Bianca's POV
"Ma, alis na po ako." Paalam ko bago ako lumabas.
"Wait lang sweet pea. Hindi ka pa kumakain. Come on, eat something." Sabi ni mama.
Pero anong oras na eh.
"Ma, kuha na lang ako nitong egg sandwich. Late na ako. I really have to go." Sabi ko at dumampot ng sandwich at umalis.
"Ay naku Adrina. Ako na dyan diba sabi ko naman." Narinig kong sabi ni manang Loring.
"Manang Loring naman. Gusto ko ako na maghanda para sa asawa at anak ko." Sabi ni mama.
"Aba kung yan ang gusto mo." Sabay ngiti ni manang Loring. "Ikaw Bianca, mag-almusal ka muna eh."
"Hindi na po manang. Late na po ako." Sabi ko. "Bye ma, bye po. Pakisabi na lang kay papa na umalis na ako. Love you all!" Sabi ko bago lumabas na ng bahay.
Nakita ko si mang Carding doon na naghihintay.
"Mang Carding kumain ka na po ba?" Tanong ko.
"Ah hindi pa pero-" Hindi ko na siya pinatapos at pumasok ulit ako sa loob at kumuha ng egg sandwich para kay mang Carding.
Napansin kong wala naman nang kasama si Mama.
"Ma asan si manang Loring?" Tanong ko.
"Ah asa labas nagsasapay. Bakit ka pa bumalik? Akala ko late ka na." Sabi ni Mama habang inaayos ang mga plato para kay papa at para sa mga iba pa naming kasama sa bahay.
"Ah wala ma. Di pa kasi kumakain si mang Carding eh." Sabi ko at tumakbo na paalis.
"Ang bait naman!" Sabay giggle ni mama. Natawa na lang ako at umalis na.
Bago ako pumasok sa kotse, inabot ko muna ang sandwich kay mang Carding.
"Kain ka na muna mang Carding. Kakain pa naman din ako eh." Sabi ko at pumasok na. Pumasok na din siya at sinimulan na ang kotse.
"Kakain na ako sa daan. Salamat dito ha." Sabi niya ng nakangiti. Nginitian ko di siya pabalik.
Nagsimula na kaming bumyahe. Matagal pa naman bago ako makarating eh.
Si mang Carding at manang Loring pala ang mga favorite kong kasama namin sa bahay. Ang bait kasi nila at super matagal na sila sa amin, as in. Di pa nga ako pinapanganak nagtatrabaho na sila sa amin eh. Loyal sila. Kaya talagang super favorite ko sila.
"Bye po." Sabi ko nang makarating na kami sa school.
"Sige mag-aral ng mabuti ha?" Sabi ni mang Carding bago umalis.
Fastforward
Ang tagal naman ni mang Carding. Halos isang oras na ako dito oh. Bakit kaya wala pa siya?
Ah, uwian na pala namin. Nakalimutan kong sabihin sa inyo.
Hay!
Nagulat ako nung bigla na lang magvibrate ang phone ko. Text galing kay mama.
'Umuwi ka na. Walang susundo sayo.' Yan ang nakalagay sa text. Wait, hindi ganito si mama magtext. Never na nagsalita siya sa akin ng ganito. Kinabahan na ako konti.
Umuwi na lang ako. Mabuti at natuto akong magcommute. Hay, grabe ang hirap sumakay! Ang init! Pagod na ako nung makarating ako sa bahay. Ang sakit sakit sakit na ng paa ko. Late pa akong nakauwi, hayst! Naalarm ako kasi bakit ang dilim ng buong bahay. Hindi naman ganito eh. Sa bahay palaging may ilaw. Tas ang tahimik. Anong meron?
Kumatok ako sa gate pero walang nagbukas nun para sa akin. Kumatok pa ako konti umaasang bubuksan na nila, pero mag-isang nagbukas ang gate. Hindi siya nakalock. Pumasok ako. Sa sobrang dilim hindi ko na makita ang daanan. Nilabas ko ang phone ko at in-on ang flashlight.
Red na mga patak na nagkalat.
Umupo ako at hinawakan yun. Basa pa konti. Ang lapot at mainit init pa. Inamoy ko iyon at amoy, dugo. Natakot na lang ako. Ano toh? Bakit may dugo? Saan galing toh?
Oh they wouldn't dare to play a prank on me.
Pero sa sitwasyon ko ngayon, sana pinaprank na lang nila ako. Natatakot pa din ako. Sinundan ko ang patak ng mga dugo at nakarating ako sa pool namin sa likod ng bahay.
May red stains ang tubig at halos nagkalat ang mga patak pa ng dugo sa gilid gilid ng pool. Natatakot na talaga ako. Diyos ko, please po sana prank lamg lahat ng ito.
May napansin akong palutang lutang sa pool. Nilapit ko yun. String bag siya na kulay pula. Kinuha ko ang ipinanglilinis ng pool at ginamit iyon para maabot ang palutang lutang na bag. Kinakabahan ako.
Binuksan ko ang bag.
Ulo.
Ulo ni mang.
Ulo ni mang Carding!!!!
Napaupo ako at halos mangiyak ngiyak na. Hindi toh totoo. Nakatulog lang ako sa klase. Sinapak sapak, kinurot kirot, at sinampal sampal ko na ang sarili ko pero wala paring nangyayari.
Same place. Same things. Same bag. Same head. Same sound. Same smell. Same sight. Walang nagbago. Wala nang nanaig sa akin kundi ang takot at kaba.
"Shit! Lumabas na kayo diyan hindi magandang prank toh! I've had enough!" Sigaw ko.
Umaasa akong unti unti silang lalabas habang tumatawa. But the sound that greeted me when I got home is that same sound that answered my call. Walang nagyari.
Tinignan ko ulit ang ulo ni mang Carding at napaiyak. Umiyak ako at naalala lahat ng mga oras na napatawa niya ako, na sinamahan niya ako, na masaya kami.
Matagal bago ako makaayos. I swear pagprank lang toh, lalayas ako sa bahay na toh. Bago ko iangat ang ulo ko, ipinagdadasal ko na lang na okay na ang lahat. Pero wala.
Pinahid ko ang luha ko at tumayo.
Sinusumpa ko mang Carding kung sino man ang gumawa nito ako mismong magpapakulong sa kanya.
May nakita akong sulat sa taas ng table na malapit lang sa pool. Pinuntahan ko iyon at binasa.
'Wait sweetie, may mga makikita ka pa.'
Huh?! Shit ano toh?!
Blackout.
Nahihilo ako. Ang sakit ng ulo at katawan ko. Pakiramdam ko naitapon ako ng malakas. Pero wala lang toh kumpara kay mang Carding. Umupo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang mga mata ko. Madilim. Tahimik.
Biglang bumukas ang ilaw na naging dahilan para masilaw ang mga mata ko. Napapikit ako.
"How sensitive. Para sa konting ilaw lang." Narinig ko. Boses iyon ng isang babae. Nakarinig pa ako ng mga yapak.
Naging okay naman na ang mata ko kaya minulat ko ulit ang mga mata ko. Biglang hinawakan ng mahigpit ng babae ang baba ko at pinisil yun nh mahigpit. Halos mapangiwi pa ako sa sakit. Okay lang, wala toh kay mang Carding.
Tinignan ko siya. Maikli ang buhok niya. Maputi. Matangos ang ilong. Matangkad. Maganda siya pero masama siya, alam ko!
"Wag kang mag-alala. May mga surprises pa kami sayo." Sabi ng babae.
Pumitik siya at lumapit sa kanya ang isang lalaki. Malaki ang katawan nito at konting mataba. May inabot siyang itim na string bag sa babae. Dumating ulit ang takot at kaba na naramdaman ko kanikanina lang.
Hindi ko na toh kakayanin!
Binuksan niya yun at nilagay ang kamay sa loob.
Manang Loring!!!
Ngayo'y ulo naman na ni manang Loring ang pinakita niya. Halos mahilo pa ako at natumba ako. A-ano toh?
Nilapit niya pa sa mukha ko ang ulo ni manang at pinaikot pa sa mukha ko. Hawak niya ang buhok ni manang.
Napasigaw ako. Sobrang takot. Yan na lang ang nararamdaman ko.
"Wag kang matakot. Di ka namin papatayin. Ikaw ang papatay sayo." Sabi niya at tumawa. Tinapon niya ang ulo ni manang sa gilid at napaiyak ako ulit.
Ano toh?!
"Bakit ka nanaman umiiyak?! Nakakairita yang pag-iyak iyak mo! Bale bale." Sabi niya at pumitik. "Idala niyo na toh sa magulang niya!"
Mama, Papa?
"Buhay pa sila sweetie pero mamaya pagnandun ka na unti unti silang mawawala." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi. Hindi!
Lumaput na sa akin ang dalawang lalaking nasa pintuan lang kanina. Hinila nila ako sa paa. Nagpumiglas ako. Nagpumiglas hanggang sumakit ang paa ko. Wala lang toh! Nainis sa akin ang isang lalaki kaya't ibinalibag niya ako. Wala lang toh!
Hinila hila nila ako. Nagkandasugat sugat na ako pero wala lang toh!
Umiiyak na ako. Natatakot na ako.
Nagkarating kami sa isang kwarto. Madilim din ito. Binuksan nila ang ilaw at nakita ko sina Mama at Papa. Nakatali sila at nakablindfold. May mga gasgas at sugat na sila.
Sinubukan kong tumakbo sa kanila pero hinawakan ako ng isa samga lalaki sa paa para hindi ako makatakbo. Nagpumiglas padin ako. Nagalit siya at binalibag ako. Napasigaw ako sa sakit at nakilala nina papa ang sigaw ko.
"Anak, umalis ka na! Tumakbo ka na!" Sigaw ni mama.
"Hindi mama. Hindi ako aalis ng wala kayo!" Sigaw ko.
"Anak umalis ka na. Kalimutan mo na ang lahat. Mahal ka namin." Sabi ni papa.
Hindi. Hindi ako aalis. Kung mamamatay kayo ay kasama na ako. Napailing iling na lang ako.
"Please, wala kaming ginawa sayo na masama. Wag mo na silang saktan." Kung maipagpapalit ko lang ang sarili ko para sa kanila nina mama ay ginawa ko na.
"Tsk!" Sabi lang ng babae.
"Elisandria! Walang kinalaman dito si Bianca! Paalisin mo na siya!" Sigaw ni papa.
Papa. Tumulo ang luha ko.
"Nakakaiyak *punas kunyari ng luha*. Anong pakawalan?! Ano ako tanga?! Mamatay toh kasama ninyo!" Sabay tawa.
"Please, Elisandria." Pagmamakaawa ni mama.
"Blah blah blah!" Sabi niya habang naglalakad papalapit kina mama.
"Tama na demonyita ka!" Sigaw ko.
"Oh, little angel. Tama na?" Lumapit siya sa akin. "Tama na ha?!" Sigaw niya at hinawakan ako sa baba. Pinisil niya yun ng mas masakit pa sa ginawa niya kanina. Napangiwi na ako.
"Tama na maawa ka." I struggled to say.
"Maawa? Wow alam pala ng pamilya niyo ang salitang yan. How nice!" Sarcastic niyang sabi. "Magsimula na tayo."
Pumitik siya at pumunta ang dalawang lalaki sa may mesa na may mga gamit. Natatakot na ako. Napapikit na lang ako at tinakpan ang tenga ko.
Diyos ko, iligtas mo po kami. Ilayo sa kapahamakan at patawarin sa aming mga kasalanan. Ikaw na lang Jesus ang makakatulong sa amin.
Kahit nakatakip na ang tenga ko ay hinidi parin yun sapat. Rinig ko parin ang sigaw nina mama at papa.
Kasama na lang sana nila akong naghihirap. Gusto ko nang mabaliw! Napaiyak ulit ako. Bigla akong nakaramdam ng malakas na sipa sa paa ko.
"Hindi ka ba titigil sa kakaiyak mo?!" Sigaw sa akin ng babae. Nakikilala ko na ang boses niya at nakatatak na yun sa akin.
"Tama na maawa ka." Mga salitang nabigkas ko.
"Hmm! Awa daw! Awa my ass!" Sabi niya bago ako sabunutan.
"Maawa ka sa kanya Elisandria. Wala siyang ginagawa sayo!" Sigaw ni papa.
"Maawa?! Naawa ka ba kay papa?!" Sabi niya at binitiwan ang buhok ko. "Kuryentihin niyo na yan!"
"Wag!" Sigaw ko.
Lumapit ulit siya sa akin at sinapa ukit ako ng mas malakas. "Di ba titigil yang bunganga mo ha?!" Sigaw niya.
Gusto ko nang mamatay!
Rinig ko ulit ang mga sigaw ni mama at papa. Nakatakip na nga ako ng tenga pero rinig ko padin sila. Nakapikit na ako pero nakikita ko kung gano sila maghirao sa isip ko. Gusto kong sumama sa paghihirap nila.
Mama.
Papa.
Weew. Weew. Weew. Weew. Mga pulis!
Nabuhayan ako ng loob at baka ay makaligtas pa kami.
"Pvta!" Mura ng babae. "Patayin niyo na sila!" Utos niya.
"Wag!" Sigaw ko. Tumayo ako kahit na nagkapasa pasa na ang paa ko. Inagaw ko ang baril sa isang lalaki ngunit ay itinulak niya lang ako.
Binaril niya sina mama at papa.
"Mama! Papa!" Sigaw ko. Hindi ko na kaya.
Bigla kong narinig ang mga putukan pa. Maingay na. Wala na akong pake. Wala na sina mama at papa. Napaiyak na lang ako. Sana matamaan ako ng bala. Sana mapatay na nila ako. Sana patayin na nila ako!
Blackout.
____________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro