Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Louisette's POV

Kanina pa ako pabalik-balik sa loob ng kuwarto ko, naghihintay sa tawag ni daddy. Nalaman niyang nasangkot ako sa gulo na nangyari kahapon at inaasahan ko nang magagalit na naman 'yon sa akin.

Nalaman niya ang buong balita mula sa dean ng eskwelahan. Sinabi nito na nakipag-away ako sa anak ng Mayor dito sa Valencia. What the fuck, right? Sila ang nagsimula, sa akin sinisi ang lahat? Of course, my dad won't let this slide. Kilala ang pamilya namin at ayaw niyang madungisan ang pangalan ng isa sa amin. Damn. Anong sasabihin ko? Hindi rin naman iyon makikinig sa akin. Mas lalo lang magalit.

When the phone finally rang, I took a deep breath and answered.

"Hey, dad," tawag ko, trying to sound as calm and collected as possible.

"What the hell is going on, Louisette Solana? I just got a call from the university saying you were involved in a fight!" tumaas kaagad ang boses, and I could tell he was really upset.

Gosh. Ano na naman kayang fake news ang pinakalat ng dean ng San Carlos sa daddy ko? Really?

"It wasn't my fault, dad. Sila ang nagsimula ng gulo. That girl even pulled my hair! Muntik na akong mamatay, daddy! I want to go back, please, dad. Hindi ako nababagay sa lugar na 'to." Nagmamakaawa ang boses, hoping he would understand and consider this matter. Gusto niya bang mawalan ng anak? Alam kong tunog oa, pero wala akong pakialam. Nag-iisa lamang akong anak nila, kapag may mangyaring masama sa akin, paano na ang negosyo namin na ipapamana nila sa akin? Gosh!

"Sa susunod, Louisette. Huwag mo na silang patulan."

"I was just trying to protect myself, dad!"

See? Hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko. Talagang mabubulok ako forever sa bukid na ito. Nawawalan na ako ng pag-asang makabalik ng Maynila. Dito na talaga ako tatanda at magkakaroo—no way! Kapag kaya ko na ang sarili ko, babalik ako ng Maynila.

"That's not the point, Louisette. You can't be getting into fights. It's not safe, and it could have serious consequences. Do you understand me?" He was practically yelling now. Ubos na ubos na yata sa akin. Ugh.

Pumikit ako ng mariin. Sinandal ko ang katawan sa aking upuan at dahan-dahang nilingon ang kalangitan na ngayong payapa na. Mga bituing kumikislap, hanging walang sawang humahampas sa mag nagsasayawang mga kahoy, damo at buwan na naging saksi ng lahat.

I missed everything. Bar, city lights and cars. I want to go home.

"Yes, I understand, but I couldn't just stand there and do nothing," sagot ko habang nakatuon pa rin ang tingin sa labas.

There was a long pause on the other end of the line. I could sense that my dad was trying to control his anger. Lagi naman siyang gan'yan sa akin, sanay na ako. Mabuti na lang hindi siya inaatake. Ayoko rin namang mamatay ng maaga ang daddy ko. Kahit na ganito siya sa akin, tatay ko pa rin siya at tanggap ko. Ang hindi ko lang matanggap...itong bagong buhay ko sa probinsya.

"I'm disappointed in you, Louisette. I thought you were smarter than this. I was considering giving you my credit card to help with your expenses, but I think I'll have to reconsider that now," he said, his voice is still stern.

My heart sank. I had been relying on my dad's financial support to get me through college, and the thought of losing it was terrifying. Damn it! Ganito na ba talaga ako kasama sa kaniyang paningin? Kahit hindi ko kasalanan, nasa akin ang sisi? Lagot sa akin ang Maris na iyon, papatulan ko na this time since mawawala rin naman sa akin ang lahat, but...

"You need to understand that there are consequences for your actions. You can't just do whatever you want and expect there to be no consequences." He said before hanging up the phone.

I sighed and put down the phone. Tiningala ko muli ang kalangitan, hindi ko na makita nang buo ang buwan ngunit nanatili pa rin ang mahinang ilaw nito.

"Panibagong umaga, panibagong stress na naman." Bulong ko at kalaunan nagpasya na matulog na dahil may gagawin kaming activity bukas sa unang subject. Sana magawa ko ng tama, ayokong ma-disappoint na naman si daddy.

KINAUMAGAHAN maaga akong nagising dahil ayokong ma-late ngayon. May gagawin kaming group project at malaking kawalan iyon kapag wala kami sa oras ng project.

Habang naglalakad ako papunta sa aming malawak na hapagkainan, nanlalabo pa rin ang aking mga mata dahil sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Ni-set ko ng alas siyete iyon para hindi talaga ako mahuli sa klase. Kailangan ko rin kasing seryosuhin itong field na kinuha ko kahit ayaw ko sa lugar na 'to. Wala rin naman akong magagawa. Huling tawad ko na iyon kay daddy at talagang nanatili pa ring nakatatak sa kaniyang isipan ang sariling desisyon.

Pagod na ako.

Nang natanaw ko na ang mga trabahante sa labas, kasama si Uzi.  I  couldn't help but let a small smirk spread across my lips. Nasa palayan siya ngayon kasama ang matatandang trabahante. Nagtatawanan na naman sila na para bang kay saya-saya ng kanilang umaga.

Sana all.

He was a man of few words and even fewer smiles, but there was no denying that he took his work on our farm seriously. Mukha pa naman siyang mayaman. Nag I-english e.

I decided to take the opportunity to go out and disturb him bago ako pumasok sa araw na ito. Maaga pa naman at kaya pa ng oras ko. Wala rin akong ganang kumain ngayon dahil nagsasawa na ako sa bacon, itlog at hotdog. Tataba ako kapag gan'yan lagi ang kinakain ko sa umaga. I want fresh milk and green vegetables. Gosh. Kapag may break ako, dadaan siguro ako ng palengke. Bibili ng mga gusto ko, ako na mag aadjust since pagkain ko naman 'to.

As I approached them, I could see the irritation flash across Uzi's face at the sight of me. He was a man who valued his routine and his solitude, and I was well aware that my presence was an unwelcome interruption. But I didn't let that deter me. Sanay na ako sa ganitong treatment niya. Ngayon pa ba ako aatras?

"Good morning, Uzi!" masayang bati ko habang palihim na napapangiwi dahil sa putik na naapakan ko. Damn. Para sa crush ko, gagawin ko ang lahat.

"What are you all working on so early in the morning?"

He sighed and shook his head, clearly annoyed by my questions. But I didn't let that stop me from pestering him further.

"And how is the harvest looking this year? Are we on track to meet our targets?" nanatili pa rin ang aking matamis na ngiti. Sinawalang bahala ang mga tikhim ng mga matatanda sa aming harapan. Imbes na abalahin kaming dalawa ni Uzi, tinuon na lamang nila sa palayan ang atensyon. Dapat lang.

Uzi rolled his eyes and muttered something under his breath that I couldn't quite make out. But I could tell from the slight twitch at the corner of his mouth that he was at least attempting to hide a smile. Nahihiya lang 'yan. Ayaw niyang masaksihan ng mga kapwa trabahante nito na may epekto ako sa kaniya.

Mali ba magkagusto sa isang trabahante?

"Anong ganap? Malapit na ang harvest, ah? Isa ka rin ba sa namamahala niyan?" turo ko sa mga prutas namin hindi kalayuan.

Inayos niya ang kaniyang suot na sumbrero saka sinenyasan ang mga trabahante na okay lang siya.

Napairap ako. Mukha bang aatakehin ko ang lalaking 'to? Kaloka kayo ah. Pumunta lang naman ako para mangamusta kahit alam kong mabi-buwesit sa akin si Uzi. Wala akong pakialam.

"You should go now. Baka ma-late ka pa," hindi niya sinagot ang unang tanong ko.

"Wala ka bang pasok? Hindi ba't architecture ang kinuha mo? Okay lang kaya sa prof niyo na liliban ka sa klase niyo?"

Chismosa ka talaga, Louisette. Itigil mo 'yan. Kasi naman e! Mahirap 'yung kursong kinuha niya tas here pa siya at nag-aasikaso ng palayan namin. Baka kasalanan ko pa kapag bumagsak siya. Naku, hindi puwede! Mas lalo siya matu-turn off sa akin.

"Mamayang tanghali pa ang unang subject. Sige na, umalis ka na," nilingon niya ako. "At huwag kang gagawa na naman ng gulo, Louisette." Banta niya bago lumapit sa mga trabahante.

Napanguso ako at nagpadyak bago lumisan. Binuklat ko ang payong ko saka humakbang palabas ng lupain namin. Tarantado! Ang layo pala ng lalakarin ko. Putcha!

ANG MALAS ko naman sa unang project. Kasama ko Maris, ang kinamumuhian ko pa. Mukha pa naman walang alam ang babaeng 'to. Ang sarap niyang kutusan, pinipigilan ko lang ang sarili ko baka malaman na naman ni daddy at pati kotse ko sa Maynila kukunin niya. Mamamatay talaga ako.

Our professor, Ms. Jones, had just finished outlining our first assignment. A simple, seemingly straightforward project: plant a small vegetable garden.

"And remember," dugtong niya. "We want you to consider the principles we've discussed in class. Sustainability, diversity, and of course, a little bit of creativity."

Napansin ko ang paggalaw ni Maris sa aking harapan. Kaharap niya ang kaniyang cellphone, mukhang may ka-chat dahil sa maarteng galaw nito at ngising ewan ko ba kung kinilig ba o nandiriri.

As Ms. Jones left the room, the murmurs became louder. Each group discussing their plans. Humarap ako sa aking mga ka-grupo, bawat grupo ay may limang members. Si Lucia ang leader at kanang kamay naman nito si Hazel.

"We should go for a traditional garden," suhesyon ni Maris. "Tomatoes, cucumbers, maybe some lettuce."

I frowned. "That's so boring," ani ko. "We should do something unique, something that shows we really thought about it."

She rolled her eyes. "Unique? Anong ibig mong sabihin?"

"Like, herbs and edible flowers!" masayang sagot ko, pulling out my phone to show pictures of vibrant, colorful blossoms.

The rest of the group exchanged nervous glances. "Wouldn't that be a lot of work?" tanong ni Liam. Ang tahimik na nerd sa aming grupo.

"Maybe we could do both?" offered Lucia, a bubbly girl who always seemed to be smiling. Mukha ring mahilig sa bulaklak ang babaeng ito. Hindi naman masama 'yung suhesyon ni Maris, maganda rin iyon kaya lang, pipiliin yata ng ibang group iyon. O pipiliin ng lahat kaya gusto kong ibahin. Hindi naman masama ang bulaklak, ano. At may makakain naman na bulaklak.

Maris rolled her eyes. "That's just confusing. We need to focus on one thing and do it well."

Tiningnan ko siya. Hindi niya ba narinig ang sinabi ni Ms. Jones kanina? Busy kasi e. 

"It's not confusing," sagot ko, medyo tumaas na ang boses. "It just means we have to be more creative!"

The room suddenly felt small, the chatter of other groups fading into a distant hum. Nagtama ang mga mata namin ni Maris. Masama ang kaniyang tingin sa akin habang nakataas lamang ang aking kilay sa kaniya. Akala mo ah.

"It's not a competition, Maris!" iritado kong sambit. "It's just a garden!"

"It's still an assignment," she shot back. "At kailangan nating pagtuunan ng pansin at seryosuhin."

Umirap ako. Ikaw lang naman itong hindi nagseseryoso sa grupo e. Kung gusto mo maging common tayong lahat dito, sana sa ibang grupo ka na lang. Nakakainis! Hindi niya ba gets ang pino-point ko? Kakaloka. Bakit naging kaklase ko ang bruhildang 'to.

Liam, usually quiet, cleared his throat. "Maybe we can all agree on something everyone likes?"

Umiwas ako ng tingin. Tinuon na lamang sa kabilang grupo ang atensyon. Napipikon na ako sa kaniya.

His suggestion seemed to break the tension. We all looked at each other.

"How about we do a combination?" she suggested. "A core of traditional vegetables, and then add some herbs and a few edible flowers around the edges."

We all agreed. Nag-iwasan ng mga tingin at hindi na muli ako nagsalita, nakinig lamang ako habang ngumingiti naman si Maris sa kaniyang mga kaibigan sa labas. Naghihintay sa kaniya.

Pagkatapos ng discussion namin, nagpasya akong dumeretso na kaagad sa pangalawang subject. Last subject ko na ito kaya hindi ako makapaghintay na matapos na. Gusto ko nang umuwi, nauumay na ako sa mukha ni Maria.

"Solana! Wait!"

Napahinto ako. Hinarap si Hazel. "What?"

"Nagsasalita ka naman ng filipino, right?"

Tumaas ng bahagya ang aking kilay. Bobo ba 'to? "Why?"

"Magkikita raw tayo bukas sa terminal ng jeep. Sabay daw tayong pumunta kina Maris sa Impasug-ong,"

"Hindi ba masyadong malayo iyon?" Inayos ko ang strap ng aking damit.

"Hindi naman. Saka libre na ang pamasahe. Sagot na raw ni Maris."

Palihim akong umirap. "What time? May kailangan bang dalhin?"

"Wala naman. Ikaw, baka gusto mong maligo doon, balita ko maganda ang falls nila doon at dinadagsa talaga ng mga turista. Baka gusto mo lang naman? Balak din naming maligo after ng brainstorming e."

Nagkibit-balikat ako. "Sige, magdadala ako." Pinal na sagot ko at hindi na siya hinintay na sumagot.

Tinungo ko ang ikalawang building ngunit ako'y napatigil nang mamukhaan ang taong nakatayo malapit sa fountain.

Isa sa mga pinsan ko.

Anong ginagawa niya dito?

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro