Kabanata 1
Louisette's POV
Umagang-umaga masama na kaagad ang timpla ng araw ko. Tunog ng mga makinarya at tawanan ng mga trabahante ang pumukaw sa akin, hindi ang alarm clock ko. Iritado akong bumangon mula sa aking kama, tinungo ang hindi kalayuan na bintana at hinanap saan nanggaling 'yung malakas na tawanan kanina.
Umirap ako nang makita sa labas ang mga trabahanteng nagkakape. Kausap nila si Uzi na nakatayo sa kanilang harapan. Kumakain ng pandesal? Nakapamulsa ito, walang kangiti-ngiti ang mukha habang may hawak na cup.
Okay, anong nangyayari sa labas? Bakit sila tumatawa? Hindi ba sila aware na may natutulog dito? Nakakaloka.
Bumalik muli ako sa aking higaan at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mini table. Pinatay ko ang lampshade at nagpasya na bumaba na.
Ito ang unang araw ko sa San Carlos University bilang estudyante sa agriculture course.
Simula pa lang, hindi ko na talaga gusto ang kursong ito, pinili ko lang dahil iyon ang gusto ni daddy. Gusto niyang patakbuhin ko ang negosyo namin dito sa Bukidnon kahit ayaw ko. Ano pa nga bang magagawa ko? They decided for me. Sila ang nagdesisyon sa lahat kahit labag sa loob ko. Ni hindi man lang kinunsulta kung gusto ko ba o hindi.
"I think I can do this. Kakayanin."
Kilala ang Monte Verde sa hilig nila sa malalaking lupain. Halos lahat ng mga negosyo nila ay nakatayo dito sa Bukidnon kaya dito naisipan ni daddy na ipatapon ako. Tangina.
Ganito talaga kapag isa kang Monte Verde. Lahat may hangganan, lahat may pagpipilian. You can choose your own path, but expect that there will also be consequences. Nakaka-putang ina talaga. Dito pa ako napunta sa Bukidnon. Kaya ko namang patakbuhin ang kompanya sa Maynila, bakit hindi nila ako doon nilagay? Dito pa talaga sa mainit, marumi, maingay at ugh, nevermind. Kahit umapila ako, wala pa ring mangyayari. Should I accept this fate of mine?
Oo, Louisette. Wala ka rin namang magagawa pa. Ganito din kaya ang mga kapatid ni daddy sa mga anak nila? Sa mga pinsan ko? Palong-palo ang pagiging protective at utusan. Tsk.
With a heavy heart, I turned around and headed towards the stairs, seeking comfort in the familiar surroundings of our mansion. My breakfast, once a symbol of prosperity, now tastes bitter as I grapple with my situation. Damn this life.
Huminto ako sa ibaba ng hagdan, nananatili ang tingin ko sa malagong halaman na bumabalot sa aming buong kalupaan dito sa Bukidnon. Pinalilibutan ng mga kabundukan ang aming lupain, mga nagtataasang mga puno hindi kalayuan at mga mangga na walang sawang nagbibigay ng importansya sa mga tao. For me, it was a beautiful sight to see, but it held no solace for me. Hindi para sa akin ang agriculture. Mas nababagay ako sa siyudad. Ang nais ko.
Hindi pinaunlakan nina mommy ang kagustuhan kong mag-aral sa Maynila. Gusto nilang manatili ako dito dahil mas bagay ito sa kursong kinuha ko. No, ang kursong kinuha nila para sa akin. Akala nila maglalakwatsa lang ako doon, hindi magsi-seryoso.
Well, hindi naman mawawala iyon pero kahit na!
Napabuntonghininga akong tumalikod sa bintana at tinungo ang pintuan. Sa unang hakbang sa labas, mainit na hangin ng Bukidnon ang sumalubong sa akin na parang nakakasakal na kumot.
"Magandang umaga po, Ma'am Solana,"
Nabaling ang atensyon ko sa tatlong kasambahay. Kumunot ang noo ko nang mapansing may dala-dala itong mga brown paper. Parang may laman.
"Ano 'yan?" Turo ko sa hawak nila.
Ngumiti 'yong mahabang buhok na kasambahay at binuksan ang hawak. Pinakita niya sa akin ang laman at napalunok ako nang mapagtantong pandesal iyon.
"Gusto niyo po, Ma'am? Mainit-init pa po. Galing po sa bakery na pagmamay ari ni Si—nina Uzi,"
"May bakery sila? Saan naman?" bigla ako nagka-interesado sa narinig.
Of course, sino namang hindi iigting ang tainga kung tungkol sa crush ko ang pinag-uusapan namin, aber? Matagal ko nang gusto si Uzi, palihim ko ngang sinusulyapan iyon. Paminsan kinakausap pero laging napipikon at naiirita sa akin. Naintindihan ko naman na ayaw niya sa akin pero wala akong pakialam. Nasa poder ko siya at gagawin ko ang lahat para mapansin niya.
Kahit papano may gamit din itong pananatili ko sa bukid. May bonus e, may gwapong trabahante. Hindi ako mabo-bored pero paminsa'y naiinis sa ibang trabahante. Mga pangit na nga, ang sasama pa ng mga ugali. Sa tuwing nakikita nila ako tinatawanan nila ako, like what the hell? Tatanggalin ko nga sana kaso naalala ko ang paalala sa akin ni daddy noon bago ako napunta sa lugar na ito.
Matagal na raw naninilbihan ang mga trabahador na ito sa hacienda namin at malaki na ang kanilang nai-ambag sa farm. I can't just fired them without valid reason. Hindi pa ba valid 'yung tinatawanan nila akong walang dahilan? I am the boss here! Dapat nga nirerespeto nila ako. Damn these poor people.
Anyways, balik tayo sa usapang bakery ni Uzi. Kinuha ko ang papel na supot mula sa kasambahay saka bumalik sa loob ng mansyon. Hindi tiningnan o hinintay man lang ang kaniyang sasabihin.
Tinungo ko ang hapagkainan at nadatnang nakahanda na ang lahat. Nilapag ko ang pandesal sa ibabaw ng lamesa, kumuha ako ng babasaging pinggan at akmang isusubo na sana ang pandesal nang mapansin ang papalapit na yapak ni Uzi sa aming mansyon.
Unti-unti kong binaba ang hawak na pandesal at binalingan siya ng tingin. Gano'n pa rin ang kaniyang expression. Seryoso, malamig at may awtoridad ang bawat kilos.
"Workers are not allowed here, Uzi." Matigas na sabi ko.
Tila hindi niya narinig iyon. Lumapit siya at nagulat ako nang kunin niya ang supot sa ibabaw ng lamesa.
"Hey! Akin 'yan!"
"Sa'yo 'to? Sa pagkakaalam ko binigay ko kay Lusitania ang supot na ito. Wala akong naalalang binigyan kita,"
Nagtaas ako ng kilay. "She gave that to me, Uzi. Ibalik mo nga 'yan! Can't you see? Kumakain ako!"
"You cannot just take something kung hindi naman para sa'yo, Louisette. If you want these pandesal, humingi ka ng maayos. Hindi 'yung hahablutin mo na lang basta-basta."
Bago pa ako makapagsalita, tumalikod siya at nilapitan 'yong kasambahay na nangangalang Lusitania. Binigay niya ang supot roon habang hindi makatingin ng deretso sa akin.
Umirap ako. Padabog kong iniwan ang hapagkainan, tinungo ang sariling kwarto at ginawa ang dapat na gawin ngayong araw.
"Ugh! That bitch! Nagsumbong pa talaga? Ang kapal naman!"
Ito ang unang araw ko sa San Carlos University at ito rin ang unang beses na wala akong kain. Tangina naman kasi. I lost my appetite after what happened. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin ako titigil kay Uzi. Sanay na ako sa ugali niyang 'yon, may mas matindi pa nga du'n pero hindi ko na ibabalik pa. Matagal na iyon, naka move on na ako.
Mamaya siya sa akin pag uwi ko. Hindi ko talaga tatantanan ang pogi na iyon. Kailangan ko munang panindigan ang responsibilidad ko ngayon, kapag malaman ni daddy na hindi ako umaayos sa lugar na ito, paniguradong itatakwil niya na ako. Gosh! That old man talaga, ako lagi ang target.
Pagkababa ko ng sasakyan, bumungad sa akin ang makapal na usok na nanggaling sa mga jeep at tricycle. The hell. I was hesitant for a moment, contemplating whether to enter the university gates that loomed before me. Pero kalaunan ay nakapag-desisyon din. Iritado kong pinagpagan ang sariling damit bago lumapit sa malaking gate ng San Carlos University. Pinakita ko sa guard ang ID ko pagkatapos ay gumayak na sa loob.
Pagpasok ko sa engrandeng pasukan, the air buzzed with the chatter of students from Bukidnon, their warm greetings echoing through the corridors. Habang ako ay tahimik na nagmamasid sa kanila. Wala rin naman akong balak na makipag-baitan o makipag-kaibigan sa mga anak probinsya rito. Kuntento na ako sa sarili ko. I don't need friends here, marami na ako sa Maynila kahit plastic ang mga 'yon, mahal ko pa rin sila.
Nilibot ko ang paningin. Sa gitna ng campus ay may napakagandang fountain. Pinalilibutan ng mga buildings. Bakas ang kalumaan na parang sinaunang panahon pa ito. Hindi man lang nila pinalitan o inayos man lang? Maganda naman siya tingnan pero masyado na yatang luma at kulang na lang gumuho.
Habang pinagmamasdan at sinusundan ang bawat yapak ng mga estudyante sa hallway, may biglang bumangga sa akin dahilan ng pagmura ko ng malakas.
"What the fuck!" umalingawngaw iyon sa buong campus.
Nabaling ang mga tingin ng mga estudyante sa akin. Gulat at halatang hindi nagustuhan ang malutong na mura na iyon. The fuck. First day na first day masama na kaagad ang araw ko. Wala na bang imamalas ito?
Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Nilingon ko ang babaeng bumangga sa akin. A petite girl with large, doe-like eyes, stood frozen in place, her hands trembling slightly.
Tumikhim ako. "Maliit pa ba 'tong hallway sa'yo?" mariin na tanong ko.
Isang malakas na singhapan ang narinig ko mula sa mga taong nakapalibot sa akin.
"Sorry, nagmamadali kasi ako..." mahina ngunit sapat na para marinig ko.
Tiningnan ko ang sapatos ko. Bumakas ang inis sa aking mukha nang makitang may putik iyon. "Wipe that," turo ko sa sapatos kong may putik. Ugh! Ew!
"I said wipe my shoes! Hindi mo ba narinig iyon?" iritado kong sigaw at akma na sanang hahawakan ang kaniyang kamay nang biglang may humawak sa aking pulsuhan dahilan nang pagharap ko do'n.
Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino iyon. Uzi.
"Uzi?"
Hinila niya ang kamay ko. Lumabas kami ng University at pumasok sa nakaparadang tricycle malapit sa gate.
"Saan mo ako dadalhin, Uzi? I have class to attend!" I yelled. Gosh! Baka tuluyan na akong patalsikin kapag malaman niyang naglalakwatsa ako!
"Ibalik mo ako sa loob, Uzi! May pasok ako!"
"Sa Hacienda po ng mga Monte Verde, manong."
"No! Uzi, let me go! Magagalit si daddy kapag malaman niyang lumiban ako sa unang klase! Ibalik mo ako, now na!"
"Hindi ka papasok ngayong araw, Louisette Solana." May diin ang boses.
"At bakit? May respon—"
"Hindi ka ba nahihiya sa mga pinanggagawa mo? Una, kinuhanan mo ng pandesal si Lusitania. Tapos ngayon, balak mo pang pahiyain si Maris?"
Nilunok ko ang anumang bumabara sa aking lalamunan. Pilit pinatatag ang sarili. "So, kilala mo ang babaeng 'yon? Girlfriend mo ba?"
Hindi niya ako sinagot. Umiling lamang ito sa akin hanggang sa nakarating kami sa hacienda.
"Ano? Bakit hindi ka makasagot sa akin, Uzi! Girlfriend mo ba ang Maris na iyon?" hindi ko alam bakit ganito ako umakto ngayon. Matagal ko nang gusto si Uzi at ngayon ko lang nalaman na may—ugh! Mas maganda pa ako sa Maris na iyon. Anong nagustuhan niya roon? Kahit siguro mga trabahante dito hindi magustuhan iyon.
"Stop it, Louisette."
Tumawa ako. "Oo at hindi lang naman, Uzi. Bakit hirap na hirap kang sagutin iyon, ah?"
Sinukbit ko ng maayos ang shoulder bag sa aking balikat habang hindi pinapansin ang putik na bumabalot sa aking bagong sapatos. Ugh! Galing pang New York itong sapatos ko, ngayon ko lang balak gamitin tapos ito ang mangyayari sa unang subok ko? Sinong hindi magagalit niyan, aber? Tapos hindi man lang humingi ng tawad ang Maris na iyon!
Gosh. "Umuwi ka na. May trabaho pa ako."
Hindi ko siya sinunod. Hinila ko ang sumbrero sa kaniyang kamay at tinapon iyon sa palayan.
"Louisette!" galit niyang untag at sinamaan ako ng tingin. Bakas sa kaniyang mukha na punong-puno na siya sa akin pero wala akong pakialam. I want answers from him. Bakit hirap na hirap siyang sagutin iyon? So, talagang may namamagitan sa kanilang dalawa, huh.
"Pangit pala mga taste mo." Bago pa man siya tuluyang magalit sa akin, inunahan ko na siya. Tinakbo ko ang distansya ng aming mansyon at pumasok sa loob.
"Louisette Solana!"
"Tangina mo, Uzi!"
Wala naman dapat akong karapatang magalit at magselos dahil wala namang kami pero... matagal ko na siyang gusto at bago sa akin ang pakiramdam na ito.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro