Kabanata 5
Louisette's POV
Nagpakawala ako ng malalim na hininga, halos hindi na maramdaman sa kamay ang malamig na kape. Ang atensyon ko ay nakatuon sa mga nagtataasang building ng Maynila, na para bang mga higante na nakatitig pababa sa akin. Parang ako rin, nanliit at walang magawa sa gitna ng kanilang sobrang laki at kataasan.
Nasa opisina ako ni daddy, nakatayo sa isang sulok. Nakikipag-usap ito ngayon sa lolo ni Uzi. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Masakit ang puso ko, hindi dahil sa kape na nalalamig sa kamay ko, kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari.
Hindi natuloy ang kaso. Inurong ni Uzi iyon. Hindi na niya ako kinasuhan dahil naniniwala siyang wala akong kasalanan sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Pero ang sakit, hindi mawawala. Ang pag-asa na bumuo ng bagong buhay kasama niya, naglaho na.
Naalala ko ang araw na iyon, ang araw na nawala ang mga magulang ni Uzi. Ang araw na nagbago ang lahat. Ang mga katanungan, ang mga paratang, ang pagdududa. Lahat ay nag-iipon sa akin, nagpapabigat sa dibdib ko.
Pinilit kong tulungan si Uzi, naibigay ko ang lahat ng kaya ko. Pero hindi ko maiwasan ang mga masasakit na salita, ang pagkawala ng tiwala, at ang pag-asa na magiging maayos pa ang lahat.
Ngayon, narito ako. Nakatayo sa opisina ng aking ama, nakatingin sa labas, habang ang malamig na kape ay nagiging mas malamig. Ang sakit, parang isang malaking bato sa dibdib ko, hindi maalis, hindi mawala. Ang pag-asa na nakita ko sa mga mata ni Uzi ay nawala na, at hindi ko alam kung kailan, kung kailan pa kaya babalik iyon.
Katatapos lang namin mag-brainstorming patungkol sa unang project namin sa kursong ito. It wasn't fun, nakakapagod at parang gusto ko nang umuwi, pero tila walang balak itong mga kasama ko. Gusto pa nila gumala at puntahan lahat ang mga famous spots ng Impasug-ong.
Sinalubong kami ng sariwang hangin, the moment our feet touched the sand. Ang halimuyak ng bagong putol na mga damo at ang mga makalupang amoy ng lupa ay pumuno sa aking ilong, isang paalala ng walang hangganang kagandahan ng kalikasan. Pinili kong manatili sa communal ranch dahil gusto kong subukan ang horseback riding nila. While my other group mates decided to explore the iconic Panimahawa Bridge, ang nagtataasang kabundukan ng Bukidnon. Well, masasabi kong maganda ang Bukidnon. Lalo na dito sa Impasug-ong, maraming mga pasyalan at tanawing hindi nakakasawa.
Really, Louisette, gusto mo na dito?
Hindi ko masasabing gusto ko nang manatili. Nanaig pa rin ang kagustuhan kong bumalik ng Maynila. But, I can't just show my arte side here baka bigla nila akong itapon sa nagtataasang kabundukan na iyon at iwan. Para 'to sa future ko at sa negosyo na rin namin. Titiisin ko ang lahat. Isa pa, since nandito naman na ako, why try to enjoy it? Hindi naman siguro masama.
Nilibot ko ang aking tingin sa malawak na tanawin. Ang malalagong luntiang bukirin ay umaabot hanggang sa maabot ng mata, na may halong mga hayop na nanginginain at nanginginig na mga kamay ng palad. Ang mga tahimik na bundok, na nababalot ng ambon, ay nakatayong parang mga statu na hindi gumagalaw, na nagbabantay sa buong lugar. Tunay ngang kay ganda.
Habang nakasakay ako sa kabayo, na nangangalang Felix, tinatangay ng hangin ang aking buhok na sinasabayan ng mga hiyawan ng mga tao, nagsasayawang mga puno at kalikasan na walang katumbas. It felt like I went back to my roots, interacting with the ground in a way that was both familiar and exciting. Dahil dito, unti-unti kong na-appreciate ang kalikasan ng Bukidnon. It's not that really bad naman. Maarte lang talaga ako. First time ko kasi 'to.
Napatingin ako sa malawak na lupain, bumagsak ang tingin ko sa malawak na Panimahawa Bridge, kung nasaan ang mga kagrupo ko. Bathed in the golden glow of the setting sun, were laughing and taking pictures.
Napairap ako nang nagtama ang mga mata namin ni Maris. Unti-unting naglaho ang kaniyang ngiti at napalitan iyon ng ngisi. Tinarayan ko lamang siya at nagpasya na bumaba na sa sinasakyang kabayo. Nagpasalamat ako sa nag-assist sa akin bago lumisan sa lugar na iyon. Lumapit ako sa maliit na kubo at doon nagpahinga habang hinihintay ang mga kagrupo na bumaba.
Habang nakasandal sa isang lumang silya ng kubo, nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa akin. May edad na siya, at parang isang karaniwang tao lamang sa probinsya, pero may kakaibang kagandahan sa kaniyang mukha. Nakangiti siya at may dala-dalang isang maliit na tray na may lamang pagkain. Nangunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, wala akong ni-order.
"Para sa'yo nga po pala, ma'am," aniya, naglalagay ng plato ng nilagang kalabasa at karne sa lamesa. "Mukhang napagod po kayo sa pangangabayo, ah."
"Ah, salamat po," sagot ko, nagtataka pa rin. "Pero hindi ko po ito inorder. Sapat lamang po ang dala kong pera at hindi ko po kayang bumili ng mga ganito." Sapat lamang ang pera kong dala dahil kay daddy. Akala ko dinagdagan niya, iyon naman pala ay binawasan niya ang allowance ko kaya todo tipid ako ngayon. Pambihirang buhay.
"Walang problema, ma'am," saad nito, nakangiti pa rin. "Para po talaga sa'yo 'to ma'am." Wala bang lason 'to? Gusto ko sanang itanong, subalit pinili kong manahimik na lang. Mukhang masarap naman ang hinanda niyang pagkain. Susubukan ko.
"Hindi 'to utang?"
Tumawa siya ng malakas. "Hindi po!"
Baka kasi bigla akong nagka-utang nang hindi ko namamalayan. Lagot talaga ako sa matandang 'yon. I'm referring to my dad, na walang ibang ginawa kundi utos-utusan ako.
Tumingin ako sa paligid, sa maliit na kubo na tila wala nang ibang tao. "Ano pong pangalan ninyo?" ang bait naman, Louisette. Parang hindi demonyita ang atake ko ngayon, ah. Improvement ba 'to?
"Ako si Mang Ben," sagot niya. "Isa ako sa mga staff dito sa communal ranch. Pangalagaan namin ang mga kagubatan at mga hayop dito."
"Ah," tanging nasabi ko. Tumango ako, at nagpasalamat ulit.
Habang kumakain, naitanong ko kay Mang Ben kung bakit niya ako binigyan ng pagkain. Gano'n pa rin ang sagot niya. Para daw talaga sa akin ang pagkain.
"Alam mo," simula niya, tumitingin sa kabundukan. "Maraming naglalakad sa bundok na ito. Maraming masaya, maraming malungkot, pero lahat sila, naghahanap ng kapayapaan sa kanilang mga puso."
Napatingin ako sa kaniya. Ang lalim naman no'n. "Saan naman po napunta ang kapayapaan?"
"Narito po," sagot niya, tinuro ang kaniyang dibdib. "Narito po sa ating puso. At minsan, kailangan nating tumigil, magpahinga, at makinig."
Napatango ako. Sa kaniyang mga sinabi, nakaramdam ako ng isang kakaibang katahimikan, isang katahimikan na hindi ko pa nararamdaman noon. Ngayon lang ako nakipag-usap sa hindi ko masyadong kilala, at masasabi kong hindi naman masama. Marami pa kaming napag-usapan ni Mang Ben at lahat tumatak sa aking isipan. Hindi nga lang nagtagal dahil may trabaho siya, kailangan siya ng mga tao.
Nang dumating ang mga kasama ko, nagpasalamat ako kay Mang Ben. Ang huli niyang sinabi sa akin, na sana ay mahanap ko ang kapayapaan sa aking puso sa paglalakad sa bundok. Pero hindi ko pinaunlakan ang kaniyang nais. Pagod ako, gusto kong magpahinga. Hindi ako mahilig umakyat ng bundok kaya hindi ko susubukan. Mas maraming alikabok at putik doon, ano. Kaliligo ko lang. Ayokong madungisan.
Gusto ko nang magpahinga.
Dala ng pagod at panghihina ng katawan, kinakailangan naming magpahinga muna. Kaya naman, nagkasundo kami na manatili muna sa Impasug-ong ng isang araw. Mabuti na lang walang pasok kaya pwede pa ang isang araw na palugit para sa aming pahinga.
Nirentahan namin ang isang simpleng silid sa isang maliit na hotel malapit sa mga palayan. Maliit lamang ang silid, ngunit sapat na para sa aming lima. Habang nasa loob, pinag-usapan namin ang tungkol sa unang project namin. Salin-salin ang aming mga ideya kayat mabilis lamang natapos.
Hiniga ko ang katawan ko sa malambot na kama habang palihim na binabasa ang mensahe ni Uzi. Himala't may balak pang magparamdam ang lalaking 'to. Akala ko tuluyang nang nilunod ng kalandian e.
Simpleng mensahe lang naman ang pindala niya. Kumusta daw ang palayan. Sinagot ko naman na abay malay ko sa palayan na 'yan. Hindi naman ako nagtatrabaho doon. Sarap paulanan ng mga insulto e. Hindi pa ba siya babalik bukas? Malapit na ang harvest, kailangan siya ng mga tauhan ko.
Lintek. So sila pala ni Maris, ah?
"Hindi naman sila bagay. Pangit talaga ng taste ni Uzi. Bulag ba 'yon? Sa kayrami ng babae sa mundo, sa pangit pa siya bumagsak?"
I think I need to save him from that ugly bitch?
KINAUMAGAHAN napagpasyahan naming maligo sa falls. Huling araw na namin 'to sa Impasug-ong kaya sinulit na namin.
"Let's go!"
"Ang ganda talaga dito sa Impasug-ong!"
"Halatang pinaghandaan mo ang araw na 'to, Maris, ah!" asik ni Hazel habang sinasabayan ng tawa.
"Of course!" kinikilig na sagot naman ni Maris. Kasalukuyang naglalagay ng sunscreen sa katawan.
"Target mo ba ang mga lalaking 'yon?"
Umirap ako. I have nothing to say. Bahala sila.
"Hindi ah! Isa lang ang target ko ngayong araw!"
Nanlaki ang mga mata ni Lucia at Hazel. "Gwapo? Matangkad? Makisig ang katawan? Mayaman?"
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Maris dahilan nang pag-ikot ng mga mata ko. Ang landi talaga. Akala ko ba si Uzi lang? Malandi naman pala 'tong jinowa ni Uzi, e. Gosh. I think he needs my help. Isusumbong ko 'to kapag may nilandi siyang lalaki dito. Akala mo, ah.
We all went to the famous falls of Impasug-ong. Sinalubong kaagad kami ng malakas na hangin na nanggaling sa falls. Ang ganda! I swam with my classmates, Maria, Lucia, and Hazel in two-piece bikinis, Liam in his short, topless body, and me, the only one in a one-piece. It wasn't the usual attire for the humid Philippine warmth, pero mas na appreciate ko kapag may extra cover up, as I was self-conscious about my body compared to others.
"Kanina pa nakatingin ang mga 'yan," bulong ni Lucia.
"Hayaan mo, Lucia. Hindi naman 'yan makalapit sa atin."
"Ang popogi! Lapitan ko ang isa sa mga 'yan mamaya!"
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba isa lang ang target mo ngayon?" hindi ko napigilan ang sarili at nailabas ko nga ang inis ko.
"Naniwala ka naman, Louisette?" tumawa siya. "Stupid girl."
"What did you say?!"
Ang sarap niyang sabihan ng malandi.
"Bingi ka rin?"
"Fuck you!"
"Uy! Uy! Huwag kayong mag hasik ng lagim sa falls! Mahiya naman kayo!"
Umiwas ako ng tingin at inabala na lang ang sarili. Still, I couldn't help but notice the local men's stares again, which seemed a little too long this time. Their attention felt like a weight on my stomach as I swam. Nakakailang ah. Mukhang manyakis kasi.
I was about to head back to the shore, when my eyes caught a familiar figure. Sa gilid ng talon, naroon si Uzi, masayang nakikipag-usap sa isang babae. Dahan-dahang napunta sa akin ang kaniyang tingin dahilan nang malakas na pagkabog ng aking puso. Shit!
What was he doing here? This couldn't be a coincidence, right? Nabaling kina Hazel ang tingin ko and realization hit me. Yeah, right, nandito nga pala si Maris. Malamang ito ang pinuntahan niya.
Umirap ako at umiwas ng tingin. Putcha.
"Hey, you alright?" Hazel's voice pulled me out of my thoughts. She was dripping wet, her laughter echoing through the air. "You look like you saw a ghost." Hindi lang ghost iyon. Si Uzi, nandito!
Damn! Baka namamalikmata ka lang, Louisette? Pagod ka lang. Damn it.
I forced a smile, hoping to shake off the unpleasant feeling. "I'm fine," I answered, concentrating on the falling water. However, my gaze shifted to Uzi, attempting to read the emotions on his face and the reason of his presence. He's real, and he's here.
"Hindi pa ba kayo nagugutom?" basag ni Maris sa katahimikan. She was about to head back when she also noticed Uzi's presence. Nakatayo na siya ngayon sa aming harapan, naka-crossed arms. Shit!
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Panay iwas ako ng tingin dahil nakatingin na ngayon sa akin ang mga kasama, puwera lamang kay Maris na mukhang masaya nang makita si Uzi.
"Uzi! Anong ginagawa mo dito? Trabaho?"
Palihim kong kinurot ang sarili.
"Just visiting." Maikli nitong sagot.
Dahan-dahan kong inalis ang paa sa tubig. Sana hindi niya mapansin.
"Gusto mo rin bang maligo? Tara! Sasamahan kita,"
"Salamat, Maris, pero hindi na. I want to talk with Louisette. Can I excuse her?"
"Ha? Bakit mo kakausapin si Louisette? Matagal na ba kayong magkakilala niyan?"
Unti-unting umangat ang aking ulo. Hinarap ko si Maris at Uzi na ngayo'y mariin nang nakatingin sa akin.
"Louisette...we need to talk."
"Anong pag-uusapan natin?" inis kong tanong habang nakatuon pa rin sa falls ang tingin.
"Tungkol sa palayan at harvest." Tila nahihirapan niyang sagot.
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang marahas na singhap ni Maris. Akala ko ba magshota sila? Bakit parang hindi? Hindi kasi niyakap ni Maris e, siguro ay dahil nandito ako? Tsk. Ang weak naman.
"Sa kanila ka ba nagtatrabaho, Uzi?" nagtatakang tanong nito.
Tumayo ako. Hindi hinintay na sumagot si Uzi saka marahang tumango, ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang mapanghusgang tingin ni Maris. Kulang na lang lapitan at sabunutan niya ako dahil sa galit na mukha nito. I remained silent but deep inside gusto kong mag-party dahil ako ang pinili ni Uzi at hindi siya.
"Louisette! You bitch!"
"Assumera ka kasi." Bulong ko bago sumunod kay Uzi.
Iginaya niya ako sa isang maliit na kubo, medyo may kalayuan sa falls. Mabuti naman, ayoko kasing makita ang mukha ni Maris, e. Kumukulo dugo ko.
"You didn't tell me na pupunta kayo ng Impasug-ong. Are you having fun?"
"Mukha ba akong nagha-having fun?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.
Akala niya siguro nakalimutan ko na 'yung eksenang nasaksihan ko no'ng nakaraang araw. Dalawang araw na siyang absent sa trabaho. Kakaltasan ko na talaga ang sahod niya.
"You seem to be enjoying yourself. So, how's the place? Is it nice?" Is he referring to Impasug-ong? If that's the case, I won't deny that it's really beautiful here. However, I don't want to admit it because I still don't want to stay in Bukidnon. Kahit wala na akong pag-asang bumalik sa Maynila.
"It's okay. By the way, why are you here? Visiting your girlfriend?"
His brow furrowed. "Girlfriend? Do I look like I have a girlfriend?"
"Oo!" abat, Idi-deny mo pa ha.
"I don't have a girlfriend, Solana. I don't have time for that kind of stuff. Saan mo ba 'yan narinig?" he leaned back against the wooden chair.
"Nakita kita sa labas ng Watsons nong nakaraang araw. Kasama mo si Maris, saya mo pa nga e. Kayo na ba?"
I noticed the corner of his lips move. "You thought Maris and I were a couple? No. Maris is just a friend."
I rolled my eyes. Kaibigan, my ass.
"Para kang nagseselos na girlfriend."
"E-Excuse me? Anong nagseselos? Ako magseselos sa pangit na 'yon? No way!" humalakhak siya. Ayan na naman ang tawang nakakaasar.
"Alright. Pag-usapan na natin ang palayan ninyo at araw ng harvest. Magiging busy kasi ako these days. I'll be going back to Manila because I have something to take care of there."
Nanlaki ang mga mata ko. "Puwede bang sumama sa'yo?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi puwede."
Bigo akong sumandal sa upuan. Ano ba 'yan, chance ko na sanang malanghap ang Maynila.
"You will be the one I will assign to manage the rice field."
"WHAT?!"
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro