Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MBG 11: Trust No one




♡♥♡♥♡♥♡

My Beautiful Groom-napper 11

Trust No One

♡♥♡♥♡♥♡






NAHULOG si Maine sa malalim na pag-iisip. For the first time ever, ngayon lang siya nalito o naguluhan ng ganito. Hindi siya makasagot sa tanong ni Alden. Hindi siya makakibo, parang bigla niyang nalunok ang kanyang dila.

Hindi naman siya dating ganito. Kapag may mga nakakaharap siyang mga lalaki ay parang balewala lang naman sa kanya ang presensiya ng mga ito, pero ngayon... feeling niya tuloy ay nakapa-slow ng analysis niya?

Ampupu naman, Meng, ngayon ka pa ba tatablan? Gwapo lang yan na may dimple at may malambot na mga labi at may matamis na lasa... Ano ba, Meng?! Feeling tangang high school lang Teh? Wala na, nasisira na yata ang ulo niya. Nababaliw na yata siya.

Isang araw pa lang na nakakasama niya si Alden ay siguradong sa mental institution ang lagpak niya. Hindi na ito kakayanin ng utak niya, mas lalong hindi na rin ito kakayanin ng puso niya.

Oo. Totoo. Gusto na niya ang lalaki. Gustong-gusto niya, pero paano naman ito? Mahal nito si Val. Hindi ito magpapakasal sa bestfriend niya kung hindi rin nito ito gusto. Magiging panggulo lang siya or better yet, magiging kontrabida lang siya sa love story-ng Alden-Valeen, at 'yan ang ayaw niyang mangyari.

Gusto niyang magmahal at mahalin pero ayaw niyang masaktan. Ayaw niya ang ibang damdaming kasama sa pagmamahal, katulad na lang ngayon, pagkalito, pangamba at ang paparating na kawalan.

Nilingon niya ang kinatatayuan ng binata, wala na ito doon. Nagpalinga-linga siya, nagbabakasaling makita niya itong kasama pa rin niya sa kweba. Maliit lang ang yungib na yun, hindi pwedeng hindi niya makita ang lalaki.

Napabuga siya ng hangin na akala niya ay wala sa kanya. Lumuwag man ang kanyang baga ngunit hindi ang kanyang kalooban. Bakit ganun? Akala niya sa paghinga niya at kaalaman na wala na ang lalaki sa harapan niya ay makakagaan na ito sa kanyang dibdib, ngunit hindi pala. Mas lalo itong namigat at nanikip na para bang pinipiga ang kanyang puso. Tahimik na lang niyang tinapos ang kanyang ginagawang pagliligpit.


NANG hindi sumagot si Maine sa tanong niya ay unti-unti na siyang umalis palabas ng yungib. Matagal siyang tumayo sa bungad nito habang inaanalisa ang pangyayari. Iniisip niya kung tama ba ang tanong niya kay Maine. Hindi kaya ito nabibilisan sa mga pangyayari? Hindi na siya magtataka kung nabilisan man ito dahil maging siya ay ganun din.

Hindi kaya natatakot din ito na kagaya niya? Sinong bag hindi matatakot? Isang araw pa lang silang magkasama pero parang ang dami nang nangyari sa pagitan nila.

Pareho din ba ng nararamdaman niya ang nararamdaman ng dalaga? Natilihan siya sa isiping yun? Ano nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga? Nandun na ba siya sa puntong yun? Gago lang, Alden?

Napapailing siyang umalis sa bungad ng yungib at bumalik na sa bungalow ni Maine. Magluluto na lang siya ng hapunan para sa kanilang dalawa.

Bumakas ang matamis na ngiti sa labi ni Alden. Napapailing na lang siya. Never in his life would he think to cook for a girl. Mommy niya lang at kapatid ang nagawan niya nun.

Well, hindi masamang idea. Yeah, cooking for Maine is not a bad idea at all. Mukhang masarap naman siyang alagaan at mahalin... WHAT THE? MAHALIN? WHERE DID THAT COME FROM, YOU WEIRDO?!

Nagkibit-balikat na lang si Alden at inumpisahan nang magluto ng hapunan for two. Alam niyang hindi sasabay si Maine sa kanya sa pagkain, but yet, he prefer to make her something special. Alam niyang mainit ang ulo nito sa kanya, lalong-lalo na sa ginawa niyang panghahalik dito.

Kahit ano pa man ang maging dahilan ni Maine sa hindi pagsabay sa kanya sa pagkain, ipagluluto pa rin niya ito. Hindi dahil yun ang dapat, kundi dahil yun ang gusto niya. It's about time for me to take care of someone, kahit na hindi pa niya ako masuklian.

Nagugulat si Alden sa mga takbuhin ng kanyang isipan. Namamangha siya sa bilis ng mga pangyayari, pati tuloy ang pagtibok ng puso niya ang umiiba na rin ng ritmo. Oh what they hey...

Tahimik niyang natapos ang niluluto. Naghain siya para sa isa at tinabihan naman niya ng isa pa para kay Maine. Kumain siya ng normal lang, hindi nagmamadali, hindi rin naman mabagal. Nagligpit siya ng pinagkainan niya at nang matapos na siya ay naghugas na ng pinggan.

Nang matapos niyang gawin ang lahat sa kusina ay pumasok na siya sa kwarto niya at kumuha ng ipapamalit na damit pantulog, kung saan man iyon galing ay hindi na siya magtatanong pa. Nagpapasalamat na lang siya at meron siyang mapagbibihisan. Naligo at nagsipilyo na siya. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kwarto at tahimik na humiga. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng bahay. Pinakiramdaman niya lang ang paligid hanggang sa nakatulog na siya.


MASYADONG tahimik ang kabahayan nang pumasok si Maine. Kakaiba ang kanyang pakiramdam sa kanyang pagpasok, tahimik, magaan, masarap sa pandinig ngunit salungat ang lahat sa damdamin niya.

Pumasok siya ng kusina para uminom na lang ng tubig dahil nawalan siya ng ganang kumain. Gusto na lang niyang itulog ang lahat. Ayaw niyang maramdaman ang sakit at bigat na dinadala ngayon na kung tutuusin ay wala lang dapat. Tubig lang ang katapat niyan, Meng. Sigaw ng isip niya.

Natigilan siya nang makita ang mga nakatakip na mga pinggan sa lamesa. Tumingin siya sa paligid. Wala si Alden. Wala kahit anino nito.

"Aba, Nagluto siya? Ayos palang kasama si Mokong." Tinanggal ang mga takip ng mga nakahain sa lamesa. Napalaway siya sa nakita. Sinigang na hipon, pritong pork chop tapos may sawsawang kamatis at itlog na maalat.

"Putaragis na yan! Anong meron? Ginugutom ba ako ng Mokong na 'to?" Tinikman niya ang sinigang. Napatda siya at napaisip: Ganitong-ganito magluto si Mommy ng sinigang na hipon. Takbo ng isip niya. Tumulo na lang bigla ang kanyang mga luha dahil naalala niya ang kanyang magulang. Napalinga-linga siya sa paligid. Sinisigurong wala na nga si Alden doon.

Dahan-dahan niyang hinila ang upuan at walang sabi-sabing umupo dito, kakain siya. Wala siyang pakialam kung makita man siya ni Alden o hindi, basta kakain siya. Nakaramdam siya ng biglang pagkagutom.

Ang kaninang parang walang ganang katawan at panlasa ay biglang naging hyper-active. Para siyang isang construction worker na isang araw na hindi nakakain dahil sa dami ng hinalong semento. Bigla siyang napadighay na parang inahing biik. Napasapo sa kanyang bibig, nagpapalinga-linga siya. Walang tao. Mabuti na lang.

Nang matapos siyang kumain ay nilinis niya ang hapag-kainan at nag-urong ng kanyang pinagkainan, nagsipilyo at pinatay na ang mga ilaw sa loob ng kabahayan. Pumasok siya sa kanyang kwarto, ngunit bago niya nagawa yun ay sinulyapan niya muna ang pinto ng kwartong tinutulugan ni Alden.

Nilapitan niya ito at akmang kakatok, but she went against it, nahihiya siya. Ikinuyom niya ang kanyang kamay at bumalik sa kanyang kwarto. There is another time to say thank you.

Natulog siyang may ngiti sa kanyang labi.

"BABE, ready ka na ba?" Tanong ni Jhe kay Val.

"Yes, Babe. Just getting my house key. Let's go." Pag-aya ni Val sa kasintahan

Lulan ng sasakyan, nagmamadaling makarating sila Val at Jhe sa marina. Nakarating sila ng marin na madaling araw pa rin, marami nang tao. Binati sila ng guwardiya at sinaluduhan.

Nang makapasok sa loob ng parking space na assign sa kanila ay nagmadali na silang lumabas ng sasakyan dala ang kanilang mga gamit at tinungo na nila ang isa pang speed boat na pag-aari rin ni Maine na maghahatid sa kanila sa Bae Cove.

"Babe, sino ba talaga yang BFF mong 'yan. Mukhang napaka-rich at napakahiwaga ang pagkatao at the same time." Naguguluhang tanong ni Jhe.

"Tse! Tumahimik ka nga. Stop asking questions, just hop in and sit your ass down." Dahil mahal niya, para tuloy siyang asong sunud-sunuran sa kanyang amo. Wala eh. Mahal ko kasi,

"Eto na nga, Babe oh. Nakaupo na at tahimik na rin." Nag-zip the lip action pa siya at parang maamong tuta na naupo sa gilid ng navigator seat dahil si Val ang magna-navigate.

Tahimik na umusad sa karagatan ang dalawa hanggang sa nilamon na sila ng dilim. Alas kwatro ng madaling. Madilim pa ang paligid nang marating ng dalawa ang isla.

Itinali ni Jhe ang speedboat sa kabila ng pontoon bridge na para dito sa loob ng kweba. Sabay nilang kinuha ang mga gamit nila at nagtuloy nang lumabas patungong bahay ni Maine. Kabisado nila ang eksaktong daan palabas ng kweba papuntang beach house. Tahimik at malinis ang paligid.

"Babe, nandito ba sila?" Tanong ni Jhe. Maging ito ay naguguluhan.

"I don't know, babe." Nagugulamihanang sagot ni Val. "They need to be here. There are no other place na pwede niyang pagdalhan kay Alden. I am sure, ito yun." Dugtong pa niya.

"Well, kung ito yun, Babe, dapat nandito sila. Walang bakas na meron tao dito." Sabi ni Jhe na may kasama pang pagpiyok.

"Natural na walang tao. Do you even know what time is it? Shunga lang babe ang peg?" Inis na sagot naman ni Val. Ganito magmahalan ang dalawang ito, brutal.

"Well, sarado ang pinto." Mabilis na sabi ni Jhe, nang subukan niya ang pinto.

"Eh di, dito na muna tayo. Sandali kukunin ko yung beach towel natin and we can sit down there." Tinuro ni Val ang dalampasigan. "Let's wait for the sunrise para romantic. Tanga lang, babe?!" Dugtong pa ni Val.

Napakamot na Lang sa ulo si Jhe sa inasal ng kasintahan. Napakatalas ng dila kasi in a classy way.

Ump! Kung 'di lang talaga kita mahal eh! Ani Jeh at the back of his mind.

AS THE sun rises magkayakap na pinagmasdan ni Val at Jhe ang pagsikat ng araw sa kaligiran.

"I love watching the sunrise with you babe for the rest of our lives." Malambing na sabi ni Jhe sabay halik sa noo ni Val.

"Aww... babe. I really love the romantic side of you. I feel like a queen." Paglalambing na sabi ni Val.

"But you know naman na you are my queen di ba? That's why we get married na 'di ba. Ayoko ng mawalay sa 'yo dahil alam ko sa sarili ko na ikaw ang gusto kong makasama ng panghabang-buhay." Sabi ni Jhe ng may paglalambing. "About that, are you ready to tell your bestfriend and your "ex-groom" that we're already married? Mahabang paliwanagan yan, babe." Dugtong pang muli ni Jhe. Panandaliang napa-isip si Val.

"Haay... alam ko, Babe. And alam ko rin na maiintindihan ako ni Maine at syempre ni Alden." Malamlam na tugon ni Val kay Jhe.

Natapos ang usapan nilang 'yun ng isang marubdob na halik, habang tumatama sa kanila ang sinag ni Haring Araw.

NAGISING si Maine sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mga mata. Napasarap ang kanyang tulog. For the first time, after the sudden death of her parent, the kidnapping of her bestfriend's groom which really put all her nerves to maximum grind.

Nakatulog siya ng mahimbing nang hindi nanaginip tungkol sa mga ito, hindi nagising na umiiyak at hindi rin siya stress. Bumangon siyang nag-iinat. Pahikab-hikab pa siyang nag-ayos ng kanyang higaan at ng kanyang sarili na may gaan ang kanyang mga kilos.

Habang sa kabilang kwarto naman, nagising na rin si Alden. Nanalangin at nag-ayos na rin ng sarili niya. For the first time in his adult life, tinanghali siya ng gising. Napasarap ang tulog niya. Hindi niya akalain na maganda rin pala minsan ang magising ng tanghali at walang ginagawa, iniintindi o pinupuntahang meetings o kikitaing kliyente. This is good. This feels so good.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay sabay silang lumabas sa kani-kanilang kwarto. Sabay nagkatinginan na parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Natigilan sila nang marinig nilang may kumatok. Without knowing na sina Val at Jhe ang nga ito.

Pareho silang natigilan. She looked at Alden in panic. Alden looked at her with a worried eyes.

"What to do?" / "Sino 'yun?" Sabay nilang sabi at agad na lumapit sa pintuan. Si Maine sa likod mismo ng pinto. Si Alden sa bintana nakasilip. Napakunot ang noo ni Alden nang mapagsino ang nasa kabila ng pintuan. Tumango si Alden kay Maine kaya binuksan nito ang pinto at bumungad sa kanila ang nakangiting pagmumukha ni Val Jhe. May pagtataka sa mga mata ni Meng. What is she doing here?

Si Alden? Masama ang tingin na itinapon kay Val na parang humihingi ang explanation sa mga nangyayari at dahil deserve ni Alden na malaman ang katotohanan ng mga kalokohang gawa ni Val.

Jhe and Val looked at each other and dropped their shoulder. It's explanation time. Pareho nilan naisip. Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay nang walang kibuan habang si Maine ay nakatayo pa rin sa may pintuan at si Alden umipod sa tabi ni dalaga.

Ipinaliwanag ni Val at Jhe ang side nila. Kung bakit niya pina-kidnap si Alden kay Maine, since it was the last choice she got. Naiintindihan naman yun ni Alden kasi maging siya ay tutol din sa setup ng kasalang yun. Minsan din siyang nag-isip ng paraan para makalabas sa kahibangan ng mga ama nila na nagmula pa sa mga Lolo nilang dalawa ni Val isa pang kaibigan ng mga ito.

"You are so irresponsible! You could've let me in on this. Dinamay mo pa si Maine. Haven't she had enough on her plate that you should add you load on her? How could you?" Nagalit na siya kasi hindi man lang nag-iisip si Val, disin-sana'y nakatulong pa siya.

"Pare, wala namang ganyanan. Hindi lang naman si maine lang ang apektado. Higit sa lahat, si Valeen ang naipit sa kasunduang yan." PAgtatanggol ni Jhe sa asawa.

"Who are you to butt in?" Galit na saad ni Alden kay Jhe. "Both of you are selfish as hell. Have you both thought that Maine will be in jail? Naisip n'yo ba na kahit naitigil ang kasal natin panandalian ay hindi pa rin matutuloy yun kapag natunton ako ng Tatay ko? Worst will come to whoever gets in the way, and Maine in the one in the way!" Sa galit at sa sobrang pagkainis ni Alden tumayo siya at umalis.

Nag-walk out siya dahil gusto niyang makapag-isip. Ayaw niyang magtigil sa harap ng dalawang walang pakialam sa iba kundi sarili lamang nila.

Sa sobrang katarantahan ni Maine, nakalimutan niya ang nangyari sa pagitan nila Alden kagabi. Sinundan niya ang binata. Hindi niya alam kung saan ito tutungo basta ang alam niya lang ay kailangan siya nito ngayon. Kailangan ni Alden ang kaibigan, ang masasandalan.

Sa loob ng beach house...

"Babe, what have I done." Umiiyak na sambit ni Val kay Jhe.

"Don't worry, things will turn out fine. Just trust them." Pag-alo ni Jhe sa asawa.

"Trust who? I can't even trust my own father to save me, let alone Alden's dad saving him." Mababanaag ang kaba, takot at pangangamba para sa kabutihan ng kaibigan.

"You're right. We can't trust anybody." Sagot ni Jhe. natahimik silang nag-isip.

"Oh yes, there's one." Excited na turan ni Val.

"Who?" Ngumiti lang si Valeen sa asawang pasaway.
















------------------
End of MBG 11: Trust No One

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

💖 ~ AWP Writers ~ 💖
09.01.18

My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro