Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Louisette's POV

"We have reason to believe you're involved in the murders of Mr. and Mrs. Howitzer, Miss Monte Verde." Mariing sabi ng pulis habang masama ang kanyang pinupukol na tingin sa akin. I remained silent, hindi ko siya sinagot. Iyon ang bilin ng Attorney ko sa akin. He said they might use my words against me, so instead of answering this damn police question, I just rolled my eyes and scrolled back to my cellphone. 

To my surprise, sinuntok niya ng malakas ang lamesa dahilan nang pagbaling ko muli sa kaniya. Pwede naman sigurong ipag-bukas ang question and answer, ano? I'm tired. I need to fix my nails, natatanggal na ang kulay nito. Gosh, this police is giving me a headache. Kung sa tingin nila na wala silang mapapala sa akin, then stop. As simple as that. Alam kong malaki ang naging impact ng kanilang pagkamatay, lalo na sa Pamilyang Howitzer. But I didn't do anything. Oo, inaamin ko na I was there, I have reasons bakit ako napadpad sa kanilang mansyon. They were still alive that time, nakausap ko pa nga sila. I was there because I was looking for Uzi, hindi kasi siya nagre-reply sa mga texts ko. Nag-alala ako, that's why. Pero hindi ko siya nakita roon, umalis, iyon ang sabi ng kaniyang mommy.

Inis akong umalis ng kanilang mansyon. Umuwi ako ng bahay habang naiiyak sa frustration na naramdaman. Uzi didn't show up. Lumipas na lang ang ilang linggo, wala pa rin. Hanggang biglang dinumog ng mga pulis ang mansyon namin at hinanap ako. I saw him standing beside his grandpa. Nang makita ako, umiwas siya ng tingin ngunit napansin ko ang mariing pagkuyom ng kaniyang kamao. His grandparents were mad at me because they thought I killed his parents. I wanted to cry that day. I wanted to defend myself, but I chose not to. I stayed quiet until this damn police officer got tired of asking. 

My mom and dad were worried about me. Sinabihan ko sila na huwag mag-alala sa akin dahil kaya ko naman. Alam kong wala akong kasalanan, so bakit naman ako matatakot, hindi ba?

Sumama ako sa mga pulis. Sinabi nilang prime suspect ako sa pagkamatay ng parents ni Uzi since ako raw ang huling nakita sa cctv. I want to roll my eyes in front of him. Iyon lang? Porket nakita nila ako sa araw na iyon magiging suspect na kaagad ako? What the hell, right? Nakakakoka 'tong mga pulis na ito. Syempre mas pagtutuunan nila ng pansin ang kaso na ito dahil kilala ang mga Howitzer. May perang mai-involved. Saan ka pa?

"Uulitin ko, Miss Howitzer. Saan ka no'ng mga araw na iyon?"

Saan ako? Nasa bahay, naiinis kay Uzi dahil wala man lang akong natanggap na anumang text mula sa kaniya. Halos masiraan na ako ng ulo sa araw na iyon dahil sa pag-alala sa kaniya.

No'ng nagkita kami, walang nagsalita sa aming dalawa. Galit ang kaniyang mukha, kuyom ang dalawang kamay. I understand. Ako ang unang suspect ng mga pulis, normal lang na magalit siya sa akin pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan niya pa akong iwasan? Sa pagkakaalam ko, wala akong ginawang masama sa kaniya. I did my part as his girlfriend kahit minsan nanglilimos na ako ng oras mula sa kaniya para lang mapansin. Samantalang siya, tila walang pakialam sa akin. Ako lang naman kasi ang hulog na hulog. Umasa naman ang gaga.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng pinsan kong si Jared. Kauuwi lang galing Toronto. Kasama niya ang dalawang kapatid at si Tita Agnes.

"Bahay namin 'to, Jared. Ikaw, anong ginagawa mo rito? Pinapunta ba kita?" balik na tanong ko sa kaniya.

Tumawa siya at kinurot ang aking pisnge dahilan nang pag daing ko nang naramdaman ang sakit. "Ano ba! Masakit ah!"

"Ang ganda ganda mo talaga, Louisette. Nga pala, kamusta ang mga Howitzer? Ang imbestigasyon? Nahuli na ba ang pumatay?"

Napabuntonghininga ako. Unti-unti kong sinandal ang likod sa sandalan. "Wala pa ring balita. Hindi pa rin nila nahuli ang totoong suspect."

"Wala ka ba talagang kinalaman, Louisette? Baka nakalimutan mo la—"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha ba akong mamamatay tao sa paningin mo, Jared? Baka makakalimutan mong Monte Verde ako. Importante ang imahe ko kaysa sa mga walang kwentang bagay na 'yan!"

"Nagtanong lang naman. Init naman ng ulo mo. Magpahangin ka kaya muna sa labas?" nginisihan niya ako.

Ano namang gagawin ko sa labas? Lalanghap ng mga usok ng sasakyan? Alikabok? No way! I rather stay here. Malayo sa mga mata ng mga kapitbahay. Mapanghusga e, akala mo talaga alam ang buong kuwento.

"Nga pala, kayong dalawa ni Uzi. Bag-usap na ba kayo?"

Pumasok ang imaheng labis kong pinagsisihan. "Wala naman dapat kaming pag-usapan pa. He thought I killed his parents. Naniwala siya sa mga pulis kaysa sa akin. Kung 'yon ang desisyon niya, wala na akong magagawa pa. We already broke up, Jared. Ayaw niya sa mamamatay tao." Tumawa ako ng mahina. May pait ang boses.

Jared didn't laugh with me. Nakatingin lamang siya sa akin, sinusuri ang reaksyon ko. Matagal na iyon, last month I think. Hindi na kami nag-uusap. Nagkikita lang kapag pinapatawag ako ng mga pulis. Para akong criminal sa kaniyang mga mata, masakit man ay pinatatag ko ang sarili. Kilala ko ang sarili ko, hindi ako matatakot sa anumang paratang sa akin.

"Mahal mo pa ba?"

Natigilan ako. Hindi kaagad nakasagot sa kaniyang tanong. Tangina. Jojowain ko ba 'yon kung hindi ko mahal? Syempre hanggang ngayon mahal ko pa rin si Uzi. Kahit galit at nandidiri ang kaniyang mga titig, mahal ko pa rin. Kakaloka siya, naiintindihan ko namang galit siya sa akin pero sumusobra na yata siya. Dumating na sa point na kinakausap niya na 'yong babaeng pinag-aawayan namin noon. Si Maris. Tangina talaga.

"LOUISETTE, kailan ka babalik ng Bukidnon?" tanong ni mommy habang nasa lamesa ang tingin.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Katatapos ko lang kumain at handa na sanang gumayak kaya lang hindi ako pinayagan ni daddy. Gusto niya akong manatili sa hapag.

"Hindi muna ako uuwi ng Bukidnon, mommy. I will stay here."

Padarang nilapag ni daddy ang kaniyang baso. "Napag-usapan na natin 'to, hindi ba, Louisette? Ikaw na ang mamana ng lahat ng iyon. You should stay there."

"Alam niyong ayaw ko po munang umuwi ng Bukidnon. My needs are here at wala sa bukid na 'yon!"

"Louisette Solana!"

Mariin kong hinawakan ang tinidor. Gosh! Ilang beses na nilang sinasabi ito sa akin, gano'n pa rin, ayaw ko pa ring bumalik ng Bukidnon. I'm done there! The place is nice at nakakagaan sa loob but ayoko munang bumalik dahil sariwa pa rin sa akin ang alaala namin ni Uzi sa lugar na iyon. I want to move on!

"What? Natapos ko na ang agri course ko, daddy dahil iyon ang gusto niyo! Can you at least respect my decision, kahit ngayon lang? I need to rest, mom and dad. Wala pa akong lakas na bumalik ng Bukidnon." 

"Si Uzi ba ang dahilan kaya ayaw mo munang bumalik doon? Matagal na kayong hiwalay, hindi ba?"

Hindi ako sumagot. Nanatili lamang ang aking tingin sa lamesa.

"Stop this stupid chitchat. You, Louisette, you need to go back,"

"Daddy!"

"You must come back to Bukidnon," he demanded, his voice thunderous. "Our business needs your attention. You are our only child, and it is your responsibility to carry on our family's name!" galit niyang untag at padabog na nilapag ang kubyertos sa lamesa at umalis. Hindi pinansin ang kamay ni mommy na akmang aabutin na sana siya.

Muli akong nagpakawala ng hininga. Alam kong kahit anong gawin ko, mananalo pa rin ang kagustuhan ni daddy. Kapag hindi ko siya sinunod, hindi lang luho ko ang mawawala, pati na rin ang pinaghirapan ni mommy. Lagi niyang dinadamay si mommy pagdating sa akin dahil mas malapit ako sa kaniya. Nakakainis! Hindi naman sa ayaw ko nang bumalik ng Bukidnon, ayoko lang muna. Hindi niya ba naintindihan iyon? Nakakaimberna.

"So, anong sinabi ng attorney mo?"

"Walang sapat na ebidensya ngayon ang mga pulis, mommy, kaya hindi muna nila ako guguluhin ngayon. Hindi ko sila sinagot, nanatili lamang tahimik ang bibig ko habang nanggagalaiti sa galit ang mga mukha ng pulis. Hindi ko kasalanan iyon, wala akong ginawang masama. Alam ng mga Howitzer iyon."

Lumunok si mommy. Umiwas siya ng tingin at dahan-dahang pinunasan ang labi gamit ang puting tela sa ilalim ng lamesa. "Don't talk, Louisette. Kahit wala kang kasalanan, huwag kang magkakamaling magsalita."

"Being accused of a crime can be a frightening and stressful experience. It's important to remember that you have rights and that you should not speak to the police without first consulting with an attorney," tumango ako kay mommy.

Natatawa na lang ako sa mga pulis. Kung ako sa kanila, tutukan nila 'yong mga pakalat-kalat na mga rapist, drug users at magnanakaw, kaysa abalahin ang buhay ng ibang tao. Wala namang sapat na ebidensya. Mas kilala pa nila ako? May alam ba sila sa buhay ko? Syempre wala kaya huwag nila akong
abalahin.

"It is also important to remember that you are innocent until proven guilty. The police may have arrested you, but that does not mean that you are guilty of a crime. You have the right to a fair trial and to be represented by an attorney." Isa iyon sa sinabi ng Attorney ko. Muntik ko na ngang patulan iyong pulis, mabuti nalang mas mataas pa sa buhok niya ang pasensya ko. Lakas talaga ng panot na iyon.

BINUKSAN ko ang malaking pintuan namin. Nagulat ako nang bumungad sa aking harapan ang katawan ni Uzi. May kasama siyang lalaki sa kaniyang likuran, naka-suot ng uniform. San Carlos University? Galing ba siyang Bukidnon o nagkataon lang?

"Anong kailangan mo?"

"Mag-usap tayo."

"Ano pa ang dapat pag-usapan, Uzi? We already ended our relationship. Kung tungkol ito sa murder case ng parents mo, huwag kang mag-alala hindi kita tatakasa—"

"Louisette, we need to talk about us."

Natawa ako. "About us? Matagal nang walang tayo, Uzi. Tinapos na nating dalawa."

"Ikaw lang ang bumitaw, Louisette. Nanatili ako..."

"Huwag kang patawa, Uzi. Alam kong gustong-gusto mo nang makawala sa akin dahil kay Maris. You like her!"

Mabuti pa siya, Uzi, hinahayaan mong sumabay sa'yo. Alam mong galit ako sa babaeng iyon noon noong tayo pa. Lagi pa nating pinag-aawayan tapos ngayon makikita kong magkasama kayo? Naka-imberna!

"Walang kinalaman si Maris dito, Louisette."

Napaawang ang bibig ko. "At talagang kinakampihan mo pa ang babaeng 'yon. Mahal mo na ba? Ako, minahal mo rin ba?" bakas ang pait sa boses.

Umiling siya. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang iling na 'yon. Sa Mahal mo na ba o sa minahal mo rin ba ako?

"I-I want to make things right, Louisette, kaya ako pumunta rito. And I'm sorry—"

"For accusing me? For hurting me? For ignoring me?" Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "Sorry not sorry, Uzi. Wala nang dapat pag-usapan." At tinulak ng bahagya ang kaniyang katawan saka pumasok sa loob ng mansyon. At nang masigurong nakasara na ang pintuan, duon na nagsimulang nag-unahan ang aking mga luha.

"Tangina mo, Uzi."

Hindi ko na kailangan ang sorry mo. Hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko. Nagmo-move on na ako oh! Handa nang kalimutan ka.

Bumalik ako sa aking
kuwarto. Sinubsob ang mukha sa unan at doon humagolgol. Hindi pinansin ang pagbukas ng pintuan.

Wala ka talagang kwenta, Uzi. Kung may galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon, huwag mong gawing daan ang dating relasyon natin para makahiganti sa akin. Sino namang tangang lalapit sa taong pumatay kuno sa parents mo, hindi ba? Hindi niya ako maloloko.

Bumalik ka na lang kay Maris, Uzi. Huwag kang palipat-lipat ng babae. Nagmumukha kang tanga, hinapuyak ka!

"It's over. Wala nang balikan 'to. Kung anuman man ang pinagsaluhan namin noon, hanggang doon na lamang iyon. Mananatiling nakabaon sa nagtataasang kabundukan ng Bukidnon."

It's hard to move on, but I can do it. I will not dwell on the past, I will face the future with courage and grace. I will heal, and I will find happiness again.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro