Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 71

Chapter 71:

Hakuna Miran's Point of View.

Pinarinig ko ang pagsarado ng pinto dahilan para matigilan sila at lumingon. "Napaano ka? Hindi ka pumunta sa family gathering? Sabi ni Crizel wala ka rito," huminga ako ng malalim at tsaka ako naupo sa single sofa at tinignan siya.

"Bakit may kakaiba sa'yo?" Tanong ni Yuno.

"I guess she's pregnant-"

"I am not!" Mabilis na tanggi ko sa sinabi ni Laze, nangunot ang noo niya at tsaka ngumiwi na lang.

"What happened to you?" Kwestyon ni Yuno.

"Wala." Matipid kong sagot, "Ano nga sinasaktan ka ba ni Terry?" Lumapit sa akin si Yuno at agaran kong nabawi ang braso dahil baka tulad niya ay itaas niya rin ang sleeves ko.

"Bakit niya naman ako sasaktan," mahinang sagot ko.

"Malay ko bang may sanib 'yon?" Ngumiwi ako, wala namang masamang ginagawa si Terry.

"Wala naman siyang ginagawang masama sa akin, siya nga lang ang kakampi ko sa pamamahay na 'yon." Paglilinaw ko.

"Baka nagsisinungaling ka?" Paninigurado ni Yuno.

"Bakit ako magsisinungaling-"

"Ugali mo itagong nasasaktan ka, ano ka Alyssa version 0.2?" Umirap ako sa sinabi niya.

Sasabihin ko na sana sa kaniya ngunit gusto kong kumpirmado dahil baka mas maging masakit para sa kaniya pag nalaman niya.

"Maghihiwalay pa ba kayo ni Terry?" Sa tanong ni Yuno ay napatitig ako sa mukha niya.

Oo, dahil siya na mismo ang nagpapakawala sa akin.

"Bakit ba may pasa ka rito?" Natakpan ko ang bandang collarbone ko tsaka ako mahinang tumawa.

"Yung kapatid ni Terry," sagot ko na lang.

"Hindi mo pinapatulan 'yon?" Kwestyon ni Yuno.

"Pinapatulan naman.."

"Okay ka lang sigurado ka?" Tanong ni Yuno.

"Oo nga," mahinang sabi ko.

Tumayo na si Laze sa pagkakaupo. "Saan punta mo?" Tanong ni Yuno.

"Why? Concern ka?" Umawang ang bibig ni Yuno.

"Tanong lang." Dismayadong sagot niya.

"Sa condo ako matutulog, doon muna ako." Matipid na sabi ni Laze at tsaka kinuha ang tali ni Bullet.

Napapikit ako ng sandaling may maalala, ngunit umawang lang ang labi ko sa naalala! Kiss na naman? Ilang beses ba kaming naghalikan ni Laze?

"Anong kiss na naman?" Gulat kong nalingon si Yuno, nasabi ko ba ng malakas 'yon?

"Huh?"

"Sabi mo kiss na naman?" Turo niya sa akin, alanganin akong tumawa at umiling.

"M-May naalala lang," nahihiyang sagot ko at dahil doon ay nasundan ni Laze ang pagtayo ko tsaka siya umiling iling.

Sunod na linggo ay hindi pa rin nakakabalik si Terry, siguro ay nandoon siya sa condo niya. Mabuti sigurong puntahan ko muna siya baka kailangan niya ng kaibigan.

Sa rest house rin ako nanuluyan pero si Laze ay hindi, umuuwi siya pagkatapos ng trabaho niya. Habang naglalakad ay may dala pa akong food for Terry.

Nang makarating sa floor niya na sa itaas lang ng condo ni Laze ay pipindutin ko na sana ang bell pero nakita kong nakabukas 'yon.

"Hindi pa bumabalik si Terry?" Rinig ko ang tinig ng babae.

"Hmm, nalaman niya na yung ginawa namin kay Alyssa." Napalunok ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko, to record their conversations.

"The whole thing? He found out the whole thing?" I tried not to make a noise or a little sound.

"Duda na siya noon, pero ngayon kumpirmado niya na. Nalaman niya na sigurong hindi talaga suicide yung ginawa ni Alyssa." Nanlaki ang mata ko.

"Mommy papaano kung magsumbong si kuya sa police?" Kwestyon ni Tina.

"Wala na akong magagawa kundi patahimikin ang kuya mo, Tina. T-Tulad na lang rin ng kuya mo," nanlaki lalo ang mata ko sa nalaman.

May mga kasama silang lalake, ngunit sobrang delikado ng ginagawa ko. "Totoo bang nagpakamatay si kuya? O may kinalaman ka doon mommy?" Nakagat ko ang ibabang labi sa usapan na naririnig ko.

"H-Hindi niya matanggap, ngunit kesa isuplong sa police ang nalaman niya ay tinapos niya na lang ang buhay niya." Napalunok ako ng ilang beses.

"Nalaman niya yung ginawa ko kay Alyssa, yung pagpa-inom ko kay Alyssa ng gamot na nakakamatay at ang pag-bitay ko sa kaniya dahil hindi puwedeng lumabas na ako ang may gawa no'n-"

"Ma'am, papasok po ba kayo?" Nanlaki ang mata ko ng magtanong ang janitor dahilan para malaman ng mag-ina na nandito ako.

Napaayos ako ng tayo, "Si Miran! Habulin niyo!" Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo, derederetso kong pinindot ang elevator.

Ngunit nalingon ko ang dalawang lalake na mabilis tumakbo para siguro ay huliin ako, sobrang tagal magbukas ng elevator at pagkabukas no'n ay sinarado ko kaagad.

Sobrang kinakabahan ako, "P-Papatayin nila ako panigurad-" bigla ay naalala ko ang floor ni Laze, mabilis kong pinindot 'yon.

W-What's his room again?

Nang bumukas ay napatitig ako sa fire exit na malakas kong naririnig ang mabibilis na yapak, tumakbo kaagad ako papunta doon at mabilis kong pinindot ang door bell.

"Laze!" Malakas kong kinatok ang pinto niya.

"Laze! Buksan mo!" Nanlaki ang mata ko ng papalapit na ang dalawa, at nang malapit na sila ay saktong binuksan 'yon at halos maitapon ko ang sarili ko paloob at mabilis na isinarado ngunit napapikit pa ako ng pagsandal ko sa pinto ay malakas nilang kinatok 'yon.

Hingal na hingal ako at nasapo ko pa ang dibdib sa sobrang kaba, ngunit halos manlaki ang mata ko ng makita si Laze na basang basa pa at nakatapis lang ng twalya.

Awtomatikong namula ang buong mukha ko dahil halatang nagulat rin siyang nakita ako. "W-Why d-did you enter my c-condo?" Bigla ay na-realize niya yata na wala siyang suot kaya naman kitang kita ko ang basa niyang dibdib dahilan para mapaiwas tingin ako.

Sunod sunod na may nag-bell sa pinto, kaya naman kinabahan ako. "I-I'll e-explain later, but I need your help first." Pakiusap ko.

"What help?" Huminga siya ng malalim, "Why do you need me now? I'm not willing to help." Lumapit siya sa pinto pero mabilis kong hinawakan ang braso niya at hinila siya papalayo.

"H-Huwag." Awat ko.

"M-Maligo ka muna, h-huwag mo bubuksan yung pinto. T-Tapos patayin mo yung bell." Pakiusap ko, ngumiwi siya at seryoso akong tinitigan.

Sobrang basa ang buhok niya at tila nag-madali lang siyang lumabas sa banyo.

Huminga siya ng malalim at blangko ang tingin na sinunod ang pakiusap ko, bumalik siya sa banyo ng walang sabi sabi. Limang minuto ay lumabas na siya, he's wearing a pajamas and a plain white shirt.

Ngunit ang mga nasa pinto namin ay hindi pa rin tumitigil. Napipikon na rin si Laze sa pag-damba nila sa pinto ni Laze.

"Sino ba 'yon?" Nayayamot niyang turo sa pinto, tumayo ako at huminga ng malalim.

Pinaghawak ko ang kamay ko. "They're bad guys, I still can't process the whole thing I've heard." Tumitig sa akin si Laze.

"Does your husband know that you're here?" Napalunok ako at umiling.

"Mrs.Bautista, for pete's sake. I don't know why are you here-"

"Kasi nalaman ko yung crime ng Bautista kay Alyssa, narinig ko lahat, alam nila kaya pinapahabol nila ako." Mabilis kong sabi, natigilan siya at pinagkrus ang braso niya.

"What do you mean?" Kwestyon ni Laze, pero dinamba ulet yung pinto niya.

"Are you sure they're bad guys?" Kwestyon ni Laze kaya dahan dahan akong tumango.

Pinanood ko siyang may abutin sa kung saan, nang makita ang baril ay nanlaki ang mata ko ngunit may naalala ako at 'yon ba yung laruan na ginamit niya noon?

"May ganyan din sila, d-delikado." Mahinang sabi ko at pinigilan siya.

"So?" Tanong ni Laze.

"B-Baka mapano ka?" Ngumiwi siya at lumapit doon, pagkabukas ni Laze ay halos mahigit ko ang sarili ng abutin ako ng lalake ngunit mabilis na nahuli ni Laze ang siko ko at ilagay ako sa likod niya.

Itinutok niya sa mga lalakeng 'yon ang baril niya. "What do you need?" Kwestyon ni Laze.

"Yung babaeng nasa likod mo, huwag ka ng makialam dito kung ayaw mong madamay ang tahimik mong buhay-"

"Tahimik ako, pero yung buhay ko hindi. Gusto niyo bang malaman kung gaano kagulo ang buhay ko?" Natawa ang dalawang nasa harapan namin sa sinabi ni Laze.

"Huwag ka ng gumawa ng kwento at ibigay mo na sa amin ang babae na 'yan. May atraso 'yan sa boss nami-"

Sa paglapit ng lalake ay nanlaki ang mata ko ng putukan siya ni Laze ng baril sa balikat.

"Leave her alone." Mahinahon na sabi ni Laze at ibinulsa pa ang isang kamay niya.

"Gago ka ah!" Dumadaing na sabi no'n.

"You guessed it right," nakangising sabi ni Laze.

"Run or die, that's the only choice I could give so pick wisely." Napahawak ako kaagad sa laylayan ng shirt ni Laze sa likuran niya at tsaka mahinang hinihila 'yon.

"Pasalamat ka," banta ng lalake na 'yon sa akin tsaka sila umalis kaya nang makaalis sila ay nanghihina ang tuhod kong napaupo ako sa malapit sa pinto.

Pero natigilan ako ng mapansin ko ang katawan, napunit pala ang suot kong manipis na longsleeve dahilan para mabilis kong ayusin ang sarili ng makita ko ang sugat.

Tumayo ako at mabilis na iniwasan ang tingin ni Laze, "Where's your husband?" Kwestyon ni Laze.

"He left, he asked me to wait for him pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik matapos malaman yung crime ng mom and sister niya." I explained.

"He left you, really," dismayadong sabi niya. "Because it's for my own good," mahinang sabi ko.

"Your own good? If he's concerned from the very first start he shouldn't have married you." Seryosong sabi niya.

"And what about those?" Natigilan ako ng galit siyang lumapit sa akin at sa pag-iwas ko sana ay hindi ko nagawa dahil yung punit na longsleeve ko ay tinuluyan niya dahilan para tumambad sa harapan niya lahat ng mga sugat at pasa.

"L-Laze ano ba," mahinang sita ko at pilit binabawi ang braso ko pero hindi niya binitiwan 'yon.

"See? Can you see how messed up you are?" Binitiwan niya ang braso ko kaya nayakap ko ang sariling braso.

"Why do you keep on choosing the hardest part, Hakuna Miran?" Kwestyon niya at tsaka dismayadong tumayo sa harapan ko.

"Nakakapagod ka naman," naitikom ko ang bibig.

"You keep on needing gold but you're choosing rocks over gold." He stated rudely.

Tumahimik lang ako, "And if I choose you Laze?" Sambit ko na ikinatigil niya.

"Then let me tell you, how late is it already and I'm not accepting you." Mariing sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi at pilit na inaalis ang sakit ng dulot ng mga sinabi niya.

"If I chose you before, what would your family think of me? That I only needed your money?" Tinitigan niya ako ng matagal.

"Doesn't matter, you didn't pick me anyway. Maupo ka diyan," inis niyang sabi at tsaka pumunta sa itaas ng condo niya.

Naiinis akong nagdabog ng paa sa carpet niya, pagkababa niya ay napatitig ako sa damit na binigay niya at t-shirt 'yon.

Baka pag nakita niya yung cuts ko sa pulsuan baka iba ang isipin niya. "Change, look at yourself." Ngiwing sabi niya kaya tumayo ako at pumasok sa banyo.

Nang makabihis ay pasimple kong tinatago ang pulsuan ko. Tahimik lang siya na para bang ang lalim ng iniisip niya.

"Umiiwas na nga ako sa'yo, ngayon naman nandito ka sa condo ko." Nahihiya akong yumuko.

"A-Aalis na lang ako-"

"Go if you want to die." Napanguso ako at napaupo ulit dahil sa sinabi niya.

Ang sungit.

Lumipas ang ilang oras ay nanatili akong nakaupo, "Do you have proof that they did it?" Bumaba si Laze galing sa itaas ng condo niya.

Naalala ko ang cellphone ko kaya inabot ko ang bag at tsaka ko binuksan 'yon bago siya naupo sa harap ko sa sofa at inilahad ang kamay.

Inabot ko 'yon ngunit nagitla ako ng hawakan niya ang likod ng kamay ko at sa pagbawi ko at nakita niya na ang mga cuts.

"Did you do this?" Naitikom ko ang bibig.

Hinawakan niya 'yon at napangiwi ako kaya pilit kong binawi. "Hakuna Miran," huminga ako ng malalim.

"Ano naman sa'yo? May mababago ka ba?" Sumbat ko at dahil doon ay binitiwan niya na.

Matagal niya akong tinitigan sa sinabi ko, bago siya umiwas tingin at tsaka siya huminga ng malalim. "Really?" He stated.

Natigilan ako ng tumayo siya at pumasok sa banyo, galit ba siya? Galit pa rin siya? Nang bumalik siya sa harapan ko ay natigilan ako ng may hawak siyang karambit o kutsilyo na kakaiba ang disenyo.

Ngunit halos mapatili ako ng sugatan niya ang sarili dahilan para tumulo ang dugo sa tiles, mas malalim kaya naman natataranta ko siyang tinitigan.

Ngunit pinanood niya lang akong hindi alam ang gagawin kaya naman mabilis kong inalis ang shirt na binigay niya at natatarantang tinakpan 'yon.

"Ano ba Laze!" Galit na sabi ko.

Nagtama ang mata namin ngunit iniiwas niya ang tingin sa akin, because I am only wearing a black sando.

"You think that hurts me?" Mahinahon niyang tanong kaya napatitig ako sa kaniya, nakagat ko ang ibabang labi sa kaba.

"S-Syempre, s-sugat 'yan."

"It doesn't," he seriously stated.

"It doesn't hurt me, because it's just a cut but it's satisfying seeing your own blood dripping slowly right?" Nangunot ang noo ko dinidiinan pa rin ang hiniwa niya upang mabilis na magtigil ang pagdugo.

"What hurts is if you really value something, and someone hurts it. It's just because they don't see the same value in that thing, that hurts." Nangunot ang noo ko sa explanation niya.

His eyes darkened, glancing at my visible bruises and cuts. "I hate those, Terry was supposed to protect you Miran." Mariing sabi niya.

"Tapos ngayon babalik ka sa akin, humihingi ka ng tulong ganiyan yung makikita ko?" Parang nahihirapan niyang sabihin ang mga 'yon dahil parang bawat bitaw niya sa mga salita ay hindi niya alam kung papaano sasabihin 'yon ng hindi siya nasasaktan.

"Kung pinili mo ako agad, hinding hindi mo mararanasan 'yan." Tumayo siya at dahil doon ay nahabol ko ang hiniwa niya dahil dinidiinan ko 'yon.

"Huwag ka magalaw," mahinang sabi ko.

"Okay lang." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko pilit inaalis ang pagkakahawak doon sa tinatakpan kong sugat niya.

"Miran, okay lang." Napatitig ako sa kaniya, bigla ay gusto kong maiyak sa pagpigil niya sa akin na hawakan 'yon.

"Okay lang, kaya ko yung sarili ko." Mahinang sabi niya at nang maalis ang kamay ko ay tinignan niya ang kamay ay tsaka siya ngumiwi.

Pumunta siya sa banyo, napahid ko naman ang luha sa pisngi at tsaka ako huminga ng malalim.

Pagkalabas niya ay tahimik lang akong naupo, "What do you plan to do?" Kwestyon niya sa akin, naupo siya sa harapan ko magkahawak ang palad.

"Tell Yuno about what really happened to Alyssa." Sagot ko, "And?" He asked, "A-And d-do what is right?" Nangunot ang noo niya at pinagkrus ang mga braso.

"Aren't you cold?" Bigla ay nayuko ko ang sariling katawan, lumunok ako at huminga ng malalim.

"G-Giniginaw," sagot ko.

Tumayo siya at umakyat sa itaas, pagkababa niya ay tumalikod na lang ako sa kaniya at sinuot yung longsleeve na binigay niya.

Ang laki, para tuloy akong naka-dress. "Is your clothes really this big?"

"I am tall, I have no choice." Lumunok ako muli, naupo lang ako at tsaka niya naman binuksan ang tv.

"Stay here, sa taas na ako." Malamig niyang sabi at umakyat na sa itaas, ang ganda talaga ng condo niya.

Kinuha ko naman ang unan tsaka ako sumandal at tumitig sa tv na nasa harapan ko, kalaunan ay naramdaman ko ang antok hanggang sa nagising na lang ako dahil sa nararamdaman ko ang hot compress na nasa balikat ko dahilan para magmulat ako.

Dahan dahan akong naupo, naniningkit ang mata. Napansin ko naman na nakadikit sa balikat ko ang hot compress kaya nahawakan ko 'yon.

"Are you still mad at her?" Naningkit ang mata kong sinulyapan ang nasa dining area.

"Who?" Laze's voice was low, "Hakuna Miran," Yuno answered, which made me stretch my legs.

"Don't ask me about her," sagot ni Laze kaya naman dahan dahan akong tumayo ay ng malapit ay hinila ko ang upuan sa gilid nila.

"Kanina ka pa gising?" Tanong ni Yuno.

"Sinabi mo na?" Tanong ko kay Laze, "Ang alin?" Singit ni Yuno kaya ngumiwi ako.

"Bakit hindi pa?" Nagkibit balikat naman si Laze.

"Ikaw na magsabi," Laze commanded and crossed his arms, inaantok ko naman siyang nginusuan.

"Kayo na ule?" Kwestyon ni Yuno na ikinalaki mg mata ko.

"Hindi naman naging kami, anong ule?" Kwestyon ko.

"Ay hindi? Talaga ba. Hiyang hiya naman yung mga labi niyo sa relasyon na meron kayo kung ganoon?" Nanlaki ang mata ko at inis na tumayo.

"If I were to pick, I'd rather want Sha than Laze." Inis na sabi ko pa.

"Luh, tanga. Iisa 'yon," inis kong hinampas si Yuno sa braso na ikinangiwi niya.

"So you're saying you liked Sha, and you loved Laze?" Napatitig ako kay Yuno sa sinabi niya, "I-I didn't say that." Paglilinaw ko.

"Let me clear your thoughts, she didn't like or love me at all. Okay?" Tumayo si Laze at tinitigan ako, sinulyapan niya si Yuno. "Because if she did, I would not be broken as I was," he continued his sentence which made me shut my mouth.

"Ouch," bulong ni Yuno sa akin nang-aasar.

Dahil nandito na si Yuno ay sinabi ko na sa kaniya at sobra siyang nabigla. Tila hindi ko alam ang gagawin ko dahil mag-iisang oras na siyang tulala mula ng ma-kwento ko at maparinig sa kaniya ang usapan ng mag-ina.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta, kalaunan ay nakita ko na lumapit si Laze kay Yuno at nagbaba siya ng in can beer sa harap ng mesa.

"Oh, let's drink." Anyaya ni Laze kaya lumapit ako at kumuha ng isa ngunit mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan ko.

"Kami lang-"

"I need it too," mahinang sabi ko.

Huminga siya ng malalim at binitiwan 'yon dahilan para samahan ko sila sa mesa. "Pag sumuka kayo, ipapatapon ko kayo sa labas." Hindi na ako umimik ay tsaka uminom na lang.

Hanggang sa mapansin ko na nakailan ako ay nararamdaman ko na ang tama no'n sa akin, ngunit silang dalawa ay wala lang. Kalmado pa rin, yumuko ako sa mesa at tsaka gumilid at sumandal sa braso ko.

Nakaharap kay Laze, natigilan naman siya nang mapansin ako. Blangko akong tinitigan ng abo niyang mata ngunit tinitigan at pinag-aralan ko ang mukha niya.

Pinaglapat niya lang ang labi ngunit lumabas kaagad ang dimple niya. "What?" He asked, pabulong.

Pumikit ako at mga ilang segundo 'yon bago ako muli nagmulat at tinitigan siya. "Why do you keep on staring?" He asked.

"Baka lasing na 'yan Laze," sagot ni Yuno kaya ngumuso ako.

"Hindi ako lasing." Paglilinaw ko.

Napailing si Laze at tsaka niya inagaw ang iniinom ko kaya nagsalubong ang kilay ko, "Akin 'yan." Inis na sabi ko.

"Really? Is your name on it?" Sumbat ni Laze kaya tumaas ang kilay ko, ang abo niyang mata ay bahagyang lumalaki ang itim sa gitna.

"No, but my lip marks are there." Turo ko pa sa pinag-iinuman, tinignan niya 'yon tsaka siya ngumiwi.

"Tama na, ayoko ng may sobrang nalalasing. Beer lang 'to." Ngumiwi ako at inagaw 'yon, nang mahawakan ay ininom ko 'yon.

"Hindi ka naman sanay uminom, kaya tatamaan ka sa ilang lata niyan." Ngumiwi ako kay Yuno.

"Help me find Terry, Yuno." Natigilan siya sa sinabi ko, huminga ako ng malalim ng mag-alala at ma-konsensya.

"Bakit pa? Hindi naman siya bata?" Tanong niya pabalik, "It feels like he's really leaving for real when we last talked." I explained and frowned.

"Are you worried?" Tumango ako bilang sagot.

"I'm afraid he might do the same thing his brother did, h-he's already nice." I stated and opened a new can and drank it.

"Baka naman nahuhulog ka na doon Miran? May gusto ka na ba doon?" Natitigan ko si Yuno, tapos nalingon ko si Laze na nakatitig lang sa akin at tila naghihintay ng sagot hanggang sa tumayo siya.

"Saan ka?" Tanong ni Yuno.

"Bathroom," sagot ni Laze at tinalikuran kami.

"Gusto ko siya," I pointed Laze and pouted, bahagya pang natigilan si Laze sa paglalakad kaya naman napalunok ako nakita ba niyang itinuro ko siya?

"Mahal ko siya," nanatili akong nakaturo sa likod ni Laze na naglakad na muli.

"Then fight for it, Hakuna Miran. Ikaw naman," sagot ni Yuno kaya ibinaba ko na ang kamay ko at nasapo ang noo ko.

"A-Ayaw niya na," mahinang sagot ko at yumuko sa mesa.

"Maraming beses na ayaw mo na, pero hindi siya tumigil Miran. It's time to return the favor," wika ni Yuno.

"Si Laze na bahala sa aftermaths." Ngumuso ako at tsaka tumulala na lang sa kung nasaan si Laze, ng lumabas siya ng banyo ay mukhang naghilamos din siya dahil may maliit na face towel siyang dala at tsaka siya naupo sa harapan namin.

"Tinatamaan ka na?" Tanong ni Yuno.

"No." Matipid niyang sagot.

Nilingon ko muli si Laze habang nakasandal ang pisngi ko sa braso ko na nakadantay sa mesa. Natigilan siya at tinignan ako, "W-What?" Pasungit niyang tanong.

Itinaas ko ang kamay ko, bahagya pa siyang napaatras ng abutin ko ang mukha niya at hawakan ang pisngi niya. Ngumiwi siya at inawat ang kamay ko.

"Hakuna Miran, stop." Mahinahon niyang sabi at ibinaba ang kamay ko pero hinawakan ko ang kamay niya dahilan para magtaka siya.

"I don't hold someone's hand, who's wearing a wedding ring." Masungit na sabi niya kaya napaupo ako ng maayos at tinignan ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim at inalis ang sing sing na ikinatigil nilang dalawa, inilahad ko ang kamay pero nadismaya lang si Laze. "What are you doing?" Napipikon niyang tanong.

"Sabi mo hindi ka humahawak ng kamay ng may suo-"

"Hakuna Miran." Tumayo siya at seryoso akong tinitigan.

"You're a married woman-"

"Soon to be a divorced woman," pagsasabi ko sa kaniya. Napalunok siya at natitigan ako, "I don't care." Mariing sagot niya at tsaka siya naupo muli at umiwas tingin.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro