Chapter 70
Chapter 70:
Hakuna Miran's Point of View.
Nagising akong masakit ang ulo, kaya naman bumangon ako at naramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko sa tuhod. Sobrang sakit talaga mabubog, 'yong tipong ayaw mo ng maulit.
Tumayo ako at tsaka lumabas ng kwarto, napanguso ako ng makita na nanonood silang lahat sa sala. Si Laze ay prente ring nakaupo katabi si Bullet, lumakad ako papalapit at pasalampak na naupo sa tabi ni Crizel.
Nalingon niya ako kaagad ng magdikit ang balat namin, "Init mo ah." Mahinang sabi niya at hinipo ang noo ko, kaya naman sumandal ako sa balikat niya at tumitig sa pinanonood nila.
"Squid Game?" Mahinang tanong ko tinuturo ang panood.
"Oo, episode 3." Tumango ako, tumayo naman si Crizel dahilan para napaayos ako ng upo. Bahagya ay giniginaw ako, ngunit ayokong abalahin ang mga kasama.
"Wala akong jacket, meron ka ba? kunin ko." Umiling ako kay Crizel.
"Okay na 'to, naka-longsleeve naman ako." Mahinang sabi ko, naupo si Crizel sa tabi ko at tinignan kung mas mainit ako o parehas lang kami habang hawak rin ang noo niya.
"Hindi ko malaman laman," ngiwing sabi niya kaya natawa ako at tsaka nanood na lang.
Nang tumayo si Laze ay pilit ko siyang hindi pinanood ngunit agaw pansin siya sa suot niyang jogging pants na mas mahaba sa ankle niya may linya 'yon na puti sa gilid at ang suot niyang manipis na shirt.
Nanatili ang aso niyang si Bullet sa kinauupuan ni Laze, mukhang pumasok si Laze sa kwarto niya kaya sumandal ako sa balikat ni Crizel.
Ang lamig sobra, kahit walang fan rito sa sala ay sobrang laki ng aircon na sakop hanggang sa kusina at dining.
Yung nakatayo na aircon, parang sa mall. Papikit pikit akong nanonood not until may palad na humipo sa noo ko dahilan para matigilan ako dahil sa amoy pa lang niya at amoy ng kamay niya ay alam ko na kung sino ito.
Ilang segundo 'yon, nang alisin niya ay lumunok ako ng ipatong niya sa balikat ko ang isang makapal na jacket dahilan para matulala ako at ganoon rin si Crizel.
"Is your husband not going to pick you up?" Laze stated and crossed his arms while staring at me, iniyakap ko naman sa akin ang jacket niya tsaka ako nagkibit balikat.
"Baka nasa work pa," mahinang sabi ko.
"Didn't they give you pain relievers or antibiotics?" Natigilan ako sa tanong niya, "They did, nasa kwarto ko. Wai—"
"Ako na," Crizel insisted.
I instructed her where she could find it and pagbalik niya may dala na din siyang tubig at pinainom 'yon sa akin.
"Thank you sa jacket," hindi kumibo si Laze at bumalik na lamang sa kinauupuan niya kanina.
Nang dumating sa episode 4 ay awtomatikong nanlaki ang mata ko ng may SPG scenes, umiwas tingin ako ngunit pagka-iwas tingin ko ay sabay na nagtama ang mata namin ni Laze pagka-iwas tingin niya.
Tila nag-init ang pisngi ko kaya yumuko na lang ako habang yakap ang jacket at tsaka pumikit, nawa'y matapos na.
Ngunit sa matagal na pagpikit ko ay naramdaman ko ang bigat ng talukap ng mga mata kung kaya't nanatili ako sa puwesto.
Nagmulat ako ngunit nasilaw ako sa sinag ng araw, at natigilan ako ng nasa kama ko na ako.
Bumangon ako at hindi naman na ganoon kasakit ang paa ko, ngunit pagkalabas ko ay nakita ko si Terry at ang lolo at lola niya. Napalunok ako ngunit bahagya akong pinanlakihan ng mata ni Terry at lumapit siya sa akin.
Pagkabeso niya ay may ibinulong siya. "You good?" Tumango naman ako at naki-upo sa sala.
"Okay ka lang ba hija? May lagnat ka raw dahil sa sugat mo. Kumusta?" Matipid akong ngumiti.
"Okay lang po, okay na po." Maayos kong sabi, huminga ito ng malalim at tumango.
"Kaya pala hindi kayo nakauwi kagabi, sobrang taas raw ng lagnat mo." Matipid lang akong ngumiti.
"Rest assured naman po, nandito akong pinsan niya." Singit ni Crizel.
"'Di ba Terry?" Pinanlakihan ng mata ni Crizel si Terry, tumango na lang si Terry at hindi alam kung matatawa.
Few days later, medyo gumaling na ang sugat ko ngunit derederetso pa rin sa pangkakanti ang mag-ina at hindi naman sa pumapayag ako but they're using force and using a man to tie me up whenever Terry is at work.
And to be honest, it's tiring.
I just need some time, few more months. Nakahiga lang ako sa bed ng biglang pumasok si Terry, "May sakit ka?" Lumakad siya papalapit sa akin at hinipo ang noo ko.
"Wala." Sagot ko.
"May masakit sa'yo?" Naupo siya sa gilid ng kama at niluwagan ang necktie niya.
"Wala, inaantok lang ako. Anemic 'yata." Pagsisinungaling ko.
"Pa-check up tayo gusto mo?" Nag-aalalang tanong niya kaya umiling ako, "Okay lang ako. Maligo ka na ng makapahinga ka na," wika ko.
"Osige," pinatay niya na ang ilaw at tanging lamp shade na lang ang nakasindi.
Sumunod na linggo ay hindi kami gaano nagkita ni Laze dahil madalas yata siya sa Palawan, hindi ko rin alam baka bakasyon? Papalabas pa lang ako ng kwarto ngunit may humigit kaagad sa buhok ko.
"I was waiting for you to come out." Huminga ako ng malalim at nilingon ang mommy ni Terry na may hawak ng buhok ko.
"I was going to meet my parents po." Mahinahon na sabi ko.
"I don't care, tell them you can't come." At dahil doon ay wala na akong nagawa ng dalhin niya ako sa basement ng bahay nila.
And as I don't have the mood, I fight back. I grabbed Tina's hair and pulled it hard but then her mom slapped me harder on my face that made me lose my balance.
Sumalampak ako sa sahig, "Hindi ba kayo napapagod?" Inis na tanong ko.
"Kung saktan mo ako parang wala kang anak na babae ah!" Masamang loob na sabi ko, pinilit kong tumayo at sa sunod na sampal niya ay sinalo ko ang pulsuhan niya.
"Anong gusto mong mangyari? Magpakamatay rin ako?" Natigilan siya sa sinabi ko.
"O gusto niyo akong patayin? Bakit? Dahil ano?" Tumaas ang kilay ni Tina.
"Huwag mo kaming takutin na magpapakamatay ka!" Sigaw ng mama ni Terry.
"Bakit?" Kwestyon ko, "May kinalaman ba 'to kay Alyssa?" Halos masapo ko ang pisngi ng malakas ako nitong sampalin.
"I wonder what you do to make her kill herself," mariing sabi ko.
"Shut up!" Sigaw nito at galit na galit na sinabunutan ako at pinagsasampal ngunit halos matigilan silang dalawa ng malakas na bumukas ang pinto.
"M-Miran." Nalingon ko si Terry na gulat na gulat at nag-aalalang tinignan ako.
"A-Anak," gulat na sambit ng mommy ni Terry.
"B-Bakit ang aga mo bumalik—"
"What did I just catch mom?" Lumapit si Terry sa akin at napalunok ako ng buhatin niya ako na tila bagong kasal.
"Ihahatid ko lang si Miran sa kwarto, mag-uusap tayo." Mariing sabi ni Terry at tsaka ako binuhat.
Nang nasa kwarto niya na ay nasapo niya ang sariling mukha. "Kailan pa nila ginagawa 'yon?" Tanong niya.
"Nga—"
"Miran, yung totoo." Huminga ako ng malalim.
"Mula ng maikasal tayo." Sagot ko, dahil doon ay huminga siya ng malalim. Nanlulumo, "Bakit hindi ka nagsabi? Bakit hindi mo isinumbong Miran? Ipagtatanggol naman kita." Napaiwas tingin ako.
"M-Magulang mo 'yon at kapatid—"
"Wala akong pakialam, kasal tayo. Kargado kita, yung kaligtasan mo Miran. Ano ka ba naman," natigilan ako ng hawakan niya ang mukha ko.
Bumuntong hininga siya, "Babalikan kita. Kakausapin ko lang sila," mahinahon na sabi niya at tsaka niya niluwagan ang necktie niya at lumabas.
Pasimple akong sumunod, nakita ko naman ang mabilis na pagpapaliwanag at dahilan ng dalawang mag-ina.
"I already heard everything behind that door, ma. Huwag na kayo magsinungaling, bakit niyo ginagawa 'yon sa asawa ko?" Malakas na tanong ni Terry sa dalawa.
"Ano't kumakampi ka doon? Ginagamit ka lang naman no'n anak!" Sumbat ng mommy ni Terry.
"Hindi ko kayo maintindihan mom, we're arranged to get married. Asawa ko na si Miran, ano mang intensyon niya sa pamilya na 'to ginusto niyo 'yon!" Bahagya akong napapikit sa gulat ng basagin ni Terry ang vase na nakaibabaw sa mesa.
"Una pa lang, kayo na mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala kami. Kung siya man ang sisira sa pamilya natin wala na nga akong pakialam kasi kasalanan niyo!" Nakokonsensya akong huminga ng malalim.
"Ngayon, hindi ko na alam kung nagpakamatay ba talaga si Alyssa. O kayo mismo ang pumatay sa kaniya, kasi nakikita ko kung papaano niyo saktan ang asawa ko." Dinuro ni Terry ang dalawa.
"Kayo din mismo ang pumatay kay kuya—"
"Ginawa namin 'yon dahil pera ang habol nila! Pinoprotektahan ko lang ang pamilya natin!" Sigaw ng mommy ni Terry dahilan para matakpan ko ang bibig.
"Piniprotektahan?!" Terry yelled.
"Mom, both of you are the one who's ruining our family! Pinapasok niyo sila sa buhay natin ang lakas ng loob niyong sisihin sila!" Nasampal si Terry matapos niyang sabihin 'yon.
"Wala kang karapatan bastusin ako Terry! Ginusto mo si Miran ipasok sa pamilya na 'to!" Sigaw ng nanay niya.
"But I never wanted to make her suffer, I never wanted to make her feel this way! Mom, she hates me because I am like this and it's because of you." Huminga ako ng malalim.
"Pag nakita ko pang sinaktan niyo si Mir—"
"Ano magpapakamatay ka tulad ng kuya mo?! Dahil sa babae?!"
"No, but you just gave me an idea. So maybe I will?" Natulala ako sa sagot niya.
"Terry ano ba!?"
"Our family sucks, aalis na ako sa pamamahay na 'to." Mabilis akong bumalik sa kwarto ni Terry at nang pumasok siya ay pinanood ko siyang kunin ang maleta.
"Aalis ka?" Tanong ko.
"Hmm, aalis tayo." Sagot niya.
"Saan?" Kinakabahan na tanong ko.
"Hindi ko alam Miran, ihahatid kita sa rest house. Doon ka muna, p-pag magkalapit tayo mapapahamak ka lang." Napatitig ako sa kaniya.
"Hindi mo kasalanan Terry," mahinahon na sabi ko.
"Hindi kita sinisisi. Walang may kasalanan nito kundi ako dahil nagdesisyon ako na pakasalan ka." Huminto si Terry sa pag-aayos ng gamit.
"And I failed to protect you, partly my fault because it's their doing Hakuna Miran. I'm also the one to blame," huminga ako ng malalim.
"Don't think that I loathe you because I don't, natutuwa ako sa pagbabago mo." Panay ang pagbuntong hininga niya hanggang sa maupo siya sa gilid at masapo ang mukha.
"Sana hinayaan na lang kita kay Laze, Miran." Nang maluha siya ay napaiwas tingin ako.
"N-Nagsisisi akong natuwa ako dahil pinili mo 'kong pakasalan pero ngayon hindi na, natatakot lang ako na baka matulad ka kay Alyssa." He covered his mouth to stop himself from sobbing.
"Gusto kita eh, kaya lahat ng pagkakataon kinukuha ko pero hindi pala masaya." Lumapit ako at naupo sa tabi niya.
"Hindi ko rin malunok na ako yung nandito pero alam ko naman na si Laze ang gusto mo kaya wala akong magawa kundi lokohin ang sarili kong tanggap ko yung sitwasyon kahit na masakit sa dibdib." Mapahid ko ang luha.
"Huwag kang mag-alala, Miran. Ihahatid kita sa rest house, huwag mong tatanggapin ang kahit anong imbita nila. Hintayin mo akong bumalik." Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Terry baka—"
"Babalik ako," mahinang sabi niya.
Pagkatapos no'n ay umalis na kami at ang totoo ay humabol pa ang mama niya, pero naging tahimik kami sa sasakyan niya.
"A-Ask Laze to give you first aid, okay?" Natulala ako sa sinabi niya.
"B-Bakit si Laze?" Sambit ko.
"Ask him to take you back," natulala ako sa mukha ni Terry.
"I-I'll find a way to help your company out, without needing them. Pagkabalik ko pag maayos na ang kumpanya niyo, i-ibabalik na kita kay Laze." Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil nasasaktan ako sa sinasabi niya hindi dahil sa akin.
Kundi dahil sa kung gaano niya sabihin 'yon ay mararamdaman mo na nasasaktan siya. Nang nasa rest house na ay binuksan niya ang sasakyan at tsaka niya kinuha ang maleta ko.
"S-Sige na," mahinang sabi niya at bahagyang umiwas tingin ng hindi niya mapigilang maluha.
"M-Mag-iingat ka kung saan ka man pupunta, at h-huwag kang papa-impluwensya sa masama." Paalala ko, matipid siyang ngumiti at natigilan ako ng hawakan niya ang pisngi ko.
Nalulungkot ang mga tingin, "Minahal kita ng mga sandali," mahinang sabi niya. "Mahal pa rin kita, pero hindi ko hahayaang masira ka dahil sa akin." Napakurap ako ng mahawa sa pagluha niya.
"Kaya pumunta ka sa kung saan ka masaya, h-huwag mo ng isipin yung kumpanya o ano man. Isipin mo yung ikakasaya mo." Sunod sunod na tumulo ang luha ko sa sinasabi niya.
"Sorry kung huli na nang maintindihan ko na mali ako, sana matawad mo pa ako sa mga nagawa ko sa'yo." Tumango ako ng maraming beses.
"B-Bakit parang nagpapaalam ka n-na? P-Pag hindi ka bumalik at nagpakitang buhay sa akin. S-Sisisihin ko ang sarili ko—"
"B-Babalik ako, I promise." Humikbi ako.
"Can you give me a hug?" He asked, so I hugged him and cried myself on his chest.
"S-Sorry kung h-hindi kita kayang mahalin." Mahinang sabi ko.
"I know," sagot niya.
"Go ahead, I will always remember that you became my wife even though you hated me.." Napapikit ako ng halikan niya ang noo ko at nagtagal 'yon.
Lumayo na siya at tsaka sumakay sa sasakyan niya, sandali akong natulala sa pag-alis ng sasakyan niya hanggang sa pumasok na ako sa rest house.
Pagkapasok ko ay naabutan ko na nakaupo si Laze sa harapan ng TV at may hawak siyang pang sukat, his legs were wide open and his elbows were resting on his left knee seems like observing..
Maingat akong pumasok sa kwarto ko napansin ko na bahagya niya akong sinulyapan ngunit hindi niya itinuloy, paano ko sasabihin kay Laze?
Papaano ko sasabihin yung sinabi ni Terry?
Pagkapasok sa kwarto ko ay naupo ako sa kama, tinignan ko ang mga sugat at pasa na nakatago sa katawan ko. Kahit pa may sando ako sa loob ng longsleeve ko ay sadyang hindi na maitago ang iba.
Nasapo ko ang buong mukha, nang dahan dahan kong maunawaan ang sinabi ni Terry, na kung sinabi ko pala sa kaniya ay hindi aabot sa ganito.
Siguro ay wala akong tiwala sa kaniya na pipiliin niya pa din ako kesa sa pamilya niya. Dahil ako nga ay pinili ko ang pamilya ko at hindi si Laze..
Nang may kumatok sa pinto ko ay napaayos ako ng sarili at tsaka ko binuksan ang pinto, ngunit natigilan ako ng makita si Laze na ang cellphone ay nasa tenga.
"She's here, she also looks fine to me." Nangunot ang noo ko ng may kausap siya sa cellphone, sino 'yon?
"Get here and check her then, I don't care." Maayos niyang sabi at tsaka tinalikuran na ako, 'yon lang ginawa niya?
Natanaw ko siya ngunit ng lingunin niya ako ay umiwas tingin lang siya at tsaka bumalik na sa ginagawa niya kaya pumasok na ako ule.
Sandali akong umidlip ngunit nagising ako ng marinig ang dalawang lalake na nag-uusap, "I didn't wanna intrude 'cause I knew that I didn't have all the facts." Nangunot ang noo ko at sumilip sa pinto.
It was Laze and Yuno.
"You know what's the saddest part of Alyssa's death?" Mahinahon na sabi ni Yuno, at nang maalala ko ang nalaman ay gusto kong sabihin 'yon sa kaniya.
"What?" Kwestyon ni Laze.
"After she left me, I knew that she fell for Terry's brother." Natulala ako kay Yuno sa sinabi niya.
"I knew that she liked him already, but she couldn't tell me because I loved her very much. So if you like Hakuna Miran, go and get her already—"
"I'm not the stupidest person on earth, Yuno. Miran already picks whom she wants to and I'm not that person so there is no use to force myself." Sa sinabi niya ay dahan dahan akong lumabas ng pinto.
"She already broke me, there is no turning back. It's tiring loving someone who can't even pick you up on little things." Laze stated and sighed.
"Hindi ako tulad mo, siguro ay sapat na ang limang taon na minahal ko siya at kahit papaano ay ramdam kong wala na lang sa akin ang mga ginagawa niya dahil sobra na akong nasaktan." Nakagat ko ang ibabang labi sa seryosong sinabi ni Laze.
Nakatalikod sila sa gawi ko, "Kahit nga yata maghalikan sila sa harap ko ay wala na lang, dahil sobrang sakit na ng parte na pinakasalan niya ang iba sa ano mang dahilan." Huminga ako ng malalim ng magdulot ang mga sinasabi niya ng kirot sa dibdib ko.
"So stop making me fight for her, because before I stopped. I am sure I asked her a lot of times, I chose her a lot of times.." Laze stopped for a second, "I fought a lot of times, Yuno." Naiiyak kong iniiwas ang tingin.
Knowing already that I don't deserve him for what I did so how I'm gonna take him back?
"Don't you love her anymore?" Sa tanong ni Yuno ay kinabahan ako.
"I don't know it anymore," ang mahinang tawa ni Laze ay mas dumagdag sa sakit sa dibdib ko. "I didn't hesitate to answer that before, but right now I don't know." Nang tumulo ang luha ko ay alam kong sarili ko ang dapat sisihin.
"You know that our family are rivals right, Yuno? Because you're Japanese and I have Korean blood. It's not the same as the Chinese tradition but," Laze cleared his throat, "But I fought our underground for her, how awful."
"Really?" Yuno asked.
"Hmm, so I got her a necklace gaved by my mom. But it was all ruined since she already married once, and I can't marry her anymore." Natigilan si Yuno sa sinabi ni Laze.
"Shit, oo nga pala." Hindi ko sila naiintindihang dalawa.
"You can't marry a woman who was married once, fuck I just remembered." Sa sinabi ni Yuno ay hindi ko alam kung anong batas 'yon pero kung ganoon bawal na kami ni Laze?
What did I just do?
Why won't he marry a woman who already got married once? Is that a tradition?
///
@/n: Any thoughts? ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro