas, kung sa mga ibang salita pa, matibsol, firm, parang ang sarap pisilin o di kay ay paluin. Shet na shet ka, Menggay!
Si Valeen at Jerald naman ay parang kiniliti sa mga facial expression na pinaggagawa ni Maine. May pakagat-labi pa sa ibabang labi itong nalalaman.
Pilit na wag maglabas ng boses ang tatlo. Hindi maikakaila na affected na talaga si Maine sa presensya ni Alden.
"Shit!" Napalakas yata ang bulong niya dahil napansin niyang biglang napalingon ang mag-asawa sa kanya. Halos mapunit ang mga pisngi ng dalawa sa lapa ng mga ngiti nitong nakakainis. Kung sana nga lang nakikita ni Maine ang mukha ng dalawa, paniguradong naiinis siya.
Hindi alam ni Maine kung saan niya isusuling ang sarili. Ayaw niyang mahuli siya ni Alden na nakakatitig dito. Ugh! Tresleches!! Nakakahiya ka, Maine! Kastigo niya sa sarili. Babalik na sana siya sa kwarto nang biglang magsalita si Jhe.
"Hi, hon. Good morning!" Malakas nitong bati. Umipod siya paikot kay Maine at inakap si Valeen. Bahagyang natakpan si Maine ng dalawa na ipinagpasalamat naman ng dalaga dahil parang lumalabas na kalalabas lang nila ng kwarto. She mouthed Thank you kay Jerald. Tumango lang naman at tipid itong ngumiti sa kanya.
"Hi, babe. Good morning din." Ganting bati naman ni Valeen sa asawa. Napatingin ni Alden sa kanila ng marinig ang kanilang mga boses.
"Oh guys, gising na pala kayo. Halika na may kape na diyan. Pasensiya na at nakialam ako sa mga gamit na nakatago diyan." Anyaya niya sa dalawa sabay na rin paliwanag. Hindi niya napansin si Maine. Nakita yun ni Valeen ang bahagyang paghaba ng leeg ni Alden kaya inginuso ni Valeen si Maine kay Jerald.
"Good morning, Maine! " Malakas bati ni Jerald na halos pasigaw na nga. Nabitawan ni Alden ang sandok na hawak kaya dumiretso ito sa sahig na sanhi ng panibagong ingay. Napahagikhik si Valeen. Parehong pabebe kasi eh. Sambit ng isip niya.
"Mr. Richards, dahan-dahan naman. Wag ka nang magkakape ha, nagiging magugulatin ka na, eh." Seryoso kunyaring sabi ni Valeen, pero hindi sila tangang pareho ni Maine para hindi malaman ang pakaibig nitong sabihin. Madiin na napapikit si Alden bago ito humarap sa kanila.
"H-hi, Maine. G-good morning." Nauutal na pagbati ni Alden sa dalaga.
Nagkatinginan si Jerald at Valeen dahil sa pagkakautal ni Alden. Isang tanyag na businessman, matapang, kinatatakutan ng lahat, tapos eto siya ngayon, nauutal sa harap ng isang Maine Mendoza? This one is for the book. Naisip ni Valeen.
"H-hi. G-good m-morning din." Nahihiyang bati ni Maine kaya tuloy nautal siya plus naglalaro pa rin sa isip niya ng balakang at pwet ni Alden. Mabilis na napalingon naman ang mag-asawa kay Maine. Huh! Another one for the book. Isang tanyag na businesswoman sa New York, kinaiilangan ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng mga kababaihan, tapos ito siya nauutal sa isang Alden Richards?
Nagkakahiyaan na ang dalawa. Parang biglang naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Natural lang siguro yun dahil ngayon ay bukas na ang diwa nilang dalawa na pareho pala silang nag-eexist at kakaiba na ang tingin nila sa isa't isa. May bagong kung ano ang sumisibol na sa pagitan ng dalawa. Yun nga lang hindi pa nila alam kung ano talaga yun. Kayo? Alam n'yo? Oh, wag na.
Tahimik silang nag-almusal. Well, silang dalawa lang ni Alden at Maine ang tahimik, dahil hindi mapigil yung mag-asawa sa kakakwento hanggang sa natapos na lang silang kumain.
Si Jhe na ang nagprisentang maghugas ng pinagkainan nila, si Maine ang prisentang maglinis ng salas dahil si Alden ang nagprisentang mag-imis ng pinagkainan nila. Inaayos ni Valeen ang mga hinugasan ni Jhe sa shelf pagkatapos punasan para matuyo ang mga yun. Bawat isa sa kanila ay may ginawa pero halatang nagkakailangan at nag-iiwasan ang dalawa. Naiinis na si Val. Napipikon na rin Jhe.
"Hon, naiinis na ako! Pag-untugin ko na ang dalawang yan. Kelan pa sila kikilos na pareho?" Pabulong sa sabi ni Valeen kay Jerald. Hinaplos naman ni Jhe ang likod ng asawa at pinaalalahanan ito.
"Hon, hindi mo pwedeng madaliin si Maine, three-days and two-nights pa lang silang magkasama. And besides, nakikita kong hindi pa sila parehong handa na tanggapin kung ano man ang nagpapagulo sa sistema niya." Impit na saway ni Jhe sa asawa. Napanganga ng nakakadismayang hininga si Val. Tama din naman ang asawa, hindi pa sigurado si Maine kung ano ang nararamdaman nito.
"Babe, that's what I'm talking about. Nandiyan na sa sistema niya, bakit hindi pa natin itulak ng kaunti?" Pilit pa rin niyang pagrarason. Dinig mo ang frustration sa boses ni Valeen. "Babe, naiinis na ako. Kapag hindi ako nakapagpigil, itatali ko yang dalawang yan sa iisang kwarto at pagutuman." Natawa ng may kalakasan si Jhe kaya napalingon si Alden sa kanila, ganun din si Maine at nagsalubong ang kanilang mga mata. Napansin ng dalawa yun kaya mabilis silang umalis ng kusina.
Naiwan silang dalawa ni Alden sa loob ng bahay habang yung mag-asawa ay hindi na alam kung saan na nagpunta.
"Maine..."
"Alden..."
------------------
End of MBG 14: System Malfunction
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
07.08.18
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Yellowjazz
mysticprincess888
mchay101
Wintermoonie
DonRomanTCo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro