Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MBG 10: Strange Feeling






♡♥♡♥♡♥♡

My Beautiful Groom-napper 10

Strange Feeling

♡♥♡♥♡♥♡










"MAINE!!" Patakbong lumabas ng bahay si Alden. Dahil hindi niya makita si Maine sa loob. Di naman niya kailangan pang halughugin ang buong beach house dahil maliit lamang ito at walang ibang pinasukan si Maine kundi ang kwarto nito.

Ang beach house na ito ay may maliit na sala pagpasok sa pintuan mula sa labas, diretso na kaagad hanggang sa kusina. Mayroong magkabilaang kwarto, na mga pinto ay nakaharap sa sala, yun bang paglabas ng kwarto ay makikita na agad ang sala, bintana-pinto at dagat.

"Maine! Maine!" Pagtawag muli ni Alden sa pangalan ng dalaga. "Saan kaya napunta yun? Bakit bigla na lang siyang nawala?" Mga katanungang tanging walang kasagutan sa ngayon.

"Nasaan ka na ba?!" Namuo na ang pinaghalong kaba, takot, inis at galit sa sarili pati na rin sa dalaga.

Nagpasya siyang bumalik sa loob para kumuha ng flashlight dahil hapon na nga at paglabas niyang muli ay dinala siya ng mga paa niya sa likurang bahagi ng bahay kung saan naroon ang kakahuyan. Nagbabakasakali na nagawi 'dun ang dalaga, kahit na 'dun din sa lugar na yun sya naaksidente dahilan para magkapilay ng paa.

Nakita niyang nakaawang ang bintana sa kwarto ng dalaga na hindi niya napansin kanina. Naisip niya na maaaring doon ito lumusot para takasan siya. Ang hindi maintindihan ni Alden ay kung bakit kailangang gawin ni Maine yun? Naguguluhan siya.

Parang ang siste kasi ng nangyayari ngayon, siya pa 'tong tinatakasan gayung siya dapat ang naghahanap ng paraan para makatakas sa islang ito. Napahilamos na lang si Alden sa mukha dahil sa frustration.

"Ano ba kasing gagawin niya doon sa kakahuyan? Magbibigti? Yan ba ang hindi suicidal?" Bubulong-bulong niyang turan. "Fuck, Maine! bakit mo ba ako pinag-aalala ng ganito?! Nakakatanga na huh. Hindi naman dapat ako nag-aalala sa kanya ng ganito because she's my kidnapper at hindi ko naman siya girlfriend. Pero damn! This feeling? This fucking feelings ang nagpipigil sa aking umalis sa islang 'to, at ang iwanan siyang mag-isa ay hindi ko magawa. Ugh! Nakaka-asar!" Patuloy niyang pagbubusa.

"And now, I have to freakin' make up my mind! Dahil kung patuloy lang ako sa pakikipagtalo sa sarili ko dito, I might see her floating up on the water or get washed up on the shore or I'll find her hanging on one of these damn trees!

Sinuong niyang muli ang kakahuyan, ang unang lugar na nakasaksi sa iringan nilang dalawa. Ang lugar kung saan siya nakita ni Maine. Kung saan hinabol siya para hanapin nito. Ang lugar kung saan ito natapilok at naganap ang unang pagdampi ng mga labi nila. Damn! Too much memory in such a short time.

Napatingala si Alden at taimtim na nagdasal na sana walang masamang mangyari sa dalaga. Mabuti na lamang natyempong full moon pa ngayon, kaya makakatulong ang liwanag ng buwan sa paghahanap sa dalaga kapag sumapit na ang lubos na kadiliman ng gabi.

Pero nasaan na nga ba si Maine? At bakit hindi siya mahanap ni Alden?

Itinuloy niya ang paglalakad. Maliit lang naman ang nasabing isla, pero dahil sa pagabi na nga, hindi na rin ganun kadaling halughugin pa ito. May parte rin kasi itong medyo masukal kaya hindi talaga advisable na puntahan mag-isa nang hindi handa, lalo pa't hindi niya kabisabo ang pasikot-sikot. Hindi katulad ni Maine na halos dito na lumaki, kaya alam na alam nito ang likaw ng kakahuyan.

Napansin ni Alden ang mga nakahawing baging at talahib. Dahil sa curiosity, pinuntahan niya ito,. Nagulat siya sa natuklasang lagusan papasok sa isang kweba.

May naaaninag siyang liwanag na nagmumula sa loob, kaya dahan-dahan siyang pumasok. Maingat ang ginagawang paglalakad, dahil sa pag-aalalang baka matuklaw siya ng ahas o matalisod.

Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad, palalim ng palalim sa pinakaloob-looban ng kweba. May mga kagamitan doon. Parang isang maliit na talyer. May malalaking drum ng gas at mga pint ng engine oil. Anong meron dito? Parang underground lab? Ano ang ginagawa nito dito?

May narinig siyang kalansing at kalabog sa di kalayuan na pinaggagalingan ng liwanag. Dinampot niya ang pala na nakita sa gilid ng maliit na lamesa. Unti-unti niyang nilapitan ang pinanggalingan ng ingay. Nagulat pa siya ng bahagya nang makita kung sino ang may gawa ng ingay. Si Maine? Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?

"M-maine?" Tawag niya sa dalaga na nabubulol dahil sa kaba.

Biglang napalingon naman si Maine sa lugar kung saan nanggaling ang tinig. Alam nitong si Alden yun, dahil kilala niya ang boses ng binata sa puso at isip. Tumayo ito, at sinalubong ang binata.

"Nandiyan ka pala. Mabuti naman at natunton mo 'to?" Mahinang saad ni Maine. Ikinagulat ni Alden ang lamig sa boses nito.

"Fuck Maine! You scared the shit out of me! Nandito ka lang pala. Ano ba ang ginagawa mo dito?!" Pagbabalewala niya sa sinabi ng dalaga.

"OA? Para kang bakla. May inaayos ako..."

Naninibago si Alden. May lungkot sa tinig ng dalaga. Iba ang tumatakbo sa isip niya. Baka nga masyadong nadepress ang dalaga sa pagkamatay ng magulang. [Maybe she's just denying na suicidal siya.] Naisip ng binata at hindi na nakatiis, kaya nagtanong na ito.

"Okay ka lang ba, Maine. I mean, ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Yeah, I'm fine. Inihahanda ko na lang itong speed boat para makabalik ka na sa mainland." Maiksing sagot ng dalaga sa kanya. Alam naman natin na may tama na itong si Maine di ba. Baka hindi na kinikeri ng girlie ang feelings niya. Si lalaki naman misinterpret ang ikinikilos ni babae.

"What do you mean by makabalik sa mainland?" Napalingon si Maine sa kanya. (Hindi ba talaga niya naiintindihan ang sinabi ko o hindi niya lang narinig.) Her thoughts.

"Sinong babalik sa mainland?" Dugtong pa ng nakakunot noong binata.

"Ikaw." One word response ni Maine, sabay talikod at bumalik sa ginagawa.

Magaling si Maine sa mga makina, sinisiguro niya na aandar ito at may sapat na gasolina hanggang sa makarating ito sa kabilang isla. Kalahating oras lang naman iyon sa speed boat pero mas maganda na rin yung may sapat na gasolina sa tangke nito.

"Maine, what are you talking about? What do you mean by going to the mainland? Maine, come on, talk to me, please." Binigyan niya ng sapat na panahon para sumagot ang dalaga. Ngunit nabigo siya, tahimik lang ito.

"Please, Maine. Don't do this to me. Don't do this to yourself. I can't leave you here by yourself." Saad niya. Tumigil ang dalaga sa kanyang ginagawa. Huminga ito ng malalim bago siya nilingon.

Matamang tinitigan ni Maine si Alden. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang yun?

"Bakit, Alden? May magagawa ka ba? May magagawa ka ba para baguhin ang lahat?" May patama na tanong ni Maine sa binata, pero hindi niya alam kung natumbok ni Alden ang gusto niyang sabihin.

"Maine, kung tungkol din lang naman sa mga magulang mo ay wala, pero-----" Naningkit ang mga mata ni Maine sa sinabi ng binata. Paano niyang nalaman ang tungkol dito? Nagkwento ba siya nung nalasing sila?

"Huy, Mestizong hilaw na binabad sa sukang paombong, hindi tayo close para analisahin mo ako. Ayaw mo ba nun at makakabalik ka na sa bayan kung saan ka nararapat! Matutuwid mo na ang baluktot na ginawa ni Valeen. And while you're at it, ilabas n'yo ako sa gulo ninyong dala pwede ba! Pagod na ako." Madiin na sabi ni Maine, na bigla namang nag-switch ang mood nito from lungkot to inis.

Nairita na rin si Alden sa mga sinasabi ni Maine dala na ng gutom at pag alala sa kanya.

"Anung bang problema mong babae ka?! Bakit pinangungunahan mo ako sa mga desisyon ko? Sa mga iniisip ko?! Tama ka! Gustong-gusto ko nang makaalis sa lugar na Ito!" Bigkas ni Alden ngunit biglang sumabat si Maine.

"Kaya nga, kamahalan, eto nga at tinatapos ko na 'to para makaalis ka na sa lugar na to!" Nagtaas na rin ng mga boses si Maine.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Pagalit na sabi ni Alden.

"Eh sumisigaw ka rin naman ah!" Sigaw ni Maine. "Akala mo lahat ng tao ay kayang-kaya mo?! Huwag ako Alden! Huwag ako!" Nagngingitngit na sigawl ni Maine.

"Maine, ano ba ang talagang nangyayari sa iyo?" Ibinaba niya ang tono ng boses dahil pati siya ay nadadala na rin sa sitwasyon. Ano ba ang nasa isip mo, Maine? Bakit ayaw ng puso ko sa gusto mong mangyari.

"Wala kang pakialam kung ano ang nangyayari sa akin." Madiing turan ni Maine." Ayan na kamahalan, handa na ang speed boat para sa iyo. Pwede ka ng umalis." Malungkot na sambit ni Maine. Nakita ni Alden ang lungkot na umabot sa mga mata nito. O sadyang malungkot na talaga ito kaya nanahan na ang yun sa mga mata ng dalaga.

"Hindi ako aalis. Dito lang ako." Seryoso at madiin niyang sabi sa dalaga.

"Bahala ka sa buhay mo!" Iritadong singhal ni Maine.

(Ano ba talaga ang gusto mangyari ng dalawang ito?)

"Hindi kita iiwan dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang nangyayari sa iyo." Determinado siya, hindi patitibag.

"Di ba, sinabi ko na rin sa'yo na wala kang pakialam?!" Mataray at nanlilisik ang mga matang sabi ni Maine sa binata.

(Ano ba ang dalawang ito?)

"Maine, will you please, at least once, be honest to yourself?" Napipikon na siya. Wala ng ginawa ang babaeng ito kundi pikunin siya.

"Honest? Bakit? Sino ka? Wala kang pakialam sa akin." Naiirita na si Maine sa pagiging intrimitido nito. Namumuro na mestizong hilaw na ito.

"Maine..." Pipilitin niya ito. Hindi siya titigil, pero bago pa siya nakapagsalitang muli, pinutol ni Maine ang iba pa niyang sasabihin.

"I don't need anyone. Go! leave!" Sigaw ni Maine sabay lahad ng susi sa harap ni Alden.

Nalungkot din siya nang kunin ito Alden. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang damdamin na ito. Pahamak na feelings. Maging si Alden ay ganon din ang nararamdaman. Nakatayo lang ang binata at nakatingin sa kanya, dismayado.

"Goodbye, Maine. Goodbye, my beautiful groomnapper." Sabi niya pero hindi siya gumagalaw. Nakita niya ang pagbagsak ng balikat ni Maine. Lumapit siya dito.

"Maine, if you don't want me to leave, I won't, but you have to say it." Sabi niya sa dalaga.

"Just go, Den." Maikling niyang sagot.

"Is that what you really want me to do? Is that what you want to happen?" Yan nga ba ang gusto niya?

"Does it matter what I want? What do I want to happen?" Ano ba talaga Maine ang gusto mo? Inikot siya ni Alden paharap sa kanya.

"Yes, Maine, it does matter. To me, atleast, it does." Mahinahon, malambing at malinaw pa sa kulay ng tubig sa dalampasigan ng Bae Cove na pagkakasabi ni Alden.

Juicecolored ang mga boses na ganito na nanggagaling kay Alden ang nagpapalambot kanyang mga tuhod. Tapos hinaplos pa ni Alden ang pisngi niya, milyon-milyong boltahe ng kuryente dumaloy sa kanyang buong katawan dahil sa simpleng pagdampi lang.

"Alden, please. Ayoko na. Suko na ako. Ayoko na." Masaganang dumaloy ang mga luha sa mata ni Maine.

Halos mawala na ang boses ni Maine. Parang namang dinurog ang puso ni Alden sa narinig mula sa dalaga. Hindi ito ang plano niya. Ang plano niya ay umalis at eto nga, ang dalaga na mismo ang nagpapaalis sa kanya. Alden ano ba ang nangyayari sa iyo. Ayan na ang speed boat, handa na. Bakit hindi mo siya maiwanan?

Napatingin siya sa mga labi ng dalaga. Nangingintab ito sa repleksyon ng maliit ilaw ng kweba. Hindi niya mapigilan ang sarili, parang may kung anong pwersa ang humihilasa kanya.

Menggay, wag kang tanga. Umiwas ka. Kumalas ka.

"Maine, bakit ka sumusuko? Bakit ayaw mo na? Ako, Maine, gusto ko. Gustong gusto ko." Dinampian niya ng halik ang labi ng dalaga. Napapikit na lang si Maine. Tila bang parang magnet na nagdikit pa ng husto. Hinayaan na lang ang sariling damhin ang bawat halik na dumampi sa kanyang labi. Halik na puno ng pagmamahal. Tumagal ng ilang minuto ang ganung eksena nila.

Sa kanilang paghinto, tinitigan ni Alden ang mala-angel na mukha ni Maine at muling hinaplos ito.

Maine, I just met you in less than two days but you woke a strange feeling within me.

"Maine as response to my kiss, does that mean you like me too?"
















------------------
End of MBG 10: Strange Feeling

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

💖 ~ AWP Writers ~ 💖
09.01.18

My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro