MBG 13: What To Do?
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 13:
What To Do?
♡♥♡♥♡♥♡
NAGING masaya ang kinahinatnan ng gabi nila. Kanya-kanya ng pasok sa kanilang kwarto. Si Alden at Jhe sa isa, si Maine at Val naman sa isa.
"Ayos ka lang ba, bro?" Tanong ni Jhe kay Alden.
"Ayos lang, bro." Simpleng sagot ni Alden. Masaya siya. "Ikaw? Okay lang ba sa iyo na magkasama tayo at hindi ang asawa mo?" Dugtong niya. Tinatantya si Jhe.
"Ayos lang. No choice eh." Simpleng sagot na hindi makikitaan ng kahit na anong panghihinayang sa anyo nito ngunit batid naman sa tinig ni Jhe.
"Sorry, bro. Hindi naman pwedeng kami ni Maine ang magtabi." Nakangiti si Jhe sa tinuran ni Alden. Yeah. kung pwede nga lang.
"Hayaan mo na yun. Okay lang talaga. Hindi naman papayag yung asawa na kayo ni Maine ang magtabi. Baka pati ako maputulan ng kaligayahan." Natatawang sabi ni Jhe.
Napangiwi siya dahil doon ngunit nanahimik na lang. Kung alam n'yo lang kung gaano ko kagustong magising na siya ang unang makikita ko. Napatda siya sa takbo ng isip niya. What?! Napailing na lang siyang nilibot ang kabilang bahagi ng kama.
First time sa buhay ni Alden na matutulog siyang magaan ang dibdbi. Marami siyang first time ngayon. Simula ng makilala niya si Maine, he had done things that he hasn't done before. Nagawa niyang magpasensiya nang hindi nangsisisante ng empleyado o hindi nanakot ng tao. Hindi dahil sa hindi niya kayang gawin, kundi dahil hindi niya magawa yun kay Maine.
Aminado si Alden, simula pa lang nung una niyang makita si Maine nung kinidnap siya nito ay attracted na siya dito, ayaw lang niyang aminin noon dahil galit siya at iba ang direksyon ng isip at plano niya, pero ngayon? Oh, what the heck. Who cares! Sigaw ng isip niya. Napapangiti na lang tuloy siya dahil ngayon, kahit na anong mangyari, sisiguraduhin niyang ligtas at hindi na mag-iisa pa si Maine.
"Bro, alam mo, hindi pa kita gaanong kilala kaya pwede ba, medyo dahan-dahan naman sa ngiti? Baka kasi sa labas na lang ako matulog." Seryosong sambit ni Jerald. Napakunot ng noo si Alden dahil sa tinuran ng bagong kaibigan. Hindi niya pa muna naintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Ano naman ang kinalaman ng ngiti ko sa pagtulog mo dito o sa labas?" Hindi niya talaga naiintindihan ang pakaibig sabihin ni Jhe.
"Bigla-bigla ka na lang kasing ngumingiti diyan. Hindi ko alam kung may sira ka ba sa tuktok o imagination ko lang." Wala pa ring kangiti-ngiti. Napailing na lang si Alden sa ginawi ng lalaki.
"Hindi ako baliw, if that's what you meant. May naisip lang ako." Usal niya. Mas lalong napangiti si Alden. He was never vocal about his thoughts lalong-lalo na kakikilala pa lang niya sa lalaki.
"Wow. Parang alam ko na yan ah. Nagbibinata ka na, bro." Hirit ni Jhe na ngiting-ngiti na ngayon. "Pumapag-ibig na ba, bro?" Dugtong niyang tanong.
"Sira!" Napapailing niyang sagot na mas nagpalaki ng ngiti niya kaya mas lualalim ang biloy niya at natawa si Jerald.
"Oh. Sabi nang dahan-dahan sa ngiti eh. Nakakalunod yang lalim ng nag-iisang mong dimple, bro, baka hindi ako ma-rescue ng asawa ko." Natawa pa siyang lalo sa kapilyuhan ni Jhe
"Sira. Matulog ka na nga." Utos niya dito at tahimik na nahiga. Napangiti si Jhe sa palitan nila ng tuksuhan ni Alden. Magaan kasama ito, taliwas sa alam niya.
Hindi na muna niya kukulitin si Alden dahil baka mapikon ito at baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya. Kilala niya ang binata. Alam niya kung ano ang kaya nitong gawin, ayon na rin sa kwento ni Val, kahit wala ang mga securtiy at bodyguard nito. Kaya nga nagtaka siya ng bahagya ng hindi man lang nanlaban ang binata nung dinala siya dito ni Maine. Kung tutuusin ay kaya nito ang dalaga, as in kayang-kaya.
Kaya nitong humanap ng paraan para ma-outwit si Maine, kahit na sabihin pa niyang napakatalino ng bestfriend ng asawa niya. Kahit puro kalokohan ang laman ng utak niya minsan ay alam din naman niya kung kelan siya magseseryoso at ngayon ang isa sa mga oras na yun. Operation: Kilalanin si Mr. Dimple.
"Tara, tulog na tayo, bedmate." Aya ni Jhe nang hindi tumitingin kay Alden. Napangiti na lang si Alden dahil kahit seryoso si Jerald sa pagsasalita ay puro kalokohan ang lumalabas sa bibig nito. I hope we'll be good friends.
Humiga na si Alden nang patalikod kay Jhe, gusto niya nang matulog dahil gusto niyang magising ng maaga para maipagluto ulit si Maine ng almusal. Napangiti siya dahil sa isiping yun. Nirespeto naman ni Jhe ang gustong mangyari ni Alden. Tumalikod na rin siya para makatulog. Ipagluluto pa niya si Val ng paborito nitong breakfast bukas. May dala naman silang grocery eh.
SA KABILANG kwarto, nakapagpalit na si Maine ng pajama niya at ganun din si Valeen. Nakaupo na si Maine sa kabilang bahagi ng kama.
Hindi kalakihan ang kwarto ngunit hindi rin naman maliit, katamtaman lang, ganun. Kasya naman ang dalawang tao sa kamang naroon dahil parehong queen size ang mga ito.
Seryosong tiningnan ni Valeen ang kaibigang tahimik na naglalagay ng kanyang nighttime lotion, napapangiti siya. Marami nang nagbago sa buhay ni Maine simula ng mawala ang mga magulang niya, but there are still things na hindi nagbabago.
Tanda kasi niya, simula pa nung mga bata sila ni Menggay, ganito na ito, pagkalinis ng katawan maglalagay kaagad ng lotion, kaya malambot at makinis ang morenang balat nito dahil sa daily at nightly routine nito. Isa yun sa mga hinangaan at kinaiinggitan niya sa kaibigan. Kay Maine siya natutong maging tunay na babae in a sense of the female beauty rituals na hindi kumakain ng oras mo.
Natuto siyang maging maalaga sa sarili kahit na jojologs-jologs pa sila kadalasan. Natuto siyang mag-minimize ng oras kahit pa sa paglalagay ng make-up. Si Maine kasi mahilig sa makeup pero hindi naman siya gaanung gumagamit nun, only when time calls for it, but she always have something in her backpack to pull out if needed, ika nga... parang girlscout, laging handa.
Kailangan niyang malaman hindi lang ang laman ng isip ng kaibigan kundi pati na rin ang nasa puso nito. Gusto niyang masiguro kung ano ang sinasabi nito. Kung tumutugma ba ito sa takbo ng isip niya.
Kailangan niyang malaman para alam niya kung saan siya uupo o tatayo. Kung paano niyang matutulungan ang kaibigan na mailabas sa gulo na siya ang nagpasok. Alam niyang hindi naman sila pababayaan ng daddy niya. Para na rin kasing anak nito si Maine, pero nandun pa rin yun takot niya dahil kilala din niya ang Daddy ni Alden.
"Menggay, kamusta ka na?" Panimula niyang puno ng lambing. Alam ni Maine kung ano ang gustong malaman ng bestfriend niya.
"Okay naman, I think." Walang kasiguraduhang sagot niya sa kaibigan.
"What do you mean by I think?" Naguguluhan niyang tanong, but knowing her bestfriend, alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito, kung katulad nga ng nasa isip ang tinutukoy nito. Hindi lang masabi-sabi ni Maine agad kung ano ang tinatakbo ng isip dahil maging ito ay naguguluhan. Dahil hindi pa ito handa. So far, isa na ang na-confirm niya... She's confused.
"I don't know, besh. If this is just business, kaya ko 'tong lusutan, eh. Kaya ko 'tong labanan, alam mo yun, besh. Kahit yung six-footer na mga wall street CEOs ay hindi ko inaatrasan." Humiga si Maine sa kaliwang ng kama. "Ayoko ng ganitong feelings, Besh. Ayoko yung hindi ko hawak ang sitwasyon, hindi ko kontrolado ng paligid ko. Ayoko nang hindi ko alam kung saan tutungo ang lahat ng ito at kung ano ang naghihintay sa akin sa kabilang panig, sa dulo. I didn't like the fact that I am losing grip of things. Ang hirap." Napangiti ng bahagya si Valeen. Alam na niya ang nangyayari. Confirm. She's in love and she doens't know it yet.
"Besh, i-utot mo yan, baka kabag lang yan." Malawak ang ngiti niyang sambit. Marahas siyang nilingon ni Maine. "Mahal kaya magpa-doctor." Natawa naman si Maine sa sinabi ng kaibigan, napahagikhik si Valeen. Natutuwa siya dahil parang biglang nag-losen up si Maine sa biro niya.
"Eh kung ibalibag ko kaya yang eyebags mo at isabit diyan sa tonsils mo." Mabilis na singhal ni Maine. Napaihit ng tawa si Val sa sinabi ng kaibigan.
"Grabe ka kabrutal, Besh. Inaano ka ba ng eyebags ko at pati tonsils ko idinamay mo pa. Hahaha!" Tawang-tawa siya sa sinabi nito. Bago yun sa pandinig niya at talagang kwela yun. Bentang-benta sa kanya.
"Gaga!" Naiiling na singhal ni Maine. Natahimik silang pareho pagkalipas ng ilang minutong tawanan.
"Maine, masaya ka ba?" Tanong niya dito. Nagulat si Maine ng tanong sa kanya ni Val. Napaisip siya panandalian. Masaya nga ba ako?
"Oo... Hindi... Siguro... Ewan ko ba. Hindi ko alam. I don't even know exactly when I was happy, like really happy. Masaya ako ngayon kasi kasama kita uli." Naghihintay pa siya ng idudugtong ni Maine pero hindi na ito dinugtungan.
"Masaya ka ba na kasama mo dito si Alden?" Alanganin niyang tanong kasi hindi siya sigurado kung paanong itatanong yun kay Maine but she wants to know, dahil kung hindi ay baka maloka na siya sa kaiisip.
"Does it matter?" Simpleng sagot nitong hindi man lang siya nilingon.
"Yes, it does, Maine." Malumanay niyang sagot. "Because I need to know how I can help you. I promise your parent in thier grave na gagawin ko ang lahat maibalik lang yang ngiti sa labi mo." Pinutol ni Maine ang iba pa niyagn sasabihin.
"Bakit? Ngumingiti naman ako ah." maagap na sansala ni Maine.
"You know what I meant, besh. Yung totoong ngiti. Yung ngiting abot hanggang mata mo, yung katulad ng dati na nagbibigay ng kislap dito. Hindi yang ngiting hanggang labi lang, hindi umabot sa pisngi. Para lang masabing ngumiti ka pero ang totoo, yang puso mo ay hindi na naging masaya." Nag-uumpisa na siyang malungkot lalo para sa kaibigan. "Maine, I wanted to see you happy in a real sense of happiness, hindi yung whatever-whatever lang. Yung totoo, yung ngiting may kasamang pagmamahal, yung galing sa puso." Nilingon siya ni Maine, mukhang nag-iisip.
"Makakaya ko pa ba yun, Besh? Natatakot na akong magsaya, kasi baka mamaya may isang trahedya na namang mangyari, hindi ko na kakayanin pa." Matapat na sagot ni Maine. Naawa si Val sa kaibigan. Hanggang ngayon ay ikinatatakot pa rin nito ang sumaya. Kaya ba hanggang ngiti na lang ito?
"Pero Maine, kung hindi ka susugal, paano mong makikita ang magpapasaya sa iyo? Paano kung nandiyan lang pala sa tabi-tabi?" Matiim siyang tinitigan ni Maine Nakatagilid itong nakahapa sa kanya, ganun din siya.
"Sino? Si Alden?" Tanong nitong nakataas ang kilay.
Pinigil ni Val ang mangiti o mapataas man lang ang kilay niya. Baka biglang mag-beast mode ang bestie niya at totohanin nito ang pagtanggal ang eyebags niya at isabit nga nito sa tonsils niya, mahirap na.
"Wala akong sinabing ganyan." Pagdedepensa niya sa sarili. "Ang sabi ko sa tabi-tabi. Hindi ko sinabing sa katabing kwarto." Pagrarason pa niya. Mas mabuti na yung malinaw kahit na yun naman talaga ang ibig niyang sabihin.
"Sa totoo lang, besh. Hindi ko rin alam. Nasanay na akong walang iniisip na ganyan. Nasanay na akong negosyo na lang ang hinaharap ko, kung ano yun naiwan nila Mommy at Daddy sa akin. Pero minsan naman naiisip ko rin kung saan ko naman gagamitin yun? Para kanino ba ang ginagawa ko o gagawin ko. Wala na sila. Wala na rin si ano... basta. So, para kanino?" Natahimik silang magkaibigan. Para nga ba kanino?
"Meng..." Pagkuha niya ng pansin ng kaibigan nahulog na naman ito sa balon ng malalim nitong mundo, niyugyog
"Ha?" Napakurap naman si Maine sa pagpukaw sa kanya ni Valeen.
"Bakit hindi mo subukang kilalanin si Alden?" Napatitig siya kay Val. Kilalanin siya? Baka masaktan ko lang siya. "Hindi masamang sumubok na muling magmahal, Meng. Wag kang matakot. Nandito naman ako eh. At least ngayon, dalawa na kami ni Jhe ang nandito para sa iyo. Lahat gagawin ko para lang sa 'yo, besh. Subukan mo lang. Sa tingin ko naman may pagtingin din siya para sa iyo." Tahimik lang na nakikinig si Maine kay Val, hindi niya alam kung ano ang kanyang iisipin. Bahala na si Wonder Woman. Pumikit na lang siya para matapos ang usapan. Wala na ring nagawa si Val kundi ang pumikit na rin.
------------------
End of MBG 13: What To Do?
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
06.06.18
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Yellowjazz
mysticprincess888
mchay101
Wintermoonie
DonRomanTCo
TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro