Chapter 9
Hakuna Miran's Point of View.
Matapos kumain ay nakalabas na lahat ng libro ko at nag-aaral ako sa isang gilid ganoon rin si Yamato at Laze may kaniya-kaniyang pwesto sila, si Laze ay may suot na earphones habang si Yamato ay may nginunguyang bubble gum.
Habang ako may kape sa gilid ng mesa at iniinom inom ko 'yon. "Sakit sa ulo," bulong ko habang kimakabisa ang isang buong page.
"Study, don't memorize. You're making me ill Miran." Kusang napa-angat ang tingin ko kay Laze.
"If you're going to memorize the whole book you'll fail, but if you'll study the whole book it's possible." Tila nanenermon niyang sabi kaya ngumuso ako at sinunod siya, ginawa ko mag-aral, inaral ko ito at hindi kinabisado.
Tama nga siya, posibleng maaral ko ang buong libro ngunit hindi makabisado.
Matapos ko sa isang lesson ay para akong gulay na nahiga sa sofa sa sobrang katamaran, lahat kami ay nasa sala. Habang ang sofa namin ay hindi pa ganoon kalambot ngunit parang simpleng apartment lang naman ang bahay namin.
Bukas pa ang simula ng three days pero nababaliw na ako sa binabasa ko. "It's so harddsdd," mahabang wika ko at ipinikit ang mata.
Ngunit kusa akong napamulat ng may humila sa akin papatayo ngunit ang nakakahiya ay nawala ako sa balanse dahil sa gulat at dahil doon na sandal ako sa dibdib ni Laze dahilan para mabilis akong umayos ng sobrang nahihiya. "H-Hila ng hila."
"Don't get straight to bed and closing your eyes without doing recall. You'll forget a lot, stand, jump, walk, exercise just don't get to lay your back straight after finishing a book." Lumunok ako at tumayo ng deretso.
"Yes master. Masusunod po salamat po sa tips." Sarkastika kong sabi at ngumuso, ginawa ko ang sinabi niya naglakad ako pakusima hanggang sa sala babalik ulit.
"Ate penge tubig," sinunod ko si Yamato at inabutan siya ng malamig na tubig.
Kinuhanan ko na rin ng maiinom si Laze at inilapag ko 'yon sa study table na pang bed table lang 'yon lang ang gamit nila ngayon habang ako gamit ko center table.
"Ate hindi mo pa ba gagamitin 'yung tablet na provide ng school?" Napalunok ako mg tanungin 'yon ni Yamato.
"Hindi ko alam i-set," pagsasabi ko ng totoo.
"Pinaayos ko nga lang kay Kuya Laze yung akin, teka kunin ko na ba sa kwarto mo papaayos ko ate," nakangiting wika niya kaya tumango ako.
Matapos no'n ay pakiramdam ko naririnig ko ang tunog ng orasan sa sobrang tahimik, hanggang sa makabalik si Yamato ay lumapit siya kaagad kay Laze at hinila ako tapos ay ini-upo sa tabi ni Laze.
"Aralin mo mabuti ate," wika ni Yamato.
"Matutulog na po ako, bukas na ako mag-aaral." Paalam niya kaya napalunok ako ng umalis na siya at umakyat sa itaas.
Habang nakaupo sa tabi ni Laze ay tumikhim ako at tinignan siya. "Hindi ko alam mag-set niyan," wika ko at itinuro ang tablet.
Huminga siya ng malalim at tumango tango, naka suot lang siya ng shirt dahil hindi naman kalamigan ang bahay namin dahil walang aircon. Itinuro nga sa akin ni Laze ang mga 'yon at siya na rin ang nag-set kaya naman gumagana na 'yon.
Inaral ko rin kung papaano gumagana ang tablet at hindi pala mahirap. Alas onse na ng gabi ngunit nag-aaral pa rin kami, medyo inaantok na ako ngunit tinatatagan ko lang ang sarili dahil kailangan kong mag-aral.
"Laze nag-paalam ka ba sa bahay niyo na dito ka magpapagabi?" Mahinahon na tanong ko at tinabihan si Bullet na nakaupo habang nilalaro ang laruan niya sa sahig.
"Yeah, as long as I'm with bullet they won't worry." Ngumiti ako at tumango.
"What does it feel having almost everything Laze?" Matipid na sabi ko, inaantok na.
"I am contented with everything, I should be or else I won't be satisfied." His answer were straight, he thinks deeply.
"You're sleepy?" Mahinahon na tanong niya kaya tumango ako.
"You should rest and ready yourself for studying tomorrow." Suhestyon niya kaya yumuko ako sa mga braso ko at pumikit.
"Don't make me carry you, rest already." Sabi niya kaya wala akong nagawa kundi bumangon at mag maktol dahil gusto ko na matulog sa pwesro ko.
Kinaumagahan ay nakaligo na akong bumaba ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Laze na nakatulog sa sofa dahilan para lapitan ko siya kaagad. "B-Bakit diyan ka natulog?" Kwestyon ko nang magmulat siya.
"Where am I supposed to sleep?" He sat on the sofa and tried to stretch his back for sure masakit ang likod niya dahil kahoy ang sofa namin hindi tulad ng pang mayaman.
"S-Sa kwarto ni Yamato?" Kwestyon ko at tinuro ang taas namin.
"Well.." Nang mapansin ko na tinatmad siyang sumagot ay alanganin akong tumawa.
"Nevermind, luluto lang ako umagahan." Paalam ko pero tumikhim siya kaya naigilan ako.
"Po?"
"I'll leave, I have other plans." Paalam niya at mabilis na inipon ang mga dala niya tapos ay sinuot ang bag niya kaya punong puno ako ng pagtataka, nang makalabas siya ng pinto namin ay naituro ko ang aso niyang nakalimutan niya pero bago pa man magsalita ay tumahol si Bullet at dahil doon binalikan siya at sabay silang umalis.
Napakamot ako sa sintido ko at tinignan si Yamato na kagigising lang at naka-boxer shorts lang habang nagkukuskos ng kaniyang mata. "Umalis na si Kuya Laze?" Tanong niya pa.
"Oo eh. Biglang nagmadali—"
"Ate ano ba 'yan nakakahiya ka, ba't nakasando sando ka lang alam mong may bisita." Nanlaki ang mata ko ng maunawaan kung anong mali dahilan para matakpan ko ang mukha at mayakap ang sarili.
"Nawala naman na pasa mo ate, pero baka nailang si Kuya Laze sa'yo. Kadiri ka raw HAHAHAHA—"
"Tumahimik ka psh!" Maktol ko at umalis na sa harapan niya.
Pagkatapos naming mag-umagahan ay bumalik kami sa pag-aaral, nagbasa ako ng nagbasa at sinigurado kong hindi ko ito kinabisa kundi inaral ko ito upang maalala. Habang nakaupo kami sa sala ay natigilan kami ng biglang bumukas ang pinto nandito ba ulit si Laze?
Pagkalingon ko ay awtomatiko akong napaupo ng maayos ng makita si Tito Jubal na halatang pagod, bumyahe ba siya pabalik dito? "Tito Jubal, si mama po?" Tanong kaagad ni Yamato at nagmano, kung kaya't sumunod ako at ginawa rin 'yon.
"Naiwan ang mama niyo sa ospital, umuwi lang ako para kumuha ng kakulangang gamit. Kakailanganin niya pang magtagal doon ng mahigit isang buwan. Yamato, bilhan mo ako ng kaha ng sigarilyo sa bayan at bilhan mo rin ako ng maaring makain ng mama mo." Nang marinig ang sinabi niya habang malagkit ang tingin sa akin ay kinabahan akong muli.
"Samahan ko na po siy—"
"Kailangan kitang kausapin tungkol sa mama mo." Biglang sabi niya at inalis ang jacket niya dahilan para lumabas ang hugis ng mga muscles niya ngunit hindi maganda sa paningin.
Nakakadiri.
"P-Pero nag-aaral po ako—"
"Bumili ka na lang, ito ang pera!" Pasigaw na sabi ni Tito Jubal dahilan para paghawakin ko ang kamay sa kaba at takot. Nang hugutin niya ang sinturon ay hinawakan ko si Yamato.
"B-Bumili ka na, dalian mo ha." Habilin ko.
"Ate.."
"Ingat ka, bumalik ka kaagad para makapag-aral ka na." Pag nalaman ni Tito Jubal na may alam si Yamato baka pagbuntungan niya ito at patahimikin.
"Opo ate," kinuha ni Yamato ang pera at balisang umalis kaya naman ng isarado ni Tito Jubal ang pinto ay napaatras ako at pasimpleng naupo upang ayusin ang gamit ko, sobra sobra ang kaba ko at takot sa kaniya.
"Miran, kumusta naman kayo ng nobyo mo?" Nang tanungin niya 'yon ay nahihimigan ko na siya ng kakaiba lalo na ng lumapit siya ngunit mariin akong pumikit at nanginginig ang mga kamay na inabot ang libro at pinagpatong.
"A-Ayos naman po."
Sumipol siya na para bang may inaalalang kanta ngunit humigpit ang kapit ko sa mga libro ng sandaling hawakan at himasin niya ang braso ko hanggang sa pwersahan niyang sinabunutan ang buhok ko dahilan para mapasigaw ako at umiyak.
"Tumahimik ka!" Sigaw niya at sinampal ang mukha ko tapos ay para akong sako ng bigas na hinila niya papunta sa taas, panay ang iyak ko habang inaalalayan ang sarili.
Nang makarating sa sariling kwarto ko ay pahagis niya akong pinapasok doon, ngunit halos hindi ko siya magawang tignan nang sandaling alisin niya ang kaniyang pang-ibaba at tsaka ako muling sabunutan at ihagis sa kama.
"Tito J-Jubal. T-Tama na po." Pakiusap ko at pinagkiskis ang dalawang palad ko habang nagmamakaawa.
"M-Malapit na po ang e-exam ko tito.." Pakiusap ko pero hindi siya nakinig sa akin.
"Hubarin mo 'yang pang-taas mo," utos niya pero niyakap ko ang sarili at tumanggi.
"Ayaw ko— aray ko po!" Pagdaing ko ng derederetso niya akong hampasin ng sinturon na may buckle pa dahilan para haplusin ko ang mga latay na naiwan no'n.
"Hindi ka susunod!" Sigaw niya.
Pero ayoko, kahit bugbugin niya na ako ayoko.
"Miran!" Galit na galit niyang sigaw.
"Ayoko po!" Sigaw ko at bahagyang lumayo sa kaniya sa makipot kong kwarto ngunit galit na galit siyang lumapit sa akin at halos mangiyak ngiyak ako ng gumawa siya ng kababuyan sa harap ko na hindi ko magawang tignan dahil napakababoy.
Ginusto ko na lang mabingi ng gumawa siya ng tunog na nakakadiri, napakababoy. Pagod na pagod ang katawan ko sa palo at halos maiiwas ko ang sarili ng may ruming tumalsik galing sa kaniya, sinabayan pa 'yon ng pag-ungol.
Nang matapos siya sa kababuyan ay inayos niya ang sarili at masama akong tinignan. "Para kang baboy, wala ka man lang magawa, hindi ka man kang maipagtanggol sa akin ng nanay mong nakalatay sa kama dahil sa sakit niya." Pumikit ako at derederetsong umiyak sa sulok ng kama ko.
"Magbihis ka, takpan mo 'yang mga sugat mo at subukan mong gumawa ng masama mapapahamak ang nanay mong nasa ospital." Banta niya pa at lumabas ng kwarto ko, panay ang kuskos ko sa mga mata kakaiyak.
Tumayo ako at nanghihinang inayos ang sarili, panibagong sugat, at pasa na naman ang natamo ko ngayong araw. Nakakapagod.
Hinawakan ko ang sugat sa gilid ng ulo ko dahil sa bakal ng kaniyang sinturon, bumuntong hininga ako at pinunasan ang dugong nandoon. Umupo ako sa kama at tumulala, nang maalala ang ginawa niya ay muli na naman akong naluha.
Nasaan kaya ang tunay na tatay ko? Bakit hindi niya na lang kami kunin..
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako lalo na ng marinig ko si Yamato na nakarating na, pawis na pawis at hinihingal halatang nagmadali at tumakbo siya. "Ate." Pagtawag niya sa akin, noong mapansin niya na nakasuot na naman ako ng mahaba ay napakurap siya at tila nadidismaya sa sarili.
"Eto na po." Walang gana niyang ibinigay kay Tito Jubal ang pinamili niya.
"Hindi pa po ba kayo aalis?" Sa tanong ni Yamato ay mabilis siyang nasampal ni Tito Jubal.
"Atat na atat ka bang paalisin ako!?" Sigaw niya kay Yamato kaya naman mabilis kong nilapitan si Yamato.
"Pasensya na po tito, nagtatanong lang po siya." Paghinging paumanhin ko.
Umakyat kami ni Yamato at napapansin kong galit na galit talaga siya. "Hahanapin ko si papa at isusumbong ko 'yang matandang 'yan." Inilihis niya ang longsleeve ko at tinignan ang braso ko.
"Masyado na siya ate, kung hindi lang talaga pulis ang mga kapatid niya. At sana kung mayaman lang ako." Bumuntong hininga ako.
"Okay lang ako." Sagot ko.
"Pag naka-ipon ipon ako hahanap ako ng dorm." Tumango si Yamato.
"Sana makaipon ka na ate, para makaalis ka na sa palad ng demonyong 'yon." Matipid akong ngumiti at tsaka hinintay na makaalis muli si Tito Jubal.
Paglipas ng ilang oras ay umalis na rin siya kaya kahit masakit ang pangangatawan ko ay hinawakan at hinarap ko ang libro, kinaumagahan ay mas naramdaman ko ang sakit ng katawan kung kaya't naghanda ako at nagbihis ng mahaba.
Pero pagkababa ko ay nandoon na si Yamato. "Ate kain na po, nagdala si Kuya Laze ng pancake ng McDonalds." Nakangiting sabi ni Yamato kaya mabilis na hinanap ng mata ko si Laze.
Pero bigla siyang lumabas sa kusina namin hawak ang kawali kaya napalunok ako. "A-Ano 'yan?" Tanong ko, hawak hawak niya 'yon na para bang magtatanong kung anong gagawin niya doon.
"Ah." Nasambit niya.
"This is your pan?" Tanong niya kaya nangunot ang noo ko at nilapitan siya.
"Pan?" Kwestyon ko.
"Yes." Pagsagot ko rin.
"Why is it silver and black?" Lumunok ako at alanganin na ngumiti.
"Well, chemical reaction. Oo, 'yon nga. Nang una naming gamitin 'yan, silver pero ng mainitan naging black yung likod. But it's still okay." Nangunot ang noo niya at tsaka tumango.
"Okay." Blangko na naman ang tingin niya tapos ay basta basta na lang akong tinalikuran kaya napangiwi ako at sinundan siya papunta sa kusina.
"Ano ba gagawin mo?" Tanong ko.
"Nothing, I just asked because it looked different." Napatango tango ako.
"'Yon lang sure ka na?"
"Hmm." Tumango siya, para siyang inosente dahil sa blangko niyang mga mata pero minsan mukha siyang galit pag ganoon ang tingin niya.
Habang magkaharap ay natigilan siya at napatingin sa gilid ng ulo ko kaya nagtaka ako. "Nagtataka ka rin kung bakit ganito yung buhok ko?" Umiling siya.
Ngunit halos matigilan ako ng maramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa parteng medyo masakit at tinignan ako muli sa mata. "H-Huh?" Nagtataka kong tugon.
"Wound." Agad kong naiiwas ang ulo at ibinaba ang kamay niya na nanatili sa taas sa kapantay ng ulo ko.
"Wala 'yan, nakamot ko yata ng hard ng nauntog ako sa bintana ng cr namin." Pagrarason ko.
"Wound." Huminga ako ng malalim at tinitigan siya, maayos naman parati ang itsura niya ang bagsak niyang buhok ay hindi naka-wax o hair gel nanatili ito sa harapan ng noo niya kapantay ng kilay niya, ang abo niyang mata ay wala man lang anong emosyon na pinakikita.
"Clean it." Itinuro niya 'yon at tsaka naghugas ng kamay bago ako lampasan at bumalik sa sala sa kung nasaan si Yamato na kumakain na.
Minsan talaga itong kapatid ko pwedeng i-bribe gamit ang pagkain.
Makalipas ang ilang araw ay bumalik ako sa pagtatrabaho, isang subject pa lang ang natapos ko sa exam kaya gusto kong kumita dahil mawawalan na kami ng allowance ni Yamato. "Sipag natin diyan ha." Nalingon ko kaagad si Jem at tsaka ako ngumiti.
"Kailangan eh, ikaw kailan ka babalik sa trabaho?" Nakangiting kwestyon ko, napaisip siya habang hawak hawak niya ang notes niya.
"Baka, after exam na." Sagot niya.
"Sige na, mag-review ka na." I shoo him that made him chuckled before waving, nang makaalis siya ay pinunasan ko ang mesa na naalisan na ng mga plates and utensils.
Habang nagtatrabaho ako ay may palad na pumatong sa tuktok ng ulo ko. "Jem ang kuli—" naitikom ko kaagad ang bibig ng makita si Laze na blangkong nakatingin sa akin kaya alanganin akong tumawa.
"Laze, ikaw pala." Napalunok ako.
"His hands are small." Nangunot ang noo ko sa sinambit niya.
"You mean?" Paglilinaw ko.
"You have big head." Sagot niya at tsaka niya ibinulsa ang kamay bago humanap ng mauupuan kaya naman umawang ang labi ko at mabilis na sinukat ang ulo ko.
Malaki ang ulo ko?! Ang kapal ng mukha niya malaki lang rin talaga ang palad niya pero hindi ibig sabihin no'n malaki ang ulo ko!
Nakakainis na mannequin!
///
@/n: Jubal, Jubal, Jubal. Hays
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro