Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 77

Chapter 77:

Hakuna Miran's Point of View.

Napaiwas tingin ako at tsaka tumayo na, "Stand up." Dahil sa sinabi ko ay tumayo siya, "You're just getting back at me." Mahinang sabi ko.

"I am not, and it's true that I can't marry you. Because our family is different, ask Yuno about it." Ngumiwi ako at binawi ang kamay ko, tinitigan ko siya.

"That death is the punishment? How cruel." Gitil ko.

"Parang hindi totoo," huminga siya ng malalim sa sinabi ko, "Am I gonna lie to you?" Matipid niyang wika na ikinatigil ko.

Is he gonna lie to me? Like what would he get in return?

"Laze—"

"Hmm?" Napatitig ako sa abo niyang mata sa naging tugoj niya, he was calm and I wanted to get mad.

It feels so unreal, "Do you just hate me? Kasi, I got married to him?" Napatitig siya sa akin sa tanong ko.

"I don't hate you, however my inner self is blaming you for keeping it to me. I have a lot of ways," he explained and reached my hand.

"If only you trusted me, but you didn't. You treat me like your enemy, Hakuna." Tumitig siya sa akin, pinagmamasdan ang mukha ko. "If only you trusted me.."

"It's because you keep on saying no—"

"So you hid it from me because I'm not in favor of your reckless decisions. Not gonna lie, Hakuna Miran. You're really reckless." Sumama ang tingin ko sa kaniya.

"If that hurts you then what about me?" Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya, seryoso ngunit mas seryoso siya.

"If that hurts you, paano pa sa akin?" Kwestyon niya muli, tumaas ang isang kilay. "Do you think it's easy for me to just accept it, you seem to know that I'd just accepted defeat?" Tumalas ang tingin ko sa abo niyang mata.

"Sa tingin mo ba pagkasuko ko sa'yo, tumigil na talaga ako?" Sumbat niya, "I didn't, you came back to me like a mess, and I'm trying to fix you. You asked me for a chance even though I was hard on you, I also asked—" naputol ang sasabihin niya ng maging emotional siya.

"I also asked my parents if they could help me, I also asked everyone if they could help me, Miran." Pigil hininga kong iniiwas ang tingin sa kaniya.

"Even if I wanted to, you're the reason why we can't be together anymore. But there you are until the very end blaming me," binasa ko ang ibabang labi dahil pakiramdam ko maluluha na ako sa sinasabi niya.

"Hanggang sa dulo ba naman ako pa rin talaga yung taong kaya mong wasakin?" Dahil sa sinabi niya ay napatitig ako sa kaniya.

"W-Wasakin?" Hindi makapaniwalang kwestyon ko.

"You're still breaking me, Miran. Just go," turo niya sa pinto at humiga sa kama niya na para bang handa na siyang matulog.

"Laze." Pagtawag ko sa pangalan niya ngunit hindi niya na ako nilingon at nanatiling nakahiga nakatagilid iniiwasan ang gawi ko.

"Laze.." Pasimple akong lumapit at kinakalabit siya sa balikat ngunit mas itinaas niya ang kumot hanggang sa leeg kaya mahina ko siyang inayog.

"Leave," mahinang sabi niya.

"Ayaw, usap tayo." Pagpupumilit ko.

Huminga siya ng malalim at hindi na tumugon kaya panay ang mahinang ayog ko sa kaniyang balikat, "Laze.." Malambing na tawag ko pa.

"Leave na," mahinang tugon niya uli.

"Ayaw ko."

"Magtatalo lang tayo pag nag-usap tayo," mahinang bulong niya pa hanggang sa magtakip na siya hanggang sa ulo kaya naman ngumuso ako.

"Jeremiah Laze." Pabulong kong sabi at bahagyang yumuko upang hindi ako nakatayo ng deretso.

"Psst."

"Pass, Hakuna." Ngumuso ako sa sagot niya, "Sorry na."

Lumabi ako at naluluhang kinalabit pa siya muli, "Kahit hindi na tayo ikasal." Naiiyak ko ng sabi, "Basta kasama kita." Dagdag ko pa.

"L-Laze," napahid ko kaagad ang luha.

Ngunit natigilan ako noong humarap siya sa gawi ko, mabilis kong napahid ang mga luha at tsaka umayos ng tayo. Blangko niya akong tinitigan hanggang sa bigla ay hinapit niya ako sa bewang at nanlaki ang mata ko kasabay ng mahinang pagtili ko noong ihiga niya ako sa tabi niya.

Ang aggressive naman..

Napatitig ako sa kaniya, nakahiga sa mga braso niya ngayon. Sobrang magkalapit kami, ngunit natigilan ako noong makita ang blangko at walang ekspresyon niyang mukha.

"If I can't marry you, then why bother entering this relationship?" Sa sinabi niya ay napakurap ako ng ilang beses, "Huh?" Tugon ko.

"Two person, enter the dating stage to be married in the future, right?" Dahan dahan akong tumango sa sinabi niya, "Then why is it okay to you if I can't marry you? Marriage is important to women." Napakurap ako sa explanations niya.

"B-Bakit ganyan ulit yung hitsura mo?" Turo ko sa mukha niya, mahina lang dahil sobrang magkakapit kami.

Huminga siya ng malalim, hanggang sa maramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa bewang ko nanatili kami sa ganitong pwesto.

Parehas na nakatagilid ngunit magkaharap, "Are you scared?" Kwestyon niya, nanatiling ganoon ang ekspresyon, blangko at hindi mawari.

"H-Hindi, n-nagtaka lang ako kasi bumalik." Baka isipin niya natatakot ako sa kaniya kapag ganoon, gwapo naman siya kahit anong hitsura ng mga mata at mukha niya.

"About sa sinabi mo, i-importante naman talaga ang kasal sa kahit na kanino. Lalo na sa aming mga babae dahil pakiramdam namin secured kami at may laban kami sa kahit na sinong babaeng nagkakagusto sa inyo," mahinang pang-unawa ko sa kaniya.

"Pero okay lang naman sa akin, kasi kasalanan ko naman at mas maayos ng kahit hindi kasal b-basta magkasama 'di ba?" Kinakabahan na sabi ko.

"But we can't have babies if we're not married," namula ng todo ang mukha ko sa kaniyang sinabi.

"B-Baby agad," bulong kong sabi.

"I-I mean in the future even if we're together, it's against the law to have a child without proper marriage. T-That's what I'm saying.." Nauutal niyang sabi kaya napatitig ako sa mukha niya.

"E-Edi huwag na mag-anak," bulong ko pa.

"Hakuna Miran," naninita niyang sabi.

"Eh anong magagawa ko? Awayin ko yung batas niyo?" Nakangusong sabi ko, napatitig siya sa akin tsaka siya huminga ng malalim.

"Kill them," sa biglang sinabi niya ay kumabog ang dibdib ko.

"B-Baliw ka ba ha?"

"Hindi ikaw, ako ang gagawa." Nanlaki ang mata ko at napalo siya sa dibdib dahilan para masulyapan niya pa ang dibdib.

"Bakit ka papatay ha, alam mo namang kasalanan 'yon. P-Pag ginawa mo 'yon para kang yung mommy ni Terry." Inis na sabi ko pa.

Tumitig siya sa akin, "It's complicated than what you think," wika ni Laze.

Napalunok ako nang ayusin niya ang buhok ko at isilid sa likuran ng tenga ko. "Go to bed," mahinahon niyang sabi.

"I'm in bed." Sumbat ko, napatitig siya sa akin at umiling.

"Go to your room," paglilinaw niya.

"Ayaw."

"Do you want to sleep here?" Kwestyon ni Laze.

"H-Hindi naman, g-gusto ko lang dito muna." Paglilinaw ko at tsaka umayos ng higa, tumihaya ako at tumitig sa kisame niya.

"Why does your room always smell like you?" nagtatakang tanong ko at tumitig sa paligid ng kaniyang kwarto dito sa rest house.

"Because it's my room, however I want my bed sheets to smell like you." Napalunok ako noong mag-init ang pisngi ko kaya ngumiti ako at nilingon siya ngunit pagkalingon ko ay nagtama ang tunginng ilong namin.

Dito lang kami nagkapantay ng mga mukha, bahagya akong napalayo at tsaka napaiwas tingin. Nanatili ang kamay niya sa bewang ko, inabot ko naman ang mukha niya at hinawakan siya sa pisngi.

"Ang lambot ng pisngi mo," nakangiting sabi ko.

"Hmm," sa naging tugon niya ay bahagyang lumabas ang dimple niya kaya gamit ang hintuturo ko ay itinuro ko 'yon.

"May dimple ba yung mommy mo?" Kwestyon ko.

"My dad," mahinang sagot niya.

"Mom got a little, but my dad got one and I got two," he stated and pushed the insides of his cheeks using his tongue.

"Ako wala," bulong ko.

"You have the kitten's," he stretched my lips which made me smile for real, at doon ay itinuro niya 'yon kaya napatango ako.

"Because of my dad," wika ko naman.

"Dinner na tayo?" Anyaya ko, tumango siya at pinauna akong bumangon. Pagkabangon ko ay napansin ko ang pasimpleng pag-unat niya sa braso niya na panigurado ay nangalay dahil sa akin.

Nauna ako sa pinto, sumunod naman siya kaya pagkalabas namin ay natignan ko ang mga kasama. Napatikhim pa sila, "N-Nag-usap lang," mahinang sabi ko.

"Wala kaming sinasabi," mahinang bulong ni Crizel kaya ngumuso ako at dumeretso sa sala.

"Nasaan na sila?" Kwestyon ko, hinahanap si prosecutor at si Terry.

"Umalis, may aasikasuhin pa sila tungkol sa annulment niyo ni Terry at doon raw muna si Terry." Sagot ni Crizel kaya tumango ako.

"Kaya pala, anong dinner?"

"Sarsyadong tilapia at sinigang na baboy." Turo pa ni Crizel.

"Kaya pala ang bango," tahimik naman na naupo si Laze hindi umiimik at prenteng deretso ang tingin sa kung saan.

"Tara kain na," anyaya ko sa kanila at tsaka nauna sa dining. Pagkaupo namin ay biglang may kumatok kaya nilingon ko 'yon.

"Ako na," Laze stated and left his seat. Lahat kami ay nakalingon hanggang sa matanaw na namin si Laze at napangiti ako noong kasama niya si Ate Janella ngunit sinulyapan ko si Jem na titig na titig.

"Wow," bulong ko na ikinaayos niya ng upo.

"Ikaw na dito mare," tumayo si Crizel at lumipat sa tabi ni Laze dahil doon lang yung available seat. In short nasa gitna namin si Laze, si Ruri at Carl naman ay napatikhim.

"Kain na," anyaya ni Crizel kaya nagsimula na kami kumain not until Laze placed a napkin cloth on my lap.

"I can't take your clumsiness." I gulped as he sighed and place one on his lap too, dahil doon ay naintindihan ko na dahil pagkakuha ko ng sarsyadong tilapia ay tumulo ang sauce no'n sa lap ko mabuti na lang sinalo ng cloth.

"Kumusta ka Miran?" Tanong ni Ate Janella kaya pasimple akong umirap, "Buhay pa." Natawa siya sa sagot ko.

"Nasa tabi mo naman oxygen mo eh, mabubuhay ka talaga." Asar niyang sabi kaya ngumuso ako ay nilingon si Laze na prenteng nakaupo at ngumunguya ng sarado ang bibig.

Pagkatapos namin kumain ay ihahatid raw muna ni Jem si Ate Janella kaya hinayaan ko na, ako naman ay sandaling lumabas upang i-check kung maayos ba yung construction sa site.

"Ma'am safety helmet," inabutan ako ng guard kaya ngumiti ako at sinuot 'yon.

Habang papasok sa loob ay napalingon ako muli ng marinig ko magsalita si manong guard at napangiti ako nang matanaw si Laze.

Hinintay ko na siya at sinabayan niya akong pumasok sa site, maayos na ang first floor hanggang 4th floor. May working elevator na rin at electricity ang buong hotel.

5th floor ay rooftop na lang talaga, "Susunod ilalagay na yung ibang appliances and furnitures 'no?" Kwestyon ko kay Laze, matipid na tango lang ang sagot niya.

Huminga ako ng malalim dahil sobrang ganda na ng progress, "Ang ganda."

"Hmm," tugon niya muli.

After checking the hotel, floor by floor nakita ko rin yung rooms at bathroom pa lang wala na akong masabi. Bumalik na kami sa rest house pagkatapos no'n.

Sunod na araw ay tinawagan ako ni prosecutor about sa annulment, "Prosecutor," mahinang tugon ko.

"Hakuna Miran, since my law firm is in Palawan, can you come? Sabay na lang kayo ni Terry." Napalunok ako.

"Okay po, sige. I'll contact Terry na lang po about that," napatango pa ako kahit hindi niya nakikita.

"Alright, my son's birthday is coming so I can't leave. Pinauwi na ako ng wife ko," mahina pa siyang natawa kaya natawa na rin ako.

"I understand prosecutor," huminga siya ng malalim sa kabilang linya at tsaka tumikhim.

"Alright, I'm going. Goodbye! See you," he stated.

"See you, prosecutor. Thank you," tugon ko at pagkapatay ng tawag ay huminga ako ng malalim.

Sunod kong tinawagan ay si Terry, "Tatawag pa lang ako, naunahan mo ule." Natatawang sagot niya sa kabilang linya.

"Kailan raw ba tayo pupuntang Palawan? Na-excite naman ako," tumawa siya sa kabilang linya.

"Bukas pa naman, excited." Sagot niya.

"Ilang araw ba doon?" Kwestyon ko pa.

"Aba'y malay ko kay attorney," umirap ako sa sagot niya.

"Wait lang, kakain muna ako. Tawag ako mamaya," paalam niya at pinatay na ang tawag dahil mukhang tinawag siya ng lola niya sa background.

Kumusta kaya ang pamilya niya gayung hindi nila kasama ang kapatid at mommy niya? Okay lang kaya sila?

Natigilan ako noong tumawag si lolo sa akin, bakit? "L-Lo, magandang tanghali po." Nahihiyang bati ko.

"Pumunta ka rito ngayon hija," napalunok ako kaya naman nagmamadali akong umayos noong patayin niya ang tawag.

Pumasok ako sa kwarto ko at nag-ayos, pagkalabas ay naalala ko si Laze. Kumatok ako sa kwarto niya at pagkabukas ko ay napalingon siya.

"Why?" Gulantang niyang tanong.

"Alis muna ako, mag-isa mo lang rito sa rest house ngayon ha. Babalik rin ako," paalam ko nakangiti.

"Where are you headed to?" He asked.

"I'm safe, no worries."

"Hatid na kita—"

"Hindi na, kaya ko na. Babye!" Kinawayan ko siya at tsaka ako patakbong lumabas.

Tumakbo ako sa dulo, upang makasakay ng taxi. Pagkasakay ko ay sinabi ko na ang address.

Pagkarating sa bahay ay nakaupo sila mama, dad at lolo habang si Yamato ay inosenteng nakaupo at nakatitig sa vase sa gitna.

Parang lutang.

"Nandito ka na pala, maupo ka anak." Pinaupo ako ni mama sa tabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Kayo ba'y nagkabalikan na ni Laze anak?" Nangunot ang noo ko at tsaka matipid na umiling.

"Hindi pa po mama," mahinang sabi ko.

"The youngest has already paved our company. He paved the way," nangunot ang noo ko sa sinabi ni lolo.

"Ano pong paved?" Naguguluhan na tanong ko.

"He gave a share, even if it's because of you. We'll give it back in the future, double." Napakurap ako at tsaka napakamot sa sintido.

"Hindi ko po gets lolo."

"Slow po talaga si ate, ako na mag-eexplain. Dahil mahal ka ni Kuya Laze, tinulungan niyang umangat yung company natin. In short, magpasalamat ka sa kaniya hehe." Napalunok ako at hindi ko alam kung sasamaan ko ng tingin si Yamato o ano dahil sa kaniyang sinabi.

Pero ano raw?!

Si Laze?

Bakit niya naman ginawa 'yon, ayoko ngang isipin ng pamilya niya na 'yon ang habol ko.

"Our company and theirs are now partners." Paglilinaw ni dad.

"O-Opo." Naguguluhan na sagot ko.

"Kaya, go and date him. He deserves it, treat him to good food. I'll give you an allowance." Napalunok ako nang i-abot ni dad ang kaniyang ATM card.

"I have money dad—"

"Extra anak, make sure to feed him a lot okay? Thank him." Ngumiti ako at tumango.

"Okay dad."

"Hatid na kita ate?" Tanong ni Yamato kaya nangunot ang noo ko. "Saan?"

"Ate naman ang slow, kay Kuya Laze." Pinanlakihan pa niya ako ng mata kaya natawa ako at tumango.

"Sige, tara."

Nagpaalam ako sa kanilang lahat at hinatid naman ako ni Yamato, habang tinatahak ang daan ay nilingon ko siya. "Saan ka pupunta ha?" Kwestyon ko.

"Sa comic store ate, hindi kasi ako pinapayagan nila mama." Dismayadong sabi niya, "Mukha ba akong bata?" Ngumisi ako at tumango.

"Mas mukha ka ngang bata ate, para kang 16 years old pa rin." Sa panlalait niya ay nabatukan ko siya na ikinasama ng mukha niya.

Pagkarating sa rest house ay nagmamadali akong pumasok sa loob at hinanap si Laze, ngunit pagka-bukas ko ng kwarto niya ay wala siya.

Saan naman siya nagpunta?

Nalingon ko ang buong paligid at tsaka huminga ng malalim. "Laze!" Pagtawag ko sa pangalan niya ngunit hindi ko siya mahagilap.

Baka nasa site?

Lumabas ako at pumunta sa may site, "Si Architect Garcia nandito manong?" Natigilan yung guard tsaka siya umiling.

"Wala naman ma'am, umalis pero siya kanina ma'am gamit yung sedan niyang sasakyan ayun bang may kamahalan ang presyo?" Lumunok ako sa explanation ni kuya at tsaka tumango.

"Thanks po."

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya na kaniyang nasagot naman kaagad. "Up?" Kwestyon niya kaya napangiti ako.

"Saan ka?" Kwestyon ko kaagad.

"Hindi ko naman alam na babalik ka kaagad, just because you miss me. I'm at my lola's cafe." Awtomatikong ngumiti ang labi ko sa tugon niya.

"Kain tayo, punta ako diyan."

"Hindi na, I'll fetch you." Mabilis niyang tanggi.

"Dali na, ako na pupunta. May taxi na, babye!" Pinatay ko na ang tawag bago pa siya ang sumundo sa akin.

Kakamadali ko kay manong ay akala niya may emergency kaya naman napailing siya ng malaman kung saan ang punta ko.

Nagbayad lang ako at tsaka pumasok na sa cafe, mabilis ko siyang hinanap hanggang sa hindi ko siya matanaw sa paborito niyang pwesto.

"Asan naman—" Napakurap ako ng ilang beses nang tumambad ang fresh flowers in front of my face.

Nakagat ko ang ibabang labi at nilingon si Laze ngunit halos mamula ang mukha ko ng mapatili pa ang ibang kabataan ng sa paglingon ko ay dampian niya ng halik ang pisngi ko.

"Are you in a hurry?" Nang magtama ang mata namin ay hindi ko na mapigilan ang ngiti kaya huminga ako ng malalim at tinitigan siya.

"Ang pogi ni kuyaaaa!"

"Kyaaaaaaaah! Kahit kalahati man lang ni kuya ang makilala kong lalake sapat na."

Nahihiya kong nalingon ang iba kaya nahila ko siya sa isang upuan. "Akin 'to?" Tanong ko sa bulaklak nang i-abot niya.

"For your shadow siguro," ngumuso ako at inamoy 'yon.

"Thank you." Nakangiting sagot ko.

Matipid siyang ngumiti, showing off his dimples. "Why are you in a hurry? Minadali ko tuloy yung flower shop around the area," kwento niya pa kaya sinenyasan ko siyang lumapit.

"I don't know how to show you how thankful we are, so may I take you out, Architect Garcia?" Napatitig siya sa akin tsaka naningkit ang mata.

"I'll think about it—"

"That's a yes! Where do you want to eat? Where do you want to go?" Umawang ng bahagya ang labi niya at tsaka pinagkrus ang braso.

"Hmm, let's eat here first." He suggested.

"Pick what you want, it's my treat!"

Ngumisi siya at tsaka tumango, "Alright, ma'am." Kinuha niya ang menu at dahil doon ay umorder kami ng pagkain.

He didn't pick the expensive one, he just wanted what he always eats. Consistent.

Habang kumakain kami ay bigla na lang siyang ngumiti at umiling iling, "Here we go again, having fun and then facing the consequences tomorrow." Ngumisi ako.

"Okay lang talaga sa akin yung ganito, mas masaya." Sagot ko.

"But one day you'll want to be married," sambit niya.

"And you'll regret staying with me," mahinahon niyang dagdag kaya naman ngumiti ako.

"I will not," sagot ko.

"Hmm," tugon niya.

After kumain ay lumabas kami for chill ride, we even bought a cake to eat at rest house.

"Tell me your wish," natigilan ako at tsaka nilingon siya.

"Mamaya," sagot ko.

Pumunta kami sa kung saan kita ang city lights at mahangin, bumaba ako nauuna at tsaka tumayo sa dulo sa may railings.

Sa pagsunod niya ay natigilan ako nang tumayo siya sa likuran ko at natignan ko ang mga braso niyang yumakap sa balikat ko.

Napangiti ako. "What's your wish?" Bulong niya, pilit ko siyang nililingon ngunit bukod sa matangkad siya ay nasa likuran ko siya.

"I don't think I'm ready to tell you my wish," dahan dahan akong humarap sa kaniya, inalalayan niya naman ang bewang ko.

"Why not?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"It doesn't feel like it's the right time to wish, there are no stars." Turo ko sa kalangitan.

"I can be your star, and grant you a wish." Sa sagot niya ay ngumiti ako, "Then come at the right time, and then I'll wish." Mahina siyang tumawa at tumango.

"Alright," sambit niya sa mahinang paraan ngunit malambing.

"Aalis ako bukas ng hapon, aayusin ko na yung annulment namin ni Terry." Tumango siya, "Hatid kita."

"Hindi na, may susundo sa amin yung kay prosecutor rin." Tumango siya.

Dahil doon ay umuwi na din kami matapos magpahangin, pagkabalik sa rest house ay nakipag-kwentuhan kami ng bahagya at nagpahinga na rin.

Mabilis naman na dumaan ang oras at ganoon kami kabilis nakarating ni Terry sa Palawan ngunit nagtaka ako ng sunduin kami ng yate at nandoon na si prosecutor.

"Paano ba 'yan, ang ganda ng place of meeting natin." Natatawang sabi ni prosecutor nakapamulsang hawak ang envelope.

Sobra akong namangha sa magandang yate, ito kaya ang ginamit nila Laze?

Habang bumabyahe ay pinaupo ako nila prosecutor, sinimulan nilang i-discuss 'yon kaya naman nalingon namin ang panibagong yate na bahagyang lumapit sa amin.

"Hala, bumangga?" Tanong ko at napatayo.

"What happened?" Kwestyon ni Terry.

"Ewan, collision?" Tumayo si prosecutor at lumapit kaya lumapit ako pero natigilan ako ng makita si Laze na nakakunot ang noo.

"Why did you kidnap me tito?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya, nang mapatingin siya sa akin ay nangunot ang noo niya.

"Y-You could've just ask for me," bawi niya at tumawid papunta sa yate namin.

"I'll give this to you, read it carefully. Let's go Terry." Umawang ang labi ko ng lumipat sila sa kabilang yate ay kinawayan kami.

Sa sobrang tulala namin ay nakalayo na sila bago kami magkatinginan. "Anong meron?" Tanong ko.

"I thought you'll go on court not here," sambit ni Laze at nagtatakang tinignan ang envelope.

"Sit down," seryosong sabi niya kaya naupo ako sa tabi niya.

"Read it out loud," sambit ko.

Nang tignan niya ay napatingin siya sa akin, "Read it out loud Laze, parang ewan eh." Tila nagulat siya sa nabasa.

"W-We're married?" Mabilis kong inagaw sa kaniya 'yon at binasa.

"Sinasabi mo naman— huh?" Gulantang na sabi ko, napatitig ako sa papel na hawak ko.

"B-Bakit r-registered ako as Garcia?" Nagtatakang tanong ko.

"I-I don't know," bulong niya at kinuha ang cellphone.

Ngunit hindi sinasagot, kinuha ni Laze ang envelope pa. "What date?" Tanong ni Laze, hinanap ko ang registered date at nanlaki ang mata ko.

"Few months ago, yung unang beses na inaresto ako for questioning. Wake ni lola," tukoy ko.

"How did this happen?" Bulong na sabi niya.

"May pirma ako at may pirma ka, even though we didn't go to church we're still registered by giving our signs." Natulala ako at napatitig sa mukha ni Laze.

"Ibig sabihin no'n nauna tayo?" Nanlaki ang mata ko noong ma-realize. Napakurap siya ng maraming beses tsaka tumango.

Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko.

Oh my god, I can't explain how I feel right now..

"I-I'm out of words." Sambit ni Laze at mabilis na inabot ang pisngi ko upang pahidin ang luha ko.

Sunod sunod na akong humikbi dahil sa nararamdaman at agaran niya naman akong nilapitan at hinalikan sa noo.

"L-Laze, hala." Natakpan ko ang bibig ng hindi ako matigil sa pag-iyak, ngunit mahina siyang tumawa.

"I'm really out of words, shit." Bulong niya kaya nahampas ko siya sa dibdib.

"I didn't know how this happened, but I'm happy." Ngumiti ako sa sinabi niya at tumango, naturo ko ang sarili.

"A-Ako rin!"

Ngunit parehas kaming natigilan ng may marinig kaming tumunog mula sa yate, nalingon namin 'yon.

"I'll check it," nakangiting sabi niya.

Hinintay ko siya at tatlong minuto ay may tumawag sa cellphone ko kaya napangiti ako ng malaman na si Terry 'yon.

"Hindi ka man lang nagsab—"

"Jump with Laze, Hakuna Miran!" Nangunot ang noo ko sa kaniyang tugon.

"Huh?"

"Leave the yacht now!" Nagtaka ako at napatayo, tinanaw ko si Laze ngunit hindi ko siya makita.

Anong meron?

///

@/n: Any thoughts? It's just me, myself, and I HAHHAHA CHAR!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro