MBG 1: The Plan
♡♥♡♥♡♥♡
My Beautiful Groom-napper 1
"The Plan"
♡♥♡♥♡♥♡
ALDEN's POV
I WAS fixing my suit when someone knocked on the door. Para naman itong mauubusan ng pinto kung kumatok. I slowly walked toward the door and opened it. It's Dad. He gave me his sweet smile first before he entered my room. Mabuti pa siya masaya.
"Nak, ready?" He asked, smiling widely like he's the one getting married.
"Yes dad." Sagot ko, emotionless. Who would have happy emotions kung... whatever.
"Ok, mauna na kami ng mga kapatid mo. May kotseng maghahatid sa iyo sa simbahan, you don't have to drive." he said, still smiling. I just nodded my head as a response and he tapped me on the shoulder before walking away. I sat there for a while and thought about how my life would be from this day forward.
I took one last look at the life sized mirror at lumabas na ng pinto. Isang black porsche ang naghihintay sa akin sa labas, without even looking at the driver, I said. "Let's go."
Nakadungaw lang ako sa bintana as the car moved away. Madaming gumugulo sa isip ko ngayon. My agony took over me for more or less 30 mins before I realized na iba ang rota na tinatahak ng sasakyan. So I looked to the driver, he was so focused on the street.
"Excuse me? I don't think this is the way to church." I asked. The driver looked in the rearview mirror. She smiled. Wait! She?!
"Wait, teka? Who are you?! Asan si Manong Jimmy? Ba't ikaw ang nagmamaneho?" Tanong ko sa kanya na medyo may panic nang bumabangon sa akin. Although she is a woman, she may be stronger than she shows, mahirap na.
"Sorry kuya, pero... di mo kailangan makasal ngayon. So, I have to take you away." Pahayag niya. At nakuha pang ngumiti.
"WTF! Anong pinagsasabi mo?! Ihinto mo ang sasakyan or else..baka makalimutan kong babae ka!" Sigaw ko dahil sa galit at pagkabigla. Nilingon niya ako sandali at nagpatuloy na magmaneho. Ayaw ko naman siyang i-choke hold kasi baka maaksidente kami mas lalong hindi ako makarating sa kasal ko.
"Geezz... katakot ah?!" Nakangisi niyang sabi na parang nakikipaglokohan lang. "Yun eh kung makakapalag ka?" She smirked after saying those last words at nagsuot siya ng face mask. Meron itong ini-spray sa AC ng kotse, di ko alam kung ano pero parang nahilo ako and afterwards everything went black.
MAINE's POV
HINDI ako mapakali kung itutuloy ko pa ba ang plano namin ni Valeen. Ngunit di ko talaga matanggihan ang pagmamakaawa nito. She's the only person na naging karamay ko, after mawala ang parents ko in a car accident 4 years ago. With Tito Ryan and Tita Judy, she helped me throughout managing the business that my parents left here and New York. Siguro naman, sa paraan na 'to magagantihan ko siya. She's so good to me, she deserves to be happy. Kung magpapakasal siya, dapat sa taong mahal niya. Hindi dahil sa lecheng fixed marriage na ganito.
EARLIER on the day of the wedding. Everything falls into place according to plan. Naghihintay na lang ako ng go signal from Val and Je.
I need to call her and make sure that she hasn't changed her mind or did she? But she beat me to it. Yummy Val calling.
"Landi talaga ng bruhang 'to! Pinakialaman na naman phone ko!" sabi ko sa sarili ko after I saw her name registered on my phone screen, and picked it up.
"Hello bruha! Yummy ka dyan?! Leche! Ano gora na?" She chuckled at the other line as she heard me snarled at her.
"Sorry sis, just stating the truth!" Sabi pa niya. Talandi talaga, natawa ako. "Oo besh, ready na. Within 5 mins. Alis na kami ng bahay. Basta makipag-coordinate ka na lang kay Je, if you need back up. Nasa malapit lang siya." Bakit parang balewala lang s babaeng ito ang magaganap?
"Okey, pero kinakabahan ako Besh. Nangangatog ang mga tuhod ko. Kailangan ba talaga 'to?" Uneasiness struck me once again. I'm actually scared.
"Ba't ngayon pa? Suggestions mo 'to right?! Idea mo 'to Maine. Nagdadalawang isip ka na ba?" May lungkot sa boses nito. Syempre, ako itong si gaga maaawa at kakalimutan ang takot.
"Val naman eh...wag ganyan uy! alam mo namang...urgh!" Pakonseniya epek itong hitad na ito eh. "Hindi. Bahala na. O, sige na... need to drop this call na. Update ko na lang si Jhe mamaya kung buhay pa ako o hindi." This girl left me no choice kahit kailan. Haaayy!!
"Okey sis! Mag iingat ka, gwapo pa naman yang si Alden. Hawakan mo mabuti ang strap ng undies mo, baka kasi 'lam mo na... mahulog pagkikidnapin mo na siya." She chuckled. Kahit kelan talaga pilya ang lukaret na ito.
"Gagi! Nakuha mo pang magbiro. Kung sa America ko 'to ginawa siguro federal crime ito. Federal prison ang bagsak ng beauty ko. Oh, siya! Oo na! Bye na. Wag ka ng sumagot, dahil hindi tayo matatapos." I pressed the end call button and slid the phone in my pocket.
Sakay ng black porsche ko at pinaharorot ko na ito patungo sa address na itenext ni Val sa akin, sa bahay ni Alden Richards, one of the top 'Hottest Bachelors of the Philippines'. Naparolyo na lang ang mga mata ko.
Ewan ko ba diyan sa bestfriend kong yan, top hottest na yun oh?! Choosy pa siya. At kay Jerald pa talaga siya nainlab? Kinapos ng isang ligo lang sa groom yung boyfriend niya. Tsk. Pag-ibig nga naman.
Napangiti na lang ako dahil sa nakitang imahe ni Jerald at Val na nakabungisngis sa isipan ko. She's always happy whenever she's around him.
Patuloy lang ako sa pagpihit sa manibela, pero deep inside kinakabahan talaga ako. Alam ko ang kahihinatnan ng gagawin ko, pero por da seyk op lab, por da seyk op prendship, gora na 'to! Bahala na si Katniss sa akin.
To kill my nervousness and the thumping of heart in my chest, I played the song 'Dessert by Dawin' on my iPod para kahit papaano ang maaliw ako.
As the music played, para akong baliw na sumasayaw sa loob ng sasakyan ko.
Effective nga 'to. Try nyo! Nawala ang kabang sumasakal sa akin kanina.
NAKARATING na ako sa bahay ni Alden at saktong paalis yung isang kotse lulan ang ama at kapatid niya. I recognize them dahil sa picture na ipinakita sa akin ni Val minsan.
Nakita ko yung driver niya na nakaabang sa labas ng nakaparadang sasakyan at naninigarilyo habang naghihintay sa paglabas ng amo. Dios mio, ang laking mama nito. Inihanda ko ang panyong may pampatulog, my best weapon, chloroform.
Nag-sign of the cross muna ako bago bumaba sa sasakyan. Dahan-dahang akong pumunta sa likod ni Manong driver. Habang papalapit ako, pakiramdam ko, palaki ng palaki ang driver niya. Diyos ko, tao ba 'to?! Kapre yata 'to eh. Makuha ka sana siya sa chloroform. Lord, ikaw na po bahala sakin!
Humugot ako ng malalim na paghinga at agad na sinipa ko ng ubod lakas ang alak-alakan niya dahilan para mapaluhod ito. Bago pa man siya makatingin sa gawi ko, agad kong itinakip sa mukha niya ang panyo na may chloroform. Maya-maya lang ay nakatulog ito.
"Sorry Manong, for friendship's sake lang po." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya kahit alam kong hindi niya ito naririnig.
Dali-dali kong hinatak si Manong driver papunta sa likod ng makapal na tanim. Magkasya ka sana. Ang tangkad nito. "Ang bigat mo kuya! Woooh!! Pinagpawisan ata pati kilikili at singit ko sa iyo."
Sunod kong itinago sa kabilang kanto ay ang sasakyang minaneho nito, at ipinarada ang porsche ko sa lugar kung saan ko inalis yung sasakyan na sana ay gagamitin sa pagsundo sa kanya ni Mamong Tulog.
I've waited almost an hour, until I saw him walking towards my destination.
"In fairness..gwapo nga." I uttered and smirked. I put my shades and the chauffeur's cap para di ako makilala at hindi mahalatang babae ako. Magandang babae to be exact.
He slowly hopped in as he reached the car. Seryoso ang mukha nito at malalim ang iniisip, malungkot. He didn't bother to look at me. Mabuti naman. Sa laki ng driver niya hindi ba niya agad napansin na iba ako? I start the engine and wait for his go signal.
"Let's go." He said as his gaze wandered outside the window and was glued there. Pasulyap-sulyap ko siyang tinitingnan.
Ano kaya iniisip nito? Malamang ayaw din niya sa kasalang 'to! Pero tama si Valeen huh. Dimples pa lang niya pa-fall na ng puso, pa-fall pa ng garter. And his eyes though... those pairs of eyes, parang ang sarap makipagtitigan wars kahit bakas ang lungkot dito. Pakiramdam ko tagos na tagos sa puso. Pati tuloy ako nalungkot.
After 30 minutes na pagninilay-nilay nito, napatingin siya sa harap. Napansin na niya yata ang ginawa kong pag iba ng direksyon. Tumingin siya sa gawi ko at nagtanong.
"Excuse me? I don't think this is the way to church." Wika niya. Ay, ang talino niya. All sarcasm intended.
"Shit!" Mura ko at the back of my mind. Tiningnan ko siya sa rearview mirror at ngumiti. Nagulat siya sabay sabing.
"Wait, teka? Who are you?! Asan si Manong Jimmy? Ba't ikaw ang nagmamaneho?" Tuloy-tuloy niyang tanong. Well, no need to pretend at all, I was caught already, might as well face it.
"Sorry kuya, pero... di mo kailangan makasal ngayon. So, I have to take you away." Malambing kong saad. Galit at pagkadismaya ang rumehistro sa mukha niya. But I find him more adorable this time. I smiled.
"WTF! Anong pinagsasabi mo?! Ihinto mo ang sasakyan or else..baka makalimutan kong babae ka!" Now, he's really furious. He's fuming but he still looks cute.
I tried to joke instead, para mabawasan ang kaba na umaatake ngayon sa buong katawan ko. Kasi sa totoo lang nanginginig na ang mga tuhod ko pati na kamay ko. Tinablan ako ng takot sa banta niya.
"Geeee... katakot ah?!" I smiled sarcastically. And said this after. "Yun eh kung makakapalag ka?" I did not say anything anymore, I just pulled the small bottle of chloroform that was left to put his driver to sleep. I put my mask on and sprayed the AC of the car. Mukhang magwawala pa na nga eh. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nakatulog na siya sa backseat.
"Nyeta ka, Valeen!! Matapos lang 'to! Pramis ko sa namamagang engrone ko, makakalbo kita!" Nagsisisigaw ako sa loob hanbang nagmamaneho. Gigil na gigil kong hinampas ang manibela ng kotse.
Nang mahimasmasan ako, tinawagan ko si Jhe to confirmed na nakuha ko na si Alden and we are on our way to where they want me to take him.
"Hello Jhe, I got him. San ko na dadalhin 'to?" Sabi ko pagkasagot na pagkasagot niya.
"Copy Meng, wala bang sinabi si Val sayo?" isa pa itong baliw na ito, sasapakin ko rin iito eh.
"Kengena Jhe! Magtatanong ba ako sayo, kung may sinabi siya sa akin?!" Singhal ko sa kanya. Ganiton ang kaba ko ay lampas bumbunan ko na, baka siya ang itali ko sa poste ng Meralco.
"Sorry naman. Kaw na bahala, iligaw mo. O kaya isilid mo sa sako!" Saad niya. Nagpanting ang tenga ko.
"What?! Anong ako! Pusang nanay naman oh, wala sa usapan 'to Jhe! Umayos ka! Tsaka ano 'to pusa? Isisilid sa sako para iligaw?! Dambuhala 'to tol!" Nag-freak out na ako. Kahit kailan talaga nakakabobo kausap ang isang 'to eh! Di ko alam kung ano pinakain nito sa bestfriend ko para ma-inlove yun dito.
"Sige, dun na lang sa rest house ko sa Batangas mo siya dalhin. I'll text you the address. Magkita na lang tayo dun mamaya. Puntahan ko muna yung bestfriend mo. Sige na. Bye!" Bigla nal ang itong nagpatay ng tawag.
"Teka J--" Kung siya kaya ang patayin ko? "Urgh!!!!!" Tiningnan ko ulit ang pasahero ko sa likod mula sa rearview mirror. Sorry Alden, we ruined everything.
Halos 20 minutes na akong naghihintay sa text ni Jhe, para sa address ng resort niya sa Batangas pero wala pa din. Hindi ko alam kung gaano katalga pa itong walang malay kaya pinagpasyahan kong tawagan ulit ito, pero "can not be reach" na ang linya.
Di ko naman pwedeng tawagan si Val ngayon, kasi siguradong nasa best actress mode yun para mapaniwala ang lahat na tinakasan siya ni Alden sa kasal nila.Haayy! Ampopo naman talaga oh!
"Leche kang Jerald ka! Saang kweba ka ba sumuksok bakitt can not be reach ka!" Nahampas kong muli ang manibela sa gigil ko.
Wala na akong ibang choice kundi baguhin ang lugar ng pagtataguan kay Alden. At yun ay sa...
Bae Cove.
------------------
End of MBG 1: The Plan
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give each other good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
💖 ~ AWP Writers ~ 💖
04.13.16
My Beautiful Groom-napper
©All Rights Reserved
April 13, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro